CHAPTER 12

1.1K 60 0
                                    

THE SUN'S already down and I'm floating in the sea water, with my eyes closed. I've gotten pretty far away from the shore already but I just don't wanna break this relaxing and calming feeling.

Masyado na kong naguguluhan sa ikinikilos ni Lucas. I'm sure hindi niya ako gusto. It's impossible. We just met each other yesterday at sa loob ng dalawang araw, pakiramdam ko sobrang dami na ng nangyari.

I don't know what Lucas is up to pero hindi na nakakatuwa ang mga ikinikilos niya. He can't just kiss me whenever he wanted. This can't go on.

"Ma'am Loraine!" Sigaw ni Ate Teresa. She don't really need to address with such pero ayaw daw niyang mag-appear sa unang tao na hindi nila ako ginagalang. Kanina lang iyon nangyari actually. At isa pa, napagsabihan din sila ni Lucas. That asshole!

The reason why I'm still out even when it's already dark is because I want to avoid Lucas. Dahil sa mga actions na pinakita niya kanina, hindi ko na alam kung paano siya pakikitunguhan. Ano ba kasing nangyayari sa kanya?

"Ate Teresa, go fetch me some food. I won't go home yet." Sigaw ko pabalik bago sumisid sa tubig. Hindi ko na masyadong nakikita ng malinaw ang mga corals hindi tulad nang kanina. Nagsisimula na ring mag-iba ang temperature ng tubig.

"Ma'am, umalis po si ser Lucas kani-kanina lang. Pumunta po siya sa birthday ng kaibigan niya doon sa bayan! Hindi daw po siya uuwi ngayon." Aniya. Kaagad akong lumangoy papalapit sa kanya nang marinig ang sinabi niya. Good grief wala si Lucas.

Nanginig agad ako sa lamig pagka-ahon ko sa tubig. Inabutan naman ako ni Ate Teresa ng twalya.

"It's cold." Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa twalya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ate Teresa saka bumulong.

"Bakit naman po kasi kayo nagbabad ng ganoon katagal sa tubig? Magkakasakit kayo niyan!" Panenermon niya. I just smirked at her and then I suddenly sneezed. Crap! Mukhang nagdilang-anghel si Ate Teresa.

"Hayy, juskoo. Bilisan na natin ma'am. Kailangan mong uminom ng gamot at baka matuloy ang sakit na 'yan." Nag-aalalang sabi ni Ate Teresa saka namin binilisan ng pag-uwi. And you know, I hope she didn't say that.

"Jusko santisima! Bakit ka ba nagbabad sa tubig? Hayan at natuloy ang lagnat mo!" Sermon ni Manang Lois. I sneezed and coughed. My head feels heavy and my eyes are watering.

"I don't know. I thought I was perfectly fine last night, I even drink medicine before falling asleep." Paliwanag ko na sinundan muli ng magkakasunod na ubo. Gawd! I'm really sick! My head is spinning and I can feel like I'm literally burning.

This is what I hate about getting sick! This feeling is so uncomfortable. Even though I'm wrapped with thick blankets, I feel like the air is still touching my skin. Ano nga bang iniisip ko at nagbabad ako sa tubig nang ganoon katagal? Am I stupid?

"Sherley, kumuha ka pa ng maligamgam na tubig." Utos ni Ate Betty kay Sherley na walang sali-salitang sumunod. Kanina pa silang nasa tabi ko at hindi ako iniiwan. This, too, makes me uncomfortable.

"Guys," tawag ko sa atensyon nila. "I can take care of myself. I mean, pwede na kayong umalis. Alam kong may mga dapat pa kayong gawin." Muli ay napa-ubo na naman ako. Nag-aalalang hinaplos ni Ate Teresa ang likod ko. "What I need is rest. Simpleng lagnat lang naman. I can manage." Pilit ngiti kong sabi. Akmang magpoprotesta pa sina Ate Teresa at Ate Betty pero pinigilan sila ng Manang.

"Bibisitahin ka namin pagkatapos ng dalawampung minuto. Magpahinga ka na d'yan." Sabi ni Manang at hinila yung dalawa paalis.

Crazy In Love With The Male Lead - ON HOLDWhere stories live. Discover now