Garden of Wounds (Panacea Ser...

By shaixy-

87.4K 2.2K 554

Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing t... More

•••
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Physical Abuse

Chapter 33

1.4K 38 13
By shaixy-




Thirty-three.

There are things that will actually happen to us to destroy our whole being. I used to believe before that maybe, those things were happening to us to teach us a lesson, but no, darling, let's accept the fact that there are some things that are meant to be a trauma. Kaya ayos lang kung ginagamot mo pa rin ang mga sugat ng kahapon dahil hindi naman nagmamadali ang mundo. Naiintindihan naman nito na hindi gano'n kadali ang lahat. Naiintindihan naman nito na winarak ka nito nang matindi kaya kinailangan mo na munang magpahinga at ihilom ito.

There are things that will wreck your whole soul into pieces, ngunit kung hindi ka mababasag, paano ka mabubuo muli?

Kapag nalulungkot ako, napapatanong ako sa mga nagsasabi sa akin na nakakaya ko naman daw lagpasan ang bawat araw at ayos na 'yon. Nakakaya ko ba talaga o hinahayaan ko lang na lumagpas ang bawat araw? They say, being happy is your choice. Damn that saying.

Hindi ko piniling maging malungkot. Hindi ko piniling umiyak araw-araw. Kung gano'n lang din naman kasi kadali ang lahat, mas pipiliin ko namang tumahan na kaysa mag-isip gabi-gabi dahil alam nating lahat kung gaano kahirap 'yong gano'ng pakiramdam. Hindi ko piniling magdusa! It's not my choice to be depressed for how many years! So how could they say that being happy is a choice?

Kaya sa mga nagsasabing choice mo ang maging masaya; ang tanong ko, gano'n ba kadaling kalimutan ang lahat? Gano'n ba kadaling maging masaya kung binabalot ng takot at sakit ang iyong dibdib? Hindi mo 'yon choice dahil kusa mo na lang ulit 'yon mararamdaman. Magigising ka na lang na magaan na muli ang iyong pakiramdam.

Stop forcing yourself to be happy. Stop looking for happiness. Let happiness finds you.

"Mama," my son, Atharv, called me in his soft voice. "Archis caused a trouble again."

My eyes shifted to his younger brother that is hiding behind his back. Halata sa kan'ya ang pagiging kabado dahil hindi ito makatingin nang diretso sa akin. Napahinga ako nang malalim. Ngayon na lumalaki na sila, kitang-kita ko talaga kung saan sila nagmana, at kapag nakatingin ako kay Archis, parang nakatingin lang ako kay Zavion.

Aunt Ava and Elaine found out what really happened to me. I don't have any choice but to explain everything to them. As I was telling them the whole story, I still feel the fear in my chest. I realized that trauma will always be there; You just have to get used how to live with it.

When I found out that my sons are superfecundation twins, I don't know what to feel. I felt mixed feelings. I can't find the right word to describe how I feel because that was unexpected. Kahit kailan, hindi 'yon dumapo sa aking isipan at lahat kami ay nagulantang sa nalaman na may anak din kami ni Zavion. Pinagbubuntis ko na noon si Atharv nang nabuo si Archis sa aking tiyan. Hindi man ako makapaniwala dahil bihira lang ang gano'n at napakadelikado, pero ito siguro 'yong kapalit ng pagdurusa ko noon. I'm glad He used Kazuo as his instrument to stop me from aborting them. Kapag nangyari siguro 'yon, habang-buhay ko itong pagsisisihan.

Akala ko ay tapos ko nang iiyak ang lahat ngunit nang makita ko sila, nang ibigay sila sa akin, naglabas muli ng mga panibagong luha ang aking mga mata.. This time, I'm not crying because of pain. I'm crying because of too much happiness. Even though I used to hate the baby so much when I was pregnant, it disappeared when I saw them. I was really happy because Tita Ava is right, a mother's connection to her children is different.

Tanggap ko naman sila. Tanggap ko rin ang anak ko kay Ambrielle. Mahal ko silang nang pantay. Parehas silang angat. Ano man ang nangyari sa akin sa nakaraan, hindi niyon maaapektuhan ang magiging trato ko sa bata. Like what I've said, I was once a child and I know how it feels when your parent is treating you harshly.

They are my new home. They are my solace.

I found a new life with them. Gaddiel Atharv and Hanniel Archis are both my life. Gaddiel may be a product of his Dad's stupidity, but I'm really glad that he came into my life. My son is not Ambrielle. I found myself accepting and loving him wholeheartedly. Mabait na bata ito at alam kong maihuhulma ito sa taong malayo sa ugali ng kan'yang ama. Magkaiba sila ni Ambrielle. Si Ambrielle ay si Ambrielle na gago at demonyo. Si Gaddiel ay si Gaddiel na anak at mahal ko.

"May sinuntok ka na naman ba?"

At first, I was doubting my capabilities. I was hesitating if I could really raise my children alone but I remember, I fought all the trials in my life on my own, so taking care of my sons may be a huge responsibility, but I know I can do this. I can raise them even if I'm a single mother. Kaya ko silang palakihin kahit na wala silang ama. I'm stronger than before. I am braver than before.

Besides, I have Kazuo. I have their Tita Elaine and their Mommy Ava.

"Mama..." His lips shivered. "It's... it's because I was hungry so I feel like punching someone," he chuckled nervously.

I massaged my temple because of too much stress. Archis is a troublemaker, an opposite of his Father. I don't know where he got his attitude.

Noong una, nahirapan talaga ako dahil hindi pa ako talagang ayos noong ipinanganak ko sila. Lagi pa ring nando'n 'yong pighati at sakit kaya roon na rin ako natauhan. Tinulungan ko ang sarili ko. I consult a doctor and drank meds. I was diagnosed with Post-Traumatic Stress Disorder, Major Depressive Disorder, and Anxiety Disorder. Believe me, it took a lot of time to be finally here. I had a hard time adjusting. Nahirapan akong ipagsabay ang sarili ko at ang mga responsibilidad ko sa buhay.

After some years, I could see changes in myself. I tried to pick up the pieces of me so I could rebuilt my broken soul. Ayon din 'yong panahon na gusto ko muling buhayin ang pangarap ko noon.

With the help of my family and realizations, I have finally attained my dreams. I am now a registered nurse. Mahirap dahil pinagsabay ko ang pagre-review noon habang inaalagaan ang mga bata. And now, after all the sleepless nights, after dealing with my demons and my tears, I was able to build my own clinic.

After so many years of being miserable, happiness found me and I found it, too. We've found each other in a really perfect timing.

Masasabi ko bang totally healed na ako? I don't know the answer yet. I only know that I'm getting better. Hindi ko alam paano nangyari 'yon ngunit gaya ng sinabi ko, magigising ka na lang isang araw na payapa na ang dibdib ko.

"I'll tell that to your Tito! Hindi dapat gan'yan ang asal ng bata!" My lips pursed. "Did you even say sorry to him?"

"Don't worry, Ma. Ako na po ang nag-sorry," Atharv answered quickly.

"Pupunta ako bukas sa school niyo. Ituro mo sa akin kung sino ang sinapak nitong kapatid mo," mariin kong wika. "At magso-sorry ka roon, Archis, naiintindihan mo ba? Hindi puwedeng gan'yan na lang lagi ang ginagawa mo!"

"Sorry, Mama..." Archis tried to hide his smile but he failed. Nang tumawa siya ay hindi ko na ring napigilan ang matawa.

I'm trying to be serious here! They really know how to trick me!

"No, Archis. Don't take this as a joke. That is bad. Nakakasakit ka ng ibang tao."

"Sorry, Mama. Hindi ko na po 'yon uulitin," he smiled sheepishly. "Kuya Atharv is always busy reading his books. Nagsabi naman po ako sa kan'ya na nagugutom na ako. Ayaw niya akong pakinggan," he pouted his lips.

Despite of being a troublemaker, my son, Archis, is very childish. Ang hilig niya lagi magpalambing. Hindi 'yon aakalain sa kan'ya dahil matalim siya lagi kung tumingin at halos 'di ngumingiti ang kan'yang mga labi kapag pinalilibutan siya ng ibang tao.

"I don't like spoiled brats people," Atharv hissed. "And you could buy on your own. Hindi mo kailangang utusan ang iba para sa sariling kagustuhan mo."

I chuckled. I looked at my son, Atharv, with amusement.

Atharv got his father's soft eyes. Si Ambrielle kasi, kapag ngumingiti, ngumingiti rin ang kan'yang mga mata. Taliwas ang ugali niya sa ugali ng kan'yang ama. Ambrielle is playful while Atharv is serious. Ambrielle likes women a lot while my son hates being touched by someone he doesn't know, especially if it's a girl. I don't know. Allergic siguro sa mga babae.

"Whatever, Kuya," Archis accepted his defeat. I took a deep sigh and caressed their hair.

"Kapag naulit 'to, Archis, alam mo na ang puwedeng mangyari," mahinahon kong wika ngunit may diin. "Lagi ka na lang naghahanap ng away! Masama 'yon lalo na't bata ka pa lang!"

"Just please don't tell this to Tito Kazuo, Mama, okay? Hindi niya po ako bibilhan ng Lego kapag nalaman niya po, e. I promise, hindi na po 'yon mauulit next time."

"Tsk." Napatingin ako sa anak kong nakapamulsa lamang at bagot na pinapanood ang kan'yang kapatid.

"And you, Atharv, take care of your brother. Ihahatid ko kayo kay Mommy Ava niyo. Mag-o-overtime ako sa clinic ngayon," I informed them.

He straightened up his back. His eyes narrowed slightly as he stared back at me.

"Any violent reaction, Atharv?"

He released a deep breath. "Wala, Mama."

Archis flashed a playful smirk. It was as if it has a hidden meaning. Napailing na lamang ako at sinabi sa kanilang aalis na kami.

Sa loob ng limang taon, si Tita Ava ang kaagapay ko sa pag-aalaga sa mga bata dahil wala pa akong alam gaano rito. She was the one who guided me and until now, she's the one who's taking care of my kids whenever I'm busy with my works. Ganito naman palagi simula noong magtayo ako ng sariling clinic. Madalas akong abala kaya hindi ko mas'yadong matutukan ang mga bata.

Mahirap magkaanak kaya naiintindihan ko 'yong mga mag-asawang ayaw na munang magkaroon ng anak dahil hindi naman ito basta-basta. Mayroon kasing ibang tao na anak lang nang anak para maging life assurance ang anak balang-araw. 'Yong tipong pagkapanganak pa lang sa 'yo, inaasahan agad na ikaw 'yong aahon sa kanila sa hirap. Mayroon namang ibang magulang na 'yong anak ang pinagtatrabaho nila imbes na sila kahit na malakas pa ang kanilang pangangatawan.

Naiintindihan ko rin naman na s'yempre ginagawa natin ang lahat dahil sa pagmamahal natin sa ating magulang. We love them that's why we're doing our best to be successful, to spoil our parents, and mapalitan lahat ng paghihirap nila sa atin, ngunit sana ay tanggalin natin ang nakasayanan na nag-aanak lang para ipasa mo sa kan'ya ang paghihirap sa mundo. Hindi naman ginusto ng bata ang ipanganak siya. Ikaw ang nagdala sa kan'ya sa mundo kaya responsibilidad mo siya.

Mag-anak ka dahil gusto mo. Mag-anak ka nang napagplanuhan mo. Ipakita mo sa bata kung gaano kaganda ang mundo. H'wag mong hayaan na ang pamilya ang maging main cause ng kan'yang mental health problem.

"Mommy Ava!" Archis, the sweetest, called Tita in his sweet voice.

My lips formed a small smile. Tita Ava isn't my real mother but she made me feel that I'm her real daughter. Ang tagal na rin simula nang makita ko sina Mama. Kahit noong malaman nilang nanganak na ako, kahit anino ng isa sa kanila ay hindi ko nakita.

I don't understand. Gano'n ba talaga kalaki ang galit sa akin ni Mama?

"Where's Tito Kazuo?"

Atharv held my hand. Napanguso ito habang pinagmamasdan ang kapatid na masayang nakikipag-usap kay Tita.

"Marami kayong toys sa room ng Tito ninyo," I told him.

"Mmm..." He nodded his head. "Mama, uwi ka agad."

"I'll try."

"Don't exhaust yourself, Mama. Always take care pa rin po. Walang kuwenta po 'yong pagpapagod ninyo sa trabaho para sa amin kung magkakasakit ka rin naman."

I caressed his cheek and kissed it. "Kiss na si Mama," I chucked and pointed my cheek.

He immediately reached for my cheek and kissed it repeatedly. Natawa ako nang halos ayaw na akong pakawalan ni Atharv.

"Bakit siya lang pinapa-kiss mo, Mama?!" The thunderous voice of Archis made my heart skips a beat.

"Brat." Dinig kong sambit ni Atharv.

Lumapit ito sa amin at marahang itinulak palayo ang kan'yang Kuya. Sinamaan siya ng tingin ni Atharv ngunit hindi ito nagpatinag.

"I love you, Mama!" He planted a soft kiss on my face.

I left them on Tita Ava's care and went straight to my clinic. It's a huge clinic. Si Elaine ang naging kasangga at gabay ko noong panahong nagsisimula pa lang ako. Since I live in my grandparents' mansion, everything wasn't easy that time. Nangungulila ako kina Lola. It was a sudden tragedy... at hindi 'yon katanggap-tanggap.

Pero sa paglipas ng panahon, natuto akong pakawalan ang lahat. Natuto akong pakawalan ang pangamba sa aking dibdib. Natuto akong pakawalan ang sarili ko sa mga bagay na pilit akong ikinukulong sa madilim at masikip na silid. Kahit ang tao ay natutunan ko ring pakawalan.

Naging abala ako noong oras na 'yon. Nakapag-overtime ako dahil may emergency 'yong papalit sa shift ko.

"Are you fine with that kind of life?" Elaine removes her white coat. Umupo ito sa aking harap at matagal akong pinagmasdan. "Lagi kong nakikita si Zavion sa Arevallo Hospital. Sigurado kang ayaw mong makita 'yong tao at sabihin sa kan'ya 'yong totoo?"

My lips pursed with her sudden question. Umarko ang aking kilay at matagal bago ko nasagot ang kan'yang tanong.

"Nakakahiya magpakita roon. Matindi 'yong sakit na naibigay ko sa kan'ya."

"Dahil 'yon sa maling pag-aakala. Hindi niya alam na ganito ang nangyari sa 'yo."

"Maayos na 'yong buhay ng tao. Huwag na nating guluhin."

"Pero may anak kayo," marahan niyang saad.

"Kaya kong buhayin ang mga anak ko." I said firmly. "Hindi ko kailangan ng lalaki."

"Hindi naman basta-bastang lalaki si Zavion. He's the Father of Hanniel!"

Just like the other victims, I kept my mouth shut because I'm afraid to voice out everything and embarrassed at the same time.

"Kuntento ang mga anak ko kahit na wala silang kinikilalang ama. Nand'yan naman si Kazuo!"

"Pero hindi habang-buhay nand'yan si Kazuo! Bubuo rin ng sariling pamilya 'yon!"

Natahimik ako sa kan'yang tinuran. Napahinga ako nang malalim at bigla akong napasandal sa aking kinauupuan. Nahilot ko ang aking sentido at pinag-isipan ang kan'yang sinabi.

Tinanggalan ko ba si Zavion ng karapatan na kilalanin ang kan'yang anak?

Maraming taon na rin ang lumipas. Paano ko pa guguluhin 'yong taong sinaktan ko nang sobra noon? Paano kung may nabuo na rin siyang pamilya ngayon?

We fucking don't know the future. Hindi natin hawak ang nararamdaman ng isang tao. Si Zavion na tinulak ko palayo noon, nag-akalang niloko ko siya, malamang hindi niyon ikukulong ang kan'yang sarili sa akin! He'll move-on and forget everything that we had!

He isn't stupid!

Natigil lamang kami sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto. A man with a worrying face entered the clinic. May buhat-buhay itong lalaki na 'di ko mas'yadong maaaninag dahil nakatalikod ito. Napatingin ako sa orasan at mas kumunot ang aking noo nang mapagtanto kong alas-dos na ng madaling araw.

Elaine immediately attended the man and she assisted them. Napatayo rin ako sa taranta lalo na nang mapagtanto ko na ang kan'yang dala-dalang lalaki ay ang pasyente. The man looks unconscious. That explains the facial expression of the man who carried him.

"Ano po ang nangyari?" Elaine asked him calmly. She quickly checked the patient. Her eyes widened after doing that. Umangat ang kan'yang tingin sa akin na para bang may ipinapahiwatig ang kan'yang mga mata. Her lips parted, looks like she's afraid of something.

"Hindi ko po alam, Doc, e. May ide-deliver po kasi sana ako kaso may nakita po akong nakahintong kotse na parang nabangga iyong puno. Ch-in-eck ko po kung may tao at ayan po..." Manong explained everything. "Hindi ko na po siya madala sa hospital dahil ang layo po," he added.

"Hmm... looks like he's drunk," Elaine whispered.

Tuluyan na akong nakalapit sa kanila. Mabilis na dumapo muli ang mga tingin ni Elaine sa akin. I raised a brow but she just shook her head. Tiningnan ko ang pasyente at para akong napaso nang tuluyan kong makita ang pagmumukha nito. I flinched back in shock and my heart beats rapidly after realization hits me.

"Zavion?"

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 251 31
Can two people of the opposite sex be just best friends? Can two people who have shared deep secrets and swam depths with their hands holding each o...
177K 4.1K 35
Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University...
205K 3.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...