I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 28: Happiness
Chapter 29: Jealous
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 34: Christmas fair
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Don't go
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 49: Birthday gift
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 19: Necklace

6.9K 126 10
By SerialBruh

Chapter 19: Necklace

Alyssa's POV

I was shocked. Dumbfounded.. No wait, let's change it. I was astonished. I was about to say something.. but she suddenly left the room.

Wtf?! That's it?! After what I've said in front of everyone, she'll just leave me hanging?! This have gone far enough! I've been through a lot these past few days..

If she doesn't want to believe me, then it's her choice. I did my part..

**

Denden's POV

Shit! Nasabi ko tuloy ng wala sa oras. Ugh!

Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng classroom. Nagcut nako ng klase, hindi ko kayang harapin si Alyssa. Hindi pa siguro ngayon.

Nagpunta ako sa PG. Para kahit pano makapagrelax at malibang..

Nahihiya akong harapin si Aly.. hindi kasi ako naniwala sa kanya.

Masyado akong naniwala sa kwento ni Mycs.

Alam ko naman na hindi magagawa ni Aly yun eh. Kahit isang buwan palang kaming magkakilala alam kong hindi niya magagawa yun.

Pero nung nakita ko yung pasa sa mukha ni Mycs, napaniwala na niya ko.

Pero nung saturday lang may nakapagsabi sakin ng totoo..

*Flashback*

"Denden, nakita ko yung girlfriend mo last thursday ah! Yung.. Alyssa."

Si Justin, family friend.

"Oh. Bakit? San mo nakita?"- tanong ko

"Sa tapat ng bahay nila Mika. Nandun din yung ex-boyfriend mo."

"Si Mycs? Si Myco?"- tanong ko ulit

"Oo, yun nga. Ang payat pala nung Alyssa no? Pero maganda at sexy."

Natawa ako kasi sinabi niyang payat si Alyssa. Pero maganda? Sexy? Hmm.. oo nga.

"Anyway, hindi magandang eksena nakita ko eh. Sinampal nung ex boyfriend mo yung girlfriend mo.. Nagulat nga ako eh. Nakainom ata nun yung Myco. Pinagsisigawan din kasi siya, hindi nga nagsasalita nun yung Alyssa pero bigla nalang siyang sinaktan.."

Sinampal ni Mycs si Alyssa? Ibig sabihin.."Denden, diba yun yung girlfriend mo?"

Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Justin.

Si Aly, nakaupo sa swing..

Wait.. umiiyak ba siya?

Bigla kasi siyang nagpunas ng mukha eh. Tumayo siya at biglang tumakbo.

Lalapitan ko sana siya kaso naisip ko.. anong sasabihin ko? Mahihiya lang ako sa kanya..

Hindi nga si Aly ang sumampal kay Mycs.

Bakit.. bakit niya ko niloko? Bakit hindi ako naniwala kay Aly? Bakit hindi ako naniwala sa girlfriend ko?

*End of flashback*

Hindi ako makapagconcentrate sa paglalaro ko. Si Aly lang naiisip ko.. Ang stupid ko talaga.

Feeling ko napakatanga ko kasi hindi ako naniwala sa kanya.. sa sarili kong girlfriend.

Tama siya, hindi ko napansin na siya yung nasa tabi ko, na siya yung laging nandyan para sakin..

"Nakakainis!" sabay hampas ko ng palad ko sa noo ko.

Ugh! Bakit ba kasi nakapagbitaw pa ko ng masasakit na salita eh. Minsan gusto ko I-stapler yung bibig ko para wala na akong masabing masakit sa kanya.

Ewan ko ba, hindi naman ako ganto kay Mycs noon eh. Pero nagbago ako ng sobra sobra..

Siguro nga kakaiba talaga si Aly.. kahit isip bata siya, maingay, at masungit.. sa kanya ko napapakita yung tunay na ako.

Si Aly.. sigurado akong galit yun sakin..

Hays.. bahala na lang..

Kinuha ko agad yung bag ko at tumakbo pabalik ng school. Kailangan magkaayos kaming dalawa. Ayoko ng magalit pa siya sakin..

Pagdating ko sa tapat ng school nakita ko si Aly, kasama si Mika..

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, ganito pa rin makikita ko?!

Nilapitan ko sila at hinawakan yung braso ni Aly,"Tara na, ihahatid na kita." nagsmile ako at kinindatan siya.

Nabigla siguro si Aly sa mga sinabi ko, pero hindi parin nagbago yung facial expression niya.

Biglang nagsalubong kilay niya,"Bitawan mo nga ako. Sino ka para ihatid ako?"

Nag grin ako,"Girlfriend mo. Sino paba?"

Hinampas niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya,"YOU broke up with ME, remember?" tumingin siya kay Mika,"Tara na. Nagugutom na ko eh." Tapos naglakad na sila palayo sakin.

Hmph. Kelan ako nakipagbreak? Yung babaeng yun talaga. Nagtalo lang napagkamalan na niyang nakipagbreak ako.

Pumasok ako sa loob ng school at nakita sila Gretch.

"Sis, ano? Okay naba kayo ni Aly? Umiyak yun pag alis mo eh.. nasa clinic lang siya nung last 2 subjects.. Inasthma eh."

ASTHMA?! Meron ba siyang asthma?! Bakit hindi ko alam?!

Aish.

"Ahh. Hindi pa eh. Mukhang galit.."- sagot ko kay Gretch

"Pano ba naman kasi sis, naniwala ka agad sa iba, hindi mo siya pinakinggan. Ayan tuloy, mali pa nakampihan mo."- sabe naman ni Bang

"Oo nga Denden, dapat pinakinggan mo si Aly, alam naman nating hindi niya magagawang manampal ng ibang tao eh. Tingnan mo nangyari, buti nandun si Fille para mag-asikaso sa kanya. Kung hindi, lagot na."- Gretch

"Sige sis, una na kami."- sabe ni Bang tapos lumapit sakin si Gretch at bumulong,"Na kila Aly lang kami, okay?"

Nag nod ako.

Umakyat ako sa 4th floor para pumunta sa locker ko. Kinuha ko yung box ng necklace na binili ko para kay Aly. Bibigay ko dapat yun nung September 21.. pero absent siya.. Nung pumasok naman siya, nagtalo pa kami, tapos nakalimutan ko na.

Pumasok ako sa classroom at umupo sa upuan ko, tapos pinatong ko sa desk yung ulo ko habang nakatingin sa upuan ni Aly.

Iniimagine ko nung unang beses kaming nagkatabi..

~

"Ano ba yan.. ang ingay.." sabe ko sarili ko habang nakapikit.

Dumilat ako at pagtingin ko sa bintana ang dilim na.

OMG. Tinignan ko yung phone ko para tignan yung oras.. 7:02 na? Nakatulog pala ako.

Ang dilim.. siguro kung duwag ako nagtatakbo nako agad sa baba.. buti hindi ako matatakutin.. medyo lang pag may nakakatakot talaga.

"Hassle."

May narinig akong nagsalita.

"Si..si.. sino yan? May tao ba dyan?"

Sino kaya yun? Familiar yung boses eh.

Natakot ako na nagulat nung biglang bumukas yung door ng classroom at pagtingin ko, si Aly.

"Ikaw pala. Sige mauna nak--" napatigil siya na nagulat nung biglang may sumalpok na pinto.

"Bakit nandito kapa? Diba kasama mo yung friend mo na umalis?"- tanong ko

"Hindi kapa ba uuwi..? Gabi na oh.."- sabe niya

Iniiwasan niya yung tanong ko. Ang weird niya, kinakausap niya ako pero nakatingin siya sa labas ng claasroom.

"Bakit kaba bumalik ng school?"- tanong ko

"Naiwan ko yung book ko sa algebra eh.. Tara na.. kanina pako may naririnig na nagbabang na door eh."

Akala ko naman dahil sakin, ano ba yan. Saka dinadamay niya pako sa pagkaduwag niya.

Duhh.. pero hindi naman lahat ng matapang, matapang talaga. Minsan natatakot din kami. Tulad ko, matatakutin din pag nakakatakot talaga. Hehehe

"Tara na, sabay na tayong bumaba."- sabe ko.

Nagnod agad siya. Sabay kaming naglakad.. tahimik kami pareho.

Siguro nagkakahiyaan pa dahil sa nangyari kaninang lunch time.

Habang naglalakad kami, namatay bigla yung ilaw.

Napausod ako kay Aly tapos naramdaman ko din yung pagkapit niya sakin, halatang natatakot siya at syempre pati ako, medyo.

"Ano kaba. Nandito lang ako."

Hinawakan ko yung kamay niya, hinigpitan niya naman yung pagkahawak niya sakin.

Pagdating namin ng 2nd floor buti nalang ay may ilaw na, makakababa kami ng maayos sa may lounge.

Binitawan niya yung kamay ko,"Sige, mauna nako.. thanks sa pagsabay sakin."

"Hatid na kita."

Umiling siya,"Hinihintay ako ni Mika sa may gate. Bye."

I nodded.

Kasama niya pa rin si Mika. Tss. Bakit hindi niya sinamahan si Aly kumuha ng libro?

Alam naman niyang pwede na siyang pumasok dito dahil gabi na! Hmp. Duwag siguro siya. Duhh.

Pumunta ako sa may park para makapag isip.

Masyado na akong naguguluhan simula nung nakilala ko si Aly, palagi akong nasstress eh.

Umupo ako sa may bench.

Si Mika.. bakit niya kasama si Aly? Meron ba kong hindi nalalaman?

Siguro gusto lang bumawi ni Mika kay Aly kasi sinampal ni Mycs si Aly.

Pero nakakainis! Eto nanaman siya.. si MISS GOOD GIRL.

Gaya nga ng sabe ni Aly, PSH.

39 minutes nakong nandito sa park. Minsan lang ako mapag isa ng ganito. Nung hindi pa namin kilala sila Aly lagi lang kami nasa gimikan nila Gretch at Bang.

Pero simula nung nakilala namin yung magkaibigan, hindi na kami madalas umalis. Pero siguro tama lang yun, bumabait kami ng konti, nababawasan yung nakakaaway namin at nababawasan gastos. Palagi kasi kaming may nagiging kaaway na kung sino sino dati.

Simula nung dumating yung dalawa, medyo naging okay na rin yung magkapatid. Dati hindi talaga sila nagpapansinan, pero napansin ko ngayon hindi na sila madalas magsigawan, hmm.. siguro twice a week nalang.

Ewan ko lang pagdating nila sa bahay. Siguro every 2 hours nagsisigawan sila. Hahaha

*bzzzzzt*

From: Gretch

Sis! Punta ka dito kila Fille! Si Aly.. inaatake nanaman ng asthma.. namumutla ulit eh.

OMG.

Tumakbo agad ako papunta kila Aly pagkabasa ko  ng message ni Gretch.

Ano nanaman bang pinag gagagawa ni Aly at inatake  nanaman siya ng asthma niya?! Nagtatakbo ba yun?!

Nagdoorbell ako, hindi ko tinigilan yung pagpindot sa doorbell hanggang hindi nila binubuksan yung gate.

Lumabas si Gretch at agad binuksan yung gate.

"Nandun siya sa loob, puntahan mo na!"

Seryoso yung mukha niya.

Ano ba yan! Aly naman eh.

Bakit mo ba ko pinag-aalala?!

Pagpasok ko sa loob, nakita ko sila Bang, Ella at Fille nakaupo, seryoso yung mukha at mukhang kinakabahan..

"Nasan si Aly?!"

Tinuro ni Fille yung kitchen kaya nagmadali agad akong maglakad papunta dun.

Nakita ko si Aly, nakatayo..

Nakapatong yung kamay niya sa may lababo, namumutla yung labi.

Hinawakan ko siya sa may balikat niya,"Okay ka lang ba? Nakainom kana ng gamot? Bakit ba lagi ka nalang namumutla?"

Napatingin siya sakin, parang nagtataka sa mga sinabi ko.

"Ano bang pinag gagagawa mo? Bakit ang putla mo?"- tanong ko ulit.

Tinaas niya yung right hand niya tapos pinakita niya yung hawak niya sakin.

"Ano yan?! Bumara ba sa lalamunan mo? Okay ka lang?!"- alalang alala kong tanong.

Umiling siya,"Kumakain ako nito.. sabi nila normal lang daw maging ganito yung lips pag kumakain ng butong pakwan eh.."

Kumakain lang siya ng butong pakwan?!?!?!?!

"GREEEEETCH!!!!!!!!!"

Tumakbo ako papunta sa living room para batukan si Gretch, pero pagdating ko dun, wala na silang apat.

"Letche. Plinano nila to."

Tinignan ko si Aly, umiinom ng tubig. Siguro gusto lang nilang magkaayos kami.

Nagsasawa na siguro sila na nakikita kaming hindi nagpapansinan.

Pumunta siya sa living room at umupo sa may sofa. Binuksan niya yung TV, at nagsimula na naman kumain ng butong pakwan.

"Bakit nandito ka? Niloko ka nila no? Psh. Okay lang ako. Sige, pwede ka ng makaalis. Kung hindi kapa rin naniniwala na ok ako, edi ikaw bahala."- sambit niya

Umupo ako sa tabi niya,"Alam ko na yung totoo. Sorry.." napatingin siya sakin."Oo alam ko na, kasalanan ko lahat. Hindi ako naniwala sayo.. Napaniwala niya akong sinampal mo siya. Pero ang totoo, ikaw sinampal niya.." sabe ko habang nakatingin kami sa TV.

Nagkatinginan kaming dalawa tapos hinawakan ko yung mga pisngi niya,"Masakit pa ba?"- tanong ko. Nakatitig lang siya sakin,"Hindi kita naprotektahan nung sinaktan ka niya.."

Tinanggal niya yung kamay ko sa mukha niya,"Hindi mo kasi ako kayang protektahan pagdating kay Myco. Hindi ko narin kelangan ng pagprotekta mo sakin. Kaya kong protektahan sarili ko." sambit niya.

Galit pa rin siya.. hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para mabawasan yung galit niya sakin.

Hindi ako sanay ng ganito.. yung magsosorry ka kasi alam mong mali ka, alam mong masyadong masakit yung nagawa mong kasalanan sa kanya..

Hindi rin ako sanay magsabi ng kacheesihan o mga sweet na salita kasi hindi ako sweet. Akala lang ng iba sweet ako, pero ang totoo hinde.

"Wag kana magalit! Ha?" tapos nagpout ako.

Ginaya ko lang siya, dun kasi siya magaling eh.

"Ganun nalang ba kadali yun? Tsk. Bigyan mo nga ako ng dahilan para patawarin kita! Eh palagi mo akong sinasabihan ng tanga, duwag, TINAPAY, sinugaling, alila mo! Sige nga! Ano sa mga yun ang magfoforgive sayo? Ano pang nakalimutan ko sa mga sinabi ko? Ah. FLATSCREEN!!!" tapos humarap ulit siya sa TV at nagpout.

"Tss. Nakiki-tsk ka ngayon ah."- tapos tumawa ako.

Iniipon niya pala pang aasar ko sa kanya.

Humarap ulit siya sakin,"Anong nakakatawa dun? Nagjoke ba ko para matawa ka?"

Hininto ko yung pagtawa ko tapos nagsmile sa kanya,"May nakalimutan ka kasi."

"Ano?"- tanong niya

Kinuha ko yung bag ko tapos kinuha ko yung box at inabot kay Aly,"Eto oh."

Nakatitig lang siya sa box na inaabot ko,"Ano to?"

"Buksan mo."- sagot ko.

Kinuha niya yung box at binuksan niya. Nasurprise ata siya sa nakita niya kasi medyo nagsmile siya ng konti.

"BL? Ano kaya yun.." mahina niyang sabi

"Magdate tayo. Hindi ko mapapromise na hindi kita masasaktan pero susubukan kong hindi. Kilala mo naman ako eh.. hindi ako sweet na tao. Wala akong alam sa pagiging sweet . Kaya nga lagi mo kong tinatawag na STUPID GIRL at maldita eh, dahil sa ugali ko. Let's date again.. wala ng deal.."

Nakatingin lang siya sakin. Hindi siya nagsasalita, hindi din siya sumesenyas. Nakatitig lang.

Hindi niya siguro ineexpect na sasabihin ko yun sa kanya. Kahit naman ako eh, hindi ko ineexpect na magiging ganito.

Nagsmile ako sa kanya,"Halika nga dito.."- hinawakan ko kamay niya tapos hinila papalapit sakin. I hugged her.

"Iniintay ko sagot mo huy... Ano?"- tanong ko habang nakahug sa kanya.

"Pero natatakot ako.."

"I really like you.."

**

Alyssa's POV

"I really like you.."- bulong niya.

"Ano daw? Hindi ko narinig! Fille, ano yung sabe?"

Napatingin ako sa may window, nakita ko silang apat nakasilip, pero nung nakita nila akong nakatingin sa kanila biglang nagtago. Psh. Huli na nga nagtago pa bigla!

"Denden..  nasa labas lang sila Fille.. nakikinig."

Biglang bumitiw si Denden sa pagkahug niya sakin,"LUMABAS NA NGA KAYO. TAPOS NA YUNG PALABAS." Hindi pa rin sila nagpapakita."LABAS!!"

Hinampas ko si Denden,"ANO BA! PATI AKO NAGUGULAT EH! BAKIT BA KAILANGAN MONG SUMIGAW?"

Tumakbo papasok yung apat. Haha. Narinig kasi nilang nagtatalo na kami.

Nakasmile silang apat samin, lalo na si Fille. Narinig niya siguro yung sinabi ni Denden.

Nanood kami ng dvd, nakaplano na pala tong araw na to. Tss. Palagi nalang ako nahuhuli sa balita.

After the movie, Gretch, Bang and Ella went home. Si Denden nagstay muna ng five minutes.

Siguro tatapusin niya yung araw ng aasarin ako. Ganun naman siya eh!

"Simula bukas ako na magsusundo sayo ah?" nagsmile siya sakin.. that smile.. aww..

"Ha? May practice ka eh. Sa wednesday nalang.." nagnod siya. Hinatid ko na siya sa may gate.

"Nasan na yung necklace?"- tanong niya

Kinuha ko sa bulsa ko at inabot sa kanya. Kinuha niya ito,"Talikod ka, ikakabit ko."

I obeyed her. Nung naka kabit na humarap ako sa kanya. She smiled at me,"Oh Baby Ly, aalis na si Baby Den ah? Goodnight." nagwink siya sakin tapos tumalikod na.

Ang daming nangyari ngayong araw.. parang halos isang week yung equivalent dahil sa mga nangyari.

But I'm happy coz yung ending ng araw, masaya..

BL.. Baby Ly.

Hindi niya ko pinatapos sa sasabihen ko kanina.. natatakot ako kasi baka pag nalaman niya na habang kami lumalabas kami ni Mika, although friendly date lang naman yun.. eh naisip ko rin na bakit siya magagalit eh hindi naman maganda trato niya sakin PLUS hindi talaga kami nag dadate.

And isa pang kinakatakot ko, paano kung mainlove ako sa kanya... is she going to catch me?

"I really like you.."

"Me too.."

~

Dedicated ito kay @AAAAAARRRRRAAAAA :) Hi! Thankyou for reading! ^__^V

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
123K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...