Imperial Throne

By dwynnette

2.6K 651 512

You are the precious thing that I am willing to protect. More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-Apat na Kabanata
Ika-Limang Kabanata
Ika-Anim na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Dalawang Kabanata

Ika-Labing Tatlong Kabanata

15 2 0
By dwynnette

HINDI ko alam anong gagawin ko sa mga oras na ito. Nakatingin lamang ako sa kaniya na may umaapaw na gulat sa aking mukha.

Hindi ko lubos inasahan na makita ko si Ryeo... na s'ya ang taong magdadala sa akin sa lugar na ito... na siya ang taong humila sa akin kanina. Gayunpaman, bumalot rin sa aking mukha ang matinding pagtataka. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa?... kung bakit niya ako nagawang tulungan na makatakas mula sa mga kawal? Ngunit, ang bumabagabag sa aking isipan ay ang bagay kung ano ang kaniyang ginagawa sa lugar na iyon?... bakit siya nandoon?

Sumeryoso ang kaniyang mukha at binigyan ako ng mga matatalim na tingin. "Ano bang pumasok sa iyong utak at nagawa mo ang bagay na iyon?" Base sa tono ng kaniyang pananalita ay tila alam niya ang nangyayari... tila alam niya ang aking ginawa.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na mapigilang mapakunot-noo. "Ano bang pakialam mo, ha?"

"Ano ba talaga ang binabalak mong gawin, ha?"

"Bakit? Kapag sinabi ko ba sa iyo ay sasabihin mo rin ba sa hari---ay mali, sa iyong ama?"

"Paano kung gawin ko ang bagay na iyan? Anong gagawin mo?"

Tumalim ang aking tingin. "Kung ganoon, kamatayan ang iyong haharapin. Papatayin kita kung iyan lamang ang tanging paraan para manahimik ka." Hindi siya nagsalita at nanatili lamang tahimik. Ni wala rin akong nakikitang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Kung tutuusin, hindi ako magdadalawang isip na patayin siya lalo na't marami na siyang nalalaman tungkol sa akin. Hindi ko hahayaang siya ang magiging balakid sa aking hangarin.

"Kaya kung may balak ka na pigilan ako o mangialam sa mga binabalak kong gawin, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Binabalaan kita, Prinsipe Ryeo." Banta ko at sinadyang diinan ang pagkakasabi ng salitang 'prinsipe'.

Nang wala na akong sasabibin ay napagpasyahan ko ng umalis at iniwan siyang nakatunganga. Binilisan ko rin ang aking paglalakad upang hindi niya ako mahabol o masundan.

Habang naglalakad ay marahan ko namang pinunasan ang aking mga kamay na nababalutan ng dugo na nakuha ko doon sa napatay kong kawal kanina. Maingat ko ring binalik sa pagkakatali ang tela sa aking kaliwang pulso kung saan naroon ang aking faték.

Bigla naman akong napatigil nang maalala ang naging usapan naming dalawa ni Ryeo noon... noong ikinuwento niya ang tungkol sa faték na ito at ang nakaraan ng aming tribo. Hindi ko maiwasang isipin ang bagay na alam niya ang lahat ng tungkol sa amin gayo'y isa siyang prinsipe at hindi nararapat sa isang prinsipe na magkaroon ng ugnayan sa aming tribo na s'yang tinuring na kaaway. Tila wala man lamang siyang pakialam na ang kaniyang kaalaman niyang iyon ay maaaring magdala sa kaniya sa kapahamakan.

"Ano kaya ang ginagawa ng isang tagapaglingkod sa lugar na ito ng ganitong oras?" Muntikan na akong mapasigaw nang may bigla na lamang akong marinig na boses.

Aking nilibot ang aking paningin sa paligid ngunit wala akong nakitang ibang tao bukod sa akin. Kung kaya't napagpasyahan ko na lamang na umalis at isinawalang-bahala ang aking narinig. Subalit, may napansin akong may gumalaw sa madilim na bahagi ng puno. Tinignan ko ito ng maigi at ako'y naalarma nang maanigan ang pigura ng isang lalaki. Hindi malinaw sa akin ang mukha nito sapagkat napakadilim.

Maya't maya ay namataan ko itong naglakad palapit sa akin. Napaatras ako ng kaunti at hinawakan ang isa ko pang patalim na nakatago sa aking likod. Dahan-dahan lamang ang kaniyang lakad at wala man lamang akong nakitaan ng kakaiba sa kaniyang kilos. Ngunit, hinanda ko pa rin ang sarili sa maaari niyang gawin, lalo na't hindi ko pa alam kung sino siya.

Nang makaalis sa kadiliman at tumama ang liwanag ng buwan sa kaniyang mukha ay doon ko lamang napagtanto kung sino ito.

"Ikaw po pala iyan, Prinsipe Hyeok." Sambit ko at agad na yumuko bilang pagbigay-galang. Bahagya ko ring inayos ang aking sarili.

Napansin ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa at bahagyang sumingkit ang kaniyang mga mata nang makita ang aking suot. Tila nagkaroon siya ng pagtataka nang makita itong puro itim.

Binalik niya muli ang kaniyang tingin sa akin at nagsalita. "Oras na ng kurpyo. Bakit nandito ka pa?" Seryoso niyang giit.

"A-ano... nais ko lamang pong magpahangin."

"Kung ganoon, bakit ganiyan ang iyong kasuotan?"

Bigla akong natahimik at napalunok. Kung saan-saan ko rin binabaling ang aking tingin, makahanap lamang ng maisasagot.

'Hays! Bahala na."

"Ito po kasi ang binigay sa akin na pamalit kanina kung kaya't wala akong nagawa kundi ang suotin na lamang ito."

Lalong sumingit ang kaniyang mga mata at halatang hindi naniniwala sa aking sinabi. Tila nagkaroon pa ito ng hinala. "Talaga bang magpapahangin lamang ang pakay mo rito?... o 'di kaya naman may iba ka pang ibig na gawin bukod doon?"

Wala sa sarili akong tumango. "O-opo, Kamahalan. Iyon lamang ang aking ibig na gawin."

Hindi siya nagsalita, bagkus tinignan niya lamang ako ng maimtim. Wala akong nagawa sa pagkakataong iyon kundi ang yumuko lamang.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kanina, habang kaharap si Ryeo, para akong tigre na sobrang tapang at hindi man lamang nagpapakita ng kahit anong takot. Subalit, ngayon, habang kaharap si Prinsipe Hyeok, bigla na lamang akong naging tuta. Siguro dahil iyon sa presensyang dala ng prinsipe. Base sa aking pag-oobserba, may matalas na pag-iisip ang prinsipe at madali niyang nababasa ang galaw ng isang tao. Kaya naman nagiging maingat ako dahil ayaw ko na mabasa niya rin ang aking galaw at malaman ang tungkol sa akin.

"Alam mo, sa tuwing nakikita kita, tila may kakaiba akong nararamdaman... tila may kakaiba sa iyo na s'yang dapat na tutukan." Bigla akong natahimik at hindi nakapagsalita.

'Ito na nga ba ang sinasabi ko.'

"O'siya, bumalik ka na sa iyong silid."

"Opo, Kamahalan." Nagawa kong yumuko muna bago umalis. Subalit, hindi pa ako nakakalayo nang tinanaw ko muli siya. Hindi ko alam kung ako lamang ba ito o ano, sapagkat napapansin kong may kakaiba sa kaniyang mga tingin kanina... tila sinasabi nito na nagkakaroon siya ng hinala sa akin.

~ ~ ~ ~ ~

"ANONG meron? Bakit may maraming mga kawal?" Nagtataka kong tanong kay Lynn. Napadaan kasi kami sa Gyeongbokgung at nakita ang mga kawal na nakalinya sa harap ng gusali. Ang gusaling iyon, doon ginaganap ang mga pagpupulong ng hari at ang mga mahahalagang opisyal. Malaki at malawak ang loob no'n at unang pasok pa lamang ay makikita kaagad ang trono ng hari na s'yang inuupuan nito. Minsan na akong nakapasok doon noong inutusan kaming dalhan ng tsaa ang hari.

Bumalik ang tingin ko sa mga kawal. Nakatayo lamang sila at hindi iniinda ang sikat ng araw. Sa harap nila ay nakatayo si Haring Sejoong habang nasa likod naman niya ang kaniyang kanang-kamay. Sa likod ng kanang-kamay ay makikita ang ilang ministro na tahimik na nakatayo. May isang lalaki naman ang tumayo sa gilid ng hari at kasulukuyang binabasa ang nakapaloob sa hawak niyang hanji.

"May nakapasok kasing isang Althean sa silid ng hari kagabi, kung kaya't pinagbigay-alam nila iyon sa lahat ng mga kawal upang maging alerto. Napag-alaman ko rin na damihan at lalong higpitan ang mga bantay dito sa palasyo." Kaugara niyang sagot sa aking katanungan.

Hindi na ako nagbigay pa ng karagdagang katanungan ukol sa kaniyang sinabi at pinagmamasdan na lamang ang mga kawal. Natatandaan ko na ang ilang sa kanila ay iyon 'yong mga humahabol sa akin kagabi.

Napagpasyahan kong hindi na muna aalis dito sa palasyo hangga't hindi pa rin ako nakakaganti sa haring iyon. Alam kong napakadelikado na ang mananatili pa dito matapos no'ng nangyari kagabi at gaya ng sinabi ni Lynn ay mas lalong hihigpitan ang bantay. Sa bagay na iyon ay talagang mahihirapan na akong maisagawa ang aking misyon. Gayunpaman, habang nandito ako ay kailangan kong mag-ingat at hindi gumawa ng kahit anong kilos na s'yang kahina-hinala sa mata ng mga opisyal. Kailangan ko ring pag-aralan ang bawat pasikot-sikot nitong palasyo.

"Malapit na pala ang pagdiriwang ng Hansik. Tiyak akong abala ang lahat sa paghahanda nito." Biglang sambit ni Lynn habang kami ay naglalakad. Bahagya akong napatigil at binigyan siya ng mga nagtatakang tingin.

"Hansik?"

"Isa iyong malaking pagdiriwang na s'yang ginaganap sa buwan ng abril. Dinidiwang nito ang pagsisimula ng pagsasaka. Naging tradisyon na ang bagay na iyon dito at taon-taon pipili ang mga ministro mula sa mga prinsipe kung sino sa kanila ang aatasan na mangunguna sa ritwal."

"Ah, may gano'n pala dito?"

"Oo naman. Teka, bakit parang wala kang alam tungkol dito?"

Kaugara kong inalis ang tingin sa kaniya at napakamot ng batok. "A-ano kasi, wala kasi sa isipan ko ang bagay na iyon. Ako kasi iyong tipo na hindi mahilig sa mga ganoong pagdiriwang kaya hindi ko na ito tinatandaan." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kasugutang iyon pero base sa aking nakikita ay mukhang naniniwala naman siya sa aking sinabi. "Nabanggit mo rin kanina ang tungkol sa ritwal. Ano nga palang klaseng ritwal ang gagawin ng prinsipe?"

"Ah, iyon? Iyon 'yong ritwal na gagawin para sa diyosa ng agrikultura na si Jacheongbi. Kung sino man ang mapipili sa isa sa mga prinsipe ay magtutungo ito sa bundok ng Seongsan na kung saan naroroon ang templo ng diyosa at magsasagawa ng isang ritwal na kung saan ay humihiling na magkaroong ng maganda at masaganang pagsasaka ang mga tao. Kung tutuusin, noong nakaraang taon, si Prinsipe Jihwan ang napili. Subalit, nagkaroon noon ng malaking eksena habang nasa kalagitnaan ng ritwal."

"Anong eksena?"

"Habang isinasagawa kasi ng prinsipe ang ritwal ay may isang tao na lamang ang biglang sumulpot at gumawa ng eksena sa gitna ng ritwal na kung saan ay bigla niyang pinagtatapunan ang mga alay para sa diyosa at muntikan pa nga niyang saksakin ng patalim ang prinsipe. Buti na lamang ay kumilos kaagad ang mga kawal at agad napigilan ang taong iyon."

"Anong dahilan kung bakit niya ginawa iyon?"

Nagkibit-balikan naman siya. "Walang nakakaalam. Pero sinasabi ng iba ay isa umanong baliw ang taong iyon." Kahit ganoon, nakakawalang respeto pa rin ang bagay na iyon sa parte ni Prinsipe Jihwan. Nagsikap ang prinsipe na gawin ang ritwal na iyon upang gampanan ang kaniyang tungkulin. Bukod din doon ay umaasa rin ang lahat sa kaniya, tapos isisirain lamang ng ganoon-ganoon?

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. May bitbit kaming mga kahon na naglalaman ng mga bagong suplay ng halamang gamot. Bago lamang ito dumating na s'yang galing sa Artemesia at dadalhin namin ito sa silid ni Leidi Wheein upang kaniyang masuri.

Ngunit, bigla kaming napatigil nang makita ang paparating na isang lalaki na nakasuot ng panghukbong kasuotan at may bitbit na espada. Sa likod nito nakasunod ang dalawang kawal.

"Magandang umaga, Ministro Jang." Biglang bati ni Lynn nang mapadaan ito sa amin. Gaya niya ay yumuko rin ako bilang pagbigay-galang sa ministro kahit hindi ko ito kilala. Ngunit, hindi man lamang ang kami nito pinansin. Dire-diretso lamang ang kaniyang lakad hanggang sa malagpasan kami.

"Sino ang ministrong iyon?" Tanong ko nang makaalis ang ministro.

"Si Ministro Jang Jaehyun. S'ya iyong sinasabi ko sa iyo noon na unang anak ni Sri Jang at ang nakakatandang kapatid ni Leidi Seohyun. Katunayan, siya ang pinakabatang ministro dito sa palasyo." Kung ganoon, siya pala iyong tinutukoy niya na ministro ng digmaan.

Kung titignan, hindi ko matatanggi na napakatipuno niyang tao at tindig pa lamang niya ay nakapagbibigay hinuha na kung anong klaseng tao meron siya. Meron din siyang itsura na s'yang tatangkilikin ng mga kababaehan at kung susukatin ay talagang napakatangkad niya. Subalit, parang naramdaman akong kakaiba sa kaniya. Tila, may parte sa akin ang sinasabi na mag-iingat ako sa kaniya.

~ ~ ~ ~ ~

ORAS ng pahinga at kasulukuyan akong naghahanap ng lugar na mapaghingahan hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa may lawa na kung saan ako dinala ni Ryeo kagabi. Bigla kong napatigil at napatitig sa kumikinang na tubig gawa ng sinig ng araw na rumerepleksyon dito.

Bigla kong naalala iyong usapan naming dalawa ni Ryeo na kung saan ay nagawa ko siyang bantaan. Ang bagay na aking ginawa ay isa lamang iyon na babala. Wala sa isip ko ang idamay siya sa galit ko sa hari, subalit kung nais niyang mangialam o humarang sa mga plano ko ay hindi ko magdadalawang isip na gawin ang bagay na iyon sa kaniya... ang patayin rin siya gaya ng gagawin ko sa kaniyang ama.

Aalis na sana ako nang may marinig akong pamilyar na boses sa 'di kalayuan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon sundan. Hanggang sa makarating ako sa kabilang bahagi ng lawa na kung saan ay nakita ko si Prinsipe Eun na nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Seryoso ang mukha nito habang may hawak na isang hanji at may kung anong salita ang binibigkas.

"S-su lib-libre." Noong una ay hindi ko pa naiintindihan ang kaniyang sinasabi pero habang paulit-ulit niya itong binibigkas ay naunawan ko rin ang salitang iyon at doon na nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko na isa iyong salitang Antean.

"Su l-lebrey." Hindi ko alam kung paano alam ng prinsipe ang salitang iyon... kung paano siya nakakapagsalita ng aming lengguwahe sapagkat hindi nararapat sa isang prinsipe ang banggitin o pag-usapan ang tungkol sa amin.

Kahit labag sa kalooban ay napagpasyahan ko siyang lapitan at kausapin, nang sa gano'n ay malaman ko ang kaniyang dahilan ukol sa bagay na iyon. Ngunit, hindi man lamang nito napansin ang aking presensya nang ako'y makarating sapagkat abala siya sa kaniyang ginagawa.

"Sui livré. Isang salita na ang ibig sabihin ay malaya." Bigla kong sambit upang makuha ang kaniyang atensyon. Gaya nga ng inaasahan ay lumingon siya sa aking direksyon at bakas sa kaniyang mukha ang matinding gulat nang makita ako, ngunit kaagad din iyon nawala at napalitan ng pagtataka.

"Lunacchi, ikaw pala iyan. Anong ginagawa mo dito?" Kaniyang tanong na s'yang sinagot ko rin ng isang katanungan.

"E, ikaw po, Kamahalan. Ano pong ginagawa niyo dito ng mag-isa?"

Bigla siyang tumawa. "Nagtanong ako tapos tanong rin ang isasagot mo. Iba ka rin, ano?" Hindi ako sumagot at sinabayan lamang ang kaniyang tawa, ngunit mahina lamang iyon.

Ilang saglit ay tumigil na siya at maimtim akong tinignan. "Nandito ako upang mag-aral para sa nalalapit naming pagsusulit."

"Kung ganoon po, bakit hindi sa silid-aklatan kayo mag-aral? Bakit dito?"

"Tahimik kasi at nakakaaliwalas ang lugar. Isa pa, ayaw ko rin doon, masyadong maingay ang aking mga kapatid. E, ikaw naman, anong ginagawa mo dito? Paano mo alam ang lugar na ito?"

"Ah, nandito ako upang tignan sana ang lugar. Nabanggit kasi ng isa kong kasamahan sa pagamutan na maganda umano ang lugar na ito, kung kaya't naisipan kong magtungo rito." Pagdadahilan ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na minsan na kong nakarating rito at si Ryeo pa mismo ang nagdala sa akin dito. Ako'y nababahala sa maaari niyang isipin sa oras na binahagi ko sa kaniyang ang tungkol sa bagay na iyon. Isa pa, hindi rin ako basta-bastang magsalita ng kung ano-ano sa harap ng kahit sinong prinsipe. Gaya nga ng aking sinabi ay kailangan kong mag-ingat sa mga gagawin kong kilos. Ayaw ko na magkaroon sila ng suspetsya sa akin.

Bahagya naman akong tumingin sa hawak niyang hanji. "Tungkol saan nga pala ang iyong pinag-aaralan, Kamahalan?"

"Ah ito? Tungkol sa mga Althean. Bahagi kasi sa aming pagsusulit ang tungkol sa kanilang tribo, kung kaya't kinakailangan ko itong pag-aralan." Bahagi ng pagsusulit? Bakit naging bahagi ng kanilang pagsusulit ang tungkol sa amin? Akala ko ba bawal ang pag-usapan ang tungkol sa aming tribo? Bakit tila nasali pa kami sa kanilang pagsusulit? Alam ba ito ng hari?

"Nga pala, saan mo nga pala natutunan 'yong salitang binanggit mo kanina?" Lumingon ako sa kaniya at hindi maitatago sa kaniyang mukha ang matinding pagtataka at halatang interesado siyang malaman ang aking kasagutan. Sa bagay na iyon ay nag-isip ako ng tamang sagot na ipapaukol sa kaniya. Hindi niya maaaring malaman na kaya ko alam iyon ay dahil isa akong Althean.

"A-ano... minsan ko na kasi narinig ang bagay na iyon mula sa taong kakilala ko noong ako pa ay naninirahan sa Soteria." Iyon rin ang bagay na sinabi ko kay Leidi Wheein noong kinausap niya ako sa unang araw ko sa pagamutan... na dati akong naninirahan sa maliit na bayan ng Soteria. Kung kaya't pangangatawan ko na lamang ang bagay na iyon.

"Kung ganoon ay nagmula ka pala sa Soteria?" Galak niyang tanong.

Bahagya akong tumayo. "Oo. Doon na rin ako lumaki. Bakit niyo nga pala naitanong?"

"Nagagalak lamang ako na malaman na taga-doon. Ibig ko kasi sanang magpunta doon." Bigla naman siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at binigyan ako ng mga makahulugang tingin. "Nais mo ba akong samahan doon?"

Ilang beses akong kumurap. "Ho?"

"Taga-doon ka kasi at kabisado mo ang lugar na iyon. Kung kaya't ibig ko sanang samahan mo ko doon. May nais lamang kasi akong puntahan at makita." Hindi kaagad ako makapagsalita at para akong tangang hindi alam ang gagawin.

Nako po! Ni hindi pa nga ako nakakapunta doon... ni hindi ko nga alam kung saan ang tamang daan papunta doon, e. Pagdadahilan ko lamang naman iyon na taga-soteria ako, e. Pero bakit naman ganito?

"Sige na, Lunacchi. Pumayag kana. Wala rin kasi akong ibang makakasama, e. Ni isa kasi sa aking mga kapatid ay ayaw akong samahan dahil sa takot na mapagalitan at maparusahan ni Ama. Mahigpit kasi niyang pinagbawal na pumunta ako doon."

"Gayunpaman, bakit ginusto niyo pa ring pumunta doon kahit bawal?"

Biglang napalitan ang ekspresyon sa kaniyang mukha at hindi ko alam kung ako lamang ba ito o ano, sapagkat nakikita kong may kung anong kalungkutan sa kaniyang mga mata. "Dahil iyon sa aking ina. Nais kong makita siya at alamin ang kaniyang kalagayan. Napag-alaman ko kasi na nagkaroon siya ng sakit at habang tumatagal ay lalo itong lumalala. Kaya't lubos ang aking pag-alala nang malaman iyon at nais ng magtungo doon."

"Kung ganoon, bakit hindi niyo sabihin sa hari ang iyong dahilan?"

"Hindi maaari. Nagkaroon kasi ng alitan sa pagitan ni Ama at ng mga angkan ni Ina ukol sa isang kasunduan na kanilang napag-usapan noon. Nadamay ako sa alitang iyon at nagawa akong ilayo ni Ama kay Ina. Sa bagay ring iyon ay pinagbawalan rin ako ni Ama na pumunta sa Soteria at makipagkita sa kaniya." Napakalupit talaga ng hari iyon. Paano niya nagawa ang bagay na ito sa prinsipe? Gaya ng iba ay nais niya rin namang makita ang kaniyang ina at mahagkan ito.

"Kaya naman, pagbigyan mo na ako sa bagay na ito. Sandali lamang naman tayo doon, e. Hindi naman tayo magtatagal." Pagmamakaawa niya at binigyan ako ng mga nagsusumamong tingin.

Bahagya naman akong bumugtong hininga. "Pag-iisipan ko muna, Kamahalan."

Gumuhit ang napakalawak nitong ngiti sa labi. "Oh s'ya, hihintayin ko ang iyong tugon." Bahagya naman niyang tinapik ang aking balikan at saka umalis. Kaugara naman akong yumuko at sinundan siya ng tingin.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Gusto kong tanggihan ang kaniyang hiling, ngunit hindi ko magawa. Naisip ko kasi ang kaniyang ina. Alam kong naghihintay rin ang kaniyang ina sa kaniya... nag-aabangan rin siya ng pagkakataon na magkita silang dalawa. Sino naman kasing magulang ang hindi gustong makita ang anak? Wala naman, hindi?

Subalit, naisip ko rin iyong sinumpaan kong bagay sa aking sarili... na kahit anong maaari ay kailangan kong iwasan ang mga prinsipe... hindi ako maaaring mapalapit sa kahit sino sa kanila. Pero, anong nangyari? Talagang nasangkot pa talaga ako sa binabalak na gawin ni Prinsipe Eun.

"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo na hindi ka naman talaga taga-doon?" Muntikan na akong mapatalon dahil sa gulat. Bahagya akong lumingon sa aking likuran at namataan si Ryeo na nakasandal sa puno habang magkasalikop ang dalawang bisig nito sa may dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noo kong tanong. Wala akong pakialam kung isa siyang prinsipe, aasta ako ng ganito.

"E, ikaw, ano pang ginagawa mo dito? Hindi ba't aalis ka na dapat sa palasyo dahil sa nangyari kagabi?"

"Wala kang pakialam kung kailan ko nais manatili dito."

Naningkit ang kaniyang mga mata. "Hmm, dahil ba sa misyon mo kaya hindi ka pa rin umaalis?" Hindi ako sumagot. Tinignan ko lamang siya at ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig.

Ano bang karapatan niya na mangialam sa buhay ko? Kung tutuusin, dapat ngang iwasan na niya ako at hindi kausapin dahil sa nangyari kagabi... dahil sa ginawa kong pagbabanta sa kaniya.

Sa halip na sumagot sa kaniyang katanungan ay napagpasyahan ko na lamang na umalis. Wala rin namang silbi kung makikipag-usapan pa ako sa kaniya. Wala namang kabuluhan ang kaniyang mga sasabihin.

Ngunit, hindi pa ako nakakalayo nang bigla siyang magsalita dahilan para ako'y mapatigil.

"Hangga't maaga, umalis ka na rito. Sinasabi ko sa iyo, Luna."

~ ~ ~ ~

~ S H I N H W A ~

TATLONG linggo na ang lumipas simula noong umalis si Luna sa Herra at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Sa loob rin ng tatlong linggong iyon ay walang oras na hindi ko siya iniisip. Hindi ko maiwasang mag-alala habang iniisip ang kaniyang kalagayan habang siya'y nasa Eleuthyia, tila hindi ako mapalagay na baka ay ano ng nangyari sa kaniya doon.

Kaya naman sa bagay na iyon ay napagpasyahan ko ng sundan siya sa Eleuthyia. May pakiramdam akong may masama ng nangyari sa kaniya, lalo na't malapitin iyon sa gulo.

Kasulukuyan akong naglalakad sa tagong daan na s'yang madalas kong dinadaanan sa tuwing ibig kong umalis ng Herra na walang nakakaalam. Tinuro ko rin ang daang ito kay Luna noong ibig niyang umalis ng Herra at pumunta sa Eleuthyia upang hanapin iyong taong nagngangalang Ryeo Wang.

Wala akong kaideya-ideya kung sino ang taong iyon. Ngunit, may parte sa akin na gustong alamin ang tungkol sa kaniya... gusto kong malaman kung anong meron sa kaniya at kung bakit ninais ni Luna na makita at makausap siya... kung anong nagtulak sa kaniya na magtungo muli sa Eleuthyia kahit napakadelikado doon. Sa oras kasi na may makakaalam na isa siyang Althean, tiyak akong katapusan na iyon. Kaya naman labag sa aking kalooban noong sinabi niya sa akin na babalik muli siya doon... na nais niyang mahanap ang Ryeo Wang na iyon. Subalit, noong nagawa niyang makiusap sa akin ay may parte sa akin ang hindi magawang tanggihan siya. Ewan ko ba, pero may bigla na lamang tumulak sa akin na sabihin ang salitang 'oo'. Hindi ko nga lubos maisip na magawa ko siyang tulungan noon na makaalis ng Herra na hindi nalalaman ni Eldre Dea.

Ngunit, sa hindi inasahan ay may nakakita kay Luna sa Eleuthyia at sinabi kaagad iyon kay Eldre Dea. Kaya ayon, nag-alburuto siya sa galit. Hindi umano niya lubos inasahan na magagawa iyon ni Luna sapagkat mahigpit niyang pinagbabawal na magtungo siya doon lalo na't napakadelikado para sa isang Althean ang magpunta sa Eleuthyia. Malaki rin ang pagkadismaya ni Eldre Dea sa akin sapagkat hindi ko umano tinutukan ng maigi si Luna at hinayaan lamang siya na umalis.

Oo, inaamin kong kasalanan ko iyon... kung hindi ko lamang siya hinayaan... kung hindi ko lamang siya tinulong na makatakas ay hindi sana mangyayari ito. Kaya naman ay napagpasyahan kong sundan siya sa Eleuthyia at hindi ako babalik sa Herra hangga't hindi siya kasama.

Ilang oras na paglalakbay ay nakaabot rin ako sa bayan ng Eleuthyia. Hindi ko lubos inasahan na ganito pala kadami ang mga taong madadatnan ko rito. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin si Luna. Ito ang unang beses kong makapunta rito at hindi ako pamilyar nitong lugar, ni hindi ko alam ang pasikot-sikot rito.

May ilan akong nakikitang kawal ang nagbabantay sa gilid at pinagmamasdan ang mga tao. Binaba ko naman ng kaunti ang suot kong salakot upang matabunan ang kalahati kong mukha. Kailangan kong mag-ingat habang nandito ako. Hindi ako basta-bastang gagawa ng kahit anong galaw na s'yang kahina-hinala sa mata ng iba, lalo na sa mga kawal.

Habang naglalakad, may napansin naman ako na may sumusunod sa akin. Hindi ko ito pinansin sa dahilan na baka guni-guni ko lamang iyon. Ngunit, naramdaman kong palapit ito ng palapit sa akin kung kaya't nagawa kong bilisan ang aking lakad.

Bigla naman akong napatigil nang may kumalabit sa akin at sa kagustuhang malaman kung sino ito ay nagawa ko itong lingunin. Para naman akong binunutan ng tinik nang malamang hindi pala kawal ang sumusunod sa akin, kundi isang pamilyar na lalaki. Hindi ko alam, pero parang nakita ko na siya. Pero saan?

"Shinhwa? Sinasabi ko na nga ba ikaw iyan, e." Galak nitong sambit. Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha at doon ko lamang napagtanto na kasamahan ko pala ito sa grupo na aking kinabibilangan. Kaya naman pala pamilyar.

"Baek Jeonghoon?" Pagsisigurado ko.

"Ano ba? Para namang nakalimutan mo na ako."

"Paumanhin."

"Nga pala, ano nga pala ang iyong ginagawa dito?"

"May hinahanap lamang akong kakilala."

"Ganoon ba?" Bigla naman niya akong inakbayan. "Tara, pumunta tayo kay Pinuno. Tiyak akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang nandito ka." Bago pa ako makapagsalita ay nagawa na niya akong hatakin paalis.

Mukhang hindi ko na magawang hanapin si Luna ngayon araw dahil sa bagay na ito.

~*~

What The Fact:

Sa Korean Mythology, kilala si Jacheongbi bilang diyosa ng lupa at pag-ibig na isa sa pinakatanyag na diyosa sa mga tao sa Jeju, lalo na sa mga kababaihan ng isla. Siya rin ay tinaguriang diyosa ng agrikultura na s'yang nagdadala ng mga butil na nagbibigay buhay sa mga tao.

Sa katunayan, ang kaniyang pangalan na 'ja-cheong' ay maaaring isalin bilang 'kagustuhan para sa sarili' na kung saan ito ay nagpapahiwatig ng kalayaan at pagtitiwala sa sarili na sinamahan ng kahabagan. Hawak niya ang isang napaka-aktibong buhay na pinili niya para sa kaniyang sarili. Hindi natatakot sa kamatayan, ginawa niya ang kailangan niyang gawin nang may tapang at determinasyon.

Siya rin ay nilalarawan bilang 'shapeshifter' na kung saan ay nagawa niyang magkaila bilang isang binata upang makapag-aral ng mas mataas na edukasyon at upang makasama si Bachelor Mun na kaniyang iniibig. Hindi lamang pagkukubli ng kaniyang sarili ang kaniyang kayang gawin, ngunit nakapagpabago rin siya ng kaniyang kasarian sa kagustuhan at pagkakaroon ng mga katangian ng kapwa babae at lalaki ng balanse na s'yang ayon sa pilosopiya ng Taoist ng yinyang na minana ng Korea mula sa Tsina.

#StaySafeEvery1

Continue Reading

You'll Also Like

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...