Kabanata 45.5:The 18th Rose

10.2K 310 57
                                    

11:58 PM

"Kill my brother."

"Masusunod boss." Unti-unting itinutok ni Hell Fortunado ang baril sa direksyon kung saan nakaupo si Heaven. Nanginginig niyang hinawakan ang baril. Ito ang unang beses na papatay siya ng tao. Ito ang una.

"Anong hinihintay mo?" tanong ni Edison nang makita n'yang hindi gumagalaw ang tauhan n'yang si Hell. Napakunot siya ng noo, tila naamoy niya ang ang susunod na gagawin ng tauhan.

Habang hindi pa huli ang lahat ay agad na iniba ni Hell ang direksyon ng baril na hawak niya, ipuputok n'ya sana ito kay Edison kaso...

"Akala mo ba, maiisahan mo ako?" Biglang natigilan si Hell. Nanginig sa takot ang kanyang laman nang maramdaman niya ang lamig ng labi ng isang .45 calibre na baril nakahalik sa sentido n'ya. Gusto n'yang gumalaw pero hindi n'ya magawa.

"Kilala kita Hell." Ngumisi si Edison. Mas lalong dumilim ang eskinitang pinagtataguan nila.

"Hindi ko akalaing tatraydurin mo ako. I'm so disappointed." Idiniin ni Edison ang bibig ng baril sa sentido ng tauhan. Ipinikit naman ni Hell ang mga mata niya.

Dito na.

Hanggang dito na lang siya.

Muli n'yang binuksan ang mga mata niya, nakita niya si Fear De Guzman na kasayaw si Heaven. Napangiti siya ng mapait.

'Salamat Isaw, tinuruan mo ako kung pano maging isang mabuting tao,' bulong ni Hell sa sarili. Sa 'di inaasang tagpo ay biglang umagos ang luha ni Hell.

Hanggang dito na lang siya.

"Paalam Hell," malamig na sabi ni Edison. He pulled the trigger of his gun and after a few seconds...

Biglang natawa si Hell. Bigla siyang napaagik-ik.

Agad niyang itinutok ang .32 calibre sa sentro ng mukha ni Edison, "Akala mo ba hindi rin kita kilala, boss?" nakangising tugon ni Hell. Napadilat naman ng mga mata si Edison, "Yang hawak mong baril, sinugurado kong walang laman 'yan," dagdag ni Hell. Napangisi ulit si Hell sa pangalawang pagkakataon lalo na nang makita niya ang isang hakbang na pag-atras ng boss niyang si Edison.

"Hindi ko lang maintindihan boss." Lumapit ng konti si Hell, nakapinta pa rin sa kanyang mukha ang isang malademonyong ngiti, "Bakit ako inuutusan mong patayin ang kapatid mo? Bakit hindi na lang ikaw?"

Napalunok si Edison. Tila hindi alam ang isasagot kay Hell.

"Hindi mo kayang pumatay. Tama ba ako?" Muling natigilan si Edison, tila na-checkmate siya sa tanong ni Hell. Ilang beses na bang tinangka ni Edison na pumatay ng tao? Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi na niya mabilang. Sa lahat ng pagtatangkang iyun ay wala siyang napatay ni isa.

"Hindi sa hindi ko kayang pumatay Hell. Mas gusto ko kasing hindi mabahiran ang mga kamay ko ng mga walang kwentang dugo. Mas gustong iba ang magbayad sa kasalanang gusto kong gawin. 'Yung tipong galit ako sa isang tao pero iba ang papatay? 'Yung tipong ikaw ang papatay sa kapatid ko at ikaw din ang makukulong?" Ngumisi si Edison. Nasagot n'ya ang tanong ni Hell.

"Napakasama mo boss."

"Magkatulad tayong masama Hell!" sigaw ni Edison. Agad niyang sinipa ang hawak na baril ni Hell, napunta ito sa malamig na semyento.

Nag-unahan silang makuha ang baril. Maaabot na sana ni Hell ang .32 calibre nang bigla siyang hinigit ni Edison at sinuntok sa mukha. Natumba si Hell at kumaripas naman si Edison sa pagtakbo para makuha ang baril.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Where stories live. Discover now