Endless Love (Amity Series #1...

By Devonicaa

12.4K 422 120

She was a transfer student. She met them. She fell in love. He left her. But he stayed. How do you move on fr... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 48

144 7 2
By Devonicaa

Isang linggo na.

Isang linggo na ang nakalipas ngunit ganito pa rin ang ginagawa nila. Bibisitahin ako kahit na hindi ko naman sila pinagbubuksan. Syempre, si Adriel ang pinakamasugid sa kanila sa pagbisita. Siya lang rin ang nakakapasok sa aking bakuran dahil na rin sa kahilingan ng aking mga anak. Hindi ko naman sila matanggihan kaya kahit sa bakuran ang kondisyon ko ay walang pag-aalinlangan na tumango siya.

Iyon ang huling interaksyon namin. At hindi na ako hihiling pang malapit sa kaniya. Hindi na ulit...

Naipaliwanag na niya siguro kina Aria at Brighton ang mga pangyayari. Nagulat na lamang ako na inopen ng kambal ang topic na iyon habang naghahapunan kami. Kauuwi lang ng kanilang ama ng panahong iyon kaya nasa akin naman ang atensyon nila.

"She's Willow Aria Viglianco. I thought it's Hernandez, Mommy?" Brighton asked innocently.

"That's our father surname! He said that he'll change your name to Will Brighton Viglianco, right?" tumango-tango si Aria sa kambal.

"But I'm Hernandez. How can he change that? Mommy said that... the mother and the father should wed first so that their child can bear the father's surname."

"Then, Mommy! You should marry Daddy so that my twin can finally use our surname, Viglianco!" ngiting-ngiting baling sa akin ni Aria. Napangiwi ako dahil alam ko na hindi ko kayang ibigay 'yon.

"Brighton is a Hernandez, honey...we can't change that." nawala ang ngiti nito at saka bumaling sa kapatid.

"Daddy will be so upset, Brighton. We failed convincing Mommy," kumunot ang noo ko sa sinabi nito lalo na ng lumaki ang mata ni Brighton at tinakpan ang bibig ng kambal.

"What's that?" umiling sila ng umiling. Well...I heard it clearly but I don't want to entertain that. It's just too impossible that Adi would asked his children to convince me like...duh.

Nagfile ako ng one month leave sa trabaho para matutukan ang mga anak ko at para na rin makapagisip-isip ngunit parang mas lalo lang akong nastress!

Hindi ako nakaligtaan bisitahin ng mga...k-kaibigan. Dumagdag pa na sina Mommy at Mama. Todo sorry sila sa akin ngunit hindi ko naman sila masagot na ayos lang dahil hindi ayos sa akin 'yon!

Mas lalo lang akong nagalit dahil pati pala sila na mga magulang ko...tss.

Didn't they thought what would I feel? They're my parents at sa lahat ng tao, sila dapat ang unang makakaintindi sa akin. Sana sinabi nila. E'di sana hindi ako nagpakatanga at naniwala na wala na ang anak ko. Sana, hindi ko sila kinamumuhian ngayon. Kung sana ay sinabi agad nila ay hindi lalaking walang ina si Aria. Sana...

sana inayos na lang namin ni Adriel kahit para na lang sa mga bata... hindi na para sa nararamdaman namin.

Handa akong magpakabulag ulit para lang sa mga anak ko. Pero sa sitwasyon namin ngayon?

Malabo na...

Hindi na maiibalik pa iyong tiwala at pagmamahal na nalamatan na.

"S-sana...sana sinabi mo sa akin, George. A-akala ko ba magkaibigan tayo? Kayo lang ni Mishta ang pinaglalabasan ko ng sama ng loob, alam mo naman 'yon, di'ba? Pero...bakit kailangan pati kayo...bakit pati kayo kailangan akong bigyan ng sama ng loob?!" umagos ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"I'm really sorry, Donna. I really want to say that to you but... Adriel's my cousin, too." tanging hikbi lang ni George ang umalingawngaw sa kabilang linya.

She's currently in New York now for her photoshoot. Nang nalaman niya ang nangyari dito ay agad niya akong tinawagan upang huminga ng dispensa. Ilang beses kong inignora ang tawag nila at ngayon lang ako nagkalakas ng loob para kausapin siya.

"Yeah, I forgot. His your fucking cousin. Parehas din kayo ng ugali. Pare-pareho kayong mga sinungaling!" sigaw ko bago ko padarag na ibinaba ang tawag.

I'm glad Aria and Brighton were already asleep. They won't see me breaking down...they won't see me vulnerable.

From: Georgeska

I'm really sorry, Donna. I promise, I'll explain my side. I will make up to you the moment I come home...I love you, sorry 🥺

From: Zyren

I'm sorry, Donna babe. I know Adi will get mad because I kept calling you that but...I'm sorry, please talk to us..."

From: Persephoney

Sorry 😭 Kausapin mo na ako😭 Miss ko na mga pamangkin ko, ano ba!😭 Pero mas miss kita🥺 Miss ka na namin😭

I scoffed.

Miss? Ang sabihin niyo guilty kayo!

Tinitigan ko lang ang aking kanilang mga mensahe sa akin. Lahat sila puro sorry...naisip kaya nila noon na ganito ang magiging reaksyon ko? O, basta na lamang silang pumayag sa hiling ni Adriel?

We're once a family... namimiss na raw nila ako. Pagak akong natawa sa isipin na iyon.

Tangina'ng buhay 'to. Wala ka ng pwedeng pagkatiwalaan dahil kahit pamilya mo... tatalikuran ka.

I sighed when the doorbell rang. Hay. Hindi ba sila napapagod?

1 week and 3 days. Still persistent, huh?

Napabuntong hininga muli ako at muling naisip ang matagal ko ng plano.

Kailangan ko muna makalanghap ng sariwang hangin. Hindi iyong puro stress ang sumasalubong sa akin.

Aalis ako. Kasama ang mga anak. Nasabi ko na ang planong ito sa kanila. Nais pa sana nilang isama ang ama ngunit nang sinabi kong hindi maaari ay hindi na sila nagpumilit pa. Pinagpapasalamat ko iyon. Hindi makakatulong sa paghilom ko kung palagi kong makikita ang mga nanakit sa akin.

Maybe in time...I'll finally accept their apologies.

"Mommy, where are we going?" ito ang paulit-ulit na tanong sa akin ni Aria habang nasa byahe kami patungo sa isang secluded island.

I saw the offer on that island in my message requests on Instagram. Actually, I haven't really used my social media accounts in a long time. If my kids hadn't fiddled with my cellphone, hindi ko iyon makikita.

Mura lang at talagang kaunti lang ang tao na maaaring makapasok do'n kaya agad  akong nagbook.

Sapat na rin siguro ang tatlong linggo'ng natitira sa leave ko para makapagrelax at makabonding ang mga anak ko.

Walang nakakaalam sa pag-alis namin. Malalaman nila iyon lalo na at siguradong bibisita si Adriel mamaya. Gusto ko sanang ipaalam kahit sa kaniya man lang pero para saan pa? Maayos naman ang bahay ko ng umalis kami kaya hindi nila iisipin na dinukot kami or whatever.

"I already told you where were going, baby..." natatawang ani ko.

"She's so makulit, Mommy! She kept murmuring nonsense things! Like, I want dolls...I want hairpins...I want a bicycle. You're so materialistic, Willow. That's bad. You should be contented with what you have because there are pulubi's out there who's starving yet you keep---"

"Hey, hey, stop na, Brighton. I get your point but that's your sister..." sinulyapan ko sila sa rear mirror ngunit parehas silang nakangisi. Nalingunan ako ni Aria kaya sumimangot ito at inirapan ang kapatid.

Are they playing games on me?

I sighed and fixed my eyes on the road. The two still argue in the backseat even over petty things. I don't even know if they are really fighting because I can hear them whispering and giggling. Hindi ko na lamang sinita pa dahil baka naglalaro lang.

"I can see now their van..." mahinang bulong ni Brighton ngunit dahil tahimik ang buong sasakyan ay narinig ko.

Van? What are they talking about?

My question was answered when I saw the black van on the side of the road. The passengers were outside...nasiraan siguro?

Walang masiyadong nadaan sa kalsada na ito at wala ring malapit na pagawaan. Lahat sila ay nakatayo lang at parang mga tanga na naghihintay ng saklolo.

Napailing ako at akmang lalagpasan sila ng makita ko ang pamilyar na mukha na kasama nila. Actually, lahat sila kilala ko. Hindi ko lang napansin kanina dahil medyo malayo pa kami sa kinatatarikan ng van nila.

Amishta with Theodore's group, as usual...

Nakabalik na pala siya?

Napabuntong hininga ako ng maisip na baka alam niya rin ang tungkol kay Aria. Hindi malayo lalo na at nasa hospital din siya ng manganak ako.

Pati siya... tangina.

As much as I want to stop the car and greet her...I'm scared ... I'm scared that I might say a hurtful word to her like what happened to George and I. That didn’t turn out well and... I’m not ready to hear their pointless explanation yet.

"Mommy! Stop the car!" bigla akong napa-preno ng sabay na sumigaw sina Brighton.

"What the? Are you okay?" agad kong tinanggal ang seatbelt ay nilingon ang backseat.

"We're okay, Mom. Sorry for shouting..." ngumuso sila.

Hindi ako nakuntento sa sinabi nila kaya agad akong bumaba para suriin sila. Tinignan ko ang kanilang braso pati na ang ulo nila. I sighed in relief when I saw nothing.

Thank God!

"Donna..." malamig na boses mula sa aking likod ang nagpatalon sa akin.

"Theodore!" I almost forgot that I saw them!

"What's wrong?" he asked. Walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit bakas sa kaniyang boses ang pag-aalala.

"U-uh, wala. Bigla kasi silang sumigaw kaya napa-preno ako..." I explained, he nodded and handed me a bottle of water.

"Huh?" I asked in confusion.

"You're so pale. Drink first before going to that island," kinuha ko ang iniaabot niya at tinignan siya ng may halong pagtataka.

"How did you know---"

"Drink, Donna..." natataranta kong binuksan ang bote at uminom do'n. Narinig ko ang hagikhikan sa bandang likod ni Theo kaya nilingon ko iyon.

I saw Conall and Amishta walking towards our direction. Iniwas ko ang tingin sa kanila.

"How did you know that we're going to—an island?" napasapo ako ulo ng maramdaman ang pagikot ng aking paningin.

"Donna---" I cut Amishta off.

"We better get going. I'm sorry, see you aroun---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ay natumba na ako sa sobrang pagkahilo.

What the fuck?

"Omy! Brighton! Our plan is working!" Aria exclaimed happily.

"Sorry ulit, Donna. Napag-utusan lang!" parang sako akong binuhat ni Conall at dinala sa kanilang sasakyan. Sa nanlalabo kong mata ay nagawa ko pang sulyapan ang aking mga anak.

"Mission complete! We are the best undercover, Brighton!" nagtatalon ang dalawa.

"Ang galing ng mga anak mo, Donna. I- audition mo 'yan sa—" hindi ko na narinig pa ang mga sunod na sinabi ni Conall at tuluyan nang nagpalamon sa kadiliman...

Sakit ng ulo ang sumalubong sa akin pagmulat ko pa lang ng aking mga mata. Sinapo ko ang sintido at marahang hinilot iyon bago ko nilibot ang aking tingin.

When I realized it wasn't my room I was thrown back on my feet. I was about to run for help when I remembered what happened earlier.

"What the freaking hell?!" I exclaimed and went out of the room. Hahanapin ko sana sila nang mabungaran ko ang napakahabang pasilyo. Puro pinto ito, malamang ay mga kwarto. Sa dulo ay isang veranda. Naglakad ako patungo ro'n at bumungad sa akin ang napakagandang tanawin.

Mountains, breathing taking sea, fresh air... this is what I fucking want.

Dumako ang mata ko sa baba ng veranda at do'n ko nakita si Theodore.

Narito sila!

Agad akong tumakbo patungo sa kabilang banda ng pasilyo. Siguro naman ay may hagdan rito?

Napaawang ang bibig ko nang makita ang hagdan. It's friggin' shining!

Ganito rin naman ang hagdan sa mansion namin ngunit ito'y mas malapad at di-hamak na mas makintab!

Pwede bang umapak rito?

Pinilig ko ang ulo at inalis ang mga kalokohan sa aking utak. Hindi ito ang tamang oras para magliwaliw!

"Bakit ba ang hilig mong ipadukot si Donna? Tsk, dinamay mo pa sa kalokohan ang mga anak mo! Nagagawa nga naman ng pag-ibig, hay..." I heard a voice somewhere kaya sinundan ko ang pinagmulan nito. And there I saw Conall, Nathanial and Emerson talking to... Adriel.

"I told you to just wait! I didn't tell you to kidnap her!" Adriel ruffled his hair out of frustration.

"Don't you like that? She's here now. Don't fucking rant to us. We're just doing your fucking favor..." Nathanial said coldly.

"I get it, okay? Thanks for that but...you don't know my baby---"

"Yuck!" Emerson made a face, even Conall.

"Shut up. As I was saying, you don't know her well. She will definitely throw me to sea! Lalo na at wala dito ang mga anak namin! Sana sinama niyo na lang sila---"

"What the fuck? You told us that you want an "alone time" with her? Without the twin? What's the sudden change, man?" inis na putol sa kaniya ni Nathanial.

May galit ba 'to sa mundo?

But what did he say? Adriel... wants to have an alone time with me so that he explain his side.

"Do you think we're going to be okay if I hear your fucking side?" lumakad ako patungo sa kanila. Nakangisi sina Conall at Emerson habang walang emosyon ang mukha ni Nathanial.

"D-donna, you're awake..."

"Yes, and I want to leave this place. Conall..." nawala ang ngisi nito nang balingan ko siya ng masamang tingin.

"Don't look at me like that. I did nothing wrong---"

"Asshole." I hissed. "Ibalik niyo na nga ako sa mga anak ko! Baka hinahanap na nila ako---"

"Oh, no, no. They're so happy, actually. Anila'y magkakaroon na raw sila ng another sibling..." napairap ako sa huling sinabi nito.

"We will never be having a child again..." pinal kong ani. Sinulyapan ako ni Adriel dahil sa aking sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay at saka inirapan.

"We'll see, Donna..." binigyan ko sila ng pekeng ngiti bago ako nagsalita.

"Oh, I'm definitely sure. I don't want a man who cannot stand for his family. Hindi pa nga kami pamilya no'n, nang-iwan na..." muli akong ngumiti at nilagpasan sila.

Nang makalayo ay nawala ang ngiti ko at napabuntong hininga. 

"You wanna go home?" nilingon ko si Theodore na biglang sumulpot sa aking tabi.

"Yeah..."

"You can't."

"And why is that?" nilingon ko ang isang maliit na yate mula sa hindi kalayuan. Paniguradong iyon ang sinakyan namin kanina habang mahimbing ang tulog ko.

"You both need to talk. I know he has his reason why he did that. Your friends knew what was his reason so they kept Aria as a secret. I know that it's still hard for you to cope up because of the sudden events but---"

"Alam mo din, di'ba?" tumango siya. Napapikit ako ngunit kinalma ang sarili.

"I don't think I will understand. There's no need to talk. Alam ko naman ang magiging sagot ko..." tinalikuran ko siya at naglakad patungo sa yate.

Paakyat na sana ako ro'n nang unahan ako nila Conall. Nagtatawanan sila kaya siguro hindi ako napansin? Pinauna ko na lamang silang lahat na umakyat bago ako akmang aapak na sa hagdan ng bigla itong umangat.

Sasabihin ko na sana sa kanila na hindi pa ako nakakasakay nang makita ko silang nakadungaw sa akin at puro nakangisi.

"What...hey! Put the ladder down!" sigaw ko ngunit unti-unti nang umandar ang yate palayo sa daungan.

"Usap ayos, huh? We're rooting for your happy ending! ADONNA for the win!" parang batang sigaw nila Emerson.

Padarag akong umupo sa buhanginan at dumampot ng isang dakot ro'n at hinagis sa dagat. Inis na inis ako! Hindi ito ang plinano ko! I just want to have a peaceful vacation with my children but this happened!

"Donna---"

"Shut up! I don't want to talk to you! Ever again!" umalis ako sa pagkakaupo at iniwan siya ro'n. Bumalik muli ako sa loob ng beach house...beach house ba ito? Or should I say mansion? But whatever it is, I don't care. Hindi naman sa akin 'to.

Dumeretso ako sa garden kung saan ko nakita si Theodore. Napanganga na lang ako nang makita ang kabuuan nito. Halatang alagang-alaga! May fountain pa!

"This was my grandma's beach house. She gave it to us before she died..." hindi ako sumagot.

Bakit nandito siya? Umiiwas na nga ako tapos siya itong dikit ng dikit.

"She loves nature...that's why there's a garden here. Hindi namin ito hinahayaan masira---"

"I didn't ask. I will say this again...I...don't want...to talk to you! Kung kaya mong magsayang ng oras para rito ay ako hindi! I have so many things to do but you all messed it up! Iuwi mo na lang ako!" his eyes darkened. Akala ko ay bubugahan na niya ako ng apoy ngunit mas pinili na lamang niyang talikuran ako. I'm sure he's just calming himself. He's very short-tempered.

Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo...

I spent my time in the garden until 6pm. Kung hindi ko pa nga naramdaman ang gutom ay hindi ako tatayo.

Papasok na sana ako nang nakasalubong ko si Adriel na may hawak na pagkain. Pang-dalawang tao iyon kaya nasisiguro kong sasabay siya sa akin.

Inilapag niya ang mga ito sa terasa. Nalanghap ko agad ang mabangong aroma ng sinigang na nagpakalam sa aking sikmura.

I flushed when he looked up to me. I'm sure he heard that! Stupid stomach!

"Let's eat..." inirapan ko siya bago ako nagsimulang kumain.

I was so conscious the entire dinner! Paano ba namang hindi eh ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin! Hindi man lang nahiya!

"I'll just wash the dishes,' he said pero tumayo na ako at kinuha ang aming pinagkainan.

"Ako na..." I said coldly when he tried reaching the sponge from my hold.

"You should just rest..." he said softly. Napatingin tuloy ako sa kaniya ngunit agad ring napaiwas ng mapansin ang pagkakalapit ng mukha sa isa't isa.

"Lumayo ka nga sa akin! Naghuhugas ako, oh!" kunwaring inis kong singhal kahit na malakas ang tahip ng aking puso.

Nanigas ako ng maramdaman sa aking likod ang mainit niyang katawan. Tumatama rin ang kaniyang hininga sa aking pisngi kaya nasisiguro kong napakalapit na namin sa isa't isa!

"Ano ba, Adriel!"

"Fine," bumuntong hininga ito at bumalik sa kaniyang pagkakaupo. Agad kong tinapos ang paghuhugas at saka nagmamadaling bumalik sa kwartong nilabasan ko kanina.

I feel so dirty! I need to shower, damn.

Doon ko lamang naalala ang aking mga damit. Siguro naman sinama nila iyon dito, no?

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto, nagbabakasakaling nasa gilid lang ang maleta ngunit wala rito. May walk in closet rito pero imposible naman na naroon ang damit ko hindi ba?

"Manghihiram na lang ako sa lalaking 'yon," bulong ko sa sarili at muling humarap sa pinto ngunit bumukas na iyon.

Bumungad sa akin ang topless na si Adriel. Agad akong tumalikod rito.

"What?" he asked when he noticed that I'm just standing like a fucking statue.

"Magbihis ka at pahiramin mo rin ako ng damit. I want to shower..." ani ko sa tonong nag-uutos.

"Your clothes are in the walk in closet," he said. Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.

Malaki at malawak ang walk in closet. Pupwede na ngang gawing kwarto. Naghanap lang ako ng maisusuot na pantulog ngunit puro lingeries and nighties ang nadala ko! Sanay akong iyon ang suot sa gabi dahil wala naman akong kasamang lalaki sa kwarto at tanging ang mga anak lang.

What should I do?

Naghalungkat pa ako hanggang sa makakita ako ng isang hilera ng oversize t-shirt and pajamas. It's for women so I'm sure I can use this.

But why the heck this clothes are here?

May...may babae bang natutulog din dito?

Sa isipin na iyon ay nakasimangot ako paglabas. Nasa kama si Adriel na ipinagtaka ko.

"Why are you still here?"

"Because I'm sleeping here?" he said sarcastically, my eyes widen.

"And why? There are so many rooms here!"

"It's under renovation, Donna. Ito lang ang hindi dahil medyo...maayos pa naman," nag-iwas ito ng tingin.

"Renovation? Wala naman nagaayos kanina, ah?"

"Magulo sa ibang kwarto. Don't worry, sa sofa ako..." nilingon ko ang sofa sa gilid at saka ko ibinalik ang mata sa kaniya.

"Okay, if that's what you want..." pumasok ako sa bathroom at naligo.

I told him earlier that I won't talk to him but what am I doing?! I'm literally having a conversation with him! This should be stop.

I need to put walls between us. I don't want to break again. Hindi sa ngayon lalo na at hindi pa ako lubusang humihilom.

Hindi na kailanman...

______

Sinipag ako mag-update now HAHA. Sunday na ulit next 😆

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...