Possessively Owned by Messiah

By Ajai_Kim

580K 17.1K 2.4K

Loving a cold heartbreaker gorgeous man is the most regretful thing that I did. Messiah Avenido wants to poss... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note

Epilogue

17.3K 500 122
By Ajai_Kim

This Epilogue is not a typical 'Good Epilogue.' Sometimes, the story ends with a good confusion.

MESSIAH'S POV

For the past 3 years, my life turns into a miserable one. Simula nang mawala si Rebecca ay doon na nawalan ng kulay ang buhay ko. She's my wife, we had a son, I really love her so much but now, she's missing and I still can't find her. Walang araw na hindi ko siya inisip. Gabi-gabi nalang akong nagpapakalunod sa alak at nagmumukmok mag-isa sa kwarto ko sa sakit at pangungulila na nararamdaman ko.

Only our son Isaiah is my strength para patuloy ko pa rin hanapin si Rebecca.

Sa tuwing nakikita ko ang anak namin ni Rebecca ay hindi ko maiwasang malungkot. Isaiah is our own flesh and blood. He resembles a bit to his mother lalo na sa mga mapupungay na mata nito.

Why did this hell happen to me? Bakit ba hindi nalang hinahayaan ng Diyos na maging masaya ako? Bakit kailangan niya pa sa aking kunin ang asawa ko na isa sa mga lakas ko para magpatuloy sa buhay?

Kung mawawala lang rin naman siya sa akin, sana noon palang ay ipinaglaban ko na ang pagmamahal ko sa kanya. Sana noon palang ay hindi ko na siya ipinaubaya sa mga kapatid ko. Sana noon palang ay pinahalagahan at minahal ko na rin siya katulad nang ipinapakita niya sa akin noong mga bata palang kami.

I let myself to ignore her, to stay her away from me, to give her to my brothers. I'm such a scumbag to let Rebecca fall in love with someone else too!

Ako ngayon ang nagdurusa sa mga katangahan ko noon. Nahihirapan na rin akong mabuhay dahil wala siya. May balak pa kaming magpakasal sa pangalawang pagkakataon, iyong napaghandaan at masisiyahan siya pero hindi na iyon nangyari ngayon.

I took a sip from my glass of beer at hindi ko na naman maiwasang mapaiyak. After my work everyday, daily routine ko na ang uminom at magkulong sa kwarto ko. Hindi ko na rin naaalagaan si Isaiah dahil sila Mom at ang mga Dad ko na ang nag-aasikaso dito. Minsan ay ang parents ni Rebecca.

Selah is now busy with her own job at New York same with Isaac. Si Eli naman ay hindi na talaga nagpakita sa amin and I don't know where is that guy too.

Biglang may kumatok sa kwarto ko at dahil hindi naman ito nakabukas ay kaagad bumukas iyon, bumungad sa akin si Isaac na nakasimangot.

"You're drinking again, ni hindi mo na naaalagaan si Isaiah dahil diyan sa ginagawa mo. Do you think na magiging masaya si Rebecca sa pagiging pabayang ama mo?" Sermon niya sa akin na hindi ko nalang sinagot.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-inom habang pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.

Isa si Isaac sa mga naging karibal ko sa puso ni Rebecca. Hindi ko aakalain na darating sa punto na magkakasundo na kami. Nabago siya ni Rebecca, si Rebecca ang dahilan kung bakit tuluyan nang nagbago si Isaac at tuluyan nang nagparaya para sa akin. Rebecca helps him to change and build his new self.

"Where's Isaiah?" I asked while Isaac is still looking at me.

"Nasa kwarto na niya. Natutulog. Ayaw mo bang i-check bukas ang bahay na pinagawa mo para sa inyo ni Rebecca? Pinarenovate ko pala 'yon ng konti dahil medyo inaamag na sa tagal mong bisitahin." Bumuntong-hininga siya at binuksan ang isa pang bote ng beer sa lamesa ko at kaagad tinungga iyon.

I smiled bitterly. "I can't. I will remember her again once I visit my dream house for us." Napapikit ako at hinilot ang sentido ko.

I build that house for Rebecca and our son. Matagal kong pinagplanuhan ang pagpapagawa ng bahay na iyon. Ayaw kong tirhan iyon ngayon hangga't hindi ko nakikita at nakakasama ang asawa ko. I'm staying here in Pasay at my family's house. Mas matututukan rin kasi nila si Isaiah kapag nandito kami. I'm very busy with my work at ako na ang CEO ng kompanya na binuo ng mga magulang ko while Isaac was acting as a Co-CEO dahil nga nawala na si Eli na parang bula limang taon na ang nakakalipas.

"You will find her sooner, bro. I feel that she's not dead yet." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Isaac kaya nagmulat ako ng mga mata at nginitian siya.

"Do you still love Rebecca?" Tanong ko na ikinangiti niya.

"She's someone special in my heart. Do you know how much I went crazy for her. Halos nakipagpatayan pa ako sa'yo noon para lang makuha siya pero ngayon mahal ko nalang siya bilang isang kaibigan. I know she loves you so much and I want her to be happy that's why matagal ko na siyang pinalaya sa puso ko."

Isaac said that with his sincereness. Wala nang bahid iyon ng pagkukunwari. Alam kong totoo ang lahat ng mga sinasabi niya. Tanggap na niya talaga na nagmamahalan kami ni Rebecca.

"E 'yung tatlong gago? Nakapag-move on na rin ba?" Tanong ko. I'm referring to Demi, Harry and Aiden.

Tumawa naman si Isaac at tumungga ulit ito ng beer. "I heard that Demi has already a girlfriend. Si Harry naman may nililigawan na while Aiden is still single so basically, si Aiden nalang ang hindi pa nakakapag move-on."

"Really? After I shot his arm before ay hindi pa siya nadala?" I clench my fist dahil hanggang ngayon ay may insecurities pa rin ako sa Aiden na iyon.

He's Rebecca's first boyfriend at alam kong minahal rin siya nito. I'm kind of jealous to him dahil kung hindi pa ako nag-inarte noon malamang ay ako ang first boyfriend ni Rebecca. Aiden made me realize how Rebecca means so much to me.

Humalakhak lang si Isaac. "You have no mercy brother. Ang hilig mong mamaril. Mabuti nalang pala at bugbog lang ang natamo ko sa'yo noon." He smirk.

I shook my head. Kailangan ko na naman pumunta ulit ng maaga sa Private Investigator ko para sa patuloy na paghahanap kay Rebecca. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita.

She's still alive at nararamdaman ng puso ko iyon. How I wish na isang araw ay magising nalang ako at kaharap ko na siya ngayon.

Kumusta na kaya siya? Nakakakain ba siya ng maayos? Mas lalo kaya siyang gumanda at sumexy? Habulin pa rin kaya siya ng mga lalake?

Isaac invited me to went to a garden. Magpahangin raw ako doon at hindi iyong palagi nalang akong nagkukulong sa kwarto ko. Hinayaan ko nalang siya at kahit masakit ang ulo ko sa kaunting kalasingan ay pinabayaan ko nalang siya.

He handed me some cigarettes pero umiling lang ako. I stopped smoking when Rebecca got mad at me when she saw me smoking 3 years ago.

My wife, she's so much concern about my health and I missed her so much.

Ilang saglit pa ay bigla nalang nagbuzz ang gate namin. Isaac stood up immediately on his chair at pinuntahan kung sinuman ang taong dumating na ganitong oras.

Napayuko ako habang minamasahe ang batok ko. Pagbalik ni Isaac ay para itong nakakita ng multo nang mag-angat ako ng tingin sa kanya at may isang babae ang nakasunod sa kanya, may hawak itong bata sa kamay na sa tingin ko ay 2 years old palang habang sa kaliwang kamay naman niya ay may malaki itong hawak na bag.

I can't clearly see the woman's face dahil medyo madilim na sa garden at tanging orange light lang na nanggagaling sa poste ang nagpapaliwanag sa lugar namin.

Nang makalapit na ito sa akin ay ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang babaeng nakasunod kay Isaac.

Tell me, am I dreaming? Kung panaginip lang ito sana ay hindi na ako magising.

After so many years, ngayon ko lang ulit siya nakita. Maganda pa rin siya pero umiksi na ang buhok niya na hanggang balikat nalang niya. She's such a pure angel. Mas nadepina ang maganda niyang katawan sa suot niyang longsleeves white dress. Nandoon pa rin ang nakakaakit at mapupungay niyang mga mata.

My tear automatically fell while I'm looking at this lovely woman in front of me. Napatayo ako habang unti-unti akong lumapit sa kanya. She also cried too at pagkatapos ay wala na akong inaksayang panahon para yakapin siya ng mahigpit.

My wife is here. My Rebecca is now in front of me.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak at yumugyog na ang mga balikat ko sa yakap niya. God knows how much I missed her scent and existence.

"Babyloves, y-you're here..." Nanginginig kong sabi at sandali akong napakalas sa pagkakayakap ko  sa kanya at sinapo ang buong mukha niya.

Hindi ako makapaniwala! Nasa harapan ko na nga ang asawa ko.

"I-Ikaw ba si Messiah Avenido? K-Kapatid ka ba ni Eliezer?" Nauutal pa niyang tanong habang nakakunot ang noo.

Napatingin naman ako saglit kay Isaac na nagtataka rin dahil sa sinabi ni Rebecca. Tinignan ko ulit si Rebecca at kaagad na tumango.

"Oo, ako nga si Messiah. You're my wife and Eli is my brother. Why? Hindi mo ba ako maalala? and why you mentioned Eli?" Naguguluhan kong tanong.

Rebecca sat on a chair at inilapag nito sa bermuda grass ang malaking bag na hawak niya. Binuhat naman nito sa lap niya ang batang babaeng kasama niya.

"S-Sinabi niya kasing ikaw daw ang tunay kong asawa. Wala akong maalala na naging asawa kita. Ayaw na ni Eli sa akin, hindi na niya ako mahal at pinapaalis na niya ako sa bahay namin. Isinama ko na ang anak naming si Eliara dahil ayaw na rin siyang makita pa ni Eli. Hindi daw Messiah ang tunay niyang pangalan kundi Eliezer." Humagulgol na ng iyak si Rebecca at napatakip ito sa mukha niya.

Nakatingin lang sa kanya ang batang babae habang umiiyak siya at wala itong ideya sa nangyayari kay Rebecca.

Hindi kaagad maiproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Rebecca at nang malinawan na ako ay doon na tuluyang kumuyom ang mga kamao ko sa galit at pagkamuhi.

Eli abducted Rebecca at nagkaanak pa sila. Sinabi pa niyang Messiah ang pangalan niya? Nakonsensya na siguro ang gago kaya niya binalik si Rebecca dito at ang anak daw nila.

"H-How you manage to went here?" Tanong naman ni Isaac na lumapit kay Rebecca.

Sandaling huminto sa pag-iyak si Rebecca at napanganga pa ito nang makita si Isaac. "Hinatid kami ng isa sa mga tauhan ni Eli papunta dito." Malungkot na sabi ni Rebecca.

I'm looking at Rebecca intently. I see the sadness on her face while mentioning Eli. She looks so much in love to him. She also looks to have an amnesia too. Hindi niya ako maalala at ang anak naming si Isaiah.

Oh shit! Why the hell is this happening? Binalik nga sa akin ang asawa ko pero mukhang wala pa siyang matandaan sa mga nakaraan niya?

Kumabog ang dibdib ko nang muli akong tinignan ni Rebecca. Iyong tingin niya na may pagmamahal para sa akin ay parang nawala na iyon sa mga mata niya. Nakikita ko na puro nalang iyon pagtataka na para bang hindi niya pa ako nakilala maski sa buong buhay niya.

Mas lalong umusbong ang galit ko para kay Eli. Nagmana talaga siya sa Tatay niyang may sakit sa pag-iisip at masyadong naobsessed sa isang babae. Bakit ba hindi ko kaagad naisip na kinuha lang pala niya si Rebecca? Nagsayang lang ako ng tatlong taon sa paghahanap sa wala!

"M-May binigay na sulat sa akin si Eli bago kami umalis kanina ng anak ko sa bahay nila. Ibigay ko raw sa'yo ito at basahin mo." Lumapit sa akin si Rebecca at may binigay siyang puting sobre na kinuha niya mula sa malaking bag na dala niya.

Kinuha ko naman ito at tinitigan muna si Rebecca bago buksan ang puting sobre. Lumapit naman sa akin si Isaac para basahin rin ang sulat. Nang binasa ko ito ay mas lalo pang tumindi ang emosyon at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kuya Messiah,

Alam ko na habang binabasa mo 'to ay nabalik ko na sa'yo si Rebecca. Una sa lahat, patawad sa mga nagawa ko. Kinidnap ko si Rebecca 3 years ago dahil sa paghahangad kong makuha siya sa'yo. Nagpakalayo-layo ako ng dalawang taon noon dahil hindi ko matanggap na kasal na kayo at may anak na rin. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal hindi ba?

Noong nawala ako ay nagpayaman ako dito sa Mindanao. Dito ako tumira at nagkaroon ng mga ilegal na trabaho. Nagback fire ang lahat ng plano ko dahil target na ako ngayon ng mga sindikato na kinaibigan ko noon at tumulong para maging makapangyarihan ako pero sa huli ay magiging kalaban ko rin pala.

Kinuha ko mismo si Rebecca sa beach resort sa Oriental Mindoro 3 years ago at dinala siya dito sa Mindanao. Wala siyang maalala sa lahat ng nakaraan niya dahil nagpatulong ako sa isa sa mga magagaling na maghipnotismo dito sa Mindanao para burahin ang lahat ng alaala niya at makalimutan ka niya.

Nagtagumpay ako sa plano ko dahil sa loob ng tatlong taon ay alam kong minahal niya ako at nagkaroon pa kami ng anak na babae. Pero kahit na mahal niya ako ngayon ay patuloy pa rin niyang binabanggit ang pangalan mo at pangalan ng anak niyo sa tuwing matutulog kaming magkatabi sa kama.

Hindi pa tuluyang nabubura ang lahat ng alaala niya at sinabi mismo ng nanghipnotismo kay Rebecca na di kalaunan ay babalik rin ang lahat ng alaala nito dahil sa kapangyarihan ng pagmamahal niya sa'yo.

Masakit man ay tuluyan ko nang pinalaya si Rebecca at ang anak namin para makasama mo. Nanganganib na rin ang buhay ko ngayon dito sa Mindanao at ayokong madamay pa sila sa gulong nangyayari sa akin ngayon. Alagaan mo si Rebecca kuya, tanggap ko nang sa'yo lang siya at kailanman ay hindi magiging sa akin. Patawad kung pinagkait ko ang kaligayahan niyong dalawa. Alagaan at ituring mo na rin na parang anak mo si Eliara.

Patawad sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo. Alam kong galit na galit ka sa akin ngayon at gusto mo na akong patayin pero hindi mo na kailangang gawin iyon dahil mamamatay na rin naman ako ngayon mismo o sa mga susunod pang araw.

Mahal na mahal ko si Rebecca pero alam kong kahit nabura pa ang alaala niya at minahal niya ako, sa huli ay ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin niya. Patawad sa lahat, Kuya. Nagsisisi na ako sa mga nagawa ko.

-Eliezer

Doon ay naliwanagan na ako sa lahat. Naiintindihan ko na. Napasigaw nalang ako sa galit na nararamdaman ko at pilit akong pinapakalma ni Isaac na nabasa rin ang sulat. Sinabunutan ko ang buhok ko sa inis at napayuko nalang pagkatapos.

Napaiyak na ako muli nang tuluyan at lumuhod sa bermuda grass dahil sa panghihina. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit dahil sa mga nalaman ko.

Pinaglaruan kami ng tadhana.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin at napatulala ako nang makita si Rebecca na lumuluha habang nakatingin sa akin ng malungkot. May bigla namang yumakap sa binti ko at iyon ang batang babae na anak ni Eli.

"Huwag po kayong iyak, Mamang pogi." Malambing na sabi nung bata na ikinalambot bigla puso ko.

Rebecca suddenly wipe my tears and she's now caressing my hair.

"Ikaw ang asawa ko, 'di ba? Ngayong itinakwil na kami ni Eli ay ikaw na ang dapat mahalin ko. Hindi man kita maalala ngayon pero nararamdaman ng puso ko na naging malaking parte ka ng pagkatao ko. Sana kahit may anak na ako sa iba ay mamahalin mo rin siya dahil mahal na mahal ko si Eliara." Nakangiting sabi ni Rebecca at hinimas rin niya ang buhok ng anak niyang babae.

Bigla ay kinabig ko si Rebecca at hinalikan siya sa labi na ikinagulat niya pero hindi kalaunan ay hinalikan niya rin ako pabalik.

I kissed her passionately with care and love. How I miss her kisses! Nangulila ako sa kanya ng matagal na panahon at ngayong nagbalik na ulit sya ay hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa akin. Mamahalin ko siya ng higit pa sa sarili ko at kahit may anak pa siya kay Eli ay mamahalin ko rin ito gaya ng pagmamahal ko sa anak naming si Isaiah.

Pagkatapos kong halikan si Rebecca ay tinitigan ko siya sa magaganda at kulay tsokolate niyang mga mata. Walang nagbago, maganda pa rin siya at nakakaakit.

"I promise that I will be a good husband to you. Aalagaan ko kayo ng mga anak natin." Sabi ko.

"Natin?" Nagtataka niyang tanong.

Tumango naman ako hanggang sa bigla nalang lumabas si Isaiah sa bahay at patakbo itong pumunta sa gawi namin habang naka pajamas pa. Nakasunod naman sa kanya si Isaac na nakangiti habang nakahalukipkip.

"Dada!" Salubong sa akin ni Isaiah at kaagad niya akong niyakap pagkalapit niya sa akin.

"My baby boy is here," Nakangiti ko namang sabi nang inupo ko siya sa mga hita ko.

Natulala si Rebecca nang makita niya si Isaiah na nakatingin rin sa kanya. Si Eliara naman ay nakatitig lang kay Isaiah habang nakalabi.

"Rebecca, this is our son, Isaiah."

Napangiti naman si Rebecca habang umiiyak at kaagad niyang kinuha mula sa kandungan ko si Isaiah na nagtatangkang nakatingin sa kanya.

"Anak ko ba talaga siya, Messiah?" Gulat na tanong ni Rebecca sa akin. Tumango naman ako.

"Mama mo ako, Isaiah." Umiiyak na sabi ni Rebecca at niyakap si Isaiah nang mahigpit.

Nagulat naman ako nang umiyak rin si Isaiah. "Mama ko! Dito na mama ko!" Umiiyak na sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanila habang umiiyak. Maging si Isaac ay pasimple na rin na umiiyak habang nakatingin sa amin. Isaiah was longing for his mother since then.

"Isaiah, si Eliara pala, baby sister mo." Napasinghot pa ako habang ipinakilala naman si Eliara na kaagad nilapitan ni Isaiah at niyakap rin.

"Hi baby sister! Ako Kuya Isaiah mo. I protect you, okay? Because I'm your kuya." Nakangiting sabi ni Isaiah kay Eliara na tumango lang sa sinabi niya.

Napangiti naman kami ni Rebecca habang pinagmamasdan ang dalawang anak namin na mukhang nagkakaintindihan na sa mga bagay-bagay.

Umakbay ako kay Rebecca na nakatingin na sa akin.

"Starting from now on, we will going to be a happy family, Rebecca. You will fall for me again and we will make a good memories together with our child."

Tumango naman siya and she held my hand na mas lalo pang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

I really love this woman.

"Gagawin ko rin ang lahat para mas makilala pa kitang lalo. Wala man akong maalala sa nakaraan natin noon at hindi ko maintindihan kung bakit dinala kami ni Eli dito ay alam kong importanteng tao ka sa buhay ko na kailangan kong pahalagahan at mahalin." Sabi naman niya.

"I love you, Babyloves..."

Ngumiti siya sa akin at hinilig ang ulo niya sa balikat ko.

Wala na akong ibang mahihiling pa. Nakabalik na ang asawa ko at sisiguraduhin kong magiging masaya at buo kaming pamilya.

I will possessed her until my death because Rebecca Milan-Avenido is my wife and my only love.

---
#

Continue Reading

You'll Also Like

206K 4.1K 54
AriaƱa Monhito is an International Prosecutor who work hard in her father's law firm. Aria is given reports to file a case togetherwith the beast in...
355K 4.6K 38
I love Jesus and him who created all the non living and living things. I love all his creation. But the more I love is, His Follower, which is the P...
116K 5.8K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
6.4K 363 27
Ember Vernon has an unhappy marriage life with his fixed husband. She already had a daughter yet she still look sexy and alluring to the eyes of the...