Sa Susunod Na Habang Buhay |...

Por yogirlinmorning

2.4K 200 126

Unexpected things happens to Mia's already messed up and well threatened life as she goes with her new case... Más

00
PROLOGUE
SSNHB - 01
SSNHB - 02
SSNHB - 03
SSNHB - 04
SSNHB - 05
SSNHB - 06
SSNHB - 07
SSNHB - 08
SSNHB - 09
SSNHB - 10
SSNHB - 11
SSNHB - 12
SSNHB - 13
SSNHB - 14
SSNHB - 15
SSNHB - 16
SSNHB - 17
SSNHB - 18
SSNHB - 19
SSNHB - 20
SSNHB - 21
SSNHB - 22
SSNHB - 23
SSNHB - 24
SSNHB - 25
SSNHB - 26
SSNHB - 27
SSNHB - 28
SSNHB - 29
SSNHB - 30
SSNHB - 31
SSNHB - 32
SSNHB - 33
SSNHB - 34
SSNHB - 35
SSNHB - 37
SSNHB - 38
SSNHB - 39
EPILOGUE
AM
SSNHB - Special Chapter

SSNHB - 36

41 3 0
Por yogirlinmorning

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon na nga ang pinaka-aantay na araw ng pamilya ni Ken at Grace. Dave and I spent the rest of 2 weeks making sure that we gathered strong evidence to put Mark and Ramon Herrera behind the bars.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay patuloy ang pagbabanta sa buhay ko pero dahil sa palaging pagmomonitor ni Dave sa akin at kay Ken ay agad kaming nakakaiwas sa kapahamakan. Laging may mga nakapaligid na pulis sa amin na siyang kumikilos kapag sinusubukan akong saktan ng mga tauhan ni Ramon Herrera.

Sa nakalipas na araw din ay napansin ko rin ang pagiging ilang ni Ellena sa akin mula nung huli kaming magkausap. Madalas ko rin siyang nakikitang problemado dahil sa mga ginagawa ni Ramon Herrera. Alam kong nahihirapan na siya at gusto ng bitawan ang mag-ama, pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa kaniya.

Napabaling ang atensyon ko kay Ken na tahimik lang na kumakain ng pancake habang nakaupo kami sa couch at nanonood ng balita. Tinitigan ko ang maamo at seryoso niyang mukha. Mayroon na lang pala akong tatlong araw para makasama siya.

Sa mga lumipas na araw ay siniguro kong masusulit ko ang bawat oras na kasama ko siya. Lagi kaming namamasyal tuwing pagkatapos ng trabaho ko sa law firm, at sa gabi naman ay lagi kaming sa may balcony na nakakatulog. Sa mga araw na iyon ay ramdam kong nag-uumapaw na ang saya at pagmamahal sa puso ko.

Tumingin ako sa oras at nakitang alas otso y media na. Sumandal ako sa balikat ni Ken. I am now wearing my office suit at inaantay na lang si Dave. Dave and Ken didn't let me drive all alone again. Natakot na sila na baka may mangyari na namang masama sa akin. Hindi na rin ako nakipagtalo at sinunod na lang ang gusto nila.

"Papunta na raw ba sila Liam?" Tanong ko sa kaniya at kumuha ng piraso sa pancake na kinakain niya. Agad naman niyang hinati yung pancake at sinubuan ako bago sinagot ang tanong ko.

"Oo, dadaanan daw muna nila sila mama at papa eh, kasi gusto daw akong makita." Sagot naman niya.

"So, isasabay na lang namin ni Dave sila Tito and Tita. Sasama ba sa korte sila Khloe and Kat?" Tanong ko muli. Umiling naman ito.

"Hindi na daw sila sasama. Dito na lang daw sila. Bali si Paulo at Jake ang sasama kila mama at papa. Tapos si Dustin at Liam ang kasama namin dito nila Khloe at Kat." Sagot niya muli.

"Wait lang. Timplahan lang kita ng kape mo. Baka padating na si Dave." Saad niya at hinalikan ako sa pisngi bago siya tumayo para pumunta sa kusina.

Napangiti naman ako ng makita ko ang papalayo ng likod. Sa natitirang araw namin, mula ng aminin naming mahal namin ang isa't isa ay walang oras o araw na hindi ako hinahalikan ni Ken sa pisngi o noo kapag hihiwalay siya sa akin ng ilang minuto o oras.

Maliit na bagay lang sa iba, pero para sa akin lahat ng ito ay malaki. Everything that Ken do is a big deal for me. Kasi si Ken yun eh. Sa kaniya galing. Siya ang gumawa. Kaya hindi ko alam kung paano ko masasanay muli ang isip at puso ko sa oras na mawala na siya. Hindi ko alam kung masasanay pa ba ako na wala siya sa tabi ko.

Pero kailangan.

Kailangan ko patuloy na maglakad papunta sa dulo. Dahil alam kong ang relasyon lang namin dito sa mundong ito ang mauunang matapos pero hindi ang pangarap ko. At alam ko na hindi niya gugustuhin na huminto ako.

Kasi kahit mawala siya at kahit huminto ako, hindi hihinto ang oras at mundo para sa aming dalawa. Kailangan naming magpatuloy sa paglalakad kahit na magkaiba na ang landas na tatahakin namin. Pero kahit magkaiba, alam kong sa huli... magtatagpo muli kami sa gitna. Gaya ng kung paano kami nagtagpo sa gitna ng daan. Sa gitna ng trapiko at ng aksidente.

Sa gitna ng magulong mundo na hindi tumigil kahit may buhay ng binabawi.

Napatingin ako sa bintana ng may marinig akong dalawang sasakyang huminto sa tapat ng bahay. Nang silipin ko ang labas ay nakita kong sabay lang dumating si Dave at ang pamilya at kaibigan ni Ken.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:20 na. 11:30 ang simula ng hearing kaya may iilang minuto pa kami bago umalis. Lumabas na si Ken sa kusina dala-dala ang tumblr ko na may lamang kape at kasabay non ay ang pagpasok nila Dave sa loob ng bahay.

"Good morning Atty." Bati ng apat sa akin at niyakap ako. Sa nakalipas na mga buwan ay mas lalong napalapit ang loob ko sa mga kaibigan ni Ken. They treat me as their sister and I looked up to them as my brothers.

Hindi ako makapaniwala na sa halos limang buwan ko sa paghawak ng kaso na ito ay makakatagpo ako ng bagong pamilya. Nagtago kami sa kakaibang paraan at sa hindi inaasahang pagkakataon. Pero itong pamilyang ito ang bumuo sa akin at nagparamdam ng walang katapusan na saya at pagmamahal.

"Good morning." I greeted them back. Sumunod naman na yumakap sa aking dalawang kapatid ni Ken.

"Good morning Atty., ang ganda mo po." Saad ni Khloe at hinalikan ako sa pisngi. Gaya ng kuya niiya ay sobrang sweet rin nito.

I smiled at her and pinched her cheeks. "Thank you. Maganda ka rin Khloe, tandaan mo yan." Saad ko sa kaniya. Kumindat lang siya sa akin atsaka lumapit sa kuya niya na kausap na ngayon ang mga kaibigan niya.

"Atty. alam kong maipapanalo mo itong kaso na 'to. I'm rooting for you. We're rooting for you." Nakangiting saad ni Katrina atsaka ako niyakap ng mahigpit. I hugged her back and kissed her cheeks.

"Thank you, Kat. I will not fail you." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at sumunod kay Khloe na nasa kusina na ngayon kasama sila Paulo.

"Handa ka na Mia?" Tanong ni Dave ng maiwan kami sa sala kasama ang mga magulang ni Ken at si Ken. Tumango ako sa kaniya atsaka bumaling sa magulang ni Ken.

"Handa na akong ipanalo ito Tito, Tita. Para sa inyo at kay Ken ito." Sagot ko at matamis na ngumiti sa kanila.

Naluluhang lumapit sa akin si Tita Mylene at niyakap ako.

"Maraming salamat Mia. Hindi ko alam kung anong gagawin namin kung hindi ka namin nakilala." Saad nito at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Anak, ang swerte mo kay Atty." Narinig kong saad ni Tito Danilo. Humiwalay naman sa akin si Tita Mylene at saka ngumiti ng tumabi sa akin si Ken at pinalibot ang kamay niya sa bewang ko.

"Alam ko pa." Sagot nito at pinatakan ng halik ang sintindo ko. Mahina ko naman siyang kinurot dahil sa hiya.

"Kumain na po ba kayo Tito, Tita?" Tanong ko sa mga ito. "Kain po muna kayo bago tayo bumiyahe papunta sa korte." Saad ko sa kanila. Tumango naman sila at sinabayan si Ken sa paglakad papasok sa may dining area.

"Ikaw Dave?" I asked Dave. Umiling lang siya sa akin at naupo sa sofa para manood ng T.V.

"I don't feel like eating. Saka na pag nasa kulungan na yung mag-ama na 'yon." Sagot niya sa akin at kinindatan ako.

Tumawa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi na ako sumunod sa kusina at hinayaan na lang si Ken na sulitin ang oras na makasama ang mga kaibigan at ang pamilya nito. Magkatabi kaming nanood ni Dave ng isang morning show dahil tapos na ang balita.

It was around 9:40 ng lumabas ng kusina sila Tita Mylene at Tito Danilo. Nasa likod nila sila Liam at Dustin na kausap ang dalawang kapatid ni Ken. Habang si Ken naman ay nahuling lumabas dahil kausap pa nito sila Jake at Paulo.

"Oo dre kaming bahala. We'll keep you updated." Narinig kong saad ni Jake at tinapik ang balikat ni Ken.

Tumayo na kami sa pagkakaupo at agad akong lumapit kay Ken. May inabot muli ito sa akin na tumblr na ang laman naman ngayon ay tubig na may hiniwang lemon.

"Para hindi puro kape dumadaloy sa katawan mo." Saad niya at nakakalokong ngumisi sa akin. Mahina ko namang hinampas ang braso niya dahil sa pang-aasar niya.

"Heh! Dugo pa rin dumadaloy dito, imbento ka." Tumatawang saad ko.

"Aalis na kami. Dustin and Liam, kayo na muna bahala dito ha." Bilin ko sa dalawang kaibigan ni Ken. Sumaludo naman ang mga ito at sabay na sumagot.

"Aye! Captain!" Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa kanila. Nang makabawi sa pagtawa ay humarap na ako kay Ken at nagpaalam sa kaniya.

"Aalis na kami. Don't worry, I'll make sure to give you the justice you deserve. Gagalingan ko." Nakangiting saad ko sa kaniya habang mahigpit na hawak ang kaniyang kamay.

"Alam ko namang magaling ka at maipapanalo mo ito. Dahil hindi lang naman ito para sakin kundi para rin kay Grace." Tugon niya at matamis na ngumiti sa akin.

"Basta bumalik ka lang agad sa akin, Mia. Sapat na sa akin iyon." Aniya at hinatak ako palapit sa kaniya para mayakap.

"Mahal kita, Ken. Sobra. Handa akong gawin lahat para maibigay yung hustisyang matagal mo na dapat natamo." I said sincerely and hugged him tightly.

"Mahal din kita Mia. Sobra. At salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hindi ko alam paano ako babawi habang narito pa ako, pero siguro sa susunod na habang buhay, ako na ang magbibigay ng lahat sayo."

Hindi na ako nakapagsalita dahil wala ng gustong lumabas sa bibig ko. Akala ko ako ang pinakamagling sa salita dahil ito ang lagi kong naririnig sa mga naging kliyente at nakalaban ko sa korte. Pero mali ako, may isang Ken Vargas na kayang-kaya patiklupin ang dila at bibig ko sa pagsasalita.

I kissed Ken's cheeks before I bid him another goodbye.

"See you later!" Nakangiting sabi niya at pinatakan ng halik ang aking noo at ilong.

"See you later!" Nakangiting tugon ko. Nang humiwalay na ako sa kaniya ay nakita kong nakanguso na sila Liam, Dustin, Katrina at Khloe sa may pinto dahil kanina pa pala nakalabas sila Dave, Paulo, Jake at ang magulang ni Ken.

I just laughed at them and bid them goodbye once again before I walked outside. Nang makita ako nila Dave na naglalakad na papalapit sa kanila ay agad na pumasok ito sa loob ng sasakyan upang buksan ang makina nito. Tita Myle and Tito Danilo also went on the backride kasama sila Paulo at Jake. Buti na lang at ang 8-seater na sasakyan ni Dave ang dinala niya.

~

I looked at my phone when it vibrated. I receive two text messages, one from Paulo and the other one is from Mia they both just updated me that they are already at the court. I replied to them wishing Mia good luck para sa hearing na ito.

Paulo and Jake will be the ones to update us kung ano ang nangyayari doon. Hindi rin naman ito naka telecast kaya hindi rin namin mapapanood sa balita. Siguro kapag natapos na at may resulta na.

It's already 11:30 when I receive a call from Jake. Sinagot ko naman ito agad at nilagay sa loud speak para marinig din nila Liam, Dustin at ng dalawa kong kapatid.

"Hello, Jake." Sagot ko rito.

"Magsisimula na, hind ako magsasalita pero wag mong ibababa itong tawag. Makinig lang kayo." Mabilis na saad nito.

"Okay." Ang naging tugon ko lang. Maya-maya pa ay may narinig na kaming mga nagsasalita. Ipinakilala ang magiging judge sa hearing na ito at kasunod nun ay ang pagpapakilala kay Mia at Dave.

Binanggit din ang pangalan ni Ellena bilang abogado ng mga Herrera. Ilang oras pa ay narinig ko ng nagsalita si Dave. Hindi ko maintindihan ang ibang binabanggit niya pero ng marinig ko ang pangalan ni Grace ay doon ko napagtanto na inilalahad nito ang mga ebidensya laban kay Mark Herrera.

Natapos na sa pagsasalita si Dave at tinawag nito si Grace upang magbigay ng pahayag. Ilang segundong natahimik ang sa kabilang linya bago ko narinig na magsalita si Mia.

"February 16 ng kasalukuyang taon, nasaan ka Grace ng araw na ito?" Tanong nito.

Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Grace. "Birthday po ng kaibigan ko ng araw na iyan Atty., kaya nagpaalam ako kila mama na pupunta ako roon para maki-celebrate." Sagot nito.

"Maaari mo bang ikwento ang buong nangyari?" Tugon ni Mia.

"Pauwi na dapat ako Atty., ng biglang may humawak sa braso ko. Akala ko kaibigan ko lang kaya sumama ako nung hilain ako nito. Madilim na sa paligid nun Atty., dahil halos lahat ay nagsasaya at mga lasing na." Pagsisimula ni Grace sa pagkukwento.

Nag-angat ako ng tingin kila Liam na nakikinig lang din.

"Hatak-hatak niya ako Atty., hanggang sa itulak niya ako papasok sa isang kwarto..." Pagpapatuloy nito pero napahinto rin. Rinig na rinig namin ang pangangatal ng boses nito, badya na papaiyak na ito.

"Ilang beses kong tinanong kung sino sya at kung nasaan kami. Nahihilo na rin ako noon Atty., dahil nakainom rin po ako. Pero hindi siya sumagot. Tinulak niya na lang ako bigla hanggang sa mapahiga ako sa k-kama..." Umiiyak na pagpapatuloy nito.

Agad na kumapit sa braso ko si Khloe habang si Katrina naman ay lumipat sa pagitan nila Liam at Dustin.

"H-hanggang sa ginawa na niya iyon Atty., paulit-ulit niya akong binaboy Atty."

"Kuya..." Bulong sa akin ni Khloe. Niyakap ko naman ito dahil ramdam ko ang takot nito dahil sa naririnig.

"Hindi totoo yan!" Narinig naming sigaw ng isang boses ng lalaki.

"Hindi ko alam kung ilang oras na ba niya akong ginalaw at binaboy atty., dahil ilang beses rin akong nawalan ng malay dahil sa pagsuntok niya sa tiyan ko. Basta nagising na lang ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Luke." Pagpapatuloy ni Grace.

"Salamat Grace. Dave paki-alalayan muna si Grace." Saad ni Mia ng matapos magkwento si Grace.

Tinawag nito si Luke na siyang binanggit ni Grace na nakakita sa panggagahasang ginawa ni Mark. Gaya ni Grace ay nagbigay din ng statement si Luke base sa kung ano ang nasaksihan niya noong araw na iyon.

Pagkatapos magbigay ng pahayag ni Luke ay nagsalita na ang judge at hiningi ang pahayag ng kampo nila Ellena.

"Your Honor, parehas na lasing si Mark at Grace noong araw na iyon. Maski ang naging saksi ay lasing din kaya walang kasiguraduhan kung si Mark Herrera nga ba ang gumawa noon sa kaniya." Narinig kong saad ni Ellena.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinaad ni Ellena.

"Kuya, diba si Ate Ellena ito?" Nagtatakang tanong ni Katrina sa akin. Tumango lamang ako sa kaniya.

"Grabe pinagtatanggol niya ang rapist at mamamatay tao na yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Sinenyasan ko na lang siya na makinig na lang muna.

"So, you're implying that Grace wanted that to happen to her? So, are we victim blaming right now?" Narinig kong sarkastikong tanong ni Mia.

"In the first place, she shouldn't have drunk." Sagot naman ni Ellena.

"So, you're telling dapat hindi ka rin uminom noong pinakilala ka sa law firm as your welcome party. Kasi kung sayo nangyari yung nangyari kay Grace maaaring ganiyan din ang sabihin ng abogadong hahawak sayo." Tugon naman ni Mia.

"It's not about me, Atty. Ramirez." Tugon ni Ellena at bakas na ang inis sa tinig nito.

"Yes, this is not about you. Kaya wala ka ring karapatan na sisisihin si Grace dahil kahit ginusto o hindi niya ang nangyari, sex without a consent is considered as rape. You should know it by now." Maanghang na tugon rin ni Mia.

Narinig namin ang paghampas ng judge at ang pagpapatahimik nito sa dalawa.

"Let's stick with the case. Atty. Mia, you can now do a cross-checking of evidence." Saad ng judge.

Pinakinggan lang namin si Mia at Dave na pinapakita ang mga ebidensya na nakalap nila, hanggang sa mapunta na ito sa kaso ko.

"Reckless driving that results to murder. Mark Herrera, ano pa ba ang kaya mong gawin?" Tanong ni Mia. Her voice is void of any emotions.

"Kitang-kita sa CCTV ang plaka ng sasakyan mo, even the fingerprints on the steering wheel matches yours. Ngayon, paano mo ito idedeny?" Maanghang na tanong ni Mia rito.

Ilang minuto kaming nag-antay sa sagot nito ngunit nanatili itong tahimik.

"That's all. Your honor." Saad ni Mia matapos ang ilang minuto.

Napatingin kami sa cellphone ng mamatay ang tawag. Agad ko namang tinext si Jake kung ano ang nangyari. Hindi ito agad nag reply kaya naman inaya ko na muna sila Liam na kumain dahil pasado ala una na rin.

Matapos ang ilang minuto ay muling tumawag si Jake sa akin. 



Seguir leyendo

También te gustarán

178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
14.8K 687 25
[SB19 Series #1 | JOSH FAN FICTION | Completed] You were my best friend, my lover, my life, my everything. Nagkaroon ng silbi ang buhay ko dahil sa'...
13.9K 740 83
He is a member of SB19. And she's an A'Tin. Wanting to let him know that he is her inspiration, she sends him messages every single day. The unexpec...
1.2K 272 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...