When a Gay Fell in Love with...

By JoeyJMakathangIsip

1.6M 44.1K 9K

He has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs... More

Prologue - i
Introduksyon - ii
Kabanata 1.0: Heaven?
Kabanata 2.0: The Shelf
Kabanata 3.0: 1000th Guy
Kabanata 4.0: Laway
Kabanata 5.0: The Five Fingers
Kabanata 6.0: Sorry
Kabanata 7.0: Classmates
Kabanata 8.0: Weird
Kabanata 9.0: Desperate
Kabanata 10.0: Akbay
Kabanata 11.0: Fake Kiss
Kabanata 12.0: Amoy Alak
Kabanata 12.5: Bakit Ganoon?
Kabanata 13.0: Stop the bus!
Kabanata 14.0: Anong Ginawa Ko?
Kabanata 15.0: Huwag Ka Munang Umalis
Kabanata 16.0: Happy Birthday.
Kabanata 17.0: Girlfriend?
Kabanata 17.5: Girl<Space>Friend
Kabanata 18.0: Ruin The Party
Kabanata 18.5: Piccolo
Kabanata 19.0: Ang Matres
Kabanata 19.5: Kiss
Kabanata 20.0: Ang Matigas Na Bagay
Kabanata 21.0: Kakayanin
Kabanata 22.0: Lakas Tama
Kabanata 22.5: Magpapabuntis Ako
Kabanata 23: The Tutorial (Part 1)
Kabanata 23.5: The Tutorial (Part 2)
Kabanata 24.0: Lalake! Lalake!
Kabanata 25.0: Sino?
Kabanata 25.5: I like You
Kabanata 26: Ang Mainit na Yakap
Kabanata 26.5: Ang Dalawang Tanga
Kabanata 27.0: Nasaan Ka?
Kabanata 27.5: Ang Hindi Narinig na I Love You
Kabanata 28: Let's Go Out
Kabanata 29.0: Panties For You
Kabanata 29.5: Motel
Kabanata 30.0: Ang Misteryosong Lalake
Kabanata 31.0: Cheesy!
Kabanata 31.5: Siya
Kabanata 32.0: Edison
Kabanata 33.0: She's there
Kabanata 34.0: Chansing!
Kabanata 35.0: Paglisan
Kabanata 36.0: Rubics Cube
Kabanata 36.5: You Caught Me
Kabanata 37.0: Heaven?
Kabanata 37.5: Wilson Chavez
Kabanata 38.0: Babalik ako
Kabanata 39.0: Hindi na Kita Kilala
Kabanata 39.5: Ang Masakit na Biro
Kabanata 40.0: Maghihintay Ako
Kabanata 40.5: Maskara
Kabanata 41.0: Nasaan ka na?
Kabanata 41.5: Laro
Kabanata 42.0: Maari ba?
Kabanata 42.5: Mas Masakit
Kabanata 43.0: Heaven Vs. Hell
Kabanata 44.0: Chocolate
Kabanata 44.5: One Bad Move
Kabanata 45.0: Kill My Brother
Kabanata 45.5:The 18th Rose
Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo
Kabanata 46.5: Ang Madilim na Panag-inip
Kabanata 47.0: The Plan
Kabanata 47.5: The Letter
Kabanata 48.0: Far Away From Me
Kabanata 48.5: The Date (Part 1)
Kabanata 49.0: The Date (Part 2)
Kabanata 49.2: The Date (Part 3)
Kabanata 49.5: The Seven Minutes Dream
Kabanata 50: Ang Pagwawakas
Epilogue
Mysterious Chapter
Other Works by JoeyJMakathangIsip
Published Books by JoeyJMakathangIsip
#WAGFILWAG PART 2
FIVE FINGERS SERIES
FFS1: WAGFILWAG (When A Gay Fell In Love With A Girl)
FFS2: The Parting (WAGFILWAG Part 2)
FFS3: Chasing the Wind
FFS4: Crucify Me
Hey Girl (WAGFILWAG OST Part 1)
Special Chapter (2024)

Kabanata 43.5: Nganga

12.5K 336 112
By JoeyJMakathangIsip

Biglang lumapit si Hell kay Heaven at kwenelyuhan ito. "Anong ginawa mo kay Isaw?" nagngangalit na sabi ni Hell kay Heaven. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako dahil nataaman ang ulo ko ng lalagyan ng paint pero nakita kong may hawig si Hell kay Marco Gumabao. Tae, ano bang nangyayari sa akin? Kanina si James Reid, ngayon si Marco Gumabao.

"Get off me bastard! By the way, who are you?" tanong ni Heaven.

Agad akong tumayo para pigilan silang dalawa pero nung tumayo ako ay bigla akong na-out of balance papunta sa may likuran Heaven na naging sanhi upang....

"Brad? Anong ginagawa mo?" tanong ni Hell sa nakapatong sa kanya na si Heaven. Para silang nag... nag... nag... Se-sex?

<*NGANGA!*>

* * *

'Di ko alam pero nang makita ko si Heaven na nakapatong kay Hell, uhmm, tama bang sabihin kong nakaramdam ako ng matinding pagseselos? Para kasing may intimacy sa kanilang dalawa e. Alam mo 'yun? 'Yung tipong isa sa kanila ang napapakanta ng...

♪♪ Pare, mahal mo raw ako, 'yan ang sabi nila nang minsan ay nalasing tayo♪♪

Aish! Ayaw ko nang maalala pa 'yun! Ang saklap!

"Uhh, hehe, sorry sorry," namumulang sabi ko sabay alalay kay Heaven na makatayo. Nakakuyom lang 'yung palad niya habang pinagmamasdan si Hell ng masama. Napatingin ako kay Hell, nakatayo na siya ngayon habang pinapagpagan ang uniform. Nakatingin din siya kay Heaven, 'yung tipong gusto niyang suntukin si Heaven? Nakakatakot. BAKIT GANITO MAG-AWAY ANG MGA LALAKI? NAKAKATAKOT!

Pero, mas natakot ako nung oras na nagkaroon ng panandaliang intimacy si Hell at Heaven. Aay! Ayaw ko na talagang maalala 'yun! Ba't ko ba kasi naisip 'yun! Erase. Erase.

"Heaven, si Hell. Hell, si Heaven..." medyo awkward kong pagpapakilala sa kanila. Ang weird lang, din no? Hell, at Heaven? Parang ang ironic e. Sinadya kaya 'yun ng writer?

"I know," malamig na sabi ni Heaven sabay tingin ng masama kay Hell. Jusko! Anong gagawin ko?

Kinalabit ko si Heaven, tinignan niya ako ng masama.

Kinalabit ko ulit siya, yumuko naman siya para pantayan ako.

"What?" pabagsak niyang tugon. Napatingin naman ako kay Hell, nagtataka siyang tinitignan kami ni Heaven. Aish!

Lumapit ako sa may tainga ni Heaven, itinakip ko ang kanang kamay ko sa may gilid ng bibig ko nang sagayon ay hindi marinig ni Hell ang ibubulong ko kay Heaven. At nang magawa ko iyun ay agad ko siyang tinanong...

"Aminin mo! Nagwa-gwapuhan ka ba kay Hell?" medyo naiinis kong bulalas.

Humarap siya sa akin, ngumiti ng nakakaloko, at kinindatan ako sabay sabing,

"Slight."

<*NGANGA!*>

* * *

"Slight." Muntikan nang bumagsak ang panga ko nang marinig ko iyun mula sa kanya. Gusto kong magwala sa clinic ngayon pero, "Slight doesn't mean I like him. It's just a sort of compliment. Mas gusto kita, Choco Girl. Alam mo 'yan."

<*Wild palpitations*>

<*Dugdugdugdugdug!*>

Bakit ba ganito? Ba't mo ba ako pinapakilig, bakla ka!

"Isaw, okay ka lang ba?" Lumapit si Hell sa akin pero...

"Don't touch her," Heaven said tapos bigla niya akong hinila papunta may likod nya. Nagmukha ang turumpo sa ginawa niya. Magkahawak ang kamay namin ngayon.

<*Wild palpitations*>

<*Dugdugdugdugdug!*>

Jusko! Malalaglag na yata ang puso ko nito e.

Dahil sa inasta ni Heaven ay 'di naiwasan ni Hell na pumalag at bago pa man kwelyuhan ni Hell si Heaven ay agad na akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Teka nga! Ano ba? Ba't ba kayo nag-aaway ha?" medyo nababanas kong bulalas habang nakataas ang leeg at palipat-lipat ang naiinis na pangingin sa kanilang dalwa. Nakakabanas din 'tong dalwang 'to e. Bigla-bigla na lang magkaka-initan. Sabagay, hot naman silang dalawa. Aaarg! Pinag-iisip ko?

"Hindi ako nakikipag-away. This man turned the fire first," sabi ni Heaven.

"E sa angas ne'to Isaw e," sabi ni Hell sabay lapit kay Heaven.

Agad ko namang hinarang ang parehong kamay ko sa pagitan nilang dalawa. Para akong traffic enforcer dito e. I-hire kaya ako ng MMDA pagka-graduate ko?

"Hep! Hep! Huwag nga kayong OA. Okay na ako oh? Hindi pa ako patay!" naiinis kong bulalas sabay turo sa sarili. Grabe! Hiningal ako dun ah. Umiinit ulo ko!

"Isaw, hatid na kita," sabi ni Hell sabay hila sa kanang kamay ko.

"No, she's coming with me," sabi ni Heaven sabay hila sa kabilang braso ko.

"Sa akin sasama si Isaw!" sigaw ni Hell sabay hila sa kanang kamay ko.

"You're kidding," natatawang sabi ni Heaven sabay hila sa braso ko.

Hila sa kanan.

Hila sa kaliwa

Hila sa kanan.

Hila sa kaliwa.

Hila sa kanan.

Hila sa ---

"Choco Girl!!/ISAW!" sabay na sigaw ni Hell at Heaven nang bigla akong matumba sa sahig nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo.

<*NGANGA!*>

* * *

Papalabas na kami ngayon ng clinic. At as usual, mainit pa rin ang ulo ng dalawa. Pinilit ko silang pinagbati pero nauwi lang ito sa matinding isnaban.

"Choco Girl," binuksan ni Heaven ang pinto ng clinic na tila inuunahan si Hell. Ngumiti siya at nauna akong lumabas. Agad naman siyang sumunod sa akin at...

<*BLAG!!*>

Isinara niya bigla ang pinto. Bigla naman akong kinabahan, lalo na ng idiniin n'ya bigla ang mga titig n'ya sa akin. "S-si, Hell, nandun pa sa loob," nauutal kong sabi sabay turo sa pinto ng clinic.

"I know," matipid n'yang hayag habang nakahawak ang kanang kamay sa doorknob ng clinic, tila pinipigilan si Hell na makalabas.

"Isaw!!" sigaw ni Hell sa loob. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla niya akong hinarang, "Let's talk," sabi niya na pinaresan ng isang malungkot na tingin.

Kumirot naman ang puso ko. Hindi ako sanay na makita ang mga mata niyang nagkakaganyan ng dahil sa'kin.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Heaven," utas ko sa kanya. "I'm sorry," dagdag ko at agad na hinahawakan ang doorknob. Nandun ang kamay niya kaya hindi ko sinadayang mahawakan ito, "Please," paki-usap ko sa kanya at makalipas ang ilang sandali ay agad na niyang ikinalas ang kamay niya.

"Hell, tara na," malungkot na turan ko kay Hell nang buksan ko ang pinto. Wirdo n'ya akong tinignan pero agad naman siyang tumango at agad na kaming umalis.

Habang naglalakad kami ni Hell palabas ng university ay 'di ko naiwasan na mapatingin kay Heaven.

Malungkot siyang nakatingin sa akin.

Biglang kumirot ang puso ko sa pangalawang pagkakataon.

* * *

"Okay ka na ba?" tanong ni Hell sa akin. Andito kami sa may overpass ngayon, pinagmamasdan ang traffic ng mga sasakyan na tila hindi na gumagalaw ilalim ng mapanglaw na gabi.

Tumango ako at sumipsip ng choco drink. Napatingin ako sa baba, iniisip si Heaven. 'Yung mga tingin n'ya kanina habang papaalis kami, grabe! Sobrang lungkot ng mga tinging iyun. Sobra.

"Anong sabi n'ya sa'yo?" tanong ni Hell, pinapatungkulan 'yung oras na lumabas kami ni Heaven ng clinic at ikinulong siya ni Heaven sa loob.

"Wala," mapakla kong bulalas.

"Wala?" natatawang tugon ni Hell.

"Bakit? May mali ba?"

"Wala naman. Akala ko kasi, sinabi n'ya sayo na 'ang guwapo ko'."

Napalunok naman ako. Sinabi nga ni Heaven 'yun. Tinanong ko siya kung nagwagwapuhan ba siya kay Hell tapos ang sagot n'ya naman, "Slight." Ayyy! Nakakahibang.

"Isaw, mahal ka nun."

Napahinto naman ako sa sinabi ni Hell, tila natigilan, parang nabuhusan ng malamig na tubig.

"Pa'no mo nasabi?" tanong ko.

"Ramdam ko," sagot niya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata ko.

Jusko, Hell! Makikisali ka na rin ba sa kanila? Sa sisterhood nila?

"Isaw, nakakatawa ka," natatawang tugon ni Hell tapos kinurot niya 'yung cheeks ko. Bigla namang namula pisngi ko. Pinaggagawa nitong si Hell?

"Alam mo Isaw, kaming mga lalake, pwede naming magustuhan at kalimutan ang isang babae sa loob ng isang minuto," sabi niya habang nakangiting nakatitig sa akin.

"Pero alam mo kung anong nakakatawa?" Ngumisi si Hell.

"Minsan, hindi namin kayang intindihin ang salitang, 'KALIMUTAN'. Sabi nga nila, 'If you touched a guy's heart, there's no turning back." Huminga ng malalim sa Hell at muling ibiinalik sa akin ang kanyang mga tingin.

"Isaw, gusto ka ni pareng Heaven," sabi ni Hell. Bigla namang lumakas ang pintig ng puso ko. Napahinto ako sa pagsipsip ng choco drink, tinataboy sa isip ang ang payahag na ibinato sa akin ni Hell.

"Hell, ano bang pinagsasabi mo?" nakangiti ngunit mapait kong bulalas. Bakit ba sinasabi sa akin ni Hell ang bagay na ito? Ano ang gusto niyang ipamukha?

"Gusto ka ni Heaven Fear pero," huminga siya ng malalim at biglang natawa. Wirdo talaga 'tong si Hell. Tsk!

"Pero?" pagpapatungkol kong tanong sa naudlot niyang sinabi. Kahit gabi na ay marami pa ring dumadaan sa overpass. May mga ordinaryong tao, may mga office workers at may mga vendors. At kahit tila natural lang ang takbo ng mundong ginagalawan ko ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kakaiba. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko ay nakatingin sa akin si Heaven mula sa 'di kalayuan.

"Pero," huminto si Hell, biglang namula at nahihiyang tumawa, "Kalimutan mo na 'yun, Isaw. Nakalimutan ko na rin ang sasabihin ko e," sabi niya tapos agad na inilipat ang paningin sa may kalsada.

"Alam mo Hell, nakakainis ka rin e. Binibitin mo ako, alam mo ba 'yun ha?" naiinis kong bulalas sa kanya at agad na ginaya ang posisyon n'ya ngayon—-'yung tipong nakapatong ang parehong braso sa may guardrail habang nakatingin lang sa mahabang kalsada ng syudad.

"Isaw, pano kung sabihin ko sa'yo na..." Inilipat niya bigla ang paningin n'ya sa akin."Pa'no kung sabihin ko sa'yo na gusto kita?"

Bigla akong napaubo sa tanong ni Hell. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay bigla akong nabulunan ng hangin na hinihithit ko.

"Pinagsasabi mo Hell?" inuubo ko pa rin tugon. Sa oras na ito ay napatingin na ako sa kanya ng diretso. Rinig ko naman ang sinabi n'ya pero bakit ganito? Bakit hindi sumisink-in sa utak ko ang sinabi n'ya? Dahil ba may iba ng laman ang puso't isip ko? Ganu'n ba?

"Isaw, gusto kita," nakangiti ngunit nahihiyang banggit ni Hell. Sinabayan ito ng pagbusina ng mga sasakyan sa baba. Tila nagpapahayag ng pagsalungat sa sinabi ni Hell.

Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi naka-imik. Gusto kong gumalaw pero hindi ko nagawa. Ganito pala ang pakiramdam ng pinagtapatan ka ng nararamdaman. Hindi ka makaimik at makakilos. Malamang ganito rin ang naramdaman ni Heaven nung nagtapat ako sa kanya.

"Hindi ko alam pero, simula nung nakita kita, pakiramdam ko, gusto ko palaging ngumiti. Nakakatawa ka kasi Isaw, napapatawa mo ako." Mahinhin na tumawa si Hell. Gusto kong kiligin sa mga pinagsasabi niya pero, bakit ganito? Bakit parang iba? Bakit parang wala akong nararamdaman?

"Isaw, may pagasa bang maging tayo kung sakaling manligaw man ako sa'yo?" Napatingin ako ng diretso sa kay Hell. Sa pinaka-unag pagkakataon ay mabilisan kong naintindihan ang sinabi n'ya at kasabay ng paspasang pagpasok ng mga detalyeng iyun sa utak ko ay bigla kong naring ang isang boses na nagmumula sa kasulok-sulukan ng aking diwa.

'Nagbibiro lang ako.'

'Nagbibiro lang ako.'

'Nagbibiro lang ako.'

Ang boses ni Heaven, paulit-ulit na binabato ang puso ko at habang naririnig ko ang boses na iyun ay bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa puso ko. Hindi ko alam kung sa papanong paraaan ko maiibsan ang kirot na bumabayo sa puso ko pero sa isang iglap ay humantong ako sa isang ideyang hindi ko man lang pinagisipan.

Ngumiti ako kay Hell, isang pilit na ngiti ang inilaan ko para sa kanya. "Pag-iispan ko, Hell."

Sa sinabi kong iyun ay bigla akong niyakap ng mahigpit ni Hell. Ramdam na ramdam ko ang tuwang nararamdaman niya ngayon. Ramdam na ramdam ko.

"Salamat Isaw, salamat sa chance na ibinigay mo. Hayaan mo, pagiigihan ko ang panliligaw ko sa'yo nang sagayon ay maging worth it ang pagkakataong ibinigay ko sa akin. Salamat. Salamat."

Habang yakap-yakap ako ni Hell ay bigla akong nakaramdam ng lungkot nang bigla kong naring ang boses ni Heaven sa kaloob-looban ko,

'Mahal kita Choco Girl, mahal kita.'

Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko alam.

* * *

HEAVEN

Nakakainit ng ulo ang traffic. Ni hindi umuusad ang mga kotse sa daan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto ko nang umuwi ngayon. Sa araw na'to, lahat ng lakas ko ay biglaang nauubos lalo na nung oras na mas pinili ni Choco Girl na sumama sa pesteng Hell na iyun kaysa sa akin.

"F*ck!" Naisipa ko bigla ang sapatos ko sa break ng sasakyan. Naiinis ako. Sobra. Gusto kong suntukin si Hell! Gustong gusto! Kahit gaano pa kaguwapo 'yung gagong 'yun ay gusto ko pa rin siyang suntukin! Gusto ko siyang durugin.

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring nangyari. Hindi pa rin umuusad ang mga sasakyang nasa harapan ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkabagot kaya naisipan kong ilakbay ang pangin ko.

I turned my sight straightway. Napatingin ako sa may overpass, nanlumo ako bigla. Si Choco Girl kayakap si Hell. Napangiti ako ng mapait nang makita ko ang senaryong iyun. Gusto kong magwala. Gusto kong balibagin ang lahat ng nakikita ko pero alam kong malabong mangyari ang lahat ng iniisip ko kasi sa puntong ito ay unti-unti nang umuusad ang trapiko.

Unti-unti kong pinaandar ang sasakyan ko habang unti-unting nawawala sa paningin ko ang senaryong iyun.

"Mahal kita, Choco Girl. Mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa pesteng Hell na iyun."

* * *

CHEESY

"Beshy Rachelle Ngo? Gabi na ah? Bakit hindi pa rin nilalabas shi Fear ng punerarya?" tanong ko kay Rachelle Ngo pero nagkibit-balikat lang shiya. Hindi kashi shiya makapagshalita sha kadahilang nilagyan ko siya duck tape sha bibig.

Naawa ako tuloy ako. Nakakainish kashi shi Rachelle Ngo e. Shalita ng shalita, hindi ko naman naiintindihan!

Nandito kami sa may lobby ng punerarya ngayon at NGENGEK NGO FUNERAL HOMES 'yung pangalan ng punerarya. Shabi ni Rachelle Ngo, dito raw kashi dinala shi Fear mataposh shiyang maakshidente sha may locker room kanina. Hindi ako makapaniwala. Patay na shi Fear!

"NGESS NGENGE NGENGOYNGEL! NGUNGUWE NGA NGAYO, WANGA NGE NGER NGETO! NGENNGE NGA NGATAY NGE NGER! NGENNGE NGA NGATAY NGE NGER!" shigaw ni Rachelle Ngo sha tainga ko.

Natanggal na pala 'yung duck tape sa bibig n'ya?

<*NGANGA!*>

* * *

RACHELLE

"Miss Cheesy Demoiselle, umuwi na tayo! Wala si Fear dito! Hindi pa siya patay! Hindi pa patay si Fear!" sigaw ko kay Miss Demoiselle. Naka-inis! She, can't understand me.

* * *

CHEESY

Napangawa naman ako sha harap ng pagmukha ni Rachelle shabay alog ng balikat niya, "NGO! ANO BA! TANGGAPIN NATING PATAY NA SI FEAR! TANGGAPIN NA NATIN! KAHIT MASHAKET. KAHIT SHOBRANG SHAKET." Napatingin sa akin 'yung ibang namatayan sa NGENGEK NGO funeral homes. Wala na! Hindi na gumagana ang ang hiya ako. Gusto ko pa sanang ngumawa kaso...

<*PLAK!!*>

Bigla akong sinampal ni Rachelle Ngo!

<*NGANGA!*>

* * *

Rachelle Ngo

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maintidihan ako ni Miss Cheesy kaya naglakad-lakad muna ako sa loob ng funeral home. Habang naglalakad ako, may nasagi akong lata ng Bonakid, pinulot ko 'yun at pagbukas ko, nakita kong may dalawang papel roon na mayroong nakasulat. Agad kong binasa iyun.

SULAT 1: 1:

DEAR REX,

Kahapon, may nakasabay akong lalaki sa jeep. Nagulat ako kasi panay 'yung pagpasok ng kamay niya sa loob ng shorts niya. May kung ano siyang hinihilod sa singit niya at kapag natatapos ay inaamoy niya. Langhap sarap.

Sa pamamagitan ng lalaking iyun, naalala kita. Lahat ng mga kasalaulaan sa mundo, ikaw ang naalala ko. Hindi ko alam kung bakit. Marami naman tayong magagandang memories pero 'yung mga nakakadiri lang talaga ang naalala ko. May list ako ng mga bagay na pinadidirian ko sa iyo at gusto kong ibahagi 'to sa'yo kasi gusto ko, maging aware ka. Kahit salaula ka, kahit papaano ay minahal naman kita. At binabagi ko rin ito dahil ito 'yung mismong mga bagay na nagpapahirap sa akin para makalimutan ka. Hindi ko na rin sasabihin ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay. Masyado kasing mababoy ang dahilan. Nakita lang naman kitang nagkaroon ng wet dream. Okay sana kung tao ang pinatos mo sa panaginip mong 'yun pero tangina Rex, nakipag-sex ka sa kalabaw sa panaginip mong 'yun. Bwesit ka.

Kaya eto na nga, ito na mismo 'yung mga listahan ng mga kasalaualaan mo:

1.) Kapag nagkakaroon ka ng trangkaso, nilulunok mo lang ang plema mo. Maging ang sipon mo ay hinihigop mo lang pabalik.

2.) Kapag nakikita kitang lumabas ng banyo, nag-aamoy tae ka talaga.

3.) 'Yung mga kuko mo, may brown at yellow particles na nakabaon. Kaya alam mo na. Alam mo na kung ano ang dahilan kung bakit ayaw kong makipag-holding hands sa'yo. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ka nagkakasakit. Siguro na-immune na 'yung katawan mo sa bacteria.

4.) Hindi ka naliligo. Ayos na naman. Kaso, puro ka lang talaga pabango. Maputi ka pero kapag nagsusuot ka rin ng t-shirt na puti ay umiitim ang mga singit nito.

5.) 'Yung buhok mo sa ilong, hindi mo pinuputol. Binabalik mo lang. Noon ngang acquaintance ay hiyang-hiya ako sa mga friends ko. Akala ko kung ano 'yung tinutukoy nilang cockroach na kumakaway daw sa ilong mo.

6.) Please stop inserting your hands inside your breif. Lalo na kapag kumakain ka ng Piatos.

7.) 'Yung mga libag mo, iniipon mo at kung saan-saan mo na lang nilalagay. Akala ko nagka-error 'yung libro ko sa accounting dahil sa malalaking period na nasa margins, libag mo lang pala.

8.) Please stop using toothpick ten times.

9.) Huwag mong kainin ang mga particles na nakukuha ng toothpick mo.

9.5) Huwag na huwag titirisin ang pimples ng magiging girlfriend mo, parang awa mo na. At higit sa lahat, huwag na huwag mong aamuyin 'yung nana na may kasamang dugo.

10.) Magtoothbrush ka. Or atleast, magmumumog ka. At kapag nagmumumog ka, huwag mo inumin pabalik 'yung tubig na minumumog mo.

Gayunpaman, naging masaya naman ako kahit papaano sa piling mo. Kasi, alam mo 'yun, ramdam ko na tototoo ka lang e. Napapatawa mo ako. Tapos ang gaaan mo lang kasama. Hindi ka rin katulad nu'ng ibang lalaki na pa-mahal? Tipong kapag kasama mo, ang laki-laki ng magagstos? Ikaw, 20 pesos lang, busog na tayo. Ten pesos na fishball. Dalawang cup buko juice na may split ends. Proud nga rin ako sa'yo kasi sobrang close kayo ng nanay mo. Ako nga, araw-araw, parang may hearing kami kay Tulfo. 'Yun nga lang, salaula ka lang talaga. Pero eto, totohanan 'to ha? Ang totoong dahilan kung bakit tayo naghiwalay ay hindi sa kasalaulaan mo o dahil nakipag-sex ka sa kalabaw sa panaginip mo, kundi ang timing.

Pakiramdam mo, hindi tayo dumadating sa point na sobrang matured na tayo. Naglaro pa nga tayo ng bahay-bayan e. Napalo ka pa nga ng nanay mo. Ngayon, gusto ko lang na seryosohin muna natin 'yung mga bagay na kailangan nating seryosohin. Tapos kapag secured na tayo, doon na tayo mag-amuyan ng singit.

-Affectionately yours,

Cherish

SULAT 2:

Dear Yu,

Kumusta ka na kaya? Handa ka pa rin bang magpakamatay dahil sa akin? Nababaliw ka pa rin ba dahil sa akin? Libog na libog ka pa rin ba?

Alam mo, noong nagsisimula pa lang tayo, iniisip ko na ang wakas. Ang weird nga e kasi 'di ba, dapat iniisip ko muna kung ano 'yung mga memories na sabay nating mararanasan pero kakasagot ko pa lang sa'yo, iniisip ko na kung paano tayo magtatapos. Siguro, dahil pamilyar na sa akin ang mga mangyayari. Tipong kung nagbabasa ako ng libro e alam ko na kung ano 'yung susunod na eksena? Magkaka-develop-pan sila. Magdi-date. Magkakantutan.

Kaya ayun, mas inuna kong inisip 'yung magiging ending natin. Grabe ka sa akin ha! Takang-taka 'yung mga kakilala ko sa akin kasi hindi naman ako ganoong kagandahan pero humaling na humaling ka sa akin. Oo, alam ko naman na maganda ako pero hindi 'yung ganda na inaakala mo. Tipong may pasurprisa? (Sorpresa) Sabi mo, may nakita ka sa aking kakaiba. Hindi ko alam kung dahil ba singkit ka lang o may muta ka sa mata, pero bilib ako sa'yo kasi pinanindigan mo talaga ako. Minahal mo ako. Sobrang mahal. Sagad na sagad. Laspag na laspag. Lasap na lasap.

Pero sorry Yu ah? Dumating talaga kasi 'yung point na, alam mo 'yun, naumay ako sa sobrang sarap. Kakatikim ko ng sarap, naghanap ako ng mapakla.

Nagkakilala tayo dahil sa plema ko. Natatandaan mo pa ba 'yun? Naglalakad ako sa tapat ng bahay niyo tapos bigla akong naubo at pagluwa ko nga ng green na green na plema ko ay sumabit iyun sa barbwire ng bakuran ng bahay niyo. Nakita mo ako. Akala ko magagalit ka sa akin pero nginitian mo lang ako. At mas ikinagulat ko pa e tinikman mo 'yung green na green, malagkit na malagkit, at buong-buo na plema na sumabit sa barbwire ng bakuran ninyo.

Doon ka nahumaling sa akin. Dahil sa plema ko. At iyun nga. Nagkasundo tayo. Kinabukasan, nagka-ubo tayo. Pero wala e. Sorry ah. Naumay talaga ako. Araw-araw na lang kasi, puro plema ko ang pinaguusapan natin. At gustong-gusto mo na pinaguusapan iyun dahil iyun ang nagbibigay ng saya iyo na kabilang banda, iyun naman ang ikinagalit ko. Dahil alam mo 'yun? 'Yung ibang magkasintahan, third party na tao ang umaagaw sa kanila ng ng atesnsyon. Pero tayo, sa plema ko na lang ikaw nakatuon.

Napatunayan ko nga na mas mahal mo 'yung plema ko kaysa sa akin kasi araw-araw ka na lang nanghihingi sa akin nu'n. Iniipon mo ang plema ko sa isang malaking garapon. At noon ngang sinabi ko sa'yong hindi ko na kaya at hihiwalayan kita ay ininum mo 'yun. At hindi lang 'yun doon nagtapos kasi sinamahan mo pa ng pangtulak na Baigon. Grabe Yu! Ganoon ka ba talaga kapatay na patay sa akin? Handa kang magpakamatay? Kaya noong panahong 'yun, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na kaya 'to. Masyado na akong naagrabyado kaya umalis na ako. Pero kapalit nu'n, iniwan ko sa'yo ang isang galon ng plema na galing sa ubo ko.

At tama nga ang hinala ko. Minahal mo lang ako dahil sa plema ko. Kaya eto nga, kinukumusta kita? Kumusta na kayong dalawa ng plema ko? Masaya pa rin ba kayo? Kasi ako, eto, masaya naman ako. May bago akong jowa ngayon kaso iyun nga lang, hindi ako ang kanyang gusto kundi ang kulangot ko.

Yara

PS: May Lagundi pa ba sa bahay niyo? Pa-laga naman ako oh?

"Ano ba 'to!" Agad kong tinapon 'yung sulat pati na 'yung lata ng Bonakid. Baka kasi sa patay 'yun, multuhin pa ako. Binalikan ko si Miss Cheesy, dada pa rin siya ng dada kaya sinampal ko na lang siya.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanya na nasa CLINIC 2 lang si Miss Fear at wala rito sa NGENGEK NGO funeral homes? Nung pumunta kasi ako sa Clinic-1 kaninang tanghali, sinabihan ako ng nurse na wala raw si Miss Fear sa clinic 1 at nandun lang daw sa Clinic 2. Ako na ang nagtanong kasi sobrang emotional na si Miss Cheesy. Kaya ayun! Agad kong sinabi kay Miss Chessy na nandun si Miss Fear sa Clinic 2.

"Nngess ngessy, ngangdun nge nger snga 'NGENGEK NGO', tanga! Dangi! ."/Translation: Miss Chessy, nandun si Fer sa clinic two, tara! Dali!" sabi ko sa kanya kanina nung nandun pa kami sa university. Pero, nagulat na lang ako nang bigla akong hinila ni Miss Chessy palabas ng university hanggang sa napadpad kami dito sa NGENGEK NGO funeral homes.

Oh, gosh! Ang layo kaya ng CLINIC TWO sa NGENGEK NGO? Nakakainis naman oh! Pa'no ko ba ipapaliwanag kay Miss Chessy wala si Miss Fear dito sa NGENGEK NGO at nandun lang siya sa CLINIC 2. PANOO BA? Gabi na oh!

Hinarap ko si Miss Chessy. Hinawakan ang magkabilang balikat niya... eto na ipapaliwanag ko na sa kanya.

"Nngenge este, Cheesy Demoiselle..." Gosh! Nabubulol ako.

* * *

CHEESY

Biglang umurong ang boobsh ko nunang bigla akong shampalin niRachelle Ngo. Hindi ako makapagshalita. Anlakash shumampal ni Rachelle Ngo e. Bigla niya akong hinarap, hinawakan sha magkabilang balikat at agad na nagshalita.

"NGES, NGENE! UNGUNGE NGA NGAYO! WANGA NGE NGER NGETO!" sigaw niya.

"Ano 'yun?"

"ANG NGANGE NGO, UNGUWE NGA NGANGO! WANGA NGE NGER NGETO!"

"ANOO?"

"ANG NGANGE NGO, UNGUNGE NGA NGANGO! WANGA NGE NGER NGETO!"

"HAHH?"

<*PLAAAK!*> Bigla akong sinampal ni Rachelle.

Agad naman akong tumayo, "Wala pala si Fear dito e, tara uwi na tayo."

Napadilat ng mga mata si Rachelle at napanganga. May power talaga ang mga sampal sa akin.

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

Stellar Remnants By RicaFiery

Historical Fiction

4.5K 244 30
Can love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ng...
837K 28.7K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.3M 72.1K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...