THE KRYPTON'S LOVE

By themintmaxx

38.1K 802 66

Kraeston's life took an unexpected turn when he suddenly crossed paths with a mysterious girl named zaiynx. H... More

DISCLAIMER
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17

KABANATA 11

688 32 7
By themintmaxx

Zaiynx POV

Ikinuyom ko ang kamao ko ng dahil sa ginawa niya, kahit kailan ay hindi pa ako nasampal ng kong sino lang ng dahil sa isang malamyang dahilan! Kaya noong dumating ako sa classroom namin ay padabog akong umupo sa tabi ni krae ng dahil sa inis, kong hindi ako nakapagpigil kanina ay hindi lang sampal ang inabot niya sa akin.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang galit na galit ka? What happened?" Takang tanong ng katabi ko ngunit hindi ako sumagot dahil baka kapag nagsalita ako ay may masabi lang akong hindi maganda.

"Good morning students!" Agad kaming nagsitayuan ng dumating ang professor namin sa first subject kaya hindi niya na rin ako kinulit pa.

Hindi ako kumibo buong klase namin at no'ng tumunog ang bell ay nauna na ako at mag-isang lumabas, sa library ako dumiretso para magbasa para naman mawala ang inis ko. Hanggang ngayon ay parang hindi parin nawawala sa pisngi ko ang pag lapat ng palad niya! Nakakabanas!

"Tsk," inis kong binuklat ang hawak na libro at nag basa hanggang sa hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako at nagising nalang ako ng maramdaman kong parang mayroong nakatitig sa akin at pag dilat ko sa mga mata ko ay ang napakalapit na mukha ni krae ang tumambad sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata niya at mukhang nagulat pa ng magtama ang tingin namin at agad na lumayo.

"Bakit hindi mo ako kinakausap, may problema ba?" halata sa boses niya ang pagkabahala.

Umiling ako."wala naman,"tiningnan ko ang relo ko at nakitang may three minutes pa bago ang klase.

"Tsk, you're pissed, why is it? Come on, tell me," untas niya na parang kilala niya na ako.

Umayos naman ako ng upo at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Parang ang kapal naman ng mukha kong ganituhin siya e ang laki ng naitulong niya sa akin.

Nilingon ko siya."Naisip ko lang na..."Hindi ko muna itinuloy at inisip munang mabuti kong ano ang tamang salita na gagamitin.

"Ano?"

Napabuntong-hininga ako. Sasabihin ko ba? Paano?

"Naisip ko lang na dapat tayo mag set ng boundaries sa isa't-isa."

"Huh? Why?" Takang tanong niya."and what do you mean by setting boundaries?"

"Basta,"tumayo ako at ibinalik ang librong kinuha kanina para lumabas na, wala na akong balik pang mag explain.

"Zaiynx hindi ko maintindihan,"Agad namang sumunod sa akin si krae at pababa pa nga lang kami ng hagdan ng makaharap namin si kyrie kaya sabay kaming napahinto.

"Oh, nandito ka lang pala krae," nilagpasan niya ako ng tingin na para bang hindi niya ako nakita at dumiretso kaagad ang titig niya kay krae.

Sarkastiko akong natawa sa isipan ko at nilagpasan siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makalabas ako ay naglakad na ako pabalik sa classroom namin at sa daan pabalik ay nagkita kami ni gavin kaya sabay na kaming naglakad habang nagkekwentuhan patungo sa kanya-kanyang building.

Kraeston POV

"Magkasama na naman kayo? I thought bumalik ka na sa classroom niyo,"puna ni kyrie ng makaalis si zaiynx. At hindi ko maintindihan kong bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang sundan lalo na dahil sa sinabi niya.

"I was just wondering kong bakit siya biglang nawala kanina and I find her here," I replied. Dahil pagkatapos ng klase namin kanina ay umalis nalang siya bigla ng walang paalam at bigla nalang rin pumasok sa isip ko na dito siya pumupunta kapag wala siya sa canteen.

"Did you find her accidentally or you find her intentionally?"

"What are you trying to say, ky?" my brows furrowed.

"Am I missing something krae?" she asked intently."I'm starting to hate it that you're close to her."

I paused.

"Naisip ko lang na dapat tayo mag set ng boundaries sa isa't-isa."

Is this what she mean? Because kyrie is jealous. May nangyari ba sa pagitan nilang dalawa?

Kinuha ko ang kamay ni kyrie at dinala siya patungo sa gilid ng field para makapag-usap kami.

"You want me to stay away to zaiynx, right?" tanong ko ng makaupo kami sa bench.

Tumango naman siya."it's sound selfish krae but... Yes."

Huminga ako ng malalim at tumango."if that's what you want then I will stay away from her. I don't want you to get upset, ky."

This is the first time that kyrie got jealous to a girl, I have some girl friends too but she's seeing zaiynx a different one. Does she likes me now? She likes me now because she's getting jealous, am I right? Beats me.

Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko at agad akong niyakap, I immediately smell her perfume, I hugged her back."thank you krae!"

I also notice that when zaiynx arrived, kyrie became distant to me and sometimes he's already doughting me for liking someone else.

Natapos rin kaagad ang usapan namin dalawa dahil tumunog na ang bell para sa susunod na subject kaya bumalik na ako sa classroom namin at agad kong namataan si zaiynx na nakadukdok sa lamesa namin.

Nang makaupo ako ay hindi ako umimik ngunit sinulyapan ko siya, nahagip naman ng tingin ko ang kwintas niya na kahit kailan ay hindi ko pa nakitang hinubad niya.

Sa buong klase namin ay wala kaming naging imikan ngunit kapag nagdidikit sandali ang mga kamay namin dahil sa sobrang lapit ay para akong kinukuryente at parang may nag-uudyok sa akin na kausapin siya! Damn it!

Nilingon ko ulit si zaiynx sa gitna ng pag di-discuss ng professor namin sa General Chemistry 1 at naabutan siyang papikit na sa sobrang antok at kong hindi lang dahil sa naging usapan namin ni kyrie ay pinitik ko na ang noo niya.

Napabuntong-hininga ako sa inis. At hindi ko alam kong saan nanggagaling ang inis ko!

"Get one whole sheet of paper and answer this following questions,"siniko ko ng mahina si zaiynx para magising dahil kapag nahuli siya ng prof namin ay siguradong patay siya. Dumilat rin naman kaagad siya at takang nilingon ako, inginuso ko naman ang nasa harapan kaya inis siyang napakamot sa ulo niya bago humikab kaya natawa ako.

"Sleepy head," asar ko kaya agad akong nakatanggap ng matalim na tingin. Inilahad ko naman sa kanya ang isang papel, sigurado akong walang isasagot 'to dahil hindi nakinig.

Tahimik lang kaming lahat habang nagsasagot at taka naman akong napalingon sa kay zaiynx noong dire-diretso ang pag sagot niya na parang alam na ang lahat ng sagot. Akala ko ba inaantok 'to?!

Tsk. Napangisi ako sabay iling.

Nagulat naman ako ng ilang sandali pa ay tumayo na siya para ipasa ang sagot niya kaya sumunod na rin ako na kakatapos lang.

Zaiynx POV

Wala ng masyadong pansinan ang nangyari sa aming dalawa ni krae, siguro ay nakapag-usap na sila ni kyrie. Gusto kong bumawi sa ginawa ni krae na pag tulong pero hindi ko alam kong paano o kong ano.

Hanggang sa dumating ang araw ng Acquaintance Party at nandito pa kami ngayon sa bahay at nag-aayos, alas sais ang start ng party and 5 pm pa ngayon. Nilalagyan ako ni axe ng light make-up habang ang buhok ko ay hinayaan ko lang na nakalugay at kinulot ni axe ang sa ibaba at tapos na. Ang suot naman ni axe ngayon ay isang purple sparkle dress na match rin sa stilletos niya.

At ang ibinigay naman sa akin ng kapatid ko ay kasyang-kasya sa akin at hanggang hita lang ang haba nito. At noong tumuntong na ang alas sais ay sakto namang dumating si zander para sunduin kami—oh mas klarong sabihin ay para sunduin si axelle.

Kraeston POV

"Get up bro! Maligo ka na at malapit na ang 6 pm!" naalimpungatan ako ng dahil sa malakas na boses ng kapatid ko.

I groaned, and because of it, she suddenly pull me up in my bed so I open my eyes to glare at her. Agad niyang pinitik ang noo ko ng makita ang ginawa ko.

"Hindi ka ba pupunta sa Party ni 'yo?! Susunduin mo pa si kyrie hindi ba?! Na plantsa ko na rin ang suit mo at hinihintay ka nalang!"

Oh shit! Napakamot ako sa ulo ng dahil sa naalala.

I almost forgot that our Acquaintance Party is today!

"Napansin ko noong nakaraang araw na parang ang tamlay mo! Ano bang meron?! Nagkakalabuan na ba kayo ni kyrie ngayon? I told you dude, kong gusto ka niya ay dapat matagal ka na niyang pinayagang ligawan siya! I've been there kaya alam na alam ko!" puna ng kapatid ko.

Napailing ako sa sinabi ng kapatid. Anong ang tamlay ko?

Teka...

Dahil ba 'to sa hindi namin pag-uusap ni zaiynx at ang pag didistansiya namin sa isa't-isa? But it shouldn't be right?! Dahil how the fuck she can control my mood?! Tsk, agad ko itong inalis sa isipan.

Napabuntong-hininga ako."Kyrie and I are still the usual, sis,"sinagot ko nalang ang huling sinabi niya.

Since last year ay palagi nalang iyan ang bukang bibig ng kapatid ko na parang kulang na lang ay sabihin niyang tigilan ko na ang pag pursue kay kyrie at ang palaging pang laban niya ay dumaan na siya sa ganyan at alam na niya ang pasikot-sikot ng mga babae, lalo na at isa rin daw siyang babae ngunit hindi ko nalang pinapansin ang lahat ng sinasabi niya. I know she's only concern for me but I personally know kyrie and she's my first love, I like her and it won't change.

Lumabas na rin si ate miles sa kwarto ko para hayaan akong maligo at makapag-bihis at noong tapos na ako ay bumaba na ako sa sala para ipayos ang neck tie ko sa kapatid.

"Enjoy the party krae!" Aniya habang inaayos ang neck tie. I am now wearing a black tuxedo and black slacks. I also gel my hair and brush it side ways, like it's usual style.

"Picture anak!" ani mommy sabay harap ng camera sa akin, agad na ngumiti ang kapatid ko sa camera so I followed."Ang guwapo mo krae!"ngiti ni mommy habang nakatingin sa mga pictures.

"It's from genes mom!"ani ate at pinagdikit ang mukha namin.

I laughed."yeah it's from genes and you obviously didn't have that ate," I joke and pinched her cheek.

"I am the prettiest Del Vestre in town dude! How dare you!"aniya sabay pabirong umirap sa akin.

"Who said that?" tawa ko.

"It's obvious! Sira na ba ang mga mata mo?! How can you do this to your pretty sister?! Why can't you appreciate my pretty face!" Aniya sabay pa cute.

Mas lalo akong natawa sa ginawa niya."Okay, okay, chill! You're pretty ate miles!"

"O tama na iyan at baka ma late pa itong kapatid mo miles!" sabat ni mama at tumango naman si ate at hinatid pa nila ako sa parking lot. Kumaway ako sa kanila pag alis ko ng bahay at dumiretso sa bahay nila kyrie.

Agad naman akong pinapasok ng mommy niya pagkarating ko doon.

"Good evening hijo, kyrie is still in her room with her sister doing her make up, you can wait for her here," giya niya sa akin sa sala."do you want anything?"ngiti niya.

"I'm good tita, thank you, I'll just wait for her, here." Umupo na ako.

Tumango si tita Kacie."okay, maiwan na nga muna pala kita dito hijo at may gagawin pa ako,"she smiled apologetically.

Ngumiti ako at tumango."no worries tita."

Tiningnan ko naman ang relo at tiningnan ang oras, may 10 minutes pa kami bago mag simula at party. At mabuti nalang noong dumating ang limang minuto ay nakita na ng mga mata ko si kyrie na pababa na ng hagdan at nakangiti sa 'kin. She's wearing a simple but elegant golden dress that really fit in her body making her more beautiful.

Tumayo ako noong nakita siya at agad naglahad ng kamay upang alalayan siya pagkababa sa hagdan, nakasunod naman sa kanya ang nakakatanda niyang kapatid na si Kylie.

"Hi handsome," bati niya. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Hello pretty," I whispered and she smiled.

"Hi krae! You look so good in your tuxedo!"napalingon ako kay kylie ng bigla siyang nagsalita.

"Thank you!" Untas ko habang hawak ang kamay ni kyrie.

"Take care of my little sister huh?! Enjoy the party!" aniya noong makalabas na kami.

I nodded. "Of course, you can count on me."

"I know, bye ky! Enjoy!" Kaway niya sa kapatid.

"Thank you ate!"

Pinagbuksan ko na siya ng pinto at noong makapasok siya ay naglakad na ako patungo sa driver's seat. Noong makarating sa Harmenson ay kahit nasa labas pa lamang kami ay rinig na rinig na namin ang ingay na nanggagaling sa loob at noong makapasok kami ni kyrie ay nasa amin ang lahat ng tingin at bulong-bulungan.

"Omg, ang ganda ni kyrie! Parang dyosa!"

"Siguradong sila na naman dalawa ni Del Vestre ang magiging King and Queen ngayong taon!"

"Kraeston is so handsome oh my god! Ang swerte ni kyrie!"

Hawak ko sa bewang si kyrie ngayon habang patungo kami sa kong nasaan ang table namin.

"Par!" tawag ni justin noong makalapit kami sabay apir."pogi ah!"

"Tsk," ngumisi ako. Si brazen, vien, shan at justin palang ang nandito.

"Where's zander?" Tanong ko ng hindi ko mahagilap.

"Sinundo sina axe!" sagot ni brazen. He's also wearing a black tux.

Tumango ako at tinabihan si kyrie ng upo. Marami na ang studyante dahil malapit na rin magsimula, the theme was gold and black, and the place is so elegant, mayroong malaking diamond chandelier, black table cloth and gold for the chairs.

"Nandito na pala sila oh!"turo ni vien sa entrance kaya kaming lahat ay napalingon doon.

And there, zander is holding axelle's waist and they're talking about something, ngunit nanatili ang titig ko sa imahe ng taong nasa likuran nila.

Her golden hair has curls on its ends at nakalugay lang, and she's wearing a black deep V-neck satin dress with a slit dahilan para kitang-kita ang hita niya, and she's also wearing a black heels. She has a light make up that suits her face well, her lips is more pinkish than before.

She looks like a beautiful goddess but a villain one. Her innocent face is still there but her aura screams otherwise.

She's the prettiest I guess.

Iginala niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng venue at sa huli ay tumama ito sa akin, nakita ko pang nagulat siya sandali ngunit ibinalik niya kaagad ang seryoso niyang mukha. She's really playing it.

Ngunit naputol lamang ang tingin namin noong biglang pinagsalikop ni kyrie ang kamay namin at siya ring pagdating ni Gavin upang igiya si zaiynx patungo dito. At kong siniswerte ka nga naman, sa tabi ko pa talaga siya naupo dahil wala ng ibang bakante.

"Mic test..." Nagsalita ang emcee ng event, hudyat na magsisimula na ang party."okay! Good evening Harmensians!"hiyaw nito na agad sinagot ng mga studyante.

"Good evening!"

"Ladies and gentlemen, esteemed faculty, and fellow students, I am honored to welcome you to this year's much-awaited acquaintance party. Tonight, we gather not as strangers, but as a diverse and vibrant community of individuals, eager to forge new friendships, create lasting memories, and celebrate the journey that lies ahead. This event is a wonderful opportunity to break free from the rigors of academia, let loose, and get to know each other on a more personal level. So, let the festivities begin!"nakangiting panimula nito."As we come together under these sparkling lights, let us remember that every face in this room has a story to tell, and every connection we make tonight could be the start of something extraordinary. So, make the most of this evening, dance like nobody's watching, and let's create memories that will last a lifetime. Cheers to new beginnings and the wonderful adventure of getting to know one another!"

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 2.7K 38
They say when you're in a high school phase you'll experience different kinds of adventure, struggles, emotions, heartbreaks and unforgettable Friend...
6.6K 209 5
"𝘠𝘰𝘶 𝘣𝘢𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘮𝘦, 𝘐'𝘮 𝘢 𝘣𝘢𝘥 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰w," "𝗜 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂," ☽ 🜸 ✩ In which, a young girl, manipulated by...
50.5K 929 21
Steve and Nancy. Jonathan and Nancy. She can't decide. *Stranger Things fanfiction*
7.4M 206K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...