To Yohann (BxB) - Edited

Oleh LadyLangLang

1.5K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally
EPILOGUE

Chapter 16: The Four of Them

31 5 0
Oleh LadyLangLang

Chapter 16: The Four of Them

"Yohann sandali!" Agad na hinabol ni Xian si Yohann nang tumakbo ito palabas ng snack shop. Pinagtitinginan sila ng mga tao habang tumatakbo silang dalawa. Hinabol niya ito hanggang sa nakalabas ito ng mall at pumunta sa parking lot.

Hinawakan ni Yohann ang dalawang tuhod niya habang hinihingal. Pinunasan din niya ang luha niya gamit ang braso niya. Hindi niya kinaya ang mga sinabi ni Xian sa kaniya. Muling bumalik sa alaala niya nu'ng sila pa ni Xian. Kinukurot ang puso niya sa sakit nu'ng huling araw nila Xian. Labis niyang dinamdam ang nangyaring paghihiwalay nila ni Xian. Pagkatapos niyang marinig ang mga paliwanag nito, nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi man lang niya pinilit si Xian na ikwento sa kaniya ang pinagdadaanan nito.

Gustong sisihin ni Yohann ang sarili niya dahil hindi man lang siya nakiramdam sa sa sitwasyon ni Xian noon. Pero galit din siya rito dahil pakiramdam niya ay hindi siya pinagkatiwalaan nito, na hindi naniwala si Xian na lalaban din siya. Ilang buwan ang nasayang na dapat ay masaya silang dalawa na nagsasama pero ngayon ay nagbago na ang lahat at hindi na 'yun mababalik. Naaawa din siya dahil sa pinagdaanan ni Xian sa kamay ng mama nito. Hindi niya alam gano'n ang sinapit ni Xian.

"Yohann." Hinawakan ni Xian ang balikat ni Yohann. Agad na hinawakan ni Yohann ang kamay ni Xian at marahas itong binaba. Hinarap niya si Xian na may galit sa mukha. Wala siyang pakialam kahit na puno ng luha ang mukha niya.

"Bakit? Bakit hinayaan mong mangyari 'yun? Bakit hindi ka nagtiwala sa akin? Bakit hindi ka lumaban kagaya ng pinangako mo? Bakit iniwan mo ako? Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin lahat? Bakit Xian? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ni Yohann habang sinusuntok ang dibdib ni Xian. Ininda naman ni Xian ang mga suntok ni Yohann. Hinayaan niya itong suntukin siya hangga't gusto nito. Dumaloy rin ang mga luha sa mga mata niya. Nasasaktan siyang umiiyak si Yohann sa harap niya.

"Sorry Hann, kasalanan ko lahat. Naging duwag ako. Nagpadala ako sa takot ko sa mama ko. Natatakot lang naman ako na saktan ka niya eh. Saktan lang niya lahat, huwag lang ikaw. Hindi pa nga kayo nagkikita ng mama ko, gano'n na ang nagawa niya, paano pa kaya 'pag nagharap kayong dalawa?" Sabi ni Xian nang kumalma na si Yohann.

"Dapat sinabi mo sa akin. 'Di ba nga sabi mo na hindi sapat na ikaw lang ang lalaban? Na dapat magkasama tayong dalawa? Ba't ikaw mismo ang bumalewala nu'n?" Hinila ni Xian ang kamay ni Yohann at niyakap ito. Hinahaplos niya ang likod nito dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Tahan na. Hayaan mong ako lang ang magdusa sa panghuhusga ng mama ko. Wala kang kasalanan, okay? Tahan na." Bulong niya kay Yohann.

"Nakakainis ka, alam mo ba 'yun?" Tanong ni Yohann habang nakabaon pa rin ang mukha niya sa balikat ni Xian.

"Ang daldal mo na ulit, alam mo rin ba 'yun?" Pagbibiro ni Xian para pagaanin ang loob ni Yohann.

"Aray ko. Ba't mo sinuntok ang likod ko?"

"Kapal ng mukha mong mang-asar pagkatapos ng nangyari."

"Pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo. Pinapatawad mo na ba ako?" Tanong ni Xian. Kumalas naman sa yakap si Yohann at humakbang paatras nang isang beses. Pinunasan niya ang mga luha niya dahil du'n lang siya dinalaw ng hiya. Alam niyang namamaga ang mga mata niya nang tumingin siya kay Xian.

"Kapag pinatawad na kita, anong gagawin mo?" Tanong niya kay Xian. Tinitingnan niya si Xian at hinintay kung anong isasagot nito. Inangat niya kamay niya hanggang pumantay 'yun sa mukha ni Xian. Pinunasan niya ang natitirang butil ng luha sa mukha ng kaharap niya.

"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Nadidistract lang ako sa luha mo." Sabi ni Yohann saka binaba ang kamay niya. 'Yun din kasi ang ginagawa niya noong unang beses na umiyak sa harapan niya si Xian dahil sa tuwa nang nanalo ito sa isang writing competition.

Ngumiti naman si Xian saka tinanguan si Yohann. Napaisip naman siya sa naging tanong nito kung sakali ngang mapatawad siya nito.

"Kung papatawarin mo ako, gusto kong bumalik sa dati na ako 'yung manunulat at ikaw ang tagahanga ko. Ako ang manunulat at ikaw ang critique ko. Gusto kong bumalik tayo sa Xian at Yohann na magkaibigan."

Hindi maitago ni Yohann ang gulat niya sa sinabi 'yun ni Xian. Buong akala niya ay sasabihin nito na babalik sila sa pagiging magkarelasyon pero napagtanto niyang mali siya. Iba ang naiisip niya sa iniisip ni Xian. Pakiramdam niya ay may humaplos sa puso niya. Naantig siya sa sinabi ni Xian.

"Ayaw kitang biglain. Gusto kong bumalik sa umpisa na wala tayong problema na malaya pa kitang nakakausap. Gusto kong makasama ka na kaibigan ang turing natin sa isa't isa. Masaya na ako - - -." Napatigil si Xian sa pagsasalita nang bigla siyang yakapin ni Yohann. Nanigas siya sa kinatatayuan niya dahil hindi niya inasahan ang ginawa ni Yohann. Inaamin niyang nandu'n pa rin ang epekto ni Yohann sa kaniya, hindi naman nawala 'yun.

"Pinapatawad na kita." Mahinang sabi ni Yohann. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni Xian nang marinig niya 'yun. Inangat din niya ang mga braso niya para yakapin din si Yohann.

"Yohann. Hindi ko hahayaan na masasaktan ulit kita. Gusto kong maging daan 'tong pagkakaibigan ulit natin para bumalik tayo sa dati. Hanggang ngayon ay gusto pa rin kita pero hindi ko ipipilit na gustuhin mo rin ulit ako. Hihintayin kong darating ang araw gustuhin mo rin ulit ako."

"Mali Xian." Bumitaw si Yohann sa yakap niya kay Xian. Kumunot naman ang noo ni Xian sa kung ano mang ibig sabihin ni Yohann.

"Hintayin mong may magustuhan ulit ako." Nakangiting sabi ni Yohann. Ngumiti naman nang pilit si Xian sa narinig niya. Para kay Xian, dalawa lang naman ang ibig sabihin ng sinabi ni Yohann. Pweding may magustuhan ulit si Yohann at siya pa rin 'yun o 'di kaya'y makaramdam ulit ito ng pagkagusto pero sa ibang tao na. Natatakot lang si Xian na baka ang huling inisip niya ang maramdaman ni Yohann.

Ang importante lang sa kaniya ay hindi nagkatotoo ang negatibong iniisip niya na iiwasan ulit siya ni Yohann. Sa pagsabi niya sa totoong nangyari noong nakaraang taon, nakahinga na siya nang maluwag.

#

"Ibig mong sabihin ay alam nila ni Zacheous at Ryle ang tungkol sa atin dati?"

"Oo, nasabi ko sa kanila that time na may boyfriend ako, tanggap naman nila ako. Hindi ko nga lang sinabi sa kanila kung anong pangalan mo. Ewan ko lang kay Ryle kung naaalala pa niya ang mukha mo, dahil nando'n siya noong araw na naghiwalay tayo. Medyo malayo ka nga lang pero alam ni Ryle ang pangalan mo. Si Zacheous lang ang walang alam na ikaw ang naging boyfriend ko. Wala rin naman akong balak sabihin sa kaniya. Hahayaan nalang kita kung sasabihin mo sa kaniya o hindi."

Nasa loob sila ng kotse ni Xian at nag-uusap. Pumasok lang sila sa loob ng kotse nang mapansing may dumarating na mga tao sa parking lot.

"Alam mo ba? Parati kong dala 'yung regalo na dapat ay ibibigay ko sa 'yo sa birthday mo." Nakangiting sabi ni Xian kay Yohann. Kinapa niya ang bulsa ng jacket niya at ipinakita kay Yohann ang box. Sinubukan naman 'yung kunin ni Yohann pero agad naman 'yung nilayo ni Xian.

"Akin naman 'yan 'di ba?"

"Oo nga pero 'di ba nga, birthday gift ko 'to sa 'yo. Saka ko na ibibigay sa araw ng birthday mo." Ibinalik niya ang box sa bulsa ng jacket niya at hinarap si Yohann.

"Hindi ko rin 'to binuksan simula ng bilhin ko 'to. Alam kong naspoil na kita sa ibibigay ko sa 'yo pero pareho naman tayong excited na makita ang laman ng box."

"Tsk. Annoying." Hindi na pinilit ni Yohann si Xian na ibigay sa kaniya ang box. Hindi rin niya mapigilang macurious sa laman nu'n.

Pinakialaman nalang ni Yohann ang compartment sa harap niya.

"Teka, 'wag mong buksan - - - 'yan." Huli na nang nasabi 'yun ni Xian dahil nabuksan na ni Yohann ang compartment at bumungad sa kaniya ang ilang sticky notes. Kinuha niya ang mga 'yun at hinarap si Xian pero nag-iwas ito ng tingin at kita niya ang pamumula ng tainga nito kaya napatawa siya.

Binalik niya ang tingin niya sa mga sticky notes at nakitang penmanship niya ang ilang nakasulat du'n. Biglang niyang naalala nu'ng nagpalitan sila ng sulat gamit ang mga sticky notes na dinikit nila sa mga pisngi nila. Binasa niya ang mga usapan nila. Hindi naman siya nalito sa pagkakasunod-sunod nito dahil sinulatan 'yun ng mga numbers ni Xian. Anim lahat ng sticky notes na 'yun at ang huling nagsulat ay si Xian. Binasa niya ang huling sinulat nito.

I miss you. I can't wait to talk to you.

"Patay na patay ka talaga sa akin noon nuh?" Pang-aasar ni Yohann kay Xian. Agad namang lumingon si Xian at tinaasan ng kilay si Yohann.

"Ako?" Tinuro ni Xian anv sarili niya. "Patay na patay sa 'yo?" Tinuro niya si Yohann. "Sino kaya ang unang humalik sa ating dalawa?"

"Sinong unang nagconfess?" Tanong ni Yohann.

"Sinong nagtago ng feelings?" Hindi rin nagpahuli si Xian.

"Sinong hindi nakatulog nang tatlong araw dahil sa kaiisip sa akin? Sinong unang nakipagholding hands?" Tanong pa ni Yohann. Buntong-hininga na sumandal si Xian at mahinang tumawa.

"Fine, I fall harder that time. Sino ba namang hindi mahuhulog sa 'yo?" Pinadaan ni Yohann ang kamay niya sa mukha ni Xian.

"Shut up."

Binaba ni Yohann ang kamay niya at tumingin sa harap. Tumingin si Xian kay Yohann. Ngumiti siya nang makitang bumalik ang sigla ng mukha nito. Hiling lang niya na hindi na 'yun mawala.

"Malapit na palang maglunch. Hindi man lang natin nagalaw 'yung snacks natin kanina." Sabi ni Xian.

"Gusto mong bumalik tayo sa loob?" Tanong ni Yohann. Umiling naman si Xian.

"Ikabit mo ang seat belt mo. Punta tayo sa ibang lugar."

Hindi na umangal si Yohann nang makita niyang pinapaandar na ni Xian ang kotse kaya kinabit na niya ang seat belt niya at hinayaan si Xian kung saan man sila pumunta.

#

"Ako na'ng magdadala niyan." Kinuha ni Zacheous ang cat plushy na napalanunan niya sa arcade kanina. Nangako kasi siya kay Yohanne na kukunin niya 'yun para sa kaniya, kaya labis ang tuwa ni Yohanne at hindi na niya 'yun binaba.

Napangiti naman si Zacheous dahil natuwa si Yohanne sa effort niya.

Binigay naman ni Yohanne ang dala niyang cat plushy kay Zacheous at humawak sa braso nito. Kahit ilang beses ng hinawakan ni Yohanne ang braso niya, hindi pa rin siya sanay. Nagugulat pa rin siya tuwing hahawakan siya ni Yohanne. Hindi pa naman sila, hindi pa rin siya opisyal na nanliligaw sa babae.

"Saan mo gustong kumain?" Nagbukas ng topic si Zacheous para matigil ang pag-iisip niya sa bagay na 'yun, lalo na't bumabalik na ang gana niya na makipagdate kay Yohanne.

"Sa unang madaanan natin na restaurant, okay na."

"Okay."

Pumasok na sila sa isang restaurant. Umupo sila sa bakanteng mesa saka sila nilapitan ng waiter. Si Zacheous na ang umorder para sa kanilang dalawa.

"Nag-enjoy ka ba?"

"Oo naman. Matagal ko ng gustong bumalik sa arcade. Gusto ko ring mag-enjoy dahil malapit na ang play. Gusto kong ireward ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay higit pa sa 100% ang ang paghahanda ko. Mas sumaya lang ako kasi kasama kita." Sabi ni Yohanne saka hinawakan ang kamay ni Zacheous na nasa mesa. Napatingin naman si Zacheous sa mga kamay nila at hindi napigilang ngumiti.

"Masaya akong marinig 'yan."

Dumating na ang mga pagkain nila. Tinulungan naman ni Zacheous ang waiter na ilapag ang pagkain nila sa mesa. Kinuha ni Yohanne ang cellphone niya at kinunan ng video ang mga pagkain saka huling tinutok ang camera kay Zacheous.

"Hi Z." Napatigil si Zacheous sa ginagawa niya at humarap kay Yohanne. Bigla siyang nahiya nang makitang nagbivideo ang kaharap niya. Nahihiya siyang ngumiti sa harap ng camera.

"Ang cute mong mahiya." Natatawang sabi ni Yohanne.

"Yohanne naman." Lalo tuloy'ng nahiya si Zacheous sa sinabi ni Yohanne.

"Ayy. Hindi pa pala kita friend sa Facebook. Accept mo Friend Request ko." Sabi ni Yohanne kay Zacheous. Kinuha naman ni Zacheous ang cellphone niya at hinintay ang Friend Request notification ni Yohanne.

Agad naman niyang inaccept ang Friend Request ni Yohanne at nagnotif agad na minention siya sa isang MyDay story. Pinindot niya 'yun at nakita niya ang kaa-upload lang na video ni Yohanne kanina. Napangiti siya nang makita ang hitsura niya. May caption din si Yohanne na 'Z&Y'. Nagreact siya ng Love sa MyDay ni Yohanne.

Pinindot niya ang right arrow at nakita niyang MyDay 'yun ni Xian na 3 hours ago. Nasa loob ito ng salon.

"Yohann! Papakalbo ka?" Dinig niyang tanong ni Xian na nakatayo sa harap ng salamin at du'n niya napansin si Yohann na nasa harap ng salamin habang ginugupitan at masama ang tingin kay Xian.

"Shut up Xian." Sabi ni Yohann at kita niya kung paano ito tumawa habang tinitingnan si Yohann. Hanggang du'n lang video. Ang kasunod na MyDay nito ay mirror shot at kahit hindi malinaw ang picture, alam agad ni Zacheous na magkatabi sina Yohann at Xian sa picture. Ang huling MyDay ni Xian ay 30 minutes ago pa. Picture 'yun ni Yohann na nakakunot ang noo na nakatingin sa camera habang umiinom ng juice at may caption na Laughing emoji.

Yayayain na sana ni Yohanne si Zacheous na kumain pero napansin niyang parang galit ang mukha nito at kita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa cellphone. Hindi niya alam kung anong tinitingnan nito sa cellphone. Hindi naman niya kayang silipin 'yun.

"Z, may problema ba?" Nag-aalangan na tanong ni Yohanne. Baka kasi ay mas lalong magalit si Zacheous.

"Huh?" Ibinaba ni Zacheous ang cellphone niya at binalik sa bulsa niya saka hinarap si Yohanne. Nakita niya itong sinundan ang tingin ng cellphone niya.

"Wala. Wala lang 'yun. Kumain na tayo." Ngumiti si Zacheous kay Yohanne para hindi na ito magtanong pa. Wala rin namang balak si Zacheous na sabihin kung anong nakita niya.

"Okay." Sabi ni Yohanne saka ngumiti. Nagsimula na silang kumain pero naglalaro pa rin sa isip ni Zacheous ang nakita niya sa MyDay ni Xian. Pansin din niya na parang okay lang kay Yohann na kinukunan siya ng picture at video ni Xian, ni hindi man lang ito umangal. Naisip ni Zacheous bakit 'pag siya ang kasama ni Yohann, masungit ito tapos kay Xian hindi.

#

Palabas na sila ng mall ni Yohanne. Dala ni Zacheous ang dalawang paper bag ng mga pinamili ni Yohanne. Gusto nga niyang siya ang magbayad nu'n pero agad na tumanggi si Yohanne dahil siya naman ang nagbayad ng lunch nila. Papunta na sila sa parking lot at dumiretso sa kotse niya. Nilagay niya sa backseat ang mga paper bag at pinagbuksan ng pinto si Yohanne sa passenger's seat.

"Thank you." Sabi ni Yohanne saka pumasok sa passenger's seat at kinabit ang seat belt niya. Pumasok si Zacheous sa driver's seat at pinaandar ang kotse niya.

"Sabihin mo lang sa akin ang direksyon ng bahay mo, hindi ko kasi alam eh." Sabi niya kay Yohanne. Tumango naman si Yohanne.

Nagsimula ng magdrive si Zacheous at nakikinig sa mga sinasabi ni Yohanne. Random lang ang pinag-uusapan nila habang tumatakbo ang kotse.

"Z."

"Hmm?"

"May next time pa kaya 'to? Itong date na 'to?"

"Siyempre naman nuh? Hindi ako papayag na ito lang ang huli." Sabi pa ni Zacheous. Totoo naman 'yung sinabi niya. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na mapalapit sa crush niya lalo na't ito na mismo ang nagtanong na may next time pa. Hindi niya hahayaang mawala ang effort nilang dalawa ni Yohann.

"Next week na pala ang play namin." Nakangiting sabi ni Yohanne.

"Kinakabahan ka ba? Huwag kang kabahan. Kaya mo 'yan. Manonood ako." Pagchicheer ni Zacheous kay Yohanne.

"Medyo lang naman pero may tiwala naman ako sa sarili ko. Lalo na't nandiyan si Yohann para tulungan akong magmemorize ng mga lines ko."

Saglit na nilingon ni Zacheous si Yohanne dahil sinabi nito at agad din niyang binalik sa harap ang tingin niya.

"Si Yohann?"

"Oo. Bilib nga ako sa kaniya dahil ang bilis niyang makabisado ng mga lines. Alam mo, wala talagang pinili si Xian na ibang estudyante para sa role ni Yohann ngayon kaya nga natigil kami nang ilang araw sa pagrerehearsal. Pinilit pa kasi ako ni Xian na pilitin din si Yohann na tanggapin ang role dahil wala talaga 'yung hilig sa mga performance na kaharap ang maraming tao. Hindi naman ako matatanggihan nu'n kaya pumayag siya. Nagulat ako kinabukasan, kabisado na niya ang mga linya niya kaya nagtuloy-tuloy na kami sa rehearsal namin." Pagkukwento pa ni Yohanne tungkol kay Yohann.

Biglang naalala ni Zacheous 'yung araw na tinulungan siya ni Yohann na magkabisado ng tula. Akala niya ay madali lang kay Yohann na kabisaduhin ang tula dahil siya ang gumawa nu'n, pati rin pala ang lines nito sa play na isang gabi lang at nakabisado na niya agad.

"Bakit ka nakangiti?"

"Huh?" Kung hindi pa 'yun naitanong ni Yohanne, hindi mamamalayan ni Zacheous na ngumingiti na pala siya. Tiningnan din niya ang mukha niya sa rear-view mirror. Agad siyang tumikhim at nagfocus sa pagdadrive.

"May naalala lang ako."

Ngumiti na naman siya dahil si Yohann ang pinag-usapan namin. Sabi ni Yohanne sa isip niya. Kahit pa binalik ni Zacheous ang normal face niya, nahalata pa rin ni Yohanne na nagliwanag ang mukha nito.

"Hindi ko alam kung naisip na talaga ni Xian na bagay kay Yohann ang role na 'yun o kung dahil madali lang kay Yohann. Pero alam mo kung anong mas naisip kong dahilan kung bakit si Yohann ang pinili ni Xian?" Hinarap niya si Zacheous nang nakangiti pero nakaharap pa rin ito sa kalsada.

"Naisip kong si Yohann ang pinili ni Xian dahil crush niya 'to. Baka paraan niya 'yun para maging malapit kay Yohann."

Hinintay ni Yohanne ang magiging reaksyon ng mukha ni Zacheous pero nanatili lang na blanko ang mukha nito pero kita naman niya ang mahigpit ang hawak nito sa steering wheel. Iniwas niya ang tingin kay Zacheous at tumingin sa labas ng bintana niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa closeness ni Zacheous at Yohann kaya gano'n ang naging reaksyon ni Zacheous. Hinihiling niya na sana 'yun na nga lang at wala ng iba.

#

"Nandito na tayo Z." Sabi ni Yohanne at tinuro ang gate ng bahay nila. Hininto naman ni Zacheous ang kotse niya sa tapat ng gate. Unang lumabas si Zacheous at pinagbuksan ng pinto si Yohanne.

"Thanks." Sabi ni Yohanne. Binuksan ni Zacheous ang back seat at kinuha ang dalawang paper bag. Binigay niya ang mga 'yun kay Yohanne.

"Thanks for this day. Salamat din sa paghatid." Nakangiting sabi ni Yohanne kaya ginantihan siya ng ngiti ni Zacheous.

"My pleasure." Sabi ni Zacheous.

"Yohanne? Ikaw ba 'yan?" May lumabas na lalaki mula sa gate na sa tingin ni Zacheous ay nasa 40's na.

"Hi Pa!" Biglang nanigas sa kinatatayuan niya si Zacheous nang marinig ang sinabi ni Yohanne na tinawag na papa ang lalaki. Lumapit si Yohanne sa papa niya at nagmano. Hinarap ni Yohanne si Zacheous at nakita niyang namumutla ito.

"Pa, si Zacheous nga pala - - -." Hindi alam ni Yohanne kung anong idudugtong niya sa sasabihin niya. Kung ipapakilala niya ito na manliligaw, hindi naman siya sinabihan ni Zacheous na liligawan siya nito. Sinabi lang naman nito na gusto siya nito.

"Si Zacheous, schoolmate ko." Kumunot naman ang noo ng papa ni Yohanne nang makitang napatingin si Zacheous kay Yohanne. Hindi niya maipaliwanag kung kinakabahan ba ang binata o kung ano man.

"Schoolmate naman pala eh. Bakit ganiyan ang mukha mo hijo?" Tanong ng papa ni Yohanne kay Zacheous. Mabilis naman na umiling si Zacheous at pinunas niya ang palad niya sa pantalon niya dahil pinagpapawisan ito.

"Zacheous Maryenal po Sir." Nilahad niya ang kamay niya. Tinanggap naman 'yun ng papa ni Yohanne at nakipagshake hands kay Zacheous. Pilit na ngumiti si Zacheous ang kaba niya habang kaharap ang papa ni Yohanne. Hindi naman niya inasahan na makikita niya ang papa nito.

"Markus Ramillon. Just call me Tito Markus." Sabi ng papa ni Yohanne at binitawan na ang kamay ni Zacheous saka hinarap si Yohanne.

"Yohanne, akala ko ba kayo ni Yohann ang magkasama kaninang umalis. Ba't iba na ang kasama mong umuwi?"

Kilala rin ng papa ni Yohanne si Yohann? Ibig sabihin, madalas din si Yohann dito? Biglang naitanong ni Zacheous sa isip niya.

"Naku Pa, iniwan ako. May imemeet daw siya eh."

"Gano'n ba? O sige na, pumasok ka na sa loob." Sabi ng papa ni Yohanne saka hinarap si Zacheous.

"Ikaw rin hijo. Umuwi ka na, magdidilim na."

"Okay po Tito Markus, mauna na po ako. Kita nalang tayo sa school Yohanne." Kumaway na si Zacheous kay Yohanne at gano'n din ang ginawa ni Yohanne. Bahagya rin siyang yumuko para magpaalam sa papa nito.

Nang makapasok si Zacheous sa kotse niya ay nakahinga siya nang maluwag. Parang nakalimutan niyang huminga habang kaharap niya ang papa ni Yohanne. Hindi man lang siya nakapaghanda. Akala niya ay hindi siya makapagsasalita pero nang kausapin siya ng papa ni Yohanne ay napagtanto niyang mabait naman pala 'to.

"Good job Zacheous, hindi ka nautal."

---
LadyLangLang

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
541K 20.5K 54
ALL THIS LOVE IS SUFFOCATING! Charli D'amelio / Social Media Completed. Cringe...it was 2020...
216K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
12.2K 378 9
Y/n Itadori is a simple man living with his best friend but what he did not expected is to be send to another world where he helps people as he tries...