Kabanata 49.5: The Seven Minutes Dream

15.3K 395 131
                                    

FEAR

Makalipas ang ilang sandali ay biglang tumigil ang tugtog. Nahinto ang pagsasayaw, nagsigawan at nagsitakbuhan ang mga tao. Nagkagulo ang buong pedistrian lane sa kadahilanang may biglang nagpaputok ng baril. Natigilan ako. Ba't biglang nahirapan akong huminga?

Dahan dahan ay nanginginig akong lumingon. Biglang natigil ang mundo ko na siyang ikinabilis ang pintig ng puso. Napadilat ako ng mga mata nang biglang bumungad sa paningin ko ang ginang na nagbigay sa'kin ng camera limang taon na ang nakakalipas. Nakatayo siya sa gitna ng pedistrian lane, nakangisi, nakasuot pamburol na damit at nakadilat ang mga mata na nakatingin sa'kin.

"Maganda gabi, Fear De Guzman," malademonyo n'yang sabi. Napsinghap naman ako bigla nang makita ko sa kaliwang kamay niya ang camera na isinuko ko kay Sunny Chavez kaninang umaga. Paanong napunta sa kanya 'yan? Paanong?

"Isa kang traydor. Binigo mo ako iha." Lumungkot ang mukha niya. Napaatras ako. Nanginginig sa kaba. Ganito ba kasama ang ginang na nakilala ko apat na taon na ang nakakalipas? Ganito ba?

"Alam mo kung ano ang dapat ginagawa sa mga traydor?" tanong niya. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang itinutok sa'kin ang baril na hawak n'ya.

Gusto ko pa sanang tumakbo pero...

Biglang umusok ang harapan ng paningin ko. Pakiramdam ko ay may biglang yumakap sa'kin. Natamaan ba ako? Pero bakit ganito? Bakit hindi ako nasaktan?

"Y-you're safe." Bigla akong binato ng reyalidad nang marinig ko ang boses na iyun. Bigla kong napagtanto na ang sumalo pala ng balang dapat sa akin tumama ay walang iba kundi si...

"H-Heaven?!" ang tanging naiusal ko. At nang makumpira kong natamaan nga siya ay napasigaw ako ng mapait. "Heaven!"

Bigla akong napahagulhol nang nakita ko ang mukha niya at ang nanamlay niyang mata. Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Oh, Napaka-sweet naman," tugon ng ginang na bumaril kay Heaven na nakatayo 'di kalayuan sa'min.

"WALANG HIYA KA!!" puno ng galit kong pagsigaw sa kanya. Bigla siyang humalakhak. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng pedestrian lane ngayon. Malalim pa rin ang gabi at wala ni isang tao ang naliligaw na lumapit sa'min. Gusto kong humingi ng tulong ngunit kanino?

"Heaven??" nanginging labi kong tawag ko kay Heaven habang nag-aalalang sinasampal-sampal ng malumanay ang mga pisngi n'ya. Hinanap ko kung saan ang tama niya. Nasa may balikat.

"Aalis na tayo. Dadalhin kita sa ospital," utas ko sa kanya kaso hindi siya sumagot. At pakiramdam ko rin ay nawawalan na siya ng balanse. Mas trumeple ang kaba ko.

"Magandang gabi Heaven. Ikaw pala ang anak ng una kong asawa. Nice to meet you." Biglang napatingin si Heaven sa ginang. Agad ko naman siyang inalalayan.

"What are you saying?" nanghihinang tanong ni Heaven.

"Ohh, hindi mo pala alam? Well, I'm your Tita Tanya Quezon. The first wife of your Dad. You should call me mom." Lumapit siya sa'min, napaatras kami.

"Napakaguwapo mong bata pero pasensya na kasi, papatayin na kita ngayon..." Hinaplos niya ang pisngi ni Heaven gamit ang baril, "Kasama ang traydor mong nobya," dagdag niya. Tumigin siya sa'kin at agad na itinutok sa'min ang baril na hawak n'ya. Napaiyak ako sa kaba. Bigla naman akong niyakap ni Heaven ng mahigpit.

"Ako na lang ang patayin mo. Just don't touch her," sabi ni Heaven sa ginang na siyang ikinahakhak nito.

"No. No. No, darling. I have to kill both of you. Kaya nga ako nakapamburol ngayon 'di ba? At kaya nga may convoy akong may dalang dalawang kabaong? Can't you see? Advance ko kayong pinaglalamayan. Plus, may free coffin pa! Saan pa kayo, ha?" Bigla niyang isinaksak ang baril sa sentido ko. Agad naman akong iniwas ni Heaven dito.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now