Mr. Right (BTS Jin FanFiction)

By EXOARMY89

12.8K 432 152

More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Author's Note
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Special Chapter (Suga and Zarina)
Chapter Seventeen
Author's Game
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
BTS ♥
Chapter Twenty-Four
Final Chapter Pt. 1
Final Chapter Pt. 2
EPILOGUE

Special Chapter (Jungkook and Kryzzet)

316 9 4
By EXOARMY89

Kryzzet's POV

"Ang tagal naman niyang piniprito mo!" Sigaw ni Jungkook mula sa sala. Nanonood siya ng performance ng Bigbang. Tss

"Ikaw kaya magluto dito! Nakakatamad kaya tumunganga at ikut-ikutin to!" Naiinis na sigaw ko. Huhu! Ayaw ko na!

"Ano ba yan, hotdog nalang di mo pa maprito ng maayos." Kunot-noong sabi niya habang naglalakad palapit dito. Nilakasan niya yung apoy.

"Mamaya pala, aalis kami nila hyung. May bibilhin kami. Nandyan naman sila Zarina at si Yohann mo." Halatang naiinis na sabi niya kaya napangisi ako.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan? Tignan mo niluluto mo, nasusunog na." Inirapan niya ako pagkasabi nun at naglakad na paalis.

"Nilakasan mo kaya yung apoy! Kainis!" Asar na sigaw ko at narinig ko ang pagtawa niya.

"Tatawag lang ako ng bumbero!" Sigaw niya.

"Kainis ka talaga, Jungkook!" Sigaw ko. Tulog pa kasi ang iba. Inom inom pa kasi. Dapat pag last day namin gagawin yun.

"Good morning." Napatingin ako sa nakasandal sa ref. Si Jin pala. Ang aga magising ah.

"Good morning din. Kain ka na. Ito na ang ulam." Sabi ko pagkalagay ng first batch ng pinrito kong hotdogs.

"Wag ka kakain nyan, hyung. Tignan mo itsura, mahihiya uling sa kaitiman niyan." Pang-aasar niya kaya agad ko siyang tinignan ng masama.

Naiiyak na ako! Kainis!

"Jungkook talaga. Wag mo na siya asarin, kita mo ng buntis siya. Di tama na pasamain mo ang loob niya." Sabi ni Jin pagkalapit sa stove at siya na ang nagtuloy ng pagpi-prito.

"Pahinga ka muna sa sala, Kryz. Chill ka lang. Pag sumobra na yan, iwanan mo na." Sabi pa ni Jin at tumawa. Nakita ko naman na sumimangot si Jungkook. Hmp!

"Jin, gusto ko ng pancake. Lutuan mo ko ah?" Sabi ko kay Jin tapos pumunta na sa sala. Manonood ako ng Slam Dunk. Crush ko kasi si Rukawa! OMG! Huhu! Pero nasaan ba si Yohann? Gusto ko siya kurutin at yakapin eh.

"Babe." Tawag sakin ni Jungkook pero di ko siya pinansin.

"Rukawa! Rukawa! L-O-V-E Rukawa!" Sigaw ko. Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko at niyakap ako pero deadma lang.

"Babe, sorry na." Bulong niya habang hinahalik-halikan ang buhok ko.

"OMG, Rukawa! I-shoot mo n-- Jungkook!" Wala naman talaga akong balak na pansinin siya kaso bigla niya akong kinagat sa tenga. Shit! Nanginig ako at medyo nakiliti.

"Ano? Hindi mo pa ako papansinin?" Tanong niya at hinalik-halikan naman ako sa leeg.

"Jungkook naman! Nakakainis ka! Wag dito!" Sabi ko. Kainis! Dapat galit pa ako sa kanya eh!

"Dali! Tara sa kwarto tayo!" Sabi niya kaya naman hinampas ko ng malakas yung ano niya. Bwisit eh.

"Ouch! Babe naman! Ugh!" Namimilipit siya sa sakit habang nasa sofa.

"Bahala ka dyan!" Inirapan ko siya at lumabas para maglibot. Di ko pa nalibot tong resort nila Suga dahil laging nakabuntot si Jungkook at ayaw ako palayuin.

"Baby, pasensiya ka na sa mommy kung lagi ko inaaway si daddy mo ha? Nakakainis kasi siya eh. Lagi akong inaasar." Sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko na may maliit na baby bump.

"Hay naku. Bakit kasi ang seloso ng Daddy mo. Natural lang naman na ganun ako kay tito Yohann mo, syempre matagal na niya akong fan at matagal ko na pinangarap na makalapit ng ganun." Sabi ko pa at umupo sa bato sa tabi ng dagat. Tumungin ako sa asul na kalangitan. Ilang oras din akong nakatingin sa mga ibon at nag-iisip.

"Nami-miss ko yung dati. Yung mga panahong hindi pa pwedeng sabihin ni Jungkook sa mga hyung niya na kami na." Bulong ko at dumakot ng buhangin para paglaruan. Parang gusto kong bumalik sa past.

"Namimiss ko yung pang-aasar nila na sagutin ko na raw si Jungkook." Hinimas ko ang tiyan ko at tumingin sa dagat. Napangiti ako dahil naalala ko yung araw na sinagot ko si Jungkook at dun nangyari ang first kiss namin.

"Ay! Shit naman! Kinikilig ako!" Humiga ako sa buhangin at magpapagulong-gulong sana kaso naalala kong buntis nga pala ako. Haha

"Para kang tangang nakangiti diyan." Nagulat ako sa taong biglang nagsalita. Sisigaw sana ako kaso naramdaman ko na may nakalapat na mainit sa labi ko.

"Jungkook.." Bulong ko habang nakatingin sa mukha niyang nakangisi.

"I missed you. Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Sabi niya at binuhat ako para iupo sa lap niya. Yumakap ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.

"Ang cute cute mo!" Sabi ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"I love you, Babe." Bulong niya kaya napangiti ako.

"I love you, too." Bulong ko rin at tinignan siya. Agad niya naman akong hinalikan ng marahan. Hinawakan niya rin ang pisngi ko at hinaplos. Ang lambot ng labi at palad niya.

"Ah!" Sigaw niya kasi kinagat ko lower lip niya. Ang lambot kasi!

"Hala, babe! Sorry!" Nag-aalalang sabi ko. Nagdudugo na lips niya!

"Okay lang, babe. Ang wild mo." Nakangising sabi niya at hinaplos ang labi niya. Nakita niyang may dugo kaya napangisi pa siya lalo.

Nahihiya ako pero at the same time naiinis kaya bigla kong hinapit ang ulo niya at hinalikan siya. Alam kong nabigla siya kasi parang siyang nafreeze nung una pero di nagtagal hinalikan niya na rin ako at niyakap. Naghalikan lang kami hanggang sa narinig namin na tinatawag kami ni Jimin.

"Maknae! Kryzzet! Lunch na!" Sigaw ni Jimin.

"Sige, hyung! Susunod na kami!" Sigaw niya tapos tumayo habang buhat ako. Nakakapit dalawang binti ko sa bewang niya tapos nakayakap ako sa leeg niya. Feeling ko baby ako. Hahaha!

"Sus. Sarap na sarap ka naman." Bulong niya habang naglalakad kami.

"Syempre! Parang baby ako na binubuhat ng nanay." Sabi ko at tumingin sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ow? Baka naman iniisip mo na.." Binitin niya sinasabi niya at nakaramdam ako ng ano..

"Jungkook ha!" Sigaw ko at binaon ang mukha ko sa leeg niya. Narinig ko na tumawa siya at inayos ang pagkakabuhat sakin.

"Ang perv mo ha!" Sabi ko habang nakabaon pa rin mukha ko sa leeg niya.

"Babe, wag ka magsalita dyan. Nate-turn on ako." Bulong niya sa tenga ko at husky pa ang boses niya! Ugh! Dahan-dahan kong ginapang ang kanang kamay ko papunta sa tagiliran niya at kinurot siya ng pino!

"Ouch! Shit! Masakit, Babe!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Aray! Di ako makahinga!" Malakas na sabi ko kaya linuwagan niya rin yakap niya.

"Kinurot mo kasi ako. Ang sakit kaya." Sabi niya habang naka-pout. Ang red ng lips niya. Ang yummy. Huhu

"Okay lang naman na halikan mo ako kung gusto mo." Sabi niya kaya napatingin ako sa mga mata niya. Halatang nang-aasar siya.

"Gusto mo makurot ulit?" Banta ko at sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mong di ulit makahinga?" Sabi naman niya habang nakataas ang kilay.

Nagtitigan lang kami hanggang sa makarating kami sa dining table. Medyo awkward kasi ang tahimik nila Jin, Elle at Carmela. Si Yohann naman kasama ni Suga, may binili sa bayan. Medyo naging okay din nung nagkulitan sila Jimin at Samantha. Naku! Ang landi talaga ng dalawang to!

After namin kumain ay nagpahinga muna kami ni Elle sa veranda. Di namin alam saan pupunta yung iba. Kami lang nila Elle at Carmela ang naiwan. Ugh! Si Carmela agad dumiretso sa kwarto niya pagkatapos kumain.

"Elle, bakit ang tahimik mo?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Hala! Bakit siya naluluha?!

"I'm okay. Don't mind me. Balik na ako sa room ko, inaantok pa kasi ako." Sabi niya at ngumiti ng konti. Tumango lang ako at tinignan siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Ang weird ng nga tao ngayon." Sabi ko at humiga sa sofa bed. Ugh! Naramdaman ko na rin ang antok.

----

"Kryz! Kryz! Gising na! Dinner na, uy!" Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko kaya napadilat ako at nakita si Angelika sa harap ko. Bihis na bihis.

"Anong meron? Pupunta kang party?" Nagtatakang tanong ko tapos nag-unat. Uh! Ang sarap sa pakiramdam pag lumalagutok mga buto. Hahaha

"Ligo ka na. Tapos suotin mo laman niyan." Sabi niya at inabot sakin ang dalawang paperbag. Nagtataka ko siyang tinignan pero hinila lang niya ako para pumunta sa kwarto namin ni Jungkook.

"Hihintayin kita sa baba-- Ay! Si Hoseok yon. Sa sala pala. Bilisan mo ha!" Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Ano ba kasing meron? Aish!

Naligo nalang ako at isinuot ang dress at stilletos na nasa paperbag. Simpleng white dress at red stilletos ang laman. Light make-up lang ang in-apply ko.

Kinuha ko ang handbag ko at lumabas ng kwarto, pero pagkalabas ko pa lang ay biglang namatay lahat ng ilaw.

"Shit! Walang kuryente?" Bulong ko at kukunin sana ang cellphone ko pero biglang may humawak sa balikat ko at nakaramdam ako ng malamig na bagay sa leeg ko.

"Wag kang sisigaw kung ayaw mo mamatay." Sabi ng isang malalim na boses. Nakaramdam ako ng takot dahil hindi pamilyar ang boses niya. Hindi ko siya kilala..

"P-please, w-wag mo k-ko sas-saktan." Nanginginig na sabi ko at hinawakan ang nakatapat na bahay sa leeg ko. Baril.

"Sure. Basta wag ka sisigaw at gagawin mo lahat ng sasabihin ko." Sabi niya kaya napalunok ako at tumango.

"Good. Ngayon lumakad ka papunta sa event hall. Sundan mo ang black carpet." Sabi niya. Ay gago, pano ako lalakad eh wala ako makita, madapa pa ako. Gusto ko sabihin yon kaso baka magalit kaya naglakad nalang ako. Ramdam ko naman na inaalalayan niya ako pero sana wag niya mapindot gatilyo ng baril. Huhu. Kawawa ako saka ang baby namin ni Jungkook!

Naiiyak ako pero naglakad nalang ako. Gina-guide naman niya ako kaya naman di ako nadadapa. Ayos ah, may night vision device kaya na suot to?

"Nasa hagdan na tayo. Dahan-dahan pagbaba dahil baka mahulog ka. Malagot pa ako kay boss." Sabi niya. Kung ganon may nag-utos sa kanya?

"S-sino nag-utos sayo?" Tanong ko pero di niya ako sinagot. Kasi di naman ako nanligaw. Joke! Shit! Nasa panganib na ako pero kung anu-ano pa naiisip ko!

"Baba na!" Wala si J-Hope dito. Huhu

Bawat pag-apak ko sa bawat baitang ay bumubukas ang pulang ilaw na nasa wall. Pagkababa namin ng first floor ay agad niya akong pinalabas ng bahay. Papunta na kami sa event hall ngayon. Shit! Kinakabahan na ako! At nasaan ba si Angelika? Si Elle? Carmela? Sila Jungkook?! Shit! Nag-aalala ako. Naiiyak na ako. Sana walang nangyaring masama sa kanila!

Pagpasok namin ng event hall ay nakita ko agad ang mahabang itim na carpet. Ito lang kasi ang naiilawan at madilim na sa paligid nito. May naaninag ako na dalawang tao sa dulo. Ang isa ay naka-maskara at ang isa ay naka-piring ang mata.

"S-si J-jungkook ba yon?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nakapiring ang mga mata.

"Lakad!" Malakas na sabi ng lalaking tinututukan ako ng baril. Agad akong naglakad hanggang sa makarating sa harap nila Jungkook at ng lalaking nakamaskara.

"Mabuti naman at nandito na kayo. Kamusta, Kryzzet? Natatakot ka ba?" Tanong ng lalaki pero di ko siya pinansin. Nakatingin ako kay Jungkook na tinututukan niya ng baril.

"K-Kryzzet! Kryzzet! Wag niyo sasaktan ang mag-ina ko! Kung di malalagot kayo sakin!" Sigaw niya at pilit na nagpupumiglas sa pagkakatali niya sa upuan.

"Jungkook!" Sigaw ko at napaluha na. Shit! Ano ba kailangan nila samin!

"Makinig ka, ms. Kryzzet. Gusto kong gawin mo lahat ng iuutos namin sayo." Sabi ng lalaki at tinutok sakin ang baril.

"A-ano ba kailangan niyo?! Sino ba kayo?! Pakawalan niyo na kami!" Sigaw ko habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.

"Oh! Stop that drama. Gusto ko lang na.." Binitin niya ang sinasabi niya at pumalakpak ng dalawang beses.

Biglang lumipat ang ilaw na nakatutok sakin dun sa kaliwang side at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatali sa mga upuan at may panyo sa mga bibig. Umiiyak ang mga babae, ang BTS at si Yohann ay nakayuko lang at kuyom ang mga kamao.

"Guys! Ano ba nangyayari?! Natatakot na ako!" Sigaw ko at napahikbi na ng malakas. Narinig kong tumawa ang lalaki. Gago.

"Mamili ka.. Sino sa kanila ang papatayin mo? Tatlo, ms. Kryzzet. Tatlong tao kapalit ng buhay ng lalaking to." Sabi niya at inabot sakin ng tao sa likod ko ang isang baril. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang baril. Di ko na mapigilan ang paghikbi ko. Ang sakit-sakit!

"Kryzzet, wag! Hayaan mo nalang ako ang mawala!" Sigaw ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya. Sila lang ang naiilawan at alam ko na di nila ako nakikita.

"Hindi, Jungkook! Ayoko! Ayoko gawin ang pinapagawa niyo!" Umiiyak na sabi ko at hinagis ang baril. Umupo ako at umiyak sa mga palad ko.

"Ganun ba? Di na ba magbabago ang isip mo?" Tanong niya at nakarinig ako ng dalawang putok ng baril. Napasigaw ako at nagtakip ng tenga.

"Tama na! Tama na! Please! Tama na!" Sigaw ko at humikbi ng malakas.

"Kryzzet, tama na! Makakasama yan sa anak natin!" Narinig kong sigaw ni Jungkook. Umiling ako at umiyak pa lalo.

Ayoko na.. ayoko ng ganito!

"Kung ganun pala, ikaw nalang ang papatayin.. pero!" Sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

"A-anong sabi mo?!" Gulat na tanong ko. Kung ako ang papatayin niya..

"Fuck! Wag! Buntis siya! Dala niya ang anak namin! Please! Wag siya! Ako nalang!" Sigaw ni Jungkook na nagpupumiglas na naman. Nakatulala lang ako ng tinayo ako ng lalaki at hinarap kila Jungkook. May tumapat na ilaw samin at umalis ang lalaki sa likod ko.

"Jeon Jungkook, ikaw ang papatay sa asawa mo. Kung hindi mo siya papatayin, tapos lahat ng kaibigan niyo!" Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Wag!" May lumapit na mga nakamaskarang lalaki sa mga kaibigan namin at tinutukan sila ng baril. Napaiyak nalang sila at yumuko.

"Aalisin namin ang pagkakatali mo pero wag ka gagawa ng mali kundi patay lahat ng kaibigan mo maging ang asawa mo." Sabi ng lalaki kay Jungkook at inalis siya sa pagkakatali maging ang piring niya.

"Kryzzet!" Naluluhang tawag niya sakin. Nanginginig ang kamay niya pagkabigay sa kanya ng baril. Agad din naman siya tinutukan ng baril. Sinisigurado talaga na di siya manlalaban.

Fuck! Wala na yata talaga kaming magagawa! Kailangan ko mawala.

"Barilin mo na siya sa puso." Sabi ng lalaki. Nakatitig lang kami ni Jungkook sa isa't isa, parehas na umiiyak.

"I love you, Babe." Sabi niya at ngumiti kahit lumuluha.

"I love you, too." Sagot ko naman at pumikit. Handa ng mawala. Inalala ko lahat ng maganda at panget na nangyari sa buhay ko. Ni hindi pa naman yata ako naging mabuting kaibigan tapos kukunin na ang buhay ko?

Fuck! I'm sorry, Lord. I'm so sorry, Baby. Ni hindi ka man lang nasilayan ang mundong ito.

"I'm sorry, Babe. I'm sorry for making you scared. Will you marry me?" Narinig kong sabi ni Jungkook kaya napadilat ako kasabay ng pagkalabit niya sa gatilyo ng baril. Nakangiti. Nanlaki ang mga mata ko.

Bumukas lahat ng ilaw at may mga white and red petals na nahuhulog mula sa taas. Narinig ko ang mga kaibigan ko na nagtatawanan at sumisigaw ng 'Congratulations'. Biglang lumapit sakin yung nakamaskara at inalis ang maskara niya.

"I'm sorry, anak. Congrats! Si Jungkook kasi." Sabi ni Dad at niyakap ako pero tulala pa rin ako.

"It's okay, Dad." Mahinang bulong ko. Tinapik niya lang ako sa balikat at lumapit samin si Mom, niyakap din ako. Napaiyak ako.

"Stop crying, Baby. Jungkook, hijo! Patigilin mo to kundi lagot ka sakin!" Sabi ni Dad at iniwan ako. Tumingin ako kay Jungkook na lumalapit sakin at naka-half smile. Nagkakamot pa ng batok.

"Babe, I'm sorry." Sabi niya at niyakap ako.

"I hate you!" Sigaw ko at tinulak siya pero di siya nagpatinag. Sinuntok-suntok ko siya sa braso pero yinakap niya lang ako.

Ang sakit sa pakiramdam kasi akala ko mawawala na talaga akopero.. masaya ako kasi..

"You will marry me." Sabi niya at naramdaman ko na hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at may malamig na bagay ako na naramdaman na sinusuot sakin.

"I love you." Sabi niya at niyakap ko siya. Humikbi ako ng humikbi.

"I love you, too." Sabi ko. Nilayo niya ako konti at tinitigan sa mata. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang mga hinlalaki niya.

"Stop crying. Baka makasama kay baby." Sabi niya at ngumiti.

I really, really love his smile.

"Tears of joy naman to eh!" Sabi ko at bigla nalang niya ako hinalikan.

Nakarinig nalang kami ng pag-click ng camera. Pumalakpak ang lahat at naghiyawan. I'm sure ang BTS yun at sila Sam.

"I love you so much." Sabi niya sa pagitan ng halikan namin.

"Pero gago ka pa rin, tinakot mo ako. Pero infairness, ang galing niyo umarte. Kinuntsaba niyo pa sila Dad." Kinurot ko tagiliran niya kaya napahiyaw na naman siya. Grabe, di ko nakilala boses ni Daddy dahil matagal na kami di nagkakasama.

Nagtawanan ang lahat kaya tumawa na rin ako. Tinignan ko ang paligid, nandito pala ang mga parents ng BTS at mga kaibigan ko. Nandito rin ang mga kamag-anak ko. Shit! Ang saya saya ko!

Binuhat ako ni Jungkook at inikot-ikot sa ere. Hinalikan niya ulit ako pagkatapos ay sabay-sabay kami lahat kumain ng dinner.

Baby, ikakasal na kami ng Daddy mo. Happy ka rin, diba? Basta love na love ka namin. At ibibigay namin lahat sayo paglabas mo sa mundong ito..

The End

-----

Hi, guys! Special Chapters muna isusulat ko. :)

Sana nagustuhan niyo! ♥

- A ♥

Continue Reading

You'll Also Like

21.9K 156 19
PROLOGUE: She left us because of me, she left because she wants to protect us, she even gave up all that she had, even her dream in able to protect...
1.6K 138 20
Marea Santos is a woman with dreams and compassion, as a sharp student; she was an opportunity, luckily yet unluckily that she's tasked to something...
4.7K 149 52
⎙ Epistolary by Jeon Jungkook ⩨ Status : ❛Completed❜ ʚ ɞ . &. "Ex" ┊1st Bangtan Series ❝Sorry but i'm breaking up with you❞ - J.JK ❝Ok, basta...
41.9K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"