Suarez Empire Series 1: My He...

By Warranj

2.7M 101K 15.4K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... More

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
Prologue
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 5
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 13
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 30
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 45
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 62
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON 👀
My Heaven In Hell (book version)

MHIH 18

41.3K 2K 388
By Warranj

“May misa mamaya. Gusto mong dumalo?” tanong ko kay Hellios sa kabilang linya, nagbabaka-sakali kahit na alam ko naman na ang magiging sagot niya.

Hingang malalim ang naging sagot niya sa akin.

“You already know my answer to that, right? Ayokong pagtalunan natin ang bagay na ‘yan.”

“Huh? Kailan ba natin ito pinagtalunan, Hellios? You know how much I am respecting you regarding that.”

He sighed again and I know this is already frustrating him. Totoo lang naman ang sinabi ko. Sa ilang buwan na lumilipas at nangliligaw siya sa akin, ni minsan ay hindi ko nagawang itanong sa kaniya o ungkatin ang dahilan kung bakit tila may galit siya sa langit.

Hindi porque may nararamdaman siya para sa akin ay sasamantalahin ko na at panghihimasukan ang pribado niyang buhay. Sure he could open up to me and share whatever that’s bothering him. Pero hindi ako ang mauuna.

My respect for this man is to the roof.

“I know and I’m sorry. It just that it’s making me feel unworthy for you because of this.” he uttered that snapped me out of my thoughts.

“Stop thinking about that. And I’m sorry too if I was asking you to go to the mass,” I smiled a little. “I was just trying my l-luck.”

The line went silent for a minute or two until I heard his deep voice again.

“Can you still take me, Chloe?”

The way he dropped those words was laced with frustration and pain. I could hear it… clearly. And for me, it’s not a hard question. Alam kong hindi siya habang buhay magiging galit sa itaas. May hangganan ang lahat at hindi siya naiiba.

“There are times that you’re hard to understand and I admit that. But it’s fine. Masiyadong malawak ang pang-unawa ko para hindi ka intindihin. You can be yourself whenever you are with me and promise that I won’t judge you.”

“This is one of the times that I wanna curse so bad, baby.” He chuckled. “I want to see you.”

My lips stretched into a smile. “We can’t do that. Kailangan ko tumungo sa misa. Abala ka rin sa trabaho mo, hindi ba?”

“Yeah.”

“Saka na lang tayo magkita kung ganoon. Kapag libre na tayo parehas.”

Bawat pagkikita namin ay literal na palihim. I haven’t told to my parents about him — that someone is courting me. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nakakaramdam ako ng kaba, ‘yon ang totoo.

I’ve been creating sins for the past months whenever I was with him. Sa tuwing magpapaalam ako kina Papa na lalabas ako ay wala akong ibang idinadahilan kung hindi ang magpapadala ako ng mga order na rosary bracelets.

It’s a huge lie, I know. Maling-mali lalo na at ako sa sarili ko ay alam na hindi katanggap-tanggap sa mata ng Diyos ang ginagawa kong pagsisinungaling. I’m just trying to buy time, fill my heart with courage to tell them about him. Sandali na lang. Hindi ko na rin patatagalin pa.

“This will be the last time that we’ll be serving that church. Sa mga susunod na linggo, magkakasama na ulit tayo dito.” Si Papa nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng Manila Cathedral.

Maaga nila kaming inihatid ni Raphael dahil kagaya ng mga nakalipas na buwan, sa simbahan sa may Guadalupe sila magbibigay-serbisyo.

“Tapos na po kayo doon, Pa?” tanong ko habang isinusuot ang kwintas ko.

“Oo.”

Dapat ay masaya ako dahil kumpleto na ulit kami. Pero bakit nakakaramdam ako ng panghihinayang? Siguro ay dahil alam kong kapag narito na ulit sila, imposibleng makapagkita pa kami ni Hellios sa tuwing matatapos ang misa. Imposibleng maihahatid niya ako sa bahay.

Hayan ka na naman, Chloe. Huwag mong kakalimutan na pamilya ang pinaka-importante sa lahat. Kahit na umiibig ka na sa isang lalaki, pamilya pa rin ang una mong iibigin.

Bumaba na kami ni Raphael ng sasakyan at pumasok na ng simbahan. Sa meeting room ay naabutan namin ang ilang kasamahan na tila nagtitipon-tipon.

Naupo si Raphael sa isang tabi, tahimik lang at nagmamasid. Ganito siya lagi kapag narito. Halatang wala sa simbahan ang isip at interes.

“Chloe, mabuti at narito ka na.” masayang tawag sa akin ni Tita Prescy, isa sa mga lecter at matagal na rito sa Cathedral.

“Maaga po kami naihatid ngayon.”

I roamed my eyes and noticed a new face. Babae, tingin ko ay kasing-edaran ko. She’s wearing a uniform like we have. May belo rin sa ulo, maganda at maputi. She’s smiling to the Minister while talking.

“May bago tayong kasamahan. Her name is Hannah. She’s from a church in Cavite. Nalipat dito dahil lumipat na rin ng tirahan.” pakilala ni Tita Prescy.

Lumingon ‘yong Hannah sa akin bago ngumiti. I smiled at her, too. At nang ialis niya ang tingin niya sa akin ay hindi ko maiwasan ang purihin siya sa isip ko.

She’s very pretty with her upturned eyes and thick but well-groomed eyebrows. Matangos rin ang ilong niya at maliit. She got perfect cheekbones that protrudes whenever she’s smiling. Maliit lang rin ang mga labi niya napipintahan ng lipstick na kulay rosas.

Maganda siya. Magandang-maganda.

“She’s so pretty, ate.”

Nilingon ko si Raphael. Naabutan ko siyang nakatitig kay Hannah, halatang humahanga. Ginulo ko ang buhok niya, nangingiti.

“Crush mo siya?” bulong ko.

Ngumiti siya nang bumaling sa akin. “No. I just admire her beauty. Ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa akin.”

Mas lalo kong ginulo ang buhok niya at mahinang nagtawanan. I once again looked at Hannah, she’s now standing while looking at her reflection through the oval mirror.

Matangkad pala siya. Higit na matangkad kaysa sa akin. Kapag magkatabi kami ni Hellios, hanggang braso niya lang ako. Lalo na at hindi naman ako palasuot ng mga sapatos na may takong.

I was supposed to be the Commentator but Tita Prescy said that Hannah would take the position just for now. Wala namang problema sa akin ‘yon kahit pa ako ang maging Lecter o Commentator. Kahit na anong posisyon para magsilbi sa Diyos ay tanggap ko.

Puno ang simbahan, maraming tao ang dumalo ng misa. Sana lahat ay ang salita talaga ng Diyos ang idinayo.

I was holding the Bible straight up to my head as I marched towards the altar. Diretso dapat ang tingin, iyon ang isa sa mga batas ng simbahan.

Pero malayo pa lang ay natatanaw ko na sina Lola Carmina at Tita Empress sa gilid, nakatingin sa akin habang nakangiti. As much as I know that it’s not allowed to make any reaction, I still smiled at them. Kaagad kong hinubad ang ngiti at itinuon na sa altar ang atensyon.

Nagsimula ang misa. Ang boses ng Pari at ni Hannah ang pumailanlang sa buong simbahan. Habang nakaupo sa silya sa gilid ng altar ay nahagip ko si Lola Carmina na kumaway sa akin. Muli ko siyang nginitian bilang tugon.

Samantalang nang si Raphael naman ang tanawin ko sa unang hilera ng upuan sa harap ay nakita ko siyang pipikit-pikit na.

Mabuti na lang at wala sina Papa dito. Kung hindi ay siguradong mapapagalitan na naman siya.

Natapos ng maalwan ang misa. Hindi ko na nakita pa sina Lola Carmina at Tita Empress sa loob. Baka nagmamadali at umuwi na rin. Nagkita rin naman kami nung nakaraang linggo at ibinigay sa akin ang mga pasalubong ni Lola Carmina dahil nagbakasyon pala sila sa Australia.

“Ate, ako na ang magbubuhat ng bag mo. Baka mabigat na ‘yan.” sabi ni Raphael habang papalabas na kami ng simbahan.

Nakatungo ako at hinahanap ang pouch ko kung saan naroon ang pera. Magko-commute lang kami kagaya ng nakasanayan.

“Ayos lang, Raph. Hindi naman—”

Kusa akong nahinto sa pagsasalita nang matapos ko mag-angat ng tingin mula sa bag ay nakita ko si Hellios na nakasandal sa hood ng kotse niya… sa harap niya ay si Hannah.

Magkakrus ang mga braso niya, ganoon rin ang mga paa habang nakatingin kay Hannah. There’s a little rise on the corner of his lips. Hannah’s lips are moving. Tumatawa pa nga.

Bakit narito si Hellios? Kanina pa ba siya? At saka… bakit sila magkausap ni Hannah? Magkakilala pala sila?

Kahit hindi dapat, nakaramdam ako ng kurot sa puso ko. Alam kong tama na binibigyan ko ng malisya na nakita ko sila. Mali. Baka nag-uusap lang at matagal nang magkakilala.

Pero bakit iba ang bulong ng puso ko? Bakit parang may pait?

“Ate, si Kuya Hell, oh!” turo ni Raphael na kaagad kong hinila ang kamay pababa. “Magkakilala pala sila nung Hannah?”

“Ate Hannah, Raph. Mas matanda siya sa’yo kaya dapat mo siyang igalang,” sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. “Hayaan na natin sila. Baka mayroon silang importanteng pinag-uusapan.”

“Doesn’t seem like it.”

Hindi ko na inintindi pa ang sinabing ‘yon ni Raphael at hinila na siya paiwas sa direksyon nina Hellios at Hannah. Some part in me don’t want to show myself to him while they’re talking. Basta ayaw ko lang.

Nakasakay na kami ni Raphael sa isang taxi. Sa biyahe, laman ng isip ko si Hellios. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kirot sa puso ko at isa lang ang nakikita kong dahilan.

Bakit ako magseselos? Wala naman silang ginagawang masama at malaya si Hellios na kausapin ang kahit na sino’ng gusto niya. Courting me doesn’t refrain him from talking with someone he likes even if it’s a girl. When you love someone, you must learn to trust that person because it’s the most powerful foundation of your relationship.

There. I said it. I’m already in love with him.

“Aren’t you jealous, ate?” Raphael cut my train of thoughts.

Mula sa labas ng bintana ay nilingon ko siya. Wala naman sa akin ang atensiyon at nasa harapan lang.

“Jealous of what?”

“It should be who, ate. I’m talking about Kuya Hell. He’s with Ate Hannah.”

Napakurap-kurap ako. Bakit ganito ang tanong niya? Wala naman siya alam tungkol sa amin ni Hellios. Iyon ang pagkakaalam ko dahil kahit sa kaniya ay hindi pa ako nagkukwento.

He gave me a quick glance. “I know that he’s courting you.”

I was literally speechless for the next couple of seconds for words didn’t rush down my lips. Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kaniya. I didn’t expect that he would know my biggest secret right now.

“How?” Was all I said.

He smiled a little as if he’s trying to tell me that it’s fine.

“I was about to go to your room to ask something when I heard you talking over the phone. Akala ko ay kaibigan mo lang pero naalala kong wala ka pala no’n. Until I heard Kuya Hell’s name and about him courting you. It’s not my attention to eavesdrop, ate. Believe me. Umalis rin kaagad ako pagkatapos no’n.”

It’s careless of me to talk to Hellios without even thinking that somebody might hear me. Masiyado akong nakampanti dahil alam kong wala sina Mama at Papa.

“Hindi naman kita isusumbong, ate. Kakampi mo ako. You’re even at the right age to have a boyfriend. Pero kung sakali na sagutin mo si Kuya Hell, wala ka bang balak na sabihin kina Papa? Introduce him, perhaps?”

Bumuntonghininga ako. “Mayroon. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.”

“Siguradong minus points siya sa’yo. May kausap na ibang babae, e.”

Ngumuso ako. “Wala ‘yong malisya, Raph. Nag-uusap lang sila at wala namang ginagawang masama?”

Pumalatak siya. “Why didn’t you show yourself if that’s the case? If he’s courting you, he’s there for sure because of you.”

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabing ‘yon ng kapatid ko. Siguro nga ay tama siya, maaaring naroon si Hellios dahil sa akin. Naunahan lang ako ng selos na nahirapan pa akong tanggapin nung una. Seeing him with another woman pains me. And as much as I want to control it, the fire of jealousy created thick smoke and it was oozing out of my heart.

Madilim pa ang bahay namin nang huminto ang taxi sa mismong tapat. Siguradong wala pa sina Papa. Maaaring kagaya nung mga nakalipas na linggo ay hating-gabi na sila kung umuwi. Nagdududa ako pero wala silang naririnig sa akin. They already know what they’re doing.

“Ito po ang bayad, manong.” sabi ko saka inabot ang pera sa cab driver.

Pagkakuha niya ay bumaba na ako, gano’n rin si Raphael. As soon as the car doors close, a light from behind suddenly hit us. Awtomatiko kaming napatingin ni Raphael doon. A black luxury car stopped just meters away from us. And right at this moment, I already knew that it’s him.

Hindi nawaglit ang tingin ko roon kahit pa umalis na mula sa harapan namin ang cab na sinakyan. Namatay ang headlights. Sumunod ang makina. Bumukas ang pintuan sa driver’s seat. Iniluwa no’n si Hellios na seryoso ang ekpresyon ng mukha, sa akin kaagad nakatuon ang mga mata.

I glanced at my brother. There’s a smirk rolling over his lips as he shrugged his shoulders. Ibinalik ko ang tingin kay Hellios, naglalakad na ito palapit sa akin. The way he walks screams authority. He even has the air of being the ruthless man he is.

Hindi nawaglit ang tinginan namin sa isa’t isa hanggang sa huminto siya sa harapan ko. Tiningala ko siya, literal na nangliliit sa tuwing siya ang katabi ko.

“Ang bilis n’yong nakauwi,” bungad niya, titig na titig sa mga mata ko. “I was outside the church waiting for you.”

My eyes blinked. Ano ba dapat ang isagot ko? Sasabihin ko ba na nakita ko naman siya na naroon pero hindi na ako nagpakita pa dahil abala sila sa pag-uusap ni Hannah?

That sounds too bitter, Chloe. Just tell him that you didn’t see him at all.

“T-Talaga? I didn’t see you. Nagmamadali kasi kami ni Raphael.” pagdadahilan ko.

Tumingin si Hellios sa gawi ni Raphael at tinitigan ito ng ilang sandali. I didn’t hear anything from my brother. Siguro ay wala naman siyang reaksyon at sinasakyan na lang ang mga sinabi ko.

“Ate, if you and Kuya Hell want to talk, I suggest you do it inside your car, Kuya Hell. Baka kasi biglang dumating sina Papa at maabutan kayo riyan.”

As if on cue, my phone suddenly rang in my bag for a text message. Kinuha ko kaagad ‘yon at nakitang si Papa nga. Mabilis na kumalabog ang puso ko.

Papa:

Are you home, Chloe? Lock the door. Mamaya pa kami makakauwi ng Mama mo dahil birthday ng kasamahan naming Minister dito. There will be a celebration in his house and we’re invited.

And just like that, the fast beating of my heart immediately went to normal. Siguradong kagaya noon, hating gabi na sila makakauwi.

“Si Papa, ate?” segunda ni Raphael.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago tumango.

“They’ll be home late.”

“If that's the case, sa loob na lang kayo ng bahay mag-usap, ate.”

Tiningnan kong muli si Hellios at naabutan itong nakatitig sa akin. Masiyadong matiim at tila nakakalunod kung lalabanan.

“Uh, do w-we have something to talk about?”

He sighed. “Always.”

Nag-iwas ako ng tingin. Kung mayroon man, sa tingin ko ay mas maayos na sa loob na lang kami ng bahay mag-usap. Hindi pa rin naman uuwi sina Papa. At isa pa, siguradong sandali lang ang magiging pag-uusap namin.

Patawad, Ama. Papapasukin ko po si Hellios sa bahay namin at alam kong mali ito dahil sa gagawin namin ito ng patakas. Pinapangako ko po na ipagtatapat ko na sa mga magulang ko ang tungkol sa amin.

Tumango ako. “Tumuloy ka kung gano’n.”

Tahimik kaming tatlo nang pumasok sa bahay. Nauuna si Raphael, sumunod ako bago si Hellios na nasa likuran ko. My heart was pounding so bad that it almost wanted to go out of my ribcage.

“Pasok na ako sa kwarto ko, ate.” Si Raphael.

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Pumihit ako paharap sa gawi ni Hellios at halos mapaatras nang makitang halos ilang sentimetro na lang ang layo niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay niya nang bahagya akong umatras palayo.

“Gusto mo ng juice o hindi kaya ay kape? Igagawa kita.” sabi ko.

Hindi siya sumagot, masiyadong tahimik ang paligid dahil nakatitig lang siya sa akin at tila walang balak na magsalita.

Yumuko ako sa mga paa. Nakasuot pa rin ako ng puting uniporme sa simbahan, hindi na naisipan pang magpalit kahit pa masiyado akong pormal sa itsura ko. Hindi bale, pormal rin naman ang suot niya dahil siguradong galing pa siya sa trabaho.

“Ikukuha na kita.”

Tumalikod ako. Nakakailang hakbang pa lang ay naramdaman ko na ang hawak sa aking siko at paghila pabalik sa kaniya. Nagtamang muli ang mga mata namin.

“Do we have a problem?” he asked.

Umiling ako, mabilis at sigurado. “Walang problema. Bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Liars can’t go to heaven, Chloe.” balik niya sa palagi kong sinasabi sa kaniya

“W-Wala naman talaga tayong problema, Hellios.”

He nodded. “You’re not mad, got it. Jealous then?”

Hindi ako nakasagot, nabitin sa ere ang mga sagot na dapat ay ibabato ko sa kaniya sa paraang hindi niya mararamdaman na may mali. This isn’t something we can both deal. Ako lang ang may kailangan umayos nito dahil sarili ko lang naman ang sa tingin ko ay may problema.

Hellios talking with another girl shouldn’t be a big deal. Pero para sa akin, nagiging problema at ayokong malaman niya ‘yon.

Pero sandali! Bakit niya naitanong kung nagseselos ako?

“I saw you leave the church, Chloe. Nagmamadali. Imposibleng hindi mo ako nakita dahil nasa mismong bungad lang ako. You saw me talking with Hannah, didn’t you?”

Naiwan akong titig sa kaniya, hindi alam kung ano’ng sasabihin. Nakita niya ako? Hindi imposible. Kaya ba mabilis rin siyang nakasunod sa bahay namin?

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na kinakaya pa ang intensidad ng mga mata niya.

“Ikukuha na kita ng maiinom.”

I was about to turn around again when he caught my elbow again that made me feel frustrated all of a sudden.

Bakit kasi ang kulit?! Ayoko nga sabihin sa kaniya ang bagay na ‘yon.

Busangot na ang mukha ko nang harapin siya. He chuckled playfully.

“Oh no. Looks like my baby’s losing her cool now.” pang-aasar niya pa.

“Hindi nga ako galit, Hellios—”

“Nagseselos lang?”

“Bakit naman ako magseselos? I don’t see any problem if you’re talking to her or to anybody you want.”

“Uh-huh. Bakit hindi mo ako dinaanan kung ganoon? You know very much that I was there for you.”

Tumaas ang dalawa kong kilay. “Hindi naman ako sigurado kung ako ba talaga ang dahilan kung ba’t ka naroon. Baka si H-Hannah.”

He laughed and it’s more of a sarcastic laugh.

“Didn’t I tell you earlier today that I wanted to see you? And the last time I checked, ikaw ang nililigawan ko at hindi siya.”

For the nth time, I was lost for an answer. I looked into a far distance, trying to avoid his dark gazes.

Bakit nga sila magkausap kung gano’n? At saka, bakit parang matagal na silang magkakilala?

“I just met her while I was waiting for you outside. She almost slipped in front of me and I helped her. She’s probably thanking me the time you saw us talking. Nagulat na lang ako, nagmamadali ka nang sumakay ng taxi.”

Sparks cralwed through my veins when Hellios hold on my elbow moved a little. Napako ang tingin ko sa mga mata niya, ganoon rin siya sa akin. He slightly pulled me closer to him as he’s now holding my arms. He placed them on his waist.

Bigla kong naramdaman ang panginginig ng sikmura ko nang tuluyan nang mapahawak sa bewang niya. Pigil ang hininga ko nang makipagsukatan ako ng titig sa kaniya.

“Is that reason enough for you?” he asked, almost like a whisper.

“You don’t have to explain, Hellios. It’s not your responsibility to give me explanations—”

“It is. I don’t want you to get mad at me, Chloe. Ayokong bigyan ka ng kahit anong dahilan para magalit sa akin.”

Tumungo ako, ramdam ang matinding kuryente na dumadaloy sa puso ko. Sa tingin ko ay sinsero naman siya sa mga sinasabi niya. I always know when someone is lying to me.

My knees turned like a jell-o when he suddenly brought his hands on my waist, too. Lumunok ako. Titig na titig siya sa akin, namumungay ang madidilim na mga mata.

“Let me repeat my question. Are you jealous?”

I bit my lower lip. Sinundan niya ‘yon ng tingin ngunit kaagad rin ibinalik sa mga mata ko. I tried to avoid his gaze when I heard him chuckle.

“Eyes on me, baby.”

Bumuntonghininga ako. Sa tingin ko ay wala na rin akong magiging lusot pa dito. He didn’t leave me the choice to escape. Wala akong pagpipilian kung hindi ang aminin sa kaniya ang totoo.

“Hindi ko sinasadya. I know I don’t have the right to feel j-jealous because I am not your girlfriend—”

“Be my girlfriend then so you can have all the rights.”

Ngumuso ako. “Para-paraan ka naman, Hellios, e.”

Humalakhak siya, lumitaw tuloy ang biloy niya sa pisngi dahilan para mas lalo ko siyang titigan. He licked his bottom lip, the smile was still there.

“You’re jealous, Chloe. And that only means one thing...” he said, the tone of his voice was husky. “You know what I’m talking about.”

I didn’t expect that confessing your real feelings towards someone is this nerve-racking. Akala ko ay madali lang sabihin sa isang tao ang nararamdaman mo dahil pawang katotohanan lang naman ang sasabihin pero bakit parang ang hirap?

“I see. Finding it hard to confess?” he mocked.

My lips protruded. Tumango ako.

“I’ll make it easy for you then.”

How?

Dinala niya ang kamay sa pisngi ko. His knuckles gently brushed my cheek while eyeing me deeply. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang magpadala sa lalim ng bawat titig niya.

“Are you already in love with me? Just yes or no.”

Huminga ako nang malalim, hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. Wala na akong makitang dahilan para tumanggi siya ‘gayong sinusubukan niya nang padaliin sa akin ang sitwasyon kahit pa gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa tensiyon.

Couldn’t look at his eyes anymore, I leaned my body towards him and burried my face against his chest. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko.

“Yes.” I mumbled, my eyes shut tight.

He must’ve felt me getting embarrassed by the time when I heard him chuckle.

“Can I curse? Just this once.”

Tumango ako, humigpit ang kapit sa tela ng long sleeve niya.

“Godammit!” he spit out. “Finally.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 34.2K 64
The start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna kung hindi ang maiahon sa kahirapan ang pa...
1.4M 57.3K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
798K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...
106K 7K 23
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...