Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

802K 51K 72.2K

Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipi... More

Book 2 (Completed)
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII: The Cryosail
Kabanata LXIV
Kabanata LXV (Part 1)
Kabanata LXV (Part 2)
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)
Kabanata LXVIII (Larong Pampalakasan Part 2)
Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV (Ang Kaarawan ng Bida)
Kabanata LXXV
Kabanata LXXVI
Kabanata LXXVII
Kabanata LXXIX
Kabanata LXXX
Kabanata LXXXI
Kabanata LXXXII
Kabanata LXXXIII
Kabanata LXXXIV
Kabanata LXXXV
Kabanata LXXXVI
Kabanata LXXXVII
Kabanata LXXXVIII
Kabanata LXXXIX
Kabanata XC
Kabanata XCI
Special Chapter: RATSP Christmas Edition
Kabanata XCII
Kabanata XCIII
Extra 1
Kabanata XCIV
Kabanata XCV (First Date?)
Kabanata XCVI
Kabanata XCVII
Kabanata XCVIII
Kabanata XCIX
Kabanata C
Kabanata CI
Kabanata CII
Kabanata CIII
Kabanata CIV
Kabanata CV
Kabanata CVI
Kabanata CVII (La Familia Agrigent)
Kabanata CVIII
Kabanata CIX
Kabanata CX (Ang Kaarawan ng Hari: Unang Bahagi)
Kabanata CXI (Ang Kaarawan ng Hari: Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])
Kabanata CXIII: Ang Kaarawan ng Hari (Huling Bahagi - 2 [Alab])
Kabanata CXIV: Pag-amin
Kabanata CXV: Ang Kasagutan
Kabanata CXVI: Ang Pagsiwalat ng Katotohanan
Kabanata CXVII: Sandigan
Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)
Kabanata CXIX: Ang Kaharian ng Naia (Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXX: Ang Kaharian ng Naia (Huling Bahagi)
Kabanata CXXI: Aerwyna
Kabanata CXXII: Ang Pangako (Epilogue for Book 2)
Author's Note

Kabanata LXXVIII

8.5K 615 282
By Airosikin

- ERYX -

Alas-sais pa lamang ng umaga ay nakagayak na si Eryx upang maghanda sa sunod-sunod na paglusob na gagawin nila para sa araw na ito. Halos hindi man lamang siya nakakuha maski limang minutong tulog dahil tambak ang mga gawain na kinakailangan niyang tapusin bago dumating ang oras na pinakahihintay ng karamihan.

Ilang beses din siyang pilit ni Estevan na magpahinga o pumikit panandalian ngunit pakiramdam niya ay tuwing pumipikit siya ay nakikita niya ang dismayadong mukha ng dalaga na muli na naman niyang pinasama ang loob. Paulit-ulit na naaalala ni Eryx ang hitsura ni Eliana noong binatawan niya ang mga masasakit na salita dito kahapon. Punong-puno ito ng pagkadismaya, lungkot, at galit - mga emosyong madalas man niyang makita sa dalaga ay sa pagkakataong iyon naman ay nakadirekta ang lahat ng iyon sa kanya. Maging ang mga sinabi ng dalaga ay tumatak din sa isipan ni Eryx na mas lalong nagpabagabag sa kanya.

Akala ko pa naman ay kilala mo na ako, Eryx, pero bigo ako.

Kung maaari lamang niya ito habulin at kausapin noong oras na iyon ay gagawin niya ngunit hindi niya maaaring ipakita sa harap ng lahat ang pag-aalala niya sa dalaga dahil maging siya ay hindi niya maipaliwanag sa sarili ang tunay niyang nararamdaman para dito. Nais lamang niya itong hindi manghimasok sa panganib na nais na naman nitong suungin. Sapat na ang takot at kaba na naramdaman niya noong kamuntik ng hindi makalabas si Eliana sa gumgulong gusali ng Belle and Bell. Ayaw na niyang maulit pa ito. Ayaw na niyang malagay ito sa kapahamakan.

Napabuntung hininga na lamang si Eryx sa kanyang mga iniisip lalo na ng maramdaman niya ang marahang pagkirot ng kanyang ulo. Tingin niya ay mukhang umeepekto na sa kanya ang kawalan ng tulog at pahinga nitong mga nakaraang araw.

Sa isip niya rin ay dadalawin na lamang niya si Eliana pagkatapos ng lahat ng ito upang humingi ng kapatawaran. Wala man kasiguraduhan na tatanggapin nito ang kanyang paumanhin ay susubukan pa rin niya dahil iyon ang nararapat at tama. Hindi niya intensyon ang sumama ang loob nito o ang saktan ang kanyang damdamin dahil ang tanging hangad niya lamang ay ang kaligtasan ng dalaga.

Tinapos na lamang niya ang pagsusuot ng guwantes at pag-aayos ng kanyang uniporme bago lumabas sa kanyang opisina. Bumungad naman sa kanya ang mahigit apat na kawal na kanina pa naghihintay sa kanya kabilang ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan na sina Vyn at Estevan. Si Estevan ay madalas namang sumasama sa kanya kapag ganitong mga misyon habang si Vyn naman ay kinakailangan niyang ipatawag mula sa border ng Archelaos upang magsilbing katuwang niya sa pakikipaglaban. Tiwala kasi siya sa kakayahan nito pagdating sa pakikipaglaban at paghahanap.

Yumuko naman ang lahat sa kanya nang mamataan siya ng mga 'to. Simpleng tango lamang ang ibinigay niya sa mga ito bago sinenyasan na sila'y mauna na.

Nauunang maglakad si Eryx sa lahat kaya naman lahat ng nakasasalubong niya na mga mag-aaral na papasok pa lamang sa klase ay panay ang yuko sa kanya upang magbigay-galang Tila ba sanay na ang mga ito sa pakay ni Eryx kapag ang gayak ng binata ay isang armot na gawa sa magandang kalidad ng bakal at ang kapa nito na kulay pula na mayroong malaking simbolismo ng araw.

Habang tinatahak nila ang labas ng akademya kung saan naghihintay ang iba pa niyang tauhan maging ang piling miyembro ng mga nasa ranggo ay natanaw niya naman ang pamilyar na mga binibini kausap si Prinsipe Daewon.

Halata sa mukha ni Daewon ang pagkabalisa at pag-aalala habang ang mga kababaihan na tingin ni Eryx ay ang mga katulong ni Eliana ay lumuluha at tila ba natataranta. Mistulang nagtatalo rin ang tatlo sa kung anong paksa.

Sakto namang magkakasalubong ang kanilang landas kaya agad din natigil ang tatlo sa pagtatalo at mabilis na yumuko sa kanya. Bahagya pa siyang nagulat na maging si Prinsipe Daewon na kilala niyang may katigasan ang ulo ay nagbigay galang sa kanya.

"P...Pagbati sa ikalawang araw ng Emperyo, mahal na Prinsipe Eryx." Namamaos at tila ba balisa pa rin na saad ng dalawang dalaga na pilit pinakakalma ang kanilang mga sarili.

"Pagbati, Prinsipe Eryx." Matigas at tila ba napipilitang saad ni Daewon na mukhang malalim ang iniisip.

Marahan namang tumango si Eryx sa tatlo habang ang mga kalalakihan sa likod niya ay nagbigay galang kay Daewon bilang Prinsipe ng Cymopoleia.

Nagdadalawang isip pa si Eryx kung dapat ba niyang itanong ang problema na pinagtatalunan ng tatlo ngunit kusa na rin bumuka ang bibig niya.

"May problema ba, Prinsipe Daewon? Maaga pa lamang ay mukhang nagagahol na kayo..." Nag-aalalang pahayag ni Eryx habang ang mga mata ay nagpapalipat-lipat pa rin sa tatlo.

Kapansin-pansin naman ang pagkuyom ng mga kamay ni Daewon na tila ba nag-iisip pa ito kung dapat ba siyang mag-angat ng tingin kay Eryx at sumagot. Pansin din ni Eryx ang muli na naman pagtangis ng dalawang dalaga sa tabi ni Daewon na nananatili pa rin mga nakayuko.

"A...Ang kapatid ko. S...Si Eliana..." Nanginginig at tila ba hirap na sambit ni Daewon habang nakayuko pa rin ito kay Eryx at hindi magawang mag-angat ng tingin.

Bigla naman dinungol ng kaba si Eryx matapos marinig ang pangalan ng dalaga ng ganito pa lamang kaaga. Samu't-saring dahilan na ang pumasok sa isipan ni Eryx dahil dito ngunit pinilit niya pa rin manatiling kalmado.

"Anong nangyari kay Prinsesa Eliana?" Malamig at tila ba naiinip na tanong ni Eryx dito.

Doon lamang nag-angat ng tingin si Daewon ng paningin at bakas sa mukha ng batang Prinsipe ang matinding pag-aalala.

"N...Nawawala ang kapatid ko, Prinsipe Eryx. Nawawala si Eliana." Mangiyak-ngiyak na saad ni Daewon habang pilit pa rin nto pinakakalma ang sarili.

Hindi na nakatiis pa sina Leandra at Stella at muli na naman itong pumalahaw ng iyak dahil sa lubos na pag-aalala sa kanilang prinsesa.

Mistulang pinagbagsakan naman ng langit at lupa si Eryx sa kanyang narinig. Tila ba mayroong bumara sa kanyang lalamunan para hindi na lamang makasalita kaagad at dinadama ang lalong pag-usbong ng kaba at pag-aalala sa kanyang puso.

Napapikit na lamang si Eryx dahil sa biglaang buhos ng emosyon sa kanyang puso't isipan. Pilit niya pa rin pinakakalma ang sarili upang makapagtanong sa maayos na paraan ng detalye sa kanyang mga kaharap.

"Paanong nangyari na nawawala si Prinsesa Eliana? Kailan pa ito? Saan niyo siya huling nakita?" Sunod-sunod na tanong ni Eryx sa tatlo ngunit lumingon lamang si Daewon sa dalawang dalaga na patuloy pa rin lumuluha.

Dahan-dahan namang nag-angat si Leandra ng mukha ngunit siniguro niya pa rin na hindi siya diretsong titingin sa mga mata ng isang aristokrata. Lumuluha na rin siyang nagkuwento dito.

"K...Kagabi lamang po ay umuwi pa si Prinsesa Eliana ngunit tila ba masama ang kanyang loob at malalim ang kanyang iniisip. Tahimik lamang po siya magdamag at hindi na rin po siya naghapunan o lumabas ng dormitoryo dahil dumiretso na po siya sa pagtulog." Sandaling tumigil si Leandra sa pagkukuwento upang punasan ang mga luha sa mata at kalmahin ang sarili.

Naging pagkakataon naman ito para mas lalong makonsensya si Eryx matapos marinig ang mga aksyon ng dalaga kagabi. Nasisiguro niya na maaaring siya ang dahilan kung bakit masama ang loob nito at tila may bumabagabag sa isipan ni Eliana.

"P...Paggising po namin kaninang umaga...bandang alas-sinco imedya po ay wala na po si Prinsesa Eliana sa kanyang silid. Nawawala rin po ang kanyang roba na kadalasan niyang ginagamit kapag lumalabas ng kanyang silid. Bukod po doon ay wala na pong ibang nawala..." Umiiyak pa nitong saad at sandaling huminto upang may kunin sa bulsa na isang piraso ng papel.

"I...Iniwan niya rin po ang sulat na ito sa lamesa..."

Nanginginig na inabot ni Leandra ang sulat kay Eryx na mabilis naman itong kinuha at binasa.

Siniguro niya muna na sulat-kamay ito ng dalaga dahil pamilyar siya sa sulat-kamay nito minsan na niyang nakita sa sulat na kaakibat ng cake na ipinadala nito.

Mas lalo lamang siya nag-aalala nang makumpirmang sulat kamay nga ito ni Eliana. Mariin na rin niya itong binasa.

Leandra,

Ikaw na ang umintindi ng sulat ko dahil tanga si Stella.

Una sa lahat, huwag niyo na tangkain pang magsumbong sa kung sino mang naisipan niyo na naman buwisitin oras na malaman niyong nawawala ako dahil babalik din naman ako. May kailangan lang ako asikasuhin sandali.

At ikalawa, siguraduhin niyo rin na matatapos niyo ang mga natitirang bestida na ibebenta ko na sa susunod na linggo. Huwag niyo na rin tangkain na gumawa ng ikasasakit lamang ng ulo ko dahil malilintikan talaga kayong dalawa sinasabi ko talaga sa inyo.

P.S.

Alam niyo naman kung nasaan ang mga salapi ko kaya kapag natagalan ako, gamitin niyo na lang iyon para hindi kayo mamatay sa gutom.

- Eliana

Napabuntung-hininga na lamang tuloy si Eryx sa kanyang nabasa. Hindi pa man niya alam ang tunay na pakay nito ngunit nakukutuban na niya kung saan nagpunta ang dalaga at sino ang kasama nito.

- MISHAL -

Magdamag na hindi natulog si Mishal upang asikasuhin si Neola na kagabi pa inaapoy ng lagnat. Malalim ang mga sugat nito at wala rin tigil sa pagdurugo kaya nangangamba si Mishal na baka maimpeksyon na ito kung hindi pa lalagyan ng karampatang lunas.

"Leofwine, maaari mo bang punasan muna si Prinsesa Neola ng tuwalya. Hihingi lamang ako ng gamot dahil lalo lamang lumalala ang kanyang sitwasyon." Pakiusap ni Mishal kay Leofwine na nananatili rin sa tabi ng dalawang Prinsesa upang umalalay.

Kaagad naman ito sinunod ni Leofwine at marahang dinampian ng malinis na tuwalya ang noo ni Neola na puno ng butil ng pawis.

Pawis na pawis si Neola dahil na rin sa matinding hapdi na tinitiis sa mga nakabukas na sugat. Halos hindi na ito naasikaso ng maayos dahil hindi naman sila tinatrato ng maayos ng mga nagbilanggo sa kanila dito. Bukod sa maduming tinapay ay limitado rin ang tubig na natatanggap nila.

"K...Kuya..." Nanghihina at tila ba nananaginip na bulong ni Neola habang sumisinghap ito ng hangin.

Napakagat-labi na lamang si Nsola sa kanyang nasasaksihan. Nasasaktan siyang makita ang kapwa niya babae at ang kapatid ng kanyang kaibigan na ganito ang kalagayan. Kalunos-lunos at talaga namang nakakaawa. Kung makikita lamang ni Caedmon ang kapatid na ganito ang kalagayan ay baka kung ano pa ang gawin niya sa labis na galit na mararamdaman.

"Sige na, Prinsesa Mishal. Ako na muna ang bahala sa kanya. Kung hindi kasi siya makakainom ng gamot ay mas lalong lalala ang kanyang impeksyon. Maaaring hindi na niya kakayanin sa mga susunod na araw kung hindi ito maaagagapan." Saad ni Leofwine na patuloy pa rin sa pag-aasikaso kay Neola.

Inayos niya pa ang hinihigaan nitong pinagpatong-patong na mga tela na ibinigay mismo ng mga kababaihan na kasama nila. Gumawa rin ang mga ito ng maaaring higaan ni Neola upang hindi madapuan ng dumi ang kanyang likuran.

Hindi naman na sumagot si Mishal at kagat-labi na lamang na nag-iwas ng tingin. Pinilit niya rin makatayo ng maayos dahil nakakadena pa rin ang parehas na mga kamay niya at kaninang umaga lang ay kinadena rin ang kanyang mga paa. Mas malala ang trato sa mga katulad niyang anak ng aristokrata kumpara sa mga ordinaryong kababaihan lang na nandito. Tingin niya ay may personal na galit ang mga kalalakihan dito sa mga dugong-bughaw dahil sa hindi niya malamang dahilan.

Iika-ikang tinungo ni Mishal ang pintuan saka malakas itong kinalabog. Napatingin naman sa kanya ang ibang mga kababaihan dahil sa ginagawa niya.

"Tulong! Bigyan niyo ng gamot ang kaibigan ko! H...Hindi na niya kakayanin ang mga sugat na natamo niya! Pakiusap!" Sigaw ni Mishal habang malakas na ginagalabog ang pintuan na gawa sa makapal na kalidad ng metal.

Hindi niya alintana ang kalawang ba bumabalot na dito at ang ilang nakausling metal na nakakahiwa at nakakatusok sa balat.

"Pakiusap! May tao ba dyan! Kailangan namin ng gamot para sa kaibigan ko!" Patuloy pa rin ni Mishal habang mas nilakasan ang galabog ng pinto.

Patuloy lamang siya sa kanyang pagsigaw kahit halos mamaos na ag kanyang boses at magsugat na ang kanyang mga kamay. Hindi niya alintana ang sakit na nadarama niya para lamang kay Neola na mas malala ang dinaramang sakit.

"P...Parang awa niyo na!" Mangiyak-ngiyak na saad ni Mishal sabay hampas ulit sa pintuan. "Bigyan niyo man lang kami kahit kaunting gamot para sa kaibigan ko kundi...kundi..." Hindi na halos matuloy ni Mishal ang sasabihin dahil naiiyak na siya sa labis na pag-aalala at kawalang pag-asa na mapapansin siya ng mga walang pusong kalalakihan.

Sa mga oras na ito ay bigla niyang naisip sina Eliana at Sereia. Napagtanto niya kung ang mga kababaihan ba na 'yon ay susuko na kapag naharap sa ganitong sitwasyon? Prinsesa rin siya pero napakaduwag niya kung ikukumpara siya sa dalawa. Hindi siya naiinggit sa mga kaibigan niya dahil mas hinahangaan niya pa ang mga ito sa katapangan na taglay nila sa kabila ng kawalan ng kapangyarihan.

Naikuyom na lamang ni Mishal ang kanyang mga kamao at mas lalong umusbong sa kanya ang lakas ng loob.

Itinigil niya sandali ang ginagawang pagkalampag saka inilibot ang kanyang paningin upang makakita ng kahit anong matigas na bagay. Mula sa di kalayuan ay nakakita diya ng isang may kahabaang kahoy na nakaimbak lamang sa tabi. Kaagad naman ito kinuha ni Mishal at sa kabila ng kabigatan ay pinilit niya pa rin itong buhatin.

"Pakiusap! Kailangan namin ng gamot dito!!" Malakas na sigaw ng dalaga kasabay ng pagwasiwas sa kahoy at malakad din itong pinatama ss baka na pinto.

Gumawa ng isang malakas na tunog ang pagkakahampas ni Mishal sa pinto dahilan para ang ilang kababaihan ay magulat dito. Maging si Mishal ay nagulat din sa lakas ng tunog nito ngunit mas lalo lamang lumakad ang loob niya na makatawag pansin ng kahit na sino ss mgs tauhan ng sindikato upang magmakaawa kahit tubig man lamang.

Nagpatuloy lamang si Mishal sa paghampas ng kahoy sa pinto kasabay ng malakas niyang paghingi ng tulong. Wala na siyang pakialam kung halos mamaos na ang kanyang boses o di kaya'y manakit ang kanyang mga braso at kamay dahil para sa kapwa niy ay ibibigay niya ang lahat ng makakaya mabuhay lamang ito.

Ilang sandali lamang ay nakarining na rin si Mishal ng mga yapak mula sa labas na tila ba papalapit ito sa kanilang kinalalagyan.

Nataranta naman ang mga kababaihan sa loob at kanya-kanyang suksok na lamang sa pader sa takot na sila naman ang pagmalupitan nito.

Maya-maya lamang ay marahas nang bumukas ang bakal na mga rehas dahilan para mapaatras na lamang si Mishal dito at mapatitig sa mga kalalakihan na dumating. Nabitawan din ni Mishal ang hawak na kahoy dahil sa labis na pagkagulat.

Tatlong lalaki ang nasa kanyang harapan at iba ang mga ito sa mga lalaki na nagdala kay Neola kagabi sa silid na ito. Lahat sila ay may mga dalang naglalakihan at matatabang pamalo at nakasukbit na latigo sa kanilang mga pantalon. Kinilabutan naman siya ng maisip na kung hindi siya kaagad aakto ay sa katawan niya mismo ang tatamo ang mga dala nito.

"Putang ina napaka-ingay mo naman! Ano bang problema mo?! Gusto mo bang makatikim ng latay?! Ha?!" Galit at talaga namang nanggigigil na pahayag ng lalaki.

Pinakaayaw pa naman ni Mishal ang sinisigawan at minumura siya pagka't naaalala niya ang kanyang mapait na nakaraan kung saan nakaranas din siya ng pagmamalupit sa sariling pamilya. Kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na mangatog sa harap ng lalaking kung tutuusin ay mas mababa ang antas sa lipunan kumpara sa kanya.

"Ikaw ba ang nag-iingay dito?! Ano na namang pagpapapansin ang ginagawa mo, hayop ka?!" Patuloy pa na sigaw nito na halos magpatalon na lamang kay Mishal sa gulat at takot.

Naikuyom na lamang ng dalaga ang kanyang mga palad at halos bumaon na ang mga kuko niya dito upang mapanatili lamang ang kamalayan sa sarili.

Kahit nanginginig ang buong katawan ay nag-angat pa rin siya ng tingin sa mga kalalakihan na nasa harap niya at halos lahat ay galit nang nakatingin sa kanya. Ang isa pa sa kanila ay nakahanda na ang malaking kahoy na hawak upang ano mang oras ay hampasin siya upang madisiplina.

"P... Pakiusap, m...malala ang mga sugat ng kaibigan ko, b...bigyan niyo man lamang siya ng mga gamot at tubig..." Mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mishal habang nakaturo sa gawi ni Neola na nakahiga lamang sa tabi habang nasa palibot nito ang ilang kababaihan na nagmula sa Cymopoleia na wari'y pinoprotektahan siya.

Nilingon naman ng mga kalalakihan ang gawi ni Neola habang ang isa ay naglakad pa palapit dito. Nanatili namang nakatayo ang dalawa at tila ba walang pakialam ang mga ito sa sinabi niya. Nakangisi rin ng nakakaloko ang lalaking nasa gitna na may katabaan ang pangangatawan at kalbo.

"At bakit naman namin gagawin 'yang ipinag-uutos mo?! Tingin mo ba senyorita ka pa rin sa lugar na ito kaya kung utusan mo kami ay basta-basta na lang?!" galit at pasigaw pa rin nito na saad habang ang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa dalaga.

Mariin naman umiling si Mishal dito bago sumagot.

"H... Hindi. K... Kailangan ko lang talaga ng gamot para sa kaibigan ko. Nakikiusap lang ako at hindi ako nag-uutos kaya pakiusap, bigyan niyo siya ng gamot para sa impeksyon na kumakalat na sa kanyang katawan." Naiiyak pa rin na pahayag ni Mishal at tila ba ano mang oras ay tutulo na ang kanyang mga luha sa labis na takot at pangamba na nararamdaman.

Sandaling nanahimik ang mga kalalakihan at tila ba makahulugan itong nagtitingnan sa isa't isa na tila may masamang pinaplano. Nakumpirma nga ang hinala ni Mishal na may hindi ito magandang iniisip pagka't nginisihan siya ng lalaking nasa gitna ng nakakaloko at talaga namang nakakapanindig balahibo.

"At ano naman ang kapalit kapag tinupad namin ang kahilingan mo?" Makahulugan nitong saad habang ang mga mata ay pinapasadahan ang kabuuan ni Mishal.

Napayakap na lamang si Mishal sa kanyang katawan pagka't pinagpalit na sila ng manipis na kasuotan lamang na puti, madumi, at maikling bestida. May ilang punit at butas pa ito dahilan para makita ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Mas lalo naman namutla si Mishal ng bigla na lamang maglakad palapit sa kanya ang mga lalaki dahilan para mapaatras na lamang siya sa takot.

"A... Ano ang iyong ibig sabihin---"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bigla siyang hawakan ng lalaki sa braso at hinatak palapit sa kanya.

"Sa lugar na ito, wala ng libre at kami na ang masusunod kaya naman...mabibigay mo ba 'yang katawan mo bilang bayad sa gamot na makukuha mo sa amin?" Nakakikilabot na bulong pa nito sa tenga mismo ni Mishal.

Napahiyaw na lamang ang dalaga sa takot at marahas na nagpapapasag sa pagkakahawak nito. Nagtatawanan naman ang mga kalalakihan sa ginagawa niya habang ang mga babae ay naiyak na lamang sa takot.

"H... Hindi maaari! Bitawan niyo ako! P...Pakiusap, maawa naman kayo sa amin!!" Iyak pa ni Mishal habang pilit na kumakawala sa mga lalaking hinihila na siya palabas at patuloy pa rin sa pagtawa.

Sinubukan din ng ibang kababaihan na mamagitan ngunit tinutulak at sinisipa lamang sila ng dalawang lalaki na hinihila pa rin ang humahagulgol na dalaga.

"Prinsesa Mishal!" Dinig pa ni Mishal na tawag sa kanya ni Leofwine ngunit tinulak lamang ito ng isang lalaki sa sahig.

Nagpatuloy lamang si Mishal sa pag-iyak at sa pagwawala habang pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kanya ng mga nakadidiring lalaki. Magkahalong matinding takot at pagkasuklam ang kanyang nararamdaman sa sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. Hiling niya na hayaan na lamang siya mamatay kung may mangyayari man sa kanya na bagay na hindi niya mapapatawad ang mga taong nagkasala.

Ilang sandali lamang ay bigla na lamang dumilim ang buong paligid - isang eksena na pamilyar na pamilyar kay Mishal - dahilan para magsigawan na lamang ang mga kababaihan at matigilan ang dalawang lalaki na nakahawak sa kanya. Mula sa madilim na paligid ay lumitaw ang isang pamilyar na lalaki na namumula na naman ang mga mata at may itim at pulang usok na naman ang lumalabas sa magkabilang kamay nito.

"B...Boss Orryn!" Nahihintatakutang saad ng mga kalalakihan at kaagad din bumitaw sabay yuko.

Napasalampak na lamang tuloy si Mishal sa sahig at nanginginig at tahimik na umiyak habang yakap pa rin ang kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nakahawak pa rin sa kanya ang mga lalaki bagay na halos gustuhin na lamang niyang magtago sa labis na pandidiri at takot.

"Anong nangyayari dito?" Malamig na tanong ni Orryn habang ang mga mata'y nananatiling nagliliwanag ng kulay pula.

Hindi naman halos makaangat ng tingin si Mishal dito dahil sa labis na takot. Ang kapaligiran nila ay nananatiling nakabalot pa rin ang kadiliman kaya mas lalo lamang magtataasan ang balahibo niya kung sasalubungin ang binata. Maging ang mga kalalakihan ay nanginginig na rin sa kaba at intimidasyon.

"N...Nag-iingay kasi ang babaeng 'to, Boss, kaya ililipat sana namin ng selda." Nangangatog na paliwanag ng lalaking nanguna sa pananakit kay Mishal.

Sinubukan naman ni Mishal na lunukin ang lahat ng takot na kanyang nararamdaman. Kahit labag sa loob niya, kahit alam niyang maliit lamag ang tyansa ay kinakailangan niyang makiusap sa lalaking ito na siyang may pinaka-otoridad sa lugar na ito.

"P...Pakiusap, bigyan niyo ng gamot ang kaibigan ko." Umiiyak na saad ni Mishal habang lakas-loob na niyang sinasalubong ang madilim at walang kaemo-emosyon na mga mata ni Orryn.

"Sino?" Nangunot naman ang noo ng binata sa sinabi niya.

"A...Ang kaibigan ko. I...Iyong dalagang nakahiga doon." Turo pa ni Mishal sa kinalalagyan ni Neola na mahimbing na natutulog sa puwesto nito habang si Leofwine naman ay mistulang nakayakap sa dalaga upang protektahan ito.

Nilingon naman ni Orryn ang kinalalagyan ni Neola at mas lalong umusbong ang inis sa mga mata nito ng makita ang isa sa pinakamahalagang biktima na ibinilin sa kanya.

"D...Dinala siya dito ng mga t... tauhan mo na ganyan na ang hitsura." Maluha-luha at nakapikit ng paliwanag ni Mishal. "Pakiusap, kung hindi siya makakainom ng gamot at mabibigyan ng karampatang lunas ay hindi na niya kakayanin ang---"

Hindi na natuloy pa ni Mishal ang sasabihin pagka't bigla na lamang lumitaw ang mga itim na anino sa kanyang harapan at mabilis na inangat ang tatlong lalaki.

"Sinong gago ang nakialam sa isang Prinsesa?! Hindi ba sinabi kong galawin niyo na ang lahat wag lang ang dalawang 'to?!" Galit na sigaw ni Orryn habang nanlalaki ang mga mata at galit na nakatingin sa tatlong lalaki.

Napaatras na lamang si Mishal dahil sa takot na madamay sa bagsik nito. Maging ang mga kababaihan ay napasigaw na lamang sa takot.

"H... Hindi ho kami B... Boss. S... Si Dex... Si D...Dex ang may gawa nito... ack!!"

Mas lalo lamang sinakal ni Orryn ang mga kalalakihan na tila ba gigil na gigil ito sa mga tauhan niya.

Nanatili na lamang si Mishal na natuod sa kanyang kinauupuan dahil sa labis na pangangatog na nararamdaman. Hindi niya alam kung maituturing niya ba ang sarili na masuwerte sa pagdating ng lalaki o malas pagka't ang katulad pa nito ang kanyang nakaharap. Ano pa nga ba ang tyansa niya laban sa isang katulad ni Orryn?

Ilang sandali pa nitong sinakal ang mga kalalakihan na halos maging asul na ang mukha ng mga ito bago tuluyang marahas na binitawan. Nawala na rin ang kadiliman na bumabalot sa buong silid maging ang mga aninong naghugis tao.

Sisinghap-singhap at panay-ubo lamang ng tatlong lalaki nang sumalampak na ang mga ito sa sahig. Panay lamang din ang singhap nila ng hangin at talaga naman nagmarka ang mga kamay ng anino sa kanilang leeg bagay na mas nagpakilabot kay Mishal. Mas lalo niyang nadiskubre kung gaano kalakas ang kapangyarihan na taglay ng lalaking kaharap.

"Bigyan niyo ng gamot at maiinom ang babaeng iyon. Siguraduhin niyong mabubuhay ang prinsesa ng Cymopoleia kundi ang mga buhay niyo ang magiging kabayaran." Banta pa ni Orryn sa mga kalalakihan na nananatili pa rin nakasalampak sa sahig at panay ang yuko sa kanya.

Hindi na rin ganoon katingkad ang mga mata nito ngunit nandoon pa rin ang matinding panlalamig at kawalan ng pakialam.

Nilingon muli ng binata si Mishal dahilan para magtama ang mga mata nila. Hindi naman nag-alis ng tingin si Mishal dito at matapang itong hinarap na halos bumaliktad na ang sikmura niya ss labis na kaba.

"Tutal marami naman lakas at enerhiya ang mga kababaihan dito..." Umusbong pa ang isang nakakakilabot na ngisi sa mga labi nito bago magpatuloy. "Ipadala niyo sila sa baba para magtrabaho at magbanat ng buto. Panahon na siguro para maranasan niyo namang mga aristokrata ang hirap ng pagbabanat ng buto." Saad pa nito bago tuluyang tumalikod at naglakad paalis.

Hinang-hina naman itong sinundan ng mga kalalakihan saka marahas na sinara ang pintuan ng selda na kanilang kinalalagyan.

Hindi na nakatiis pa si Mishal at tuluyan na lamang siyang nasuka dahil sa matinding kaba at takot na kaniyang tiniis na halos bumaliktad na ang kanyang sikmura.

"Prinsesa Mishal..." Naaawang saad ng babae na nagmula sa kaharian ng Thaewyr na marahang tinatapik ang likod ng dalaga.

Hindi na lamang kumibo si Mishal at pilit na kinalma ang sarili. Para sa kanya ay maliit lamang na bagay ang ginawa niya para sa kapakanan ng kapwa niya babae. Hindi niya pa nga masabi na mayroon siyang nagawa dahil hindi pa naipapadala ang gamot kay Neola pero alam niya sa sarili niya na mayroong nagbago sa kanya.

*****

- ERYX -

Bandang alas-nuebe ng umaga nang matapos ng pangkat ni Eryx ang paglusob sa mga botika na kanilang pinaghihinalaan kabilang na ang La Vierie na siyang pinaghihinalaang huling pinuntahan nina Prinsesa Mishal at Prinsesa Neola.

Katatapos lamang din niya kausapin at imbestigahan ang mga may-ari ng apat pang ibang botika at halos lahat ng mga ito ay mukhang walang kaalam-alam sa mga kaganapan. Sa kabila nito ay ipapadala pa rin ni Eryx ang mga may-ari ng botika sa palasyo upang paimbestigahan sa konseho at ipahatol na walang sala.

Kasalukuyan niya ngayong kaharap ang nagmamay-aari ng La Vierie na si Ginoong Jerie. Maayos ang postura nito at de kalidad pa rin ang kasuotan ng hindi katandaang lalaki na para bang hindi ito nahaharap sa isang kaso. Nakaupo si Ginoong Jerie at si Eryx sa isang magkaharapang upuan na ang namamagitan lamang ay isang may kalakihang lamesa. Nasa loob lamang din sila ng botika ng La Vierie na ngayon ay puno na ng mga nakaunipormeng kawal na naghahanap ng mga ebidensya at possibleng bagay na maaaring makapagpatunay sa may-ari na mayroon itong sala.

"Ginoong Jerie, nasaan ang iyong asawa na si Ginang Vien?" Maotoridad na tanong ni Eryx dahilan para kaagad mapaiwas ng tingin ang lalaki. "Ayon sa mga taong nakakikilala sa inyo ay talagang malapit kayong mag-asawa sa isa't isa kaya nakapagtatakang hindi na umuuwi si Ginang Vien sa inyong tahanan." Seryosong pahayag ni Eryx habang binabasa nito ang papel na naglalaman ng lahat ng impormasyon patungkol sa mag-asawang Jerie at Vien.

"N... Nasa t... tahanan ng kanyang ina ang aking asawa sa Nayon, mahal na Prinsipe Eryx. Nagkaroon lamang kami ng a...alitan kaya hindi pa umuuwi ang aking asawa k...kasama ng aking mga anak." Pilit pinakakalma ng Ginoo ang kanyang tinig at hindi halos makatingin ng diretso sa mga mata ni Eryx pagka't isang malaking kalapastanganan ang salubungin ang mga mata ng isang Imperial Family.

Umayos naman si Eryx ng pagkakaupo at muling tiningnan ang papel na kanyang hawak. Tahimik lamang din ang mga kalalakihan na na sina Estevan ay Vyn nasa kanyang likuran at ano mang oras ay maaaring kumilos oras na ipag-utos ni Eryx.

"Ngunit ang sabi ng mga magulang ng iyong asawa ay hindi umuwi si Ginang Vien sa nakalipas na tatlong buwan." Kaswal na pahayag ni Eryx habang ibinababa ang papel na hawak.

Bistado na ni Eryx ang lalaki kung nais pa man nito magsinungaling dahil pinaimbestigahan niya rin ang bawat nagmamay-ari ng botika sa bayan at ang kay Ginoong Jerie lamang ang nakikita niyang kahina-hinala.

Naging dahilan naman ito para halos mamutla si G. Jerie. Mukhang hindi inaasahan ng lalaki na magagawa ni Eryx paimbestigahan ang kanyang asawa sa kabila ng planado niyang dahilan. Halos nasa mga kamay niya na ang pagpapaikot ng mga rason oras na mabisto siya tulad na lamang ngayon ngunit tila ba lahat ng plano niya ay nabuking na dahil lamang sa bilis ni Eryx gumalaw.

Sumandal naman si Eryx sa kanyang kinauupuan at tila ba prente lamang ito sa kanyang puwesto at parang hindi humaharap sa isang pagtatanong sa isang kriminal.

Mas lalo lamang kinabahan si G. Jerie nang makita ang kalmadong mukha ni Eryx na tila ba alam na nito ang patutunguhan ng kanilang usapan. Pero kahit ganoon ay mas pinili na lamang nito ang magmatigas.

"B...Baka hindi nagtungo si Vien sa kanyang mga magulang at naisipang magbakasyon sa ---"

"Ginoong Jerie..." Mahinahon ngunit nandoon ang pagbabanta sa tinig ni Eryx na halos magpaputla na lamang sa lalaking kaharap.

"P...Po..." Nangangatog nitong tanong habang panay punas na sa namumuong pawis sa noo.

Sandali pang pinakatitigan ni Eryx ang lalaki bago ito lumiyad palapit sa lamesa at ipinatong ang dalawang kamay dito. Seryoso pa rin ang kanyang hitsura ngunit sinusubukan niya hindi maintimida ang lalaking kaharap pero bigo pa rin siya.

"Hindi ko na nais patagalin pa ang usapang ito kaya sana sagutin mo ng maayos ang katanungan ko..." Nag-angat ng tingin si Eryx sa lalaki at sa pagkakataong ito ay mas malamig at tila ba nanunubok na ang mga mata ni Eryx. "Nasaan ang iyong asawa na si Ginang Vien..." Dugtong pa ni Eryx.

Hindi naman kaagad nakasagot ang lalaki dahil mistulang hihimatayin na ito sa labis na pagpapawis at pamumutla.

Naisip naman ni Eryx na mas lalo lamang mapapatagal ang kanilang usapan kung hindi niya ito mapapakiusapan ng maayos. Huminga muna ng malalim si Eryx bago magsalita.

"Ginoong Jerie, nagpunta ako dito upang tulungan ka. Kung maaari lamang ay hindi rin kita nais takutin ngunit kung mananatili ka lamang nagsisinungaling sa akin ay kinakailangan ko na rin gumamit ng ibang pamamaraan upang mapaamin ka." Seryosong paliwanag ni Eryx na maging siya ay ayaw gumamit ng dahas sa lalaking kaharap.

Kung maaari lamang ay hindi niya nais gumamit ng dahas pagdating sa ganitong mga sitwasyon dahil alam niya na ang kanyang kaharap ay biktima lamang.

Napapikit na lamang si Eryx dahil sa pananahimik ng lalaking kaharap kaya naman wala na siyang ibang nagawa kundi ang muling magsalita upang mapilit ito. "Kapag napatunayan ang iyong pagkakasangkot sa krimeng ito ay ang karampatang kaparusahan ay una, ang pagkamkam ng monarkiya sa lahat ng ari-arian na iyong naipundar at naitaguyod, ikalawa, ang pag-alis sa iyong titulo bilang aristokrata at pagkakatanggal ng iyong mataas na kaantasan sa lipunan, ikatlo ay ang pagkakakulong sa inyong mag-asawa ng panghabang buhay at oras na ito ay malitis at magpaton-patong ang reklamo ng pamilya ng mga nawawalang kababaihan ay ang ikaapat..." Huminga pa ng malalim si Eryx na tila ba hirap din ito banggitin ang ikaapat ngunit ito ang nakasaad sa kanilang batas. "...ang bitay sa'yo at sa iyong asawa, Ginoong Jerie."

Mabilis naman na nag-angat ng tingin ang lalaki kay Eryx at halos mangatog na lamang ito sa narinig. Tanging pag-awang lamang ng bibig ang nagawa ni Ginoong Jerie dahil sa patong-patong na kaparusahan na kanyang haharapin.

Huminga naman ng malalim si Eryx bago muling ibinalik sa ayos ang kanyang postura. Sumalumbaba pa siya sa lamesa at tila ba hinihintay ang paliwanag ng lalaki sa kanyang harapan.

"Pero maaari natin bawasan ito, Ginoong Jerie kung makikipagtulungan ka sa amin..." Kaswal na pahayag ni Eryx dahilan para tila ba matigilan ang lalaki at maluha-luhang mapatitig sa kanya.

"Sa abot ng aking makakaya at sa ngalan ko bilang Prinsipe ng Elior, maaaring mapababa ang iyong kaso kung aamin ka ngayon sa iyong kasalanan at makikipagtulungan ka sa mga otoridad sa paglutas ng kasong ito."

Bagama't walang kasiguraduhan ang bagay na ito ay iyon ang panghahawakan ni Eryx para sa kahabag-habag na lalaking nasa kanyang harapan. Nasa ama man niya ang pinaka pinal na desisyon ay ipaglalaban niya pa rin ang kainosentahan ni Ginoong Jerie oras na mapatunayan niya ang kawalang sala ng lalaki.

"Kung biktima ka, Ginoong Jerie, wala kang dapat ikatakot dahil nandito kami para tulungan ka." Malamyos at sinserong saad ni Eryx sa lalaki.

Hindi na nito mapigilan ang mapahagulgol dahil sa narinig. Halos himatayin na ito sa lakas ng pagkakaiyak matapos marinig ang mga sinabi ni Eryx. Tila ba napakabigat ng dinadala nitong problema at ngayon lamang nakahanap ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

Naiyak na lamang din ang ilang trabahador ng lalaki na nananatiling nakaposas sa tabi upang tumestigo at magbigay din ng mga impormasyon kung kakailanganin.

Makailang-beses naman lumunok si Ginoong Jerie na tila ba kinakalma ang kaniyang sarili bago utal-utal na nagsalita.

"S...Si Vien ay dinakip din ng mga sindikato kapalit ng mga anak naming dalawang babae. Ngunit, noong araw na kukunin na sana namin ang mga bata ay si Vien naman ang kinuha nila at hindi ko man lamang nasilayan ang mga anak ko." Humahagulgol na paliwanag ni Ginoong Jerie dahilan para magtangis na lamang ang bagang ni Eryx sa matinding galit na nararamdaman.

Hindi niya sukat-akalain na muli na naman mandadamay ng mga inosenteng buhay ang mga sindikatong minsan nang binantaan ang buhay ng isang matanda na naghahanapbuhay lamang kasama ang mga anak.

"Ang sindikato ba na iyong tinutukoy ay nagngangalang Orryn?" Kalmado pa rin na tanong ni Eryx.

Natigilan naman ang lalaki panandalian upang bahagyang mag-isip hanggang sa hindi na ito magkamayaw sa katatango.

"O...Oo." pagsang-ayon kaagad ng lalaki. "S...Sa pagkakatanda ko ay Orryn ang ngalan ng pinuno nila na mayroong malakas na itim na mahika. Nasaksihan ko mismo kung paano umatake ang binatang 'yon at talaga namang hindi kapani-paniwala ang lakas na taglay niya..." Nahihintatakutang saad ni Jerie na maging si Eryx ay nakaramdam ng bahagyang pangamba dito.

Naalala niya bigla si Namior na siya rin nagtataglay ng itim na kapangyarihan na bagama't panandalian niya lamang ito nakita ay wala rin siyang masabi sa lakas na taglay nito. Nasisiguro ni Eryx na magkapatid ang dalawa pagka't nabanggit na ito ni Namior sa kanyang kuwento pero ang pinangangamba niya ay...hindi niya rin alam ang kakayahan at kapangyarihan ng bagong pinuno ng mga sindikato.

"Hindi pa ganoon katanda ang hitsura nito at mukhang binata pa. Magandang lalaki rin ito kung tutuusin at hindi mapagkakamalang pinuno ng isang sindikato na gumagawa ng ganito kahindik-hindik na mga aktibidad." Sinserong pahayag ng lalaki habang ang mga mata ay diretsong-diretso na nakatingin kay Eryx.

Nagkatinginan naman si Estevan at Eryx ng makahulugan dahil dito bago ipagpatuloy ni Eryx ang kanyang pagtatanong.

"Kung gayon ay kaya ka ba pumayag na gamitin ang iyong negosyo upang makapang-akit ng mga kababaihan ay upang mabawi ang iyong mag-iina."

"O...Oo, Prinsipe Eryx." Napaiyak na lamang muli ang lalaki at hindi na nito halos magawang punasan ang mga mata na tuloy-tuloy lamang ang pagbagsak ng luha. "W...Wala na akong magawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. G...Gusto ko na lamang mabawi ang mag-ina ko. S...Sa tuwing hindi ko naaabot ang quota ng mga babaeng nadadakip kada linggo ay pinadadalhan nila ako ng mga damit ng kababaihan na puro dugo at sinasabing ang mag-ina ko ang nakakatanggap ng parusa sa kamalian at kapabayaan ko..." Hagulgol pa ng lalaki at talagang kababakasan ng matinding lungkot ang mga mata niya.

Naikuyom na lamang ni Eryx ang kanyang palad dahil sa nasasaksihang pighati ng isang haligi ng tahanan na ang tanging nais lamang ay ang mamuhay ng payapa kasama ang pamilya.

"Bakit hindi mo ito ipinagbigay alam sa otoridad, sa aking ama?"

Bagama't pakiramdam ni Eryx ay alam na niya kung bakit hindi na ito lumapit sa Emperor ay nais niya pa rin marinig mula dito ang hinanakit ng isang mamamayang nagdudusa sa kapabayaan ng mga namamahala at biktima ng sakit ng lipunan.

"P...Pinagbantaan nila ang buhay ko, Prinsipe Eryx. Papatayin daw nila ang mag-iina ko kung hindi ko sinusunod ang nais nila at...at ang gusaling ito ay sisilaban nila ng apoy kasama ako at ang aking mga trabahador. Hindi ko kayang mawala ang negosyong ito dahil sabay namin itong ipinundar ni Vien at ito lamang ang tanging maipapamana namin sa mga anak namin." Nilingon naman ni Ginoong Jerie ang mga trabahador na umiiyak na rin hindi kalayuan sa kanyang puwesto. "...ayoko rin mapahamak ang mga taong naglilingkod sa akin. Madadamay pa sila sa kaduwagan ng isang ama na hindj man lamang maprotektahan ang kanyang pamilya."

"At isa pa, i...ilang beses kong sinubukang dumulog sa iyong ama ngunit hindi man lamang umabot sa kanya ang mensahe patungkol sa aking kinakaharap na suliranin. Iginagalang ko ng lubos ang Emperor pero, Prinsipe Eryx, bakit hindi matugunan ang hinaing ng isang mamamayang katulad ko na nagtiwala sa iyong pamilya?" Kababakasan ng hinanakit ang mga mata ni Ginoong Jerie matapos bitawan ang mga salitang iyan.

Halos napaawang na lamang ang mga labi ni Eryx at tila ba kinukurot ang kanyang puso sa mga salitang tagos puso ang dating sa kanya. Hindi nakakarating sa kanya ang ganitong mga klaseng suliranin pagka't ang ama niya ang kadalasang tumutugon sa ganitong mga hinaing pero sa pagkakataong ito, muli na namang binigo ng kanyang ama ang hinaing ng kaniyang nasasakupan.

"P...Patawarin niyo ako, Prinsipe Eryx, hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Natatakot din ako na baka makulong na lamang ako sa kulungan ng hindi nababawi ang mag-iina ko. Gulong-gulo ako, Prinsipe Eryx. T...Takot na takot ako...Patawarin niyo po ako." Hagulgol pa nito.

"H...Handa naman ako pagbayaran ang lahat ng nagawa ko sa kulungan...basta...nagmamakaawa ako, pakiusap, tulungan mo po ako mabawi ang mag-iina ko, Prinsipe Eryx." Pagsusumamo pa nito habang ang mga mata na puno ng hinanakit ay diretsong nakatingin kay Eryx.

Sandali namang hindi nakaimik si Eryx upang mag-isip ng mga susunod na sasabihin na maaari niyang maipabatid sa lalaki at makabawas man lamang ito sa suliranin na kaniyang dinadala.

"Naiintindihan ko, Ginoong Jerie. Mapag-uusapan pa natin ng maayos ang tungkol sa magiging kaparusahan mo dahil biktima ka lamang din. Gagawin natin ang lahat upang mabawi ang iyong mag-iina." Kalmadong saad ni Eryx kasabay ng marahang pagtapik sa balikat ni Jerie na mistulang gumaan naman ang pakiramdam dahil dito. "Kung gayon, maaari mo ba ituro sa amin kung nasaan ang kuta ng mga sindikato."

Alam ni Eryx na hindi basta-basta natatapos dito ang kanilang usapan. Bagama't labis din ang pagkahabag niya sa lalaki ay kinakailangan niya rin matunton ang kuta ng mga sindikato na kumuha sa mga kababaihan ng Elior.

Bigla naman nanlumo ang hitsura ni Ginoong Jerie at tila ba nais na nito lumuhod bago magsalita.

"A...Ang t...totoo, Prinsipe Eryx ay hindi ko alam kung nasaan ang kuta nila." Sinserong saad nito habang ang mga mata ay diretso pa rin na sinasalubong ang mga mata ni Eryx. "Nauutusan lamang nila ako na mang-akit ng mga kababaihan tungo sa bakanteng silid ng aking botika."

Natigilan naman si Eryx at muling nilingon ang bakanteng silid na ngayo'y nakabulatlat na at iniimbestigahan ng kanyang mga tauhan.

"Maaari ba natin tingnan ito?" Magalang na tanong ni Eryx na kaagad naman ikinatango ng lalaki.

Tumayo naman si Eryx at kaagad na naglakad papasok dito. Sinundan naman siya ni Estevan habang si Vyn ay inalalayan ang lalaki na makalakad pagka't nakaposes ang mga kamay nito.

Marahan namang pinailaw ni Eryx ang kanang kamay upang pakiramdaman kung mayroon bang mga taong nagkukubli sa likod ng dingding ngunit wala naman siyang maramdamang kakaiba dito. Inilibot niya pa ang paningin sa kabuuan ng lugar ngunit walang kahit anong kakaiba dito at normal lamang ang lahat.

"Saan dito ang pinagdadalhan ng mga kababaihan na---" Hindi na natuloy pa ni Eryx ang sasabihin dahil saktong pagkalingon ni Eryx sa lalaki ay bigla na lamang ito nagsuka ng dugo na labis din ikinagulat ng lahat.

"Ginoong Jerie?!" Malakas na sigaw ni Eryx saka mabilis na dinaluhan ang lalaki na ngayo'y inaalalayan pa rin ni Vyn lalo na at nawalan na ito ng balanse at tuluyan na lamang napaluhod.

"Ginoong Jerie! Ginoong Jerie!" Pagtawag pa ni Eryx dito ngunit patuloy lamang ito sa pagsusuka ng dugo. Maging ang ilong, tenga, at mga mata nito ay naglalabas din ng dugo dahilan para tuluyan ng mapuno ng pulang likido ang sahig. Nilingon naman ni Eryx si Estevan upang pakiusapan ito. "Estevan, tawagin mo ang Maestro!"

Kaagad na rin sumunod ang binata dito.

"Prinsipe Eryx...P...Prinsipe Eryx...." Paulit-ulit nitong pagtawag sa binata na nananatili lamang nakaalalay sa kanya.

Hindi naman halos alam ni Eryx ang gagawin dahil nangangamba siya sa kalagayan ng lalaki. Ito marahil ang tinutukoy nina Caedmon at Sereia na biglaan na lamang namamatay ang mga kalalakihan na kasangkot ng sindikato dahil sa labis na pagdurugo. Biglaan lamang ito at wala halos makapagsasabi kung bakit ito nangyayari.

"Ginoong Jerie, nandito ako..." Marahang pagtawag ni Eryx sa lalaki saka ito hinayaang humiga sa kanyang braso at inayos ng pagkakaupo.

Patuloy pa rin sa pagsusuka ang lalaki ngunit pilit pa rin itong nagsasalita.

"S...Sa i...ilalim ng sahig...sa...ilalim..." Paulit-ulit nitong saad habang ang mga kamay ay nangangatog na tinuturo ang mismong kinatatayuan nila.

Hindi naman lubos na maintindihan ni Eryx ang sinasabi nito ngunit natitiyak niya na tinutukoy nga nito ang literal na ilalim ng sahig.

"V...Vien...p...patawad...." Huling nasambit nito bago muling sumuka ng marami-raming dugo at tuluyan ng malagutan ng hininga.

Natulala na lamang si Eryx at tila ba hindi siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Hindi niya sukat akalain na pinanood niya lamang mamatay ang isang inosenteng mamamayan na biktima lamang din at ginagawa ang lahat para sa pamilya.

Nangibabaw sa buong paligid ang iyakan ng mga trabahador ni Ginoong Jerie dahilan para doon lamang siya mabalik sa ulirat. Ngayon niya lamang din napagtanto na nandito na pala ang Maestro at malungkot na nakatingin sa lalaking wala ng buhay.

"Huli na ang lahat, Eryx..." Marahang pahayag ng Maestro habang inaalalayan ang Prinsipe na makatayo at tila ba hindi pa rin nakababawi sa nasaksihan.

Napapikit na lamang din si Eryx at napasapo sa kanyang noo. Hindi niya alintana ang dugo na nasa kanyang kamay na namantsahan na ang kanyang mukha. Ang dugo ng kanyang mamamayan na hindi na naman niya nagawang isalba.

Sandali pang nanatili sa ganoong puwesto si Eryx bago siya tuluyang makabawi at muling umayos ng tindig.

"Ilabas niyo na muna si Ginoong Jerie at ibalot niyo siya ng maayos sa isang malinis na kumot." Malamig niya pang utos habang unti-unting pinaiilaw ng magkahalong dilaw at kahel ang kanyang mga kamay.

"Lumabas muna kayong lahat..." Utos niya rin sa lahat ng taong nasa silid na magkahalong pagtataka at gulat lamang ang makikita sa mta hitsura dahil sa kapangyarihan na lumalabas sa kanyang palad.

Hindi naman na kumibo ang mga ito at nanatili na lamang sa may pintuan. Maging ang Maestro na nag-aalalang nakatingin kay Eryx ay sumunod na lamang din. Nag-tulong naman ang mga kalalakihan na buhatin ang bangkay ni Ginoong Jerie palabas upang ayusin ito.

Nang masiguro na ni Eryx na nasa pintuan na lamang ang lahat ay tuluyan na niyang mas pinaigting ang pag-ilaw ng kanyang kamay. Magkahalong kidlat at apoy ang lumalabas dito na maging ang buong paligid niya ay nagliliwanag na. Kapansin-pansin din ang pagtingkad ng mga mata ni Eryx na kung sa karaniwang kulay ay berde ang mga ito ngunit ngayon ay matingkad na dilaw na ang kulay ng kanyang mga mata.

Huminga muna ng malalim si Eryx bago ito malakas na sinuntok ang sahig dahilan para kumawala ang isang may kalakasang tira. Mistulang yumanig ang buong lugar sa lakas nito at humampas ang malakas na hangin sa buong paligid dahil maging ang mga bintana ay nasira at ang mga lamesa ay natumba.

Napapikit at napasigaw na lamang ang mga tao sa paligid dahil sa lakas nito kaya gumawa pa ang Maestro ng isang barrier na maaaring makaibsan sa lakas ng epekto ng kapangyarihang pinakawalan ni Eryx.

Napuno ng usok ang buong kapaligiran dahilan para halos ilang sandali pa ang hintayin ng lahat bago tuluyang masaksihan ang epekto ng kaoangyarihan ni Eryx.

Ilang sandali pa ay bumungad sa kanila ang malaking butas sahig at ang ilan pang bitak na bahagi nito. Sa gitna ng malaking butas ay nasa looh nito si Eryx na nananatili pa rin nagliliwanag ang mga kamay.

Makikita naman sa ekspresyon ni Eryx ang labis na pagkagulat matapos mapagtanto na mayroon palang silid sa ilalim ng gusaling ito na nakakonekta sa isang parang makitid na daanan na mayroong matatanaw na liwanag sa dulo marahil ay ang labasan nito. May kalaliman din ito na halos aabot sa sampung talampakan ang sukat at kung hindi lamang gumamit si Eryx ng kapangyarihan ay baka nasaktan din siya sa pagkakabagsak niya dito.

Pero sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa rin dito ang mga kababaihan na kanyang hinahanap. Tila ba alam ng mga sindikato ang kanyang pagdating dahil ang buong silid ay bakante na at wala man lang kababakasan na buhay.

-----

Hindi pa man nakababawi si Eryx mula sa pagkabigla at pagkadismaya matapos madiskubre ang walang lamang hukay ay panibagong problema na naman ang dumating sa kanya.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ngayon si Eryx kina Maestro, Aspen, at Aidan upang makibalita sa patuloy pa rin nitong paghahanap pa ng mga possibleng pagtaguan ng mga sindikato. Halos ang lahat ay dismayado at mas lalong namroblema dahil halos nauubusan na si Eryx ng mga pagpipilian sa maaaring makapagturo sa kanya ng kinalalagyan ng mga nawawalang kababaihan.

Ibinalita rin sa kanya ng Maestro na hindi rin nito mahanap si Sereia at tila ba hindi na nagulat pa si Eryx dito.

"Malakas ang kutob ko na magkasama sila ni Prinsesa Eliana na isagawa ang plano na tinanggihan ko." Seryosong saad ni Eryx habanag mariin din itong nag-iisip ng mabuti. "Alam mo ba ang tungkol dito, Maestro?" Baling pa ni Eryx kay Maestro na tila ba hindi na nagulat sa narinig.

"Hindi ko na nakausap ang dalawang Prinsesa matapos ng naganap na pagpupulong kagabi ngunit..." Natawa pa siya habang hinihimas ang puting balbas. "...ano pa nga ba ang aasahan natin sa dalawang Prinsesa na sinalo ata ang lahat ng katigasan ng ulo sa mundong 'to."

Napabuntung-hininga na lamang si Eryx sa sinaad ni Maestro pagka't hindi rin naman ito magsasabi na may alam siya sa pagkawala ng dalawang Prinsesa kahit ano pang pilit niya.

"Alam niyo po ba kung nasaan sila Maestro?" Nagtataka naman na saad ni Aspen.

"Hangga't hindi natin nalalaman ang kuta ng mga sindikato ay hindi rin natin matutunton sina Prinsesa Eliana at Prinsesa Sereia. Mukhang doon nagtungo ang dalawa sa pamamagitan ng hindi natin malaman-laman na dahilan." Saad pa ng Maestro habang ang mga mata nito ay tila ba nakatingin sa maayos.

"Titigil na ba tayo dito, Eryx?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon na lamang muling nagsalita si Aidan matapos malaman na nawawala ang kapatid nitong babae.

Magmula kasi ng araw na iyon ay nanatiling tahimik at tila ba nanghihina ang binata dahil sa pagkawala ng kakambal.

Napatiim bagang na lamang si Eryx habang sinasalubong ang mapaghimagsik na mga mata ni Aidan. Puno ito ng galit, pangamba, paghihiganti, at panlalamig na ano mang oras ay para bang kayang-kaya nitong baliktarin ang mundo mahanap lamang ang kakambal.

Sa isip ni Eryx ay alam naman na ng kaibigan ang nararapat na kasagutan sa tanong nito. Hindi niya kailanman susukuan ang kanyang mga namamayan at gagawin niya ang lahat mahanap lamang ang mga ito.

Isa-isa niya pa tiningnan sa mga mata ang kanyang mga kaharap at maging ang mga ito ay puno pa rin ng pag-asa at katatagan ng loob katulad niya.

Akmang magsasalita pa sana ang binata ngunit bigla na lamang punasok si Estevan sa loob ng botika na hinihingal at balisang-balisa.

"Prinsipe Eryx!" Malakas nitong sigaw habang dala ang kasulatan na mula pa lamang sa kinauupuan ng prinsipe ay tanaw na ang pamilyar na royal seal na nakakabit dito.

Dali-dali namang tumayo si Eryx mula sa kinauupuan at sinalubong si Estevan. Yumuko pa si Estevan sa kanya at sa lahat ng Prinsipe na kasama ni Eryx bago tuluyang iabot ang sulat.

Kaagad naman itong binuksan ni Eryx at binasa ng may magkahalong kaba at pangamba na nararamdaman lalo na ang sulat ay mula mismo sa kanyang ama.

Ganoon na lamang ang gulat ni Eryx nang mabasa ang nilalaman nito.

"H... Hindi maaari." Gulat at tila ba hindi pa rin niya makapaniwala na saad.

Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Eryx dahil sa biglaang panlalamig ng kanyang katawan dahil sa nabasa.

Nagtaka naman ang lahat sa reaksyon ng prinsipe maging si Maestro ay nag-aalala na rito.

"P...Prinsipe Eryx, ipinag-utos na po ng Emperor ang paglusob sa kaharian ng Maura dala ang mahigit tatlong libong mga kawal na pinamumunuan nina Kumander Rhanes at Kumander Mainard. Kasalukuyan na po sila nagmamartsa tungo doon kasama si Prinsipe Zephyr at ang ilan pang kawal mula sa Umoewin." Nababahalang pahayag ni Estevan.

"Hindi maaari iyon! Hindi ba nag-iisip ang Emperor na masyado pang maaga para sa digmaan?! At tatlong libong kawal?! Nahihibang na ba siya?! Isipin niya ang kapakanan ng mga mamamayan ng Elior na nakatira malapit sa border! Ang kaharian ng Thaewyr!" Galit na saad ni Maestro habang panay pa ang kumpas ng baston nito. "Iba ka na talaga Siv..." Iiling-iling pa nitong bulong.

"Eryx..." Nangangamba rin na saad ni Aidan na tila ba nakikiusap ang mga mata nito sa kanya na gawan niya ng paraan ang mga kaganapan.

Naikuyom na lamang ni Eryx ang kanyang mga palad dahil hindi na naman nakinig sa kanyang pakiusap ang kanyang ama na huwag munang lusubin ang Maura pagka't napakalaking pinsala ang magaganap kapag nagkaroon na naman ng digmaan dito.

Wala na siyang otoridad upang bawiin o patigilin ang ekspedisyong ito pagka't ang kanyang ama na mismo ang nagsabi ng kautusan. Mukhang minamatyagan din nito ang kanyang bawat galaw at kinuha kaagad ng Emperor ang pagkakataon na lusubin ang Maura matapos mapag-alaman na wala na ang nag-iisang alas ni Eryx upang matunton ang mga kababaihan.

Sandali pang nag-isip si Eryx ng mga susunod niyang hakbangin at desisyon. Sa kanya na nakasalaylay ngayon ang paghahanap ng mga kababaihan at ang pagpapaudlot ng digmaan na unti-unti nang nagsisimula. Hindi niya maaaring kalabanin ang ama ngunit maaari niyang mapabagal ang kausutuang ito at sa mga oras na iyon ay kinakailangan na niyang kumilos upang matunton ang kuta nito.

"Maestro..." Nilingon ni Eryx ang matanda na naghihintay lamang ng kanyang mga kautusan. "Nakikiusap ako, Maestro, huwag mong hayaang mangyari ang digmaang ito." Maotoridad ngunit nandoon pa rin ang pagsusumamo sa tinig ni Eryx habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa Maestro.

Yumuko naman ito sa kanya maging sina Aspen at Aidan na alalay nito sa kanyang mga susunod na hakbangin.

"Masusunod, Prinsipe Eryx." Mahinahong pahayag ng Maestro at nagmamadali na itong lumabas kasunod ang dalawa ngunit bago pa man makalabas si Aidan ay marahan niyang tinapik ang balikat ni Eryx na ngayo'y nilalamon na ng kanyang isipan at maaaring susunod na hakbang.

"Naniniwala ako sa'yo, Eryx. Gagawin namin nina Maestro ang lahat upang hindi matuloy ang digmaang ito at upang mahanap ang mga nawawalang kababaihan sa Elior." Kalmado ngunit nandoon ang panghihikayat at katatagan na pahayag ni Aidan.

Muli nitong tinapik ang balikat ni Eryx na tumango na lamang sa kanya.

Ngayong naiwan na lamang ang batang Prinsipe sa kanyang puwesto ay muling nag-isip si Eryx ng mga hakbangin upang matunton ang paghahanap ng mga kababaihan. Mayroon pa siyang mga tauhan na maaaring ipakalat sa buong Elior upang halughugin ang bawat sulok ng kontinente. Nandyan din ang mga pinagkakatiwalaan niyang kanang kamay na maaari rin niyang pakilusin ngunit alam ni Eryx na hindi sapat ang mga tao na mayroon siya upang mahanap ang mga kababaihan sa loob lamang ng tatlong araw. Tatlong araw ang kinakailangan niyang gugulin sa agarang paghahanap dahil iyon lamang ang mga natitirang oras na mayroon siya bago tuluyang makaalpas sa border ng Thaewyr ang mga kawal ng kanyang ama tungo sa karagatan na namamagitan sa kontinente ng Elior at Maura.

Kailangan niya ng tao, ng kahit isang tao na maaaring makapagturo sa kanya kung nasaan ang misteryosong lugar na nabanggit ni Caedmon.

Habang nag-iisip ay napatingin na lamang si Eryx sa bintana dahilan para mamataan ng mga mata niya ang isang pamilyar na lalaki. Nakataklob ito ng roba at tila ba may hinahanap pagka't panay silip at pagmamatyag ang ginagawa nito. Sa kabila ng roba na suot ay hindi nakatakas kay Eryx ang pamilyar nitong tabing sa mata na minsan na niyang nakita.

"Namior..." Wala sa sariling nabanggit ni Eryx habang ang pag-asa ay unti-unti nang umuusbong sa kanyang puso.

•••••

- NAMIOR -

Magdadalawang araw na naghahanap si Namior sa buong bayan dahil ilang araw na rin hindi umuuwi si Leofwine sa kanilang barung-barong.

Sa sandaling panahon na nakasama niya ang dalaga ay tiwala siya na ang tipo ni Leofwine ay hindi ito basta-basta maglalayas dahil lamang sa simpleng alitan na namagitan sa kanilang dalawa. Maaaring nagpalamig lamang din ito ng ulo ngunit hindi aabot sa halos dalawang magdamag na hindi ito uuwi.

Isa pa sa ikinababahala ni Namior ay baka tuluyan na rin siyang iniwan ni Leofwine matapos mapag-alaman na galing siyang Maura. Baka natakot na sa kanya ang dalaga at ayaw na siya nitong makita o makasama pa sa pag-aakalang sasaktan siya nito.

Nakaramdam naman si Namior ng kurot sa dibdib dahil sa kaisipang kamumuhian na siya ni Leofwine dahil sa kanyang kapangyarihan at pinagmulan. Pero sa kabila nito ay mas nangingibabaw sa kanya ang paniniwala na mabuting tao si Leofwine at napakabusilak ng puso nito. Bagay na napagtanto lamang din niya noong siya ay nagkulong sa silid dahil sa labis na kalituhan at takot.

Dahil nais niyang magkaayos sila ni Leofwine bago niya lisanin ang mumunti nitong barung-barong ay ginagawa ang lahat ni Namior upang mahanap ang dalaga. Halos buong araw na siyang nagpapabalik-balik sa bayan para lamang magtanong-tanong kung may nakakikilala sa dalaga. Inikot na rin niya ang buong Nayon at bagama't nakaroba at natatakpan ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa ay naiilang pa rin si Namior makipag-usap sa ibang tao dahil hindi naman naging maganda ang mga alaala niya sa mamamayan ng Elior.

Ito na ang ikalawang araw na babalik muli si Namior sa bayan dahil may ilang parte pa siya dito na hindi pa nahahaluglog at isa na roon ay ang plaza kung saan samu't saring mga botika ang makikita kabilang na ang dating kinalalagyan ng Bell and Belle na minsan na nilang ginawang kuta.

Marami kasi siyang bangungot na naalala rito kaya hindi niya pa halos mapuntahan ang lugar pero dahil nilalamon na siya ng takot at pangamba para kay Leofwine ay nilakasan na niya ang kanyang loob.

Habang naglalakad tungo dito ay kapansin-pansin ang sandamakmak na kawal ng emperyo na nakakalat sa buong lugar. Pamilyar ang bandila na dala ng mga ito na simbolismo mismo ng mga Alastair dahilan para dunggulin ng matinding kaba at takot si Namior.

Bigla na lamang siya napatakbo sa isang eskinita upang magtago at upang pag-isipan ang mga susunod niyang hakbangin. Sa isip niya ay hindi malayong naroroon si Prinsipe Eryx dahil nandoon ang iilang pamilyar na taong nakita niya sa kuta katulad na lamang ng matandang kasama nito.

Habol hininga si Namior na napasandal na lamang sa pader upang kalmahin ang kanyang sarili. Napatingala pa siya upang suminghap-singhap ng hangin dahil namamanhid ang kanyang buong katawan sa takot na nararamdaman oras na mahuli siya ni Eryx at ng mga kawal nito.

Hindi niya rin alam sa sarili niya kung takot nga ba ang nararamdaman niya para sa binata o matinding hiya matapos ng naging huli nilang pagkikita kung saan ikinuwento lahat ni Namior ang una nilang naging pagkikita ni Eryx.

Wala naman talaga siyang galit na nararamdaman dito dahil alam niya sa sarili niya na napakabuting tao ni Eryx. Ngunit ang kung ang pag-uusapan ay ang angkan nito at ang Emperor na siyang ama ni Eryx ay nawawala lahat ng respeto niya sa binata at napapalitan ito ng galit na nakalaan sa buong monarkiya.

Iniisip niya ngayon kung ititigil na ba niya ang kanyang paghahanap kay Leofwine at babalik na sa kuta kung nasaan si Orryn o haharapin niya ang takot at ang panganib na makadaupang palad niya si Eryx.

Napapikit na lamang tuloy si Namior sa bigat ng desisyon na kinakailangan niyang gawin ngunit kasabay ng kanyang pagpikit ay ang paglitaw ng imahe ni Leofwine na masayang nakangiti sa kanya. Nanunumbalik sa alaala niya lahat ng masasayang oras na magkasama sila ni Leofwine at lahat ng kabutihan na ginawa nito sa kanya dahilan para sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niya ang ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal.'

Naikuyom na lamang tuloy ni Namior ang kaliwang palad kasabay ng malakas na paghampas sa pader. Kahit ano mang takot ang nararamdaman niya ay natatabunan pa rin ito ng pag-aalala niya sa dalaga kaya itutuloy niya ang paghahanap dito.

Inayos muli ni Namior ang kanyang roba at muling naglakad palabas ng eskinita na parang ordinaryong mamamayan lamang. Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang tindahan ng bulaklak na mayroong nagtitinda na matandang babae.

Pasimple siyang tumingin-tingin ng bulaklak habang panay pa rin ang tabing niya sa kanyang mukha.

"Iho, anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Magalang na tanong ng matandang babae habang bahagya pa itong nahihirapang tumayo.

"Bakit napakaraming mga kawal ng Emperyo ngayon sa Bayan?" Malamig na tanong ni Namior ngunit halos bulong na lamang ang lakas nito sa takot na makaagaw ng atensyon ng mga kawal.

"Ah, ang mga kawal ba ni Prinsipe Eryx?" Pagkukumpira pa ng matanda dahilan para mas lalong kabahan si Namior dahil nasisiguro na niya talagang nandito lamang si Prinsips Eryx. "Iyang mga botika kasing iyan ay pinaghihinalaang kasabwat ng mga sindikatong nangunguha ng mga dalaga dito sa Elior. Nilusob na sila nina Prinsipe Eryx upang ituro kung nasaan ang kuta ng mga sindikato. Aba'y halos araw-araw nang may nawawala dito na magagandang dilag." Paliwanag pa ng matanda habang iiling-iling.

Mistulang natigilan naman si Namior sa narinig at muntik niya pang mabitawan ang bulaklak na hawak dahil sa labis na gulat. Tila ba nakutuban din siya kung sino ang may kagagawan ng pagkawala ng mga kababaihang ito dahil minsan na itong nasingit sa usapan nila ni Orryn noon. Pero para sa kanya ay bakit nagagawa pa rin ng kapatid na maayos itong maisagawa sa kabila ng kawalan ni Orryn ng kaagapay. Possible kayang mayroong ibang kasabwat ito na mas makapangyarihang nilalang o di kaya'y ang lalaki na minsan nang nabanggit ng kapatid niya na kumukop sa kanya.

"Itong mga katabi ko dito ay nagsiwalaan na dahil puro dalaga ang nagtitinda. Kay gagandang dilag pa naman pero hindi na sila nagpakita simula nung mangyari ang pagkawala ng mga kababaihan sa emperyo." Bubulong-bulong pang saad ng matanda na tila ba kinakausap na nito ang sarili.

Nagbakasakali naman magtanong si Namior dito pagka't hindi malayong dito nagtitinda si Leofwine ng gulay dahil samu't saring paninda na rin ang nandito katulad na lamang ng mga bulaklak, prutas, at syempre mga gulay. At halos panlamigan na lamang si Namior ng mga kamay matapos marinig ang kasagutan ng matanda.

"Ah si Leofwine ba? Naku! Sa pagkakaalam ko ay isa siya sa mga nawawalang babae kasabay ng mahigit kinseng iba pa na sabay-sabay na lamang nawala sa iisang araw. Aba'y asawa ka ba ni Leofwine? Naku kawawa naman ang batang iyon!" Saad pa ng matanda.

Halos magtangis na lamang ang bagang ni Namior dahil sa narinig. Naikuyom na rin niya ang mga palad na halos mamuti na ito dahil sa labis na galit at pag-aalala na nararamdaman. Kilala niya ang kapatid at kung nasa mga kamay nga nito si Leofwine ay baka nakapila na ito sa mga babaeng ibebenta sa mga bahay-aliwan sa iba't ibang parte ng emperyo.

Halos lakad takbo na ang ginawa ni Namior paalis ng plaza para lamang makahanap ng masasakyan tungo sa kutang maaaring pinagtataguan ni Orryn. Iisang lugar lamang din ang naisip niya na maaaring kalagyan ng mga kababaihan at iyon ang kanyang tutunguhin.

Pumasok naman si Namior sa isang eskinita dahil ito ang pinakamabilis na daan pabalik sa Nayon upang magdala ng kanyang mga kakailanganin tulad ng salapi.

Ngunit laking-gulat niya ng may bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan at mabilis siyang inambahan ng espada. Sa kabutihang palad ay nagawa itong maiwasan ni Namior ngunit naging mabilis ang galaw ng estranghero at naging sunod-sunod ang pag-atake nito.

"A... Ano bang kailangan mo?!" Galit na sigaw ni Namior habang sinusubukan pa rin iwasan ang mga atake ng lalaki ngunit masyado talaga itong mabilis at makailang beses pa siyang nadaplisan.

Nagpatuloy lamang ito sa pag-atake hanggang sa makorner si Namior sa pader at wala na halos maatrasan. Nais niyaan gumamit ng kapangyarihan ay hindi niya maaaring gawin iyon dahil baka makatunog sa kanya ang mga kawal na nasa malapit lamang. Kayang-kaya naman niyang labanan ng pisikalan ang estrangherong mayroong kulay abo na mga mata 'yon nga lang ay masyado talaga itong bihasa sa paggamit ng espada na hindi niya na halos makita ang mga galaw nito.

Natigil lamang ang mga atake nito nang itapat mismo sa leeg niya ang dulo ng espada dahilan para kaunting galaw lamang niya ay maaari na itonf itarak sa kanya.

"Tangina ano bang kailangan mo?! Kung manghoholdap ka lang ay wala rin akong pera?! Tangina naman oh!" Galit pang sigaw ni Namior ngunit mas lalo lamang idiniin ng estranghero ang espada sa leeg ni Namior dahilan para mapasigaw na lamang siya.

"Tama na..." Saad ng isang pamilyar na baritonong tinig.

Halos magtaasan ang balahibo ni Namior nang makilala ang pamilyar na boses ng isang lalaki na minsan nang nagpagaan ng kanyang nararamdaman.

Pinanood niya kung paanong lumabas ang isang lalaking nakasuot ng de kalidad na armor sa katawan na mayroong pula na kapa sa likuran mula sa madilim na parte ng eskinita. Sa pagkakataong ito ay maaliwalas ang mukha ng lalaki lalo na ang mga mata nito na kulay asul na nananatili lamang kalmadong nakatingin sa kanya.

"P... Prinsipe Eryx..." Hindi makapaniwalang sambit ni Namior habang ang mga mata nito ay gulat na gulat na nakatingin kay Eryx na hindi man lamang nagbago ang ekspresyon.

"Kumusta na, Namior..." Saad pa ni Eryx habang ang mga mata nito ay kasing-aliwalas ng bagong pag-asa para sa buong emperyo.

•••••

ELIANA'S POV

Halos isang buong araw na kaming nakasakay ni Sereia kasama ang tatlo pang kababaihan sa isang karwahe na  nakalaan para sa mga alagaang hayop dahil sa kulungan na nakakabit sa likuran nito.

Mistulang mga baboy kaming nakaposas ang magkabilang mga kamay at mga paa habang ibinabyahe tungo sa isang hindi pamilyar na lugar. Tahimik lamang din si Sereia sa tabi ko na nananatiling nakamasid sa daanan sa labas na wari'y kinakabisado ito. Nilingon ko rin ang mga kababaihan na kasama namin na pawang mga walang malay at may ilan pang galos sa katawan dulot marahil ng pagkakabagsak nila sa sahig na pinagdaanan namin.

Paano nga ba ulit kami napunta sa ganitong sitwasyon? Tsk. Kasalanan lahat 'to ni Sereia kung tutuusin!

*****

Pasado alas dos ng madaling araw ng tuluyan naming mapasok ng palihim ang La Vierie. Nahirapan pa kaming dumaan sa harapan nito dahil grabe ang pagkakakando ng pintuan na talaga namang takot manakawan ang nagmamay-ari nito. Mabuti na lamang at eksperto ako sa pagkutkot sa mga ganitong uri ng kandado kaya manghang-mangha si Sereia sa talento ko na kahit papaano ay hindi ko rin naman ipinagmamalaki dahil natutunan ko iyon sa pagbubulakbol.

Maingat naming tinungo at ininspeksyon ang bawat silid na mayroon ang buong botika. Maging ang mga pader at pintuan nito ay kinakalikot na namin sa possibilidad na lagusan na maaaring makapagdala sa amin sa kinalalagyan nina Mishal.

Bigo kami sa ibang mga silid maliban sa isang silid na talaga namang nung una pa lamang ay pinaghihinalaan ko na.

Nakapagtatakang may malaking espasyo sa gitna nito habang ang ibang mga kagamitan ay nasa gilid lamang at tila ba maayos na nakaporma na mistulang may butas sa gitna ng silid na ito.

Tama. Butas. Iyon ang possibilidad na nakikita ko kung bakit may malaking espasyo sa silid na ito ay maaaring may silid sa ilalim ng silid na ito.

"Maghanap ka ng maaaring bukasan o pihitan." Utos pa ni Sereia habang panay ang lakad niya sa buong silid na para bang nagpipiko.

Inirapan ko naman siya dahil ano ba ang ginagawa ko ngayong kinakapa ko na ang maduming sahig na 'to? Mukha bang nakatunganga ako? Tss.

"Baka naman kasi wala dito. Baka may pihitan sa mga kagamitan na 'yan." Suhestyon ko pa dahil iyon ang madalas kong nakikita sa pinapanood ko noon na mga pelikula patungkol sa detective. Palaging may pihitan o iaangat na bagay para magbukas ang lagusan sa kung saang parte ng putang silid na ito.

Hindi naman niya ako sinagot kaya muli na naman akong napairap sa kawalan. Tumayo na rin ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig upang maghanap naman sa mga gamit.

Pero ganoon na lamang ang gulat ko ng biglang tumunog ang isa sa mga naapakan ni Sereia na parte ng sahig na para bang may naipit dito. Nagkatinginan pa kaming dalawa dahil dito at halos mapasigaw naman kaming dalawa ng bigla na lamang bumukas ang sahig na inaapakan namin at dire-diretso kaming nilamon ng kadiliman.

*****

Nagising na lamang kami pareho noong may ikinakabit sa aming mga posas at inililipat kami sa kulungang kinalalagyan namin ngayon. Tanda ko pa ang kapaligiran namin na isang bakanteng lote lamang na mayroong nagtataasang mga damo. Ito yung malawak na lupain na hindi ganoon kalayo sa akademya kaya halos mapamura na lamang ako ng mapalaman na ang lapit-lapit lang pala nila sa amin e hindi sila mahuli-huli. Kingina!

"Masakit pa rin ba ang balakang mo?" Mapang-asar na tanong sa akin ni Sereia dahil alam niyang kanina ko pa dinadaing ang balakang ko na naunang bumagsak noong nalaglag kami pareho.

Inirapan ko na lamang siya at padabog kong inayos ang pamilyar na kadena na minsan ko nang nakitang suot ni Daewon noon. Tsk. Aanhin pa 'to e wala naman kaming kapangyarihan?! Nakaiinsulto!

"Kailangan muna natin mahanap ang eksaktong kinalalagyan nina Mishal at ng lahat ng kababaihan." Biglaang saad naman ni Sereia habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin matapos namin pumasok sa isang nakatatakot na kagubatan na may naglalakihan at nagtataasan na mga puno.

Mas lalo pa itong nakatatakot dahil madilim na ang buong paligid dulot na rin ng pagkagat ng dilim. Mas lalo rin kumakapal ang hamog sa buong kapaligiran dahilan para magtaasan na lamang ang balahibo ko.

"Paano?" Taas kilay ko naman na tanong sa kanya habang itinatabing na ang tela sa aking tabi dahil baka mamaya may bigla na lang sumunggab sa amin dito.

"Malamang ay papasok tayo, Eliana." Pairap niya rin na saad habang muli ulit nililingon ang labasan at ibabalik na naman sa akin ang tingin.

"Sa loob mismo ng kuta nila?" Hindi makapaniwalang saad ko. Wala naman 'yan sa usapan namin kung tutuusin kaya anong papasok mismo sa loob?! "Hindi ba ay tutuntunin lamang natin ang kuta nila at babalik na tayo?"

Iyong daan pa nga lang papunta dito ay halos mahilo-hilo na ako sa pagtanda, iyong papasok pa kaya kami sa loob mismo ng kung ano mang gusali ang mayroon sila doon?!

"Iyon ba ang plano mo?" Taas kilay niya pang tanong sa akin. "Iba kasi ang akin dahil papasok tayo sa loob mismo." Tila ba walang pakialam na pahayag pa ni Sereia.

Napairap na lang tuloy ako sa kawalan dahil sa napakawalang kuwenta niyang sagot. Kung hindi nga lang nakakadena ang magkabilang paa ko ay kanina ko pa siya tinadyakan.  Wala sa planong magpapakamatay tayo mismo!

"Tsk. At may plano ka naman kung paano tayo makalalabas ng buhay?"

"Siguro." Mistulang nakangisi niyang saad habang ang mga mata ay nasisinagan na lamang ng liwanag na nagmumula sa buwan.

Napasimangot na lamang ako sa sagot ni Sereia at nanatili na lamang tahimik.

Mas lalo rin ako naging alerto ng bigla na lamang tumigil ang karwahe sa kawalan. Napasilip tuloy ako kaagad sa labas sa pag-aakalang nandito na kami ngunit wala man lamang maski isang gusali ang nandito. Tanging mga nagtataasang puno lamang at kung anu-ano pang mga halamang ligaw. Dumilim din kasi ang buong paligid dahil natakpan ng makakapal na ulap ang liwanag na nagmumula sa buwan.

Balak ko na sana magreklamo sa pag-aakalang umiihi lang kung saan ang kutsero ng karwaheng ito ngunit kusa ko na lamang naitiko ang bibig ko bago pa may mga salitang lumabas dito nang muling lumabas ang buwan at suminag ang liwanag na nagmumula rito.

Sabay na lamang kaming napanganga ni Sereia dahil kasabay ng paliwanag ng buwan ay ang paglitaw ng isang malaking kastilyo sa tapat mismo namin. Tila ba isa itong ilusyon na biglang lumitaw sa aming harapan. Ang kaninang kawalan lamang ay ngayo'y kinatitirikan na ng luma at dambuhalang kastilyo.

Mas lalo lamang umigting ang galit ko habang pinagmamasdan ang kastilyong ito dahil mula pa lamang sa aming kinalalagyan ay dama na ang kasamaang nakapalibot dito.

•••••

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 35.9K 62
Crizzania Sophie Clarrise Scarlet is a mysterious girl from nowhere. No one knows where she came from; everyone thinks that she's a goddess because o...
176K 7.6K 54
Zheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is...
1.7M 62.5K 61
[ COMPLETED not yet EDITED] Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Mystery #2 in Adventure #3 in Thriller #8 in Powers #16 in Academy #20 in Mag...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...