Crazy In Love With The Male L...

بواسطة LerNicaMa

53.3K 2.6K 271

*TAGLISH* After getting so absorbed with life's bullshit. Helena jumped off from the top of a ten-storey buil... المزيد

CHAPTER 0
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 12

1.2K 61 0
بواسطة LerNicaMa

THE SUN'S already down and I'm floating in the sea water, with my eyes closed. I've gotten pretty far away from the shore already but I just don't wanna break this relaxing and calming feeling.

Masyado na kong naguguluhan sa ikinikilos ni Lucas. I'm sure hindi niya ako gusto. It's impossible. We just met each other yesterday at sa loob ng dalawang araw, pakiramdam ko sobrang dami na ng nangyari.

I don't know what Lucas is up to pero hindi na nakakatuwa ang mga ikinikilos niya. He can't just kiss me whenever he wanted. This can't go on.

"Ma'am Loraine!" Sigaw ni Ate Teresa. She don't really need to address with such pero ayaw daw niyang mag-appear sa unang tao na hindi nila ako ginagalang. Kanina lang iyon nangyari actually. At isa pa, napagsabihan din sila ni Lucas. That asshole!

The reason why I'm still out even when it's already dark is because I want to avoid Lucas. Dahil sa mga actions na pinakita niya kanina, hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan. Ano ba kasing nangyayari sa kanya?

"Ate Teresa, go fetch me some food. I won't go home yet." Sigaw ko pabalik bago sumisid sa tubig. Hindi ko na masyadong nakikita ng malinaw ang mga corals hindi tulad nang kanina. Nagsisimula na ring mag-iba ang temperature ng tubig.

"Ma'am, umalis po si ser Lucas kani-kanina lang. Pumunta po siya sa birthday ng kaibigan niya doon sa bayan! Hindi daw po siya uuwi ngayon." Aniya. Kaagad akong lumangoy papalapit sa kanya nang marinig ang sinabi niya. Good grief wala si Lucas.

Nanginig agad ako sa lamig pagka-ahon ko sa tubig. Inabutan naman ako ni Ate Teresa ng twalya.

"It's cold." Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa twalya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate Teresa saka bumulong.

"Bakit naman po kasi kayo nagbabad ng ganoon katagal sa tubig? Magkakasakit kayo niyan!" Panenermon niya. I just smirked at her and then I suddenly sneezed. Crap! Mukhang nagdilang-anghel si Ate Teresa.

"Hayy, juskoo. Bilisan na natin ma'am. Kailangan mong uminom ng gamot at baka matuloy ang sakit na 'yan." Nag-aalalang sabi ni Ate Teresa saka namin binilisan ng pag-uwi. And you know, I hope she didn't say that.

"Jusko santisima! Bakit ka ba nagbabad sa tubig? Hayan at natuloy ang lagnat mo!" Sermon ni Manang Lois. I sneezed and coughed. My head feels heavy and my eyes are watering.

"I don't know. I thought I was perfectly fine last night, I even drink medicine before falling asleep." Paliwanag ko na sinundan muli ng magkakasunod na ubo. Gawd! I'm really sick! My head is spinning and I can feel like I'm literally burning.

This is what I hate about getting sick! This feeling is so uncomfortable. Even though I'm wrapped with thick blankets, I feel like the air is still touching my skin. Ano nga bang iniisip ko at nagbabad ako sa tubig nang ganoon katagal? Am I stupid?

"Sherley, kumuha ka pa ng maligamgam na tubig." Utos ni Ate Betty kay Sherley na walang sali-salitang sumunod. Kanina pa silang nasa tabi ko at hindi ako iniiwan. This, too, makes me uncomfortable.

"Guys," tawag ko sa atensyon nila. "I can take care of myself. I mean, pwede na kayong umalis. Alam kong may mga dapat pa kayong gawin." Muli ay napa-ubo na naman ako. Nag-aalalang hinaplos ni Ate Teresa ang likod ko. "What I need is rest. Simpleng lagnat lang naman. I can manage." Pilit ngiti kong sabi. Akmang magpoprotesta pa sina Ate Teresa at Ate Betty pero pinigilan sila ng Manang.

"Bibisitahin ka namin pagkatapos ng dalawampung minuto. Magpahinga ka na d'yan." Sabi ni Manang at hinila yung dalawa paalis.

Nang makaalis sila ay saka tumulo ang luha ko. It's not because I'm in pain or anything. Sobrang bigat lang talaga ng pakiramdam ko. Ganito ako palagi kapag nilalagnat. When I'm sick, Olivia is always the one who's taking care of me. Its only been two days but, I miss them already. Kelan ba kasi matatapos ang dalawang buwan na ito?

I want to cut off my connection to Lucas already. As long as this engagement thing is still binding us, I can't be free. Ang gusto ko lang naman ay maging free character. Yung malayang magdesisyon at pumili ng lalaking mamahalin sa buhay. Pero bakit ba nagpapaka-complicated ang lalaking iyon?

I can feel it. I can feel that he also don't want this marrying stuff. It's also written in the book that I read.

The book, I've been thinking about it for many times. Just how much can I trust that book now? The ending that is ahead is kind of blurry than the ending that's scripted in the story. Perhaps, I have changed so much.

Masyadong madaming bagay na ang nabago ko simula ng mabuhay ako bilang si Loraine. Every time I change something, I feel burdened. I'm feeling guilty because I don't know if I even have the right to mess with the story. And I've been messing with the story ever since I started this life.

Why do I have to be Loraine by the way? I just be any other character that's not binded in the story. Is it bad to wish that I want to be a free character?

I hope I can just live this two months in peace. I just want to stay away from Lucas' sight and end this quietly. I don't want to see him, because I have this feeling that the more I get involved with him, I will start to assume things. And I don't wanna let that happen.

And I know I'm being so full of myself for thinking that Lucas might fall for me, but it's not that impossible to happen since Loraine does have a beautiful face. I suddenly slam my palm against my forehead. C'mon brain, what are you thinking? Nagdedeliryo na yata ako.

"Anong ginagawa mo?" Mataray na tanong ni Sherley. I was taken aback with her sudden change in attitude that I stared at her with widened eyes.

"W-Well, I'm, uh, just humbling myself." Medyo natatangang sabi ko.

'Well, I did think about Lucas falling in love with me and other ridiculous stuff. I shouldn't let it get into my head.'

But for some reasons, looks like this girl have finally showed her claws at me. She's not hiding her real personality anymore. Well, who cares about her? She's not a major character.

"Nababaliw ka na." Komento niya saka walang pag-iingat na inilapag ang maliit na basin na may lamang maligamgam na tubig at bimpo. "Huwag kang masyadong kampanteng mapapasa'yo si Lucas. Hindi porket ikaw ang fiance niya---"

"Future fiance, you mean." Mahinang pagtatama ko sa kanya. Nanliit naman ang mata niya sa akin. Siguro ay nagtataka na siya kung bakit hindi ko binabakuran si Lucas. At talaga bang tinuturing niya akong love rival para sa lalaking 'yon? How stupid can she get?

"May nangyari sa amin ni Lucas. Not just once, but twice. We also did it yesterday." Nakangising sabi niya sa akin. I just sighed and stared at her. Ano bang pinapalabas niya? Edi kanya na si Lucas, isaksak niya pa sa baga niya. Nasa akin naman ang huling halakhak kapag napanood ko siyang itapon lang ni Lucas para kay Olivia. She's one desperate bitch, mind you.

"So what?" Pabalang kong tanong bago muling napa-ubo. Gawd, I'm so pathetic!

Nakita ko ang pagtataka sa mata ni Sherley. Malamang sa mga oras na ito, nagtataka na siya kung bakit wala akong paki-alam kay Lucas.

'Sherley, I'm not your enemy, but I'm not your ally either.' yon ang gusto kong sabihin sa kanya.

Dapat ngayon palang, magkakaroon na siya ng hint na wala akong gusto sa Lucas na kinababaliwan niya. Dahil kung may gusto ako sa bida at kung may balak akong patusin siya, dapat noong una palang pina-ambush ko na si Olivia.

"Sinasabi mo bang kahit nasa akin ngayon si Lucas ay mapapapunta pa rin siya sa'yo sa huli? 'Wag kang mayabang! Ipaglalaban ako ni Lucas! Mahal niya ako!" Sigaw niya sa akin. I mentally slammed my forehead.

'Just how stupid is this girl?'

Even though I'm wondering how in earth did she end up getting that fucked up idea, I only answered her with a glare.

"Give it up. You're pathetic," malamig kong sabi na nagpatigil sa kanya. I clutched my head dahil mas lumalala ang pagkahilo ko. Unfortunately, talking to this idiot is not healthy for me. "Let me clear just one thing. Hindi kailanman mapapasa'yo si Lucas. Whether you understand it or not, please leave. My condition just worsened because of your stupidity." I bluntly said. Halata naman sa mukha niya ang pagka-insulto at galit. I saw her clenching her fists. She was about to say something again but I gave her a deadly stare. My head is already spinning so badly and I want to close my eyes. But I can't fall asleep with this bitch around. Who knows, she might kill me the moment I lose my conciousness.

She tsked, locked the door and left. Tch! I'm pretty sure she did that so I can't call help if something bad happens to me. Nang mawala na ang tunog ng mga yabag niya, I fell asleep.

Tila nagising ang diwa ko sa kalagitnaan ng pagtulog nang naramdaman ko ang paglapit ng pamilyar na presensya. Lucas already?

I didn't even have the energy to respond let alone to even open my eyes. Naramdaman ko ang paglapat ng kamay nito sa aking leeg. "Tch, stubborn cherry lips." Rinig kong bulong niya bago ko marinig ang tunog ng sapatos niya papalayo.

Lucas, that stupid guy! It's all because of his unpredictable thoughts and actions! Damn him to the pits of hell!





I woke up with the sound of my phone. Inabot ko ito at ini-swipe pataas without looking kung sino ang tumawag. "Mmm?" Sagot ko nalang basta.

"Witch. Teka tulog ka? Tanghaling tapat ah?" Nagtatakang tanong niya. Tiningnan ko ang caller. JERK FACE.

"Eh sa inaantok ako eh. Ano bang meron?" Medyo paos kong tanong.

"You're sick?" Tanong niya. Hindi ko nalang siya sinagot. Alam niya na 'yon. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng lalaking 'to.

"If you're going to scold me, save it. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko. Natawa naman siya at halata ang excited na tono sa boses niya.

"Since you're not here to kick me in the face. I'm dating my baby. C'mon help me, I'm fucking nervous that I don't know what to do. What should I wear? Should I keep it casual?" Excited talaga niyang tanong. Nangunot naman ang noo ko. Talaga palang diniskartehan niya ang kapatid ko habang wala ako. Well, whatever. It's just this once, at least kahit hindi sila magkakatuluyan ay naipakita ni Kali ang sincere na feelings niya kay Olivia.

"I believe this is not the first time you dated a girl. Why are you acting a a freaking teenage girl? You're already twenty for Pete's sake." Sabi ko. He grunted and insisted his question.

"C'mon, best friend. I know I dated girls before but they're nothing. Now, this is my baby Olivia. She's different and I want to impress her. Help me, pretty please?" Nagpapa-awang sabi niya.

Tinulungan ko siya sa kung ano ang susulitin niya at kung paano siya dapat umakto sa harap ng kapatid ko. Kilala ko si Kali at walang filter ang bibig niya. Kung ang mga babaeng dinedate niya ay kinikilig sa mga dirty jokes niyang bigla-bigla nalang susulpot out of nowhere, for sure tatakbuhan lang siya ng inosente kong kapatid kung ganoon agad siya kabulgar. Ilang beses na halos isumpa ko na siya dahil sa lintek na kakornihan niya.

After like, ten long hours. Nakuntento na rin si Kali sa mga nalaman niya sa akin tungkol kay Olivia. Paulit-ulit na nga ang mga tanong niya at nagsisimula na akong marindi ngunit dahil isa akong mabuting kaibigan, hindi ko siya binulyawan. Isa pa, may sakit ako ngayon kaya nawalan na rin ako ng ganang sermonan siya.

At the present, it's not clear if Olivia will fall in Kali's charms. Since she is the heroine in this book and that her fated partner is Lucas, I don't think she will fall in love with my jerk best friend. But if that really happens....

Argh! I don't wanna think about that yet! Hindi ko pa alam ang mangyayari dahil hindi pa naman kami umaabot sa chapter 1 ng kwentong ito.

Pinilit kong tumayo at lumabas para kumuha ng tubig. Shit. Ang bigat pa rin talaga ng pakiramdam ko. What time is it now?

Kelan ba mawawala itong nakakaimbyernang sakit na ito?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

107K 12.4K 28
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
15.6K 560 26
روايه اماراتيه تتكلم عن مثايل وحيده امها وابوها الي عانت من الم الانفصال الام : نوره الاب : محمد تاريخ الكتابه : 19/3/2023 تاريخ التنزيل : ..
38.2K 831 15
Jake, Sunoo and Jungwon went to a bar they had never been to before, And while they were there in that bar, they didn't know that there were four men...
285K 586 22
just some of my horny thoughts;) men dni