Suarez Empire Series 1: My He...

By Warranj

2.7M 101K 15.4K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... More

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
Prologue
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 5
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 18
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 30
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 45
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 62
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON šŸ‘€
My Heaven In Hell (book version)

MHIH 13

39.6K 1.6K 212
By Warranj

Bahagyang nangunot ang noo ko nang makita sina Papa at Mama na pababa ng hagdan at tila may lakad. Linggo ngayon at may banal na misa mamaya. As far as I know, Mama will be the commentator and I’ll be the lecter. Mamayang hapon pa naman ang pagtitipon pero bakit parang aalis na naman sila?

“May misa po mamaya, Papa.” paalala ko nang makababa na sila ng tuluyan.

Nagkatinginan sila ni Mama bago ako nilampasan at naupo sa couch sa living room. Sumunod ako sa kanila at naupo sa harap nang hindi inaalis ang tingin sa kanila lalo na kay Papa.

“We will be attending another mass, Chloe. Kulang sa tao ang National Shrine of Our Lady of Guadalupe. Doon muna kami ng Mama mo.”

Kumurap ako. “Paano po ako? Hindi n’yo po ba ako isasama?”

“No. Sa Manila Cathedral ka pa rin. Ngayon lang naman ito, Chloe. Sa susunod na misa ay magkakasama na ulit tayo.”

Their actions were actually weird these past few days. Pero wala akong karapatan na kuwestyunin sila dahil siguradong magagalit lang si Papa. Siguro ay marami lang talaga silang kailangan puntahan na pagtitipon kung saan hindi naman kailangan na alam ko, o kailangan na kasama ang presensiya ko.

Sa huli, hinatid ko ng tanaw ang kotse namin. Bumuntonghininga ako nang maisip na magko-commute lang kami mamaya ni Raphael patungong Cathedral.

“Ate, I can’t come with you right now. Ang daming assignment sa major subjects. Kailangan na ito ipasa sa Tuesday. Puwede bang skip muna ako ngayon? Nag-simba naman ako last week.”

My eyes slightly narrowed at his last statement. “Don’t count the times you went inside the church, Raphael. Sunday is for God. Kailangan mo ibigay sa Kaniya ang araw na ito.”

“Then how about my grades? Kapag bumagsak ako, magagalit na naman sina Papa. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.”

“It’s just a one hour mass, Raph. Bakit hindi mo ‘yon magawang ibigay sa Kaniya?” giit ko.

Marahas niyang kinamot ang ulo niya. Mula sa notebook na sinasagutan ay nag-angat siya ng tingin sa akin, salubong ang kilay niya at nakasimangot.

“Why can’t you understand me, ate? Kapag bumagsak ako, magagalit si Papa at siyempre ipagtatanggol mo ako. Sa huli, masasaktan ka na naman dahil sa akin at ayoko na mangyari ulit ‘yon.”

My heart clenched at his words. Ang buong akala ko ay tinatanggihan niyang sumama sa akin ngayon dahil lang sa abala siya o hindi kaya ay tinatamad. I didn’t expect that I am one of the reasons why he doesn’t want to be with me. He doesn’t want to have failing grades again so our parents won’t get mad. Nang sa ganoon, hindi na ulit ako masasaktan ni Papa dahil tama si Raphael, ipagtatanggol ko pa rin siya ano man ang mangyari.

Sa huli, hinayaan ko na lang siya at hindi na pinilit pa. He promised me that he’ll go with us to the next mass. Kaya naman habang hinihintay ang oras para umalis, inayos ko muna ang ilang orders ni Mrs. Empress na rosary bracelets. Ipapadala ko na rin ito sa kaniya sa LBC na dadaanan ko bago ako magtungo sa simbahan.

Habang inaayos ang ilang box sa paper bag, tumunog ang cell phone ko na nasa ibabaw ng office table. Dinungaw ko ‘yon at nakitang tumatawag si Mrs. Empress. Curiosity rose in my head as I took the phone. It’s the first time she tried to call me. Madalas ay puro palitan lang kami ng messages sa Instagram.

Kaagad kong sinagot ang tawag. Ayoko siyang paghintayin lalo pa at pang ilang beses na siyang umo-order sa akin.

“Hello po, Ma’am Empress?” bungad ko.

“Still calling me ma’am, Chloe?”

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi pa rin ako sanay sa gusto niyang itawag ko sa kaniya. Oo nga at kilala ko naman siya dahil kay Lola Carmina. But then, I still treat her as my client.

Hindi ba at Tita ang itatawag ko sa kaniya kung close kami? We can be close but I don’t think it’s in favor of her.

“I’m sorry po, T-Tita Empress…”

Kahit nakakaramdam ng hiya at alinlangan ay tinawag ko na rin siya sa paraan na gusto niya.

“There you go. Anyway, I just called to ask something. Hindi ba at ngayon mo ipapa-deliver ang mga orders ko?”

“Yes po. I’m actually on my way to the LBC po.”

“Will you be attending the 5PM mass at the Manila Cathedral?”

“Opo, tita.”

“That’s great! Malapit lang naman kami sa Cathedral. Why not bring the items I ordered here before you go to the church? Sumabay ka na sa amin ni Steve. What do you think?”

Hindi kaagad ako nakasagot. I have never been into their house. Wala rin naman dahilan para mapunta ako doon. Pero tama siya nang sabihin niyang malapit lang sila sa Manila Cathedral. Sa tuwing magpapadala ako ng orders niya, nakikita ko palagi ang address nila.

“If the items are too heavy for you to bring, ipapasundo na lang kita. I hope you don’t mind.”

Gusto ko itanong kung bakit sa dami ng naging transaksiyon namin, ngayon niya lang naisipan ang ipadala ang mga item mismo sa kanila? Wala namang problema sa akin. Mabuti na lang rin at wala sina Papa.

“Okay lang po, tita. Kaya naman po bitbitin dahil maliliit naman po ang mga box. What time do you want me to be there po?”

“You can already go now. Puwede mo rin isama si Raphael if you want.”

“He’s busy with homeworks, Tita Empress. Ako na lang po ang pupunta.”

“Alright! I’ll expect you, Chloe. Thanks!”

Natapos ang tawag. Ramdam ko pa rin ang pagkailang sa puso ko sa biglaang imbitasyon niya pero siguro ay wala namang masama. It’s just good that the cathedral is just somehow near from their house.

Naligo ako, nagbihis ng isang kulay pink na bestida. The hem of my plain dress was flowing as I move. It’s scoof neck type of neckline. Medyo mahaba ang manggas na hapit sa mga braso ko. I let my long brown straight hair ‘till my waist. I didn’t put any make up. Tanging lip gloss lang ay ayos na. The last thing I wore was my Tony Burch nude doll shoes.

“Uuwi rin ako kaagad, Raph. Lock the door when I leave. Huwag kang magpapapasok ng ibang tao. Hintayin mo sina Papa. Baka mauna sila sa akin dahil mas malapit sila.”

Tumango si Raph. “Yes, ate. Take care on your way there.”

Nilisan ko na ang bahay nang dumating ang Grab driver na b-i-nook ko. Naging mabilis ang biyahe at wala pang isang oras ay nasa tapat na ako ng mansiyon nina Tita Empress. Alas-2 pa lang at may tatlong oras pa ako bago mag-simula ang Banal na Misa.

Ilang kotse ang nakita ko sa garahe nang bumaba ako at maglakad papuntang gate. Lahat ay magagara, lahat mukhang mamahalin. Sa itsura pa lang ng bahay nila, halatang hindi basta-basta ang sinasabi nila sa buhay.

Pipindutin ko pa lang sana ang door bell nang matanaw ko ang isang kasambahay na nakaupo sa malapit sa gate. Kaagad siyang tumayo nang makita ako.

“Good afternoon po—”

“Ikaw po si Miss Chloe?” tanong niya.

Kumurap-kurap ako. Bakit kilala niya na agad ako?

“Ako nga po.”

Binuksan niya ang gate bago ngumiti sa akin. “Pasok po kayo. Hinihintay na po kayo ni Madame Empress sa loob.”

Gusto ko sana itanong sa kaniya kung bakit nasa labas siya at tila nakaabang na sa akin. Hinintay niya ako?

Tahimik na lang ako habang papasok kami sa magarang bahay. At nang makarating sa mismong bulwagan, kulang ang salitang humahanga para ilarawan ang nararamdaman ko.

The house was very modern. Kulay puti at itim lang ang kulay na nakikita ko. The curtains were black, the couches were plain white and the throw pillows were black. Kahit sa mga appliances, itim at puti lang rin ang naroon.

There’s a huge family portrait in the middle of the white wall. Naroon ang buong angkan nila, sa pinaka-gitna si Lola Carmina at Lolo Miguelito. I searched for a certain man. My heart ridiculously throbbed against my chest when I found his pair of dark and cruel eyes. Habang tinititigan ko siya, pakiramdam ko ay nakatingin rin siya sa akin.

“The devil looked really handsome, isn’t he?”

Mabilis akong napalingon nang marinig ang boses na ‘yon. Napaayos ako ng tayo nang makita si Tita Empress na nasa tabi ko at nasa portrait ang atensyon. There’s an elegant smirk lurking around her pink shades lips.

“Tita E-Empress…”

Her eyes turned downwards when she glanced at me with a smile.

“Welcome to our home, Chloe.”

Dumukwang siya palapit sa akin at binigyan ako nang mainit na yakap. This is the first time she hug me and I don’t honestly know what to react. My impression of her were snobbish and strict. Tipong kailangan bilhin ang ngiti. Simple jokes won’t make her laugh. Kaya naman hindi ko inaashaan na yayakapin niya ako ngayon. We never had the chance to meet perosnally other than in Lola Carmina’s anniversary. Most of our interactions were just on Instagram.

“Thank you, Tita Empress.” I said as I tried to give her hug back.

Nagkalas kami mula sa isa’t-isa. Tiningnan niya ako sa mukha bago ito nagbaba sa kabuuan ng katawan ko hanggang paa. A smile crept on her lips when she bore her eyes back into my face again.

“You look so lovely, Chloe.”

“Salamat po, Tita. Dala ko na po pala ‘yung mga order n’yo.”

Tumango siya bago kinuha sa akin ang paper bag. She put it beneath the center table as she held my hand.

“Sit down. I baked some chocolate cake. Malapit na matapos ‘yon. Kumain ka tapos uwian mo rin si Raphael.”

Marahan akong naupo sa couch, pinagsalikop ang mga hita at inayos ang dulo ng bestida ko. I was sitting across her with a slight smile on my lips.

“Ayos lang po, Tita. Huwag na po kayo mag-abala.”

“No, it’s fine. Uwian mo siya dahil medyo malaki ang nagawa ko. I’m sure your brother will love it.”

“Kayo po ang bahala.”

Lumawak ang ngiti sa labi niya. However, she still looks strict even when smiling. Siguro ay dahil na rin sa talim ng mga mata niya. Maging ang kilay niya, kahit maayos ang pagkaka-ahit ay halata pa rin ang pagiging makapal. I can see the female version of Hellios.

“Ma’am, ayos na po ata ang cake sa over n’yo.” ani ng isang kasambahay na siyang sumulpot sa bandang likuran ni Tita Empress.

“I’ll just check it, Chloe. Please feel at home. Babalik rin ako kaagad.”

Tumango ako at nginitian siya. ”Take your time po.”

Kaya naman nang umalis siya ay nanatili lang akong nakaupo sa couch habang nagmamasid sa kabuuan ng lugar. As much as I want to go near the picture shelves, I won’t. Tinuruan kami ni Mama na huwag magiging magaslaw kapag nasa ibang bahay. Bata pa lang ako ay tumatak na ‘yon sa isip ko kaya naman hanggang pagdadalaga ay hindi na ‘yon nawala.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang isang bulto. Lumingon ako sa bandang main door ng bahay at nakita ang pagpasok ni Hellios doon. Agad na nagtama ang mga mata namin. His lips slightly parted upon seeing me.

Habang ako, hindi na napigilan pa ang puso na magkarera habang pinagmamasdan siyang nakatayo roon at titig na titig sa akin. He’s topless. Tanging itim na boxer shorts lang ang suot niya. He’s dripping wet from his hair down his toned body.

I gulped and avoided his gaze. Umasta akong natural ang kilos at hindi apektado sa ayos niya ngayon.

Sweet mercy.

Ilang santo ang sinubukan kong tawagin dahil pakiramdam ko ay nagkakasala ako habang pinagmamasdan si Hellios sa ganoong ayos. I have never seen a naked man this close even before. Kahit t-shirt lang naman ang wala sa kaniya, pakiramdam ko ay matinding pagkakasala ang nagagawa ko.

Nandito pala siya? At saka bakit ganoon ang ayos niya? Bakit basang-basa siya na akala mo naligo sa ulan samantalang ang init-init sa labas?

“Samael, son, done cleaning your car? Why don’t you go to your room and take a bath? Magbihis ka. Nakakahiya kay Chloe.” Si Tita Empress na sumulpot sa living room dala ang isang juice. “Here, Chloe. Drink this while we wait for the cake. Aayusin ko lang sandali.”

“May bisita ka pala, ‘Ma?”

Mula sa orange juice na nasa ibabaw ng table ay nag-angat ako ng tingin kay Hellios. He’s staring at me, his brow raised a bit.

“Yes. I invited her here. After you fix yourself, Samael, go down and entertain Chloe for the meantime.” sabi ni Tita Empress. “Sandali na lang ako sa kitchen.”

Umalis na kaagad si Tita Empress. Naiwan ako roon kasama si Hellios na nakatayo sa harapan ko. Water was still dripping down his body. He even crossed his arms above his chest that made me look away. I cleared my throat.

“Can you please put some shirt, Hellios?” I told him while looking into somewhere else.

I heard his baritone chuckle like he’s making fun of my reaction.

“Sorry. I’ll go and take a bath now. Babalik rin kaagad ako.”

I saw him walk towards the grand staircase. Pasimple ko siyang tiningnan. Now that he’s topless with all his inks being exposed, he looked like more of a great medieval warrior. Halos ang buong likod niya ay nababalutan ng tattoo. Maputi siya at kitang-kita ‘yon. Along with those beautiful marks were the muscles on his back that were flexing everytime he move.

Hellios is already near to perfection.

To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

799K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...
1.9M 46.4K 54
The Neighbors Series #3 Highest Rank: #28 in Romance Mula nang maging fangirl si Brianna Rosales, wala na siyang ibang hiniling kundi ang makilala ng...
7M 8.6K 2
November 16, 2013 to March 5, 2014. Rewritten on 12/28/2013 because the author was feeling whimsical and nostalgic... I am Irina Ysobel Samonte. My...
478K 11.4K 25
Book Five of Bachelorette Series āœ”ļø Completed I am living in the present he's living in the past. He's not yet over her. For him, she is his one grea...