THE KRYPTON'S LOVE

By themintmaxx

38.1K 802 66

Kraeston's life took an unexpected turn when he suddenly crossed paths with a mysterious girl named zaiynx. H... More

DISCLAIMER
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17

KABANATA 10

766 38 7
By themintmaxx

Zaiynx POV

"Aabsent tayo, okay lang ba sa 'yo 'yon?" Tanong ko noong mag kita kaming dalawa para puntahan ang bahay ni Editha Corpuz. Nakapag paalam na rin ako kay axe, ang tanging sinabi ko lang ay may importante akong pupuntahan at hindi na siya nag-usisa pa.

Tumango siya."of course. Get in,"lahad niya sa pinto kaya pumasok na ako, naglakad narin siya patungo sa driver's seat pagkatapos maisara ang pinto.

"30 minutes ang magiging byahe natin and we can return by 11 kong madali lang tayong patatapos sa pag-uusap," aniya habang nagmamaneho.

"Nga pala, paano mo siya napapayag? Akala ko ay mahihirapan tayong makausap siya e."

Nagkitbit-balikat."Tinawagan ko ang telepono nila at noong una ay parang ayaw niya pang makipag-usap ngunit noong binanggit ko na ang pangalan ni angelo ay bigla nalang siyang umiyak at sinabi niyang papayag na siyang makipag-usap sa atin."

Tumango ako."Parang may alam siya."

Nilingon niya ako."May alam siya,"pag tatama niya sa sinabi ko.

Hindi na ako sumagot dahil sa lalim ng pag-iisip, at hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na igala ang tingin sa loob ng sasakyan niya, may nakita rin akong gold and black marble standee na mayroong logo ng law at sa ilalim ito ay nakaukit na kompletong pangalan ni krae.

Kraeston Archer Q. Del Vestre. Iyon ang nakasulat at sa ilalim ng pangalan nito ay may nakalagay rin na Attorney of Law.

"Law? Maging lawyer pala ang gusto mo?"takang tanong ko."eh bakit nasa stem ka?"

Nilingon niya ako sandali at tumama ang mga mata niya sa standee na nasa harapan namin.

"Kahit saang strand naman ako pumasok ay walang problema, I can still get that course," Confident niyang sagot.

"Tsk." Hindi na ako nag-usisa pa.

At 30 minutes nga lang ang naging byahe namin at nakarating na kami sa bahay na tinutuluyan ni Editha Corpuz. Malaki ito at hanggang dalawang palapag.

Nang makalabas kami ni krae ay agad siyang nag door bell at ilang minuto lang ay pinagbuksan kami ng isang babae na siguro ay nasa mid 20's.

"Good morning, kayo ba ang mga bisita na hinihintay ni mama?" Ngiti niya.

"Yes," sagot ni krae.

"Pasok kayo."giya niya kaya sabay na rin kaming pumasok dalawa.

"Ako nga pala si Mitch, ang sabi ni mama sa akin ay may gusto raw kayong malaman, tama ba?"nakangiti parin siya.

Tumango ako." Tungkol kay Angelo,"diretsong tanong ko dahil sigurado rin naman akong alam niya ang dahilan kong bakit kami nandito. Nakita kong nawala sandali ang ngiti niya at noong nagtama ang tingin namin ay nakakita ako ng lungkot doon.

"Anak ka ba niya?" tanong ni krae habang patungo kami sa loob.

Oo nga pala, dahil sa pagkakaalam namin ay walang anak si Editha.

Ngumiti si Mitch bago umiling."Pamangkin niya ako ngunit inampon ako ni mama at siya narin ang tumayong magulang sa akin."

Sabay kaming napatango ni krae sa isinagot niya. At noong makarating kami sa loob ay agad naming nakita si Editha Corpuz na nakaupo sa isang rocking chair.

"Mama nandito na sila, iyong sinasabi mong pupunta ngayon."

Nilingon kami ng matanda ng marinig niya ang sinabi ng anak, at noong nakita kami ay agad siyang ngumiti. Umupo naman kami sa harapan niya.

"Kukuha muna ako ng meryenda ninyo," paalam ni Mitch.

"Good morning ma'am," bati ni krae dito.

Ngumiti naman ang matanda. Satingin ko ay nasa 70's pa siya."magandang umaga sainyong dalawa,"bati niya pabalik at biglang tumama ang tingin niya sa akin at biglang ngumiti."napakaganda ng iyong mga mata hija,"puna niya.

"Thank you ma'am." Sagot ko.

Lumawak ang ngiti niya."kayo ba ay mag nobyo at nobya?"

"Magkaibigan lang po kami," sagot ko kaagad at narinig ko ang tawa ni krae sa gilid ko.

Agad na nawala ang ngiti ng matanda."totoo ba iyon hijo? Aba't sayang naman at ang bagay ninyo sa isa't-isa! Wala ka bang balak na nilagawan ang magandang babae na ito?"turo niya sa akin.

"May hinihintay na po akong ligawan, ma'am," sagot naman niya at bigla ko nalang naramdaman na sumikip sandali ang dibdib ko. Tangina ano 'yon?! Bakit parang disappointed ako?! Para bang may inaasahan akong ibang sagot! Tangina! Umiling ako at kulang nalang ay sampalin ko ang sarili!

"Gano'n ba," nilingon ulit ako ng matanda."e ikaw, may nobyo ka na ba hija?"

Umiling ako at sumilay ulit ang ngiti sa mga labi niya."pwede mo bang ibigay sandali sa akin ang kamay mo hija?"

Nagtaka ako sa sinabi niya ngunit sa huli ay tumango ako dahil nakalahad na ang mga kamay niya.

"Hmm... Ilang taon na rin ng huli akong makapag basa ng isang palad."

Ano? Anong nakakabasa?!

Sabay kaming nagulat ni krae ng biglang tumawa ang matanda."Napaka komplekado,"aniya at binitawan ang kamay ko.

"Po?" Takang tanong ko. Anong nabasa niya?

"Kumain na muna kayo at baka napagod kayo sa byahe ni'yo," naputol ang usapan namin ng biglang dumating si Mitch at nag lahad ng pagkain.

"Salamat," sagot ko.

"You're welcome," at nilingon ang ina niya."maiwan ko na muna kayo ma para makapag-usap kayo ng maayos."aniya at tumango naman ito.

At ngayon ay bigla nalang sumeryoso ang paligid.

"Uhm... Apologise ma'am but I will be straight to the point, kong ano talaga ang ipinunta namin dito," panimula ni krae at hindi ko mapigilang mapahawak sa kamay niya na nakatabi sa akin para pigilan siya sa diretsahang tanong niya! Parang mali naman atang tatanungin namin siya kaagad tungkol kay angelo lalo na at kakarating palang namin."about Michael Angelo Ramos, anong pong alam ni 'yo? Bakit po bigla nalang kayong umiyak noong sinabi ko ang pangalan niya?"napapikit ako ng mariin sa walang pag-aalinlangang tanong niya, at bigla ko nalang ring naramdaman na pinagsalikop niya ang kamay namin.

Nakita ko namang biglang lumungkot ang mukha ng matanda."Si Angelo... Ang batang iyon..."aniya habang nakatingin sa kawalan na tila ba iniisip ang buong nangyari noon.

Napaiktad ako ng biglang paglaruan ni krae ang mga daliri ko habang mag kawahak parin ang kamay namin. Para rin siyang kinakabahan sa magiging sagot ng matanda.

"Alam ko ang dahilan kong bakit gusto ninyong malaman ang nakaraan ng batang iyon..." Nilingon niya kami."At h-hindi ko na maatim na ilihim ito habang buhay! Lalo na ngayon na hindi na magtatagal ang buhay ko dahil matanda na ako,"nangilid ang mga luha niya, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at walang nagsalita ni isa sa amin ni krae.

"Matagal na akong nagtatrabaho sa mga Ferrer biglang katulong, ang buong buhay ko ay halos umikot na lamang sa pagsisilbi sa kanilang pamilya, ako na rin ang nag palaki at tumayo bilang ikalawang ina ni Arthur..." Umiiyak na siya ngayon."Ang lahat ng mga sekreto niya ay alam ko... Kasama naroon ang pagkakaroon niya ng kerida at pagkakabuo ng kanilang nagawang kasalanan..."

Natigilan ako sa mga narinig. Ang lahat ng mga impormasyon na nakuha namin ni krae ay totoo.

"At ang batang iyon! Hindi niya ginampanan ang kasalanang siya naman ang gumawa! Naging duwag siya sa pagharap sa isang responsibilidad at sa takot na malaman ito ng kaniyang mga magulang kaya hindi niya inako ang anak niya sa kanyang kerida at pinalayas pa ito," untas niya sa pagitan ng hikbi."Nagalit ako... Galit na galit ako noong sinabi niya ang lahat sa akin kaya naman pinuntahan ko ang mag-ina at tinulungan si Angelina hanggang siya ay manganak. Pinalaki niya si Angelo ng siya lamang mag-isa ngunit ng dahil sa sobrang pagtatrabaho ay nabugbog ang katawan niya hanggang sa tumuntong si angelo ng walong taon ay nawala ang kanyang ina. Kinuha ko ang kawawang bata at pinalaki ngunit habang lumalaki siya at nalalaman ang katotohanan ay unti-unti siyang nagrerebelde at puro galit na lamang ang nasa puso para sa mga Ferrer."

H-hindi... Napatakip ako sa bibig sa nalaman. Angelo... Hindi...

"Umalis siya sa poder ko sampung taon na ang nakalipas at sumali sa isang grupo para maisagawa ang plano niyang paghihiganti sa mga Ferrer na pinaniniwalaan niyang sumira sa buong buhay nilang mag-ina!"

"S-si angelo.... S-siya po ba ang gumawa noon kay heran?" Hindi ko namalayang nangilid narin pala ang mga luha ko.

Humagulgol na ang matanda at narinig namin ang mga yapak ni Mitch na patungo sa amin at agad na niyakap ang matanda."mama! Anong nangyayari?! Bakit ka umiiyak?!"nag-aalala niyang tanong at nilingon kami."please huwag niyong pilitin si mama magsalita, may sakit siya at matanda na, hindi siya pwedeng ma stress!"

"Anak, gusto kong sabihin ang lahat sa kanila... Hindi ko na kaya ang ginagawa ni angelo! Kahit ikaw ay hindi siya mapigilan hindi ba?! Kaya baka itong mga batang ito ay mapipigilan pa siya sa kanyang mga plano! Napakalaki na ng kasalanang nagawa ni Angelo, Mitch! Pinatay niya ang kapatid niya! Si Heran! Uubusin niya ang mga Ferrer Mitch! Wala siyang ititira!"

Nanghina ako sa huling sinabi ng matanda at hindi ko namalayang tuluyan na palang tumulo ang mga luha ko at naramdaman ko nalang ang yakap sa akin ni krae.

Ayokong... Maniwala...

Please...

Niyakap ko pabalik si krae at umiyak sa dibdib niya. Hinawakan ko naman ang dibdib ko dahil sobrang sakit nito.

Hindi ko matanggap!

Natapos ang usapan na 'yon na hindi na ako nagsalita pa, si krae na ang nagsasalita para sa akin at noong bumalik na kami sa city ay tahimik lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin sumi-sink in sa akin ang lahat ng narinig ko. Hindi ko inaakalang mangyayari ang lahat ng 'to, at hindi ko matanggap!

"Nagmamakaawa ako sainyong dalawa, pigilan ninyo ang plano ni Angelo... Ayoko ng madagdagan pa ang kasalanan niya dahil itinuring ko na ring tunay na anak ang batang iyon!" Ito ang huling sinabi ni Editha Corpuz bago kami umalis. At nalaman rin namin na si Mitch pala ay girlfriend ni Angelo.

Nagtaka nalang ako noong napansin kong iba na ang tinatahak naming daan ni krae pag-uwi kaya taka ko siyang nilingon at tinanong.

"Saan tayo pupunta?"

"To calm your mind,"sagot niya at hindi na nagsalita pa kaya hinayaan ko na siya hanggang makarating kami sa isang Peak. Kong saan puro malalaking puno at magagandang tanawin ang makikita, makikita rin sa ilalim nito ang buong city at sa hindi kalayuan ay ang napakalaking dagat.

Umupo si krae sa damuhan sa ilalim ng malaking puno at tinapik ang tabi niya kaya umupo rin ako doon at nilanghap ang masarap na hangin.

"Salamat sa lahat krae, kong hindi dahil sa 'yo ang baka hindi ko malalaman kong ano talaga ang totoo at hindi na matitigil ang galit sa pagitan namin ng Black Rebellion lalong lalo na kay Vaughn."

Inilahad niya ang kamao niya."As what I said, I'm ready to bet for you. We're friends after all."

Ngumiti naman ako at nakipag-fist bomb sa kanya. At pagkatapos no'n ay bigla nalang siyang tumayo at pumunta sa sasakyan niya at noong bumalik siya ay may hawak na siyang gitara at tumabi ulit sa akin.

Habang nag s-strum siya ay nakatingin siya sa malayo.

[Song title: Pangako by Cueshé]

"Kislap ng 'yong mga mata
Ako'y iyong nadadala
Parang anghel ang 'yong ganda
'Di maiwasan, hahanap-hanapin ka."

Panimula niya. At hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya sa lalim at ganda ng boses niya.

"Oh, kay tamis ng 'yong mga ngiti
Ako'y iyong naaakit
Tulad ng rosas nakakaaliw
'Di mapigilan mabighani sa 'yo."

"At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa 'kin."

Nag patuloy siya sa pag kanta hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, dahil para akong hinehele ng boses niya.

"What's your plan now?" Tanong ni krae habang pauwi kami. Alas tres na ng hapon ngayon at katatapos lang namin kumain sa isang restaurant.

"Hindi ko pa alam," totoong sagot ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko, dapat ko bang puntahan si angelo at sabihin sa kanya ang lahat ng nalaman ko o hintayin nalang silang sumugod ulit sa akin at doon ko sasabihin ang lahat? Pero hindi ko alam ang plano nila, ngunit paano nalang kapag ang susunod na gagawin nila ay may napahamak na, hindi ba mas mainam ang pigilan na siya kaagad?

Inihatid ako ni krae sa bahay namin at noong makauwi si axe ay agad niya akong tinanong.

"Bakit pareho kayong absent ni krae kanina?! May ginagawa ba kayong hindi namin alam?!" Pinanliitan niya ako ng mga mata."hmm... May something kayong dalawa 'no?! Kayo na ba?! Matagal ko na ring napapansin ang closeness niyo e! Parang iba na! Parang may nangyayari na talaga sainyong dalawa sa likod namin hindi niyo lang sinasabi! Saan kayo pumunta ngayong buong araw?!"

"Tsk. Anong kami na? Eh gusto niya nga si kyrie 'di ba? At tsaka hindi kami magkasama kanina, ewan ko lang sa kanya kong saan siya pumunta."pagsisinungaling ko. Mas mainam ng walang alam si axe dahil baka madamay pa siya.

"Sure ka ha?" Hindi parin siya naniniwala."pero huwag mo ng e deny zaiynx! Support naman ako sainyo e! At tsaka isa pa hindi naman mag jowa ni kyrie at krae! It's your time to shine zaiynx! Sumubok ka na ulit!"

Hindi ako naka sagot. Sumubok ulit.

Kaya ko na ba? Tsk. Napailing ako.

"Ayoko muna axe," sagot ko.

"Baka tumandang talaga ka niyan!" Biro niya.

Natawa ako."okay lang."

"Sira! Sa 'kin hindi okay!" Binatukan niya ako.

"Aray naman!"

"Sige na! Kumain na tayo!"

Hindi narin naman ako kinulit pa ni axelle noong kumain na kami dahil satingin ko ay naniwala rin naman siya sa sinabi ko at kinabukasan pag pasok namin ay ang seryosong kyrie ang sumalubong sa amin ni axe.

"Can we talk?" tanong niya saakin na ipinagtaka ko.

"Tungkol saan?"

"About krae," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

Kumunot ang noo ko ngunit sa huli ay tumango ako at nilingon si axe at sumenyas na mauna na siya at na gets niya naman 'yon kaya nauna na siyang umalis.

Sumunod naman ako kay kyrie kong saan kami pupunta hanggang sa nakarating kami sa garden ng Harmenson. Kami lang dalawa ang tao doon.

"Anong tungkol sa kanya?" Inunahan ko na siyang mag tanong dahil gusto ko ng umalis.

Pinagkrus niya ang dalawang braso bago sumagot."alam kong magkasama kayo kahapon buong araw."

Napatitig ako sa kanya. Parang alam ko na kong saan papunta 'to ah.

"Hmm... Bakit anong meron?" tanong ko.

"Alam mo naman siguro kong ano ang nasa pagitan namin dalawa hindi ba? And I already told you that he likes me. Hindi ko alam kong ano ang rason kong bakit kayo hindi pumasok kahapon ngunit alam kong it's nothing for me to worry about, but then I just can't help it, you already know that he's mine, please create boundaries between the both of you."

Inuutusan niya ba ako?

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot."he's mine?"ulit ko sa tanong niya."Hindi nga kayo 'di ba?"prangka kong sagot. Dahil nakakainis ang tunog ng boses niya.

Alam kong nagseselos siya pero nakakainis lang dahil wala naman kaming ginagawang masama ni krae at isa pa tinutulungan niya lang ako, wala rin naman sa plano ko ang maging kaibigan siya pero habang tumatagal ay hindi ko na rin napipigilan ang sarili na maging malapit sa kanya bilang magkaibigan.

"Magkaibigan lang kami ni krae at kong may problema ka sa pagiging malapit namin pwede mo naman siyang kausapin tungkol diyan at kayo ang mag-usap at isa pa hindi ka naman niya girlfriend, oo nga gusto ka niya pero kailan pa nagkaroon ng kaparatan ang crush sa ginagawa ng may gusto sa kanya? Hindi ba dapat gano'n ay binakakuran mo na? Kong ayaw mo naman palang dumikit sa iba."

Napanganga siya sa sinabi ko."what did you say?!"asik niya."you know what, I am just being kind here! At wala kang karapatan para pangunahan ako sa desisyon ko!"

Inilagay ko sa bulsa ang kanang kamay ko."and you know what? You only want the chase, you really didn't love him do you?"Tanong ko.

Noon ko napapansin ang lahat simula sa mga narinig ko sa kanila, ang sabi ni brazen ay tatlong taon na ang nakalipas ng mag confess si krae kay kyrie ngunit ayaw niya pang magpaligaw, wala naman talagang problema doon kong ayaw niya pa at may iba pa siyang priorities pero napapansin ko talagang nasasanay lang siya sa paghahabol ni krae sa kanya, ang pagiging consistent-so-called-boyfriend. Dahil bakit na te-triger siya ngayong may ibang lumalapit na babae kay krae? Dahil ba hindi na siya masyadong napapansin?

At isa pa kong totohanan na talaga ang nasa pagitan nila ni krae at napagdesisyunan na nila kong kailan siya magpapaligaw ay dapat hindi niya parin pinipigilan o pinangungunahan ang desisyon nito dahil meron naman siyang sariling isip at alam na niya kong ano ang tama at mali. At kong nagseselos siya ay pwede naman iyong pag-usapan ng mabuti, wala rin namang problema kong palayuin niya ang lalaki niya.

"How dare you? Wala kang alam! I'm his first love at hindi magbabago 'yon kaya wala kang karapat na sabihin 'yan!"

Pinatunog ko ang daliri ko."and there's the point, you're his first love, at palagi nalang ang sinasabi mo ay 'gusto niya ako', 'ako ang nauna' and isn't it a little unfair? Dahil kahit kailan ay hindi ko narinig na sinabing gusto mo rin siya. It's always him who's dead over heels for you and that's what you only wants, the chase. Masyado ka ng nasanay. Kahit kailan ba ang nasabi mo na sa kanya na gusto mo rin siya?"

Galit niya akong tiningnan at hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Sinampal niya ako.

"You're just someone na bigla nalang sumulpot sa buhay namin! And you're acting like you know everything!"

Continue Reading

You'll Also Like

70.5K 634 28
Most of the females in the world have a quirk until izuku comes
146K 7.1K 49
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
Riptide By V

Teen Fiction

312K 7.8K 114
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
7.4M 206K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...