Left in the Dark (Savage Beas...

By Maria_CarCat

6.8M 239K 80.8K

In darkness, I found peace More

Left in the Dark
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 62

101K 3.2K 924
By Maria_CarCat

Yaya Esme




Almost whole day ang kainan sa aming Villa because of our guest. Tito Darren, Tita Afrit, and Louie stayed also.

Tathi and Sera keeps on telling us to have a road trip around Sta. Maria because they really miss na daw talaga being here. Our even organizer na kakilala ni Mama Elaine ay dumating na din para ayusin ang aming garden.

Although Papa Axus wants to offer their place or mag rent ng place for the event ay mas pinili namin na dito na lang gawin sa aming Villa. Our garden is perfect for events, it's spacious and magagawa ang decoration na gusto namin for Gianneri's baptismal.

"Kaya yan, third floor" kantyaw ni Piero sa mga gumagawa ng playhouse.

Sina Papa, Papa Axus, Tito Darren, and Tito Alec ngayon ang nagtulong tulong para umpisan sa kabilang part ng garden ang gusto naming ipatayong playhouse kay Gianneri, and to our future babies...I guess?

"Shut up, Piero" sita ni Tito Alec sa kanya kaya naman pinagtawanan nanaman siya ng mga kapatid niya.

Me and the girls are busy preparing the invitation cards na ididistribute namin sa mga kakilala. Some of Eroz friends offer na sila na ang gagawa non, but I think mas special kung kami mismong parent ng bibinyagan ang magpapamigay.

It's a special day for our dearest Gianneri, being invited means we want you to be part of our baby's special life event.

"Sabay si Gust at Charlie pauwi dito?" rinig kong paguusap ni Sera at ni Tathi.

"Oo, magkausap kami ni Charlie kanina" sagot ni Tathi.

Tumango lang si Sera at ipinagpatuloy ang ginagawa. Magiingay silang dalawa pag may nakita silang name sa invitation na familiar sila.

"Naaalala ko to, ito yung masungit eh..." si Sera bago sila magtawanan ni Tathi.

Napapangiti na lang ako everytime naaalala ko yung kabataan namin. I remember them clearly, pero ako hindi siguro nila ako masyadong maaalala because they have a lot of friends that time.

Nag angat ako ng tingin ng makita ko ang paglapit ni Eroz sa akin. Nginitian ko kaagad siya. Bumaba ang tingin niya sa mga hawak kong invitation.

"Magumpisa na tayong mag pamigay?" tanong niya sa akin. Yumuko siya para halikan ako sa ulo, naramdaman ko kaagad ang kamay niya sa aking likuran.

"Pamilya tayo dito, pero walang inggitan" pagpaparinig ni Sera na ikinatawa ni Tathi.

"Pag pahingahin mo naman si Kenzo, Shuta ka" pangaasar ni Tathi sa kanya kaya naman inirapan kami ni Sera.

Ngumisi si Eroz dito. Kaagad kong hinanap si Kenzo na kausap ang mga kapatid niya habang sumisimsim ng kape. Sa kanilang lahat bukod kay Cairo ay siya talaga itong tahimik lang and mukhang strict, pero baka pag kay Sera ay hindi.

I'm comfortable na din with Eroz and Tathi being together in one place. Wala akong nararamdamang pagkailang or uncertain feeling towards us. As time passed by nawala yung feelings ng inggit and doubts because we learned about acceptance and we moved on.

"I'll check Gianneri first, before we go" paalam ko kay Eroz.

"Nasa kay Yaya Esme, I already checked on her" nakangiting sabi niya sa akin.

Tumango ako, bahagya pa siyang nagulat ng iabot ko sa kanya ang mga invitation na hawak ko.

"I still want to see my baby before we go" laban ko.

"Our baby, Gertrude" pagtatama niya kaya naman humaba lang ang nguso ko.

Naglakad ako diretso papasok sa house namin. Narinig ko pa ang pangaasar nila Sera kay Eroz.

Even our house helpers ay busy with their own things. Super busy na din ng kitchen kaya naman rinig na rinig ko ang boses ni Yaya Esme. Sometimes, naiisip kong she makes her self too busy para walang makakita ng true feelings niya. Or baka para hindi niya din maramdaman iyon.

Nakatalikod siya sa akin ng pumasok ako sa may kitchen. Nagulat ito ng yakapin ko siya mula sa likuran.

"Yaya Esme, you should rest" paglalambing ko sa kanya.

Bahagya siyang natawa. "Pagkatapos na ng binyag" sagot niya sa akin.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. I love her so much, isipin ko pa lang na hindi ko siya kasama all those years, I don't think I can survive.

"I love you so much, Yaya Esme" sabi ko.

Mas lalo itong natawa, kumawala sa aking yakap para harapin ako.

"May kailangan ka? May gusto kang ipaluto?" tanong niya sa akin. She's joking, ganito kasi ang ginagawa ko sa kanya when I was younger everytime I need something or may gusto akong ipalutong pagkain.

Marahan akong umiling. "I just want you to know how blessed and thankful I am, na you are here with me...for us"

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Alam ko, Senyorita Gertie. Alam na alam ko, dahil walang araw na hindi mo sinasabi sa akin kung gaano mo ako ka-mahal" she said, a bit teary eyed pa.

Muli ko siyang niyakap. "How can I make you happy, Yaya Esme?" tanong ko. Because I can do naman anything, I will do anything para lang maging masaya siya.

"Maging masaya ka, kayo ni Senyorito Eroz, ni Gianneri. Gumawa kayo ng madaming baby" natatawang sabi niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.

I also told her na invited si Mang Henry sa binyag. I know naman na alam niya na yon but I still want to check on her about that.

Gianneri is asleep daw at dinala niya muna sa room ni Ate Vera. Isa pang reason ko kaya ako pumasok ay to check my Ate Vera. Simula ng dumating sina Piero ay halos magkulong na siya sa room. Lalabas lang sa umaga pag wala pa sila at sa gabi naman pag nakaalis na.

Eh paano sa binyag?

"Come in. Ang ingay" she said kaya naman nakangiting kong binuksan ang door ng room niya.

My baby is sleeping comfortably sa itaas ng queen size bed ni Ate Vera. She is sitting sa kanyang massage chair while reading a book.

"We're going para mag distribute ng invitations sa mga kapitbahay" sabi ko na ikinangisi niya.

"Bakit hindi na lang kayo pumunta ng munisipyo at ipa-announce na invited lahat ng taga- Sta. Maria" she said.

Hindi ko iyon pinansin. Dahan dahan akong gumapang paakyat ng bed, kita ko ang tingin ni Ate Vera sa akin.

"I love you, Love" malambing na bulong ko sa natutulog na si Gianneri.

"You keep on telling her that, Gertie" nakangiwing sabi niya.

Kumunot ang noo ko lalo ng irapan niya ako at kunwaring ibinalik ang tingin sa hawak na libro kahit hindi naman talaga siya nakakapagbasa ng maayos.

"You told everyone how much you love them, all the time. Baka mag sawa ang mga iyan sayo" pagsusungit pa niya.

I remained silent, nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Somehow, nakikita kong even she seems strong and savage all the time, ramdam kong may tinatago siyang lungkot.

"Alam na nila iyon. You don't need to remind them" dugtong pa niya.

That very moment I realize na growing up, she never experience yung love na deserve niya from her parents, from her relatives. Mangaaway din siya noon kaya naman hindi rin namin siya kinakausap ni Kuya Rafael palagi. We can't remind her how much we love her also, kasi lalapit pa lang kami ay magsusungit na siya.

"We love you, Ate Vera. We love you to the moon and back" I said kaya naman mas lalo siyang nagsungit.

"Saan mo nakuha ang lines na yan? Ang baduy" she said kaya naman natawa ako.

Tumayo ako para lumapit sa kanya at yumakap, she protested pa nung una pero nagpayakap din.

"I learned that from Alice. So baduy si Alice? Isusumbong kita" pananakot ko sa kanya.

Natawa siya. "That witch" she said.

She wants to talk to Amaryllis and humingi ng sorry sa nangyari noon. But when I told her na pwede ko siyang samahan, she refused.

"Next time, tinatamad ako ngayon" palusot niya. But I know, something is holding her back. Baka takot siya kay Piero? I understand naman kasi bully si Piero at mangaaway.

Pababa pa lang ako mula sa second floor ng makita ko si Eroz na naghihintay sa akin sa may hagdanan. Tahimik niyang pinanuod ang bawat hakbang ko pababa.

"You're sinungaling, sabi mo na kay Yaya Esme ang baby natin. She's sleeping kaya sa room ni Ate Vera" laban ko sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito at nagtaas pa ng kilay. "At nangaaway ka na ngayon, Gertrude" he said kaya naman nagiwas ako ng tingin.

Dalawang hakbang pa pababa ng kaagad akong mapasigaw ng hilahin niya ako at binuhat.

"Wag mo akong sinusungitan at mas lalo kitang gustong parusahan" sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Kahit naman gumawa ako ng good, bad pa din ako for you. Kahit mabait ako, gusto mo pa din akong parusahan" Pagsisimula ko. Kumunot ang noo ni Eroz, it's like Deja vu for me, those lines.

"Sa other people mabait ka. Sa akin hindi, sana other people na lang din ako" dugtong ko pa kaya naman umigting na ang panga niya.

Mabilis akong kumawala sa yakap niya. "Bawiin mo yan"

Tumawa ako. I feel a bit kilig ng maisip kong even those words ay naaalala din niya. It just means na observant talaga siya noon when it comes to me.

"Bumalik ka dito" utos niya ng nagumpisa na akong lumakad palayo.

Tumawa ako. "Ayoko, hindi na ako babalik" nakangusong pangaasar ko sa kanya kaya naman mariin siyang napapikit. Eroz is stressed...again.

Nag start kaming mag distribute ng invitations sa mga friends ni Eroz. Almost everyone na nakikita namin sa daan ay binabati siya, kilala nila si Eroz. It's not a surprise naman dahil he is friendly talaga.

"Naku, napakagandang bata!" si Aling bing.

Hindi maalis ang tingin niya sa picture ni Gianneri na nasa may invitation. I considered her as one of my first friends here nung bago pa lang ako dito. She gave me pa nga ng libreng rice at ipinagtanggol niya ako noon kay Eroz.

Days passed so fast hanggang sa dumating na ang day ng binyag ni Gianneri.

"Hayaan mo na si Tita Afrit at Yaya Esme sa pagaayos kay Gianneri. Nandoon na din si Ma'm Elaine at Ma'm Maria" suway sa akin ni Alice.

Silang dalawa ni Ate Vera ang nag ayos sa akin. Alice is busy curling the tip of my hair habang si Ate Vera naman ang namimili ng isusuot ko.

After that ay silang dalawa naman ang nagbihis. Tahimik lang ako nanunuod sa kanilang dalawa. I'm wearing a white laced dress, feeling ko tuloy bibinyagan din ako.

Nang matapos na kaming tatlo ay bumaba na din kami. Nanduon na si Eroz, karga si Gianneri na naka-white lacey dress din. Kaagad kong kinuha si Gianneri at niyakap. Para na talaga siyang doll ngayon.

"You are so cute, Love" puri ko dito, even she looks a bit sleepy ay nagawa pa din niyang ngumiti sa akin. She even start a small cooings.

"Mana kay Mommy" bulong ni Eroz ng hinapit niya ako sa bewang para pareho kaming yakapin ni Gianneri.

Nginitian ko na lang siya at muling hinalikan ang baby namin. I'm so happy for her, this is her day kaya naman ngayon pa lang proud na proud na ako sa kanya.

"Nauna na sila sa simbahan" seryosong sabi ng kararating lang na si Piero.

Matalim ang tingin niya sa Ate Vera ko kaya naman bigla akong nag worry. Nang lingonin ko naman ito ay she remain calm and still on poise.

"I'll drive your jeep wrangler, Gertie. I'll bring Alice with me" sabi niya at kaagad kaming tinalikuran lahat.

"Can we just forget everything that happend before?" tanong ni Eroz dito.

Sinimangutan kami ni Piero. "You can't let me do that" he said bago din kami tinalikuran.

Inalo na lang ako ni Eroz to still save the day. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Piero. Pero my Ate Vera naman is willing to say sorry sa kanila ni Amaryllis.

We use the Hummer papunta ng simbahan, nauna na ang family namin doon. Just like me and Gianneri, Eroz is wearing a white button down shirt na tinupi hanggang sa siko. Kahit anong style and kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya.

"Bakit, may problema?" tanong ni Eroz sa akin habang nasa byahe kami papunta sa church.

Ngumiti ako at marahang umiling. Mas lalo kong niyakap ang tahimik na si Gianneri, para talaga akong may hawak na doll because of her outfit.

"You like to see me wearing something like this?" tanong niya.

"I love to...But the simplier one is more gwapo" sagot ko sa kanya kaya naman napangisi siya.

Despite of being a Herrer who can rule an empire or a company. I will still choose this one particular Herrer na nagtatanim ng palay at nagbubuhat ng sako ng bigas. And I don't see any problem with that at all.

It feels so magical inside the church, pakiramdam ko nasa garden kami and indeed our Gianneri is an angel. The baptismal font was filled with white flowers. Sobrang bango ng paligid because of that, it seems like we are in a garden, everything is so magical and it was so heavenly.

"I baptized you..." paguumpisa ng Priest after ng mass.

We heard a lot of giggles ng umiyak si Gianneri habang binubuhusan siya ng water sa ulo. Ingat na ingat si Eroz habang hawak ang baby namin.

"Congrats, Love" bulong ko dito after the baptismal.

Nagkaroon pa ng picture taking sa loob ng church. May solo picture ang mga Ninong and Ninang habang hawak si Gianneri, our baby is cool and camera ready, pero ng dumating kay Piero ay umiyak na siya.

"Sayang wala si Hobbes" I said, complete ang mga Godfather and Godmother ni Gianneri, siya lang ang hindi naka-attend.

"Susubukan daw niyang humabol mamaya" Eroz said kahit ramdam kong he is not in favor na manghinayang ako dahil wala si Hobbes.

"Hmp. Makikikain lang siya, ang bad na Ninong" sabi ko na ikinatawa ni Eroz.

Hinila niya ako palapit sa kanya. "I love you" bulong niya bago ako hinalikan sa pisngi.

"Pakakasalan kita, dito mismo sa simbahan na to. I will give you the best wedding that you deserve, Love" he said.

"Are you asking me for marriage na? Di ba dapat nakaluhod?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi siya sa akin ay pinisil ang ilong ko. " No esta vez" He said.

Nag change outfit si Gianneri pagkauwi namin for the reception. Marami na kaagad ang tao. There is this one long table na puno ng gift for our baby. Mas nakaramdam ako ng excitement for my baby.

I love gifts and surprises. Inasar nga ako ni Eroz na mas mukhang natuwa pa ako at mas excited magbukas kesa sa baby namin.

Gianneri is now wearing a pink balloon dress na lace din, may ribbon sa harapan. Her white baptismal dress kanina is super long kaya naman we decided na palitan siya para mas comfortable.

Pagkalabas ko sa kanya ay kaagad siyang kinuha ni Papa sa akin. He is so proud habang ipinapakita sa mga friends niya si Gianneri.

"Kumain na muna tayo" yaya sa akin ni Eroz. Tumango ako at sumama sa kanya sa table ng mga pinsan niya.

I'm busy eating with them ng makita kong nakasunod si Mang Henry kay Yaya Esme na iwas na iwas sa kanya.

"Eat up, maayos din nila iyan" sabi ni Eroz sa akin ng mapansin niya ang tinitingnan ko.

"We should help Mang Henry. Let's give him advice" suggestion ko.

Nagtaas ng kilay si Eroz. "Advices like?"

Sandali akong napanguso at nagisip. "My Yaya Esme likes maginoo pero medyo bastos..." sabi ko dahilan para masamid si Eroz.

"Gertrude" matigas na tawag niya sa akin.

"It's true naman kaya. Kaya nga, Yaya like Hobbes" laban ko pa na mas lalong ikinaigting ng panga niya.

"You should eat a lot. Gutom lang yan" he said at inirapan pa ako.

"Super sungit" sambit ko.

After naming kumain ni Eroz ay tumayo kami para kamustahin ang mga bisita. Nilingon ko ang malayong table kung nasaan sina Ate Vera at Alice kasama sina Ate Ericka and Junie, Mas lalo akong naexcite for Gianneri ng makita kong kasama din nila si Baby Jacobus.

Karga ni Eroz si Gianneri and we took a picture every table na lapitan namin for souviniers.

"Finally!" masungit na sabi ni Ate Vera ng makalapit na kami sa table nila.

Tumayo siya para humalik kay Gianneri. Ganon din ang ginawa ni Alice. Sa table na iyon ay kasama din nila ang tahimik na si Julio, ngumiti siya sa akin. Kahit nagkita naman na kami sa church kanina.

"Come here, Love" tawag ko kay Gianneri, maingat siyang inilipat ni Eroz sa akin. Lumapit kami kay Baby Jacobus na hawak ni Junie.

"Hi Jacobus, My name is Gianneri..." Ako na ang nagpakilala sa baby ko. I want her to have friends with Jacobus.

Natawa si Junie ng sinubukang abutin ni Baby Jacobus si Gianneri, nawala ang ngiti ko ng kaagad na humarang si Eroz.

"Wag muna, ayoko" he said na para bang batang inaaway.

Natawa si Julio at Ate Ericka, maging si Alice ay napailing din.

"Balae" pangaasar ni Junie kay Eroz kaya naman narinig ko ang mahinang pagmumura nito.

"Tigilan mo, Junie" asik niya dito.

Pumungay ang mata niya ng bumaba ang tingin kay Jacobus na hanggang ngayon ay nakataas ang kamay at pilit inaabot si Gianneri. Marahan niyang ibinaba ang kamay nito.

"Ibababa mo yang kamay mo, o wala kang regalo sa akin sa pasko" tanong niya kay Jacobus, bigla kong nakita ang Piero side ni Eroz because of that.

Pinagtawanan siya ng mga friends namin, he groaned in frustration at kaagad kinuha si Gianneri sa akin. Pilit niyang inilalayo ang tingin ng anak namin sa gawi ni Baby Jacobus.

Pinapagalitan ako ni Eroz everytime pinapaalala ko sa kanya na gusto kong maging magkaibigan si Gianneri and Jacobus. He is so malisyoso lang talaga at mga baby pa iyon. Friends lang ang sabi ko, Eroz niyo advance magisip.

"I never been in a place like that uhm...haunted" Ate Vera said.

Napasapo ako sa aking noo ng makita kong si Julio ang kausap niya. And she is talking about the mansion.

"My house is not some tourist spot na kailangan mong puntahan" Julio said.

Nalaglag ang panga ko. Imbes na ma-offend or tumigil ay mas lalong napangisi ang Ate Vera ko.

"We're friends, maybe I can pay a visit some other time"

Hindi nagsalita si Julio, nanatili ang tingin sa hawak na drinks.

"You know, it's a priviledge being my friend" pagbibida ni Ate.

Umigiting ang panga ni Julio bago sumimsim sa inumin.

"Hindi sa akin. Hindi ako tumatanggap ng bagong kaibigan" Julio said bago siya nagpaalam at tumayo.

Natahimik kaming lahat. Nanatili ang ngisi ni Ate Vera bago niya kinuha ang wine glass para sumimsim. Kita ko ang panginginig ng kamay niya eventhough she manage to remain cool hanggang sa mapatayo silang dalawa ni Alice ng matapunan silang pareho ng wine.

"Ok, that's an excuse for us to change outfit" Ate Vera said at kaagad na hinila si Alice paalis doon.

She really know how to handle things.

Madilim na ng dumating si Hobbes. Nagkita pa kami sa may entrance when I decided to look for my Ate Vera and Alice.

"You are late. You go here lang ata for the food. Ang bad mong Ninong" sita ko sa kanya na mas lalo niya lang ikinatawa.

Itinaas niya ang dala niyang regalo for Gianneri. It's a small paper bag from a known jewelry brand.

"Ofcourse I'm here for Gianneri. And for your Ate Vera, ipakilala mo na ako" he said proudly, kita ko naman ang genuine happiness and excitement from him.

Matalim ang tingin ni Eroz sa amin ng makita niyang magkasama kami ni Hobbes na lumapit sa table nila. Piero cheered na akala mo may kapamilya siyang lumabas ng airport ng makita si Hobbes.

"I'm here for the food" pangaasar niya kay Eroz ng hindi pa din maalis ang talim ng tingin niya.

Natawa ang mga cousins niya dahil don kaya naman sinimangutan ko siya. They make chika pa muna bago naisip ni Hobbes ang tunay niyang pakay. Ang pagkain.

Saktong patayo na si Hobbes mula sa table ng makita ko ang pagbabalik nina Ate Vera at Alice, iba na ang mga suot nila ngayon sa suot nila kanina.

"Hob" Tadeo said bago niya nginuso si Ate Vera.

Sumimangot si Piero, tumawa na lang sina Cairo at Kenzo.

Tumayo si Hobbes, nakangiti siyang tumingin sa Ate Vera ko. The way he looks at her, parang bigla siyang napunta sa Wonderland.

We enjoyed the day, and I'm sure ganoon din si Gianneri. Sa sobrang pagod ay we decided na kinabukasan na lang mag open ng gifts.

We are still busy the whole morning the next day. Parang every meal ay may fiesta because we are all complete. Even si Hobbes, he stayed sa mga Herrer. Balak pa atang magbakasyon dito.

Hapon ng magpaalam si Yaya Esme sa amin, kasama niya ang dalawang kasambahay. They will go sa grocery and sa palengke.

"May papabili ka ba?" tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at umiling. Nakaramdam ako ng kakaiba ng magtagal ang titig niya sa akin. She was about to say something, pero sa huli. Hinaplos na lang niya ang pisngi ko.

Maybe nagooverthink lang ako. Baka siguro sa pagod. Inabala ko ang sarili ko sa pag open ng gifts ni Gianneri, my baby is happy by doing that also.

Nagaagaw na ang liwanag at dilim sa labas ng makarinig ako ng kaguluhan sa may sala namin.

"What happend?" tanong ko sa isang kasambahay.

"Senyorita Gertie, nawawala po ang Yaya Esme niyo" they said.

hindi kaagd iyon nag sink in sa akin. Nabalik lang ako sa wisyo ng maramdaman ko ang hawak ni Eroz.

"Pwersahan pong sinakay sa puting van habang namamalengke kami" kwento pa ng isa.






(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.3K 97 38
Teenagers. Young. Juvenile. Free. Madalas kapag sa murang edad nagsisimula lahat ang buhay natin. At a young age, we tend to explore. We make some co...
2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something