Sa Susunod Na Habang Buhay |...

By yogirlinmorning

2.4K 200 126

Unexpected things happens to Mia's already messed up and well threatened life as she goes with her new case... More

00
PROLOGUE
SSNHB - 01
SSNHB - 02
SSNHB - 03
SSNHB - 04
SSNHB - 05
SSNHB - 06
SSNHB - 07
SSNHB - 08
SSNHB - 09
SSNHB - 10
SSNHB - 11
SSNHB - 12
SSNHB - 13
SSNHB - 14
SSNHB - 15
SSNHB - 16
SSNHB - 17
SSNHB - 18
SSNHB - 19
SSNHB - 20
SSNHB - 21
SSNHB - 22
SSNHB - 23
SSNHB - 24
SSNHB - 25
SSNHB - 26
SSNHB - 27
SSNHB - 28
SSNHB - 29
SSNHB - 31
SSNHB - 32
SSNHB - 33
SSNHB - 34
SSNHB - 35
SSNHB - 36
SSNHB - 37
SSNHB - 38
SSNHB - 39
EPILOGUE
AM
SSNHB - Special Chapter

SSNHB - 30

31 4 0
By yogirlinmorning


Dahan-dahan ang naging lakad ko habang papalabas ako ng kwarto ni Mia. Hindi ko alam pero may parte sakin ang gustong marinig ang sasabihin ni Dave kay Mia. Nag-aalala ako na baka makasama ito kay Mia gayong hindi pa naman ito lubusang magaling.

"Ramon Herrera and Ellena Ranes are planning again something against you." I stopped in my tranced when I've heard what Dave said to Mia.

Tama ba ang narinig ko? Ellena Ranes? My ex-girlfriend? She was behind Haamiah's accident?

Hindi ako makagalaw dahil sa narinig. Was Dave pertaining to the same person? Pero pwedeng si Ellena nga ang tinutukoy niya, dahil nakita ko rin itong pumasok sa law firm na pinagtatrabahuan ni Mia. They were colleagues!

"How did you find out about this Dave?" Mia asked after a deafening silence that engulfed the whole room. Her voice is void of any emotions. Hindi ko marinig ang takot o pagkabahala man lang sa boses niya. She's ready to face them any moment again after being bedridden for 3 days straight now.

"Naalala mo yung huling dalaw ko sayo sa law firm?" Dave asked.

"Yes, what about that day?" She asked. "That was the day before the day of the trial." She added.

"Yup. Before I entered your office, I went to Anya's table and secretly put a small magnetic device. It was a voice recording device na binigay ng kaibigan ko sakin." Dave explained.

I looked back at them and I saw how serious they are right now. I know I should leave immediately, but I can't. It seems like my feet were stuck on the ground.

I stepped back when Mia met my eyes. Napalingon din sa gawi ko si Dave at ang dalawang kasama nito. Napangiwi ako at hindi alam ang sasabihin.

"Sorry, palabas na dapat a–" I was cut in the middle when Mia motioned me to come near her.

"Come here Ken." Tawag nito sakin sa malamyos na boses. Nagdadalawang-isip ako kung pupunta ba ako dahil alam ko namang naki-usap si Dave na maiwan muna sila.

"Sige na dre, lumapit ka na." Nakangising saad naman ni Dave ng mapansin ang pagdadalawang=isip ko.

Napabuntong-hininga muna ako bago dahan-dahang naglakad palapit sa tabi ni Mia. Agad na hinawakan ni Mia ang kamay ko ng makaupo ako sa tabi niya sa kama.

"Let me hold your hand please." Malambing na saad niya at sinandal ang ulo sa balikat ko. Agad naman niyang binaling ang atensyon kay Dave habang nilalaro ang mga daliri ko.

"What about the device again Dave?" She asked.

"As what I am saying, I put it there bago ako pumasok sa loob ng office mo. I was bothered with what you have told me last time na narinig mo silang magkausap ni Ellena. That's why I put that device under her table nung pumasok siya sa loob ng office mo para ipaalam na nasa labas ako." Pagpapatuloy ni Dave sa usapan nila ni Mia.

I was just listening intently to Dave just like Mia. I hold her hand tightly.

"That device was connected to my phone, kaya lahat ng conversation na malapit sa table ni Anya ay narerecord nito at pumapasok sa email ko. And yesterday, my phone beep and it was another recorded audio from Anya." Dave heave a sighed before he continued.

"It was Anya and Ellena on the line, and Ellena was asking Anya about your whereabouts." He added. I heard Mia tsked and sit properly beside me.

"Can I hear the record?" Mia asked in a serious tone. Dave nodded and picked his phone out of his pocket.

He's scrolling through his phone for a minute before he put it down on the bedside table and plays an audio. It was like 5 minutes before we heard someone walking hastily towards the direction of Anya's table.

"Atty. Ellena!" I heard someone's voice greeted Ellena, must be Anya, Mia's secretary.

"Do you know where Mia was confined?" Now I heard Ellena's voice. She seemed agitated and in hurry.

"Huh? What do you mean Atty.? Na hospital ba si Atty. Mia?" Anya asked once again. Confusion is visible in her voice.

"She got into a car accident." Ellena briefly answered. I heard Anya gasped.

"It was Mr. Herrera's idea. Para masabotahe ang trial ng anak niya." Ellena whispered but it can be still heard clearly.

"And now, he asked me about the hospital where she's confined. I have to report it to Mr. Herrera." She continued.

"Anong gagawin niyo Atty., once you find where Atty. Mia is confined?" Anya asked after a minute of silence.

"I don't know what exactly is their plan. But I know that they really want to get rid of Mia." Ellena answered like it was just nothing.

I can't believe I am hearing all these words from her. Gone is the soft-spoken and kind Ellena that I once knew. Tila ba ibang Ellena ang taong ito. She's more aggressive and remorseful. Hindi ko akalain na matapos ang lahat ng paghihirap niya sa law school ay magiging ganito siya.

"After that, Anya called me and asked about you. She asked to confirm kung naaksidente ka ba talaga. And when I said yes, she asked where you were confined." I looked at Dave when he started speaking again.

"Sinabi mo ba kung nasan si Mia?" I asked him. Umiling naman siya. I feel Mia relaxed a bit. Hindi ko namalayan na sobrang tensed na pala ng balikat niya dahil sa narinig na palitan ng usapan ng dalawang katrabaho niya.

"I already asked your doctor if you can do your physical therapy somewhere else." He continued.

"What do you mean?" Mia asked confused.

"It won't take them long to find where you are Mia. I can't risk your safety once again lalo na ngayon na hindi ka pa magaling." He said in a more serious tone, he was like scolding his little sister.

"We have to look for a safe place. Doon ka mag u-undergo ng physical therapy mo at magpapagaling." Dugtong pa nito. Mia just nodded and let Dave decide for her.

It seems like she's done thinking of ways to protect herself that's why she's relying on someone else. I held her hand once again and kissed her temple.

"Oh, I remember. My rest house sila mama sa may Tagaytay. You can stay there at doon na gawin ang physical therapy mo." Dave said after scrolling through his phone like looking for something.

"Kailan ako pupunta don?" Mia asked while resting her head on my shoulder again.

"Tomorrow morning. I'll be here exactly 5 in the morning. I'll just ask Ate Marie regarding your bills at sa paglabas mo dito." Dave answered.

"Okay. Yun lang ba?" Mia asked again. Tinignan ko siya at nakitang inaantok na ang kaniyang mga mata.

"Yes, that's all for now. Pag-usapan natin muli ang tungkol sa trial ng kaso nila Ken at Grace once you're fully okay." Dave answered before he looked at the two men beside him. He dismissed them already and just gave them instructions that I don't know what's for.

Paglabas ng dalawang lalaki ay ang pagpasok naman ni Ate Marie. She gave me a deadpan looked when her eyes landed on me.

"You traitor!" Duro niya sa akin at masama pa rin ang tingin. "Sabi lumabas muna tayong dalawa. Ang ending ako lang yung lumabas. I was waiting for you, akala ko may makaka-usap ako pero shuta ka! Iniwan mo ako sa ere." Mahaba at gigil na litanya nito bago umupo sa tabi ni Dave.

"Sorry na Ate Marie." Natatawang hingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Shut up, I already despise you!" Saad niya at inirapan ako. Napailing na lang ako at tinignan si Mia na kanina pa tahimik.

Napailing na lang ulit ako ng makitang tulog na ito. Inalis ko ang pagkakasandal niya sa balikat ko at dahan-dahan siyang inalalayan para makahiga ng maayos. Nang lumingon ako sa gawi nila Dave at Ate Marie, I saw them seriously talking about Mia's condition and the possibility to stay at Dave's rest house in Tagaytay.

Nang matapos silang mag-usap ay nagpaalam silang dalawa na aasikasuhin na ang hospital bill ni Mia at ang doctor at nurse na makakasama ni Mia habang nag-uundergo siya ng therapy.

"I'll be back later. Text me right away when something happened, okay?" Ate Marie remind me before she stepped out of the room. Tumango lang ako sa kanila. Nang maka-alis ay pinagmasdan ko si Mia na natutulog.

Nang makuntento na sa pagtitig sa kaniya ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinext si Paulo na bumalik sila dito pagkatapos nila doon sa restaurant. Sumagot naman ito ng oo at nagsabing magdadala ng makakain namin.

Pagkatapos ng usapan namin ay bumalik sa isip ko ang mga pinag-usapan nila Dave at Mia kanina. Muli kong naalala ang binabalak nila Ellena. Hindi ko alam pero bigla na lang pumasok sa isip ko ang puntahan si Ellena at kausapin ito. Pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko rito. Hindi ko nga alam kung ano ang pinaplano ng mga ito. Pero hindi ko hahayaan na muli siyang lumapit kay Mia at saktan ito.

Lumipas ang ilang oras pa at dumating na sila Liam. Sakto rin ang pag gising ni Mia kaya naman kumain na agad kami ng hapunan. Hindi namin namalayan na hindi pala kami nakapagtanghalian dahil sa naging usapan nila ni Dave. Naramdaman lang namin ang gutom ng maamoy namin ang dalang pagkain nila Paulo.

"Saan ka magsstay Atty.?" Tanong ni Paulo dito nang mabanggit ni Mia ang planong paglabas niya sa hospital.

"Sa rest house ni Dave sa Tagaytay." Maikling tugon nito. Tumango-tango naman si Paulo at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Doon ka na lang namin dadalawin Atty." Nakangiting saad ni Dustin.

"Nako, kahit huwag na kayo araw-araw dumalaw. Hussle lang dahil ang layo ng magiging biyahe niyo." Nakangiting pahayag naman ni Mia.

"Luh, okay lang naman sa amin Atty." Pagtutol naman agad ni Dustin.

"Nakakahiya na sa inyo Dustin. Ilang araw na kayong nandito at nagbabantay sa akin. Okay na 'yon, na-appreciate ko talaga ang tulong at oras niyo. Pero ngayon kasi nandito naman na si Ate Marie kaya may mag-aalaga na sa akin." Saad naman ni Mia.

"Mas okay yung mas maraming nag-aalaga sa'yo Atty., diba?" Sagot naman ni Liam at humingi pa ng pagsang-ayon sa amin.

"Wews, Liam. Nabanggit lang si Marie ngiting-ngiti ka naman agad diyan." Panunukso ni Jake kay Liam.

"Gago!" Ang nasabi na lang ni Liam at tumawa dahil nabuking siya ni Jake. Natawa na lang din si Mia at hindi na nagkomento pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa kanila na lalabas lang saglit. Nagtataka namang tumingin sakin si Mia.

"Babalik ako agad." Nakangiting sabi ko sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. Kahit nagtataka ay tumango lang siya at hindi ako pinigilan.

"Okay, mag-iingat ka please." Bakas sa tono niya ang pag-aalala. Tumango naman ako at binilinan sila Liam na maging alerto sa mga pumapasok sa loob ng kwarto ni Mia.

"Yung doctor at nurse lang na laging nagchecheck kay Mia ang pwedeng pumasok dito ayon kay Dave at Ate Marie, naaalala niyo naman ang mukha nila diba?" Tanong ko sa kanilang apat. Tumango naman sila.

"Okay. Kapag iba ang pumasok tumawag agad kayo ng security. Huwag ninyo hahayaang makalapit ito kay Mia." Muling paalala ko sa kanila.

"Kopya!" Sagot naman ni Jake.

"Mag-iingat ka Ken!" Saad naman ni Paulo. Sumaludo naman ako sa kanila at ngumiti kay Mia bago ako lumabas ng kwarto.

I'm just wearing a black shirt and tight black jeans paired with cowboy boots. I'm also wearing a black mask and cap to disguise.

Nang makalabas ng hospital ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa law firm nila Mia. Habang nasa biyahe ay tahimik akong nag-iisip sa kung ano ba ang sasabihin ko kay Ellena. Hindi ko din talaga alam kung ano ang sasabihin ko dito, pero sa loob-loob ko ay gusto ko talaga itong makita.

Nang makarating sa law firm ay dumiretso ako sa parking area. Nagbabakasakaling maabutan siya doon. Tinignan ko ang oras at nakitang alas-otso y media na. Hindi ko alam kung nandito pa ba siya. Halos sampung minuto na akong nag-aantay ng may makita akong guard na naglilibot ata dito sa parking lot.

Nilapitan ko 'to at nagtanong dito. "Kuya, magtatanong lang ho." Bungad ko rito. Tinignan niya ako bago tumango.

"Ano yun iho?" Tanong nito sakin.

"Narito pa ho ba si Atty. Ellena?" Tanong ko rito. Lumingon naman ito sa parking area na tila ba may hinahanap. Nang huminto ang mata niya sa isang sasakyan ay lumingon ito sakin.

"Nandito pa. Nandyan pa ang kaniyang sasakyan eh. May kailangan ka ba kay Atty.?" Tanong muli nito.

"Kaibigan niya po ako, may usapan kasi kami na magkikita ngayon." Pagsisinungaling ko rito. Tumango naman ito bago nagpaalam sakin.

"Osige, antayin mo na lang at baka maya-maya ay bumaba na iyon. Maglilibot na muna ulit ako." Saad nito bago umalis.

Lumapit naman ako sa sasakyan na tinignan niya kanina. Ito ata ang sasakyang gamit ni Ellena. Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago ko ito nakitang lumabas ng elevator. May kausap ito sa cellphone niya at tila seryoso ang pinaguusapan nila.

Nagtago ako sa kabilang parte ng kaniyang sasakyan. Nang makalapit ito ay huminto ito sa tapat ng pinto ng driver's seat.

"I am still looking for her Mr. Herrera." Narinig kong seryosong saad nito.

"I am doing my best here! Sadyang pati ang sekretarya niya ay hindi pa rin alam kung nasaan ito naka confine." Dagdag nito at bakas na ang iritasyon sa boses nito.

"Naiintindihan ko ho Mr. Herrera." Saad nito bago ibinaba ang tawag. Kung kanina ay matapang ang anyo nito, ngayon ay nakita ko ang pamumutla niya at ang takot sa mga mata. Ilang beses itong huminga ng malalim bago binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.

Nang makapasok siya sa loob, ay binuksan ko rin ang pinto sa may passenger seat at sumakay doon. Nakita ko ang gulat at takot sa mga mata niya ng makita ako.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Natatarantang tanong nito. Inalis ko ang mask at cap na suot ko at humarap muli sa kaniya.

"K-ken?" Nanlaki ang mata niya ng makita ako.

"Tangina!" Usal niya at humarap sa harap at mariing pinikit ang mata niya.

"Kung ano man ang pinaplano niyo Ellena laban kay Haamiah, itigil mo na. Huwag mong sirain ang reputasyon mo bilang abogado sa pagtulong sa mga walang kwentang tao gaya ng mag-amang Ramon at Mark Herrera." Saad ko dito habang mariin pa ring nakapikit ang mga mata niya,

"You're more than just being a puppet with these evil persons! May utak ka Ellena, huwag kang maging sunod-sunuran sa kanila at hayaang hilain ka kasama sila sa impyerno." Dagdag ko pa. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib at ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mukha.

Hindi ko na inantay ang muling paglingon niya sa akin at agad akong lumabas ng kaniyang sasakyan. Walang lingon akong naglakad palabas ng law firm. Agad akong sumakay sa taxi na nag-aantay ng pasahero at agad na nagpahatid pabalik sa hospital.

Habang nasa biyahe ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko, ang magiging reaksyon ni Mia kapag sinabi kong nakipagkita ako kay Ellena. 


A/N: Hello. this will be the last update for this week. Sobrang limited ng internet ko ngayon, so baka next week na ulit ako makapag-update. Siguro pagka-update ko next week hanggang epilogue na ang i-post ko. I'm rushing this story to finish kasi mag-iisang taon na siya sa August haha, and I'm planning to finish these 5 stories of SB19 within this year. 

Thank you for your understanding and patience with this story. Kapit lang malapit na tayo matapos hehe 🤘😊

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 1.1K 30
Slow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
35.8K 1.4K 105
𝚂𝙱𝟷𝟿 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟸 ʟᴏᴠ·ᴀ·ʙʟᴇ /ˈʟƏᴠƏʙ(Ə)ʟ/ ᴀᴅᴊᴇᴄᴛɪᴠᴇ: ʟᴏᴠᴇᴀʙʟᴇ -ɪɴꜱᴘɪʀɪɴɢ ᴏʀ ᴅᴇꜱᴇʀᴠɪɴɢ ʟᴏᴠᴇ ᴏʀ ᴀꜰꜰᴇᴄᴛɪᴏɴ. 𝔻𝕒𝕥𝕖 𝕊𝕥𝕒𝕣𝕥𝕖𝕕: March 17...
5.4K 300 59
Stell Ajero is a rising star together with his group which is known as SB19. But what people don't know is that Stell left someone in behalf of his c...
35.9K 1.2K 24
SB19 Series #2 I'm his fangirl. A number one supporter. A girl he never know her existence. --- Is there any chance that their path cross and create...