Left in the Dark (Savage Beas...

By Maria_CarCat

6.8M 239K 80.8K

In darkness, I found peace More

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Special Chapter 2

117K 4.1K 1.5K
By Maria_CarCat

Final feliz




Matalim ang tingin ko sa aking laptop, pilit kong minanadali ang trabaho para matapos kaagad. Sa tuwing nasa rice mill factory ako ay halos maiwan naman ang kalahati ng isip ko sa bahay, sa mag-ina ko. Gusto ko sila palaging kasama, gusto kong nakikita ko sila, hindi sapat ang mga litarto na nakalagay sa itaas ng lamesa ko.

Kung pwede lang dalhin sa bahay ang lahat ng trabaho ay ginawa ko na. Pero pag nasa bahay naman, gusto kong nasa kanilang dalawa lang ang buong atensyon ko. 

Wag na lang mag trabaho, Eroz!

Nag angat ako ng tingin ng may marinig akong pagkatok. Napangiti kaagad ako ng malaman ko kung sino iyon.

"Ang sweet talaga ni Ma'm Gertie" rinig kong pangaasar ni Junie dito mula sa labas.

"You're so maingay talaga, Junie. Isusumbong kita kay Ate Ericka!" laban niya. Hindi din magpapatalo.

The moment they both enter the room, binitawan ko lahat. Inalis ko ang isip ko sa trabahong ginagawa ko. I want them to have all of me, sila muna bago ang iba. Pwede ko naman gawin iyon mamaya pag tulog silang dalawa, habang binabantayan ko sila.

"Tito Junie is so maingay talaga, Love. At mangaaway din sometimes..." kwento niya kay Gianneri. Sumagot ang anak namin na akala mo naman ay nagkakaintindihan talaga silang dalawa.

Hindi mawala ang ngiti ko habang hinihintay silang lumapit sa akin, para silang may sariling mundo. I want to be part of it, and I'm proud to say that I'm part of it. Na kahit hindi ko sila maintindihan minsan, sa tuwing nakikita ko si Gertie na may binubulong kay Gianneri, natatawa na lang talaga ako. I so love them. Mahal na mahal ko sila.

"Let's see kung anong meron dito" sabi ni Gertie at dumiretso sila sa ref na ipinalagay ko para sa kanilang dalawa.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang pinapanuod ko silang mamili ng mga inumin na si Gertie din ang namili. Ang iba daw ay para kay Gianneri, pero hindi pa naman pwede ng ganon ang anak namin.

"So where's my kiss?" pagpaparinig ko sa kanilang dalawa.

Hindi pa din nila ako pinansin, abala pa din sa pagtingin sa laman ng ref.

"Love, Gianneri" pagtawag ko dito.

Dahil sa ginawa ko ay nakita ko kaagad ang excitement sa mga galaw niya. Sa tuwing umuuwi ako mula sa trabaho at naririnig niya ang boses ko ay nagiingay kaagad ito.

"Sayang you can't drink pa some chocolate drinks" panghihinayang ni Gertie sa anak namin.

Dala ang chocolate drink na pinili niya ay lumapit silang dalawa sa akin. Hindi na ako nakatiis, nang makalapit ng tuluyan ay hinila ko na silang dalawa palapit sa akin.

"Ang atat naman ni Daddy" natatawang sabi ni Gertie kay Gianneri kaya naman natawa ako.

"I miss you" sambit ko habang mahigpit ko silang niyakap na dalawa.

"Miss ka na din namin, that's why we're here" laban pa din niya. Hindi talaga magpapatalo, hinayaan ko na lang. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanilang dalawa.

Kinuha ko si Gianneri sa kanya, sa kanang kamay ay hawak ko ang anak namin, habang ang kaliwang kamay ko ay nanatiling nakayakap sa bewang ni Gertie. Inaasar ako ni Piero na nagaalaga ng dalawang bata, ang tarantadong yon!

"Para ito sayo, you should drink chocolate sometimes. Sweets can boost your energy para hindi ka grumpy sa work" sabi niya sa akin habang iniaabot ang chocolate drink na pinili niya kanina.

Hinalikan ko siya sa may bandang tenga, nakita iyon ni Gianneri kaya nag-ingay siya. Natawa kami ni Gertie kaya naman hinalikan ko sa pisngi ang anak namin.

"I'm not grumpy" laban ko sa kanya.

Humaba nanaman ang nguso niya. "Ang sungit mo, nakita ko kanina ang sama ng tingin mo sa laptop" sabi niya na mas lalo kong ikinatawa. Akala ko kanina hindi talaga nila ako pinansin, nakita pa pala niya iyon. She is so observant when it comes to me. Kahit noo pa, alam ko dahil lahat naman ng nakikita niya, she voice it out.

Bago pa man ako makasagot ay nakarinig na kami ng pagkatok. Sumama ang tingin ko sa pinto at sa ulo ni Junie na lumawit mula doon.

"Ma'm Gertie, nandito na po mag-ina ko" proud na sabi nito.

Kumunot ang noo ko, lalo ng kaagad na kinuha ni Gertie si Gianneri sa akin.

"Saan kayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Pupuntahan namin ang bagong friend ni Gianneri na si Jacobus" excited na sabi nito kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"Gertrude" madiing tawag ko sa kanya.

"Why?" inosenteng tanong niya sa akin. Nanghina ako dahil doon.

"Masyado pang bata ang anak natin para makipagkaibigan" giit ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, nakatayo na siya sa harapan ko habang karga si Gianneri, hindi na talaga magpapapigil.

"Friends lang Daddy Eroz, you are so malisyoso" pangaasar niya sa akin kaya naman napapikit ako ng mariin. Napahilot ako sa aking sintido.

"Gertie..." tawag ko sa kanya ng nagdirediretso sila palabas ng aking office. They seem so excited, pati ang anak ko. Mukhang maaga kong proproblemahin ang mga kaibigan ni Gianneri.

"Drink your chocolate drink, Eroz" she said bago tuluyang sumara ang pintuan at iniwan nila akong dalawa.

Pagod akong napasandal sa aking swivel chair. I want them only for me, pero hindi ganoon ang totoong pag mamahal, naiintindihan ko kung bakit sa maagang edad ay gusto ni Gertie na magkaroon ng kaibigan ang anak namin. 

Pero wag muna lalaki, damn it!

Dahan dahang lumipad ang utak ko patungo sa nakaraan habang nakapikit at dinadama ko ang dilim.

"Sigurado ka na ba dito, Eroz?" tanong ni Mang Henry sa akin.

Ibibenta ko ang buong factory sa kanya. Mas kaya kong mawala iyon sa akin, kesa naman si Gertrude ang mawala.

Hindi ako nakasagot, lumilipad pa din ang isip ko sa kung ano ang dapat kong gawin pagkatapos nito.

"Eroz" tawag ni Mang Henry sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat kaya naman bumalik ako sa wisyo.

"Pagisipan mo muna ulit"

Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking magkabilang palad. Hindi ko na alam, hindi ako makapagisip ng maayos.

"Matagal mong pinaghirapan ito. Pangarap mo ang ricemill factory na ito" paalala niya sa akin.

Marahan akong tumango. "Pero pangarap ko din po si Gertrude. Kaya kong mawala ang factory sa akin dahil alam kong sa mabuting kamay mapupunta, sa inyo. Pero si Gertie, pag nawala sa akin..."

Napabuntong hininga ako. "Pag si Gertie nawala sa akin...ayoko ko. Ayokong mapunta sa iba, ayokong may mag alagang iba. Gusto ko ako lang" laban ko.

Para akong masisiraan ng bait ng paguwi ko sa amin isang araw ay nakita kong ibinalik niya ang singsing na ibinigay ko sa kanya.

"I'm sorry about this, Eroz" si Daddy.

Gusto kong umiyak sa harapan niya. Gusto kong humingi ng tulong. Hindi alam ni Mommy ang mga nangyayari, pinilit namng itago ito sa kanya dahil na din sa kalagayan niya.

"Babalik ako sa companya, Dad. Ibebenta ko ang lahat, iiwan ko ang buhay dito" sabi ko.

Humigpit ang hawak niya sa aking balikat. Hindi na siya nakapagsalita pa, hinila niya ako at kaagad na niyakap.

"Susuportahan ka namin ng Mommy mo sa lahat ng magiging desisyon mo" paninigurado niya sa akin.

Pumunta ako sa kanila, kung kailangang lumuhod at mag makaawa ay gagawin ko. Kung para sa kanya, bakit hindi?

"Bakit? Sabi ko naman sa kanya, bibigyan ko siya ng space. Pero bakit makikipaghiwalay? Bakit binalik ang singsing?" tanong ko kay Yaya Esme.

Ni ang makipagusap sa akin ay ayaw niya. Gusto kong sumigaw, kahit harapin ako ay hindi magawa. Ano nanaman ba ang nagawa kong mali. Tangina!

Umiiyak si Yaya Esme habang kausap ako.

"Mahirap din ito para kay Gertie. Mahal na mahal ka ng alaga ko, alam mo yan Senyorito" sabi niya sa akin.

Tangina, mahal na mahal ko din siya!

"Mahal ko si Gertrude, Yaya Esme. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin ito sa amin. Bakit kailangan akong iwasan?" naghihinang tanong ko.

Pwede namang pagusapan, kung may kailangan namang gawin ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat. Kung kinakailangang lumuhod ako sa harapan ni Tito Keizer para lang ibalik niya sa akin si Gertie, kahit buong araw akong nakaluhod ay ayos lang.

Dinala ko si Chin chin, nagdala ako ng mga pagkain. Naghintay ako sa labas, buong araw akong nakaupo sa may garden nila sa pagasang lumabas siya at kausapin ako. Hanggang sa kumagat ang dilim, walang Gertie na nagpakita sa akin.

Nakakuyom ang aking kamao habang naglalakad palabas ng Villa de Montero, dala si Chin chin, dala ang mga pagkaing dinala ko para sa kanya.

Hanggang sa nagkaroon ako ng pag-asa ng tawagan niya ako.

"I'm sorry kung may nagawa akong mali. I'm sorry, Gertrude. Magusap tayo, pupuntahan kita...kausapin mo ako" pakiusap ko. Halos lumuhod ako kahit nasa kabilang linya, gusto ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makausap.

Nagkita kami, sinabi ko sa kanya ang lahat ng plano ko. Pero buo na ang desisyon niya para sa sarili niya. At naiintindihan ko iyon. Basta para sa kanya, kung saan siya sasaya. Mahal ko kaya susuportahan ko.

"I want freedom from the imprisonment of the idea ng pagmamahal na alam ko. I want to widen my understanding. I want to know more perspective. I want to help myself, Eroz" umiiyak na paliwanag niya sa akin.

It hurts me even more. I want to help her too, pero hindi niya kailangan ang tulong ko. Hindi niya ako kailangan.

"Hindi mo kasi alam na mahal na mahal kita kaya kahit anong hingin mo sa akin, ibibigay ko sayo. Kahit kalayaan mula sa akin..."

Kasalanan ko din naman, hindi ako naging vocal sa kanya. Malimit kong ipinapakita ang tunay na nararamdaman ko sa takot na maging kahinaan ko iyon para sa kanya. Pag alam kasi nilang mahal na mahal mo sila, gagamitin nila ang pagmamahal mong iyon para saktan ka.

Sinubukan kong tanggapin ang pag alis niya, pero hindi ko magawa. Hindi na ulit, ayoko ng maiwan ulit.

"Sigurado na ako Mang Henry" pagsuko ko.

Ibinenta ko ang factory sa kanya. Nang nagkapirmahan na ay kaagad kong tinakbo ang papunta sa kanila. Wala na ako sa tamang pagiisip para makapagplano pa.

Sinalubong ko ang van, aalis na talaga.

"Tito, sasama ako! Tito!" sigaw ko.

Panay ang hampas ko sa may bintana, halos malukot din ang hawak kong folder na magpapatunay na wala na sa akin ang factory. Sasama na lang ako, sasama ako kay Gertie. Ayoko ng maiwan ulit.

"Ano pang kailangan mo, Eroz? Hindi ba't nagusap na kayo ni Gertie?" tanong ni Tito Keizer sa akin ng huminto sila at pinagbuksan ako ng bintana.

Hindi ko pinansin si Tito, nasa kay Gertie ang buong atensyon ko.

"Gertie" tawag ko sa kanya.

Marahan siyang umiling sa akin ng sabihin kong ibinenta ko na ang factory. Ni ang tingnan ako ay hindi niya magawa. Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa aking mga mata, hinayaan kong mag mukha akong mahina sa harapan nila, wala na akong pakialam.

"Tito, balik niyo na sa akin si Gertie. Pagbubutihan ko, babalik ako sa companya" pakiusap ko sa kanya. Gagawin ko naman ang lahat, hindi ako mag rereklamo, hindi ako mapapagod.

Hindi na ulit ako mapapagod, kung habang buhay kong papatunayan ang sarili ko sa kanya. Gagawin ko.

"Siya ang tanungin mo" si Tito Keizer.

Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng sasakyan para sana abutin siya. Pero hindi niya ako hinayaang mahawakan siya. Kahit hawak ay hindi niya ibinigay sa akin.

"Gertie, tara na. Baby, tara na" gustuhin ko mang pumiyok habang sinasabi iyon ay pilit kong pinapatatag ang boses ko. I want to give her assurance na ang piliin ako ay hindi isang pagkakamali.

"Eroz, please..." pakiusap niya sa akin. Ramdam kong nahihirapan na din siya, pareho lang kaming nahihirapan.

"Nagdesisyon na si Gertie, Eroz" pinal na sabi ni Tito Keizer.

Hinampas ko ang sasakyan. "Tangina naman!" sigaw ko.

Tangina naman! Pagod na ako, pero hindi ko sasabihin, titiisin ko. Nasasaktan na ako, pero ayos lang. Ayos lang!

"Gertie naman" pakiusap ko sa kanya.

Nagawa ko pang habulin ang sasakyan nila hanggang sa napagod ang mga paa ko. Ang mga paa ko ang napagod sa paghabol, pero hindi ang buong ako.

Muli akong nagpakain sa dilim sa loob ng halos isang taon na wala siya sa akin. Ibinalik ni Mang Henry ang factory sa akin, kasabay noon ay ang pagplano sa pangalawang factory.

"Boss Eroz, uwian na" sabi ni Junie sa akin ng sadyain niya ako sa opisina.

Halos gawin ko ng bahay iyon, wala naman akong ibang uuwian. Ayoko sa kubo, kahit sa resthouse. Hindi naman kasi bahay ang gusto kong uwian, si Gertie. Kay Gertie ko gustong umuwi pagkatapos ng buong araw na trabaho. Kahit saan kami nakatira, basta siya ang uuwian ko, walang kaso sa akin.

"Mauna na kayo" sagot ko sa kanya.

"Miss ka na namin, Boss Eroz" si Junie.

Tsaka lang ako nakahinga ng maayos ng isara niya ang pinto. Muling tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata ng maalala kong kahit ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kailangan ko si Gertie, gusto kong kasama ko siya. Kaya kong harapin ang kahit ano basta ay nandito siya sa akin.

Tiniis kong wag magtanong tungkol sa kanya, baka sa oras na may malaman akong hindi ko magustuhan ay sugurin ko sila doon.

Hayaan mo, Eroz. Para naman iyon sa kanya. Kailangan niya iyon para sa sarili niya.

"Uuwi na sila Gertie, siya ang hahawak sa farm at plantation nila" anunsyo ni Daddy sa akin.

Halos mawala maging iyon sa kanila. Pero hindi ko hinayaan, alam kong importante iyon para sa kanya kaya naman importante din para sa akin.

Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kahit na sino. Inaamin kong kahit sa mga kaibigan sa trabaho ay lumayo din ako.

"Ang bali-balita ay may umuwing Montero. Baka yung batang Montero" si Mang Henry.

Muling tumalim ang tingin ko sa ilang mga documento na nasa aking harapan. Alam kong ilang araw na siyang nakauwi dito, pinigilan ko lang ang sarili ko na sumugod sa kanila at bawiin siya.

"Batang Montero? Sa pagkaka-alala ko, hindi na Montero ang batang iyon" laban ko.

Herrer si Gertie. Simula ng pumayag siyang magpakasal sa akin, parte na siya ng pamilya ko. Noon pa man ay parte na siya. Pero iba ngayon, gagawin ko siyang Herrer bilang asawa ko.

Nanginig ang kamay kong nakahawak sa mga documento ng pumasok siya, wala pang ilang minuto ay halos maghari na sa buong opisina ko ang amoy niya. I miss her so damn much, kung hindi lang dahil sa kakaunting pride na mayroon pa ako ay tinakbo ko na ang distansya naming dalawa at niyakap siya.

Luluhod kaagad ako sa harap niya dala ang dalawang singsing na para naman talaga sa kanya. Isa ang ibinigay ni Mommy at ang isa naman ay ang binili ko noong lumuwas ako ng Manila.

"Uhm. I'll go then" paalam niya sa akin. Ramdam kong nagulat siya ng sabihin ko sa kanyang sa secretary ko siya magtanong tungkol sa parte ng trabaho niya.

Nag angat ako ng tingin. Galit ako dahil iniwan niya ako. Pero nung makita ko kung paano siya tumingin sa akin, nung makita ko kung gaano kaamo ang mukha niya. Natunaw ang lahat ng iyon. Sa lahat ng nangyari, sa mga nagdaang taon...hindi ko kayang magalit sa kanya.

Masyado ko siyang mahal, hindi kayang maghari ng galit sa puso ko. Mahal ko si Gertie, tama nga si Piero, masyado akong baliw sa kanya. Wala akong pakialam kung iyon nga ang tawag doon.

"Kung may hindi ka naiintindihan...balikan mo ako" sabi ko. Hindi lang para sa trabaho kundi sa relasyon naming dalawa.

Tumango siya sa akin habang hindi din niya pinuputol ang tingin sa akin. At lumalaban na din talaga sa titigan ang isang ito.

"Dito lang ako...palagi" sabi ko pa. Nandito pa din ako, hindi naman ako umalis sa kung saan niya ako iniwan.

Sumama ang tingin ko sa dibdib niya ng makita kong nagiba iyon, mas lumaki. Kabisado ko ang katawan niya. Hindi iyon ganoon ng umalis siya, hindi ko maiwasang tingnan. Siguro ay panay ang workout niya sa US kaya lumaki ng ganoon.

Gertie is like my mirror, she reflects me. We reflect each other, we love the dark. Hindi naman pag sinabing dilim ay masama kaagad, may mga liwanag din namang hindi maganda.

I was born to be in the spotlight kung nanatili ako sa companya kasama ang mga pinsan ko. But I don't want it. I don't want the spotlight, I don't want to be known by many, gusto ko lang ng tahimik. Simpleng buhay habang ginagawa ang mga bagay na gusto ko. Simpleng buhay kasama ng mga taong mahal ko. Simpleng buhay kasama si Gertrude.

In darkness, I found my peace.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng malaman kong may anak kami. Itinago niya iyon sa akin, kung alam ko lang na buntis siya nung iwan niya ako, hindi aabot ng taon. Kukuhanin ko kaagad siya ay ako mismo ang mag aalaga sa kanila.

"Mahal na mahal kita, Gianneri" malambing na sabi ko dito.

Naluha ako sa saya ng makita ko siya. Kahit may takot na hawakan siya ay nagawa ko. Gusto kong yakapin siya ng mahigpit, pero hindi ko magawa dahil sa takot na masaktan ko siya. Ang liit, kahit ang mga daliri niya sobrang liit. Pakiramdam ko ay kung hindi ako magiingat, masasaktan ko siya.

Pinagalitan ako ni Yaya Esme ng mabinat si Gertie dahil sa pagratrabaho. Tinanggap ko iyon dahil totoo namang kasalanan ko. Masyado akong nagpagkain sa pride ko kaya naman imbes na kausapin siya ng maayos ay pinahirapan ko pa.

"Kamukhang kamukha mo ang Mommy mo. Mahal na mahal ko kayong dalawa" pagkausap ko sa anak namin habang mahimbing ang tulog ni Gertie.

Ni hindi ko na din napigilan ang aking sarili. Ibinalita ko kaagad kina Mommy at Daddy ang tungkol sa kanya. Kahit sa mga pinsan ko, gusto ko siyang ipagmalaki sa lahat. Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng tatay na ako, may anak na kami ni Gertie. At kailangan niyang magpakasal sa akin.

The way she hold our daugther, the way she looks at her. Kung paano niya ito kausapin, mas lalo akong nahuhulog kay Gertie. Mas lalo siyang naging matured dahil sa anak namin. I'm so proud of her, I know that she's going to be a great Mom. Para kay Gianneri at sa mga magiging anak pa namin.

Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa ng minsang lumabas ako ng banyo niya ay naabutan kong binibreastfeed niya ang anak namin. Ramdam ko ang pagkailang niya sa akin pero nagawa ko pa ding lumapit sa kanila. I want to be with them sa kahit anong oras. I want to be part of their life na nawala sa aking noong mga oras na malayo sila sa akin.

I can't imagine Gertie on those times. Sana ay nandoon ako para naalagaan ko siya. Sana ay kasama nila akong dalawa, alam kong natakot siya ng mga oras na iyon. Sana ay nandoon ako.

Kamukhang kamukha ni Gianneri ang Mommy niya, kagaya ni Gertie ay mukhang madaldal din ang isang ito. Walang kaso sa akin, matagal ko ng inihanda ang sarili ko para dito. Pangarap ko ang pamilyang ito kasama si Gertude.

Engrande ang naging 1st birthday ni Gianneri dahil na din kina Mommy at Daddy, hindi din nagpatalo si Papa. Kaya naman kahit handa din ako para dito, mas mukhang handa sila para sa Apo.

Our first born deserves it, mahal na mahal namin siya ni Gertie kaya naman ibibigay namin ang lahat para sa kanya. I'll spoiled her, sila ng Mommy niya. Wala na akong pakialam, ibibigay ko lahat sa kanila. I'm working for them, I'll give them everything they want.

"Magiisang taon pa lang ang pamangkin ko, may laman na yang tiyan mo" giit ni Vera sa asawa ko.

Tinawanan lang siya ni Gertie. She's pregnant with our second child.

"There's nothing wrong with that, Vera. We'll make more" giit ko kaya naman sumama ang tingin niya sa akin.

"Sobrang landi niyo" asik niya sa amin bago niya kami inirapan na dalawa.

Hinila ko si Gertie para yakapin, hindi pa masyadong halata ang umbok sa kanyang tiyan pag may suot na damit. Pero sa tuwing kaming dalawa lang at nakahubad siya, ramdam at kita ko na iyon.

Umuuwi kami ng Manila sa tuwing may okasyon. Mas gusto naming mapalapit si Gianneri sa mga pinsan niya.

"Mabilis si Eroz, humahabol!" pangaasar nina Sera sa akin ng minsang lumuwas kami ng Manila at magkaroon ng salo salo sa bahay nina Tita Maria at Tito Alec.

Kasama na din namin si Abuela sa mga okasyon na dati ay malayo siya sa amin. She's not getting any younger. May ilang beses na sinasabi niya sa aming miss na niya si Lolo. Kumukontra kaagad kami, We want more time with her. Maraming oras ang nawala sa amin ng maghari ang galit sa puso niya.

Maayos na din ang relasyon niya kay Gertie at Tathi, kahit kay Cairo ay bumalik na din sa dati. Wala na akong hihilingin pa sa kung anong meron sa amin ngayon bukod sa mas madaming anak. I want a big family with Gertrude, as long as it's ok with her. We'll make more.

Naging masaya ang buhay nina Tito Darren at Tita Afrit kasama si Louie. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, sila pa din hanggang sa huli. Plano na ding magpakasal ni Yaya Esme at Mang Henry sa susunod na taon, wala ng magiging problema dahil maayos na ang relasyon nila kay Bea na mas piniling manatili sa America.

Hindi pa din mapaghiwalay sina Vera at Alice, buong akala namin ay magkakasira silang dalawa dahil sa nangyari noon. Iniyakan pa iyon ni Gertie nung una, pareho niyang mahal ang mga ito kaya naman wala siyang may gusto mawala.

"Ituloy na ang bridal shower sa kasal ni Yaya Esme" laban nina Sera at Castel.

Hanggang ngayon ay hindi pa din sila maka move on sa hindi natuloy na bridal shower ng ikasal kami ni Gertie.

"Tigilan niyo" madiing sabi ni Piero.

"Lagot ka, Gertie. Bakit mo kasi sinabi kay Eroz?" pangaasar ni Tathi sa kanya.

Hindi sinasadyang nabanggit niya iyon sa akin. Eh bakit naman hindi ko malalaman, sa daldal niyang yan?

Ngumisi ako ng humaba ang nguso nito. Nang malaman ko iyon ay kaagad kong sinabi sa mga pinsan ko.

"Hindi ko sinasadya" giit niya.

Ngumisi sina Sera at Castel. "Sa susunod tayong tatlo muna ang magplano, wag sabihin kay Tathi at Gertie" pangaasar nila sa mga ito.

"Honest lang talaga sila" si Amaryllis.

Hinila ko si Gertie para mas lalong makalapit sa akin bago ko siya hinalikan sa ulo.

"Hindi naman sa hindi marunong magsinungaling, sadyang madaldal lang talaga" pagtatanggol ko sa kanya pero sinimangutan niya lang ako.

Hindi naging madali ang mga araw lalo na at mas lumalaki ang tiyan niya. Pero kahit ganoon, hindi ako kailanman napagod na alagaan siya, hanapin ang mga gusto niyang kainin, ang magpuyat kasama siya. I enjoy doing it with her, yung experience na iyon kasama siya, it's priceless.

Naalimpungatan ako isang gabi ng marinig ko ang mahihina niyang hikbi. Kaagad akong bumangon para aluin siya.

"Anong problema?" malambing na tanong ko.

"I can't sleep, nahihrapan akong humiga" sumbong niya sa akin.

Masyado ng malaki ang tiyan niya. Kung minsan ako ang natatakot tumingin, para bang ako ang nabibigatan at nahihirapan para sa kanya. She is so brave, wala ako noong si Gianneri ang pinagbubuntis niya kaya naman babawi ako ngayon at sa mga susunod pa.

"Come here" malambing na tawag ko sa kanya.

Medyo nahirapan siya sa pwesto kaya naman hinayaan ko siyang umunan sa aking braso. Hirap siyang humanap ng comportableng pwesto.

"Wag pahirapan si Mommy" malambing na sabi ko habang marahan kong hinahaplos ang malaki niyang sinapupunan.

"It's fine with me" sabi niya na may kasama pang hikbi.

"I'm sorry" sambit ko.

"Why?"

Hinalikan ko siya sa ulo. "Kasi nahihirapan ka"

"It's worth it naman for our baby, Eroz. And Gianneri is excited na din for her baby brother" marahang sabi niya. Kahit nahihirapan ay malambing pa din siya.

And yes, we're having a baby boy.

Tuwang tuwa pa ang mga pinsan ko ng sabihing we did not break the pattern na hindi ko naman maintindihan kung ano.

"You should sleep, Love" malambing na sabi ko sa kanya habang marahang hinahaplos ang buhok niya para makatulog siya. Napangiti ako ng makita ko ang paghikab niya.

"Balak bumili ni Papa ng isa pang manok para may girlfriend si Chabako" sumbong niya sa akin na ikinatawa ko.

"Hayaan mong maging masaya ang kapatid mo at matulog ka na, sige ka at baka mapanaginipan mo pa iyan" pananakot ko sa kanya.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Can you sing for me? Hanggang sa makatulog ulit ako" request niya. Ilang gabi ko na ding ginagawa iyon, she loves it when I sing for her.

Sabi nila, balang araw, darating
Ang iyong tanging hinihiling
At noong dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Nang bumaba ang tingin ko sa kanya ay matamis niya akong nginitian.

"I wish our son have the same voice like you. Tapos soon, sabay niyo kaming kakantahan ni Gianneri" malambing na sabi niya.

Hindi ko maiwasang ngumiti ng marinig ko iyon.

Mula noon hanggang ngayon
Mula ngayon hanggang dulo
Ikaw at ako

"I love you, Gertrude" malambing na sabi ko sa kanya bago ko siniil ng halik ang kanyang labi. Mabilis niyang tinugon iyon.

"I love you too, Eroz. Ikaw, si Gianneri, and ang bagong baby natin" sagot niya sa akin.

"May naisip ka ng pangalan?" tanong ko.

Imbes na makatulog ay mas lalo pa siyang nagising dahil sa aking tanong.

"Uhm, you can suggest"

"Really?" nagtaas pa ako ng kilay.

Napakagat siya sa kanyang pangibabang labi bago marahang tumango.

"As the father, you can suggest. Pero may naisip na ako" laban niya kaya naman natawa ako.

"May naisip ka na pala, tatanungin mo pa ako" nakangising sabi ko. I don't mind kung siya ang magpapangalan sa mga anak namin.

"You want me to be honest?" tanong niya kaya naman mariin akong napapikit. Alam ko na kung saan papunta ito.

"Yes, Mrs. Herrer" pagsuko ko.

"You're so corny kasi when giving names" pag amin niya kaya naman napahalakhak ako.

"Arte" sita ko sa kanya kaya naman hinampas niya ako sa braso.

"Stop calling me arte, I'm not maarte" laban pa din niya kaya naman muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Sumubsob ako sa kanyang leeg.

"So what do you want for breakfast?" tanong ko, nawawala ang galit niya pag tinatanong ko siya kung ano ang gusto niyang kainin.

"Uhm...Steamed glutinous rice wrapped in banana leaves with caramel sauce" excited na sabi niya sa akin.

Mas lalo akong napahalakhak. "Ang dami mong sinabi, suman lang yon" giit ko pero wala siyang pakialam.

"And hot pandesal with creme caramel" dagdag pa niya.

"Leche flan" paguulit ko.

"But leche is a bad word, favorite ko ng food yon" laban niya sa akin. Sobrang daldal.

"Let's sleep, Gertie" yaya ko sa kanya.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagiling.

"Gutom si Baby" laban niya.

Marahan kong hinaplos ang umbok ng tiyan niya.

"Tulog siya" nakangising laban ko.

"Gising ako. You call me baby, maraming beses" laban niya kaya naman mariin akong napapikit bago ako sumuko.

Napapalakpak siya ng gumalaw ako para tumayo.

"Yehey, chika minute!" tawag niya sa midnight snack.

I'm so damn inlove with her. Simula noon, hanggang ngayon, at sa mga darating pang araw. All the doubts, fear, and pain...was Left in the Dark.


The End




(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
985K 31.3K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.3K 97 38
Teenagers. Young. Juvenile. Free. Madalas kapag sa murang edad nagsisimula lahat ang buhay natin. At a young age, we tend to explore. We make some co...