THE KRYPTON'S LOVE

By themintmaxx

38.1K 802 66

Kraeston's life took an unexpected turn when he suddenly crossed paths with a mysterious girl named zaiynx. H... More

DISCLAIMER
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 17

KABANATA 16

524 35 0
By themintmaxx

Zaiynx POV

"Hello zan, saan kayong hospital? Kamusta si axelle? Okay lang ba siya?"tanong ko pagka sagot ni zander sa tawag ko.

"How about you? Are you okay? We're here at Diaz Hospital, and yes, axelle is okay, I am just waiting for her to wake up."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi ni zander.

"Thank you. Papunta na ako diyan zan, salamat talaga," untas ko.

"It's axelle that we are talking here so of course, no need to thank me, I am also glad that you're safe." Aniya. Nagpasalamat pa ako ulit bago ko ibinaba ang tawag at dumiretso na doon sa hospital.

Ni hindi ko na napansin na naka paa nalang pala ako kanina pa, ngunit mamaya ko na muna iisipin ang sarili ko, kailangan ko munang makita ng personal si axelle. Pagkalabas ko sa parking lot ng hospital ay bigla ko nalang nalanghap ang isang pamilyar na perfume at ang kasunod no'n ang ay ang boses niya.

"God. Heaven knows how fucking worried I am to you," bulong ni krae habang sobrang higpit na nakayakap sa akin."Para akong mababaliw kakaisip kong nasaan ka zaiynx, binabaliw mo 'ko."

Biglang nag init ang gilid ng mga mata ko at para bang hinahaplos ang puso ko ng dahil sa yakap niya, ni hindi ko namalayang kusa nalang yumakap pabalik ang mga kamay ko."Salamat. Salamat sa lahat krae dahil tapos na, mabibigyan na ng hustisya si heran at dahil 'yon sa 'yo kaya salamat. Sobrang salamat."niyakap ko siya ng mahigpit.

"Please don't do it again. Iyong magdedesisyon kang ikaw lang mag-isa. It's driving me crazy zaiynx. You got me, okay?" Aniya.

Tumango ako.

"May masakit ba sa 'yo? May sugat ka ba? What happened between you and Black Rebellion?" sunod sunod tanong niya kaya bumitaw ako sa yakap at hinarap siya.

"Ipinarinig ko sa kanila ang voice record na ginawa natin noong nakausap natin si Editha kaya naniwala sila at si Angelo narin mismo ang bumigay at inamin na ang kasalanan niya."

Tumango siya."but your house, wala ng halos natira dahil sobrang dali lang kumalat ng apoy."

Napabuntong-hininga ako."hahanap nalang kami ng matutuluyan ni axelle."

Tumango ulit siya at biglang hinubad ang suot na jacket at isinuot ito sa akin."Sabay na tayong pumasok sa loob,"aniya kaya tumango ako at sumunod na.

Si krae na ang nag tanong kong nasaan ang room ni axelle at noong ibinigay ng nurse ay pumunta na kami doon. At pagpasok namin ay ang lahat ng kaibigan namin ang sumalubong. Agad rin akong nakatanggap ng yakap galing kay brazen.

"Zaiynx! Anong nangyari?! Kanino ka may atraso?! Sino ang gumawa ng pagsabog na 'yon sa bahay ni'yo?! Tangina! Sobrang nag-alala ako ng matanggap ko ang tawag ni zander zaiynx! Mabuti nalang talaga at hindi malala ang nangyari sainyong dalawa! Lalo na kay axelle!" naiiyak na untas niya."at saan ka ba nanggaling?! Sobrang gusot ng damit mo!"

Niyakap ko siya pabalik."ang black rebellion braze."bulong ko kaya natigilan siya."sila ang gumawa no'n kaya pinuntahan ko sila para matapos na."

"Ano? Bakit? Diba ay matagal na kayong walang koneksiyon? Anong kailan nila? At bakit kailangan umabot sa gano'n?"

Bumitaw ako sa yakap at agad na dumako ang tingin ko kay axelle na mahimbing na natutulog at mayroong benda ang ulo."titingnan ko muna si axe at mag-uusap tayong dalawa sa labas," untas ko at lumapit kay axelle.

Naiiyak ako habang tinitingnan ang lagay niya kahit pa sinabi na ni zander na okay na siya. Galit ako sa sarili ko dahil nadamay pa si axelle kahit na wala naman siyang kinalaman sa problema ko. Talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko at lalong-lalo na ang Black Rebellion kapag may nangyari talagang masama sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad ng paulit-ulit kapag nagising na si axe.

Hinalikan ko muna ang noo niya bago lumabas ng room para makapag-usap kami ni braze. Umalis kami at pumunta muna sa mall para bumili ng damit at makapag-palit ako. At pagkatapos ay bumili na muna kami ng kape sa starbucks at doon na nag-usap.

Kwenento ko sa kanya ang buong nangyari, simula doon sa pagbibintang sa akin ng Black Rebellion hanggang sa nalaman ko ang nakaraan ni angelo at ang pag punta ko doon sa kanilang mansion, pero sa buong kwento ko ay hindi ko na sinabi pa ang pangalan ni krae dahil siya na rin mismo ang nagsabi na dapat ay kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol doon.

Simula pagka-bata ay magkasama na kaming tatlo nina brazen at axe kaya alam na rin nila ang ibang pangyayari na nangyari sa buhay ko, kasama na doon ang nakaraan ko sa Black Rebellion at kay waze.

"Anong naramdaman mo noong nag kita kayo?" tanong niya pagkatapos ng pag-uusap namin.

"Hindi ko maintindihan."

Natawa siya ng mapakla."Ang hirap talagang kalaban kapag 'yong tiwala mo ang sinira sa 'yo e. Mahirap mag panggap."

"Hindi na mauulit ang pagkikita namin, ayoko nang maulit pa. Kaya lang naman ako nagpunta doon ay para matapos na ang lahat at malinawan na sila at isa pa ay may kanya-kanya na kaming buhay, hindi na ako babalik pa sa tapos na."

Tumango si brazen."subukan niya lang rin manggulo ulit at talagang aabangan ko 'yon!"

Natawa ako."sira."

Nagkwentuhan pa muna kami sandali ni brazen at tinulungan niya na rin akong makahanap ng condo para sa tutuluyan namin ni axelle. Plano kong ipa renovate ang bahay at siguradong mga isang taon mahigit pa ito matatapos.

"Sobrang sayang rin ng mansion mo zaiynx! Diba ay regalo sa 'yo 'yon ng kapatid mo?! Tsk! Mga ugok talaga ang gumawa no'n!" ani brazen habang naghahanap kami sa internet."sana talaga ay mabulok sila sa kulungan!"

"Hayaan mo na, wala narin akong magagawa." Untas ko.

"Ay ito oh! Maganda dito! Malaki ang space ng unit at maganda rin ang quality! Siguradong secured na secured kayo dito!" Ani brazen habang nakatingin sa screen at tiningnan ko naman ang tinutukoy niya.

Natigilan ako sandali ng makitang doon rin sa lugar na 'yon ang penthouse ni krae.

"Mag-iinquire na ako zaiynx ah? At ito na rin kasi ang condo na pinakamalapit sa Harmenson!"

Tumango ako kay brazen."sige."

Nang maubos ang iniinom naming kape ni brazen ay bumalik na kami sa hospital para bantayan si axe, umuwi narin sina shan, vien at justin dahil may pasok pa bukas ngunit nagpaiwan si zan, krae at brazen at mabuti nalang rin at kinabukasan ay nagising na si axelle kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"I'm sorry, I'm sorry axe... Sorry... Hindi ko sinasadya na madamay ka, I'm sorry... Sana mapatawad mo pa ako, nang dahil sa akin ay muntik ka pang mapahamak, I'm sorry." Pag-iyak ko habang nakayakap sa kanya, niyakap niya rin ako pabalik.

"Gaga! Okay na rin naman ang pakiramdam ko! At isa pa ay hindi naman ikaw ang gumawa ng pagsabog na 'yon, parehas lang tayong biktima kaya wala kang kasalanan! At mabuti nalang rin talaga at walang masamang nangyari sa 'yo dahil talagang hindi ko alam ang gagawin! Huwag kang umiyak zaiynx dahil hindi naman ako patay!" Tawa niya habang nakayakap sa akin.

"I'm sorry," iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Wala kang kasalanan!" bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin."at hindi ako galit sa 'yo! Pero kamusta ang bahay mo? At iyong gumawa no'n zaiynx? Nahuli na ba?"tanong niya kaya tumango ako.

Napag-alaman namin kagabi na isinuko nila si angelo sa mga pulis, hindi parin pala kaya ni Vaughn ang patayin ang taong pumatay sa kapatid niya dahil kadugo niya parin ang gumawa no'n, at alam kong sobra rin siyang nahihirapan.

"May nakuha narin kaming condo ni brazen, kapag nakalabas ka na dito ay doon na tayo tutuloy, ipapa-renovate ko ang bahay kaya talagang matatagalan dahil walang halos natira. May ibang mga gamit na nakuha ngunit konti lang talaga. Nagsimula narin akong bumili ng mga bagong gamit natin at ipinahatid ko na doon sa condo."

Kasama na doon sa mga nakuha nila ang painting na ibinigay ni krae sa akin, tanging ang frame lang nito ang nagkaroon ng kaunting sira, at doon ko lang rin nalaman galing kay krae na fire proof ang frame no'n.

Tumango si axelle."Wala rin palang natira sa mga damit natin... Kapag nakalabas na ako ay sabay tayong mag shopping ha!"

Tumango ako at ngumiti nalang, kahit pa alam kong may pinanghihinayangan siya sa ibang mga gamit niya. Kumain muna kami at nanood na muna ng palabas dahil umuwi na muna si zander para maligo habang sina brazen at krae naman ay pumasok na muna.

Tatlong araw rin kaming nag stay ni axe sa hospital at noong makalabas kami ay sa condo na kami dumiretso.

"Ang ganda naman dito!" puna niya ng makapasok kami sa loob. At totoo nga, sobrang ganda nga dito, sobrang laki ng space sa loob at malinis tingnan, mayroon itong dalawang kwarto na may kanya-kanyang cr at bath tub. Malaki ang dining table, kasya ang anim na tao, maganda rin ang dirty kitchen, malawak ang sala at mayroon ring balcony.

Pinapili ko na si axelle kong saang room ang gusto niya at pinili niya doon sa side na mayroong glass wall para makita niya ang mga buildings sa labas. Nag-ayos na kami ng mga gamit at inilagay ko na ulit sa ibabaw ng bagong kama ko ang painting, mayroon narin itong bagong golden frame. Kapag talaga napapatingin ako dito ay hindi ko talaga mapigilang mamangha. Kuhang-kuha niya talaga.

Mabilis lang kaming natapos ni axe mag-ayos dahil wala pa naman kaming halos mga gamit at mga damit kaya lumabas na muna kami ng condo at pumunta ng mall para bumili. Tanghali kami umalis at natapos kaming dalawa ay gabi na kaya sa labas na rin kami kumain at noong makauwi at agad kaming nakatulog ng dahil sa pagod. At kinabukasan ay papasok na ulit kami, medyo marami kaming topic na naiwan ni axe kaya kailangan naming humabol.

Wala si krae sa penthouse niya dahil minsan lang siya nag s-stay doon, at gaya ng napag-usapan namin ay mananatili lang iyon sa pagitan naming dalawa.

Naging usap-usapan sa halos buong studyante ng Harmenson ang pag sabog ng bahay namin at ang pagkasunog nito. At lahat ng mga mata noong pagpasok namin ay nakatuon sa amin ni axelle. Pati sina shan ay tinanong kami kong sino ang gumawa no'n at ang tanging naisagot ko ay, its for personal reason.

"Malapit na ang intramurals and open for try outs ngayon ang volleyball dahil kulang ng players kasi ang halos players last year ay graduated na, sumali tayo!" Ani vien, nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Hindi ba 'yon makakasagabal sa cheerdance natin?" Ani axelle.

"Hindi naman dahil sa first day naman ang cheerdance tournament and usually ang volleyball and other sports ay sa second day na!" Sagot ni vien.

"Ay bet! Pero ang practice?"

"Every 5 until 6 ang pratice natin sa cheerdance and 1 pm to 5 pm ang sa volleyball kaya okay lang," ani shan kaya sumang-ayon na si axe.

"Sali tayo zaiynx!" Aya ni vien pero umiling ako.

"Kayo nalang," Alam ko kong paano mag laro ng volleyball pero ayaw ko ng larong masyadong nakakapagod.

Noong tumunog na ang bell para sa unang klase namin ay bumalik na kami sa kanya-kanyang classroom.

"Good morning," bati sa akin ni krae.

"Good morning rin," bati ko naman pabalik.

"How's your new condo?"

"Maganda siya at kasing layo lang rin ng bahay namin ang condo namin ngayon papunta sa Harmenson kaya ayos lang."

"Good to know. I think there's a reason now for me to come over from my penthouse sometime," aniya pa.

"Para saan?" wala pa ang prof namin kaya nakakapag-chikahan pa kami.

"Dahil mag kapit-bahay nalang tayo doon."

"Edi makikita ka ni axelle?" takang tanong ko. Ayaw niyang may ibang makaalam tungkol doon tapos ano 'tong sinasabi niya ngayon.

"She wouldn't know!" Ngumisi siya kaya binigyan ko nalang siya ng kunot-noo, at narito na rin ang prof namin kaya dapat ay tumahimik na ang lahat.

Sobrang busy ng araw ngayon sa Harmenson dahil simula na halos ng practice sa sports, at hapon na ngayon at naroon na si axelle kasama sina shan at vien sa women's volleyball para sa try out habang ako ay mag-isa lang na naglalakad at naghahanap ng pwedeng salihan na sports hanggang sa napahinto ako sa isang room at nakita roon si gavin na naglalaro ng chess at sa hindi inaasahan ay bigla niya ring itinaas ang tingin niya kaya nag tama ang mga mata namin, agad siyang kumaway sa akin ng makita ako.

"Hi zaiynx!" Kaway niya sabay ayos sa makapal na salamin na suot.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 298 68
SYNOPSIS CAROLINE PATRICIA FROWLINE, grew up without the presence of her father. Her mother died while giving birth to her, according to her father...
143K 6.2K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
50.5K 929 21
Steve and Nancy. Jonathan and Nancy. She can't decide. *Stranger Things fanfiction*
30.5K 708 24
⚠️I don't own any of the Haikyuu characters! And yes, there will be swearing in this!⚠️ "𝐎𝐑 𝐬𝐑𝐒𝐭! 𝐀𝐦 𝐈... 𝐒𝐧 π₯𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐒𝐭𝐑 π“πšππšπ¬οΏ½...