Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

798K 50.9K 72.1K

Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipi... More

Book 2 (Completed)
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII: The Cryosail
Kabanata LXIV
Kabanata LXV (Part 1)
Kabanata LXV (Part 2)
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)
Kabanata LXVIII (Larong Pampalakasan Part 2)
Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV (Ang Kaarawan ng Bida)
Kabanata LXXV
Kabanata LXXVI
Kabanata LXXVII
Kabanata LXXVIII
Kabanata LXXIX
Kabanata LXXX
Kabanata LXXXI
Kabanata LXXXII
Kabanata LXXXIII
Kabanata LXXXIV
Kabanata LXXXVI
Kabanata LXXXVII
Kabanata LXXXVIII
Kabanata LXXXIX
Kabanata XC
Kabanata XCI
Special Chapter: RATSP Christmas Edition
Kabanata XCII
Kabanata XCIII
Extra 1
Kabanata XCIV
Kabanata XCV (First Date?)
Kabanata XCVI
Kabanata XCVII
Kabanata XCVIII
Kabanata XCIX
Kabanata C
Kabanata CI
Kabanata CII
Kabanata CIII
Kabanata CIV
Kabanata CV
Kabanata CVI
Kabanata CVII (La Familia Agrigent)
Kabanata CVIII
Kabanata CIX
Kabanata CX (Ang Kaarawan ng Hari: Unang Bahagi)
Kabanata CXI (Ang Kaarawan ng Hari: Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])
Kabanata CXIII: Ang Kaarawan ng Hari (Huling Bahagi - 2 [Alab])
Kabanata CXIV: Pag-amin
Kabanata CXV: Ang Kasagutan
Kabanata CXVI: Ang Pagsiwalat ng Katotohanan
Kabanata CXVII: Sandigan
Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)
Kabanata CXIX: Ang Kaharian ng Naia (Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXX: Ang Kaharian ng Naia (Huling Bahagi)
Kabanata CXXI: Aerwyna
Kabanata CXXII: Ang Pangako (Epilogue for Book 2)
Author's Note

Kabanata LXXXV

9.1K 713 432
By Airosikin

- SEREIA -

Malakas na sinipa ni Sereia ang isang lalaki tungo sa isang posteng kahoy bago niya sunod-sunod na tinuhuran ang sikmura nito na sinundan niya ng malakas na suntok sa panga. Inis niya pang ipinunas ang kamao sa damit nang may tumilapon na ilang dugo dito dahil sa mga nalaglag na ngipin mula sa lalaki.

Sakto namang pagtalikod niya ay sumalubong sa kanya ang isang balisong na lumilipad tungo sa kanyang direksyon. Kamuntik pa itong hindi maiwasan ni Sereia kaya naman nadaplisan ng bahagya ang kanyang kanang pisngi dahilan para mag-igting na lang ang panga ng dalaga sa inis.

Hindi pa nakuntento ang lalaki at sunod-sunod nitong binato ang mga balisong tungo sa direksyon ng Sereia na kaagad din naiiwasan ng dalaga habang tumatakbo na ito palapit sa kinatatayuan ng lalaki. Patalon niyang sinipa ang mukha nito dahilan para matumba na lang ang lalaki sa sahig. Gigil niya itong pinatungan kasabay ng malakas na pag-ikot sa leeg nito pakanan na nakagawa ng may kalakasang tunog na wari'y nabaling buto.

Pagtayo niya ay mahigit sampung lalaki na ang nakapalibot sa kaniya at ngayo'y inaambahan siya ng mga espada at pamalo dahilan para mapaatras na lamang siya papunta sa poste.

Nanatiling alerto naman si Sereia at handa na rin dumepensa oras na may dumapo sa kanya maski isang atake mula sa mga kalalakihan. Malikot din ang mga mata niya at talagang binabantayan ang bawat kilos ng mga nakapalibot sa kanya. Nang tuluyan na siyang naipit sa pagitan ng mga kalalakihan at ng kahoy na poste ay tumayo siya ng maayos kasabay ng paghawi sa kanyang buhok.

"Hindi ba talaga kayo nauubos?" Tamad niyang saad kasabay ng paghugot niya ng dalawang balisong sa kanyang damit at mabilis itong itinarak sa noo ng dalawang lalaki na pinakamalapit sa kanya.

Kaagad na rin kumilos ang mga kalalakihan at sabay-sabay siyang sinugod. Mabilis din niyang inangat ang sarili sa pamamagitan ng paghawak sa mga balisong na nakatarak sa poste mula sa lalaki kanina. Pagkaangat niya ay sabay niyang sinipa sa mukha ang dalawang lalaki na palapit sa kanya habang ang iba naman ay sunod-sunod niyang sinaksak sa iba't ibang parte ng katawan matapos hugutin ang mga balisong na nakatarak sa dingding.

Mabilis niyang pinagsasaksak sa sikmura, leeg, at dibdib ang bawat kalalakihan na lumalapit sa kanya at sinisiguro niyang hindi na makagagalaw ang mga ito oras na lumapat ang kanyang patalim

Ilang sandali lamang ay mayroong isang lalaki ang sumulpot sa kanyang harapan dala ang isang kahon na tingin niya'y naglalaman ng mga pulbura ng bomba habang ang isang kamay nito ay may hawak na sulo.

"Hindi ka na makatatakas!!" Mistulang nababaliw nitong pahayag at sinindihan na ang bomba.

Hindi na rin nag-aksaya pa ng oras si Sereia at kumaripas na ito ng takbo paalis ng barko. Saktong pagkatalon niya ay narinig na lang niya ang malakas na pagsabog mula sa puwesto na pinanggalingan niya kanina.

Buong akala niya ay sa tubig na siya babagsak ngunit laking gulat niya ng may mga kamay na humawak sa magkabilang braso niya at pinigilan ang kanyang pagbagsak.

Gulat niya naman tiningnan kung sino ang nagmamay-ari ng mga kamay na mistulang may kaliskis na tulad ng sa isang dragon. Halos manlaki rin ang mga mata niya nang makilala kung sino ito.

"Pasensya ka na napahaba ang tulog ko, Sereia." Nakangiting saad sa kanya ni Mishal at sabay nilang tinungo ang isa pang barko kung saan bihag pa ang ibang mga kababaihan. Sa tabi rin nito ay si Aidan na nagawa pang kumindat kay Sereia at tila ba sabik na sabik nang bumanat ng buto sa pakikipaglaban. 

•••••

- ORRYN -

Natatandaan pa ni Orryn ang mga huling bilin ng kanyang ina bago ito tuluyang namaalam sa mundo. Habang hawak ang kanyang magkabilang pisngi, namumutla ang mga labi, at hinang-hina ang mga braso ay diretso nitong tinitigan ang mga mata ng batang hindi pa halos nakatutuntong sa edad na lima. 

"Orryn, makinig ka sa akin, ang kapangyarihan mo ay kayang kontrolin ang buong pagkatao mo. Hinding-hindi ka dapat magpadaig sa galit at pighati pagka't ang kapangyarihan ng anino ay nabubuhay sa kasakiman at paghihiganti ng nagmamay-ari nito. Huwag mo hayaang magpadaig ka sa kadiliman na dala nito dahil alam kong malakas kang bata. Alam kong matapang ka, Orryn, alam kong kayang-kaya mong labanan ito." Nanginginig na pahayag ng kaniyang nanghihinang ina sa batang wala pa halos muwang at hindi lubos maintindihan ang sinasabi nito. 

Sunod-sunod na lamang na tumulo ang luha ng kanyang ina kasabay ng marahang paghalik nito sa noo ng paslit. "Mahal na mahal kita, Orryn. Mahal na mahal ko kayo ni Namior. Tatandaan mo lang palagi, kahit gaano kasakim ang mundo, kahit gaano kalupit ang tadhana, may mga magulang kang nagpakita ng tunay at sagad na pagmamahal sa'yo. 'yan lang ang tanging mapapamana ko sa'yo. Orryn. Palagi ko kayong babantayan. Hinding-hindi kita iiwan..." 

Ngunit ilang sandali lamang ang lumipas ay tuluyan na rin namaalam ang babaeng unang nangako kay Orryn na hindi 'to iiwan at mananatili sa kanyang tabi. 

Tatlong magkakasunod na araw sinubukan ng batang si Orryn hintayin ang kanyang nag-iisang kapatid na si Namior matapos nito magpaalam na kukuha lang ng makakain para sa kanilang kapatid. Mabuti na lamang din at bahagya nang bumaba ang kanyang lagnat matapos makatulog buong araw. Nabuhay lamang siya sa pamamagitan ng tubig at ilang mga nakaw na tirang pagkain na dinadala sa kanya ng kanyang mga anino na katulad niya ay hindi pa nagtataglay ng sapat na lakas at liksi para makapagnakaw ng mas masarap na mga pagkain. 

Halos mabaliw na siya sa paghihintay sa ilalim ng madumi at nakasusulasok na tulay. Wala siyang ibang nakasasama kundi ang kanyang natagapagsilbi na anino na hindi rin naman marunong magsalita at tanging mga simpleng utos lang ang kayang gawin. Sa edad na limang taong gulang ay mag-isang nakipagsapalaran si Orryn nang walang kahit sinong kaagapay o katuwang kundi ang kanyang mga anino.

"Mabuti pa kayo, hindi niyo ako iniiwan. Mukhang pati si Kuya Namior iniwan na ako." Malungkot niyang saad habang nagbabagsakan na ang mga luha na ilang araw din niyang pinipigilan tumulo pagka't ayaw niya nang masayang ang mga tubig sa katawan.

Makalipas ng tatlong araw at sa kabila ng labis na pamumutla, panghihina, at gutom ay nakipagsapalaran si Orryn para lamang makalabas ng Elior at bumalik sa Maura. Tanda niya pa na ito ang kaharian na pinagmulan ng kanyang mga magulang kaya ninais niyang bumalik na lamang dito ng walang ibang nalalaman sa kaharian kundi ang pangalan lamang nito. 

Umasa siya sa mga pagnanakaw sa mga bayan at Nayon na nadadaanan niya para lamang mabuhay. Umaasa siya sa tubig-ulan o di kaya'y mga tubig mula sa ilog at sapa para lamang may panligo at pang-inom ng tubig. May mga gabi rin na napapaaway siya sa mga batang kalye na pilit din ninanakaw ang kanyang mga kinitang pera. Taon ang inabot ng kanyang paglalakbay pagka't maging ang mga salitang hilaga, silangan, timog, at kanluran ay hindi niya alam at hindi niya naiintindihan. 

Sinubukan niya rin naman magbagong buhay at mamasukan bilang trabahador sa isang karinderya sa isang maliit na Bayan bago tumawid sa Kaharian ng Thaewryr. Pitong taong gulang siya ng mga panahong iyon. Naging maayos naman ang trato sa kanya ng kanyang mga amo noong una ngunit nang unti-unting malugi ang panaderya ng mga kumupkop sa kanya ay nagsimula na itong pagbuhatan siya ng kamay at pagtangkaang ibenta bilang alipin sa mga aristokrata. Gabi-gabi ay walang habas na panglalatigo ang kanyang natatanggap lalo na kung wala siyang maiuwing benta sa kanyang mga amo. Naghihirap na rin kasi ang kanilang Nayon dahil sa patuloy na pagtaas ng buwis na ipinapataw sa kanila ng kaharian kaya maski simpleng tinapay ay hindi nila magawang bilhin.

Napagdesisyunan nang tumakas ni Orryn nang kamuntik na siyang mapatay ng kanyang amo matapos siyang mahuli na kumakain ng tinapay sa basurahan. Mag-aapat na araw na kasi kumakalam ang kanyang sikmura at ang tinapay na sunog na lang ang naging panlamang tiyan nito.

Matapos niyang tumakas ay bumalik siya sa paglalaboy-laboy at pagnanakaw. May isang beses pa siyang kinuyog ng taumbayan dahil sa pagnanakaw niya sa isang matandang babae. May isang beses din na nahuli siya ng mga kawal ng Thaewyr at binugbog siya ng todo. Nakatakas na lamang siya nang magpanggap siyang patay at nang itapon siya ng mga ito sa ilog ay doon na siya tumakas at nagpakalayo-layo.

Ilang kilometro na lang ang layo niya sa Maura nang dakpin siya ng mga sindikato mula sa pagpapalaboy-laboy. Ang mga sindikatong ito ay pinamumunuan ng misteryosong lalaki na nagngangalang Dos. Pinadadala ang mga kalalakihan na nadadakip nito sa Maura upang magtrabaho sa loob ng kaharian habang ang mga kababaihan ay ibinebenta sa mga aliwan.

Misteryoso at bihira magpakita si Dos sa kanyang mga tauhan at ang tanging kinakausap lang nito ay ang mga miyembro sa sindikato na nasa mataas na ranggo at hindi siya kabilang doon. Kaya maging ang kuryosidad ni Orryn dito ay paunti-unting umusbong. 

Hindi rin sila pinapapasok sa mismong kaharian ng Maura at nananatili lamang sila sa border nito upang magsagawa ng mga karumaldumal na krimen sa buong Emperyo ng Elior.

Sa murang edad na nuebe anyos ay sinanay si Orryn kung paano maging isang ganap na salot sa lipunan ng Elior. Tinuruan siya kung paano magnakaw, kumitil ng buhay ng tao, at kung paanong sa mga maliliit na gawain ay magsilbing tinik sa Emperyo na walang ibang ginawa kundi ang alipustahin ang mga katulad nilang may itim na kapangyarihan.

"Patayin mo ang magkapatid na 'yan." Malamig na utos sa kanya ni Dos sa araw mismo ng paghuhukom ng mga sindikato.

Taon-taon ay ginaganap ang paghuhukom sa mga miyembro na nais umangat ang ranggo sa buong samahan. Isa sa mga pagsubok na kinakailangan nilang gawin ay ang isabuhay na ang lahat ng sabihin ni Dos ay mananatiling batas at kautusan na kinakailangang isakatapuran.

Gulat naman na nilingon ni Orryn ang magkapatid na babae na nasa edad sampung taon at anim na taon na nangangatog sa takot na nasa kanyang harapan. Sa edad na kinse anyos ay hindi pa nakapapatay si Orryn ng babae o ng bata pagka't kadalasan lamang niya kinikitil ang mga kalalakihan na nagtatangka sa kanilang samahan. Hindi niya rin alam kung bakit sa mga nagdaang taon ay mas pinili niyang buhayin ang babae at bata kahit pa sa tuwing nagnanakaw sila sa iba't-ibang bayan at walang habas niyang nakikita ang pagpaslang ng kapwa niya mga sindikato sa mga babae, matanda, at bata.

"P---Pakiusap, kahit ako na lang. H---Huwag na po ang kapatid ko. Parang awa mo na po." Hagulgol ng mas nakatatandang batang babae habang yakap nito ang nakababatang kapatid na babae na halatang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Hindi halos makakilos si Orryn at nananatili lamang din siyang nakatayo at nakamasid sa dalawang paslit. Hindi niya magawang iangat ang mga kamay na may hawak ng espada pagka't malaking parte sa kanya ang nagsasabi na hindi niya kaya ang patayin ang dalawang musmos pagka't nakikita niya ang sa dalawang paslit ang buhay niya at ng kapatid niyang si Namior noon. Ano ba ang nararamdaman niya ngayong nakikita niya ang dalawang bata? Sakit? Inggit? Awa? Pighati?

Buong buhay niya ay hindi siya nakatanggap ng emosyon na matatawag na 'awa' pero nakakatawang isipin na ang katulad niyang lumaki sa hirap ng buhay ng walang aruga ng mga magulang o nakatanggap man lang ng awa sa kapwa tuwing siya ay namamalimos ay makararamdam siya ng awa para sa ibang tao.

Hindi siya makapaniwala na may natitira pa palang 'pagkatao' sa sistema niya sa kabila ng hirap na kanyang dinanas sa mapagmalupit na mundo.

"Sinusuway mo na ba ang utos ko?"

Halos mangatog naman siya sa takot nang marinig ang nakakikilabot na boses ni Dos. Nakamaskara ito at itim na roba at ang tanging nangingibabaw lamang dito ay ang matingkad na pulang mga mata.

Hindi kaagad nakasagot si Orryn dito pagka't pakiramdam niya ay tutumba na siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa labis na kaba na nararamdaman. Alam niya kasi na kapag ganyan na ang tono ni Dos ay naiinip na ito at hindi magdadalawang isip na manakit ng kung sino.

"G---Gagawin ko na, Dos." Nangangatog nitong saad at pilit na pinakakalma ang kanyang sarili.

Maraming beses pang napalunok si Orryn bago tuluyang naiangat ang kanyang espada. Hudyat naman ito para mapasigaw ang babae upang magmakaawa para sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang kapatid na nagsimula na rin umiyak. Halos ang mga tili at pagmamakaawa lamang nito ang pumupuno sa tenga ni Orryn na labis ang pag-aalinlangan sa kanyang gagawin.

"Parang awa mo na po..." Lumuluhang saad ng mas matandang kapatid na halos humalik na sa lupa para makayuko lamang sa kanya. "H---Huwag mo na po idamay ang kapatid ko. Parang awa mo na po. Huwag na po siya. Kahit ako na lang po. Kahit ako na lang..." Hagulgol pa nito habang pinagkikiskis ang dalawang palad bilang pagpapahayag ng paghingi nito ng awa at simpatiya sa binata.

Mas lalong nangatog si Orryn sa kanyang kinatatayuan at mas lalo rin dumiin ang pagkakakagat niya sa labi para lang malipat ang kirot na nararamdaman niya mula sa kanyang puso.

"Naiinip na ako, Orryn!!!" Galit na sigaw na ni Dos dito.

Pilit naman pinatatatag ni Orryn ang kanyang loob upang maisakatuparan na niya ang kanyang misyon. Pero hindi talaga kaya ng konsensya niya ang pumatay ng mga bata lalo pa at sumasalamin ang dalawang paslit sa buhay nila noon ng kanyang Kuya. Mga batang walang kalaban-laban, walang muwang, at walang maayos na buhay.

Ilang sandali lamang ay dahan-dahan nang ibinaba ni Orryn ang kanyang espada ngunit bago pa man niya ito tuluyang mailapag ay kusa na lang niya ito nabitawan dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman.

"AAAAARGH!!!"

Malakas niyang ininda ang sakit na nanunuot sa kanyang laman at mga ugat sa buong katawan. Pamilyar ang sensasyon na ito, ang tila ba bangungot na kanyang nadarama dahil nangyayari lamang ito sa tuwing sinusuway niya ang utos ng itinuturing nilang panginoon.

"Alam mong ayoko sa mahina at walang kuwenta, Orryn..." Malamig na saad ni Dos na hindi man lang namalayan ni Orryn ang paglapit nito sa kanyang tabi.

Naramdaman na rin niya ang sapatos nito sa kanyang ulo na mas lalo siyang binabaon sa lupa habang hawak pa rin niya ang kanyang ulo dahil sa labis na sakit na nagmumula rito.

Mas lalong tumindi ang sakit na nadarama niya na sinundan na rin ng pagsusuka ng sandamakmak na dugo at ang paglabas pa ng pula at malapot na likido sa kanyang ilong at tenga.

"Walang puwang ang samahang ito sa mga mahihina at walang silbi, Orryn." Nakakikilalabot na pahayag pa ni Dos kasabay ng pagtadyak sa sikmura ni Orryn dahilan para mapahiga na lamang ito sa malamig na lupa at magkikikisay sa sakit na nadarama.

"T---Tama na. Patawad, Dos. P---Patawarin mo ako!!" Lumuluha nitong saad habang patuloy pa rin ang pagsuka ni Orryn ng dugo at ang labis na pagdurugo ng ibang parte ng katawan nito.

Nananatili lamang malamig na nakatingin sa kanya si Dos na tila ha hinuhusgahan na nito ang buo niyang katapatan sa samahan bago unti-unting nawala ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Alam mo ang nangyayari sa mga sumusuway sa utos ko, Orryn."

Itinapat ni Dos ang isang kamay sa dalawang batang babae na magkayakap na lamang at takot na takot na nakatingin kay Orryn at kay Dos. Ilang sandali lamang ay nagsimula nang lumiwanag ng kulay pula ang kamay ni Dos at sa isang iglap ay napuno na ng dugo at lamang loob ang buong kapaligiran.

Pinagmasdan ni Orryn kung paanong sa isang iglap lamang ay sumabog na ang katawan ng dalawang paslit sa kanyang harapan. Kung paanong sa isang kumpas lang ng kamay ng nilalang na nasa harapan niya ay namatay ang dalawang paslit na hindi niya nagawang paslangin at mas nakatanggap pa ng mas matinding kamatayan. 

"Ito na ang huling beses na susuwayin mo ang utos ko, Orryn, kung gusto mo pang mabuhay."

Tuluyan nang tinalikuran ni Dos ang binata dahilan para magkaroon ng pagkakataon si Orryn na pakawalan ang mga luha na kaninapa nagbabadyang bumagsak mula sa kanyang mga mata.

Unti-unti na niyang tinatanggap na ang mundong pinasok niya ay ang mundong hindi nararapat ang mahihina at may katiting pang natitirang awa sa katawan. Ang mundong ginagalawan niya ngayon at kailanman hindi nararapat sa taong kaya pang magtiwala sa iba at magkaroon ng pananalig na may kabutihan pang natitira sa mga mamamayan ng Emperyong ito. Naging bato ang puso ni Orryn habang lumilipas ang panahon at maging ang isipan niya ay tuluyan ng nalason. Para sa kanya, ang lahat ng hindi kasapi ng samahan ay kalaban, ang Elior ay masama, at si Dos ang panginoon ng lahat. 

Tatlong taon pang namuhay si Orryn sa dilim at sa araw-araw na pagpapalakas ng kanyang kapangyarihan sa patnubay mismo ni Dos - ang nagsisilbing panginoon sa mga ninanais makamit at mapalakas pa ang kapangyarihan. Habang tumatagal ay tila ba mas tinatakasan si Orryn ng ulirat dahil sa araw-araw na pagpaslang at pakikipag-away sa loob ng kanilang samahan. Makailang beses na siyang halos mamatay sa mga misyon kundi lamang siya pinapainom ni Dos ng dugo nito ay baka matagal na rin siyang natuluyan. Pakiramdam niya rin ay mas lalong nababalot sa kadiliman ang kanyang puso. Maging ang totoo niyang pagkatao ay nagiging anino na at ang totoong anino niya ay siya na mismo. 

Sa mga panahong lumipas ay nagawa ni Orryn palakasin ang kanyang kapangyarihan. Ang maging parte ng mga alaga niyang anino. Ang mamuhay sa mundo ng kadiliman at ang isipin na maging siya ay isa na rin anino. Takot sa liwanag, hindi marunong tumayo sa sariling mga paa at nananatiling sunod-sunuran sa nagbibigay porma at hulma dito.

Pero ang madilim na mundo ni Orryn ay nagkaroon ng kakapiranggot na liwanag magmula nang muling magtuos ang landas nila ni Namior sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Nagawa ni Namior ang makatakas sa Isa sa mga misyon ni Orryn ang nakawan ang isang kilalang samahan si Elior na nagbebenta ng droga at nang makatransaksyon na niya ang tila ba pinaka 'Boss' ng organisasyon ay hindi niya inaasahan na makikilala siya ng nag-iisang kapatid na nawalay sa kanya ng mahigit isa at kalahating dekada.

"O--Orryn? Ikaw ba 'yan?" Nanginginig na tanong sa kanya ng lalaking mayroon na lamang nag-iisang mata, may kahabaang balbas na tila ha ermitanyo ito, at sandamakmak na peklat na nagmula sa latigo sa buong katawan.

Hindi pa kaagad nakasagot si Orryn diro dahil maging siya ay hindi makapaniwala na kaharap na niya ang nag-iisang kapatid na napakatagal na nawalay sa kanya.

"K---Kuya Namior?" Nanginginig niya rin na sambit ngunit imbes na sumagot ay niyakap na lamang siya ng nakatatandang kapatid na hindi na napigilan ang sarili maging emosyonal sa muli nilang pagtatagpo magkapatid.

Bilang si Orryn na ang isa sa mga pinuno ng sindikatong binuo ni Dos ay hinikayat niya ang kapatid na sumali dito. Kaliwa't kanan na mga krimen ang sabay na ginawa ng magkapatid kahit batid pa ni Namior na magbagong buhay na lang sana kasama si Orryn. Sa kasamaang palad ay makailang beses itong tinanggihan ng nakababatang kapatid dahil para bang ang buhay nito ay nakatali na lamang sa iisang kapalaran.

"Grabe parang noong mga bata tayo ay wala tayo halos masilungan maliban sa ilalim ng tulay pero ngayon... Pagmamay-ari na natin mismo ay isang kastilyo!" Nakangising saad ni Namior habang pinagmamasdan nito ang dambuhalang kastilyo na natagpuan lamang nila sa kagubatan ng Archelaos at tuluyan nang inangkin.

Nilingon pa nito ang kapatid na si Orryn at pabirong siniko-siko dahilan para mainis naman ang binata sa kanya.

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo?"

"Kapag natapos na ang kontrata mo kay Dos ay puwede bang gamitin na lang natin 'to para gawing tahanan? Paniguradong tatanda rin tayong dalawa at hindi na natin magagawa pang lumaban o gumalaw ng maayos. Kahit papaano ay magkasama tayong tatanda dito at maninirahan ng payapa. Magtago na lang tayo sa mga kasalanan natin!" Natatawa pang saad ni Namior.

Imbes na matuwa ay mas lalo naman nagtangis ang bagang ni Orryn dahil sa mga narinig. Hanggang ngayon ay dama pa rin nito ang galit ss kapatid na ilang taon siyang iniwan kaya hindi niya halos maatim na makinig ss mgs pagsisimyento at panlalambing nito.

"Siraulo ka ba?! Bakit ko naman nanaisin na kasama kang tumanda?!"

"Dahil kapatid mo ako! Gago ka ba?!"

Sarkastiko naman na natawa si Orryn dito bago nanlalaki ang mga mata na hinarap ang kapatid.

"Walang kapatid ang iniiwan ang sarili niyang kapatidpara lamang mamuhay ng payapa . Wala kang kuwentang kapatid. Alam mo 'yan."

Tila ba lason para kay Namior ang bawat salita na natatanggap niya sa kapatid ngunit imbes na makipag-argyumento ay malungkot na lamang siya ngumiti bago magsalita.

"Walang kuwenta na kung walang kuwenta. Wala rin naman akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko dahil hindi kaagad kita nabalikan. Pero walang araw ang lumipas na hindi kita iniisip, Orryn. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, kapatid mo pa rin ako at nagmamalasakit pa rin ako sa'yo." Marahan pang inabot ni Namior ang ulo ng binata ngunit mabilis din itong tinabig ni Orryn at nauna na maglakad papasok sa loob.

"Hinding-hindi na kita iiwan o paghihintayin, Orryn. Pangako. Habang buhay na tayong magkakasama."  Pahabol pa ni Namior dito na bagama't nakatalikod na si Orryn ay hindi kailanman tumalikod ang pagnanais niyang marinig ang mga katagang iyan mula sa kapatid.

Sa kabila ng matinding galit na nadarama, labis na tampo, at sagad na paninisi ay pinakaingatan at pinanghawakan ni Orryn ang mga salitang iyon mula sa kapatid hanggang sa dumating ang araw na sinukat ang hangganan ng tiwala nila sa isa't isa.

*****

"O---Orryn... B---Bakit..." Nanghihinang tanong ni Namior sa kapatid na ngayon ay tila ba sasabog na sa galit dahil sa labis na pagliwanag ng mga mata nito at pag-alab ng kulay itim na usok sa magkabila niyang mga kamay. Magkahalong pighati, pagtataka, labis na lungkot, at gulat ang makikita sa mga mata ni Namior ngunit nakapagtatakang hindi man lang ito kababakasan ng galit o pagsisisi na tila ba handang-handa na ito sa ganitong pangyayari. 

"Ipinangako mo sa akin na hinding-hindi ka na aalis sa tabi ko pero sa ikalawang pagkakataon, nagsinungaling ka Namior!!!" Galit na galit na saad pa ni Orryn dahilan para tila ba may malakas na puwersa ang kumawala sa katawan nito. "Palagi ka na lang nagsisinungaling! Palagi niyo na lang ako iniiwan!!!" 

Halos napapikit na lang din ang iba pa nilang kasama sa pasilyo dahil tila ba mas lalong tumitindi ang kapangyarihan ni Orryn dahil sa kirot na nararamdaman nito. Yumakap na naman si Daewon sa kanyang mga kapatid upang protektahan ang mga ito habang si Leofwine ay muling tumakbo sa kinahihigaan ni Namior ay niyakap ito. Humangin din ng malakas sa buong kapaligiran dahilan para masira ang ilang parte ng barko at magliparan ang ilan pang mga gamit na nakakalat lamang sa paligid.

"O--Orryn, p--pakiusap, n---nagk---kamali ka. Paulit-u---ulit kitang pinilit at p---pipilitin pa rin kita n---na sumama sa akin s---sa pagbabago p---pero..." Hindi na halos magawa pa ni Namior ang makapagsalita dahil sa hirap na dinaranas.

Malamig lamang siyang tiningnan ni Orryn habang ang mga anino nito ay tila ba mas lalong nagkakagulo at nagwawala sa buong kapaligiran. Mistulang nawawala na sa sarili si Orryn dahil sigaw lamang ito ng sigaw habang mas lalong pinatitindi ang pagpapalabas ng kapangyarihan.

"Papatayin ko rin ang lahat ng nandito!!!" Malakas niyang sigaw habang unti-unting lumalabas ang kanyang mga pangil at humahaba ang kanyang mga kuko.

Ang damit ni Orryn ay nagsimula na rin masira at ang mga anino sa katawan niya ay nagsimula na magtipon sa kanyang katawan na tila ba gumagawa na ito ng isang napakalaking pakpak.

"AAAAAAARGH!!!!" Malakas niya pang daing at ng muli niyang harapin ang mga kababaihan na nakatingin sa kanya ay nawala na ang hitsura ng isang tao at napalitan ito ng isang nakakatakot na demonyo na mayroong itim na mga pakpak, nag-aalab na katawan, pula na mga mata, mahahabang pangil, matatalas na kuko, ang kalahati ng katawan din nito ay nababalutan na lamang ng mga anino at ang kanyang mga matang punong-puno ng galit.

"Hayaan mong samahan ka namin sa impyerno, Namior..." Malademonyong saad pa nito na tila ba ang boses ay napakalalim at hindi na mahahalintulad sa isang ordinaryong tao.

Nagsimulang umangat sa himpapawid si Orryn kasabay ng malakas na pagpagaspas ng kanyang mala-aninong mga pakpak. Kaagad din nasira ang mga kahoy na bumubuo sa barko dahil sa lakas ng puwersa nito dahilan para tangayin na ng malakas na puwersa ng hangin ang itaas na bahagi ng barko.

•••••

- ERYX -

Kaagad iniwasan ni Eryx ang papalapit na suntok sa kanya bago niya tinuhuran sa sikmura ang salarin at paikot na sinipa ito palayo. Naiinip niyang pinunasan ang pawis sa kanyang baba gamit ng braso dahil sa matinding pagod na kanyang nararamdaman. Halos hindi siya makalapit sa barkong kinalalagyan ng mga aristokrata pagka't mas tumindi ang tira ng mga sindikatong nagtatangka sa kanyang buhay at pinipigilan siyang makalapit sa pangunahing barko lulan ang mga kababaihan. Mas lalo rin tumitindi ang kaba na nararamdaman niya pagka't alam niyang lulan ng barkong 'yon si Eliana na nais niyang tiyakin  na ang kaligtasan. 

"Prinsipe Eryx, nakita mo ba si Eliana? Alam mo ba kung nasaan siya?" Malakas na tanong sa kanya ni Zephyr matapos nitong hawiin ang mga kalalakihan na pilit lumalapit sa kanila gamit lamang ng malakas na pagpagaspas nito ng mga pakpak. 

Sandaling natigilan si Eryx kahit na alam niya kung nasaan si Eliana. Malakas ang kutob niya na nakita niya talaga ito kanina sa malaking butas sa gilid ng barko. Pero hindi niya alam sa sarili kung bakit nais niyang mauna dito kahit alam naman niyang hindi kumpetensya ang pagligtas dito. Napailing na lang tuloy si Eryx dahil sa kanyang mga naiisip at itinuro nito kay Zephyr kung nasaan ang barko na kinalalagyan nina Eliana. 

"Sinusubukan ko rin makapasok sa barkong 'yon pero masyadong maraming tauhan ang nais na humarang sa ating daanan." Malamig na saad ni Eryx kasabay ng pag-iwas muli sa tira ng isang lalaki at malakas itong sinapak sa panga. 

Gayon din naman ang ginawa ni Zephyr na nasa likuran nito. Talikuran nilang inatake ang mga kalalakihan na nais kantiin ang kanilang buhay. May isa pang nais silang batuhin ng isang itim na bola na tila ba naglalaman ng bombang lason ngunit mabilis lang itong pinatangay ni Zepphyr gamit ng kapangyarihan niyang hangin at itinapon ito pabalik sa mga sindikato. 

"Masyadong maraming kalaban at nahahati pa ang mga kawal sa pagitan ng pakikipag-laban at pagsalba sa mga kababaihan. Kailangan ng isa sa ating dalawa na mauna na sa barkong 'yon." Suhestyon naman ni Zephyr habang panay pa rin ang pag-iwas nito sa mga atake at pagdepensa sa kinatatayuan nila ni Eryx. 

Hindi naman siya magawang tingnan ni Eryx dahil abala rin ito sa kanyang ginagawa at mas ninanais na matapos na lamang ang gawain niya sa barkong kinalalagyan upang makalipat na sa kabila. 

"Tulong! Pakiusap! Tulungan niyo po kami!" 

Sabay naman napalingon sina Zephyr at Eryx sa mga kababaihan na kasalukuyang tumatakas sa mga kalalakihan na pilit silang hinahabol. Mas lalo naman binilisan ng dalawa ang pagkilos upang sagipin ang mga ito nang biglang magsalita si Zephyr. 

"Wala nang ibang paraan, Prinsipe Eryx, kundi ang pasabugin ang barkong 'to para isang tira na lamang." Seryosong saad ni Zephyr habang pilit pa rin itong lumalapit sa gawi ng mga kababaihan. Tinitipid niya ang natitirang lakas dahil isa lamang siya sa limitadong katuwang sa kaguluhang ito na nakalilipad at kayang dalhin sa ligtas na lugar ang mga bihag. 

"Pero paano ang mga kababaihan na lulan nito?" Nagdadalawang-isip naman na saad ni Eryx habang sinusundan din nito ang bilis ni Zephyr kumilos at umatake. 

"Isinusuhestyon ko na sasagipin namin sila katuwang ng aking mga kawal at dadalhin sa dalampasigan. Sa pagkakataong 'yon ay maaari mo nang pasabugin ang barkong ito at makatawid sa kabila. Puwede rin naman ihagis muna kita doon bago kami umalis. Tingin mo?" Kaswal nitong saad dahilan para mapatigil na lamang si Eryx sa pagkilos at manatiling nakatayo sa puwesto nito. 

Inilibot niya ang paningin sa buong paligid na para bang wala siya sa kalagitnaan ng pakikipag-buno. Kinailangan niya kasi tantsahin ang buong lugar at ang tamang pagkakataon upang maisagawa ang kanilang plano. Buhay ng mga kababaihan ang kanilang hinahawakan at hindi maaaring basta-basta na lamang ang maging desisyon niya sa suhestyon ni Zephyr. 

Sa kabilang banda naman ay walang ibang nagawa si Zephyr kundi ang mag-isa munang kalabanin ang mga kalalakihan dahil sa biglang paghinto ni Eryx upang mag-isip. Nagulat pa siya sa ikinilos ni Eryx ngunit wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang protektahan ito. 

Nilingon niya rin ang gawi ng barko na kinalalagyan ng ibang mga kababaihan at sa nakikita niya ay iilan pa lamang ang mga kawal na nagagawang makapasok dito. Mas lalo lang din umuusbong ang kaba niya dahil wala na si Orryn sa kinatatayuan nito kanina at hindi na rin niya 

Ilang sandali lang ay nag-angat na ito ng tingin at nilingon ang gawi ni Zephyr na abala sa pakikipag-buno sa mahigit limang lalaki. 

"Bakit bigla kang tumigil?!" Bulalas pa ni Zephyr sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata. 

"Sumasang-ayon na ako." Kalmadong pahayag ni Eryx kasabay ng isang marahang tango kay Zephyr na napatanga na lang sa reaksyon niya. 

"Kung ganoon ay..." Malakas na sumipol si Zephyr sa kanyang mga kawal na pawang mga nakasakay din sa mahiwagang mga ibon. Mahigit sampung mga kawal din ang lumingon sa kaniya at kaagad sinunod ang kanyang ipinag-uutos.

Malakas din pinagaspas ni Zephyr ang kanyang mga pakpak dahilan para tumilapon ang nasa mahigit pitong kalalakihan na nakaharang sa kanyang dadaanan. 

Kinuha na itong pagkakataon ni Eryx para pailawin ang kanyang mga mata at ang kanyang mga palad ng magkahalong puti at dilaw na liwanag. Ilang sandali lang ang lumipas ay lumitaw na mula sa kanang kamay niya ang bolta-boltaheng mga kuryente habang nasa kaliwa naman ang tila ba mainit na bola na magkahalong kahel at dilaw ang kulay. 

Pinanonood muna ni Eryx na isa-isang kunin nina Zephyr ang mga kababaihan at maingat itong ilayo sa barko. Kasabay nito ay ang sabay-sabay naman na pagsugod sa kanya ng mga kalalakihan. Hindi na nag-aksaya pa si Eryx ng oras at kaagad niyang pinakawalan ang boltahe ng kuryente sa sahig ng barko dahilan para makuryente ang bawat kalalakihan na lumalapit sa kanya. Gumapang pa ang kuryente sa buong barko na mabilis na bumalot sa kabuuan ng kanilang sinasakyan. Nasundan pa ito ng malakas na puwersa na nagpatilapon sa lahat ng sakay ng barko tungo sa karagatan. Tila ba tinulak ang lahat ng mga sakay nito palabas bago pa niya mapasabog ang barko. 

Matapos masiguro ni Eryx na wala nang sakay ang barko ay kaagad niyang pinakawalan ang mala-araw na bola tungo sa direksyon ng mga pulbura na lulan ng barko. Hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik pa at kaagad siyang nagtungo sa pinakadulong parte ng barko kung saan ang katapat nito ay ang pangunahing barko na lulan ang mga kababaihan na hindi pa nila naililigtas. 

"Ah... Hindi ko nga pala kaya lumipad..." Mistulang ngayon niya lang napagtanto ang katotohanang iyon habang nakikita ang lawak ng distansya na kinakailangan niyang talunin. "Bahala na..." Saad na lamang niya saka nagpakawala ng mahahabang nagliliwanag na mga tali na kinabit niya sa isang poste ng pangunahing barko. 

Ilang sandali lamang ay sunod-sunod na ang tunog ng pagsabog mula sa barko na kanyang lulan kaya kaagad na rin niyang tinalon ang distansya tungo sa pangunahing barko. Halos mapasigaw na lang si Eryx sa layo at taas ng kanyang tinalon hanggang sa maaayos din siyang nakalapag sa kabilang barko. 

Nilingon niya pa ang kasalukuyang sumasabog na barko at napailing na lamang siya sa mga nagiging desisyon niya sa buhay. Napabuga pa siya ng hangin upang kalmahin ang puso niya na pakiramdam niya ay napatalon din dahil sa matinding kaba na kinaharap niya. 

"May nakapasok pa dito! Sugurin niyo na!" Sigaw ng mga kalalakihan na kaagad namataan ang pagkakalapag niya sa likurang bahagi ng barko. 

Kumpara sa pinanggalingan niyang barko ay hindi mapagkakaila na mas malaki ang estruktura ng pangunahing barko na lulan ang mga natitira pang mga kababaihan. Mukhang dito na rin namamalagi ang magkapatid na Orryn at Namior at ang iba pang mahahalagang kagamitan o opisyales na tumutulong sa kanila sa pagpapahirap ng paghuli sa mga suliranin. 

Inihanda na lamang ni Eryx ang kanyang sarili sa mga paparating na kalalakihan upang matapos na niya ang parteng ito ng barko ngunit ganoon na lamang ang gulat niya ng biglang yumanig ang kanyang inaapakang sahig kasabay ng tila ba sunod-sunod na pagkakasira ng iba't-ibang parte ng barko. 

Nagtataka naman na nilingon ni Eryx ang kapaligiran upang hanapin ang pinagmumulan ng napakalakas na enerhiya ngunit mukhang nagmumula ito sa ilalim na bahagi ng barko. Mas lalo pang tumindi ang pagyanig sa buong barko dahilan para maging si Eryx at ang iba pang miyembro ng sindikato ay magsitumbahan na lamang din sa sahig. 

"S---Si Boss Orryn panigurado 'yon." Nahihintatakutang pahayag pa ng isang miyembro na pilit binabalanse ang sarili ngunit hindi ito nagtagumpay. 

Ilang sandali lamang ay nagsimula na rin magsiliparan ang sahig na kanilang kinatatayuan na para bang tinutungkab ito ng malakas na kapangyarihan mula sa ilalim. Panay na rin ang pagtilapon ng ibang mga kalalakihan at ang ibang mga kababaihan din ay natatangaw na dahil sa lakas nito. 

Balak na sana magpakawala ni Eryx ng kapangyarihan pero mabilis din naagapan ng kampo ni Caedmon ang ibang mga kababaihan gamit ng mga bula na ginagamit nito pang-salo sa mga dalaga. Nilingon pa siya ni Caedmon na tila ba tinitingnan ang kalagayan niya ngunit mabilis lang din na sumenyas si Eryx na kaya na niya ang sarili at unahin na ni Caedmon ang mga dalaga na mapadala sa ligtas na lugar. 

Sa gitnang parte ng barko kung nasaan ang may kalakihang butas ay mabilis na lumitaw ang isang malademonyong nilalang. Mayroon itong itim at tila ba mga anino na mga pakpak, matalas na mga ngipin at mahahabang mga kuko. Maging ang mga mata rin nito ay tila ba lumiliwanag ng kulay pula at ang buong katawan nito ay wala nang saplot. Ang ibabang bahagi rin ng halimaw ay mistulang itim na usok na lamang. Hindi na ito tao, hindi na ito ordinaryong nilalang na lamang dahil sigurado si Eryx na ang kaharap na niya ay isang kampon ng kadiliman. 

Malakas itong nagpakawala ng tila ba mala-demonyong tunog na umalingawngaw sa buong kapaligiran. Napatakip na lamang si Eryx ng tenga dahil sa lakas nito at maging ang mga mamamayan na kasama niya ay ganoon din ang ginawa. Pakiramdam din ni Eryx ay nagtataasan ang mga balahibo niya dahil sa lakas ng kapangyarihan na nagmumula sa nilalang na hindi niya alam kung ano ang pinagmulan o sino. Ang sigurado niya lang ay ang mga mata nito ay hindi na kakikitaan ng pag-asa, wala na sa katinuan, at gagawin na ang lahat mabura lang ang lahat ng nilalang na humihinga sa mundong 'to. 

•••••

ELIANA'S POV

Lahat ata ng buhok sa buong katawan ko ay nagsitayuan habang pinapanood kung paanong maging demonyo ang katulad kong binubuo lamang din ng laman, balat, at dugo. Hindi ko alam kung tama bang makaramdam ako ng takot sa nakikita ko gayong kanina lamang ay nadiskubre kong may natutulog ding kademonyohan sa kaloob-looban ko na maging ako ay hindi ko na sigurado kung tao pa ba ako o Dyosa. 

Puwera biro, alam ko sa sarili ko na hindi nalalayo ang kasalukuyang ipinapakitang kaanyuan at kapangyarihan ni Orryn ngayon sa naging karanasan ko. Para akong manonood sa katawan ko kanina nang magpakawala ito ng napakalakas na mga tira kay Dos na hinihiling kong namatay na sana dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang pakawalan ang ganoong klaseng kalakasan kapag nagtuos na kaming muli. 

Pero ano na nga ba si Orryn ngayon? Tao pa ba siya o mas tamang tawagin na bahagi na siya ngayon ng kadiliman? Ano na ba ang kaya niyang gawin? Si Orryn pa ba talaga 'yan o ibang nilalang na ang nasa loob ng kanyang katawan? Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari kanina bago siya tuluyang naging ganyan. Nagnenegosasyon pa kami ng kapatid niya na mukhang tatahakin na ang tamang daan pero dahil sa kagagawan niya ay mukhang kakaway na ito kay San pedro anumang oras. Hindi ko sukat akalain na kaya niyang patayin ang sarili niyang dugo, ang sarili niyang kapatid at pamilya na kanina ko lang din nalaman ayon sa mga pinagtagpi-tagpi kong impormasyon sa pagkatao nilang dalawa. Hindi nga sila magkamukha kung tutuusin pero ang kapangyarihang taglay nila at ang budhi na mayroon sila ay iisa. 

Pinanood ko kung paanong unti-unting lamunin si Orryn ng galit at kadiliman. Nakita ng mismong mga mata ko kung paanong nawala siya sa katinuan marahil ay narinig niya ang lahat ng sinabi ni Namior patungkol sa pagbabagong buhay na mukhang wala naman sa bokabularyo ng mga nilalang na katulad ni Orryn. Nakakatakot. Kahindik-hindik at talaga namang hindi kapani-paniwala ang mga susunod na pangyayari matapos niyang tuluyang magbagong-anyo. 

Kasalukuyan ko ngayong kasama sina Daewon at Neola maging si Leofwine at ang mga natitira pang kababaihan na bihag. Halos lahat kami ay walang kamuwang-muwang sa mga susunod na pangyayari at ang tanging nagawa na lamang namin ay ang magtago sa isang tabi pagka't masyadong delikado ngayon ang maabot ng paningin ni Orryn lalo pa at mukhang lahat ata ng gumagalaw ay papatayin na nito. 

"Kung gusto niyo ng laban, puwes pagbibigyan ko kayo!!!" Malademonyo niyang saad habang diretso ang tingin niya sa gawi namin. 

Nagsimula siyang magsalita ng kung anong lenggwahe na hindi ko maintindihan. Kasabay ng pagbuka ng kanyang bibig ay ang paggalaw ng kanyang mga kamay na tila ba may hinuhulma itong kung anong bola gamit lamang ang mga usok na nagmumula dito. 

Ilang sandali lamang ay nagsimulang muling yumanig ang buong kapaligiran at mula sa maliit na itim na bilog sa kanyang mga palad ay dahan-dahan itong lumaki. Palaki ito ng palaki na halos nagawa na nitong palibutan ang buong barko na sinasakyan namin dahilan para ang liwanag na nagmumula sa buwan ay matakpan na rin. 

"Gugunawin ko ang mundong 'to! Babalutan ko ng kadiliman ang kinikilala ninyong emperyo ng liwanag!!!" Mistulang nababaliw na pahayag ni Orryn kasabay ng isang nakakikilabot na halakhak na tila ba tuwang-tuwa ito sa kanyang ginagawa. 

"H---Hindi maaari..." Dinig ko pang hindi makapaniwalang pahayag ni Daewon habang nakanganga ito na pinagmamasdan ang tila ba dome na bumabalot sa kapaligiran. Tanging itim at pula lamang ang makikita namin na tila patikim na ito ng hitsura ng impyerno. 

Habang nakatingin sa kalangitan ay nagsisimula na rin umikot ang aking paningin dahil sa labis na panghihina. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagod o talagang nakakahigop ng lakas ang pananatili sa loob ng kapangyarihan ni Orryn. Ilang sandali lamang ay napasalampak na rin ako sa sahig at gamit ng aking mga kamay ay naipangtungkod ko ito upang suportahan ang aking katawan. Maging sina Neola at Daewon ay napaluhod na lamang na tila ba hinihigop din ang kanilang lakas. 

"P---Paaanong nangyayari ang..." Nanghihina kong saad na tila ba narinig ito ni Orryn kaya malakas ito muling humalakhak. 

"Ang bawat nilalang na mayroong anino ay pagmamay-ari ko na. Hangga't mayroong nilalang na may anino ang nasa ilalim ng kapangyarihan ko ay patuloy lamang akong lalakas at magiging mas makapangyarihan kaya sige!! Pumasok lamang kayo sa impyerno!!!" Humahalakhak pa nitong saad kasabay ng lalong pagpapaigting ng kanyang kapangyarihan. 

Ilang sandali lamang ay bigla na lamang may liwanag na umusbong mula sa kanang bahagi ng barko dahilan para maging kami ay mapatingin kung saan ito nagmumula.

"M---Maestro!!!" Bagama't nanghihina ay maligayang nakasigaw pa si Daewon sa gawi ng Maestro na siyang pinagmumulan ng liwanag.

"Hangga't may liwanag sa kahariang ng Elior ay kailanman hindi ito mababalot sa kadiliman!!" Malakas na saad ng Maestro habang mas lalo niya pinaiigting ang liwanag na nagmumula sa kanyang tungkod.

Dahil sa liwanag at lakas ng kapangyarihan niya ay nagawa nitong pigilan ang tuloy-tuloy na paglobo ng itim na bilog. Tila ba nag-aagaw ngayon ng espasyo na maookupa ang puti at itim, ang liwanag at kadiliman.

Bukod kay Maestro ay tumulong na rin ang iba pang kawal ng Elior sa pagpapakawala ng kapangyarihan ng liwanag sa direksyon ng dambuhalang liwanag kaya mas lalo itong lumiliit at nananatili na lamang sa barkong lulan namin ang laki nito.

Nilingon ko naman ang gawi ni Orryn upang tingnan ang reaksyon niya dahil mukhang nadedehado na siya sa kasalukuyan niyang sitwasyon ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita na nagagawa niya pang tumawa sa sitwasyon niya ngayon.

"Akala niyo ba talaga ay madadaan niyo ako sa napupunding liwanag niyo?! Nagkakamali kayo!!!"

Mas lalo niyang pinaigting ang usok sa magkabila niyang kamay dahilan para mas lalong kumapal ang dome na ginagawa niya na hindi na magawang makaalpas pa ng liwanag dito. Nagsimula na rin lumitaw mula sa lupa ang mga anino na unti-unting naghuhugis tao at gumagalaw na para bang isa ring tao.

Ang mga hugis ng tao ay tila ba kahugis din ng mga tao na nandito ngayon. Parehas ng hulma, parehas ng tangkad at laki, at parehas ng galaw.

"Ngayon paano niyo haharapin ang sarili ninyong anino?!" Nakangisi pa nitong saad kasabay ng pagsenyas sa mga anino na nagsimula nang gumalaw tungo sa direksyon ng mga kawal sa labas ng malaking bilog at tungo rin sa aming direksyon.

Nakita ko kung paanong ang simpleng mga anino ay nagkaroon ng kakayahan na makapanakit ng pisikal  sa ibang tao. Nagawa nitong makasuntok, makasipa, at mamisikal ng mga kawal na pilit na pinapaliit ang lumalaki muling dome. Pero sa aking pinapanood ay hindi 'yon ang aking ikinagulat dahil mas lalong nanindig ang mga balahibo ko nang tumatagos lamang sa kanila ang mga tira ng tubig, hangin, at pisikal na tira. Paano mamamatay ang mga ito kung ganoon?!

Sinubukan naman ni Daewon na gamitan ito ng kanyang kapangyarihang tubig ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang maging ito ay tumagos sa mga anino at tila ba wala nang makapipigil pa sa pagsugod ng mga ito aa direksyon namin. Sa kabila nito ay pilit pa rin tinitira ni Daewon ang mga anino kahit na alam niyang hindi ito eepekto. Paanong nangyari ang bagay na 'yon?! Dahil ba anino ang mga ito kaya hindi ito tinatablan ng iba pang pisikal na bagay?! Kung gayon ay ano ang makatatalo dito?!

"Tangina!!!" Mura na lamang ni Daewon dahil tila ba nauubusan na siya ng pagpipilian sa kanyang sitwasyon pagka't tanging mga kababaihan na nakakadena lang ang kasama niya at siya lang halos ang nagiging depensa ng pangkat na ito.

Tumayo na rin ako mula sa aking pagkakasalampak at sinubukang ihanda ang aking sarili sa darating na panganib. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang lumaban dahil iilan lamang kami sa pangkat na ito ang kaya makipagpisikalan.

Nilingon ko pa ang gawi ni Neola at nananatili lamang ito sa tabi ni Leofwine na tila ba pinoprotektahan din ito lalo na at wala na ata siyang ibang ginagawa kundi ang hawakan ang mga kamay ng naghihingalo pa rin na si Namior.

"Eliana!!!"

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang marinig ang sigaw ni Daewon na kanina pa pala tinatawag ang aking atensyon.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang may paparating pala na anino sa gawi ko na hawak na ang espada at handa na itong pugutin ang aking ulo. Handa na sana akong iwasan ito dahil alam kong walang mapapala ang aking depensa  ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang tumagos sa dibdib nito ang pana na tila ba gawa sa kidlat at liwanag.

Kaagad nawala ang anino sa aking harapan na parang bula dahilan para matanaw ko ang pinanggalingan ng pana na nagmula pa sa kabilang bahagi ng barko.

"E---Eryx..." Hindi makapaniwalang saad ko kasabay ng pagtama ng aming mga mata habang nananatili pa rin sa kanyang mga kamay ang pana at palaso na gawa sa bolta-boltaheng kuryente.

•••••

- LEOFWINE -

Tila ba hindi alintana ni Leofwine ang kaganapan sa kanyang paligid dahil nananatili lamang na kay Namior ang kanyang buong atensyon. Buong oras niyang hinahawakan ang kamay nito habang pilit pa rin lumalaban ang binata sa buhay nito. Maging ang kapangyarihan nito ay hindi na tumatalab upang maisara ang may kalakihang sugat sa sikmura nito na patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo.

"L---Leofwine..." Naghihingalo nitong pagtawag sa kanya habang ang mga kamay ay nanginginig pa rin na hawak ng dalaga.

Lumuluha naman itong dinaluhan ni Leofwine habang dinidiinan din nito gamit ng kapirasong tela ang sugat ng binata upang maibsan ang pagdurugo pero wala pa rin itong epekto.

"K---Kumapit ka, Namior. Kailangan mong kumapit. Makakahanap din tayo ng doktor. Kailangan mo lang kumapit..." Umiiyak na pahayag pa ng dalaga na hanggang ngayon ay nananalangin pa rin na mapahaba pa ang buhay ng binata at tuluyan nang gumaling ang sugat na ito.

Kahit impossible, kahit alam niyang malabo na mangyari ang bagay na 'yon dahil sa lalim ng sugat na natamo nito ay pilit pa rin siyang kakapit at mananalangin.

Sandali naman tinitigan ni Namior ang mga mata ng dalaga dahilan para mas lalong maiyak si Leofwine dito lalo na at unti-unti na itong nagiging blangko at tila ba tinatakasan na ng liwanag.

"S---Sa bulsa ko... S---Susi..." Hirap na hirap na saad nito habang hindi na halos maituro kung aling bulsa ang tinutukoy nito.

Nalilito naman itong tiningnan ni Leofwine na tila ba hindi nito lubos maintindihan ang sinasabi ni Namior. Lumingon pa ito kay Neola upang tingnan kung naiintindihan ba nito ang sinasabi ng binata pero nagkibit balikat lang din ang dalaga dito at nananatiling tahimik.

"A---Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo pang tanong ni Leofwine habang mas lalong inilalapit ang tenga sa bibig ni Namior.

Sandali pang suminghap-singhap si Namior bago nito ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"S---Susi ng k--kadena, Leof---fwine. Nasa b---bulsa ko." Hirap nitong pahayag habang diretso pa rin ang tingin kay Leofwine.

Mistulang nakuha naman kaagad ito ni Leofwine kaya naman mabilis niyang kinapa-kapa ang bawat bulsa sa pantalon at polo ni Namior hanggang ss may makuha siya sa kanang bulsa nito na kulay gintong susi. Nanginginig ang mga kamay niya na nilingon si Prinsesa Neola na ngayo'y nasa tabi na niya at nakalahad ang mga kadena na tila ba nagpapabukas na ito.

"S---Salamat, Niamh..." Umiiyak na pahayag ni Leofwine habang kinakalas na ang kadena ni Neola gamit ng susi at gayon din ang kanya at sa iba pang mga kababaihan na malapit ss kanila.

Iniabot na lamang niya ang susi sa mga ito upang makalagan ang iba pang mga babae at tumulong sa pakikipaglaban lalo na at mukhang nadedehado ang kanilang pangkat pagka't hindi makapasok ang mga nasa labas ng bilog dahil mas kinapalan ni Orryn ang humaharang sa pagitan ng mga nasa barko at sa mga kawal na nasa labas nito.

Marahan namang hinaplos ni Leofwine ang pisngi ni Namior na ngayon ay malungkot nang nakamasid sa kapatid nitong patuloy lamang sa pagpapakawala ng kadiliman sa buong karagatan. Hindi na rin mapigilan pa ni Namior ang maluha sa kanyang nasasaksihan dahil mukhang malaki rin ang pagsisisi nito sa ginawang katrayduran kay Orryn.

"K---Kung naging m---malakas lang sana ako n---na kapatid. K---Kung nagawa ko lang maging mabuting nakatatandang k---kapatid kay Orryn ay hindi s---siya magkakagangan." Nanghihina at lumuluhang saad ni Namior habang pilit nitong iniabot ang kapatid gamit ng duguan at nanginginig na mga kamay.

Dahan-dahan naman itong ibinaba ni Leofwine saka marahang inilapat ang kanyang noo sa binatang nakaunan ngayon sa kanyang kanlungan. Tuloy-tuloy lamang ang pagbagsak ng mga luha ni Leofwine kasabay ng pighati na nararamdaman ng lalaking inaalalayan niya.

"Hindi mo kasalanan, Niamh. Naging mabuti kang kapatid, hindi mo kasalanan. Magiging maayos din ang lahat. Matatapos din ang lahat ng ito..." Umiiyak na pahayag ni Leofwine na para bang hirap na hirap itong bigkasin ang bawat salita na nais niya iparating kay Namior dahil sa panginginig ng kanyang boses.

"Kumapit ka, Niamh. Kumapit ka. Huwag mo akong iwan, pakiusap..." Nagmamakaawang bulong pa ni Leofwine dito habang dinadama ang init na natitira pa sa balat ng binata na unti-unti nang tinatakasan ng buhay.

•••••

ELIANA'S POV

Kung mas marami lang sanang nakasamang mga kawal na marunong gumamit ng kapangyarihan ng liwanag sa loob ng barko ay napadali sana ang buhay naming lahat dito. Sa kasamaang palad halos lahat ng kawal ay nananatiling nasa labas ng barko at hindi magawang makapasok dito sa loob dahil sa malaki at matibay na harang na ginawa ni Orryn upang protektahan ang loob na bahagi ng barko kung nasaan ang pinakasentro ng lahat ng kanyang kapangyarihan. Habang nakatayo at humihinga ang hayop na 'yon ay hindi matatapos ang lahat ng ito dahil patuloy lamang sa paglabas ang mga aninong tau-tauhan nito mula sa sahig na wala nang ibang ginawa kundi ang umatake ng pisikalan sa lahat ng nandito.

Sa kabuting palad ay nakahanap nang paraan ang mga kababaihan dito upang mapuruhan ang mga anino dahil may iilan pa lang mga mag-aaral ng akademya dito na marunong gumamit ng puting liwanag.

Patuloy lamang ang mga ito sa pagtira ng mga bilog na liwanag tungo sa direksyon ng mga anino habang ang ibang mga kababaihan naman ay pilit din gumagawa ng paraan para makatulong kahit papaano tulad na lamang ng pagsira sa barrier mula sa loob gamit ng tubig, apoy, hangin, o kahit halaman at lupa man. Sa mga oras na ito ay lahat ng bagay na maaaring gamiting pang-opensa o pang-depensa ay kapaki-pakinabang na para lamang mabilis na masira ang itim na itim at makapal na barrier.

Sandali naman akong tumabi sa labanan dahil mukhang wala rin naman ako masyadong maiaambag bukod sa mag-obserba. Nanghihina na rin kasi talaga ang pisikal kong katawan dahil ss napakaraming dahilan at ang pagiging pabigat ay wala sa mga pagpipilian ko para maging ambag sa sitwasyon na ito.

Nilingon ko muli ang gawi ni Eryx kung saan kahit sa malayo ay nagagawa niya pa rin tulungan ang kampo namin gamit ng panaka-nakang pagtira mg mga panang de kuryente. Pero naudlot ang lahat ng iyon nang humarang na mismo si Orryn sa pagitan namin at mag-isang hinarap si Eryx na bakas na ang pagod at panghihina. Mukhang kanina pa siya nakikipaglaban at nakikipagsapalaran kaya ganito na lang ang kanyang hitsura at sa kalagayan niya ngayon ay dama ko na hindi niya kayang mag-isang harapin ang demonyo na nasa harapan niya.

Nakita ko pa kung paanong sinubukan niyang atakihin si Orryn gamit ng kanyang mga pana pero mabilis lamang itong nakakaiwas sa lahat ng tira niya kasabay pa ng isang malakas na halakhak.

"May naisip akong plano kung paano mababawasan ang mga anino..." Tamad na saad ni Neola sa aking tabi na labis ko namang ikinagulat dahil hindi ko namalayan na malapit na pala siya sa akin.

Kunot-noo ko naman siyang binalingan ng tingin at hinintay ang kanyang sasabihin.

Hindi na rin naman siya nagsalita pa dahil mukhang tinatamad din siyang magpaliwanag kaya naman imbes na bibig ang kanyang pagalawin ay pinaliwanag na lamang niya ang kanyang mga palad ng kulay asul na ilaw. Sinabayan ito ng pagliwanag din ng kanyang asul na mga mata at ang pagbaling niya sa karagatan.

Aminado rin naman ako na sa loob-loob ko ay gusto ko rin makita kung anong kayang ibuga ni Neola dahil kung pag-uusapan ang lakas ng kapangyarihan sa lahi ng mga agrigent ay talaga namang lahat ng mga kapatid ko ay may ibubuga sa laban lalo na ang mga kalalakihan. Pero ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ko ang kapangrihan mismo ni Neola ng harapan.

Ilang sandali lamang ay mula sa gilid ng barko ay isa-isang nagsiakyatan ang mga tubig na tila ba hugis tao rin at mas malaki kumpara sa mga anino na kalaban namin ngayon. Muntik pa akong mapaatras sa gulat nang makitang parang tao rin gumalaw ang mahigit apat na hugis taong tubig  na tingin ko at pitong talampakan ang taas at kasing-lapad ng isang poste ng barko.

"Aquisire ang tawag sa mga 'yan. Mga nilalang sila na parte ng tubig ng karagatan at gamit ng kapangyarihan ko na kayang kontrolin ang anumang nilalang na nasa dagat ay mapapasunod ko sila sa kahit anong iutos ko." Nilingon niya pa ako saka mayabang na tinaasan ng kilay habang kinokontrol ang mga alaga niya. "Bilib ka na ba sa kaya kong gawin?" Mayabang niya pa rin na pahayag na ikinairap ko na lamang sa kawalan.

Tangina sana lahat talaga ganyan kabangis ang kapangyarihan. Gusto ko rin may napapasunod na ganyan dahil sila na ang gagawa ng lahat at mananatili na lamang akong nakatayo at nagyayabang sa tabi tulad ni Neola.

Sunod niya naman nilingon ang gawi ng isang babae sa tabi na kayang gumamit ng kapangyarihan ng liwanag. Sinenyasan niya ito ng kung ano dahilan para tapatan nito ng liwanag ang mga Aquisire na alagad ni Neola.

Kaagad naman na nagliwanag ang mga ito at sa isang iglap ay nagawa na rin nitong saktan ang mga anino na ngayo'y ito naman ang pinupuntirya. Napanganga na lang tuloy ako sa aking nakikita lalo na at mukhang walang kahirap-hirap na pinagdudurog at pinag-aapakan lang ng apat na mga Aquisire ang tila ba kiti-kiti sa liksi na mga anino.

Kung gayon ay tama nga ang hinala ko na ang kahit ano mang bagay na nagliliwanag o may kaakibat na kapangyarihan ng liwanag ay kayang makasugpo sa itim na anino. Kung tutuusin ay nagkakaroon lang din naman ng anino kapag mayroong liwanag at nawawala rin ito kung wala na rin ang liwanag.

Kung gayon ay magagawa ba ni Eryx ang talunin sa panamagitan ng liwanag lang si Orryn o baka naman may iba pa itong itinatagong kagaguhan at naghihintay lamang ng tyempo.

"Ako rin! Tapatan mo ng liwanag ang mga tubig ko!" Dinig ko pang pasigaw na utos ni Daewon sa isa pang babae na mayroon din puting kaoangyarihan dahilan para mapairap na lamang ako sa kawalan. Hinayaan ko na lang silang gawin ang tingin nilang nararapat dahil kung tutuusin ay wala rin naman akong maiaambag sa kalagayan ko.

"Dito ka lang, Eliana! Kami na bahala dito!" Nakangising pahayag ni Daewon na akala niya siguro ay ikagagaan ng kalooban ko pero mas lalo lamang akong nainis dahil wala akong mailabas na lakas tulad nila.

Masakit man isipin na gustuhin ko man lumaban ay hindi ko magawa dahil dama ko sa katawan ko na hindi ko na kayang ilabas pa ang kapangyarihan na ipinakita ko kanina pagka't ubos na ubos na talaga ako. Hindi rin naman ako tanga para hindi mapagtanto na ang kapangyarihang taglay ko ay maaaring hindi katanggap-tanggap sa lipunang ito dahil alam kong may kakaiba sa sistema ko maging sa kaoangyarihan na dumadaloy sa ugat ko na matagal ko na ata talaga taglay. Pero nakapagtatakang ngayon ko lang nagawang palabasin ang mga ito sa anong kadahilanan.

"Eliana! Eliana!!"

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang marinig ang tila ba kulob na sigaw na nagmumula sa kanang bahagi ng barko. Kaagad ko naman hinanap ang pinanggalingan nito at mula sa di kalayuan ay namataan ko si Zephyr na pilit kinukuha ang atensyon ko. Bahagya pa akong nagulat na nandito siya dahil buong akala ko ay papunta na siya ngayon sa kaharian ng Maura para magsagawa ng digmaan doon at isaalang-alang ang buhay ng mga kababayan niya.

Natauhan na ba siya sa katangahan niya kaya nandito na siya sa lugar na 'to? Napagtanto niya na ba lahat ng kamalian niya sa misyon na ito kaya nagagawa na niyang humarap sa akin? Mukhang oo dahil kung hindi ay malamang nasa paglalakbay pa rin siya at nagpapakatanga.

May kung ano siyang sinasabi sa akin na hindi ko naman lubos marinig dahil maging ang boses niya ay hindi na rin makaalpas sa barrier na ginawa ni Orryn. Tumango na lamang ako sa direksyon niya na naiintindihan kong nandito siya ngayon kasama ang mga karanggo niya at kahit hindi halata sa ekpsresyon ko ay kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag at maayos ang kanyang kalagayan.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko kay Zephyr dahil mukhang kaya naman na niya ang sarili niya sa labas. Kasama rin naman niya ang kambal na sina Mishal at Aidan na abala pa rin sa pagwasak sa barrier at pagtira sa mga anino gamit ng apoy. Masaya ako na kahit papaano nakikita ko si Mishal ngayon na buhay at malakas, malayo sa hitsura niya sa panaginip ko na para bang isang bangungot. Hindi kalayuan sa kanila ay si Sereia na abala rin sa pakikipaglaban sa mga anino habang si Caedmon ay nakasimangot lamang na nakikipagtulungan sa mga kawal ng Elior gayon din si Adelrick na ngayon ko lang nakitang ganyan kapagod at kadungis ang hitsura. Nasa kabilang gawi rin si Aspen na abala sa paggawa mg naglalakihang mga sangang tinik upang protektahan ang mga kababaihan na nagawa na nilang sagipin.

Nagtataka tuloy ako kung ano na ba ang mga nangyari habang nananatili akong wala sa ulirat ng ilang oras. Masyado na ba maraming kaganapan ang hindi ko napanood o nalaman kaya pakiramdam ko ay may kanya-kanyang kuwento ang mga taong nakapalibot sa akin na hindi ko alam.

Isinantabi ko na lamang ang mga problema ko at itinuon ko na ang aking atensyon sa laban na namamagitan kay Eryx at kay Orryn na mukhang tuloy-tuloy lamang ang pagbibigayan at pagtanggap ng mga naglalakasang tira at kapangyarihan.

Pinanood ko kung paanong sinubukan ni Eryx na makalapit sa gawi ni Orryn upang malapitan itong puntiryahin. Ngunit sa kasamaang ay mabilis na nadedepensahan ni Orryn ang sarili gamit lamang ng sariling kapangyarihan na hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon pala kalakas.

Sinubukan muli magpakawala ni Eryx ng mga bilog na liwanag sa kanyang mga palad at mabilis itong itinira sa gawi ni Orryn na nagawa rin makapagpalabas ng isang may kalakihang panangga laban sa mga liwanag.

Ilang sandali lang din ay tumulong na ang ibang mga kawal at mga kababaihan sa kanya na kayang gumamit ng iba't ibang elemento ng kapangyarihan. Tatlong babae ang sabay-sabay na nagpakawala ng kapangyarihan ng tubig ngunit mabilis lang din silang inatake ng mga gumagalaw na anino. Sunod naman ay ang higit sa limang kawal ng mga Elior ang sunod-sunod na nagpakawala ng kapangyarihan ng liwanag ngunit kaagad pinahaba ni Orryn ang kanyang aninong mga galamaw at hinampas ang mga kawal dahilan para tumilapon sila tungo sa barrier at madiin dito.

Napakagat labi na lang tuloy ako sa kaba dahil sa aking napapanood lalo na nang ginamit ni Eryx ang pagkakataon na nasa iba ang atensyon ni Orryn upang makalapit dito. Patalon niyang sinara ang distansya sa pagitan nila ni Orryn habang hawak ang isang tila ba espadang kidlat ngunit hindi pa man siya nakalalapit ng ilang dipa dito ay malakas nang pinagaspas ni Orryn ang kanyang pakpak dahilan para tangayin na lamang si Eryx nito at humampas sa poste.

"Prinsipe Eryx!" Malakas pang sigaw nina Aidan sa labas ng barrier na pilit pa rin ginigiba ang harang na nagkukulong sa amin dito sa loob.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Eryx at sa pagkakataon ito ay kababakasan na ng matinding pagod ang kanyang hitsura at mayroon na rin lumalabas na dugo sa kanyang ilong.

Hindi ko rin inaasahan na magtatama ang paningin naming dalawa sa kabila ng distansya na namamagitan sa amin. Nakita ko pa kung paanong marahan siyang tumango sa akin na tila bang sinisiguro niya na magiging maayos din ang lahat kahit na malayo pa ito sa reyalidad na nararanasan namin. Pinagmasdan ko kung paanong muling bumangon si Eryx at walang takot na tumindig ng maayos. Mag-isa na lamang siya sa kanyang kinatatayuan dahil ang lahat ng mga kawal niya ay kung hindi abala sa mga anino ay tuluyan nang nawalan ng kakayahan lumaban.

"Hindi ka pa ba tapos makipag-laro sa akin, Mahal na Prinsipe? Hindi ba mas mabilis kang manghina kapag wala ang liwanag ng buwan o araw na sumisikat sa'yo? Nakabibilib naman na nagagawa mo pang tumayo sa harapan ko at labanan ako." Dinig kong mapang-asar na sigaw ni Orryn na hindi ko makita ang ekspresyon dahil nakatalikod siya sa akin.

Kung ganon ay tama nga ang hinala ko na ang liwanag ang pinagmumulan ng kapangyarihan niya. Kaya pala noong magkasama kami sa Bell&Belle noon ay napapansin ko na hindi niya rin halos magamit ang kapangyarihan dahil sa dalawang dahilan. Una ay maaaring itinatago niya rin sa akin ang pagkakakilanlan niya at ikalawa ay tinitipid niya na ang lakas na mayroon siya.

Pinunasan muna ni Eryx ang dugo na nagmumula sa kanyang ilong bago magsalita. "Hangga't humihinga ka rin sa harapan ko ay wala akong rason para sumuko at tumigil. Hindi ko isasaalang-alang ang buhay ng sambayanan dahil lamang sa kahinaan ko."

Bakit ba palagi mo na lang ginagawang sandata ang sarili mo, Eryx?

Gusto ko sanang isigaw ang mga katagang 'yan pero alam kong magiging ipokrito rin ako sa lagay na 'yon dahil bakit nga ba ako nandito ngayon, sugatan, duguan, at nanghihina kung hindi sa parehong dahilan din naman.

Hindi ko na kinaya ang manood na lamang. Ayoko nang walang ginagawa. Kahit mahina ako sa kalagayan ko ngayon ay alam kong may maiaambag ako sa laban ni Eryx dahil kung hindi, hindi ko na rin sigurado kung hanggang saan ang kaya niya pang itagal.

Nanginginig ang mga tuhod ko na tinungo ang kinalalagyan nina Leofwine at Namior na pilit pa rin lumalaban sa kanyang buhay. Mukhang ginagamit na niya ang kung ano mang kapangyarihan na mayroon siya para lang mapahaba ang buhay niya at masaksihan ang pagkasira ng mundong 'to dahil sa kapatid niya.

Sabay naman sila nag-angat ng tingin sa akin ngunit nananatili lamang sa walang kabuhay-buhay na hitsura ni Namior ang aking paningin. Pabagsak din akong umupo sa tabi ni Namior upang mas masinsinan siyang makausap.

Pinagmasdan ko muna kung paanong agaw-buhay niyang hinahabol ang kanyang hininga. Ang bawat singhap niya ng hangin ay kapalit ang pag-ubo niya ng sandamakmak na dugo at ang mas lalong pamumutla ng kanyang kulay.

"Ano ang kahinaan ng kapatid mo?" Malamig kong tanong habang diretsong-diretso ang aking tingin sa kanya.

Nakita ko pa kung paanong matigilan siya sa tanong ko at mapaiwas ng tingin.

"H---Hindi na si Orryn ang n---nilalang na 'yan." Sisinghap-singhap niyang saad.

Nagngitngit naman ang mga ngipin ko dahil sa aking narinig. Hindi ko kailangan ng ganyang klase ng kasagutan.

"Nasaan na si Orryn kung ganoon?!" May kalakasan ko nang tanong at kung hindi lang ako naaawa sa kalagayan niya ay baka kanina ko pa siya kinuwelyuhan. Pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili. "Paano ko siya mahahanap? Paano siya mapupuruhan? Ano ang kahinaan niya, Namior?!" Sunod-sunod ko pang tanong at parang nagulat pa si Leofwine sa tono at lakas ng boses ko.

Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang halos taas-baba na ang aking balikat dahil sa hingal habang siya naman ay muling napaubo ng dugo. Inalalayan pa siya ni Leofwine na makabawi ng hininga ngunit imbes na kumalma ay nagsimula na rin tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya.

"H---Hindi... Huwag... Ayoko..." Nanginginig niyang sambit na tila ba alam na niya ang binabalak ko kaya tinatanong ko ang bagay na ito.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi mo na kapatid ang nilalang na 'yan. Hangga't nabubuhay at humihinga ang nilalang na 'yan..." Turo ko pa sa halimaw na abala pa rin sa pakikipaglaban kay Eryx. "...ay hindi na 'yan titigil sa pagpatay. Sisirain niyan ang mundong 'to! Mag-isip ka nga! Tingnan mo ang hitsura mo?! Tingin mo ba kapatid mo pa ang may gawa nyan?! Mag-isip ka, Namior!" Gigil ko nang tanong.

Wala na akong oras dahil hindi lang ang buhay ni Eryx ang nanganganib kundi maging ang mga taong nasa loob ng kadilimang ito.

"Ack!" Daing ni Daewon nang bumagsak ito sa sahig at mapasapo sa kanyang ulo na tila ba napakasakit nito.

"Kuya Daewon!" Sigaw pa ni Neola na mabilis din itong dinaluhan kahit na dumudugo na ang kanyang ilong dahil sa magkahalong panghihina at paggamit ng kapangyarihan.

Naikuyom ko na lang tuloy ang aking mga kamao sabay mariing pumikit upang kalmahin ang aking sistema. Gagawin ko ang lahat malaman lang ang kahinaan ng demonyong 'yon. Ngunit paano ko gagalawin ang isang lalaking halos nag-aagaw buhay na sa harapan ko?!

"A---Anino..." Hirap na hirap na bulong ni Namior dahilan para mapadilat na lang ako ng mga mata sabay lingon sa gawi niya.

Sakto naman na nakatingin pala siya sa akin kaya nagtama ang mga mata naming dalawa.

"A---Ang anino ay si Orryn, s---si Orryn ang a---anino...." Makahulugan nitong saad dahilan para mangunot na lang ang noo ko at gulong-gulo na tumingin sa kanya.

Anino. Ang anino ang pangunahing kapagyarihan ni Orryn at maaaring ang sarili rin ba niyang anino ang kahinaan niya.

"Ano ang ibig mong sabihin..."

"Ang a---anino ni Orryn ang k---kanyang kahinaan. Kung m---magagawa mong mapalabas ito ay iyon na ang iyong p---puntiryahin." Naghihingalong saad niya pa kasabay ng dahan-dahang pag-abot ng aking kamay at mariin itong pinisil.

"P--Pakiusap..." Hirap na hirap niyang pahayag habang nanginginig ang kamay niya na nakahawak sa akin. Nanatili lamang din akong tahimik at sa kauna-unahang beses ay pinili kong makinig sa kanya. "...iligtas mo ang kapatid ko. T---Tapusin mo na r---rin ang paghihirap niya. A---Ang pag---paghihirap namin." Pagmamakaawa niya pa habang ang mga mata ay puno ng labis na pighati at pagsisisi.

Bago niya bitawan ang kamay ko ay naramdaman kong may inilagay pa siya dito na kung anong matigas na bagay. Dahan-dahan ko naman itong tiningnan at napasinghap na lamang ako nang makilala ang pamilyar na kuwintas ni Stella sa aking palad. May ilan pa itong bahid ng dugo ngunit maayos pa rin ang kalagayan.

"H---Humihingi ako ng kapatawaran sa dalagang nagmamay-ari ng kuwintas na 'yan. N--Naisin ko man na personal na h---humarap sa kanya ay hindi na k---kakayanin ng katawan ko. M---Maiintindihan ko rin kung hindi niya matatanggap ang kapatawaran mula sa l---lalaking inagaw sa kanya ang pagkakataon na m---makita ang g---ganda ng mundo damit ng d---dalawang mga mata..." Nanginginig at utal-utal niyang pahayag at sigurado ako na puro at totoo ang ipinapakita niyang sinseridad sa akin.

Sandali ko pang pinakatitigan ang kanyang mata bago ko isinara ang aking palad at itinago ang kuwintas ni Stella.

"Mabuting tao si Stella." Seryosong saad ko kasabay ng pagtayo ko mula sa pagkakasalampak. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin at nakikinig. "Alam kong mapapatawad ka rin niya at dama kong hihilingin niyang mabuhay ka pa para pagbayaran ang mga kasalanan mo at maranasan ang totoong kahulugan ng buhay..." Makahulugan kong saad.

"S---Salamat, Yvonne..." Huli niyang pahayag kasabay ng pagsilay ng isang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi.

Hindi ako kumibo maging ang magawang makapagsalita dahil hindi ko na rin alam kung ano pa ba ang mga salitang kaya kong sambitin ng totoo at walang bahid ng pagkamahuhi sa isang naghihingalong tao.

Sa kahuli-hulihang beses ay pinakatitigan ko ng mabuti ang kanyang mukha bago ako tuluyang nag-iwas ng tingin. Maaaring ito na rin ang huli naming pagkikita at kahit papaano nasabi ko na ang mga salitang nanaisin niya rin marinig mula kay Stella na nagawan niya ng kasalanan.

Iika-ika kong tinungo ang kinalalagyan ng nakakalat na mga pana at busog saka ito kinuha at isinukbit sa aking balikat. Kinagat ko rin ang pana sa aking bibig at tinangala ang pinakamataas na poste na maaari ko pang akyatin upang maging matagumpay ang isasagawa kong plano.

Maaaring mali ang teorya ko pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mabuhay lamang si Eryx at ang iba pang mga mamamayan na nagdudusa sa kasamaan ng nilalang na 'to.

•••••

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
2.8K 1.1K 27
❝ Hanggat kaya kitang pasayahin. Iyon ang mas importante Valora. Mahal kita ng sobra. ❞ - Marion Forge. Nagkaroon ng issue tungkol sa bandang pinapa...
100K 5.3K 8
Reincarnated as the Seventh Princess (Book 3/3) Trilogy Read RATSP Book 1 and RATSP Book 2 ❗️ Language: Filipino | English Genre: Reincarnation | Fa...
344K 15.6K 45
Sa isang simpling hiling, nagbago ang buhay ni Afianna. "To be reincarnated having all of the magic powers out there except dark magic." At sa mga si...