South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.2M 745K 523K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 15

152K 8.9K 3.6K
By JFstories

JORDAN MOISES HERRERA KISSED ME AGAIN!

Ang lambot at ang init ng mga labi niya. Nakakalasing ang mabango niyang hininga.

Katulad noong una, nawindang ako ng ilang segundo. Nang lumaon ay kusa nang pumikit ang mga mata ko. Kinailangan kong kumapit sa mesa habang nakatingala dahil para akong hinihigop, kahit magaan lang naman ang pag-atake niya. 

Nang tigilan niya ang paghalik sa akin ay pareho naming habol ang aming paghinga. Nakakapaso ang mga titig niya habang nakatungo at nakatingin sa aking mukha.

Humihingal ako nang magsalita. "B-bakit mo ko kiniss?"

"Magsusumbong ka?" humihingal din na balik-tanong niya. Bahagya pang basa ang mapula niyang mga labi.

Pigil ang ngisi na umiling ako.

Nang lumayo siya sa akin ay bumalik siya sa inalisan niyang upuan. Iyong cake na pinatutusok niya kanina ay sinimulan niya ulit na kainin. Ginutom yata.

"Gusto ko rin cake." Ginutom din ako. Tumayo ako at nag-slice ng cake para sa akin.

Tahimik lang naman siya sa tabi ko. Tahimik lang kami na kumain ng cake. Hanggang sa maubos na ang nasa platito namin, tahimik pa rin kami. Nagpapakiramdaman. 'Tapos pinapakiramdaman ko rin iyong lips ko kasi  namaga yata. .

"Tubig?" alok ko sa kanya kasi sunod-sunod subo niya ng cake. 

Tumango siya pero siya ang tumayo para kumuha. Pinanood ko naman siya kung paano niya buksan ang ref namin at kung paano siya magsalin ng tubig mula sa pitsel. Napakapino at sigurado ng bawat galaw niya.

Paglagay niya ng baso sa harapan ko ay muli siyang naupo sa upuan. "Kakain ka pa ba ng dinner?" marahan tanong niya sa akin. Iyong parang mabait na siya ulit.

"Hmn?" Nilingon ko siya habang umiinom ako. Nakakagulat na naitanong niya iyon.

"Anong kakainin mo?" mahinahon pa rin ang kanyang tono. Napakabait, napakainosente na akala mo walang ginawang kahalayan kanina.

Ibinaba ko ang baso. "Ewan ko. Hindi kakain si Mommy kaya baka di na rin ako kumain."

Kung mag-usap kami ay casual lang, parang hindi kami nagpalitan ng laway at naubusan ng hininga sa pagki-kiss kanina. 

"Kumain ka," sabi niya na hindi sa akin nakatuon ang paningin.

"Anong kakainin? Wala namang pagkain diyan."

"'Sabi ng mommy mo, umorder ka."

"Katamad." Nangalumbaba ako. "Mabuti ka pa sa inyo, marami kang kasabay kumain."

"Past 7 na. Tapos na silang kumain," tukoy niya sa kanyang pamilya. "Wala na akong kasabay."

Napangisi ako at inilabas ang aking phone. "Kawawa naman pala tayo, pareho tayong walang kasabay. So ano? Oorder na ba ako ng dinner nating dalawa?"

Nang tumingin siya sa akin ay may naglalarong ngiti sa kanyang mapulang mga labi.

"Dami pang etching, gusto lang pala akong makasabay kumain," nakangising bubulong ako. 

Nang gabi ngang iyon ay nag-stay siya sa amin hanggang 8:00 pm. Umorder ako ng two orders of Jollibee chicken with rice and soda. Sabay kaming kumain. Tinulungan niya rin akong magligpit ng kinainan pagkatapos.

Wala kaming usapan sa buong sandali, pero ang mga mata namin ay nagkakaintindihan kapag nagkakatinginan kami. 

Nang pauwi na siya ay sinalakay ako ng kakaibang lungkot. "Ingat ka."

"Ako na magsasara ng gate niyo. Wag ka nang lumabas," bilin niya habang nagsusuot ng sapatos.

Tumango ako. May gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko talaga maisaboses. Siguro dahil hindi pa rin time.

Nang tumalikod na si Jordan ay napabuntong-hininga ako. Hanggang sa makaalis na siya ay bagsak ang balikat ko. Sa isang linggo ay matagal ko siyang hindi makikita dahil sembreak na.

Mamimiss niya kaya ako?

Kasi ako... tingin ko ay mamimiss ko siya...







MONDAY PERO WALA NG PASOK. Paglipas ng weekend ay dumating na nga ang sembreak.

Noon ay excited akong magsembreak, ngayon ay nanghahaba ang aking nguso. Gustong-gusto ko nang magpasukan ulit. Ayaw ko rito sa bahay, puro utos si Mommy, 'tapos di ko pa nasisilayan si Jordan.

Speaking of him, ano kayang ginagawa niya ngayon?

Ah, baka nag-aaral pa rin o kaya baka nagka-car wash ng kotse nila. Basa na naman kaya siya tapos nakalitaw na naman kaya iyong brief niya?

Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko dahil sa boredom. Lumabas na lang ako ng kwarto ko bago pa ako mabaliw. Pinuntahan ko si Mommy sa kusina. Naratnan ko siya roon na naglalagay ng moisturizing face sheet mask sa mukha.

"Mommy," tawag ko sa pansin niya. "Di ba dadalaw rito si Ninong?"

"Busy iyon. May inaasikasong negosyo sa Manila."

"Di na ba siya babalik sa Texas?"

"I don't know, darling."

"Sana bago siya bumalik, ipasyal niya tayo."

Natawa si Mommy. "At bakit niya naman gagawin iyon? Pamilya niya ba tayo?"

"Single siya, di ba? Pwede niya tayong maging pamilya. Ayos lang sa akin."

"Magtigil ka." Naiiling na minasahe niya ang mukha na may face sheet mask. "Ang maigi mong gawin, maglista ka na lang ng mga gusto mong mangyari sa debut mo."

"Okay lang sa akin magdebut basta pupunta si Ninong. Siya ang gusto kong first dance." Kahit hindi ko pa kilalang maigi si Ninong Luis ay mukha namang mabait ang lalaki. Single pa at obvious na obvious na may pagnanasa kay Mommy. Why not, di ba? Keri lang maging daddy ko siya.

"At paano ang daddy mo, aber?"

"Wala. Di siya invited."

"Carlyn," may pagbabanta sa boses ni Mommy. "Ayusin mo ang pakikitungo kay Lothario. Tatay mo siya."

Bubulong-bulong ako na bumalik sa kwarto ko. Padapa akong sumampa sa kama. Ichinat ko si Isaiah, hindi naman ako nireply ng lintek kahit online siya. Ano ba? Wala ba talagang nakakaalala sa akin maski isa?!

Quarter to 7:00pm nang magpop up ang chat head sa messenger ko. May pm si Miko.

Miko: Free ka? Birthday ng bagong GF ko. Lafang tas inuman. Taga sa Sta. Clara lang. Malapit sa inyo.

Nagningning agad ang mga mata ko. Ito na ang sagot sa boredom ko. Mabilis na nagtype ako ng reply.

Me: G! 

Miko: Ge. Bilisan mo. OTW na ako.

Bumalikwas agad ako ng alis sa kama at dinampot ang tuwalya ko na nakabalunbon sa sahig. Ginamit ko iyon nang maligo ako kagabi tapos nakalimutan kong ibalik sa hanger.

Pagkaligo ko ay naghanap agad akong isusuot sa closet. Napagdesisyunan kong piliin ang high waist faded skinny jeans at pinartneran ko ito ng maroon knitted rib Zara crop top. 

Nakalugay lang ang straight kong buhok at hindi ako naglagay ng kahit anong make up sa mukha. Maski lip tint ay hindi ako naglagay since mabubura rin naman mamaya kapag uminom ako. 

"Saan ka pupunta?" sita ni Mommy sa akin nang makita niya ako sa sala namin na ng nagsusuot ng Chuck Taylor sneakers.

"Birthday ng GF ng friend ko. Diyan lang sa may Sta. Clara."

"Hanggang anong oras ka naman doon?"

"Not sure, Mommy." Tumayo ako pagkatapos kong magsuot ng sapatos. "Pero diyan lang naman po iyon. Saka mabait at magpapakatiwalaan iyong friend ko, ihahatid ako pauwi. Plus, mga girls din malamang iyong bisita roon kasi babae iyong may birthday."

"Siguraduhin mo lang, Carlyn."

Ikiniss ko na siya sa pisngi. "Bye, Mommy!"

Tumalilis na agad ako paalis bago pa siya may sabihin. Sumakay na ako ng tricycle na special papuntang Sta. Clara.

Sa bukana pa lang ay sinalubong na ako ni Miko kasama ang bago niyang bebe.

Dumiretso na kami sa party. Wala naman gaanong bisita. Pulos mga kaedaran namin, mga estudyante ang naririto. Maraming handa at may videoke. Akala ko ay malilibang na ako rito.

Nag-enjoy naman ako sa party kahit paano. Hindi nga lang ako makapag-concentrate masyado dahil panay ang tingin ko sa aking phone. Kainis naman kasi si Jordan, kahit tuldok di man lang ma-wrong sent sa akin.

"Car, nu ba yang hinihintay mo?" tukso ni Miko sa akin nang lapitan niya ako. Nasa labas ako ng bahay ng may birthday.

"Wala!" Inirapan ko siya. "Bumalik ka na sa syota mo baka magselos na naman."

Paano'y kakaasikaso ni Miko sa akin ay mukhang nagselos ang bago niyang bebe. Masama ang tingin sa akin. Gusto ko na tuloy umuwi, kundi lang ako pinipigilan ni Miko. Wag ko raw siyang iwan at baka mapikot siya.

"Balikan mo na bebe mo roon!" taboy ko sa kanya.

"Hayaan mo siya." 

"Kaya walang tumagal sa 'yo dahil napakahayup mo." Tinawanan lang naman niya ang sinabi ko.

Magkatabi kami sa upuan sa labas ng lumapit ang syota niya na Queenie raw ang pangalan. Hindi friendly si Queenie, sa totoo lang.

"Mhine, tara na..." yaya niya kay Miko.

Mhine? Muntik ko nang mailuwa iyong nginunguya kong lumpia.

"Nag-start na ba sa loob?" Tumayo si Miko at nilingon ako. "Tara Car, sa loob na tayo. Inuman na."

"Ge, sunod ako." Nang wala na sila ay nagmuni-muni pa ako bago sumunod.

Nakailang check pa ako sa phone para lang malumbay sa huli dahil wala talaga akong nare-receive na text. Hay, ngayon lang talaga ako nairita sa sembreak.

Mga bandang alas nueve ng gabi ay nagpaalam na akong uuwi. Actually, kanina ko pa talaga gustong umuwi. Badtrip lang dahil iyong isa sa pinsan ng bebe ni Miko ay tinamaan yata sa akin. Ayaw akong pauwiin.

Nang sa wakas ay makatakas na ako, sumakay na agad ako ng jeep pauwi. Naka-dalawang shot lang ako kaya hindi ako nahihilo, pero gutom ako. Hindi kasi ako nakakain nang maayos doon dahil masama talaga tumingin si Queenie. Birthday wish ko sa kanya, sana magbreak na sila ni Miko.



♫ ♬

Just once

Can we find a way to finally make it right

Make the magic last for more than just one night

We could just get to it I know we could break

through it...





Sa eskinita pa lang ay dinig na dinig ko na ang kantahan sa videoke. Mga nag-iinuman siguro ang kumakanta dahil boses lasing. Mukhang may kasayahan din sa street namin. Teka, pasado alas diyes na, ah? Kailan kaya sila susugurin ng baranggay?

Paglabas ko ng eskinita ay nakita kong maraming tao sa gilid ng kalsada. May tolda pa na inabot hanggang sa tapat namin mismo. Ang mga sasakyan ay nasa dulo ng daan dahil wala ng maparadahan.

Napamura na lang ako sa isip. Kaya naman pala walang nagrereklamo sa baranggay dahil lahat ng kapitbahay yata ay kasama sa party-party.

"Carlyn!" tawag ni Aling Agnes nang makita ako. May bitbit siyang bandehado na may lamang pansit, biko at shanghai.

Nilapitan niya ako at inabot sa akin ang bandehado. Tinanggap ko naman kasi mukhang masarap, at saka gutom na rin talaga ako. Hindi ako gaanong nakakain sa pinuntahan ko.

"Birthday ng asawa ko," nakangiting sabi ni Aling Agnes, in good mood. "Dalhin mo ito sa mommy mo."

Ay, kabirthday ng syota ni Miko.

"Thank you po. Happy birthday sa asawa niyo po," sabi ko habang pinaglalawayan na ang handa, especially the shanghai.

"Kung di busy ang mommy mo, yayain mo lumabas dito. Maki-join naman kamo siya sa amin doon o." Itinuro niya ang umpukan nila nina Aling Barbara at ng iba pang co-nanay niya.

Pagtalikod ni Aling Agnes ay pumasok na ako sa gate ng bahay namin. Antok na ako pero gutom din kaya kakainin muna ako.

Pagpasok sa bahay ay hindi ko na binuksan ang ilaw sa sala. Dumiretso ako sa kusina na bitbit ang bandehado.

Kapit kamay tayong dal'wa

Nakangiti at kapwa masaya...



Hindi ako makanguya nang maayos dahil dinig na dinig ko hanggang rito ang sintunadong boses ng kung sino mang lintek na kumakanta ngayon sa videoke.



♪ ♫

At ang tunay na pagmamahal

Nakalarawan kahit kupas na

Isa itong yaman ng puso ko

Makulay na yugto ng buhay ko

Bumabalik ang ligayang lipas

Salamat sa larawang kupas...!

♫♫



Mukhang hindi ako makakatulog nito dahil sa ingay nila. Magtutuloy sana ako sa pagkain nang bigla akong may maulinigang kakaiba. May kung anong mahinang ingay na hindi galing sa labas.

Kinakabahang umalis ako ng kusina at nakiramdam sa paligid. Habang nakatayo sa hallway patungo sa mga kwarto ay muli kong narinig ang kakaibang ingay.

"Ahhhh..." ang ungol ay tila hirap at naghihingalo.

Nagpanic ako nang matiyak na ungol ni Mommy ang aking narinig. Nanakbo ako patungo sa kwarto niya para lamang muntik madulas dahil sa natapakan ko sa sahig. Napatungo ako upang tingan kung ano iyon.

Nagbutil-butil ang pawis sa aking noo nang makita kung ano ang nasa paahan ko. Naririto ang bra ni Mommy at ang bohemian dress na madalas niyang gamiting pambahay. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad para lang muling mapahinto sa leather belt na aking nakita sa sahig.

"Uhm... ah...." palakas pa nang palakas ang ungol mula sa kwarto ni Mommy habang papalapit ako. "Ahhh... Pleaseee..."

Nanginig ang katawan ko nang sumunod kong makita ang polo na kulay puti. Nasa mismong tapat ito ng pinto. Hindi ako tanga para hindi ko maunawaan kung ano ang talagang nangyayari sa loob ng kwarto ng mommy ko.

"Deeper, faster, I beg youuu..."

Napaatras ako kasabay nang pagtulog ng mga luha mula sa aking mga mata. She was doing it again... with dad, of course!

Nagtakip ako ng tainga dahil parang dudugo na ang mga ito sa naririnig. Tumalikod ako at walang lingon na lumabas ng bahay. Nasusuka ako at hindi ako makahinga. Nandidiri ako sa kanila!

"Ano, Carlyn, nasaan na mommy mo?" salubong ni Aling Agnes sa akin paglabas ko ng gate.

Pati si Aling Barbara ay lumapit. "Carlyn, tawagin mo mommy mo. Makibonding naman kamo siya rito."

Nilampasan ko sila at hindi sinagot. Hilam ang luha na nanakbo ako patungo sa eskinita. Tangina. Tangina naman talaga!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ayaw ko talaga munang umuwi. Ayaw kong makita sina Mommy at Daddy, kahit anino lang nila, ayaw kong makita.

Hindi ko kaya na makasama sila sa iisang bubong habang gumagawa sila ng kasalanan. Hindi ko kaya. Hindi ko masisikmura!

Habang naglalakad sa gilid ng madilim na daan ay inilabas ko ang aking phone. Sinubukan kong tawagan si Isaiah pero busy ang linya niya.

"Isaiah, gago ka please sagutin mo naman..." pakiusap ko sa phone.

Kailangan ko ng makakausap ngayon. Gusto kong malibang. Gusto ko rin sanang mag-inom. Nagtipa ako sa phone.



Me to Isaiah:

Saan ka? Tulog ka na ba? Sunduin mo naman ako pls. Tambay tayo sa plaza o kahit diyan na lang sainyo.



Nakarating na ako sa highway pero wala pa rin siyang reply. Bumilang pa ang ilang minuto bago ako makareceive ng text mula sa kanya.



Isaiah:

Pass, Car. Sorry, nag-away kasi kami kanina ni Vivi, magmomotor ako ngayon papunta sa kanila.



"Letse..." Napaiyak na ako sa frustration.



Tumambay ako sa madilim na waiting shed. Dito ako tahimik na umiyak at nagmumura. Pinapapak na ako ng lamok dito pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.

Nang tingnan ko ang oras ay 11:30pm na. Ang tagal ko na pala rito. Masakit na ang lalamunan ko at wala na akong mailuha, gayunpaman ayaw ko pa rin talagang umuwi sa bahay namin.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Madilim na at maski ang buwan ay hindi gaanong maliwanag. Madalang na rin ang dumaraang sasakyan. Hindi na ako pwedeng mag-stay pa rito sa waiting shed dahil baka mapahamak ako.

Inibalas ko ulit ang aking phone. Inisa-isa ko ang contacts ko. Pinakaisip ko kung sino sa kanila ang tatawagan ko. Napapagod na ako at gusto ko na lang sanang magpahinga, ang kaso kanino ako ngayon pupunta?

Kina Miko ay hindi ako pwede dahil lasing ngayon ang lintek na iyon, kina Asher naman ay masikip sa kanila, dagdag pa na marami siyang kapitbahay na chismosa, at kina Nelly, mas lalong hindi pwede. Mas siksikan sa kanila dahil nakikipisan doon ngayon ang ate niya na kakapanganak pa lang. Nandoon din iyong kuya niya at ang pamilya nito.

Huminto ang pag-scroll ko sa contacts nang makarating ako sa bagong contact na kakasave ko lang... number Jordan...

Number na buong sembreak kong hinihiling na sana contactin ako. Pero ni wrong sent, hindi man lang ako nakatanggap mula sa kanya. 

Hindi ko alam kung gising pa ba siya sa mga oras na ito. Tumayo ako at umalis ng waiting shed. Nang may dumaang jeep na papuntang Pascam ay hindi nag-iisip na pumara ako at sumakay.

Natutuliro ako sa gagawin. Pagod na talaga ako, gutom at inaantok. Wala na ako sa huwisyo. Nang makita ko ang papasok sa subdivision nina Jordan ay pumara ako. 

Nagpaubos pa ako ng ilang minuto pa sa tapat ng kalsada bago ko lakas-loob na pinindot ang call sa number niya. Bahala na.

Hindi niya sinasagot. Siguro tulog na siya. Malungkot na titigilan ko na sana ang call at aalis na ako nang biglang may sumagot sa kabilang linya.

[ Hello? ] Maaligasgas ang malalim na boses. Mukhang nagising lang dahil sa tawag ko.

Hindi ko napigilang mapahikbi nang marinig ang boses niya. "Jordan..."

Sandali siyang natigilan sa kabilang linya. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa panginginig ng boses ko o baka narinig niya ang aking paghikbi. Pwede rin namang baka inaantok pa siya at feeling niya, nananaginip pa siya.

May dumaang tricycle sa harapan ko at malamang na narinig niya rin iyon. Mayamaya ay narinig ko na siyang nagsalita ulit.

[ Where are you? ]

This time ay tuwid na ang boses niya. Feeling ko, gising na gising na siya.

Napalunok ako bago sumagot. "N-nandito sa labas ng subdivision niyo..."

[ Wait me there. Wag mong ibababa ang phone. ]

Napakurap ako. Ha? Ano raw? Lalabas talaga siya? Pupuntahan niya ako rito?

Mayamaya ay natanaw ko na nga si Jordan na palabas ng gate ng subdivision. Pakiramdam ko ay sumipa ang puso ko sa loob ng aking dibdib pagkakita ko sa kanya.

Nang tumawid siya sa kalsada papunta sa akin ay pigil-pigil ko ang aking paghinga habang nakatingin sa kanya. Naka-tshirt siya na plain light blue at pajama na kulay grey. Magulo-gulo pa ang kanyang buhok na halatang kababangon lang sa kama. Mukhang nagising nga lang talaga siya dahil sa akin.

"What happened?" tanong niya agad nang nasa harapan ko na siya.

"Si Mommy..." Nahihiyang yumuko ako. "B-basta ayaw ko... muna sanang umuwi sa amin..."

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang hindi siya nagsalita.

Kahit nahihiya ay lakas loob akong nagbaka sakali. "P-pwede bang makitulog muna sa inyo?"

Kinakabahan ako sa isasagot niya, alam ko naman na hindi siya papayag at pauuwiin niya ako, pero nagulat ako nang hulihin niya ang aking pulso.

"Jordan..." gulat na sambit ko sa pangalan niya. Nang tingalain ko siya ay malalim siyang nakatitig sa akin.

"Halika na," pagkasabi'y hinila niya na ako pasunod sa kanya. 

JF

Continue Reading

You'll Also Like

Once Upon A Murder By William

Mystery / Thriller

129 57 7
I never really had a clue, that in just one night I become a detective. Story Copyright: I would not allowed my story to be used or adapted in any...
26.6K 548 4
[Published under TBC] [Published under Kpub PH: September 9 2021] Date started: September 18 2019 Date fin: Feb 18 2020
736K 37.2K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...