Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

800K 50.9K 72.1K

Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipi... More

Book 2 (Completed)
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII: The Cryosail
Kabanata LXIV
Kabanata LXV (Part 1)
Kabanata LXV (Part 2)
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)
Kabanata LXVIII (Larong Pampalakasan Part 2)
Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV (Ang Kaarawan ng Bida)
Kabanata LXXVI
Kabanata LXXVII
Kabanata LXXVIII
Kabanata LXXIX
Kabanata LXXX
Kabanata LXXXI
Kabanata LXXXII
Kabanata LXXXIII
Kabanata LXXXIV
Kabanata LXXXV
Kabanata LXXXVI
Kabanata LXXXVII
Kabanata LXXXVIII
Kabanata LXXXIX
Kabanata XC
Kabanata XCI
Special Chapter: RATSP Christmas Edition
Kabanata XCII
Kabanata XCIII
Extra 1
Kabanata XCIV
Kabanata XCV (First Date?)
Kabanata XCVI
Kabanata XCVII
Kabanata XCVIII
Kabanata XCIX
Kabanata C
Kabanata CI
Kabanata CII
Kabanata CIII
Kabanata CIV
Kabanata CV
Kabanata CVI
Kabanata CVII (La Familia Agrigent)
Kabanata CVIII
Kabanata CIX
Kabanata CX (Ang Kaarawan ng Hari: Unang Bahagi)
Kabanata CXI (Ang Kaarawan ng Hari: Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])
Kabanata CXIII: Ang Kaarawan ng Hari (Huling Bahagi - 2 [Alab])
Kabanata CXIV: Pag-amin
Kabanata CXV: Ang Kasagutan
Kabanata CXVI: Ang Pagsiwalat ng Katotohanan
Kabanata CXVII: Sandigan
Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)
Kabanata CXIX: Ang Kaharian ng Naia (Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXX: Ang Kaharian ng Naia (Huling Bahagi)
Kabanata CXXI: Aerwyna
Kabanata CXXII: Ang Pangako (Epilogue for Book 2)
Author's Note

Kabanata LXXV

9.6K 578 403
By Airosikin

- ERYX -

"Pero kinakailangan na nito ng agarang aksyon, Prinsipe Eryx!" May kalakasang sigaw ni Zephyr habang ang mga mata ay puno ng pangamba at pagkabalisa.

Napabuntung hininga na lamang si Eryx bago tumayo sa kanyang upuan at dumiretso sa pader kung saan nakasabit ang mapa ng Elior na may ilang mga marka ng kulay pulang 'X' at mga larawan ng babaeng nawawala.

Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nasa pagpupulong na si Eryx at ang kaniyang mga karanggo dahil sa isa na namang kaso ng pagdakip ng babae. Ito ang kaso na nasaksihan ni Zephyr kagabi kasama si Eliana. Hindi naman na binanggit ng binata na kasama niya ang prinsesa dahil alam niyang mapapahamak lamang ito kapag napag-alamang lumabag sila sa curfew.

Ibinahagi ni Zephyr ang kaniyang mga nasaksihan at hindi rin sila makapaniwala na nagtataglay na ng kapangyarihan ang kanilang mga nakakaharap na sindikato.

"Prinsipe Zephyr, alam mong ginagawa na ng lahat ang abot ng kanilang makakaya para mapabilis ang pagtunton sa mga sindikatong ito." Tinuro pa ni Eryx ang mga ekis na marka sa mapa bago muling magsalita. "Kung nakikita mo sa mapa ang mga markang ito, iyan ang mga marka sa mga lugar na sinalakay na ng mga tauhan ng emperyo upang dakpin ang mga sindikato ngunit lahat ito ay hindi ang ating hinahanap."

"Kung gayon ay dapat tayong magmadali at mas maging agresibo, Prinsipe Eryx?! Bakit ba napakabagal natin kumilos gayong kaliwa't kanan na ang mga kababaihan na nawawala!" May himig ng pagkainip at inis na saad ni Zephyr habang tinitingnan ang mga karanggo na nasa loob ng silid.

"Pero Zeph, alam mo namang hindi tayo maaaring magpadalos-dalos lamang dahil tulad nga ng mga sinabi mo ay mayroon ng kapangyarihan ang mga sindikatong kaharap natin. Kakaunti lamang ang kaalaman natin sa itim na mahika kaya hindi pa tayo maaaring basta-basta na lamang umatake." Mahinhin na paliwanag ni Aspen habang may pinapakain itong ibon sa kanyang mga palad.

Mas lalo naman napailing dito si Zephyr na tila ba nauubusan na ito ng pasensya.

"Tama si Prinsipe Aspen, Prinsipe Zephyr." Pagsang-ayon naman ng Maestro dito na kanina pa nakikinig sa usapan ng mga kabataan at naghihintay lamang ng oportunidad na maaari siyang makapagsalita. "Kasabay ng pagtunton sa mga sindikato ay ang pagsasaliksik din natin sa kakayahan ng ating haharapin. Hindi tayo basta-basta maaaring pumasok sa kuta ng wala tayong nalalaman."

"Maaari rin mapahamak ang mga babaeng hawak nila, Zeph, oras na hindi maayos ang ating plano. Kawawa naman ang mga dilag na walang kalaban-laban." Segunda pa ni Aidan na namumugto pa ang mga mata pagka't kagigising lamang nito at puyat pa sa pagbabantay sa akademya kagabi.

"Kung ganoon ay bakit hindi na lang natin sila tanungin mismo?! Hindi ba tayo maaaring humuli man lamang maski isa sa mga kamiyembro nila? Hindi ba mas mapapabilis kung tayo mismo ang gagawa ng ganon?"

"Ginawa na namin ang planong 'yan ngunit nilason lamang nila ang kanilang mga sarili bago pa man namin sila ibalik dito sa akademya." Saad ni Sereia habang katabi si Caedmon na prente lamang nakaupo at nakapikit ang mga mata na tila ba nahihimbing na 'to.

"K...Kung gayon ay impossible na talaga natin sila matunton? Hindi na ba ligtas sa buong Elior ngayon?" Nahihintatakutang saad ni Aonani na halata na rin ang pagod at puyat sa mga mata dahil sa pagbabantay. Pakiramdam niya ay tinutubuan na rin siya ng nerbyos dahil sa mga kaganapan sa kanilang kaharian.

"Huwag ka matakot, Prinsesa Aonani." Pagpapakalma naman ni Aspen habang tinatapik pa ang kanyang balikat. "Ginagawa naman ng lahat ang kanilang makakaya para malutas kaagad ang kasong 'to." Paniniguro pa nito sa dalaga habang ipinapakita ang kanyang matamis at maaliwalas na ngiti.

"Tsk. Wala na ba talaga tayong magagawa, Prinsipe Eryx?" Muling pagsingit ni Zephyr sa usapan. "Nangangamba na rin ako sa mga mamamayan ko si Umoewin bagama't wala pa naman halos kaso ng pagkawala ng mga kababaihan doon marahil ay nasa taas ng kalangitan ang aming kaharian pero mahirap na ang magpakampante."

"Tulad ng sinabi ko, ginagawa na ng lahat ang kanilang makakaya, Prinsipe Zephyr, pero alam kong kaya pa nating mas mapalakas ang ating puwersa." Bumalik naman si Eryx sa kanyang kinauupuan bago magpatuloy sa kanyang sinasabi. "Magpapadala na rin ang aking ama ng karagdagang mga kawal mula sa palasyo ng Elden. Magpapadala na rin ako ng karagdagang tauhan sa bayan na maaaring magmatyag sa mga botika na pinaghihinalaan nating kasabwat ng mga sindikato."

Tumango naman ang lahat sa sinabi ni Eryx bilang pagsang-ayon sa kanyang mga sinabi. Nagpaliwanag pa siya ng mga karagdagang paalala sa kanyang mga karanggo at kinumbinsi ang mga ito na mas lalo pang maging alerto at mapagmatyag sa kanilang paligid.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagtitipon ay napansin naman ni Eryx ang pagkabalisa at pamumulta ni Mishal na kanina pa nananahimik magmula ng sila ay magsimula.

"Prinsesa Mishal, ayos ka lang ba?" Nag-aaalalang tanong ni Eryx sa kaibigan dahilan para lingunin naman siya ng lahat lalo na ng kakambal na nasa tabi lamang niya.

Nag-angat naman ng paningin si Mishal at bagama't mukhang wala pa rin siya sa wisyo ay pinilit na lamang niya ngumiti.

"A...Ayos lamang ako." Pilit na nagpapakatatag niyang saad dahilan para mas lalo lamang mag-alala ang lahat sa ipinapakitang kilos at ekspresyon ng dalaga.

Tumango na lamang si Eryx sa kanya ngunit alam niyang mas nakadagdag ang alalahanin niya dahil sa nakikitang takot sa mga mata ng kadalasang masaya at magiliw na Prinsesa.

● _____ ●

Eliana's POV

Tanghaling tapat at tila ba ang sarap magsyesta sa ganitong panahon ngunit imbes na natutulog ako ngayon sa dormitoryo ay nandito kami ni Aidan sa malawak na field at nagpapatusta sa tirik ng araw.

"Bakit naisipan mo namang magpaitim ng balat kasama ako?" Inis kong saad sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko dahil sa init ng araw.

Nginisihan naman ako ni Aidan habang namimili ng espada na gagamitin. Ako naman ay hawak ko na ang madalas na espadang binibigay niya sa akin na doble ata ang bigat kaysa sa ordinaryong espada. Dahilan niya ay para raw masanay ang katawan ko na iwasiwas ang espada sa kabila ng kabigatang ito. Hindi na talaga ako magtataka kung maging bato-bato ang katawan ko sa araw-araw namin na ginagawa.

"Para mabilad ka rin kahit papaano, Prinsesa Eliana. Namumutla ka na oh!" Pang-aasar niya sa akin na ikinairap ko na lamang.

Natawa pa siya sa reaksyon ko bago muling magsalita. "Ang sabi ng Maestro ay sanayin na raw kita na mag-ensayo sa labas mapamaaraw o maulan man. Parte raw iyan upang mapalakas lalo ang iyong resistensya ano mang panahon ang kalagyan mo ay kayang-kaya mo lumaban." Paliwanag niya pa habang winawasiwas na ang napiling espada.

Hindi naman na ako sumagot pa at mas lalo na lamang sumimangot. Dahilan nila! Gustong-gusto lang naman talaga nila akong pinahihirapan lalo na si Maestro na wala na atang ginawa kundi ang bugbugin ang katawan ko sa pagod at ngalay dahil sa araw-araw na paggamit ng espada at pagpapana.

Umayos naman na ako ng tayo ng mapansin na nakapuwesto na si Aidan sa aking harapan. Tulad ko ay naniningkit din ang mga mata niya sa silaw ngunit mas lalong nangingibabaw ang mamula-mula at may pagkamoreno niyang kulay.

"Mauna ka na, Binibini." Nakangisi niyang paanyaya habang ginagalaw pa ang hintuturo na wari'y hinahamon ako.

Ayoko pa naman sa lahat ay ang inaasar ako ng ganito kaya hindi na ako nag-atubili pa at sumugod na ako kay Aidan hawak ang mabigat na espada.

Mabilis kong iwinasiwas ang espada mula sa itaas na kaagad niya naman nasalag at malakas akong tinulak palayo ngunit kaagad ko rin pinuntirya ang kanang bahagi niya dahilan para mapalayo na lamang siya. Kinuha ko ang pagkakataon na ito para sunod-sunod na magpakawala ng tira mula sa iba't ibang direksyon na hindi niya naman inaasahan ang bilis at liksi ng mga tira ko.

"Magaling, Prinsesa Eliana." Namamangha niyang saad habang panay pa rin ang ngiti niya na para bang ipinagmamalaki niya ako.

"Manahimik ka!" Gigil kong saad bago ko sinubukang puntiryahin ang itaas na bahagi niya ngunit nagawa niya itong masalag. Binawian ko naman siya ng isang malakas na tadyak sa sikmura dahilan para mapaatras na lamang siya at mapaubo.

"Hindi ko naman alam na nais mo palang magseryoso ngayon, Prinsesa Eliana." Natatawa niya pa rin na saad ngunit kita ko rin ang pagkasabik sa mga mata ni Aidan na mistulang naglalagablab na ngayon na apoy. "Pagbibiyan kita."

Paikot siyang sumugod sa akin upang makakuha ng mas malakas na puwersa dahilan para mapasigaw na lamang ako ng magtama ang espada naming dalawa. Sa lakas nito ay pakiramdam ko ay humangin pa sa paligid namin at namanhid pa ang buong braso ko. Muli siyang umatake upang puntiryahin ang aking leeg ngunit mabilis akong yumuko at ipinangtungkod ang aking kamay patirin siya. 

Nagawa niya naman makatalon at muli akong pinatamaan na nagawa ko muling masalag. Mabilis naman ako nakabawi ng postura saka mariin na hinawakan ang kanyang kamay na may hawak na espada. Pinaikot ko ang aking sarili patalikod sa kanya at sunod-sunod siyang siniko sa mukha at sa dibdib na ikinaubo niyang muli. Napaatras pa siya sa lakas ng mga tama niya kaya hindi na ako nag-atubili pa at paikot ko siyang sinipa sa tagiliran para lalo siyang mapaatras palayo.

Umubo-ubo naman sandali si Aidan sabay dura ng dugo mula sa kanyang bibig. Iiling-iling pa siya ngunit hindi naman siya mukhang napipikon sa laban namin na tingin ko ay ako ang mas umangat.

"Ito na ba ang epekto kapag tumanda na ng isang taon? Gigil na gigil na makipaglaban." Biro niya pa sa akin kasabay ng sunod-sunod at mabilis niyang pagwasiwas sa espada na wari'y iniintimida ako.

Hindi na nagsayang ng oras si Aidan at siya naman ang patakbong sumugod sa kinatatayuan ko at patalon akong pinatamaan ng espada. Umikot-ikot naman ako patalikod upang iwasan ang mga tira niya ngunit nakakagulat na mas lalong naging mabilis ang kanyang galaw ngayon. Nahihirapan akong sundan ang kanyang mga galaw dahilan para hindi ko makita ang paparating niyang sipa sa aking sikmura.

"Ugh..." Ungol ko naman nang mapaatras ako sa panggaganti niya sa akin. Hindi talaga kamin

"Gagamutin na lang kita mamaya, Prinsesa Eliana. Ang sakit din ng siko mo sa mukha ko e." Saad niya pa pero inirapan ko na lamang siya at ako naman ang sumugod pabalik.

Naging pantay ang bilis at liksi namin ni Aidan dahilan para may mga pagkakataon pa akong kinakailangan ko munang tumakbo palayo para makahanap ng tyempo sa kanya o di kaya'y pagurin siya. Nakakadagdag pa ang laki ngayon ng aming pinageensayuhan para maging mas malaya at mas malaki ang bawat galaw at tira namin.

Muling nagkasangga ang aming mga espada at kinuha ko itong pagkakataon para padausdusin ito palapit kay Aidan na ikinagulat pa ang ginawa ko. Kung hindi pa siya nakatalon palayo ay baka napuruhan na siya sa leeg.

"Tapusin na natin 'to." Giit niya at mabilis muling sumugod sa akin.

Hindi naman ako nagpatalo at pasugod din akong umatake sa kanya. Muling nagtagpo ang aming mga espada at nagulat pa ako na kinaya ko ang puwersa ni Aidan dahil bigla na lamang humangin ng malakas sa paligid naming dalawa.

Parehas naman kaming walang pakialam dito at patuloy lamang ang pagtutuos ng mga espada namin ni Aidan. Sinabayan ko naman ito ng sipa at talon ngunit nagagawa niyang sanggain ang bawat tira ko.

Sinubukan ko naman bagalan ang aking galaw upang makahanap ng tyempo at ng akmang itatarak na niya sa mukha ko ang dulo ng espada ay mabilis ko itong hinarang at pinausdos muli ang espada niya sa espada ko palapit sa akin. Nang tuluyan na siyang makalapit ay mabilis akong umikot patalikod sa kanya saka siya malakas na isinukbit sa aking likod kasabay ng paghatak sa kanya pababa.

Huli na para muli siyang makabangon dahil mabilis kong inamba sa kanyang leeg ang aking espada saka hingal na nagsalita. 

"Paano ba 'yan?" Hinihingal ko pa rin na saad sabay ihip sa buhok na nakatabing sa aking mukha bago ako magpatuloy sa pagsasalita. "...ako na ang tumapos." Maangas kong saad na sinuklian lamang ni Aidan ng isang ngisi na wari'y napabilib ko siya.

-----

Pagkatapos ng madugong laban namin ay sabay kaming dumiretso sa silid na madalas namin pag-ensayuhan dahil nandoon ang mga gamit namin at ang mga gamot sa sugat.

Hingal na hingal naman ako na napasalampak sa upuan sa tabi habang si Aidan ay hinubad kaagad ang kanyang damit at binuhos sa katawan ang tubig na nilalaman ng isang parihabang kawayan. Mukhang init na init si Gago dahil sino ba naman ang hindi hihingalin sa ganoong init?!

"Woooh!" Sigaw niya pa habang hinihilamusan ang mukha.

Dahil nakatalikod siya sa akin ay kita ko naman ang likuran niya na bato-bato at hitik sa kalamnan. Kapansin-pansin din ang mga kalmot ng kung ano dito na hindi na ako magdadalawang isip na galing sa mga kababaihan niyang gabi-gabi kinakama.

"Linisin mo muna ang mga sugat mo, Prinsesa Eliana, bago ko lagyan ng gamot." Utos ni Aidan habang inaabot sa akin ang isang plangganang kahoy na mayroong tuwalya at malinis ma tubig.

"Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko naman kasabay ng pag-abot ng planggana.

Nagkibit balikat naman si Aidan at itinuro ang kinalalagyan ng mga gamot. Tumango na lamang ako sa kanya at sinimulan nang linisin ang aking sarili.

"Ah..." Dinig ko pang buntung hininga niya. Nilingon ko pa ang gawi ni Aidan na mag-isang ginagamot ang mga sugat niya sa mukha.

Ngayon ko lang napansin na putok pala ang gilid ng kanyang labi at may hiwa rin ang gilid ng kanyang kilay. May mga galos din sa pisngi niya ay nangingitim ang bandang kanang pisngi niya. Bukod sa mga galos at sugat na ako mismo ang may gawa ay bakas din sa mukha ni Aidan ang pagod at puyat.

Nagpapahinga pa ba 'tong tukmol na 'to? Alam maman pala niya na kulang siya sa tulog at pahinga pero nakipaglaban pa rin siya sa akin. Tss. Napakatigas ng ulo!

Hindi ko na lamang binigyan ng atensyon si Aidan dahil abala na rin ako sa paglilinis ng aking sarili. Nagngingitngit pa ako sa inis dito sa kinauupuan ko dahil sa dami ng dumi na nakuha ko. Dagdag pa dito ang ilang galos na natamo ko at may kalakihang pasa sa aking tiyan.

Sandali lamang ako nagkuskos ng aking mga kamay, braso, at mukha nang mapagdesisyunan ko nang kumuha ng mga pamahid sa sugat. Naabutan ko pa si Aidan na nakasandal sa lamesa at patuloy pa rin sa ginagawa niyang panggagamot sa sarili. Hubad pa rin naman ang katawan niya at hinahayaan niya lamang tumulo ang pawis sa kanyang dibdib papuntang plakadong-plakado na anim niyang pandesal.

"Dapat pala hindi natin masyado sineryoso ang pag-eensayo, Prinsesa Eliana. Naubos ang enerhiya ko. Wala na tuloy akong gana magbantay mamayang gabi sa akademya." Nakabusangot na saad ni Aidan.

Tinapos ko muna ang ginagawa kong pamamahid ng gamot sa aking sugat bago ako magsalita.

"Ano na nangyari sa mga sindikatong binabantayan niyo?" Kaswal kong tanong. Hindi ko maaaring direktang tanungin ang mga sindikato na nasaksihan ko kagabi dahil malalaman lamang nila na lumabas ako ng akademya ng lagpas na sa curfew at kasama ko pa si Zephyr.

"Wala pa rin kaming alam kung saan sila nagkukuta. Panay mga ebidensya at mga bakas lamang ang alam namin pero bukod doon ay wala na."

"Kung gayong nahihirapan na kayo, bakit kayo lamang ang gumagalaw at ano ang ginagawa ng Emperor ng---"

Napasimangot naman ako dahil pinutol ni Aidan ang sinasabi ko. Ang hilig talaga sumingit ng hinayupak na 'to!

Akmang magrereklamo na sana ako ngunit natigilan din ako ng makita na nakalagay ang hintuturo niya sa mga labi at may pagbabanta sa kanyang mga mata. Anong problema niya?

"Hindi mo dapat kinukuwestyon ang galaw ng Emperor, Prinsesa Eliana. Maaari kang kasuhan sa mga salita mo laban sa kanya kung may makarinig man sa'yo dito na mga kawal o tapat sa panunungkulan niya."

Sandali naman akong nanahimik sa sinabi niya at inisip ang mga susunod kong sasabihin. E ano naman?

"Wala akong pakialam." Napairap pa ako sa kawalan bago magpatuloy. "Dapat lang naman kuwestyunin ang presensya niya dahil nanganganib na ang buhay ng mga kababaihan sa buong emperyo pero wala man lamang siyang ginagawa."

Anong klaseng pinuno ang nananahimik lamang sa gitna ng krisis? Pinuno pa bang matatawag ang ganon?

"Si Eryx na ang gumagawa ng mga pagkilos na 'yon."

Napataas naman ang kilay ko sa narinig. Halata naman na si Eryx na ang gumagawa ng lahat dahil siya lang naman ang nakikita ko sa Monarkiya ang may pakialam sa iba.

"Dahil siya ba ang susunod na Emperor kaya siya na ang may pasan sa lahat? Kalokohan."

"Bukod dyan ay dahil wala naman pakialam ang Emperor kapag tungkol sa mga kababaihan."

Doon na tuluyang nagpantig ang tenga ko at mistulang nag-aalboroto ang kaloob-looban ko.

Oo nga naman. Hindi ko pala dapat kalimutan kung gaano kabulok ang sistema sa mundong ito na ultimo problemang panglipunan ay isinasawalang bahala dahil kababaihan lang naman ang napapahamak. Nakakasuka.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagmamaang-maangan ko na lamang dahil mas nais ko pang mag-ungkay patungkol sa Emperor ng mundong 'to. "Pati ba naman sa kaso na kasangkot na ang buhay ng isang mamamayan ng Emperyo ay wala pa rin siyang pakialam?!"

May kalakasang saad ko dahilan para magulat na lamang si Aidan at mapanganga na lumingon sa akin.

"Teka, Prinsesa Eliana, wag ka naman sa akin magalit." Taas kamay niya pang saad habang iiling-iling na wari'y sumusuko na siya. "Iyon lang naman ang pagkakaalam ko. Pero malay natin, baka sinusubukan niya lamang ang kakayahan ng susunod na tagapagmana ng trono."

"Tsk. Anong klaseng pamumuno ang namimili ng pamumunuan at poprotektahan. Hindi ko alam kung paanong naupo sa trono ang katulad niyang Emperor."

"Ha..." Napakamot na lamang si Aidan sa kanyang buhok bago marahang hinawi ito na wari'y nauubusan na ng pasensya. "Sinabi ko na sa'yo na wag kang magsasalita laban sa kanya dahil maaaring manganib ang buhay mo." Nakikiusap niyang saad.

Umirap na lamang ako sa kawalan sabay ipinagkrus ang aking mga braso. Sumandal na rin ako sa lamesa sa tabi ni Aidan at muling nagsalita.

"May karapatan akong ipahayag ang kung ano mang nais kong sabihin kahit pa ang kuwestyunin ang kredibilidad ng kasalukuyang namumuno." Nilingon ko pa siya sa tabi ko at ipinagpapasalamat ko na nakatingin din siya sa akin ngayon at itinigil na ang pagpapahid ng sandamakmak na gamot sa mukha niya.

"Ikaw, bilang lalaki, at kahit ayoko man aminin, mas may kakayahan at boses ka para ipaglaban ang karapatan at kaligtasan ng mga kababaihan pero mas pinipili mo lamang gawin ang mga bagay na wala namang kakuwenta-kuwenta katulad na lamang ng pagpapatahimik sa taong alam mo namang may punto ang sinasabi." Sinamaan ko pa siya ng tingin bago ako umayos ng tindig at kinuha ang aking roba sa tabi.

Kita ko pa kung paanong napaawang na lamang ang mga labi ni Aidan dahil sa aking sinabi. Napansin ko rin ang pagdaan ng pagkapahiya sa kanyang mga mata pero wala na akong pakialam doon.

"Mauuna na ako. Magkita na lang tayo bukas." Malamig kong saad at nauna na ako maglakad paalis.

Naiinis ako dahil wala akong magawa para matapos ang problemang ito upang hindi na mapahamak pa ang mga taong malapit sa akin pero mas naiinis ako dahil walang ginagawa ang putang inang namumuno sa mundong ito kahit alam naman niya na may magagawa siya. Tsk.

•_____•

-

NEOLA -

Kung bibilangin ni Neola ang dami ng mura sa kanyang isipan patungkol kay Caitrionna ay hihigit na siguro ang mga ito sa isang daan dahil sa labis na inis at panggigigil na nararamdaman niya.

Katanghaliang tapat ay kasama ni Neola ang nakatatandang kapatid na babae sa bayan dahil sa matindi nitong pamimilit at pambabanta sa kanya. Bandang alas onse ng umaga nang bigla na lamang manggambala si Caitrionna sa kanyang silid kasama ang isang katulong. Sinumbatan siya nito at tinakot na kung hindi siya sasamahan mamili ng mga damit ngayong araw ay mas lalo raw niya pagdudusahan ang mga araw sa akademya.

Ang biglaang pamimili ni Caitrionna ng mga damit ay sa kadahilanang hindi nagkasya sa kanya ang mga damit ni Neola pagka't maliit lamang at payat ang pangangatawan ng dalaga habang ang nakatatandang kapatid ay matangkad at may kahabaan ang mga binti at braso.

Sagad ang pagtanggi ni Neola sa kapatid na lumabas ng akademya pagka't hindi pa rin nawawala sa kanyang alaala ang muntikan na niyang pagkakadakip noong nakaraan lamang. Hanggang ngayon ay gumagapang pa rin sa balat niya ang takot na naramdaman niya noong mga oras na 'yon kung hindi siya kaagad nakaisip ng plano para lubayan siya ng mga tumutugis sa kanya.

Sa bandang huli ay wala na rin nagawa si Neola kundi ang sumama matapos makita ang sandamakmak na kawal na dala ng kanyang kapatid. Pinayagan din siya nito na isama ang katulong kaya mas lalong nakampante si Neola na lumabas panandalian ng akademya.

"Ano ba, Neola? Napakakupad mo maglakad! Punyemas! Ang init-init na nga ay usad pagong ka pa!" Talak sa kanya ni Caitrionna na nauunang maglakad kasabay ang dalawang alalay. Ang isa ay pinapayungan siya at ang isa naman ay pinapaypayan siya.

Nilingon naman siya ni Neola at pasimple na lamang naikuyom ang mga kamay imbes na magsalita pa. Nag-aalala tuloy siyang inalo ng katulong na si Kara.

"Prinsesa Neola, maaari naman po tayong magsabi kay Prinsipe Caedmon patungkol sa pagmamalupit ni Prinse---"

"Hindi na kailangan, Kara." Malamig na tugon ni Neola sa katulong na kaagad din natameme. "Abala na ang kapatid ko sa maraming bagay. Hindi ko na kinakailangan ipaalam sa kanya ang isang walang kuwentang isyu." Dugtong pa ni Neola habang nananatili pa rin taas noo maglakad at maayos ang postura.

Hindi nakaligtas kay Neola ang pagod na makikita sa kapatid na si Caedmon dulot ng araw-araw na pagbyahe tungo sa iba't ibang border ng kaharian. Kulang na kulang na rin ang tulog nito dahil sa pagbabantay din sa gabi kasabay ng pag-aaral pa ng kanyang leksyon. Ayaw na makadagdag pa ng dalaga sa mga pasanin at problema ng kapatid niya kaya hangga't natitiis niya pa ay hindi niya muna ito gagambalain.

Ilang minutong lakaran ang ginugol ng magkapatid bago marating ang isa sa mga sikat na botika sa buong emperyo - ang La Vierie.

May kalakihan ang gusali ng La Vierie na pagmamay-ari ng mag-asawang Vien at Jerie na silang pinagmulan ng pangalan ng botika. Sikat na sikat ito sa mga aristokrata at mga anak ng dugong bughaw dahil talaga namang maganda ang kalidad ng mga damit na kanilang itinitinda at kadalasang suot ng mga prominenteng kababaihan ang kanilang mga gawa.

"Maghintay na lamang kayo sa lahas at kami na lamang mga babae ang papasok." Mataray na utos ni Caitrionna sa mga kawal na kanilang kasama.

Tumango naman ang mga ito sa kanya at nagsimula ng kumalat sa iba't ibang bahagi ng botika upang magmatyag at magbantay.

Pagpasok sa loob ay kakaunti pa lamang ang mga tao pagka't nasa mga klase pa marahil ang karamihan sa mga babaeng mag-aaral ng akademya. Maaari rin namang takot na ang mga ito na lumabas sa akademya dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga babae sa buong emperyo lalo na sa palibot ng akademya.

Kaagad naman sumalubong sa kanila ang isang lalaki na nakasuot ng mamahaling pang-itaas at isang simpleng pantalon lamang at malinis na sapatos. Hindi pa ito ganoon katandaan ngunit may mga kulubot na ito sa mukha marahil ay sa pagod at stress na naidudulot ng pagkakaroon ng negosyo.

"Magandang umaga, mga Binibini. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting bati niya pa habang ang mga mata ay pinapasadahan ang dalawa ng tingin.

Hindi naman ito pinansin ni Caitriona at naging abala na sa pagtingin ng mga botika habang si Neola, bilang ayaw niya ang minamata siya mula ulo hanggang paa ay pinakatitigan niya rin pabalik ang lalaki.

Nagulat naman ang lalaki sa ginawa ni Neola lalo na ng makasalubong nito ang malamig at nagbabantang titig ng dalaga. Natataranta na lamang siyang yumuko at mas pinalawak ang ngiti dito.

"Ako nga pala si Jerie ang isa sa nagmamay-ari ng botikang ito katuwang ang aking asawa. Ano ba ang iyong hanap, Binibini? Marami kaming mga bestida at naggagandahang mga blusa dito at palda. Mayroon din kaming ---"

"Nasaan si Vien?" Malamig na tanong ni Neola at hindi na ito nag-atubili pang patapusin ang lalaki.

Dahil mahilig din sa damit si Neola ay madalas din siya sa botikang ito kaya nakilala niya rin ang madaldal at matalinong asawa ni Jerie na si Vien. Ito ang madalas na kumakausap sa mga panauhin at mamimili ng kanilang botika. Natural na masayahin at palakaibigan ang Ginang kaya naman mas malapit si Neola rito at mas sanay na ang babae ang umaalalay sa kanya sa pamimili.

Nagtaka naman si Neola ng hindi kaagad makasagot si Jerie. Mas lalo rin namutla ang mukha nito at tila ba malapit na rin itong umiyak dahil sa simpleng tanong lamang.

Kapansin-pansin din ang pagkabalisa ng lalaki at panay ang lingon sa mga bintana na wari'y may hinahanap.

"Nasaan si Vien?" Kunot-noong pag-uulit ni Neola sa kanyang tanong nang mapagtanto na wala na ata siyang balak sagutin ni Jerie.

"Ah... Si V...Vien, ang aking asawa. Si Vien ay... ay... ay lumabas muna sandali para maghatid ng mga damit sa kalapit lamang na bahay ng isang Count. A...Ako muna ang mamamahala ng botika sa linggong ito dahil baka matagalan pa siya." Pilit na pinasigla ng Ginoo ang tinig ngunit halata pa rin ang pautal-utal nitong pagsasalita at tila ba nabibilaukang tono ng beses.

Napangiwi naman si Neola sa kanyang nakikita dahil alam niyang may kakaiba sa ikinikilos sa Ginoong kanyang kaharap. Madalas niya rin naman ito makita noong mga nakaraang buwan na matino at maayos kausap pero tila ba nag-iba bigla ang dating nito.

Sandali pang pinakatitigan ni Neola ang lalaki na tila ba pinag-aaralan niya ang buong pagkatao nito. Nakaramdam naman ng pagkailang ang lalaki kaya kaagad din itong pumalakpak para tumawag ng maaaring umalalay sa dalaga.

"Ah, Cindy, puwede mo bang igiya ang ating panauhin para makita ang ating mga naggagandahang mga damit. Siguraduhin mong maayos siyang makakarating sa ating espesyal na silid." Nakangiting saad ng lalaki sa dalaga na wala man lamang ekspresyon ang mukha at tumango-tango kaagad dito.

Pamilyar kay Neola ang babaeng ito dahil isa ito sa mga kadalasan niyang nakakausap kapag may damit siyang nais isukat. Tulad ng lalaki kanina ay wala na rin halos kabuhay-buhay ang mga mata nito at tila ba puno na lamang ito ng takot.

"Ano bang nangyayari sa inyo at---"

"Dito po tayo, Binibini. Marami po kaming bagong gawa na damit dito na si Ginang Vien pa po ang nagdisenyo." Blangkong saad ng babae at imuwestra pa ang daan sa kanya.

Nagtataka naman siyang tiningnan ni Neola bago nilingon si Caitrionna na siya naman talagang mamimili ng mga damit. Marami pa naman siyang damit sa kanyang silid dahil katatapos niya lamang din mamili sa ibang botika noong nakaraan.

"Hindi naman ako ang mamimili dito kundi ang maldita kong kapatid." Turo pa ni Neola kay Caitrionna na pinalilibutan na ngayon ng mga mga manggagawa ng botika.

Tuwang-tuwa ang dalaga dahil kaliwa't kanan ang mga damit na inaalok sa kanya kaya halos wala na siyang pakialam sa kanyang paligid at ngising aso lamang na nakatingin sa mga tinda.

Napabuntung hininga na lamang tuloy si Neola dahil dito. Hindi na pala talaga siya dapat sumama dahil kayang-kaya naman ni Caitriona ang kanyang sarili. Nais lang talaga ng kapatid niya na inggitin siya sa mga bibilhin nitong damit.

"Kung gayon ay maaari na po kayong magpahinga sa aming espesyal na silid upang hindi kayo mainip. Mayroon po kaming mamahaling mga tsaa doon at mga matatamis na biskwit mula pa sa kaharian ng Archelaos."

Nagkatinginan naman si Neola at Kara sa isa't isa dahil sa alok ng babae. Aminado naman siya na mahilig siya sa matatamis at syempre sa mga mamahaling tsaa pero hindi na importante ang mga 'yon dahil sa nangingibabaw na pangamba kay Neola.

Inalala niya pa kung mayroon nga bang espesyal na silid noon na nababanggit si Vien pero dahil madalas naman siyang mabilis lamang kung mamili ay hindi na niya ito masyado napagtutuunan ng pansin. Ano ba ang mayroon sa espesyal na silid ba ito at panay ang pilit sa kanya.

"Maaari niyo rin po isama ang iyong katulong kung hindi kayo kumportable." Paanyaya pa ng babae at sa pagkakataong ito ay nagawa nang ngumiti sa kanya ng babae.

Nakabawas naman ito sa nararamdamang kaba ni Neola dahil maaari niya rin naman pala isama si Kara. Kung sakali man na may masamang mangyari sa kanyang kutob ay maaari niya itong patakasin.

Tumango naman si Neola sa babae upang igiya siya sa silid na tinutukoy nito. Hindi naman niya namalayan ang nakakatakot na ngisi ng babae dahil sa pagpayag niya pagka't kinausap niya kaagad si Kara para sa kanilang plano.

Ilang hakbang lang naman ang layo ng pinto sa espesyal na silid at may karamihan naman ang tao dito kaya maaari siyang sumigaw kung may mangyari man.

Marahan naman binuksan ng babae ang pinto at handa na sanang umatake si Neola sa babae ngunit isang ordinaryong silid lamang ang bumungad sa kanila.

Mayroon itong mga sofa at lamesa sa tabi na kinalalagyan ng mga pagkain at tsaa. Wala naman mukhang delikado sa buong silid at maaliwalas pa nga itong tingnan dahil sa mga palamuti sa gilid nito na maliliit na ibon. Sa gitna naman nito ay mayroong malawak na espasyo na kinalalagyan ng isang may kalakihan af mamahalin na karpet.

Bahagya naman nagtaka si Neola sa pagkakapuwesto ng mga gamit dahil tila ba nasa gilid lamang ang mga ito at masyadong malaki ang espasyo sa gitna. Napaisip pa siya kung para saan ang ganito kalaking espasyo sa isang hindi kalakihang silid.

Muling iginaya ng babae sina Neola at Kara na pumasok sa loob habang inaalalayan nito ang pintuan. Dahan-dahan namab naglakad ang dalawa papasok sa loob at nananatiling alerto sa galaw ng babae.

"Maaari po kayong maupo muna dito o kumain ng aming masasarap na pagkain." Paliwanag ng babae habang naglalakad ito papunta sa harap nina Neola na nananatiling nakamatyag.

Nginitian naman ng babae ang Prinsesa habang dahan-dahan itong naglalakad patalikod.

"Hintayin niyo na lamang po dito ang iyong kasamahan dahil tiyak ko na matatagalan pa ang iyong kasama." Kalmado pa rin nitong saad habang naglalakad pa rin ito palayo sa kanilang dalawa.

Mas lalo naman nanlisik ang mga mata ni Neola dito at hindi na nakatiis pa. "Saan niyo dinala si Vien?" Galit at may pagbabantang tanong ng dalaga sa babae.

Imbes na sumagot ay napalitan ng lungkot ang mga mata ng babae na tila ba natauhan ito ngunit mabilis din umiling kay Neola.

"H...Hindi ko rin po alam...Pakiusap, tulungan niyo po si Lady Vien." Takot na saad na nito kasabay ng malakas na pagsara ng pintuan sa likod nila.

Kaagad naman kumilos si Neola at mabilis na umilaw ang kanyang mga kamay sabay tapat sa mga tsaa na naglalaman ng mga tubig ngunit bago pa man niya tuluyang mailabas ang kanyang kapangyarihan ay bigla na lamang bumukas ang sahig sa ilalim nilang dalawa at dire-diretso na lamang silang nalaglag dito.

Huling naalala ni Neola bago siya tuluyang lamunin ng dilim ay ang kulay pulang mga mata ng lalaki na bigla na lamang sumulpot sa likuran ng babae na ngayo'y sumusuka na ng dugo at wala ng buhay.

•_____•

- ERYX -

Kasalukuyang naglalakad si Eryx kasunod ang kanyang kanang kamay na si Estevan na abala sa pagpapaliwanag ng mga nakatakda niyang gawain para sa mga susunod na oras. Wala ng oras pa bumalik si Eryx sa kanyang opisina dahil kinakailangan niyang makipagpulong kasama ang mga kawal ng kanyang Ama upang ihabilin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa akademya at ng mga mamamayan ng Elior. Halos hindi na nga siya nakakain ng agahan at tanghalian sa dami ng kanyang ginagawa.

"Pagkatapos po niyan ay may pagpupulong kayo kasama ang konseho ng akademya mamayang alas tres at bago maghapunan ay kinakailangan niyo rin pong pirmahan ang mga papeles na ipinadala ng kaharian ng Thaewyr para sa pagpapasa ng panibagong batas na nais nilang ipatupad sa kanilang kaharian." Seryosong paliwanag ni Estevan habang tinitingnan pa ang iba pang gawain ni Eryx para mamayang gabi. 

"May oras man lamang ba para makakain ako ng hapunan, Estevan?" Bagama't nananamlay na ay nagawa pa ni Eryx na gawing pabiro ang tono ng kanyang boses.

Naaawa naman si Estevan na tiningnan ang kanyang amo at hindi halos makasagot dahil mamayang oras ng hapunan ay kinakailangan niya muling makipagpulong sa mga kasamahan niya na nasa ranggo at pagkatapos nyan ay marami pa siyang takdang aralin na kinakailangang gawin.

"May oras pa naman, Prinsipe Eryx." Nakangiting saad ni Estevan. Sa isip niya ay sisikapin na lamang niya na ayusin ang oras ni Eryx na magkaroon man lamang ito kahit isang oras na pahinga para makakain at makaidlip man lang.

Napabuntung hininga naman si Eryx dahil alam niya naman na isa na namang araw ang magdadaan na hindi siya makakatanggap ng katiting na pahinga dahil sa sunod-sunod na krises na nangyari sa kanilang emperyo.

Binilisan na lamang ni Eryx ang paglalakad upang marating na nila ang kampo ng bagong dating nilang mga kawal. Sa kalagitnaan naman ng kanilang paglalakad ay hindi inaasahan ng dalawa na makakasalubong ang isa sa pinaka nirerespetong mag-aaral sa akademya na mukhang inabangan talaga ang kanilang pagdaan.

"Pagbati sa susunod na araw ng Emperyo. Magandang umaga, mahal na Prinsipe Eryx." Bati ni Adelrick kasabay ng isang magalang na pagyuko sa binata.

Marahan naman yumuko si Eryx dito at gayon din naman si Estevan bilang paggalang sa isa't isa.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa 'yo Prinsips Adelrick? Mayroon bang problema?" Nagtataka naman na tanong ni Eryx habang pinapasadahan ang ekspresyon ng kaharap ng binata.

Bihira naman kasi sila mag-usap ng Prinsipe dahil parehas din silang abala sa kani-kanilang mga tungkulin. 

Nakahinga siya ng maluwag nang makita na maaliwalas naman ang hitsura nito at sinsero ang ngiti na iginagawad sa kanya.

"Ah, ipagpaumanhin mo ang biglaan ko na lamang na pakikipag-usap sa'yo, Prinsipe Eryx. Alam ko kung gaano ka na kaabala sa araw na ito kaya hindi na ako naghangad pa ng pormal na pakikipagpulong pagka't kakaunti lamang ang aking sasabihin." Nakangiti at mahinahon na saad ni Adelrick.

Hindi naman na nagtaka si Eryx sa kababaang loob na ipinapakita ni Adelrick pagka't hindi naman na lingid sa kanya ang pagiging simple lamang ng susunod na hari ng Cymopoleia.

"Kung gayon ay ano ang maipaglilingkod ko sa'yo, Prinsipe Adelrick."

"Nagpadala ang aking ama ng mahigit isang daang karagdagang kawal para sa proteksyon ng mga kababaihan dito sa akademya."

Bahagya naman nagulat si Eryx sa narinig pagka't hindi niya inaasahan ang kabutihang loob na ipinakita ng hari. Hindi niya rin sukat akalain na tutulong ito sa kanilang operasyon na bihirang-bihira gawin ng mga hari ng emperyo.

"Nais ko sanang pangunahan ang mga kawal na ito at tumulong sa akademya sa pagpapatrol."

"Hindi mo na kailangan pang gawin 'yan, Prinsipe Adelrick. Sapat na ang tulong na ibinigay ng iyong kaharian upang hindi na kita magambala pa."

"Ayos lang, Prinsipe Eryx. Hindi naman pang-aabala ang gagawin kong pangunguna sa sandatahang lakas ng aming kaharian pagka't 'yon din naman ang trabaho ng Hari." Nginitian pa ni Adelrick ang binata bago magpatuloy sa kanyang sinasabi. "At isa pa, ito na rin ang maaari kong magawa para mapanatag ako sa kaligtasan ng mga kapatid at kaibigan kong babae. Mahirap nang maupo lamang at manahimik sa isang tabi kung alam ko naman na may kaya akong maiambag para protektahan ang nakararami."

Kusa naman ngumiti si Eryx sa kanyang narinig dahil napabilib siya sa ipinapakita ni Adelrick na pagiging bukas ang isip at kalidad ng isang magiting at matalinong mamununo.

"Tutuparin ko ang iyong kahilingan na pamunuan ang iyong mga kawal, Prinsipe Adelrick. Nais ko rin magbigay ng taos-pusong pasasalamat sa kaharian ng Cymopoleia dahil sa pakikibahagi ninyo sa operasyon na ito."

Sandali pang nag-usap ang dalawa patungkol sa mga kinakaharap na suliranin ng kani-kanilang mga kaharian at ng buong emperyo. Sa kalagitnaan naman ng pag-uusap na ito ay bigla na lamang nangibabaw ang isang malakas na sigaw mula sa pamilyar na boses ng babae.

"Bitawan niyo ako! Kailangan ko makausap ang kapatid ko! Bitaw!" Tili ni Caitrionna habang pilit itong kumakawala sa hawak ng kanyang mga katulong na sina Ruva at Sere.

"Prinsesa Caitrionna, pakiusap, kumalma po muna kayo!" Pagpapakalma ng mga katulong habang nakayakap pa ang mga ito sa Prinsesa.

Sabay naman nilingon ng dalawang binata ang kinatatayuan ni Caitrionna at halos mahintatakutan na lamang si Adelrick nang makita ang kapatid.

"P...Paumanhin, Prinsipe Eryx. Dadaluhan ko lamang ang aking kapatid." Nagmamadali at nag-aalalang saad ni Adelrick. Hindi na rin niya hinintay pa na makasagot si Eryx dahil kaagad na itong tumakbo palapit sa kinatatayuan ni Caitrionna.

Nagkatinginan naman sina Estevan at Eryx baka napagdesisyunan ni Eryx na lumapit na sa magkapatid pagka't nakakabagabag ang hitsura ngayon ng dalaga.

"Caitrionna, ano ang nangya---"

"Kuya!"

Hindi na nagawa pa ni Adelrick ang tapusin ang kanyang sinasabi pagka't kaagad na yumakap ang prinsesa sa kapatid habang humahagulgol at wari'y takot na takot. Panay iyak lamang din ito na para bang nakasaksi ito ng isang karumaldumal na pangyayari.

"Kuya, hindi ko alam ang nangyayari! Kuya!" Iyak lamang ni Caitrionna habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kapatid.

Hindi naman alam ni Adelrick ang gagawin pagka't ngayon niya lamang nakita ang kapatid na ganito. Magkahalong takot, kaba, at pag-aalala ang nararamdaman ni Adelrick habang nanginginig ang kapatid sa kanyang bisig.

"Caitrionna, kumalma ka muna." Pang-aalo ng kapatid sa dalaga habang pilit na inihaharap ang mukha nito sa kanya. "Sabihin mo sa akin ang nangyari, Caitrionna, para maintindihan kita."

Bagama't kalmado ang boses ay nahalata pa rin ni Eryx ang labis na pag-aalala ni Prinsipe Adelrick sa kapatid. 

Maluha-luha naman nag-angat ng tingin si Caitrionna dito na pilit kinakalma ang sarili bago nanginginig na nagsalita. 

"Si... Si Neola, Kuya..." Humikbi pa ito bago magpatuloy sa sinasabi. "N...Nawawala si Neola, Kuya Adelrick. H...Hindi ko na siya makita pa." 

Napaawang na lamang ang mga labi ni Eryx dahil sa narinig at halos magkulay papel din si Adelrick sa pamumutla matapos marinig ang nangyari sa kapatid. 

Alam ni Eryx sa sarili na mas lalo nang lumalala ang sitwasyon na kanilang kinakaharap at alam niya na nalalapit na rin ang nalalapit na pagtutuos nila ng mga sindikato pagka't hinding-hindi na ito palalagpasin ng mga naglalakihan at makapangyarihang mga pamilya sa Elior. 

•_____•

Eliana's POV

Hindi ko alam kung bakit kinansela ni Aspen ang klase namin sa pagpapana ngayong araw pero ipinagpapasalamat ko na ang mga natitirang oras ko para sa hapon na ito ay maaari kong ilaan para sa sarili ko.

At syempre, dahil patapos na rin kami sa mga damit na maibebenta na namin sa susunod na linggo ay maaga akong matutulog ngayong gabi.

"Prinsesa Eliana, nakahanda na po ang iyong pang-ligo."

Kaagad ko naman ibinaba ang libro na hawak ko sabay nag-unat unat pa ako na tila ba bagong gising lamang ang aking diwa. Hindi na ako nag-atubili pa at mabilis pa sa alas-kuwatro na hinubad ko na ang aking damit sabay tampisaw sa malaki at kahoy na batsa na napaliligiran ng sandamakmak na bula at mga petals pa ng bulaklak.

Ganito talaga ako kaarte sa pampaligo ko dahil mainam ito sa balat at pampapawi na rin ng sandamakmak na problema at peste sa buhay ko.

Wala na talagang mas sasarap pa sa taimtim at payapang ga---

"Nasaan si Eliana?! Ipakita niyo sa akin ang kapatid ko!"

Nagambala naman ang gabi ko dahil sa malakas na pagbukas ng pintuan kasabay ng pamilyar at nagwawalang boses.

Nagkatinginan pa kami ni Leandra bago siya lumabas habang ako naman ay napasapo na lamang ng aking noo. Tangina naman. Minsan na nga lang magpahinga ang tao e!

"Prinsipe Daewon pakiusap po kumalma muna kayo! Ano po ba ang kailangan niyo kay Prinsesa El---"

"Nasaan si Eliana?!" Nagwawalang tanong ni Daewon at nakarinig pa ako ng ilang galabugan sa labas na sinabayan ng pagmamakaawa at sigawan din nina Leandra at Stella.

Napabuntung hininga na lamang ako sa naririnig kong kaguluhan sa labas. Nag-iisip pa ako kung lalabasin ko ba si Daewon o hindi. Ang kaso kapag nanatili naman ako dito ay baka sirain niya pa ang lahat ng gamit ko.

"Ha..." Mistulang nauubusan ng pasensya na saad ko. Jusko naman. Ano na naman bang kailangan niya?

Sa bandang huli ay tumayo na lamang ako mula sa aking taimtim na pagtatampisaw. Labag sa loob ko na rin na sinuot ang aking roba at kumuha rin ako ng tuwalya pamunas sa aking mukha.

"Prinsipe Daewon, kumalma po muna kayo dahil nalili---"

Hindi na natuloy pa ni Leandra ang sinasabi niya dahil padabog kong binuksan ang pinto ng banyo at madilim ang mukha na tiningnan ang lahat ng nasa harap ko.

Nakayuko at kinakabahan naman sina Leandra at Stella habang si Daewon ay nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Punyeta naman! Ano bang kailangan mo at---"

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang patakbo na lumapit sa akin si Daewon sabay dakma sa magkabilang pisngi ko. Sinipat-sipat niya ang mukha ko na wari'y may hinahanap na kung ano. Anak ng--- sabog ba 'to?!

"Ayos ka lang ba, Eliana? Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo dahil ---"

"Tsk. Ano ba?!" Marahas ko naman na tinanggal ang mga kamay niya mula sa mukha ko sabay sinamaan ko siya ng tingin.

Balak ko na sana siyang murahin ng malutong dahil sa pambubwisit niya sa akin ngayong gabi pero natigilan na lamang ako ng makita ang labis na pag-aalala sa mga mata ni Daewon. Ano ba ang nangyayari?! Jusko naman nagpahinga na ako may naganap na naman?!

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Inis kong tanong habang nakakrus ang aking mga braso at masama pa rin ang tingin ko sa kanya.

Habol hininga naman na nag-iwas ng tingin sa akin si Daewon sabay napabuga pa siya ng hangin na wari'y nakahinga siya ng maluwag. Napataas naman ang kilay ko sa inaakto niya pero hinintay ko na lamang siya magsalita.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo..." Bulong niya pa sa sarili kaya mas lalong umuusbong ang kuryosidad ko sa pakay niya dito.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Mataray ko pa muling tanong.

Huminga muna ng malalim si Daewon sabay kamot sa kanyang batok na wari'y nahihiya sa ginawa niya.

"Kumakalat sa buong akademya ngayon ang pagkawala ng isang babaeng Agrigent kaya nang marinig ko 'yon ay kumaripas na ako kaagad ng takbo sa dormitoryo mo umaasa na nandito ka at hindi ikaw ang tinutukoy nila." Nakayukong saad ni Daewon habang panay pa rin ang kamot niya sa batok.

Natigilan naman ako sa sinabi niya at napaisip. Nawawalang Agrigent? Kung gayon ay isa na sa mga kapatid kong babae ang nakuha at napuntirya? Pero sa dami ng mga tagabantay ng mga kapatid ko ay impossible naman na basta-basta sila nadakip ng ganoon na lamang. Baka naglakwatsa lang o di kaya'y nasa kung saang lupalop iyon ng akademya.

"Bente-kuwatro oras na ba nawawala?" Wala sa sariling naitanong ko dahil sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kung sino man sa kanila ang nawala.

Hindi naman ako kinakitaan ng kabutihan ng kahit na sino sa dalawang nasa isip ko. Impossible rin naman na si Ellionoir 'yon dahil kasabay ko umuwi ang gaga kanina dahil nag-inarte na naman siya na sabay daw sana kami maglakad.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung sino kina Ellionoir, Neola, o Ate Caitrionna ang nawawala." Tila ba kibit-balikat niyang saad at nawalan na ng interes sa kasalukuyang isyu.

Nangunot naman ang noo ko sa reaksyon ni Daewon kaya hindi ko na rin mapigilan ang magtanong.

"Hindi ka ba nag-aalala sa mga kapatid mo?"

Nilingon niya naman ako sandali bago muling itinuon ang mga mata sa sahig na tila ba nais niyang itago ang kanyang reaksyon.

"Sa totoo lang ay hindi." Walang kaemo-emosyon niyang saad. "Magmula naman nung una ay wala na akong pakialam sa mga babaeng kapatid natin. Hindi rin maganda ang naging trato sa akin nina Caitrionna at Neola habang wala naman talaga akong pakialam kay Ellionoir." Tiningnan niya pa ako bago siya magpatuloy sa sinasabi. "Ikaw lang ang itinuturing kong kapatid na babae magmula ng araw na 'yon."

Nanatili naman akong tahimik habang nakikipag-sukatan ng tingin kay Daewon.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganyan ang nararamdaman niya dahil kahit papaano ay dama ko ang lamat na humihiwalay sa pamilyang ito at isa na roon ang relasyon ni Daewon ss mga kapatid niyang babae.

"Umalis ka na dito at puntahan mo ang mga kuya mo." Utos ko na lamang sa kanya sabay talikod.

"Hindi ka ba sasama sa akin kina Kuya?" Mistulang bata na tanong niya.

Napahinto tuloy ako sa pagpasok muli sa banyo upang sagutin ang katanungan niya.

"Maliligo ako." Malamig at tipid kong saad bago ko pabagsak na sinara ang pinto.

Ilang sandali pa akong napatitig sa kawalan habang iniisip ng maigi ang mga pangyayari. Marahil ay naging masyadong tahimik ang mga nakaraang araw sa pamilyang 'to kaya karma na siguro ang gumanti sa kung sino man sa kanila ang nadakip.

Habang nagmumuni-muni ako ay may marahang kumatok sa pintuan dahilan para pagbuksan ko ito. Hinayaan ko naman makapasok ito nang mapagpunta na si Leandra pala ito.

"Nais mo po bang initin ko muli ang iyong tubig, Prinsesa Eliana?" Magalang na tanong ni Leandra habang sinusubukan pabulain muli ang aking paliguan.

Nanatili naman akong tahimik hanggang sa mapagdesisyunan kong hubarin na muli ang aking kasuotan upang magbabad.

"Umalis na?" Walang lingunan kong tanong habang marahang binabasa ang aking mga kamay at pinakikiramdaman ang init ng tubig.

"Opo. Nakaalis na po si Prinsipe Daewon."

Nakahinga naman ako ng maluwag at nakaalis na rin ang tukmol na 'yon. Kahit papaano ay hindi na ako mamomroblema na may bigla na lang manggagambala sa akin sa oras ng aking pahinga.

Sa kalagitnaan ng pagtulala ko sa kawalan ay napansin ko ang panay sulyap sa akin ni Leandra kaya naman taas-kilay ko siyang nilingon.

"Ano?" Mataray kong tanong.

Kita ko pang nagdadalawang isip siyang magtanong pero dahil makapal naman ang mukha niya ay ipinagpatuloy na rin niya.

"Prinsesa Eliana, hindi po ba kayo nag-aalala sa iyong kapatid?" Nahihiya pang tanong ni Leandra na mabilis ko rin naman sinagot.

"Hindi." Walang kaemo-emosyon kong pahayag.

Hindi ko rin alam kung bakit katiting na amor ay wala akong maramdaman kong si Caitrionna man o si Neola ang nadakip. Palagay ko ay dahil masama lang talaga ang ugali ko kaya iniisip ko na nararapat lamang sa kanila ang nangyari sa lahat ng pasakit at pananakit na ginawa nila sa akin at sa dating Eliana.

"Pero kapatid niyo po 'yon, Prinsesa Eliana tulad ni Prinsipe Daewon noon. Wala po ba kayong nararamdaman na maski katiting na pag-aalala sa kanila?" Pangungulit pa ni Leandra sa akin.

Mistulang nauubusan naman ako ng pasensya na lumingon sa kanya kasabay ng panlilisik ng aking mga mata.

"Alam mong hindi ko inuulit ang sinasabi ko." Malamig ko pang saad.

Mukhang natakot naman si Leandra sa sagot ko kaya natatarantang tumango-tango na lamang siya at nanahimik.

Nanatili naman akong tahimik habang pumapasok na ako sa loob ng malaking batsa. Muli kong dinama ang init na unti-unting bumabalot sa aking katawan mula dito. Kasabay din ng pag-upo ko ay ang pag-usbong ng mga bula dahil sa karagdagang sabon na inilagay ni Leandra.

"Iwan mo muna ako." Malamig kong utos habang nakapikit na ang aking mga mata.

Pakiramdam ko ay kumikirot na naman ang ulo ko dahil dumating kanina si Daewon. Tsk.

Mukhang sumunod naman din sa akin si Leandra dahil narinig ko ang marahang pag-sara ng pintuan. Dumilat na rin ako paglabas niya at inayos ang aking pag-kakaupo na tila ba nakayakap ako sa aking mga tuhod.

Habang nagmumuni-muni ay nanumbalik sa akin lahat ng alaala kasama ang mga kapatid kong babae at wala ako halos mahalungkat na kahit anong magandang pangyayari na kasama sina Caitrionna at Neola. Ni isang segundo nga sa buhay ko ay hindi ko man lang naranasan na kakitaan sila ng kabaitan kaya bakit ako mag-aalala. Kayang-kaya naman nila lusutan ang bagay na 'yon dahil hindi naman na ako kailangan sa pagkakataong ito at inuulit ko, wala akong pakialam.

"Panahon na siguro para manood na lamang sa mga mangyayari." Malamig kong saad kasabay ng pagputok ko sa may kalakakihang bula na kanina ko pa pinagmamasdan.

•_____•

-DAEWON -

Halos kaladkarin na lamang ni Daewon ang kanyang mga paa tungo sa opisina ng Maestro kung saan nagtitipon ang kanyang mga kapatid upang makipagtulungan sa mga nasa ranggo at sa mga kawal sa mas lalong pagpapaigting sa paghahanap ng mga nawawalang babae.

Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang mga pamilyar na mukha ng kanyang mga kapatid na pare-parehas balisa. Kaagad din nag-angat ng tingin sa kanya ang mga ito at lumapit din sa kanya si Adelrick na kanina pa namumutla at mukhang pagod na pagod.

"Daewon, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Nag-aalalang pahayag ni Adelrick habang sinisipat ang kapatid.

Naiintindihan naman ni Daewon kung bakit ganito umakto ang nakatatandang kapatid. Kahit alam nitong ligtas ang iba pa ay magsisimula na rin alalahanin ni Adelrick ang iba pang kapatid.

"Kagagaling ko lang sa dormitoryo ni Eliana." Kaswal na saad ni Daewon na nakakuha ng interes ng halos lahat ng nasa silid.

"Nasaan nga pala si Eliana? Bakit hindi mo siya kasama? Ayos lang ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni Adelrick sa kanya habang umuusbong na naman ang pag-aalala sa mga mata nito.

Hinawakan naman ni Daewon ang balikat ng kapatid upang kalmahin ito na halatang inaatake na ng pagkataranta.

"Kalma, Kuya. Ayos lang si Eliana at naliligo lang naman siya." Kaswal muling pahayag ni Daewon na para bang paliligo ang pinakakaraniwan na gawin sa kalagitnaan ng krisis na kanilang kinakaharap.

"Ano?! Nakaliligo pa si Eliana sa ganitong sitwasyon?!"

Sabay-sabay naman sila napalingon kay Caitrionna na kanina pa balisa at kinakalma ng kanyang mga katulong. Katabi nito si Ellionoir na pilit din inaalalayan ang nakatatandang kapatid na babae.

"Ang kapal naman talaga ng mukha niya na umakto na parang walang nangyayari gayong alam naman niyang nawawala ang kapatid niya! Anong klaseng tao ba siya at nagagawa niya pa maligo sa ganitong oras habang lahat tayo ay mamatay-matay na kaiisip dito kung nasaan si Neo---"

"Wala rin naman maiaambag 'yang pagbubunganga mo sa sitwasyon, kaya manahimik ka na lang, Ate." Malamig na pahayag ni Daewon dahilan para matigilan na lamang si Caitrionna at bahagyang mapahiya.

"Ha! Tama nga lang at nagkasundo kayo ng demonyita na 'yon! Parehas lang naman kayong walang modo at makasarili! Wala kayong pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa pamilyang 'to hangga---"

"Puwede bang manahimik ka na lang, Ate Caitrionna?! Talak ka lang naman ng talak, tangina nakakarindi na!" Galit na sigaw ni Daewon dito dahilan para halos lahat din ng tao sa silid ay manahimik.

Maging si Cainon na nagtitimpla ng maiinom ay natigilan dito at kamuntik pang mapatalon sa gulat.

"Tama na, Daewon, Caitrionna." Pang-aawat na lamang ni Adelrick sa magkapatid na nagsusukatan na ngayon ng sama ng tingin. "Kung maaari lamang sana ay huwag na kayo mag-away pa dahil hindi rin naman ito makakatulong sa pagpapadali ng paghahanap kay Neola." Kalmadong pahayag pa ni Adelrick sa dalawa.

Binulungan pa si Daewon nito na intindihin na lamang ang nakatatandang kapatid dahil sa trauma rin na naranasan nito kanina lamang. Inirapan naman ni Daewon si Caitrionna bago ito maglakad tungo sa kinatatayuan ni Cainon upang kumuha na lamang ng maiinom.

Ilang saglit lamang ay biglang marahas na bumukas ang pintuan at galit na pumasok si Caedmon dito. Namumula ang mukha ng binata sa magkahalong pagod at galit mula sa kanina pang paghahanap sa kapatid. Kasunod naman nito ay si Maestro at si Aidan na gayon din ang mga hitsura.

"Putang ina." Gigil na saad ni Caedmon saka nito marahas na sinuntok ang pader sa kanyang tabi. Nagdulot ang malakas na pagkakasuntok ng may kalakihang bitak at halos madurog na rin ang parteng ito.

Lahat ay nagulat sa ginawa ng binata ngunit wala halos ang nais kumausap dito sa takot na hindi makapagtimpi si Caedmon lalo na at bihirang-bihira lamang ito magalit.

"Caedmon, pakiusap, kumalma ka. Ginagawa naman ng lahat ang---"

"Kumalma?" Marahas na nilingon ni Caedmon si Aidan na mistulang nagulat sa reaksyon ng kaibigan. "Sa tingin mo ba magagawa mo pang kumalma kung ang kapatid mo ang nawala sa'yo, Aidan?"

"Hindi." Matapang na sagot ni Aidan habang sinasalubong ang tingin ni Caedmon na nakapapanindig balahibo. "Pero alam mong walang magagawa ang galit mo at lalo lamang mapapatagal ang paghahanap kay Prinsesa Neola." Saad pa nito.

Hindi naman sumagot si Caedmon dito at napatiim bagang na lamang. Mariin din itong napapikit kasabay ng pagsalampak sa sahig habang ang kamao ay nananatiling dumudugo.

"Kapag may nangyaring masama kay Neola, gagawin ko ang lahat kahit ang baliktarin ang imperyong ito mapatay lamang ang hayop na dumakip sa kanya." Malamig at talaga namang nakakatakot na saad ni Caedmon.

Halos kilabutan din si Daewon nang makita kung gaano kadilim ang mga mata ng kapatid na hindi niya pa kailanman nakita sa buong buhay niya.

Alam niyang sa pagkakataon ito ay dadanak talaga ang dugo ng kung sino man ang dumukot sa kanyang kapatid lalo na kapag inilabas na ng kanyang kapatid ang tunay nitong kapangyarihan.

•____•

-Leofwine-

Kauuwi lamang ng dalaga mula sa bayan dala ang masarap na ulam para sa kanyang kasama. Para sa dalaga ay sabik na siya ipatikim kay Niamh ang isa sa pinakapaborito niyang putahe na ngayon lamang niya nabili dahil kanina ay natanggap na siya sa bago niyang trabaho na matagal na niyang sinusubukan makapasok.

Habang naglalakad ay tanaw niya ang mga kapitbahay na nagkukumpulan sa gilid lamang ng kanilang bahay kung saan mayroong matayog na puno na nagsisilbing lilim sa mga nais magpahinga dito. Itinuturing ito ni Leofwine na Tambayan ng mga Tsimosa niyang kapitbahay na walang ibang ginawa kundi ang makibalita at makitsismis araw-araw.

Napabuntung hininga na lang tuloy ang dalaga dahil paniguradong kapag nakita siya ng mga ito ay...

"Oh, Leofwine, ang aga mo naman umuwi!" Saad ng isang babae na may katabaan at karga pa ang anak na panay iyak.

Ngumiti naman si Leofwine sa mga Ale na bumati sa kanya. "Naubos na po kasi yung mga gulay na tinda ko. Pakyawan po ngayon sa Bayan."

"Aba'y sana palagi kang maaga umuwi! Delikado na ngayon ang ginagabi sa daan!" Sagot kaagad ng isang Ale na may nunal sa gilid ng labi.

"Nabalitaan ko nga na halos araw-araw na may nawawalang mga kababaihan sa bayan ng Elior!" Sabi naman ng isa na may hawak ng walis.

"Naku! Alam niyo ba yung anak ng kapitbahay ko na si Kristina'y kamuntik na raw madukot noong pauwi na." Saad din ng babae sa kabilang bakod lamang.

Nagulat naman si Leofwine sa naririnig. "Si Kristina po? Ano po bang nangyari sa kanya? Ayos na po ba siya?" 

Si Kristina ay isa sa mga kaibigan ni Leowfwine at katuwang sa pagtitinda sa bayan kaya ganoon na lamang ang gulat at pag-aaalala niya matapos marinig ang kinaharap na panganib ng kaibigan. 

"Tsismis sa akin ay nananatili raw ito ngayon sa pangangalaga ng akademya dahil baka balikan ng mga nagtangkang dumakip sa kanya." 

Nakahinga naman ng maluwag si Leofwine matapos malaman na ligtas pala ang kanyang kaibigan. Nalulungkot siya at wala na siyang kaalam-alam tungkol kay Kristina na muntik na pala itong madakip. 

Sa isip niya pa ay totoo nga ang mga balita tungkol sa mga sindikato na dumadakip at nangunguha ngayon ng mga kababaihan at dalaga sa buong emperyo. Bigla naman siyang nangilabot sa possibilidad na maaaring mangyari rin sa kanya ang sinapit ng kaibigan. 

Magpapaalam na sana si Leofwine sa mga kapitbahay dahil kinakailangan niya pang magsaing ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na sasabihin ng kanyang mga kapitbahay tungkol sa kanyang kaibigan. 

"Naku kung alam ko lang ay baka nagpaawa lang 'yan si Kristina para makapasok sa akademya at makabingwit ng Aristokratang mapapangasawa."

Napatanga na lamang si Leofwine dahil sa mga naririnig mula sa bibig ng kanyang mga ka-Nayon. Hindi niya sukat akalain na magagawa pa ng mga ito gawan ng kuwento si Kristina sa kabila ng mga pinagdaanan nito.

"Sinabi mo pa! Baka nagpaawa lang 'yon sa kung sinong mag-aaral na napadaan at nakiusap nang maipadala sa akademya."

Naikuyom na ni Leofwine ang mga kamao dahil sa mga naririnig. Hindi niya halos masikmura ang mga paninirang puri ng kapwa niya mga babae at matatanda sa kapwa nila babae.

"Manang-mana talaga sa ina niyang malandi at mananaya---"

"Tapos na po ba kayo mambastos sa kaibigan ko?"

Sabay-sabay naman natigilan ang mga kababaihan sa pagtatawanan at pagtsitsismisan. Lahat sila ay gulat sa biglaang pag-iiba ng tono ni Leofwine na hindi halos makabasag pinggan at hindi rin marunong magalit.

"L...Leofwine, may problema ba? Hindi ba totoo naman ang sinasabi namin sa---"

"Hindi ganoong klase ng babae si Kristina. Alam ko 'yon dahil halos sabay kaming lumaki dito sa Nayon." Isa-isa pa niya tingnan ang mga kababaihan sa harap niya bago muling magsalita. "Nakakahiya kayo dahil imbes na inilalaan niyo sa makabuluhang bagay ang oras niyo ay sinisiraan niyo pa ang taong may pinagdadaanan. Huwag na kayo manghihingi ng tawad sa mga gulay ko sa susunod!" Inis na saad ni Leofwine at mabilis na ito naglakad.

Hindi pa siya nakuntento sa kanyang mga sinabi kaya sa labis na inis ay sinipa niya ang tumpok ng mga dahon na nawalis na ng kanyang kapitbahay. Kinalat niya pa ito at sinabog bago muling magpatuloy sa paglalakad.

Naiwan na lamang nakanganga ang mga kababaihan sa kanya habang si Leofwine ay umuwi sa kanyang barong-barong na nagpupuyos sa galit.

Inis niya pang tinulak ang kahoy na pintuan habang bumubulong-bulong.

"Akala mo kung sinong mga magagaling at grabe magsalita tungkol sa isang tao at sa kapwa babae pa! Nakakainis tal---"

"Agh!"

Hindi na natuloy pa ni Leofwine ang pagsasalita dahil sa malakas na pagdaing ng isang lalaki mula sa kuwarto.

Nanlaki naman ang mga mata ni Leofwine nang makilala ang boses nito kaya kaagad niyang ibinaba ang mga dala at inilibot ang paningin.

"N...Niamh! Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?!" Kinakabahan niyang tanong habang tinatakbo niya ang silid kung saan kadalasang makikita si Niamh.

Napasinghap na lamang siya ng makitang nakasalampak ito sa sahig at namumutla. Hawak din nito ang ulo at tila ba dinadaing ang sakit na nagmumula rito.

"Agh! A...Ang sakit!" Muli niyang pagsigaw na halos nasuka na siya sa labis na sakit na nararamdaman mula rito.

"Niamh! Anong nangyari?! Niamh!" Kaagad naman dinaluhan ni Leofwine ang binata at inalalayan itong makaupo.

Hindi naman siya halos masagot ni Niamh dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Mas lalo rin kinabahan si Leofwine nang makita na namamawis ng todo ang binata at patuloy pa rin ito sa pagdaing.

Hindi malaman ni Leofwine ang gagawin ngunit sinikap niya pa rin na magpakatatag at mag-isip. Mabilis niyang inalalayan ang binata upang makaupo sa kama. Kumuha rin siya ng batsa at basang bimpo upang punasan ang bibig at damit nito na napuno na ng suka.

"Niamh, kumalma ka. Nandito lang ako. Nandito lang ako..." Maluha-luhang pahayag ni Leofwine habang patuloy pa rin siya sa pang-aalo sa binata na patuloy pa rin ang pagdaing at pagsigaw.

Halos mapahiga na lamang din si Niamh sa kama dahil sa labis na panghihina. Hindi na rin niya halos maidilat ang mga mata at patuloy lamang sa pagsinghap ng hangin.

Nagpatuloy naman si Leofwine sa pagpupunas sa binata hanggang sa madako siya sa kanang kamay nito na bahagyang nakayukom. Marahan niya naman itong binuksan at napatulala na lamang siya ng makita ang isang kuwintas na gawa sa ginto na nakakurba ng isang pangalan.

"Stella..." Marahang pagkakabasa ni Leofwine habang pabalik-balik ang tingin sa kuwintas at sa namumutlang hitsura ni Niamh.

Napaisip na lamang si Leofwine at kinabahan sa posibilidad na nanunumbalik na dito ang mga alaala ng kanyang nakaraan.

•____•

💫 Trivia Time 💫

A

lam niyo ba...

Archarius ang tawag sa palarong unang pinaglabanan noon nina Eliana at Daewon sakay ng Athenatoi. Ang Archarius ay itinuturing na isa sa pinakakinikilalang palaro sa mga Aristokrata na paramihan ng mapapanang bula sakay ang mabagsik at maliksing Athenatoi sa himpapawid. Kadalasan lamang din itong nilalaro ng mga kalalakihan dahil sa panganib na maaaring maidulot nito.

Continue Reading

You'll Also Like

152K 3.1K 53
Raven Academy This is the place where unexpected things can happen This is the place where she belongs So you better watch yourself -EDITING/REVISING...
72.6K 2.5K 31
Nine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what ma...
176K 7.6K 54
Zheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is...
168K 6.9K 38
Mystique Academie is where you can find students with special abilities. Most of the students who are studying here are royals. Mystique Academie wil...