Kabanata 40.0: Maghihintay Ako

14.9K 369 63
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 40.0: Maghihintay Ako

Writtenby: JoeyJMakathangisip

**
Heaven Chavez
"Bull$#¡t!" Naipadyak ko bigla ang kanang paa ko sa tiles ng hospital.  I feel so dumb right now! The thought that I made her cry in the cafeteria really kills me. The time that I saw that tears of her was also the same time that I feel like I want to kill my self. Hindi ko na siya kaya pang saktan. Hindi na.

"KUNG BIRO LANG ANG LAHAT NG GINAGAWA MO, SIGURADUHIN MO NA TAYONG DALAWA ANG TATAWA. HINDI  'YUNG TIPONG HUMAHALAKHAK KA NA PERO AKO, HULOG NA HULOG NA SA'YO AT NATATANGA!"

Naipikit ko bigla ang mga mata ko nang marinig ko ulit sa utak ko ang sinabi sa akin ni Choco Girl kanina. Gusto kong saktan ang sarili ko nang makita ko siyang umiyak sa harapan ko. I really want to punch myself! I really do!

"Who told you to come here?" Naibukas ko naman bigla ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng Dad ko. I'm here at the hospital right now. I know it may sound bullshi*t but.. I'm checking my Dad if he's okay. One of his employees called my digits telling me that he fainted kaya nagpunta na agad ako rito.

"Your Secretary told me," nagdadalawang isip na tugon ko sa Dad kong nakatayo sa harapan ko, mukhang maayos na rin siya pero parang may mali sa kanya na agad kong ikinataranta.

"Dad? Whay are you doing? Are you okay Dad?" tanong ko nang tinanggal niya iyong IV sa kamay niya.

Biglang natahimik ang lobby ng hospital.

Walang nag-atubiling magsalita.

Maging ang mga body guards ng Dad ko ay 'di nagawang mag-ingay.

"Umuwi ka na," he coldly said. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaso bigla na siyang naglakad palabas ng hospital kasama ang mga bodyguards n'ya.

Naikuyom ko bigla ang kanang kanang kamay ko.

Minsan, kahit nakakainis ang Dad ko, hindi ko pa rin mapigilan na maging concerned sa kanya.

He's still my Dad no matter how evil he is. He's still my father, my only father.
*   *   *
Third Person
"Dad? Whay are you doing? Are you okay Dad?" Nang marinig iyon ni Sunny Chavez mula sa sarili n'yang anak ay biglang nanlambot ang puso n'ya. His son, Heaven, is checking him if he's okay and he was touched by that because afterall, he's still a father to his son--to Heaven.

"Umuwi ka na," pabagsak ngunit may bigat sa loob na tugon ni Sunny Chavez. Napaisip siya bigla...

'What did my son did to me that I became a stone-hearted-father towards him?'

That thought made Sunny Chavez turned arround. Bumigat ulit ang pakiramdam niya, tila may bumara sa kanyang lalamunan. 18 years ago, alalang-alala pa niya niya ang isang senaryo kung saan ay maluwalhati n'yang karga-karga ang isang sanggol. Masayang masaya siya nang makita niya ang sanggol na iyon. Hindi mapantayan ang sayang naramdaman niya nang makita n'ya ang anak niya. Pakiramdam niya, nabuo bigla ang pagkatao niya nang makita niya ang sariling repleksyon sa karga-kargang sanggol--- ang sanggol na pinagalanan niyang Heaven.

Nang makalabas siya sa ospital kasama ang mga bodyguards niya ay bigla niyang inilaan ang kanyang paningin sa anak nasa loob pa rin ng ospital.

Nakaramdam siya ng lungkot lalo na nang sumagi sa isip n'ya ang sinabi sa kanya ng doktor kanina;

"I'm sorry Mr. Sunny Chavez, but the cancer cells are already raging in your system. It may be disgusting to hear but your cancer is now on its peak."

"Let's go now," Sunny Chavez said as he break his thought.

"Yes sir," the driver replied at mmandar na ang kotse.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon