Sa Susunod Na Habang Buhay |...

بواسطة yogirlinmorning

2.4K 200 126

Unexpected things happens to Mia's already messed up and well threatened life as she goes with her new case... المزيد

00
PROLOGUE
SSNHB - 01
SSNHB - 02
SSNHB - 03
SSNHB - 04
SSNHB - 05
SSNHB - 06
SSNHB - 07
SSNHB - 08
SSNHB - 09
SSNHB - 10
SSNHB - 11
SSNHB - 12
SSNHB - 13
SSNHB - 14
SSNHB - 15
SSNHB - 16
SSNHB - 17
SSNHB - 18
SSNHB - 19
SSNHB - 20
SSNHB - 21
SSNHB - 22
SSNHB - 23
SSNHB - 24
SSNHB - 25
SSNHB - 27
SSNHB - 28
SSNHB - 29
SSNHB - 30
SSNHB - 31
SSNHB - 32
SSNHB - 33
SSNHB - 34
SSNHB - 35
SSNHB - 36
SSNHB - 37
SSNHB - 38
SSNHB - 39
EPILOGUE
AM
SSNHB - Special Chapter

SSNHB - 26

42 4 0
بواسطة yogirlinmorning

Mabilis na kumilos sila Jake at Paulo para maalalayan si mama na bigla na lang hinimatay. Bumitaw naman sakin si Khloe at Katrina para tumayo at maihiga si mama dito sa sofa. Bumukas ang pinto at pumasok doon sila Dustin at Liam na may dalang pagkain. Agad silang lumapit sa pwesto namin ng makitang nagkukumpulan kami.

"Anong nangyari kay Tita?" Tanong ni Liam.

"Hinimatay. Nagulat malamang nung nakita itong si Ken." Sagot ni Jake. Lumingon ako sa pwesto ni Mia at tinignan kung ayos lang ba sya.

Napabuntong hininga muna ako bago ibinalik ang tingin ko kay mama na unti-unti nang nagkakamalay. Naka-alalay pa rin si papa sa kanya. Ilang minuto pa ay nagising na rin si mama. Dahan-dahan siyang umupo bago inisa-isa kaming tignan. Nang lumapat ang tingin niya sa akin ay muli siyang naluha.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. Tahimik na pinapanood lamang kami nila Paulo, Jake, Dustin at Liam. Si Khloe at Kat naman ay yumakap rin sa gilid ko. Nang maramdaman kong kumalma na si mama ay inaya ko sila na sa cafeteria na lang muna mag-usap.

Inihabilin ko muna kila Paulo ang pagbabantay kay Mia at binilinan na agad akong tawagan kapag nagising na ito. Nang makaratig kami sa cafeteria ay tahimik lang kami. Umupo kami sa bakanteng upuan at lamesa, inantay ko munang makabalik sila Khloe at Katrina dahil bumili sila ng maiinom namin.

"Kuya? Totoo bang ikaw yan?" Tanong ni Khloe nang makaupo siya harapan ko. Katabi niya si mama at nasa tabi naman ni mama si papa, habang ang katabi ko naman ay si Katrina.

"Oo, ako talaga 'to Klo." Sagot ko sa kaniya.

"Paano nangyaring buhay ka kuya? Eh nakita ka namin na binawian talaga ng buhay. Inilibing ka rin namin." Naguguluhang pahayag ni Katrina na seryosong nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Muli akong humarap kila mama at papa na nag-aantay lang din ng sagot ko.

"Oo Kat, namatay talaga ako. Pero sa loob ng halos tatlong buwan kong pagpanaw, lagi akong nakamasid sa inyo. Lalo na sa inyo mama at papa." Pagsisimula ko. Alam kong mahaba-habang pagpapaliwanag ito at alam ko ring marami silang katanungan sa akin.

"Tuwing kikitain ninyo si Mia, ay sumasama ako. After ng pakikipagkita niya sa inyo mula nung nawalan kayo ng contact sa kanya, Mia saw me. Sinundan ko siya after niyong maka-alis doon sa restaurant. At nagulat na lang ako na nakikita niya pala ako. Until the next day, nakakausap ko na sya..." Napatigil ako sa pagsasalita ng malakas na suminghap si Khloe at Katrina.

"Seryoso kuya? Nakita at nakausap ka ni Atty.? Buhay ka na ba non?" Gulat na tanong ni Khloe.

"OMG! Bukas pala ang third eye ni Atty. Mia. Siguro kaya niya rin naipapanalo ang mga kaso niya lalo na yung mga murder case dahil nakakausap niya yung mga patay." Wala sa sariling komento naman ni Katrina.

"Yes, nakita at nakausap ako ni Mia nung araw na iyon. Nakalimutan ko na kasi bumalik sa lugar kung saan kaming mga kaluluwa namamalagi."

"Hala? Hindi ka kaagad napunta sa heaven kuya?" Muling tanong ni Khloe. Napailing na lang ako sa tanong niya. Tinignan ko sila mama at papa na magkahawak lang ang kamay at tahimik na nakikinig samin.

"Hindi eh. Kasi nagulat na lang din ako na pagkagising ko naroon ako sa cremation house. Madami kaming kaluluwa roon, at napag-alaman ko na kaya hindi agad nakakarating sa huling hantungan namin kaming mga kaluluwa ay dahil hindi pa rin handa yung mga naiwan namin na bitawan kami. Parang kayo, hindi niyo pa rin tanggap na wala na ako. Na siguro makakaya niyo lang kapag nakuha niyo na ang hustisya ng pagkamatay ko." Sagot ko sa tanong ni Khloe. Tumungo ako saglit dahil ramdam ko na ang nagbabadyang pagbasak ng luha ko.

"Paano ko matatanggap ang pagkamatay mo kung hindi ko man lang narinig ang boses mo bago ka mawala. Ni hindi nga rin kita nayakap bago ka magpaalam. Tingin mo Ken madali yon?" Napa-angat ako ng tingin nang magsalita si mama. Muli na naman siyang umiyak. Bakas ang sakit sa kaniyang mga mata at mukha.

"Ken, halos mamatay na rin ako sa sakit anak. Gusto kitang sundan! Gusto kitang bawiin. Kasi hindi ka pa dapat mawawala e. Dapat ako muna, dapat kami muna ng papa mo. Kasi madami pa dapat kayong mararating, kayong tatlong magkakapatid."

Hindi ko na rin mapigilan ang pag-iyak dahil dama ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan ni mama. Alam ko na siya ang higit sa lahat na nasaktan ng sobra nang mawala ako. Siya yung kasangga ko sa lahat eh. Alam niya lahat tungkol sa akin. Kaya tuwing minamasdan ko sila noong hindi pa ako muling nabubuhay, hindi ko mapigilang magalit sa kaniya, siya na Diyos natin at pinapaniwalaan ng karamihan.

Kasi ang daya niya eh. Bakit kasi ako? Ang daya ng buhay. Akala ko marami pa akong mararating. Akala ko marami pa akong maeexperience sa buhay. Akala ko mararanasan ko pa ulit ang magmahal at ang mahalin. Lahat kasi kinuha sakin sa isang iglap. Lahat nawala... pati ang buhay ko.

"Sorry ma. Sorry pa." Hinging tawad ko sa kanila. Hilam ang mga luha sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Katrina at ang mahina niya ring paghikbi.

"Wala ka namang dapat ikahingi ng tawad anak. Hindi mo ginusto ang nangyari sa'yo. Walang may gusto nito. Masakit lang talaga kasi biglaan. Ginulat kami. Hindi man lang kami binigyan ng babala na ayon na pala ang huling beses na maririnig namin ang boses mo." Sagot ni papa. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

Sa lahat ng tao sa buhay ko, ang pamilya ko ang pinaka ayokong masaktan. Kasi hindi nila deserve 'yon. Masyado silang mabait at mapagbigay, kaya hindi nila deserve ang masaktan ng ganito. Sila yung lakas ko, pero simula nang mamatay ako ay nawala na rin ang lakas na 'yon.

Ilang minuto kaming natahimik at tanging ang mahihinang hikbi lamang namin ang maririnig. Pinipilit kong pakalmahin ang hininga ko. Ilang beses akong bumuntong hininga bago muling nag-angat ng tingin kila mama at papa.

Sinalubong ako ng pamilyar nilang ngiti. Yung ngiti na halos araw-araw ko dati nakikita. Yung ngiting laging bubungad sakin tuwing gigising ako sa umaga at bago ako matulog sa gabi. Yung ngiting ramdam mo yung init ng pagmamahal.

Muling tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang saya. Dahil hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman ay tumayo na ako at pumunta sa likuran nila. Niyakap ko mula sa likod nila si mama at papa at sinksik ang aking mukha sa pagitan nila. Agad ko namang naramdaman ang pagtapik ni papa sa likod ko at ang paghaplos ni mama sa buhok ko.

"Ken, anak ko..." Mahinang usal ni mama habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. Mas lalo akong sumiksik sa kanilang dalawa at dinama ang init nila.

"Mahal na mahal kita anak..." Saad naman ni papa at patuloy sa mahinang pagtapik sa likuran ko. Nang makuntento ay hinalikan ko ang tuktok ng kanilang ulo bago bumalik sa upuan ko. Nang makaupo ay agad na yumakap sa akin si Katrina.

"Kuya ano na pala nangyari nung nakita at nakausap mo si Atty.? Totoo ba na nakakakita talaga siya ng mga multo?" Tanong ni Katrina nang gumaan na ang aura sa paligid namin.

"Ayun nga, dahil nakalimutan kong bumalik sa lugar na tinutuluyan namin, ay doon na ako nakatulog sa loob ng sasakyan niya. Hanggang sa inumaga na ako roon at lumabas si Mia. Siguro para tignan kung naroon pa rin ako. Yun yung araw na nakapag-usap kami." Pagpapatuloy ko sa kwento ko kanina.

"Eh paano ka nabuhay ulit anak? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni mama.

"Naalala niyo ba ma yung araw na nakipagkita sa inyo si Atty., para sabihin ang tungkol sa trial ng kaso ko?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa ni papa dahil naalala nila iyon.

"Nung araw na 'yon ay kasama niyo rin ako. Pero hindi ako nagpakita kay Mia dahil ayokong madistract siya. Pagkatapos niyong mag-usap ay sinundan ko ulit siya hanggang sa makabalik siya law firm. Nang makarating kami doon, may dalawang lalaki na humarang sa kaniya. Ang hinala ko nun ay mga tauhan din sila nung taong nakabangga sakin." Pagpapatuloy ko.

"Ito yung sinasabi niya sa atin Hon kanina bago siya magpaalam satin, na sinusundan siya." Wala sa sariling sabi ni mama. Oo nga pala, magkasama nga pala sila kanina bago maaksident si Mia.

"Oo ma, at dahil hindi ko kayang may mangyaring masama sa kaniya ay gumawa ako ng paraan para matulungan siya. Lalo na nung hinawakan na siya ng mga lalaking iyon." Bumalik na naman sa akin ang galit dahil sa nangyaring iyon kay Mia. Malinaw pa rin sa ala-ala ko yung takot sa mukha niya nang simulan siyang hawakan ng mga gagong iyon.

"Anong nangyari kuya? Natulungan mo si Atty.?" Tanong ni Khloe.

"Oo. Ayun din yung araw na nabuhay ako." Sagot ko. Lahat sila ay napasinghap at halos hindi makapaniwala.

"OMG! That was 2 weeks ago? Right ma?" Gulat na tanong ni Katrina kila mama.

Tumango naman sila mama at papa. "2 weeks ka na palang buhay Ken, bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin anak?" Puno ng pagtataka na tanong ni Papa.

"Kasi hindi ko po alam kung paano ako magpapakita sa inyo. Paano ako magpapaliwanag dahil kahit ako ay naguguluhan nung una." Sagot ko sa tanong niya. Tumango naman siya na tila sinasabing naiintindihan niya ang dahilan ko.

"So, si Atty. Mia ang unang nakaalam na nabuhay ka?" Tanong ni mama sa akin. Tumango naman ako bago sumagot.

"Opo ma, kasi nung tinulungan ko siya doon sa parking lot ng law firm, nagulat ako dahil nahawakan ko ang busina ng isang sasakyan na nakapark lang din doon. Dahil doon nakatakas at nakatakbo si Mia." Pagkukwento ko muli.

"Wow kuya! Nakita ka ni Atty., nun?" Manghang tanong ni Khloe. Umiling naman ako sa kaniya. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.

"Eh paano niya nalaman kuya?" Naguguluhang tanong na niya.

"Hinanap ko siya nung makatakbo siya. Paglabas ko ng law firm wala na siya. Dahil wala naman akong alam na iba niyang pupuntahan, nagbakasakali akong baka nandon na siya sa bahay niya. Habang nag-lalakad ako sa loob ng village nila, nagulat na lang ako dahil may isang sasakyan na malakas na bumusina dahil muntik na akong mabangga..."

"Ano ba yan kuya! Mababangga ka na naman. Jusko naman!" Nagulat ako at napahinto sa pagsasalita ng hampasin ni Katrina ang braso ko pagkatapos bitawan ang mga litanyang ito. Tinignan ko siya at masama ang tingin niya sakin.

Mahina akong napatawa dahil base sa tingin niya ay sinasabi na niyang ang tanga-tanga ko dahil muntik na naman akong mabangga.

"Sorry na Kat..." Pagaalo ko sa kaniya at niyakap siya. Muli akong humarap kila mama, papa at Khloe na nag-aantay na ituloy ko ang kwento. " Tapos ayun nga, dahil nagulat ako ay nawalan ako ng balanse at natumba. Nagulat ako dahil nakaramdam ako ng sakit sa palad ko which is weird dahil dapat wala na akong maramdaman." Wika ko.

"Tapos ayun, lumabas yung driver ng sasakyan at nagulat ako na si Mia 'yon. Tapos ayun, doon na namin parehong nalaman na buhay akong muli dahil nahawakan niya ako. Naramdaman ko yung init at lamig ng palad niya na naglalaban. Nang makarating kami sa bahay niya, hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa kinabukasan, napagdesisyunan namin na wala munang makaka-alam na nabuhay akong muli bukod sa kaniya, dahil maaaring maapektuhan nito yung kaso ko." Pagpapaliwanag ko.

We went silent again. Them, because they are still absorbing all the information I dropped, and I because I was thinking of Mia who I left with my friend. After the comfortable silence that embraced us, they ask me questions after questions again and I answered them all honestly.

Napahinto kami sa pag-uusap nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay si Liam ito. Agad ko itong sinagot dahil nga sa habilin ko na tawagan ako kapag nagising na si Mia.

"Sagutin ko lang tawag ni Liam, ma." Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila at tinuon ang atensyon sakin tila gustong makinig sa pag-uusapan naming dalawa ni Liam.

"Hello Li, gising na ba si Mia?" Tanong ko dito nang sagutin ko ang tawag.

"Hello Ken, hindi pa." Sagot nito. Natunugan ko ang kaba sa boses niya.

"May nangyari ba kay Mia, Li? Bakit ganyan ang tono ng boses mo?" Kinakabang tanong ko.

"Ken, balik na kayo dito. Nasa loob sila Paulo at kinakausap ang mga guard." Natatarantang sagot nito.

"Huh? Bakit may mga guard diyan?" Naguguluhang tanong ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang boses ni Paulo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito dahil naramdaman ko ang paglayo ni Liam dito.

"Dumating kasi yung Dave? David? Basta di ko siya kilala, pero kilala niya si Atty., tapos ayun nagulat nung nakita kami sa loob ng kwarto ni Mia. Ayaw maniwala na kakilala kami ni Mia kaya ayon tinawag yung guard at pinapa-alis kami. Akala ata kasabwat kami nung nag-utos na banggain si Atty." Mabilis ang pagsasalita na paliwanag ni Liam.

"Ken balik ka na please. Gagi magsusuntukan na sila ni Paulo." Kinakabahan na wika nito. Hindi na ako sumagot at pinatay ko na ang tawag. Tumayo na ako agad at lumakad palabas ng cafeteria. Naramdaman ko ang pagsunod nila mama sa akin, pero hindi ko na muna sila pinagtuunan ng pansin dahil ang isip ko ay nasa mga kaibigan ko ngayon.

Nang makarating kami sa floor ng private room ni Mia ay bumungad agad sakin si Dustin at Liam na nakaupo sa isang gilid at si Jake na pinapakalma si Paulo. May dalawang security guard din ang nakabantay sa gilid ng pinto ni Mia.

Nang makita ako ni Liam ay agad itong tumayo at lumapit sakin. Nasa likod ko lang sila mama at papa at ang dalawa kong kapatid na naguguluhan sa nangyayari.

"Ken!" Tawag nito at agad na lumingon sakin yung tatlo. "Hindi na kami pinapasok sa loob dre. Kinakabahan kami baka kung anong gawin niya kay Atty." Pagsusumbong ni Liam.

Dumiretso ako sa pinto para pumasok pero agad akong hinarang ng dalawang guard na bantay.

"Kuya, kanina pa kami nagbabantay kay Mia. Bakit ayaw mo na kaming papasukin?" Mahinahong tanong ko sa kanilang dalawa.

"Pasensya na sir, pero utos lang po ni Sir David." Sagot ng isa. Muli akong humakbang para pumasok pero hinawakan agad ako ng isa.

"Kuyang guard dahan-dahan naman!" Naiinis na sigaw ni Katrina ng makita nilang hinila ako ng isang guard.

"Sorry sir, pero bawal po talaga kayong pumasok." Paumanhin nito at binitawan ako. Napahinga ako ng marahas dahil sa inis na nararamdaman. Tanginang David 'to, sino ba sya at ganito siya umakto?

"Kuya, kilala ko po si Atty. Mia. Kliyente niya po ako, baka pwede akong pumasok para makita ang lagay niya." Napalingon ako ng magsalita si mama.

Nagtinginan naman ang dalawa, tila nagdadalawang isip kung papaya bang papasukin kami.

"Wait lang ma'am, sabihin ko lang po kay Sir." Paalam nung isa bago pumasok sa loob. Wala pang isang minuto ay bumukas muli ang pinto at lumabas ang guard kasama ang isang lalaki.

"Mrs. Vargas! Kayo pala!" Gulat na pahayag nito. Nagtataka ako bakit kilala niya si mama.

"Sir David. Pasensya na po sa gulo. Pero kasama ko po sila. Mga kaibigan po sila ni Ken, pinagbantay ko muna sila saglit dahil bumili lang kami ng pagkain sa cafeteria." Pagpapaliwanag ni mama. Tinignan naman kami isa=isa ng lalaki. Huminto ang titig niya sa akin, tila inaalisa ang pagkatao ko. Buti na lang pala hindi ko tinanggal ang mask ko.

"Ganoon po ba Ms. Vargas? Pasensya na po. Nagulat lang ako dahil may hindi akong kilala na nandito sa loob ng kwarto ni Mia. Natakot lang din ako dahil baka tauhan pala sila ni Herrera at may gawin na namang hindi maganda kay Mia." Pagpapaliwanag nito.

"Okay lang Sir David. Pasensya na rin po at nagkasagutan tayo." Sagot naman ni Paulo. Tumango lamang ito at inaya na kaming pumasok sa loob. Naunang pumasok sila mama at papa kasunod ang dalawa kong kapatid. Sumunod naman agad sila Paulo, Jake, Liam at Dustin matapos humingi muli ng tawad.

Naiwan ako sa labas at ganoon rin siya. Nakatitig pa rin siya, na tila may gustong alamin. Matapos ang mahabang minuto ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nag-iwas ng tingin.

"Let's talk inside." Anito bago ako tinalikuran at naunang pumasok. Naguguluhan man ay sumundo na ako papasok, binilinan ko muna ang dalawang guard na magpatuloy sa pagbabantay at buti naman ay pumayag sila. 








______YGM______

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

14.5K 437 27
Isang hopeless fangirl, ang nagapply sa We Got Married upang makasama ang bias niya na si Justin. Ngunit sa kasamaang palad imbis na sa maisan ang ba...
24.4K 1.1K 47
Fangirling is the only thing that's been holding the few pieces of her that were left after life repeatedly tried to tear her down. Skipping school t...
3.2K 103 22
After their successfulness as a band, a few years later SB19 disbanded, and all of them have their own family, maliban nalang sa isa, si Ken. --- Nak...
178K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...