Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

797K 50.8K 72.1K

Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipi... More

Book 2 (Completed)
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII: The Cryosail
Kabanata LXIV
Kabanata LXV (Part 1)
Kabanata LXV (Part 2)
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)
Kabanata LXVIII (Larong Pampalakasan Part 2)
Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV (Ang Kaarawan ng Bida)
Kabanata LXXV
Kabanata LXXVI
Kabanata LXXVII
Kabanata LXXVIII
Kabanata LXXIX
Kabanata LXXX
Kabanata LXXXI
Kabanata LXXXII
Kabanata LXXXIII
Kabanata LXXXIV
Kabanata LXXXV
Kabanata LXXXVII
Kabanata LXXXVIII
Kabanata LXXXIX
Kabanata XC
Kabanata XCI
Special Chapter: RATSP Christmas Edition
Kabanata XCII
Kabanata XCIII
Extra 1
Kabanata XCIV
Kabanata XCV (First Date?)
Kabanata XCVI
Kabanata XCVII
Kabanata XCVIII
Kabanata XCIX
Kabanata C
Kabanata CI
Kabanata CII
Kabanata CIII
Kabanata CIV
Kabanata CV
Kabanata CVI
Kabanata CVII (La Familia Agrigent)
Kabanata CVIII
Kabanata CIX
Kabanata CX (Ang Kaarawan ng Hari: Unang Bahagi)
Kabanata CXI (Ang Kaarawan ng Hari: Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])
Kabanata CXIII: Ang Kaarawan ng Hari (Huling Bahagi - 2 [Alab])
Kabanata CXIV: Pag-amin
Kabanata CXV: Ang Kasagutan
Kabanata CXVI: Ang Pagsiwalat ng Katotohanan
Kabanata CXVII: Sandigan
Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)
Kabanata CXIX: Ang Kaharian ng Naia (Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXX: Ang Kaharian ng Naia (Huling Bahagi)
Kabanata CXXI: Aerwyna
Kabanata CXXII: Ang Pangako (Epilogue for Book 2)
Author's Note

Kabanata LXXXVI

12.7K 786 1.1K
By Airosikin

- ERYX -

Sunod-sunod na napaubo si Eryx ng dugo matapos tumama sa kanyang sikmura ang may kalakasang suntok ni Orryn. Sinubukan niya kasing makalapit dito sa pag-asang makahahanap siya ng kahinaan nito. Sa kasamaang palad ay panay lamang mga tadyak, sipa, at sunok ang kanyang natatanggap.

Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Sereia na hindi ito naaapektuhan ng pisikal na lakas o ng kahit anong sandata. Pero wala na siyang iba pang pagpipilian pagka't kinakailangan na niyang tipirin ang natitirang lakas na maaaring huling pagpipilian na lamang niya kapag nagkanda-letse-letse na ang lahat.

Wala na rin siyang iba pang mapagkukuhaan ng lakas pagka't habang tumatagal ang kanilang laban ay mas kumakapal ang barrier na namamagitan sa kanila at sa iba pang mga kasama ni Eryx.

Pasimple pang nilingon ni Eryx ang kanyang mga kaibigan at maging ang mga ito ay ginagawa ang kanilang makakaya masira lamang ang barrier na hindi siya makapaniwalang hindi man lamang nabibitak o kinakikikitaan ng pagnipis. Hindi niya sukat akalain na ganito ang lakas na taglay ng kapatid ni Namior gayong wala rin siya masyadong alam sa kapangyarihan gamit ang anino pagka't isa itong uri ng kapangyarihan na nabubuhay at nagmumula sa kaharian ng Maura.

"Bakit mo 'to ginagawa, Orryn?" Malamig na tanong ni Eryx habang sinusubukan niyang balensihin ang kanyang sarili. Kinakailangan niya lamang sandaling huminga bago magpakawala muli ng kapangyarihan sa pag-asang kahit papaano mapapahina o mapapagod nito si Orryn.

Humalakhak naman ng malakas si Orryn sa tanong niya. Sarkastiko ang tawa nito at talaga naman nakapaninindig balahibo dahil nanunuot ang galit at poot mula dito.

"Hindi mo ba talaga alam o sadyang nagbubulagbulagan ka lang?!" Galit na sigaw ni Orryn kasabay ng pagpapakawala ng mas marami pang anino palapit sa mga taong nasa barko kasama niya. "Tumingin ka nga sa kapaligiram para makita mo ang katotohanan kung paano tratuhin ang mga mamamayan ng Maura sa Emperyong 'to. Hindi ba ibang-iba?! Hindi ba malayo sa tama?! Hindi rin ba kami kasama sa mga mamamayan niyo dahil sa itim naming kapangyarihan?! Ha?!"

"Kaya ba ginagantihan niyo rin ang Emperyo sa pamamagitan ng pagpaslang at pananakit ng mga kababaihan na wala naman kinalaman sa 'yong nakaraan?" Malamig na tanong din ni Eryx habang nananatiling lumalabas ang mga boltahe ng kidlat sa kanyang katawan upang hindi makalapit ang mga anino. "Hindi lahat ng tao ay masama, Orryn. Hindi nila kailangan madamay..." Dugtong niya pa pero sarkastiko lamang muli tumawa si Orryn.

"E putang ina mo pala e! Kung hindi masama ang lahat ng kababayan mo e di sana hindi kayo tuluyang kinamuhian ng mga kauri ko! Hindi sana tayo hahantong sa ganitong sitwasyon! Mga arogante, sakim, at mapagmataas na ipokrito kayo! Kung ituring niyo kami ay mas masahol pa sa basurang nakakalat sa daan. Naturingang kaharian ng liwanag pero kadiliman din ang dadalhin niyo sa mundong 'to dahil sa putang inang pamamahala niyo! Wala kayong kuwenta mga nasa monarkiya!" Galit na mga paratang niya pa.

Mariin naman na umiling sa kanya si Eryx bago ilagan ang isang anino na papalapit sa kanya. Kinakailangan niya lamang makaipon ng sapat na kuryente sa katawan bago lumapit at umatake kay Orryn kaya mabisang paraan na ang pangungumbinsi dito bago niya isakatuparan ang plano.

Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang ipanangga ang sarili sa pag-asang tuluyang makakanti ang mga anino ss katawan nito. Liwanag laban sa kadiliman na ang magiging tunggalian nila kung sakali.

"Hindi ako katulad ng aking ama, Orryn. Huwag mo ipagkait sa sarili mo ang pagkakataon pang magbago dahil kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon pamahalaan ang Emperyong 'to, ititigil ko na ang lahat ng kadilimang nangingibabaw dito. Ihinto mo na 'to. Pakiusap." Pagsusumamo pa ni Eryx kahit pa kababakasan ng panlalamig ang boses nito ay bakas pa rin ang sinseridad sa mga mata nito.

Sandaling hindi kumibo o nagsalita si Orryn na tila ba nag-iisip ito. Panandalian din nabuhayan si Eryx ng loob sa pag-aakalang nakukumbinsi ito ngunit tuluyan din nawala ang kakarampot na pag-asang 'yon nang malademonyong ngumisi si Orryn sa kanya.

"Wala nang atrasan 'to, Gago!" Galit nitong sigaw kasabay nang mas lalo pa nitong paglipad sa himpapawid habang ang mga kamay ay nagliliyab na sa kulay itim na apoy.

Mas lalo naman umigting ang sigawan dahil sa pagyanig ng barkong kinalalagyan nila Eryx maging ang mas lalo pang pagdami at pagiging agresibo ng mga anino sa loob at labas ng barrier.

Napaigting na lang tuloy ng panga si Eryx kasabay ng pagkuyom ng parehas niyang kamao dahil alam niyang sa puntong ito, hindi na tao ang kanyang kausap kundi ay isang kampon ng kadiliman - walang awa, hindi na marunong makinig, at wala ng puso.

"Isasama ko na rin kayo sa impyerno para wala na kayong problema sa putang inang emperyong 'to. Wala na rin naman akong babalikan sa mundong 'to dahil wala na ang kapatid ko! Patay na ang kapatid ko!" Mistulang nababaliw pang saad ni Orryn kasabay ng marahas nitong paglingon sa gawi ng isang babae na mayroong yakap-yakap na duguang katawan ng lalaki na nananatiling nakahandusay.

Napaawang na lang ang bibig ni Eryx dahil sa labis na gulat at awa na nararamdaman. Hindi niya sukat akalain na ang magiging susunod na nilang pagkikita ay sa ganitong pamamaraan na kung saan hindi na halos kababakasan ng kulay ang buong katawan ng binata sa kabila ng distansya na namamagitan sa kanila.

"Namior..." Puno ng hinanakit na sambit ni Eryx habang mas lalo rin umiigting ang mga kidlat sa katawan nito na tila ba nais din kumawala mula ss kanya. "Wala kang awa..." Galit na saad pa ni Eryx habang ang mga mata nito ay mas lalong nawawalan ng emosyon at ang mga ngipin ay nagngingitngit na dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.

"Wala rin namang puwang ang katulad namin sa mundon 'to kaya maigi nang sabay na namin haharapin ang tarangkahan ng impyerno. Wala na si Namior! Pinatay ko na ang kapatid ko! Pinatay ko na siya!" Malakas at nababaliw pa rin na sigaw ni Orryn hanggang sa unti-unti itong tila ba naging matamlay at parang natauhan sa kanyang mga sinasabi. "Pinatay ko na si Namior...Pinatay ko ang kapatid ko?" Mistulang nahihintatakutan niya pang bulong at kung hindi nagkakamali si Eryx ay kinakitaan niya pa ito ng kaunting emosyon sa mga mata ngunit kaagad din itong nawala at napalitan ng matinding galit at sakit.

"AAAARGH!" Malakas pang sigaw ni Orryn kasabay ng malakas din na puwersa na naging dahilan para tumalsik ang halos lahat ng malapit sa kanya palayo kabilang na si Eryx na tumama na ginamit ang sariling katawan upang tanggapin ng buo ang puwerss kaya nasira ang ilang parte ng kanyang damit.

"Wala na si Namior!" Hagulgol pa ni Orryn kasabay ng paghawak nito sa kanyang ulo na tila ba dumadaing ito. Mas lalo rin nagwawala ang mga anino na parte ng katawan niya dahil sa pagwawala. "Pinatay mo siya! Pinatay mo ang kapatid ko! Wala na siya! Wala na siya!!! AAAARGH!!!"

Sunod-sunod ang naging pagtulo ng mga luha sa mata ni Orryn kasabay ng pananakit nito sa sarili sa pamamagitan ng pagsabunot sa ulo at pagkalmot sa sariling balat. Para bang nais nitong kumawala sa kung anong elemento na kumukulong sa totoo nitong pagkatao ngunit hindi niya magawa.

"Magbabayad kayo! Magbabayad kayong lahat!" Galit na saad nito kasabay ng malakidlat sa bilis na pagsugod kay Eryx. Segundo lamang ang nagdaan bago tuluyang mahawakan ni Orryn ang leeg ng prinsipe at madiin itong inangat ss himpapawid upang patayin sa sakal.

"Prinsipe Eryx!" Sigaw pa ng mga kaibigan ni Eryx mula sa labas na mas lalong pinaigting ang paggamit ng kapangyarihan dahilan para magkaroon din ng kaunting bitak ang buong dome.

Halos napasinghap na lamang si Eryx ng hangin dahil sa ginagawa nitong pagsakal kasabay ng pagpapakawala ng mas matindi pang boltahe ng kidlat at ang pagliwanag ng mga palad nito ng magkahalong kahel at dilaw.

"Kaya ikaw naman ang isusunod ko bago ko isa-isahin ang mga taong mahalaga sa'yo, Prinsipe Eryx...." Gigil pang bulong ni Orryn sa kanya ngunit ang buong atensyon niya ay wala na dito kundi nasa dalagang matapang na nakatayo ng tuwid sa isang manipis at kakapiranggot na kahoy.

Tinatangay ng hangin ang mahaba nitong gintong buhok habang ang tindig ay tila ba maipapares sa isang mandirigmang walang kinakatakutan at handang harapin ang lahat para lamang sa taong mahalaga sa kanya.

Sa kasalukuyang tanawin ni Eryx ay hindi na niya maitatanggi na tila ba nakikita na niya ang pinakamagandang araw sa kanyang buhay na siyang tatapos ng lahat ng kadiliman.

•••••

ELIANA'S POV

Hindi ako pinalaki ng magulang ko para matakot sa matataas na lugar pero hindi ko alam kung bakit halos mangatog ang buong katawan ko ngayong nasa pinakatuktok na ako ng posteng pahirapan kong inakyat. Kulang na lang ay maging unggoy ako kanina para lang mapabilis ang galaw ko at ang pag-akyat sa poste pero dahil na rin siguro sa labis na panghihina ng buong katawan ko ay bahagya akong natagalan.

"Eliana, ano ba ang gagawin mo dyan?!" Malakas na sigaw ni Daewon mula sa ibaba na kanina pa pinapanood umakyat.

Malaki rin naman ang naitulong niya sa akin para makarating dito dahil kada mahuhulog ako ay itutulak ako ng mga tubig niya na bahagya akong binabasa. Hindi naman na ako nagreklamo dahik may ambag naman siya sa lipunan sa pagkakataong ito.

"Manahimik ka na lang at siguraduhin mo na walang iistorbo sa akin dito!" Sagot ko naman sa kanya dahil sigurado akong hindi ganoon katibay ang tinutuntungan kong manipis na plataporma dulot na rin ng kalumaan ng barko.

Isang maling apak ko lang dito ay tiyak na kakaway talaga ako sa dagat mamaya at maninigas na lamang sa lamig.

Hinanda ko naman ang lahat ng gagamitin ko kabilang na ang tatlong pana na kanina'y kagat ko na maingat kong tinabi. Inayos ko na rin ang busog na nakasuot sa akin at sandaling pinanood ang kaganapan kay Eryx at sa demonyo. Mukhang nagnenegosasyon pa silang dalawa ngayon pero laking pasasalamat ko nananatili lamang si Orryn sa kanyang puwesto dahilan para mapagmasdan ko ng maayos ang bawat galaw niya.

Katulad ng sinabi ni Namior kanina ay anino ang kahinaan ng kapatid niya na nakakainis lang at hindi ko kaagad naisip gayong iyon din naman ang elemento ng kanyang kapangyarihan. Ang isa niya pang sinabi ay si Orryn na ang anino at ang anino ay si Orryn. Kung gayon ay kung ang anino mismo ay ang nakikita ko ngayon dito, nasaan ang isa pang demonyo.

Sandali ko pang pinaningkitan ng mga mata ang kapaligiran upang maghanap ng kakaibang nilalang o bagay pero wala. Pare-pareho lamang ang hitsura ng mga anino na nandito kaya hindi ko matukoy kung alin sa kanila ang kay Orryn o kung totoo nga bang si Orryn na ang anino.

Muli ko pang hinalughog lahat ng talino sa utak ko upang makahanap ng kasagutan sa mga katanungan ko. Paano nga ba lumalabas ang anino? Saan ito nagmumula? Parte ito ng katawan ng tao at lumalabas lang kapag nasisinagan ang katawan na karugtong nito ng...

"Liwanag..." Hindi makapaniwalang sambit ko habang napapanganga na lamang ako sa bagal kong mag-isip.

Kung gayon ay kailangan ng liwanag para maaninag ang anino ni Orryn pero paano.

Muli kong kinalkula ang bawat tao, bagay, at elemento na nasa paligid ng barko at ang nag-iisang pagpipilian ko ay walang iba kundi si Eryx.

Si Eryx ang pinakamalapit kay Orryn, siya rin ang may pinakamagandang posisyon para pagmulan ng liwanag upang sa gawi ko magpakita ang anino, at higit sa lahat, siya lang ang namumukod tanging may sapat na liwanag sa katawan para maisakatuparan ko lahat ng hinala ko.

Pinagmasdan ko naman ang sitwasyon sa ibaba at pinanood ang bawat kilos at galaw nilang dalawa nila. Hindi ko masyado naririnig ang usapan nila dahil sa layo ng distansya na mamamagitan sa pagitan namin pero mukhang nagtatalo sila. Nakita ko pa kung paanong nagsimula na rin magpakawala ng boltahe ng mga kuryenta si Eryx sa kanyang katawan kasabay ng tila ba pagiging mas tensyonado ng atmospera ss pagitan nila.

Habang pinapanood sila mag-argyumento ay hindi ko inaasahan na mamataan ang tila ba repleksyon ng anino sa likuran ni Orryn dahil sa manaka-nakang paglabas ng mga kidlat sa katawan ni Eryx. Hindi ito katulad ng ibang anino dahil sa lahat ng anino, ito lamang ang nananatiling hindi gumagalaw at tila ba nakakadena. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang ito pero mukhang wala na itong balak lumaban pa at naghihintay na lamang ng kapalaran habang ang ilusyon na nakikita namin ngayon ay mabagsik, galit, at wala nang bahid ng pagiging isang tao.

"Tapusin na natin ang paghihirap mo..." Wala sa sariling nasambit ko kasabay ng pag-abot ng pana sa aking tabi at pag-aayos ng busog sa aking isang kamay.

Wala naman talaga akong pakialam ss kung ano mang mangyari kay Orryn pero dama ko ang paghihirap nilang kapatid na tingin ko'y wala nang iba pang dapat kahantungan kundi ang tapusin na ang lahat ng ito. Hindi na rin naman tatagal pa ang buhay ni Namior ss ibaba habang siya... hindi ko alam kung nanaisin niya pang mabuhay ng hindi na kasama ang nag-iisa niyang kapatid. Kaya ko ba talagang kumitil ng buhay ng tao para matapos na ang lahat ng ito?

Kung tutuusin ay ito ang unang beses na papatay ako ng tao. Sa maniwala man sila o hindi ay hanggang pagbabanta lang naman ako na papatay. Maging ang ginawa kong pang-aambush noon kay Namior ay pawang pananakit lamang ang ginawa ko at hindi pa ako nakapatay ng kahit na sino bilang si Yvonne at paniguradong ganon din si Eliana.

Habang dinadama ang talas sa dulo ng pana at kinakalkula pa ang gagawin kong galaw ay naalala ko ang  sinabi ng Maestro noon.

Ang buhay ng tao ay walang katumbas, Eliana. Kapag kumitil ka ay dapat handa ka sa responsibilidad at bigat ng pasanin ng buhay na binawi mo at habang buhay mong dadalhin. Hindi kailanman naging laro ang buhay ng tao at hindi ito basta-basta lamang kinukuha nino man. Walang tao ss mundong ito ang may karapatan o permiso na bumawi ng buhay ng may likha maging tayo.

Pero, palagi mong tatandaan, Eliana, na may mga pagkakataon na kinakailangan natin lumaban. Ang mga pinakaimportante at pinakabihirang sitwasyon na kinakailangan natin humawak ng talim dahil sa tatlong dahilan lamang. Una, ay para sa sarili nating kapakanan at kaligtasan, Ikalawa, para sa kapakanan ng nakararami, at ang huli ay para sa kaligtasan at proteksyon ng mga taong mahalaga ss buhay natin.

Hindi ka si Kamatayan, Eliana, at mas lalong hindi ka magiging ganoon. Kinakailangan mo lang piliin ang laban na nakalaan para sa inyo at ang desisyon na alam mong tama at nararapat para sa sarili mo, sa kapwa, at sa nakararami.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang marahas na pagyugyog ng kapaligiran na tila ha lumilindol. Kamuntik pa akong malaglag sa kinalalagyan ko dshil dito kundi lang ako nakahawak sa magkabilang gilid ng plataporma at maayos na nabalanse ang aking sarili.

Nagbaba naman ako ng tingin sa mga ksganapan at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang tila ba nawawala na sa sarili si Orryn at mas tumitindi pa ang kapangyarihan nito. Hindi ko na rin halos makilala ang sigaw nito dahil tila ba mas malalim at mas nakakikilabot na ito. Malayo sa sigaw ng taong may katiting pang emosyon sa katawan.

Napatiim bagang na lamang ako dahil sa mga kaganapan at sa pagkakataong ito, tuluyan nang nabuo ang desisyon sa aking isipan.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa aking kinalalagyan kasabay ng pagsasaayos ng busog sa aking katawan at pagporma nito ng tulad ss pagpapana. Sinunod ko lahat ng bilin at turo ni Aspen sa akin mula sa braso, sa bewang, sa tindig ng mga paa at maging ang maayos na pagkakaangulo ng balikat at likod. Marunong naman ako gumamit ng pana dahil ilang beses ko nang ginawa ito sa dating buhay ko pero sa tingin ko'y mas tamang sundin ang eksperto ss pagkakataong ito.

Habang nakatayo ako sa aking puwesto ay dahan-dahan ko nang inayos ang pagkakahawak ng unang pana na aking gagamitin. Binabalanse ko rin ang natitira kong lakas at ulirat dahil pakiramdam ko ay tutumba na rin ako sa labis na pagod at pamamanhid na nararamdaman ko.

Inabangan ko muna ang muling paglitaw ng anino ni Orryn bago pinakawalan ang unang pana. Mabilis itong nagtungo sa sahig kung nasaan ang anino ngunit ganoon na lamang ang inis ko nang magmintis ito matapos gumalaw ni Orryn at mabilis na lumapit sa kinatatayuan ni Eryx.

Nakita ko kung paanong sa ilang segundo lamang ay hawak na niya ang leeg ni Eryx at mahigpit itong sinasakal gayong kanina lang ay malayo ang kanilang distansya.

Hindi. Tangina naman madaling-madali na ba siya pumatay ng tao?!

"Tsk!" Inis kong saad kasabay ng halos pagkataranta ko na makuha ang ikalawang pana.

Nanginginig na rin ang mga kamay at daliri ko dahil mas lalong naging tensyonado ang buong sitwasyon na kinalalagyan naming lahat. Hindi ako halos magkandaugaga sa pagsasaayos ng pana sa aking mga kamay at ang pagkainip mula sa paghihintay ng palitaw ng anino ni Orryn.

Ilang sandali lamang ay pinakawalan ko na ang ikalawang pana tungo sa anino na kinalalagyan nito ngunit dahil mistulang napupundi na ang liwanag mula kay Eryx ay muling nawala ang anino at sa sahig na lamang ito tumama.

"Putang ina.." Mas malutong na mura ko na dahil sa pagkakataong ito ay hawak ko na ang ikatlo at huling pana na mayroon ako.

Nananalingin ako na sana, sana lang ay mapansin ni Eryx ang gawi ko at magkaintindihan kami dahil sa pagkakataong ito, kapag dumaplis o hindi pa tumama ang pana sa anino ni Orryn ay pare-parehas kaming mamamatay dito.

"Pakiusap, Eryx, tingnan mo ako... Tingnan mo ako..." Mahinang bulong at panalangin ko habang nagsisimula na muli mamawis ang aking mga kamay at manginig ito ng todo dahil sa kaba.

Aminado ako na natatakot ako sa sitwasyong ito dahil ayoko man aminin ay pasan ko ang buhay ni Eryx maging ng mga taong nandito. Wala na atang mas nakakakatakot pa sa posisyon ko ngayon na bukod sa napakataas nitong kinatatayuan ko ay nasa mga kamay ko ang kapalaran naming lahat. Nasa huli at ikatlong pana ang pag-asa naming lahat.

At tila ba dininig ng langit ang hiling ko dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin ni Eryx na halatang hirap na hirap na rin sa kanyang sitwasyon. Nakita ko pa kung paanong manlaki ang mga mata niya nang makita ako hanggang sa napalitan ito ng tila ba panghihina hanggang sa dahan-dahang lumamlam.

Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko dahil napapanood ko kung paanong tila ba mag-agaw buhay siya sa pagsinghap ng hangin ngayon sa harapan ko.

Gigil ko naman na itinutok ng mas maayos ang pana sa direksyon nila habang nananatili pa rin sa akin ang kanyang mga mata.

Huminga pa ako ng malalim bago sinabi ang mga katagang alam kong alam na niya pero muli kong uulitin para mas maintindihan niya pa.

"May tiwala ako sa'yo, Eryx!!!" Malakas kong sigaw kasabay ng pagpapakawala ng ikatlong pana mula sa aking mga daliri.

Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang pero kasabay ng sigaw ko ay ang mas lalo niyang pagpapaigting ng liwanag sa kanyang katawan dahilan para mas naging malinaw ang anino ni Orryn sa sahig.

Mistulang bumagal ang mundo ko habang pinapanood kung paanong ang pana ay mabilis na nagtungo sa hindi gumagalaw na anino hanggang sa tila ba napansin na nito ang paparating na panganib dahilan para unti-unti na nitong ilahad ang mga braso. Isang simbolo ng pagkamalaya, isang kilos ng sinserong pagtanggap sa katotohanan at sa kahahantungan niyang kamatayan.

Kung hindi man naging matagumpay ang buhay ng magkapatid na Orryn at Namior sa mundo at oras na ito, hinihiling ko na sana sa susunod nilang buhay ay malayo na sila sa sakit at pagmamalupit na buo nilang tinanggap sa buhay na ito.

Pinanood ko pa ang tila ba napakabagal na pagtarak ng pana sa anino dahilan para tila ba mabutas din ang ilusyon ng anino na nagkakatawang tao ngayon sa mundong ibabaw. Umuusok na rin ngayon ng kulay itim ang dibdib ni 'Orryn' kasabay ng malakas at malademonyo nitong pagpalahaw.

"Ugh..." Napasapo na lang ako sa aking sentido nang maramdaman ang labis na pagkahilo mula dito.

Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa labis na pandidilim ng paningin ko dulot marahil ng matinding pagod at labis na panghihina. Huli na para mapagtanto ko na wala na pala akong aapakan na parte ng kahoy mula sa aking kinatatayuan dahil naramdaman ko na lang na unti-unti na akong nahuhulog mula sa itaas.

Sinubukan ko pang abutin ang isang nakausling lubid malapit sa aking kinalalagyan ngunit dahil ss matinding pamamanhid ng buong katawan ko maging ang aking mga braso ay tuloy-tuloy na lamang ako sa aking pagbagsak.

Ang huli kong naalala ay ang tila ba malamig at basang bagay na sumalo sa akin kasabay ng dahan-dahang pagpulupot ng mainit at malambot na mga braso ng panilyar na dalaga sa aking katawan.

"Ang hilig mo talaga mag-bida..." Pagmamaldita pa sa akin ni Neola hanggang sa tuluyan na rin akong nahimbing ng tulog.

•••••

- ERYX -

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari para kay Eryx na halos hindi niya pa ito nagawang iproseso sa kanyang isipan. Kasabay ng pagtama ng pana sa anino ay ang pagkakaroon din ng butas sa dibdib ng kaharap niyang si Orryn.

Kaagad din siyang nabitawan nito dahilan para mapaubo na lamang siya ng sunod-sunod matapos sumalampak sa sahig. Sisinghap-singhap niyang tiningnan ang tila ba nagwawalang nilalang ss kanyang harapan.

"AAAARGH!! AAAAAAAARGH!!" Malakas at malademonyo pa rin na sigaw nito kasabay nang panlalaki ng mga mata niya na tila ha hindi siya makapaniwala sa kanyang nararanasang sakit.

"AAAARGH!!! HINDI! HINDIII!!! AAAAAARGH!" Namimilipit na sigaw pa nito habang tila nagkikikisay sa sakit at hinahawakan ang dibdib na pilit niyang tinatakpan ang butas na umuusok.

Nagsimulang umusok ang buong katawan nito kasabay ng unti-unti rin pagkalaho ng mga anino sa buong lugar. Maging ang dome ay paunti-unti na rin numinipis hanggang sa tuluyan na rin itong naglaho.

Nagpatuloy lamang sa pagwawala ang halimaw habang nakaluhod na ito at yakap buong katawan na tila ba hirap na hirap. Maging ang mga tao sa buong paligid ay nananatiling nanonood at handa nang umatake kung sakaling hindi pa ito tapos sa paghihimagsik.

Pero ganoon na lamang ang gulat ng lahat ng bigla itong mag-angat ng tingin kay Eryx habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata nito. Ang kaninang pulang mgs mata na puno ng galit at paghihiganti ay napalitan na ng pagsisisi at labis na pighati.

"P---Pakiusap, t---tapusin mo na ako..." Pagmamakaawa pa nito habang ang mga kamay ay nakalahad kay Eryx.

Labis naman ang pighati at gulat na nararamdaman ni Eryx ngayong ang kanina lamang katunggali niya ay nagmamakaawa na sa kanyang tapusin ang lahat ng paghihirap nito. Nanginginig ang mga kamay at binti ni Eryx na tumayo mula sa pagkakasalampak nito sa sahig at dahan-dahan naglakad patungo sa nakaluhod na binata.

Bawat hakbang ni Eryx ay tila ba napakabigat para sa kanya dahil naghihintaya sa kanya sa dulo ng kanyang tinatahak na daan ay ang kamatayan ng isang mamamayan. Muli niyang pinagmasdan ang hitsura nito at nananatili pa rin itong lumuluhang nakatingin sa kanya at nagmamakaawa. Mayroon na rin dugo na tumutulo mula sa bibig nito ngunit ang mga anino ay nananatili pa rin sa kanyang sistema.

Nang tuluyan na magkaharap ang dalawa ay sandaling huminto si Eryx sa harapan ni Orryn at nagbaba ng tingin.

"T---Tinatanggap ko ang kaparusahang kamatayan sa lahat ng aking mga nagawa... H---Hindi na rin naman ako magtatagal pagka't ang p---pana ay naapektuhan na ang aking puso----ack!" Umubo pa ito ng dugo at napasalampak sa sahig bago muling umayos ng tindig at malungkot na ngumiti kay Eryx. "Hayaan mo na akong samahan ang kapatid ko..." Saad niya pa habang nililingon ang gawi ni Namior sa gilid habang yakap pa rin ito ng isang umiiyak na binibini. Ibinalik muli nito ang tingin kay Eryx bago magsalita. "Huwag mo na pahabain ang pagdurusa ko at ng mga mamamayan ng Elior, Prinsipe Eryx."

Hindi naman kaagad nagsalita si Eryx dahil pilit niya rin kinakalma ang kanyang sistema. Labis ang lungkot na nararamdaman niya para sa lalaking isinuko na kaagad ang buhay sa kadiliman. Gustuhin niya man mabuhay ang magkapatid at tulungan ang mga ito magbagong buhay ay alam na niyang huli na ang lahat at oras na ng dalawa.

Unti-unting namuo ang kidlat sa kanang kamay ni Eryx at tila ba humuhulma ito ng tulad ng porma ng isang espada. Bawat segundo na lumilipas ay lalong tumutulis ang dugo nito hanggang sa tuluyan na itong humulma sa isang bagay na kayang kumitil sa buhay ng isang tao.

Pero bago niya tuluyang isagawa ang kanyang misyon para sa lalaking nagdudusa at naghihingalo ay dahan-dahan niyang inilapat ang kaliwang kamay sa ulo nito na nakayuko.

"Ako na ang humihingi ng kapatawaran ss lahat ng hirap at sakit na ibinigay ng emperyong 'to. Wala akong ibang hinihiling sa'yo kundi ang kapayapaan at katahimikan. Nawa'y malaya ka nang makapaglakbay sa 'yong paroroonan, Orryn." Nanginginig at tila ba naluluhang saad ni Eryx bago nito iniamba ang espada sa lalaki.

Madiin niyang itinarak ang espada sa bandang sikmura ni Orryn dahilan para mapasigaw na lamang ito sa sakit. Kasabay nito ay unti-unti na rin humiwalay ang anino sa kanyang katawan na tila ba isa itong masamang kaluluwa na sumanib sa isang tao. Tuluyan na rin itong naglago sa hangin matapos gamitin ng Maestro ang kanyang liwanag upang tuluyan na itong mapuksa.

Bumalik na rin sa dati ang hitsura ni Orryn kasabay ng marahas nitong pagbagsak sa sahig na sinubukan pang saluhin ni Eryx. Duguan na ito at puno na rin ng pulang likido ang bibig at ilong ng binata.

Sisinghap-singhap itong lumingon sa gawi ng kapatid habang tila ba inaabot nito si Namior mula ss malayo. Tuloy pa rin sa pagluha ang mga mata nito na puno nang pighati at labis na pagsisisi.

"P---Patawarin m---mo ako, K---Kuya..." Ang tanging huling mga salita ni Orryn bago tuluyang nawala ang liwanag sa mga mata nito.

Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang lumisan si Orryn sa mundong ito, malaya sa lahat ng sakit at galit na nararamdaman nito. Malayo sa mapagmalupit na mundo na tiniis niya buong buhay.

Sandali pang pinakatitigan ni Eryx ang binata bago nito dahan-dahang ipinikit ang mga mata ni Orryn. Kasabay nito ay marahan na napayuko at napapikit na lamang si Eryx upang pigilan ang sarili sa matinding emosyon na kanyang nararamdaman.

Hindi siya makapaniwalang hindi niya nagawang sagipin ang buhay ng isang kababayan na may pag-asa pa sanang magbago. Hindi rin naman siya diyos para magdesisyon sa mangyayari ss buhay nito pero alam niyang kung naging maayod lamang sana ang lahat, kung hindi nanaig ang kadiliman sa emperyo, kung ang mga katulad nila ay naranasan man lang ang kalayaan at kabutihan, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Naramdaman na lang niya ang kamay sa kanyang balikat at hindi na niya kinakailangan pang mag-angat ng tingin dito dahil kilala niya ang nagmamay-ari ng pamilyar na mainit at kulubot na kamay.

"Bakit..." Hirap na hirap at tila ba basag ang boses na sambit ni Eryx habang nananatili pa rin itong nakapikit. "Sa kabila ng liwanag na kaakibat ng pangalan ng Elior, hindi pa rin nito magawang sinagan ng kabutihan ang mga katulad nila."

Wala sa sariling naitanong na lang ni Eryx sa matanda na maging ito ay hindi magawang makasagot. Pero sa kabila ng kaguluhan na nangingibabaw sa kanya ay alam niya rin ang kasagutan dito.

Para sa kanya, mananatiling natatakpan ang liwanag, hangga't may balakid dito. At dama niya na ang balikat na ito, ay malapit sa kanya ng lubos.

•••••

-

NAMIOR -

"W---Wala na ba s---si O---Orryn?" Nanghihina at naghihingalong tanong ni Namior kay Leofwine matapos ng matagal nitong pananahimik upang tipirin ang natitirang ulirat sa katawan.

Kanina niya pa pilit pinanonood st sinusubaybayan ang kapatid kahit sa huli niyang mga oras dahil natitiyak na rin niya ang magiging kapalaran nito oras na lamunin na ito ng anino. Pero dahil unti-unti na rin siya tinatakasan ng liwanag ay wala na siya halos makita at tanging sa pandinig at pandama na lang siya umaasa.

Napakagat-labi na lang si Leofwine dito na tila ba hirap na hirap itong sagutin ang simpleng tanong ng binata. Muli siyang tahimik na umiyak sa tabi nito kasabay ng marahang pagpisil sa kamay nito.

Naging senyales na 'yon para maramdaman na ni Namior ang naging resulta ng labanan. Hindi na niya kinakailangan pa marinig ang kasagutan dahil sa pagkakataong 'to, alam niyang hindi na niya kasama pa ang kapatid sa mundong 'to.

"Ah..." Nagsimula nang tumulo ang mga luha mula sa mga mata nito kasabay ng lalong pagsinghap nito ng hangin na tila ba hirap na hirap. "O---Orryn... O---Orryn... Ang kapatid ko..." Pabulong na iyak pa nito kasabay ng muling pag-ubo ng dugo at panginginig ng katawan na tila ba malapit na ito bumigay.

Mabilis naman na nataranta si Leofwine dahil dito kaya humahagulgol niyang inalalayan ang ulo ng binata.

"Namior, pakiusap! Namior, huwag kang sumuko!! Namior!!" Umiiyak nitong sigaw kasabay ng may kalakasang pagtapik sa pisngi ng binata upang magising ito. "Tulong! Pakiusap, tulungan niyo kami! Tulungan niyo si Namior! Parang awa niyo na!" Humahagulgol na digaw ni Leofwine dahilan para maagaw niya ang atensyon ng halos lahat ng nasa paligid niya kabilang na si Prinsipe Daewon na dahan-dahang naglalakad tungo sa gawi nila.

Maging sina Eryx at ang ibang miyembro ng nasa ranggo ay patakbo nang lumapit dito.

"H---Hindi g--ganyan ang tawag mo sa akin, L---Leofwine..." Nanghihinang pahayag ni Namior kasabay ng dahan-dahan nitong pag-abot sa pisngi ni Leofwine na hasang-basa na ng luha.

Lumuluhang tiningnan naman ito ni Leofwine habang hinihimas ang buhok ng binata na bahagya nang nanikit sa mukha nito.

"Niamh..." Malamyos at puno nang pangungulila nitong sambit. Tipid at nanghihina pang napangiti si Namior nang marinig ang malambing nitong tinig na sinasambit ang pangalang tila ba buminyag sa kanya sa bagong buhay na puno sana ng pag-asa at kasiyahan. "H---Huwag mo naman ako iwan..." Pagmamakaawa pa ni Leofwine habang diretso pa rin ang tingin kay Namior na unti-unti nang nanlalamig ang balat at naninigas ang mga braso.

"Maestro, pakiusap, wala na ba tayong magagawa dito?" Natataranta at tila ba nahihintatakutan na saad ni Eryx kasabay nang paglingon nito sa gawi ng Maestro na hawak na ang suot na sumbrero.

"Huli na tayo para may magawa pa, Prinsipe Eryx. Pahahabain ko lang ang paghihirap niya pero sa bandang dulo ay iisa lamang ang kanyang kahahantungan..." Malungkot at tila ba nagdadalamhating pahayag nito kasabay ng marahang pagyuko.

Tuluyan na lamang napaluhod si Eryx sa sahig dahil ss narinig. Maging ang mga nasa ranggo ay malungkot na lamang na nakamasid at napapayuko dahil sa kaganapan.

Tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ni Leofwine habang marahas itong umiiling.

"Hindi... Ayoko! Hindi ka puwede mamatay..." Humahagulgol nitong pahayag kasabay ng pagtingala na lamang sa kalangitan upang manalangin na mapahaba pa ang buhay ng lalaking nagbigay kulay sa kanyang buhay.

"A---Ayokong u---umiiyak ka, Leofwine." Sumisinghap at sa pagkakataong ito ay talagang hirap na hirap na pahayag ni Namior. "Nais k---ko sanang lisanin ang mundong ito nang nakikita ang m---matamis na ngiti mula sa iyong mga l---labi ngunit m---mukhang huli na a---ang lahat. I---Ikaw ang nagsilbing liwanag ko, L---Leofwine. Sa maikling panahon, n---naranasan ko ang maging masaya at payapa kaya... Hayaan mo na akong samahan si O---Orryn pagka't alam k---kong hinihintay na niya ako..."

Marahan naman hinaplos ni Leofwine ang pisngi ni Namior bago ito dahan-dahang yumuko palapit sa lalaki at siniil ito sa isang halik. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niya ang mga labi ng binata na minsan na niyang inaasahang magiging mainit, malambot, at puno ng pagmamahal. Ngunit mas lalo lamang siya naluha nang tanging lamig ang naramdaman niya dito.

Dahan-dahan na rin siyang humiwalay dito saka idinikit ang noo sa noo ni Namior na malungko na lamang ngumiti.

"Salamat, Niamh." Nanginginig pang bulong ni Leofwine kasabay ng mariin nitong pagpikit. "Salamat sa lahat. Ikaw ang lalaking unang nagpasaya ss skin..."

"A---At ikaw ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. P---Palagi lang a---akong nakabantay sa'yo." Dahan-dahan na rin bumaba ang kamay ni Namior kasabay ng isa pa muling marahas na pagsinghap. "S---Salamat, L---Leofwine..." Ang huling mga salitang binitawan nito bago dahan-dahang pumikit ang mga mata ng binata at tuluyan na rin huminto ang paghinga nito.

Nahihintatakutan at nanlalaki ang mga mata ni Leofwine na sinubukan itongbyugyugin. "Niamh... Niamh!!! Aaaaaah!!" Sigaw pa nito habang sinusubukang gisingin ang binata mula sa pagkakahimbing.

Kaagad na lamang kumilos si Sereia palapit dito at marahan itong niyakap at inilayo. Dinaluhan din ni Mishal ang dalaga at hinayaan lamang itong umiyak ng malakas.

Napayuko na lamang din si Eryx sa tabi kasabay ng pagsalampak niya sa sahig habang ang ibang mga manonood ay napayuko na lamang. Ilang sandali lamang ay nagsimula na rin itong umiyak habang ang isang kamay ay nakatakip sa mukha nito habang ang isa ay mariin na nakakuyom. Kaagad naman siyang dinaluhan ng mga kaibigan upang kalmahin lalo na at mukhang sinisisi ng binata ang kanyang sarili dahil sa kinahantungan ng kaibigan.

Kababakasan naman ng pagkabalisa ang mukha ni Daewon na kanina pa namumula ang mga mata at nagpipigil ng mga luha. Marahas na lamang nito sinuntok ang poste sa tabi upang mailabas ang galit na nararamdaman.

Tinanggal din ng Maestro ang suot niyang roba upang ipantakip sa katawan nito kasabay ng pagpapailaw niya sa kanyang tungkod dahilan para may liwanag na tila ba mga paru-paro ang lumabas mula dito.

"Nawa'y payapa na ang kaluluwa ngayon ni Namior. Malayo sa sakit, poot, at paghihirap kasama ang taong mahahalaga ss kanya na sumakabilang buhay na rin..."

*****

Maaliwalas ang hangin at tila ba musika ang huni ng mga ibon sa kapaligiran. Wala rin ibang nakikita si Namior ss kapaligiran kundi ang napakagandang tanawin ng mga bulaklak at kabundukan. Kung mailalarawan niya amg lugar na kanyang kinalalagyan ay payapa ang buong kapaligiran at talaga namang napakagaan sa pakiramdam ang aliwalas na dulot nito.

Napaisip pa siya kung kailan nga ba ang huling beses na nakaranas siya ng ganitong kapayapaan. Malayo sa sakit, galit, at paghihirap na kadalasan niyang maramdaman. Wala siya halos maramdaman na iba maliban na lamang sa kaginhawaan at gaan sa katawan. Hindi niya man alam ang dahilan kung bakit siya nandito ay tila ba ayaw na niyang lumisan pa dahil napakasarap na sa pakiramdam ng kanyang nararanasan.

"Kuya! Kuya Namior!"

Ilang sandali lamang ay mula sa di kalayuan ay namataan niya ang pamilyar na binata na tumatakbo palapit sa kanya. Maaliwalas at masigla ang mukha nito at kababakasan ng tunay na kasiyahan habang paulit-ulit nitong tinatawag ang kanyang pangalan.

"Bakit ka ba nagmamadali, Orryn? Nandito lang naman ako." Natatawa pang saad ni Namior bago nito sinalubong ang kapatid ng isang mahigpit na yakap.

Napangiti na lamang siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito na hindi kababakasan ng kahit anong sugat o galos man lamang.

"Akala ko aalis ka na naman e." Malambing pa nitong saad bago tuluyng umayos ng tindig.

Marahan naman ginulo ni Namior ang buhok ng kapatid bago ito magsalita.

"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na hindi na kita iiwan? Kung nasaan ka, nandoon din ako." Kaswal pa nitong pahayag habang tuloy pa rin ito sa paggulo ng nakasimangot na ngayon na si Orryn.

Maya-maya lamang ay sabay na silang naupo sa damuhan at magkadantay na pinagmasdan ang napakagandang paraiso na nasa kanilang harapan.

Sandaling nangibabaw ang kumportableng katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa basagin ni Orryn ang katahimikan.

"Masaya ka ba, Kuya?" Inosente at kaswal na tanong nito kasabay ang pagdantay ng ulo sa balikat ni Namior.

"Oo naman!" Masiglang tugon naman ng isa.

"Hindi ka ba nanghihinayang sa mga naiwan mo, Kuya?"

Sa pagkakataong ito ay hindi kaagad nakasagot si Namior pagka't malaking parte sa kanya ang tila ba nagdadalamhati. Na tila ba napakalaking parte ng kanyang puso ang nabasag at hindi na kailanman mabubuo.

Dahan-dahan niyang inabot ang kanyang mga labi saka ito marahang hinaplos. Tila ba nararamdaman niya pa rin ang mainit na mga labi dalaga.  Punong-puno ito ng emosyon nang tuluyan itong lumapat sa kanya at pakiramdsm niya iyon na ang pinakamasayang nangyari sa kanyang buhay.

"Malungkot ako pero..." Nag-angat ito ng tingin sa mala-asul na kalangitan bago marahang ngumiti. "...alam kong kakayanin ng lahat ng mga naiwan ko ang aking pagkawala lalo na siya." Palagi ko naman siyang babantayan at kung may magpaiyak man kay Leofwine ay mumultuhin ko." Biro niya pa dahilan para sabay naman silang magtawanan na tila ba wala silang dinadalang kahit anong problema.

"Ikaw ba?" Baling naman ni Namior sa kapatid.

"Hindi na, Kuya. Alam ko namang walang malulungkot sa pagkamatay ko." Kaswal nitong pahayag. Nakamamangha isipin na hindi talaga kababakasan ng pag-aalinlangan si Orryn dahil mukhang tanggap na nito ang kanyang reyalidad. "At isa pa, ang kaisa-isahang tao na mahalaga sa akin ay kasama ko na kaya wala na akong iba pang hihilingin." Malambing pa nitong pahayag sa kapatid.

"Ikaw talaga..." Iiling-iling na saad pa ni Namior kasabay ng marahang pagsuntok sa braso ng nakababatang kapatid.

Saglit pang pinakatitigan ng magkapatid ang tanawin bago nila sabay marinig ang isang pamilyar na tinig.

"Orryn... Namior..." Malambing na pagtawag pa sa kanila ng isang babae na talaga namang hindi nakalilimutan ng dalawa kung sino ang nagmamay-ari nito.

Sabay nilang nilingon ang pinagmulan ng tinig at ganoon na lamang ang tuwa nila nang makilala kung sino ito.

"N---Nanay..." Nauutal na sambit ni Orryn na bakas ang labis na tuwa sa mga mata.

Maging si Namior at masaya rin na nakatanaw sa ina na nakangiti ss kanilang dalawa at nakalahad ang mga braso. Malayo na ang hitsura nito mula sa babaeng tila ba hirap na hirap at pagod na pagod na noon. Ngayon ay ang maganda at malusog na hitsura na ng kanilang ina ang kanilang nakikita.

"N---Nanay!!" Sabay pa nilang tinakbo ang kinatatayuan ng ina na kaagad din silang sinalubong ng isang napakahigpit na yakap.

Naramdaman din ni Namior ang paghalik nito sa kanilang ulo. "Magkakasama na tayo, mga anak ko. Nandito na ulit si Nanay..." Malamyos pa nitong bulong sa mga anak.

Ilang sandali lamang din ay may isa pang matipunong mga braso ang yumakap sa kanilang tatlo. Ang mga brasong halos nakalimutan na ng makapatid dahil sa tagal ng panahon na hindi nila ito nakasama.

"Tatay..." Masayang-masaya na sambit ni Namior na mas lalong niyakap ang kanyang buong pamilya. Wala na ata siyang ibang mahihiling pa sa buhay kundi ang makasama ang buo niyang pamilya habang-buhay.

Para sa kanya, hindi man naging maganda ang simula ng kanyang buhay maging ang karamihan sa parte nito. Pero hindi niya malilimutan ang masasayang mga alaala na nakadaupang palad niya muli ang lalaking tumulong sa kaniya at nagtiwala, ang humingi ng kapatawaran sa magkapatid na minsan na niyang sinira ang buhay, at ang maikling oras na nakasama at napasaya niya ang dalagang unang nagpatibok ng kanyang puso.

Maikli at hindi man ganoon kaenggrande ang buhay niya bilang si Namior ay alam niya na nagampanan na niya ang lahat ng kanyang katungkulan sa kuwento ng isang kaharian na panonoorin na lamang niyang pamunuan balang-araw ng isang magiting na Prinsipe.

•••••

- MAESTRO -

Kasabay ng pagtatapos ng isa na namang laban para sa mga itinuturing na mga anak ng Maestro ay ang muling paglitaw ng araw mula sa kalangitan bilang simbolo ng panibago na namang pag-asa at bukas para bumangon at magsimula ng panibago.

Kasalukuyang nakatayo ngayon ang Maestro sa dulong bahagi ng barko upang pagmasdan ng mabuti ang naging epekto nang pagtatapos nang labanan ss pagitan ng mga sindikato at ng mga mandirigma ng Emperyo ng Elior. Hindi mabilang sa kanyang mga daliri ang dami ng mga miyembro ng sindikato na namatay dahil sa hindi makatarungang dahilan. Ilan lamang din sa kampo ng mga taga-Elior ang binawian ng buhay habang ang iba ay sugatan. Ang mga barko sa kanilang kapaligiran ay sira-sira at talaga namang hindi na magagamit pa.

Sa kanang bahagi ng kanyang tanawin ay pinanood niya kung paanong nagsimula nang magdatingan ang ilang mga karwahe mula sa emperyo upang isakay ang mga kababaihan na nailigtas at ang ilang mga sugatang mamamayan. Pinangungunahan naman ito ng  mga kawal maging nina Zephyr at Aspen.

Sa kaliwang bahagi ng dalampasigan ay makikita ang ilan sa kanyang mga mag-aaral na tumutulong sa pagbubuhat ng katawan ng mga kalalakihang pumanaw na tungo sa iisang lugar. Ipinag-utos ni Eryx na nararapat pa rin alamin ang pagkakakilanlan ng mga kalalakihan upang maipaalam sa kani=kanilang mga pamilya ang sinapit ng mga ito bago tuluyang ilibing. Kabilang sa mga tumutulong dito ay ang magkapatid na Caedmon at Daewon at ang ilang beses pang pinakiusapan ng Maestro na magpahinga na si Prinsipe Eryx.

Sa kabila nang pagkabalisa at labis na pagod ay ito mismo ang nagboluntaryong magbubuhat sa katawan ng magkapatid tungo sa maayos na lugar. Nais niya rin kunin ang pahintulot ng kanyang ama na ilibing ito sa iisang lugar sa kabila ng mga naging kasalanan nito.

Napapailing na lang tuloy ang Maestro sa labis na kabutihang taglay nito bagay niyang alam niyang makabubuti at makasasama para kay Eryx at sa kanyang kaharian. Dama niya na darating din ang panahon na masusukat ang katatagan nito at ang mga prinsipyo sa buhay bilang isang prinsipe, tao, at bilang susunod na Emperor ng mundong 'to. At hiling ng Maestro na sana sa pagkakataong 'yon ay mayroon nang gagabay kay Eryx tungo sa tamang desisyon.

Sunod naman na inilipat ng Maestro ang kanyang paningin sa gitnang bahagi ng dalampasigan kung nasaan ang mga binibini na pinakakahabag-habag ang mga sinapit. Nakaupo sa buhanginan ang dalagang ayon ss pagpapakilala ni Eryx ay nagngangalang Leofwine. Tulala lamang ito at mugto at walang kabuhay-buhay ang mga mata na nakatanaw sa bukang-liwayway. Nasa tabi nito si Prinsesa Sereia na pilit kinakausap at dinadamayan ang dalaga sa kabila ng pagod na nararamdaman din nito.

Hindi kalayuan sa kanila ay ang magkakapatid na Agrigent na tila ba nag-uusap-usap. Maingat na nakahiga si Eliana at nahihimbing sa isang malinis na kumot at papag habang ang ulo nito ay nakapatong sa kandungan ng kapatid na si Adelrick. Sa tabi naman nito ay si Prinsesa Neola na tila ba kinakausap at pinagagalitan ang isang binibini na madalas nitong kasa-kasama sa akademya. Hinihintay lamang ng mga ito ang matapos ang isang doktor mula sa bayan ng Archelaos sa pagbibigay ng paunang lunas ss mga natamong sugat ng mga dalaga pagka't maaari itong maimpeksyon kung hahayaang nakabuka oras na binyahe na ang mga ito gamit ng Athenatoi.

Tanda pa ng Maestro kung paanong napagmasdan niya si Eliana na magsilbing isang mandirigma na bihasa at walang pag-aalinlangan na pinakawalan ang pana tungo sa anino. Kailan lamang din niya nadiskubre ang kahinaan ng halimaw noong nakikipag-laban ito kay Eryx ngunit bago pa man niya maisaboses ang kanyang kaalaman ay naunahan na siya ng talino at mabilis na pagdedesisyon ni Eliana.

Para sa kanya ay nagmistulang liwanag ito sa lahat habang nakatayo ito sa kahoy at tinatangay ng hangin ang mahaba nitong buhok. Hindi niya maitatanggi ang ganda sa ipinapakita nitong tapang at sinseridad mailigtas lamang ang mga taong mahalaga dito.

"Katulad na katulad ka talaga ng 'yong ina..." Marahang bulong ng Maestro habang nananatili pa rin itong nakamasid sa dalamapasigan.

Alam niya sa sarili niya na utang ng lahat kay Eliana ang kanilang mga buhay dahil sa ipinakita nitong pagsasakripisyo. Lubos niyang ipinagmamalaki ang dalaga sa ipinapakita nitong pagbabago lalo na ang unti-untinf pagkakaroon nito ng malasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa. Nararamdaman niyang malayo ang mararating ng dalaga kahit pa kasisimula pa lamang nito sa kanyang paglalakbay. Gaano man kalubak ang daan at kadilim ang kapaligiran ay alam niyang kakayanin ito ni Eliana maabot lamang ang katarungan ng mga taong ipinaglalaban niya.

Mariin na lamang napapikit ang Maestro dahil hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatulala at hindi kumukurap dahilan para magsimula na rin magtubig ang kanyang mga mata.

Ibinaling na rin niya ang ang katawan tungo sa direksyon ng bukang-liwayway na napakaganda talagang pagmasdan pagkatapos ng isang napakadilim na gabi.

Ngunit habang pinagmamasdan niya ang kapaligiran ay hindi niya inaasahang mamataan ang tila ga dalawang rebulto ng tao mula mga kabundukan. Nagkukubli ang mga ito sa dilim at mapunong parte ng mga bundok. Gamit ng kapangyarihan ay sinubukan niyang paningkitan ito ng mga mata dahilan para hindi sinasadyang magtama ang mga mata nila ng isang lalaki na mayroong suot na maskara at pulang mga mata.

Blangko at malamig ang mga mata nito na nakatingin sa kanya at balak pa sana niyang tingnan ang kasama nitong nilalang ngunit mabilis din silang naglaho sa kadiliman.

Kaagad naman dinunggol ng kaba ang Maestro dahil sa kanyang mga nakita lalo na at tila ba pamilyar ang pulang mga mata ng lalaking kanyang nakita.Malaking parte sa kanya ang nakaramdam ng matinding takot at pangamba hindi para sa kanyang sarili kundi para sa buong Emperyo at sa mga taong pinahahalagahan niya.

"Mukhang ito palang ang simula ng totoo at mas matinding laban..." Makahulugang saad nito kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa kanyang baston.

•••••

-DAEWON -

"Anong kapabayaan ito, Maestra Zora?! Maestro?! Ha?! Sinasabi ko na nga ba at hindi ko na dapat pinadala ang anak ko sa institusyong 'to pagka't manganganib lang lalo ang buhay ng mga anak ko!"

Halos umalingawngaw sa buong Conference Room ang boses ng ama ni Daewon, ang hari ng Cymopoleia na si Haring Dareios, nang magkaharap-harap na silang mga matataas ang katungkulan sa Emperyo, mga magulang, at mga Maestro at Maestra ng akademya. Nandito rin ang ilan sa mga mag-aaral na kakaunti lamang ang natamong mga sugat upang tumestigo sa mga kaganapan noong labanan ng mga sindikato.

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang malagim na labanan na namagitan ss pagitan ng mga sindikato, mga mag-aaral sa ranggo, mga kawal ng Elior at Umoewin, at maging ng mga kababaihan na bihag. Para kay Daewon ay sariwa pa rin ang bangungot na iniwan nito lalo na nang masaksihan niya ang pagkamatay mismo ni Namior at ang karumaldumal na hitsura ng kanyang mga kapatid matapos magtamo ng mga ito nang malalalim na mga sugat.

Ngayong araw na ito napagdesisyunan na ganapin ang pagpupulong upang panagutin ang akademya sa naging kapabayaan nito sa mga mag-aaral na anak ng mga aristokrata at mga Hari't Reyna.

Kasama ni Daewon ngayon sa silid ang kanyang ama na si Haring Dareious katabi ang isa sa mga asawa nito si Reyna Orianna na kababakasan ng matinding galit at pag-aalala ang mga mata. Isa lamang si Haring Dareios sa mga prominente, makapangyarihan, at kilalang tao na nasa loob ng silid pagka't nandito rin ang ina ng kambal na si Mishal at Aidan.

Nananatili lamang itong tahimik, pormal, at sopistikadang nakaupo hindi kalayuan sa puwesto ng Maestro na nakikinig sa maaanghang na mga salita sa loob ng silid. Malamig ang mga mata nito at talaga namang nakaiintimida ang dating ng Reyna ngunit nakabibilib na nananatili lamang itong kalmado at hindi kababakasan ng banta ng pagiging agresibo hindi tulad ng iba pang mga ina halatang sinisisi ang Maestra sa mga natamong sugat at trauma ng kanilang mga anak.

Bukod sa makapangyarihang mga magulang ay kahilera rin ni Daewon ang kanyang mga kapatid na sina Adelrick at Caedmon na mga tahimik na nakikinig. Nandito rin sina Sereia, Aidan, Aspen, at Aonani na pormal at kalmadong nakamasid sa mga kaganapan sa loob ng silid at mukhang wala rin balak makisawsaw.

Wala ang dalawa sa mga nasa ranggo dahil sa pagkakaalala niya ay  mahuhuli pa sina Eryx at Zephyr sa pagdalo sa pagpupulong pagka't kinakailangan pa ng mga ito magpaliwanag sa Emperor dahil sa ginawa ng mga ito na pagsuway sa kaniyang kautusan. Mukhang matatagalan din ang mga ito dahil balita pa ni Daewon ay galit na galit ang Emperor sa aberyang nangyari na isa pa mismo si Eryx, ang kanyang anak, ang naging dahilan ng hindi pagkakaroon ng digmaan sa pagitan nt Elior at Maura.

Tingin pa ni Daewon ay may katok na ang Emperor dahil hindi na ito tuwid mag-isip at magdesisyon. Pero syempre, hindi niya maaaring sabihin iyon kung gusto niya pa mabuhay.

Maliban sa mga nasa ranggo ay nandito rin ang ilang Maestra't Maestro ng akademya maging ang mga kababaihan na nadamay at kaunti lamang ang natamong mga sugat. Ang karamihan sa mga kababaihan ay wala dito pagka't kinakailangan pa ng mga ito magpahinga lalo na si Eliana na mukhang wala pang balak gumising dahil sa himbing ng tulog nito.

"Haring Dareios, nakikiusap ako na kung maaari lamang ay kumalma ka." Tila ba napapagod na saad ng Maestra ngunit pinanatili pa rin nito ang respeto sa kaharap na dugong-bughaw. Mahigit isang oras na rin silang nasa pagpupulong na ito at bakas na sa lahat ng nandito ang labis pagod at pagkabalisa sa mga nangyayari. "Hindi lingid sa kaalaman ng akademya ang kapabayaan na nagawa namin at walang kapatawaran ang kasalanang 'yon pagka't napahamak ang mga mag-aaral na ipinangako naming poprotektahan. Muli, humihingi kami ng kapatawaran sa lahat ng magulang at mga nadamay na mag-aaral na nasa silid na ito." Magalang na yumuko ang Maestra sa lahat habang nananatili pa rin itong nasa podium. "Ano mang kaparusahan na ipapataw ng Emperor sa Academia La Mageia ay buong puso naming tatanggapin. Kahit pa ang ipakulong ako, amg siyang punong namamahala sa akademyang 'to." Seryosong saad ng Maestra habang matapang pa rin itong nakatingin sa kanyang mga tagapakinig.

Nakita naman ni Daewon kung paanong mas lalong dumilim ang ekspresyon ng kanyang ama lalo na at mukhang hindi kapatawaran ang hinihingi nito kundi ay paliwanag. Paliwanag kung bakit nakatanggap na lamang sila ng sulat kailan lamang na ang dalawa sa mgs prinsesa ng Cymopoleia ay nass panganib at mga kamay ng sindikato gayong buong pag-aakala nito na nass ilalim ito ng pangangalaga ng akademya.

Naiintindihan din naman ni Daewon ang nararamdaman ng kanyang ama lalo na nang malaman niya mula sa mga kawal na nang mapag-alaman ng hari na nasa panganib ang dalawang Prinsesa ay kaagad itong naghanda sa paglalakbay tungo sa akademya. Kung kaya lang din nito makarating sa Elior sa lalong madaling panahon ay ginawa na nito. Ngunit hindi maaaring basta-basta na lamang iwan ni Dareios ang kanyang tungkulin bilang hari ng Cymopoleia lalo na at wala maski isa sa mga anak niya ang maaaring pumalit sa kanyang pagliban sa trono. Inabot pa ng dalawang araw ang oras na ginugol nito maiayos lamang ang kaharian sa kamay ng pinagkakatiwalaan niyang mga opisyal bago magtungo sa akademya ng wala na kahit anong intindihin.

"Hindi ko kailangan ng paumanhin mo, Maestra Zora." Malamig na pahayag ni Haring Dareios habang madilim pa rin ang ekspresyon nito. "Kailangan ko ng paliwanag kung bakit napabayaan ang kaligtasan ng mga anak ko gayong ipinagmamayabang niyo ang seguridad na mayroon ang akademyang 'to!!"

"Haring Dareios, nais namin linawin na ginawa rin ng buong akademya ang lahat ng aming makakaya maprotektahan ang mga kababaihan sa loob ng mga nagtataasang pader na nakapalibot dito." Kalmado ngunit nandoon ang otoridad sa tinig ng Maestra. Ang tono ng boses ng isang nanamahala na ipinagtatanggol ang dangal ng paaralang ilang taon nang nakatindig sa Elior. "At kung susuriing mabuti, ang mga kaso ng pagkawala ng mga babaeng mag-aaral ng akademya ay hindi naganap sa loob mismo ng institusyon kundi sa labas, sa bayan mismo ng Elior." Makahulugang pahayag pa nito sabay pagilid na tiningnan ang mga opisyales ng Elior na bigla na lamang nag-iba ang ekspresyon ng mukha.

"At ano ang ipinahihiwatig mo, Maestra?! Na pabaya ang Emperor at walang silbi ang mga kawal ng Emperyong 'to?!" Galit na saad ng isang Baron na isa ang mga anak sa naging bihag ng mga sindikato at bagama't ilang milya lang ang layo ng tahanan nito mula sa akademya ay hindi man lang nito nagawang puntahan ang anak.

"Hindi ko ipinapahiwatig 'yan Baron Castillo. Nais ko lamang malaman ng lahat na sa kabila ng kaakibat na responsibilidad mayroon ang akademya sa inyong mga anak ay mayroon din silang kalayaan upang gawin ang kanilang mga kagustuhan at isa na roon ang magtungo sa bayan para sa pansarili nilang kasiyahan. Hindi na sakop ng akademya ang gawain ng inyong mga anak sa labas ng institusyong 'to pagka't ang kaligtasan ng mga mamamayan sa buong Emperyo ay nakaatas na mismo sa mga kawal ng Elior at sa pagpapatupad ng mga batas pang-seguridad ng Emperor." Kaswal nitong pahayag ngunit kababakasan ng kamandag ang bawat salita ng Maestra na tila ba ipinupunto nito ang kapabayaan ng Emperor at ng monarkiya sa kaligtasan ng bawat mamamayan na nandito.

Nagsimula naman umani ng iba't-ibang reaksyon ang pahayag ng Maestra mula sa mga kawani ng Emperor at ang mga nais din magpabagsak dito ay sumasang-ayon. Nagkagulo na rin ang buong silid na maging ang hari at reyna ng Cymopoleia ay nakisali na.

Nananatili pa rin tahimik ang reyna ng Thaewyr na mahinhin lamang umiinom ng tsaa sa tabi at hinihintay huminto ang kaguluhan sa paligid.

"Lapastangan ka, Maestra Zora! Sinisisi mo ba ang Emperor sa pagkawala ng aming mga anak?! Ha?! Hindi ka ba natatakot para sa 'yong buhay?!" Sigaw ng isang Count mula Umoewin na halatang sagad ang pagdedepensa sa Emperyo. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nito nakakausap ang anak na babae na tila ba natrauma sa nangyari.

"Isang malaking katrayduran sa Emperor ang 'yong pahayag, Maestra! Hindi ka na nahiya sa kasarian mo!"

"Kung tutuusin ay hindi ikaw ang dapat na namamahala ng akademya! Tingnan mo ang 'yong kapabayaan!"

"Hindi talaga kaya ng isang hamak na babae ang mamahala sa isang institusyon na nakasaalang-alang ang buhay ng aming mga anak!"

"Dapat ka lang palitan, Maestra Zora! Ipalit ninyo ang isang lalaki sa pamamahala ng Akademyang 'to!"

"Walang kakayahan ang isang babae pamahalaan ang ganito kalaking institusyon! Pababagsakin mo lang 'to, Maestra!"

Sunod-sunod na pagbabatikos na ang natanggap ng Maestra dahilan para matameme na lamang ito sa kanyang kinatatayuan. Mapaghahalataang nasasaktan na ito sa mga salitang natatanggap kaya napapakagat labi na lang ang Maestra habang nananatili pa rin malamig ang mga mata nito sa kabila ng pangingilid ng mga luha.

Napailing na lang tuloy si Daewon sa kanyang mga naririnig ngunit maging siya ay walang masabi pagka't minsan na rin niyang minaliit ang Maestra dahil sa kapalpakan nitong makontrol ang paglaganap ng droga sa buong akademya.

Ilang sandali lamang ay nakita ni Daewon na ibinaba na ng Reyna ang kanyang iniinom na tsaa at mahinhin na pinunasan ang kanyang mga labi. Kababakasan talaga ito ng maganda at pinong mga kilos at galaw na tila ba sanay na sanay ito sa ipresenta ang sarili bilang aristokrata.

"Ang akademya ay nasa ilalim ng pamamahala ng Emperor at ng Emperyo, mga Ginoo." Paunang mga salita nito dahilan para manahimik na lamang bigla ang halos lahat ng nasa silid.

Buo at talaga namang nakaiintimida ang boses nito dahilan para maging si Daewon ay kilabutan dito. Awtomatiko pa siyang napalingon sa gawi ni Aidan upang tingnan ang reaksyon nito ngunit wala man lamang kababakasan na emosyon sa mga mata niya at ang tanging kapansin-pansin lang dito ay ang pagkuyom ng kanyang mga kamao na tila ba galit ito.

"Baka sakaling nakalimutan niyo na hindi maaaring magpatupad ang Maestra ng mga alituntunin kung wala ang kautusan mula sa nakatataas. Dahil katulad nga ng sinabi niyo..." Diretso pa itong tumingin sa lahat ng mga kalalakihan na nasa silid bag magpatuloy sa pagsasalita. "... babae lang ang Maestra kaya hindi siya maaaring magpatupad ng kahit anong malaking hakbangin para sa akademya pagka't nakatali ang mga kamay niya sa kung ano mang mga salita ang ibibigay ng nasa taas." Makahulugang pahayag nito saka mahinhin na tumayo mula sa kanyang kinauupuan na tila ba wala ito sa gitna ng pagpupulong.

Gulat naman na nanonood na lang ss kanya ang ibang mga kalalakihan na hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Maging si Daewon ay hindi makapaniwala sa inaakto nito lalo na at ngayon lamang siya nakakita ng Reyna na ganito kapormal at kaayos magsalita.

Ilang sandali lamang ay umayos na ito ng tindig at mahinhin na humarap sa lahat ng tao na nasa silid.

"Mauuna na ako umalis pagka't mukhang wala rin naman kahahantungan ang pagpupulong na 'to..." Maayos pa itong yumuko sa lahat ng tagapanood bago muling ipinalastra ang isang nakaiintimidang tingin. "Salamat sa makabuluhang pagpupulong..." Walang emosyon nitong saad saka tuloy-tuloy nang lumabas ng silid at iniwan ang lahat na hindi makapaniwala ss kanilang narinig at nakita.

Hindi naman na nagtaka ang lahat sa inakto ng Reyna ng Thaewyr pagka't kilala talaga nila ito sa malamig na pag-uugali at talaga namang matalas na pag-iisip. Bagay na hinangaan at kinatakutan ng nakararami kabilang na si Daewon na naiwang naiinip sa kanyang kinauupuan.

Nilingon naman ng binata ang kanyang Kuya Adelrick na tahimik pa rin at walang kibo bago nakasimangot na nagsalita.

"Puwede na rin ba ako umalis?"

*****

Wala na atang mas sasarap pa sa pakiramdam ni Daewon kundi ang makaalis sa nakasasakal at nakapapagod na pagpupulong ng mga nakatatanda. Maski noon pa man din ay hindi na niya hilig ang makinig sa pagdedebate ng mga matatanda s kanyang harapan pagka't kanya-kanya lamang itong pataasan ng mga ipinagmamayabang sa buhay.

Sa isip niya ay makikibalita na lang siya sa magiging desisyon ng akademya mula sa kanyang mga kapatid na pinagalitan muna siya bago pinayagan makaalis.

Bagot na bagot niyang tinungo ang daan patungong pagamutan kung saan nagpapahinga at nahihimbing sa tulog ang kanyang kapatid na si Eliana. Magdadalawang araw na itong walang malay kaya hindi na rin maiwasan ni Daewon ang mag-alala para dito. Nais niyang siya na lang din ang magbantay dito kung hindi niya lang sana haharapin mamaya ang ama oras na ipatawag na sila nito para sa isa na namang pagpupulong sa pagitan ng kanilang pamilya.

Naiinis pa siya dahil kasama rin dito si Orianna na bagama't ina ni Caedmon ay malayong-malayo naman ang pag-uugali nila.

Napahinto naman sa paglalakad si Daewon nang makasalubong nito ang isang pamilyar na binata na hindi niya halos nakilala dahil sa maikli na nitong buhok.

Sandali pang nagkatitigan ng dalawa bago magalang na yumuko sa kanya ang binata na mukhang namamasyal lang sa akademya. Kinunutan naman ito ng ni Daewon bago tugunan ng pagsusungit.

"Hindi ba taga-Cymopoleia ka? Ikaw ba yung kababata ng kapatid ko? Ano ulit pangalan mo?"

Marahan naman itong yumuko sa kanya bago muling magbaba ng tingin at sumagot. "Ako nga po ang kababata ni Prinsesa Eliana, Prinsipe Daewon. Abraham po ang pangalan ko."

•••••

-ERYX -

Pasalampak na naupo si Eryx sa isang couch sa labas lamang ng throne room ng kaharian. Dama niya ang labis na pagod at pananakit ng ulo dahil sa naging pag-uusap nila ng kanyang ama.

Halos hindi niya maipaliwanag ang kahihiyan na natanggap niya dahil sa sunod-sunod nitong sermon sa harap ng mga opisyales at konseho ng Emperyo. Pinagalitan siya nito hindi bilang ama kundi bilang isang Emperor na sinuway ang kanyang kautusan at kumilos ng hindi nag-iisip.

"Ngayon ko na lang nakitang nagalit ng ganoon ang Emperor..." Pahayag ni Zephyr sa kanyang tabi na katulad niya ay bakas na rin ang matinding pagod at pagkatorete dahil kung sagad na sermon na ang natanggap ni Eryx ay mas doble naman ang kanya pagka't nakarating na rin dito ang ginawa niyang pananamba sa dalawang Kumander na kasama rin nila kanina sa loob.

Napailing na lang tuloy si Eryx sa kanya habang marahang hinihilot ang tungki ng kanyang ilong pagka't hanggang ngayon ay pinoproseso niya pa rin ang mga sinabi nito sa kanya.

Hindi siya makapaniwala na ibang-iba na ang kanyang ama magmula ng huli niya itong nakita. Dati naman ay hindi ganito ang reaksyon ng kanyang ama sa kanyang mga desisyon pagka't pribado lamang siya nitong pinararangalan. Ngunit sa pagkakataong ito ay pinahiya siya ng mismong magulang sa harap ng maraming tao bagay na hindi na lamang dinadamdam ni Eryx pagka't mas iniintindi niya ang kalagayan ng ama na tila ba nilalamon na ng kahibangan.

"Hindi ka pa ba babalik sa Akademya, Eryx? Mukhang may nagaganap din na pagpupulong doon." Tanong naman ni Zephyr habang nakaupo pa rin ito at napapapikit na lang sa pagod na nararamdaman.

"Maya-maya na siguro. Hindi na kakayanin ng utak ko kung sakit din sa ulo ang maaabutan ko sa akademya. At isa pa, nandoon naman ang Maestro kaya magiging ayos din siguro ang lahat..." Wala sa sariling pahayag ni Eryx habang nananatili pa rin ito nakapikit.

Bagama't malaking parte sa kanya ang nagsasabi na kinakailangan na niyang bumalik sa akademya upang makadalo sa pagpupulong ay alam niyang malabo at nanghihina na ang kanyang isipan at katawan dahil sa ilang araw na walang pahinga. Sunod-sunod din ang kanyang mga trabaho matapos ng nangyari lalo na at bukas ay siya pa ang mangunguna sa pagpilitis ng mga kasabwat na sindikato, ang pagpapasara ng botika ni Ginang Vien na mukhang nawawala rin sa katinuan matapos malaman ang pagkamatay ng asawa nito, at ang pagpapadala pa ng mga kababaihan na nandito sa Elior pabalik sa kani-kanilang mga kaharian.

Iniisip pa lamang ni Eryx ang kanyang mga trabaho ay sumasakit na kaagad ang kanyang ulo at katawan.

Ilang sandali pang taimtim na nagpahinga ang dalawa at hindi alintana ang mga tinginan ng mga katulong ng palasyo tuwing nadadaan sa kanilang gawi. Para kay Eryx, wala na sigurong mas sasarap pa sa pakiramdam kundi ang kaunting pahinga at simpleng katahimikan lamang.

Ilang sandali lamang ay bigla na lang siyang tinapik ni Zephyr sa balikat dahilan para maging siya ay mapabalikwas ng tayo. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makaharap ang pamilyar na babae na nakangiti ngayon sa kanyang harapan at malamyos na nakatingin sa kanya?

"Ryx? Ikaw ba 'yan, anak?" Mahinhin at kababakasan ng labis na tuwa na sambit ng Reyna na katulad ni Eryx ay mayroon din gintong buhok at berdeng mga mata.

"Ina?" Gulat pang sambit ni Eryx bago siya tuluyang niyakap ng Reyna na halatang sabik na sabik na makita ang anak na palaging abala sa mga gawain bilang prinsipe at susunod na Emperor at tila ba nakalilimutan na nito na isa rin siyang anak.

•••••

Continue Reading

You'll Also Like

168K 6.9K 38
Mystique Academie is where you can find students with special abilities. Most of the students who are studying here are royals. Mystique Academie wil...
72.5K 2.5K 31
Nine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what ma...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

58.4K 2.4K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...
1.2M 53.7K 87
[Villainess Series 01: Ellesmeere] One day, I got into an accident, remember my past and reincarnated in the novel as the villainess who got her bitt...