Chapter 45

1.4K 32 7
                                    




Forty-five.

Never be obsessed about chasing love. True love will never let you chase just for the sake of love. True love is being confident while waiting for that someone... dahil alam mong kahit saan ka ipunta ng hangin, sa 'yo at sa 'yo pa rin dadaong ang taong 'yon. Ikaw ang dulo. Ikaw ang hangganan. Instead of chasing love, choose to chase your goals. You don't chase love— it is supposed to find you wherever you are. Hindi ka maghahabol dahil ikaw ang hahabulin ng pagmamahal.

"Ma..." I bit my lower lip and sighed.

Nasa tapat ko ang dalawang tinuring kong ina. Ang pinagkaiba nga lang nila; 'yong isa sa kanila, nagampanan niya ang kan'yang responsibilidad bilang ina at tinuring akong anak habang 'yong isa naman, kahit na isa niya akong tunay na anak, halos isumpa ako dahil ayaw niya akong makita.

These two loved my father dearly. I understand Mama's situation before. Naranasan ko rin ang lokohin ng minamahal ko noon. Hindi 'yon madali sa kan'ya lalo na't nagkaanak din si Papa at Tita Ava. It was never easy but it's not a valid reason to hurt me. I was mad at my Father... for breaking his promises to my mother. Sabay silang nangako sa harap ng altar na ang isa't-isa lamang ang kanilang mamahalin hanggang dulo, subalit bakit hindi pa rin 'yon sapat upang makuntento ang isang tao?

"I'm not here to make a scene," she turn her gaze to Tita Ava. "Gusto ko nang palayain ang sarili ko sa lahat, kaya nandito ako upang humingi ng tawad sa 'yo, Ava."

"Hindi ikaw ang dapat na humihingi ng pasensya, Leah," mahinahong sagot ni Tita Ava. "Ako dapat. Ako ang sumira sa pamilya n'yo."

"Hindi," she answered firmly. "Si Emer ang sumira ng pamilya namin. Siya ang hindi nakuntento at naghanap ng iba. Siya dapat ang mas sisihin ko. May mali ka rin naman... dahil mas pinili mong makikabit."

"Mama!" I warned her. Tinapunan lang niya ako ng tingin at binaling muli ang kan'yang atensyon kay Tita.

"Pero wala ng kaso 'yon sa akin. I hope we're good. I apologize for everything, Ava." Her eyes are emotionless. "Anyway, this will be the last time na makikita n'yo ako. I'll start a new life in France. Take care, Elvira. I'm really sorry for everything, anak," her lips curved into a sad smile. "Mamaya na ang alis ko. Sana mapatawad n'yo ako sa tamang panahon."

My heart clenched in pain when I saw her looking at me sincerely. Nawaglit sa aking iniisip ang kan'yang itinawag sa akin dahil mas nagulantang ang aking buong sistema sa narinig.

"You're leaving?" I parted my lips. "Alam ba 'to ni Elaine?"

"No," she shook her head. "Sasabihin ko sa kan'ya mamaya kapag nasa airport na ako."

"Mama naman!"

"I want to go far, far away from this land," malayo ang kan'yang tanaw. "Gusto kong kalimutan na ang lahat..." She said, whispering.

"Pero hindi naman dapat ganito, Ma."

"I lost my freedom for a long time. I lost myself... trying to find myself in others. I tried hard to please your Father... pero dapat ay noon pa lang, naiintindihan kong kapag may sugat na, hindi na 'yon maibabalik sa dati..."

"Is this what you want? Mahihilom ka ba nito, Ma?" My voice cracked.

"Mahihilom ako ng paglisan ko," she said with determination.

Bumagsak ang aking mga balikat. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Her leave was so sudden but if this is her way of setting herself free, I will try to understand.

"Leah..." Tita Ava called her. "Alam mo bang ikaw lang ang laging pinipili ni Emer noon? Yes, he cheated on you but he tried to find you in me... pero iba pa rin talaga kapag ikaw. Sinabi niya sa aking maaaring nagkamali siya pero ikaw lang ang mahal na mahal niya. Ikaw lang ang babalik-balikan niya."

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant