Crazy In Love With The Male L...

Oleh LerNicaMa

52.1K 2.5K 270

*TAGLISH* After getting so absorbed with life's bullshit. Helena jumped off from the top of a ten-storey buil... Lebih Banyak

CHAPTER 0
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48

CHAPTER 10

1.2K 76 1
Oleh LerNicaMa

TAHIMIK AKONG umiinom ng kape habang pinagmamasdan ang napakagandang garden na alagang-alaga ng mga maid rito. Gustong-gusto raw kasi ni Tita Monique na pinagmamasdan ang mga bulaklak.

Napabuntong-hininga ako. Somehow, I feel guilty. Hindi ko naman kasi alam na magagalit ng ganoon si Lucas. Nalaman ko din sa mga maid na sadyang hindi gusto ni Lucas na ginigising siya dahil nagkakatopak nga siya. Whatever, at least I got my revenge on him.

Namula ako ng maaalala ang sinabi sa akin ni Manang Lois, matagal na siyang tagapamahala ng bahay na ito at sinabi niya sa aking yung kwartong pinasukan ko kagabi ay kwarto ni Lucas. What the hell? I mean, bakit naman doon nilagay ang mga gamit ko kung may nag-ooccupy na pala ng kwartong 'yon?

Nang malaman ko iyon, dali-dali kong inilipat lahat mga gamit ko sa katabing guestroom. Fuck! I've never felt so stupid until that time.

Si Lucas naman... Ugh. I don't know where he is. He went outside and I just can careless to wherever hell he went, who he went with or even if he's still alive or lying dead on the ground. I inhaled deeply and closed my eyes. The garden is so beautiful. Ayoko mang aminin pero mas maganda at mas komportable dito kaysa sa garden namin na madalas naming tinatambayan.

"Ma'am Loraine. Gusto niyo po ba ng snacks?" Tanong sa akin ni Ate Betty. Sa tingin ko ay mas bata siya ng kaunti kay Mommy. Ngumiti ako.

"Hindi na 'po, busog pa naman ako atsaka Loraine nalang, Ate Betty. Masyadong nakakatanda yung ma'am eh." Pabiro kong sabi. Nakitawa naman siya.

"Ah sige, Loraine." Sabi niya at akmang aalis na.

"Uh, Ate Betty, si Sherley po? Parang hindi ko pa po kasi siya nakikita sa mansyon mula kanina." Tanong ko. Napansin ko ang pag-aalangan niyang magsabi at ang pagpilit niya ng ngiti.

"Naku, day-off niya po kasi ngayon." Sabi niya. I noticed that she wants to say something but she's hiding it in her fake smile. I just sighed and smiled at her.

Wala naman akong paki-alam kung nasaan man si Sherley dahil hindi naman kami ganoon ka-close. Nagtaka lang talaga ako dahil hindi ko pa siya nakikita mula kanina. Lalo na at nung saktong pagkawala niya ay umalis rin si Lucas. What a funny coincidence.

"Saan nga po pala ang punta ni Lucas, Ate Betty?" Nakangiti kunwaring tanong ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paglunok niya. Napaiwas rin siya ng tingin.

"H-Hindi ko alam kung saan nagpupunta si Ser ng ganitong oras pero sigurado po akong nandyan lang siya sa paligid. Bumabalik naman iyon para sa tanghalian kaya 'wag na po kayong mag-alala." Halata ang kaba sa kanya kahit na nakangiti siya. Mmm... I smell something fishy. Whatever, hindi naman talaga ako ganon ka-interesado sa mga lakad ng lalaking iyon. Uhh, whatever.

Ngumiti lang ako ng malaki at saka isinabit ang kamay ko sa braso ni Ate Betty.

"Hayaan niyo, Ate Betty. Hindi naman ako nag-aalala sa lalaking 'yon. Malaki na siya hindi na kailangan ng atensyon. By the way, may asawa na ba kayo, Ate Betty?" Tanong ko habang papunta kami sa kitchen. Nakipagkwentuhan muna ako kay Ate Betty bago nakapagdesisyon. Umalis ako ng kitchen at kinawayan ko yung ibang mga maid para tumigil sa mga ginagawa nila.

"Naku, Ma'am anubayan. Nakakahiya naman sa inyo." Sabi ni Ate Teresa. Tinawanan ko lang siya at pinaupo sa living room.

"Don't worry, Ate Teresa. Tulungan nalang kita sa pagluluto mamaya. Manang, Ate Betty, sabihan niyo lang kung kailangan niyo ng tulong mamaya. Ngayon, samahan niyo nalang muna ako. Magkakasama tayo ng dalawang buwan, hindi ba? Mahirap yung wala akong nakaksundo dito." Sabi ko. Napabuntong-hininga naman si Ate Betty at si Manang sa sinabi ko.

"Hindi ako makapaniwalang marunong kang magluto, Loraine. Hindi rin lahat ng mayayaman ay may interes sa gawaing bahay lalo na't may pera sila." Natutuwang sabi ni Ate Teresa. Napangiti naman ako. Tinutulungan ko si Matilda at yung iba naming maid sa bahay kapag wala akong importanteng gagawin. Hindi nga lang ako nagpapahuli kay Mommy kasi siguradong mapapagalitan ako.

Its natural that I know how to do lots of house chores dahil sa past ko bilang si Helena. If I excel on something other than academics, it's cleaning, cooking and the likes.

"Kung nananatili lamang sana dito si Ser Lucas para samahan ka." Naiiling na sabi ni Manang Lois. Sinegundahan naman iyon ni Ate Betty at Ate Teresa.

"Kaya nga eh, pasensya ka na, Loraine. Hindi dapat kaming matanda ang nakakabonding mo ngayon kundi ang mapapangasawa mo dapat." Sabi ni Ate Teresa. Bigla naman akong kinabahan at nataranta sa sinabi niya.

"Naku, Ate, Manang. Masaya po talagang makipag-usap sa inyo. At saka, ayoko pong a-abalahin pa si Lucas." Labag sa loob na sabi ko. Actually, mas appropriate na sabihing ayokong makita si Lucas ngayon. Napangiti nalang ako ng peke. "Mukhang may importante siyang ginagawa kaya..." Hindi ko nalang itinuloy. Importante, my ass! In short, for sure may kinakalantri na namang kung sino ang lalaking iyon kaya wala sa bahay.

Sherley, maybe?

I almost flinched on disgust. I mean, nabasa ko ang story at I recognised some fragment of it about Lucas' adventure 'kuno' with women. Particularly, that Sherley.

Yes, she seems very timid and shy type pero wagas ang 'pagpapagamit' niya kay Lucas. Desperado siyang mapansin at mabigyan ni Lucas ng atensyon kahit pa ginagamit lang siya nito. I think it started happening around this time. Grrr.

Just thinking about it makes my stomach turn. Sherley's desperate. But she's not much of an obstacle lalo na't wala namang ibang attachment sa pagitan nila ni Lucas kung hindi sex. And besides, Lucas will discard her when he starts dating my sister.

Napansin kong nag-iwasan ng tingin sina Manang sa sinabi ko. I knew it. Imposibleng hindi alam ng mga maid rito ang kababalaghan sa pagitan ng amo nila at ng isang kasambahay.

Screw Lucas and his ass. Kung hindi lang talaga siya ang male lead ng storyang ito at kung hindi ko alam kung paano magbabago ang ugali ng lalaking iyon ng dahil sa kapatid ko, malamang isinalvage ko pa ang malanding iyon dahil sa pagiging salot niya sa lipunan. Gawd.

I can't!

"Uh, 'wag nalang natin pag-usapan si Lucas mga ate. Umm, how about family? Ate Betty, may asawa na po ba kayo?" Tanong ko. Nang tagumpay kong maiba ang topic, nagsimula nang magkwento si Ate Betty tungkol sa asawa at mga anak niya. Nakangiti naman akong pinakinggan sila.

"Naku, malalaki na siguro ang mga iyon ngayon!" Medyo teary-eyed na kwento ni Ate Betty. Sabagay. Four years old palang ang mga anak niya nang iniwan niya ang mga ito.

"Pero triplets huh, swerte ka, bihira ang ganon." Sabi ni Manang Lois. Nagmamadaling ngiti naman ang ipinaskil ni Ate Betty.

"Naman, manang! Sharp shooter ang asawa ko!" Sabi ni Ate Betty. Medyo namula pa ako non. Ghad! Older girls really knows how not to filter their words.

"Why don't you visit them, Ate Betty?" Tanong ko.

"Kung bibisitahin ko sila ngayon ay matatanggal ako sa trabaho. Masyadong malayo ang Davao at pamasahe pa. Uuwi naman ako sa pasko kaya tiis tiis nalang muna 'no." Kwelang sabi niya. Napangiti naman ako habang nakikipagkwentuhan. Kinuwento ko rin ang mga kapatid ko sa kanila at ang pamilya namin.

"Naku, kay bait mong bata, Loraine. Aba'y hindi lahat ng batang lumaki sa mayamang pamilya at kapaligiran ay kasing buti mo 'no!" Sabi pa ni Ate Teresa. Napasimangot naman ako.

"Hindi ako mabait, Ate Teresa. Kung alam mo lang..." Sabi ko habang naiiling pa.

Biglang nagflashback sa utak ko ang paglusot namin ni Kali sa bar para lang gumimik. Nagdisguise pa ako para lang hindi mahuli. Minor palang kasi ako noon. Pero since matangkad ako at makapal ang make-up ko. Wala namang nakakilala sa akin.

Sixteen ako nung una akong makatikim ng alak. Tinry ko ring magsigarilyo out of curiosity. Sinubukan kong gawin lahat ng mga bagay na hindi ko naexperience nung nabubuhay pa ako as Helena. Siyempre maliban sa mga illegal na gawain maliban sa pagpasok sa lugar ng wala pa sa tamang edad.

Naulit pa iyon ng ilang beses pero hindi madalas. Most of my reasons for doing that is to dance with my crush and to appreciate handsome faces. It's so good to be a teenager! Kasama ko palagi si Khalil every time na pupunta ako kaya naman may naghahatid sa akin pauwi habang tulog pa ang lahat sa bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala na umabot ako ng legal age nang hindi nahuhuli ni Mommy.

Madalas rin akong mapaaway lalo na sa labas ng school. Pero sinisiguro kong never akong matatamaan sa mukha dahil ayokong may makapansin sa bahay. Kasalanan ko bang maraming inggit sa ganda ko ay sa closeness namin ni Khalil?

So because of that, sabay kaming nagtraining ng martial arts ni Khalil. Easy lang ang time management dahil parehas naman kaming matalino na at hindi na kailangan ng masyadong aral.

"Ate Betty, paalam lang sana ako. Mukhang masarap magbabad sa dagat eh." Sabi ko habang may dalang maliit na bag na naglalaman ng twalya at extrang t-shirt.

"Naku, isama mo itong si Teresa! Mahirap na kung mag-isa kalang na lalangoy! May mga agresibong mga lalaking kano nagliliwaliw sa dalampasigan minsan." Sabi niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Teka nga lang..

"Ate Betty, kahapon pa akong nagtataka. Bakit nga pala kaunti lang ang mga turista dito? Halos lahat ay mga foreigners pa." Komento ko.

"Op kors neber na napuno iyang dagat na 'yan! Kaunti lang ang may afford, Loraine." Sabi ni Ate Teresa. "Pribado ang isla na ito at isa lang ang malapit na hotel dito. Luxury hotel pa! Ang may-ari ng hotel na iyon ay si Adam Craig Weston. Kung may makikita kang hottie na red haired at palaging nagsusurf, siya na iyon!" Tila kinikilig na dagdag pa niya. Teka, lalaking red haired na mahilig mag surf?

"Kay gugwapo nga ng kabataan ngayon ano, tsk. Kung sana ay sa henerasyon ito nalang din tayo isinilang." Sabi pa ni Ate Betty.

"Kaya nga, Ate. Naiinggit ako sa mga babaeng batang bata pa ang balat! Loraine, alam mo bang pangarap ko 'yang ganyang magandang mukha at katawan noong kabataan ko? Aba'y matangkad ka kaya! Pwedeng pwede kang magmodel sa ganyang height." Papuri ni Ate Teresa. Na-distract naman ako nito at sinuklian na lamang siya ng ngiti.

Actually, na-try ko na din namang sumabak sa modeling sa school. Ang kaso hindi ako sanay sa camera kaya hindi ko na itinuloy. Inasar pa ako ni Khalil dahil doon. Ako lang daw kasi ang bukod tangi sa mga kaedaran namin ang hindi mahilig magpose sa harap ng camera at selfies. Kaya nga kaunti lang ang mga litrato ko saga social media accounts ko.

Sinamahan ako ni Ate Teresa papunta sa beach. Siya ang nagdala ng mga gamit ko at ang nagpahid ng sun block sa akin. Mas concern pa nga yata siya sa balat ko kaysa sa akin. Nang nasa dalampasigan na ako ay nag-aatubili kong tinanggal ang sandals ko at lumusong sa tubig suot ang one piece ko.

"Ay jusko, ang guwapo talaga ng batang iyon." Rinig kong sabi ni Ate Teresa. Nilingon ko naman ang direksyon na pinatutungkulan niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

The red haired hottie with a surf board! And he's walking straight in this direction. He's approaching me with a handsome smile on his lips!

What could he possibly want from me?

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

24.2K 47 14
just some of my horny thoughts;) men dni
186K 11.9K 45
عادةً ما تأتي العائِلة أولاً، بضجيجها، وحِسها، وحروبِها الدائِمة رغماً عن أمانِها المُستقر، جيشك المُتصدي، محطة إيصالك، ملجأك الدائِم، ويقينك الوحيد،...
53.2M 378K 65
Stay connected to all things Wattpad by adding this story to your library. We will be posting announcements, updates, and much more!
44.9K 1.4K 47
"I was enchanted to meet you." She finds him insufferable, he enjoys winding her up. She's quick-tempered, he's calm. She's impulsive, he's cautious...