Kabanata 43.5: Nganga

12.5K 336 112
                                    

Biglang lumapit si Hell kay Heaven at kwenelyuhan ito. "Anong ginawa mo kay Isaw?" nagngangalit na sabi ni Hell kay Heaven. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako dahil nataaman ang ulo ko ng lalagyan ng paint pero nakita kong may hawig si Hell kay Marco Gumabao. Tae, ano bang nangyayari sa akin? Kanina si James Reid, ngayon si Marco Gumabao.

"Get off me bastard! By the way, who are you?" tanong ni Heaven.

Agad akong tumayo para pigilan silang dalawa pero nung tumayo ako ay bigla akong na-out of balance papunta sa may likuran Heaven na naging sanhi upang....

"Brad? Anong ginagawa mo?" tanong ni Hell sa nakapatong sa kanya na si Heaven. Para silang nag... nag... nag... Se-sex?

<*NGANGA!*>

* * *

'Di ko alam pero nang makita ko si Heaven na nakapatong kay Hell, uhmm, tama bang sabihin kong nakaramdam ako ng matinding pagseselos? Para kasing may intimacy sa kanilang dalawa e. Alam mo 'yun? 'Yung tipong isa sa kanila ang napapakanta ng...

♪♪ Pare, mahal mo raw ako, 'yan ang sabi nila nang minsan ay nalasing tayo♪♪

Aish! Ayaw ko nang maalala pa 'yun! Ang saklap!

"Uhh, hehe, sorry sorry," namumulang sabi ko sabay alalay kay Heaven na makatayo. Nakakuyom lang 'yung palad niya habang pinagmamasdan si Hell ng masama. Napatingin ako kay Hell, nakatayo na siya ngayon habang pinapagpagan ang uniform. Nakatingin din siya kay Heaven, 'yung tipong gusto niyang suntukin si Heaven? Nakakatakot. BAKIT GANITO MAG-AWAY ANG MGA LALAKI? NAKAKATAKOT!

Pero, mas natakot ako nung oras na nagkaroon ng panandaliang intimacy si Hell at Heaven. Aay! Ayaw ko na talagang maalala 'yun! Ba't ko ba kasi naisip 'yun! Erase. Erase.

"Heaven, si Hell. Hell, si Heaven..." medyo awkward kong pagpapakilala sa kanila. Ang weird lang, din no? Hell, at Heaven? Parang ang ironic e. Sinadya kaya 'yun ng writer?

"I know," malamig na sabi ni Heaven sabay tingin ng masama kay Hell. Jusko! Anong gagawin ko?

Kinalabit ko si Heaven, tinignan niya ako ng masama.

Kinalabit ko ulit siya, yumuko naman siya para pantayan ako.

"What?" pabagsak niyang tugon. Napatingin naman ako kay Hell, nagtataka siyang tinitignan kami ni Heaven. Aish!

Lumapit ako sa may tainga ni Heaven, itinakip ko ang kanang kamay ko sa may gilid ng bibig ko nang sagayon ay hindi marinig ni Hell ang ibubulong ko kay Heaven. At nang magawa ko iyun ay agad ko siyang tinanong...

"Aminin mo! Nagwa-gwapuhan ka ba kay Hell?" medyo naiinis kong bulalas.

Humarap siya sa akin, ngumiti ng nakakaloko, at kinindatan ako sabay sabing,

"Slight."

<*NGANGA!*>

* * *

"Slight." Muntikan nang bumagsak ang panga ko nang marinig ko iyun mula sa kanya. Gusto kong magwala sa clinic ngayon pero, "Slight doesn't mean I like him. It's just a sort of compliment. Mas gusto kita, Choco Girl. Alam mo 'yan."

<*Wild palpitations*>

<*Dugdugdugdugdug!*>

Bakit ba ganito? Ba't mo ba ako pinapakilig, bakla ka!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now