Chapter 31

1.3K 37 24
                                    




Thirty-one.

There's really nothing I can do but accept everything even if it's not acceptable. If I'd keep on mourning, my health would be at risk. Ngayon, hindi lang ako ang nabubuhay, mayroon ng bata sa aking sinapupunan.

I looked at my tummy and caressed it. I took a deep breath to release my heavy feelings. How can my mind be at peace if I am carrying the child of someone who raped me?

Hinatid ako ni Kazuo sa bahay pagkatapos no'n. Maingat siya sa kan'yang bawat galaw dahil natatakot siyang baka ay mabulyawan ko. Galit ako sa lahat ngayon. Galit ako sa tao. Galit ako sa mundo... at galit na galit ako sa sarili ko.

I no longer know how to handle things. Nangangapa ako. Naubusan ako ng maaaring puwedeng gawin. Hindi ko na alam kung paano magsisimula muli. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Take a rest after, Elvira. You badly need it..." Kazuo spoke quietly. "Sobrang payat mo na. Mas'yado mo nang pinapabayaan ang sarili mo."

"I don't know how to do it. Wala akong gana sa lahat," I sighed.

"Then help yourself. I know it's easy to say this... but please, help yourself, Elvira. Walang ibang makakatulong sa 'yo kundi ikaw lang," he said. "Alam kong hindi rin madali ang lahat sa 'yo. Do yourself a favor. Kahit 'yong pag-aalaga lang sa sarili mo ang magawa mo," he added sincerely.

I took a deep sigh again. Everything is getting worst. Mahirap kumilos lalo na kung nananaig ang iyong emosyon. It's hard to do everything that you love if your heart is filled with emptiness. Gusto mo lang 'yong nakahiga ka... nag-iisip at umiiyak... wondering why.

I don't want to take care of myself. I want to end my life.

"Thank you for the ride, Kazuo. Always check Margarette for me. Hindi kami magkaayos ngayon, e," I bit my lower lip and look down. "But please, do me a favor. Don't tell this to anyone, including her. Promise me, okay?" Malamlam ang aking mga mata nang sambitin ko 'yon.

He hummed and took a deep breath. Dahan-dahan siyang tumango bago paandarin muli ang kan'yang kotse upang maghanda sa kan'yang paglisan. I smiled at him and held my bag firmly. Hindi ako makahinga nang maayos kaya gusto ko nang magpahinga.

Nang mawala siya sa aking paningin, mabilis akong naglakad papasok sa bahay. For the past months, the house looks dull and it's always quiet. Umiingay lang kapag nagsisigawan sina Mama't Papa para pag-awayan ang isang bagay. Napapansin ko rin na bihira na lang ang pag-uwi ni Papa sa bahay... at pansin ko rin ang pag-iiba ng trato ng magulang ko sa isa't-isa. They're always fighting now.

I don't know how to tell my parents about the existence of the baby. They would feel disappointed, for sure, but I can't hide this forever. Malalaman din nila ito dahil unti-unting lalaki ang aking tiyan. Alam kong magagalit sila sa akin o baka nga ay mas lalo pa akong kamuhian. There's a big possibility that they'd throw me out of the house.

Pinilig ko ang aking ulo at winaksi 'yon sa aking isip. Ayaw kong mag-isip mas'yado ngayong araw. Saka ko na iisipin ang kahihinatnatan ng lahat. Sa ngayon, mas gusto ko na munang matahimik. Pagod na pagod na ang lahat sa akin. Itutulog ko na lang ang lungkot na aking nararamdaman.

I quickly open the door of my room and I was surprised when I saw Zavion, standing near the window. Nakatanaw siya rito na halata namang may malalim na iniisip. I stepped inside my room and that made a sound. It caught his attention so he turned his gaze to me. I swallowed hard when I saw his cold, dark eyes— staring back at me.

"Saan ka galing?" His cold voice made me shiver.

Dahan-dahan niyang nilakad ang distansya naming dalawa. I was stunned and couldn't move my feet. Gumapang ang kaba sa aking dibdib kaya gano'n na lamang ang panlalamig ng aking buong katawan.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Where stories live. Discover now