Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 38

9.6K 194 7
By Trisisisha


Buhat buhat si Izak ay lumabas kami ng kwarto na inookupa namin. kinakamot kamot ko pa ang mata ko ng mapaayos ako ng tayo dahil saktong dumaan sa harapan ko si Mrs. Montanier, hindi ko pa din talaga alam kung paanong pakikitungo din ang aking gagawin sakanya kasi hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa mga pinapakitungo niya, pero para sa anak ko? makikisama ako ng maayos. Wala na akong mga magulang, at maliban samin ni Sygred ay dito niya mararamdaman sa pamilya ng kanyang ama ang tinatawag pang 'pamilya'

"Good morning po!" bati ko dito.

Ngumiti ito saakin.

"Good morning din."

Sumabay ako sakanya sa paglalakad. pababa na sana kami sa hagdan nang humarap ito sakin.

"Pwede ba kitang makausap mamaya?" tanong nito, hinawakan niya ang isang kamay ko na naka-akap kay Izak. tumango ako.

"S-saan po?" tanong ko.

"Starbucks, sa labas nitong subdivision. Around 3pm." anito, tumango ako kahit na nakakaramdam ng kaba dahil sa mga naiisip ko na possibleng mangyari.

Hinalikan nito ang bunbunan ni Izak na nakatanaw sa baba bago naunang bumaba. Agad naman akong
sumunod.

Pumasok na kami sa loob ng dining room, naabutan namin doon si Seron na nag cecellphone at si Sygred. ngumiti ito nang mag tama ang tingin namin at inayos ang salamin niya. maliit naman akong ngumiti. Naupo ako sa tabi niya, agad namang naglagay ng baby chair ang isa sa mga katulong sa may tabi ko.

"Kuya, pumunta sila ate swynn sa Isla de Valeria?" tanong ni Seron.

"Oo." Tipid na sagot ni Sygred, napatingin ako dati. Sinusubuan niya ng pagkain si Izak. Napatingin ito sakin nang maramdaman siguro ang pag tingin ko. Iniangat nito ang hawak na kutsara.

"Gusto mo din?" tanong nito, umiling ako at nag iwas ng tingin. Tumawa ito sa naging reaksyon ko kaya't napatingin sakanya si Mrs. Montanier.

"Bakit hindi ako sinama?" naiinis na tanong nito.

"She's with her friends. Seron, ma-out of place ka lang don." ani Sygred.

"Nandoon naman si Hector!" mahinang sabi nito pero rinig pa rin, napalingon ako kay Mrs. Montanier nang magsalita ito.

"What did you say, Seron? Who's that Hector?" mataray na tanong nito, kita ko ang pag lunok ni Seron bago nagsalita.

"Kaibigan po ni Ate and parang k-kuya ko na din." anito at ngumiti pa sakanyang ina, bago bumuntong hininga at nag patuloy sa pagkain.

"Oh the one and only Hector Octavius." sabi ni Mrs. Montanier, nanatili namang walang imik si Seron.

"Sorry about kanina, ako lang ang tanging nakakaalam tungkol sa nararamdaman ni Seron sa Hector na 'yon na kaibigan ni Ate. Na-meet ko na siya 3 years ago. Seron have a crush on him since we we're kids." biglang sinabi ni Sygred habang nasa sasakyan kami.

"Okay lang sayo?" tanong ko, lumingon ito saakin.

"To be honest, hindi talaga okay sakin yon. Seron is only nineteen then nagkakagusto siya sa lalaking 28 years old? age gap is a big deal to me." anito, age gap is a big deal to him? Sygred and I are 4 years gap.

"Everytime na pumupunta sa bahay ang mga kaibigan nila ate ay kitang kita ko kung paanong pag papapansin ang ginagawa ni Seron, pinapansin naman siya ni Hector pero alam kong he only saw her as his little sister. i feel bad for my sister." lumungkot ang mga mata nito.

Nalungkot din ako, hindi ko alam na ganun pala ang nararanasan ni Seron. Sa batang edad, naramdaman na niya ang pakiramdam ng pag tibok ng puso dahil sa isang lalaki. Tapos, hindi pa siya magawang pag bigyan ng atensyon. Sana makahanap siya ng lalaking mabibigyan siya ng pagmamahal at atensyon na hindi niya nakukuha mula sa kanyang lalaking minamahal, yun ang naiisip ko nang mapatingin ako kay Sygred na seryosong nagmamaneho.

Ito na ata ang tamang panahon para ayusin namin to, we both love each other. Pero natatakot man akong muling sumugal. Para sa anak ko, gagawin ko. Para na din lumigaya ang puso ko na puro pasakit lang ang nakukuha. Liligaya na ito, sigurado ako lalo na't alam kong mahal ako ni Sygred, hindi kagaya dati na sa pag kakaalam ko ay ako lang ang nagmamahal. till now hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya noong nakaraang araw.

Huminto kami sa isang parking lot. bababa na sana ako nang hawakan ni Sygred, may pinuntahan kami kanina ni Sygred. Napasama kasi ako sakanila kanina nang ihatid niya si Seron sa airport. Napapayag nito ang ina na pumunta sa Isla de Valeria. Ano kaya ang itsura nang islang iyon at gustong gusto niyang puntahan? ah, nandoon nga pala yung sinasabi ni Sygred na si Hector. Ayaw ko sanang sumama kila Seron pero mapilit si Seron at gusto niya daw akong makachika chika, pero alam kong gusto lang neto na magkasama kami ng kuya niya. Sahil gusto ko sumama kila Raquel at Izak, hindi daw trip ngayon ni Raquel na pumunta sa may Boutique niya dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ng mayabang niya na kasosyo. Kaya ayun, hiniram si Izak. Ibabalik niya naman daw mamaya. Miss na miss niya na daw ito.

"Hindi ko pa pala natatanong sayo 'to Idalia." anito.

"Ano yon?" tanong ko, inayos ko ang buhok na nahulog sa ulo ko.

"Ano ang rason mo kung bakit hindi mo pinaalam sakin ang tungkol kay Izak?" tanong nito.

Nagulat ako sakanyang tanong, hindi ko kasi alam na ito ang itatanong niya sakin.

"W-Wala akong balak na sabihin sayo noon ang totoo. Akala ko pamilyado kana kaya sabi ko ayokong makasira ng pamilya, ayokong mahusgahan. Ayokong mabully si Izak dahil doon. Ayokong masira nang maaga ang buhay ng anak ko dahil sa mga ibabato na salita ng mga tao, hindi ko kakayanin na maranasan iyon ng anak ko, kaya naisip ko noon na hanggat maaari. Hindi ko ipapakilala sayo ang anak ko." nanginig ang boses at ramdam ko ang hapdi sa mata ko.

Pinunasan ko ito ng panyo na hawak ko at naramdaman ko ang mainit at mahigpit na bisig na pumulupot sa katawan ko.

"I know how it feels, may iba nang pamilya si Dad. Hindi ko ata kakayanin kung mararanasan ng anak ko ang pakiramdam na walang ama." anito at naramdaman ko ang panaka-nakang pag halik nito sa bunbunan ko.

Bakit ngayon ko lang ito nalaman? hindi ko alam ang tungkol dito, wala din naman nag sabi sakin. Nag titiwala ba sakin si Sygred kaya sinabi niya ito sakin? Ang pagkakaalam ko kasi ay may kompleto at masaya silang pamilya kaya kinaiinggitan sila ng marami, dahil mayaman na sila. Aay kompleto at masaya pa silang pamilya, pero doon sila nagkakamali.

So, this is the secret of their family? then, sinabi saakin ni Sygred? parang hinaplos ang puso ko, pinagkakatiwalaan niya ako kahit sa mga ganitong kapribado na usapan.

Unti unti ko itong niyakap at pumikit ng mariin. hindi ko maiwasang mapangiti.

“Idalia..” napaangat ako ng tingin sakanya.

“Why?” tanong ko habang nakayakap sakanya.

“Ramdam ko nang gusto mo ako noong 4th year college ka, ramdam ko yun sa mga tingin mo sakin. I'm sorry kung palagi kitang nasasabihan ng hindi maganda. Sinusubukan kong kontrolin ang nararamdaman ko, kasi i'm your professor and you are my student that time. I don't want to destroy our image.”

Ito ang gusto kong marinig sakanya ang paliwanag niya dito. Why keeps saying harsh words to me before.

Ngumiti pa din ako at inangat ang mukha para matingnan siya. I touch his face.

“It's okay, lipas na 'yon. Naiintindihan kita.” nakangiting sabi ko, napangiti si Sygred and he cupped my face.

Hinalikan niya ako sa labi ng mabilis nagulat man ay napangiti pa din ako. “God, I love you so much!”

“I love you too, Gred.”

Magkahawak kamay kaming lumabas ni Sygred ng elevator, napatingala ako sakanya. Nakita ko siyang nakangiti at inayos ang kanyang salamin.

Nang matapat kami sa unit ni Raquel ay agad kong tinipa ang password, bumukas na ito. Nagulat ako nang may lumabas na lalaki mula sa kusina. Nagulat pa ito nang makita kami.

"Sino ho kayo?" tanong nito. "Raquel, may tao! sino 'tong mga to?" sigaw nito kay Raquel.

Nangunot ang noo ko.

Turn off na agad ako sa lalaking 'to para kay Raquel.

Lumabas naman si Raquel sa kitchen bitbit si Izak.

Nagulat pa ito nang makita kami pero agad lumitaw ang mapanuksong ngiti.

"Ay hala, ayos na ang mommy at daddy!" tuwang tuwang sabi ni Raquel at itinaas sa ere si Izak. Imbis tumawa si Izak ay umiyak pa ito sa ginawa niya.

"Ay, ayaw mo na ng ginagawa ni Mama Raquel? dati tumatawa ka everytime na ginagawa ko sayo 'to. look, holding hands si mommy at si daddy oh! wag ka na umiyak." anito at tinuro pa ang kamay namin ni Izak na magkaholding hands, agad akong bumitaw at lumapit sa kanila.

"Akin na nga yan! umiiyak na sayo e." sabi ko at kinuha sakanya ang anak ko, agad kaming umupo sa sofa. tumabi din naman sa tabi namin si Sygred.

Sinusubuan ko ng biscuit si Izak na nakuha ko sa lamesa dito sa sala ng Condo ni Raquel nang magsalita ang lalaki kanina.

"Bro, may anak ka na pala." tanong nito, tumingin ito sakin at ngumiti. Tipid akong ngumiti dito. Tumingin din ito kay Izak na tahimik na kumakain sa tabi ko.

"Oo." tipid na sagot ni Sygred. pinulupot nito ang braso sa bewang ko. Nakita ata nito ang pag ngiti sakin ng lalaking 'to.

"Like mother like son huh." nakangiting sabi nito at muling nag angat ng tingin sakin pagkatapos nito tingnan si Izak.

"Maganda lahi ng magulang kaya wag ka nang mag taka kung ganyan kagwapo ang kinalabasan." sabi ni Sygred at inangat ang kaliwang kamay na may hawak na palang remote at binuksan niya ang Tv.

"Hindi talaga ako makapaniwala bro, parang nung nakaraan lang yung graduation natin sa may Agoncillo University." nakangiting sabi nito na para bang nagbabalik tanaw

So, mag kaschoolmate sila? Agoncillo University? isang prestigious university iyon dito sa manila. mahirap makapasok doon pero mas madali talaga pag mayaman ka.

"Oo William, may pa 'sino-sino' ka pa, tumahimik ka na." ani Sygred na tinatawanan lang ng lalaking tinawad ni Sygred na William.

Maya-maya ay dumating na si Raquel.

"Oh, kumain na kayo." sabi ni Raquel at inilapag ang mga breads at palaman sa may lamesa. Agad namang kumuha si William pagkalapag na pagkalapag palang.

"Wait lang ha, kausapin ko lang si Idalia." sabi nito at nagulat na lang ako nang hilahin ako nito patayo at umakyat kami sa taas. Huminto kami sa taas ng hagdan niya.

"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta kayo dito, sana tumawag ka na lang o nag text ka o kaya pinahatid mo na lang sakin si Izak." nakapameywang na sabi nito, nangunot ang noo ko.

"Bakit? Anong meron?" naguguluhang tanong ko, inilapit nito ang bibig sa tenga ko.

"William is now my boyfriend! sabi ko hindi ako mag bo-boyfriend. Pero look at me now! happy and contented!" masayang sabi nito, nanlaki ang mata ko.

"Seryoso? kayo na nung William na yon?" gulat pa ding tanong ko, nakangiti itong tumango.

"Oo, kapatid niyang bunso yung kasosyo ko sa negosyo na sobrang sungit. Pogi sana yung isang yon kaso masyadong bata para sakin hindi naman ako pumapatol sa mga mas bata sakin. Kasi may prefer ko mga mas matanda sakin like William." anito at kinikilig kilig pa.

Pinitik ko ito sa noo. "Aray ha!"

"Ang sabi mo dati hindi ka mag aasawa? ano na nangyari ngayon? kinain mo din sinabi mo. Nako Raquel! mag iingat ka sa mga lalaki wag kang g na g palagi." sabi ko.

"Eto naman, oo naman noh! mag iingat ako pero kung para kay William, shurrr why not?" sabi nito at ginaya pa ang tono ni Ruffa Mae Quintos, hinila ko ang buhok niya.

"Aray!"

"Landi mo!"

"Tse! tara na nga sa baba!" anito at sabay na kaming bumaba ng hagdan.

Continue Reading

You'll Also Like

95.2K 1.7K 43
Isang kwento tungkol sa isang babae at lalaking nagkaroon ng isang matibay na ugnayan sa isat isa dahil sa isang arrange marriage na ang mismong Lolo...
2.6M 164K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1K 108 62
He is the coldest person I've ever met but he is also the hottest man I've ever see with my two eyes. He is unpredictable but he is invincible and hi...
70.2K 1.9K 42
Meet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali...