To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.5K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 8: Mixed Emotions
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally
EPILOGUE

Chapter 13: Afraid of the Realizations

42 6 5
By LadyLangLang

Chapter 13: Afraid of the Realizations

"Umamin ka na pala kay Yohanne." Sabi ni Ryle kay Zacheous nang maupo siya sa tabi nito. Nasa baba sila ng stage at nakaupo sa audience's seat. Nagpapahinga sila habang hinihintay ang lunch nila. Napalingon naman si Zacheous sa kaibigan niya at naalala niyang hindi nga pala niya nasabi sa kaibigan na nagconfess na siya kay Yohanne.

"Oo. Ilang araw na rin ang lumipas." Binalik niya ang tingin niya sa stage at tiningnan si Yohanne. Nginitian niya ito at kinawayan. Nakita naman 'yun ni Ryle kaya palipat-lipat ang tingin niya sa kaibigan niya at sa crush nito. Kita naman niya ang saya sa mukha ng kaibigan pero napansin niyang may kulang.

"Walang grand preparation? Bastang nagconfess ka lang?"

"Wala naman 'yun sa grandeng confession. What's important was that I was able to tell her my feelings."

"Eh si Yohann, 'yung lalaking Yohann, alam ba niya na nagconfess ka na kay Yohanne."

"Of course, I consulted him first before confessing."

"Anong sabi niya?"

"Binantaan lang niya ako na kapag pumalpak raw ako, hindi na raw niya ako tutulungan." Natawa si Zacheous nang maalala niya 'yung tinext sa kaniya ni Yohann.

He shows a different smile when we talk about Yohann.

'Yun ang ngiti na hinihintay ni Ryle. 'Yung ngiting abot hanggang tainga kung pag-uusapan man nila ang crush nito. Iba ang ngiti ni Zacheous kung si Yohanne ang pinag-uusapan nila at iba rin ang ngiti nito 'pag si Yohann ang pinag-uusapan nila.

"Mabuti naman kung gano'n. Nagkakamabutihan na ba kayo ni Yohanne?" Tanong ni Ryle. Ayaw na niyang pansinin ang pag-iba ng ngiti ni Zacheous. Pagtutuunan na lang niya ng pansin ang feelings ng kaibigan niya para kay Yohanne.

"We're good. I got to know her better. Halos araw-araw kaming nagti-text. She's a bubbly person. She's not just beautiful outside, but also inside."

"I'm glad to hear that. Binata ka na talaga." Pang-aasar ni Ryle saka siya binatukan ni Zacheous.

"Baliw." Natatawang sabi ni Zacheous.

"By the way. Hindi ko na kayo nakikitang magkausap ni pareng Yohann mo." Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Zacheous sa sinabi ni Ryle.

"Wala pa naman akong ipapagawa sa kaniya kaya hindi ko muna siya kinakausap." Basta nalang 'yung lumabas sa bibig ni Zacheous dahil bumalik sa isip niya 'yung eksena nina Yohann at Xian. Bumalik 'yung hindi maipaliwanag niyang inis.

"Seriously Zach? 'Yun lang ang dahilan mo para kausapin si Yohann?"

"'Yun lang naman talaga eh. He's just doing his task to help me. Nothing more. Kakausapin ko naman siya 'pag may kailangan na ako sa kaniya."

Hindi makapaniwala si Ryle sa mga sinasabi ni Zacheous. Pakiramdam niya ay ibang Zacheous ang kausap niya sa mga oras na 'yun. Nakikitaan niya ng galit ang mga mata nito.

"Wala naman kay Yohann kung hindi kami mag-usap. I'm just an annoying guy he knows." Dagdag pa nito kaya napailing nalang si Ryle.

"Dahil diyan sa sinabi mo, pakiramdam ko tuloy tama ang hinala ko." Sabi ni Ryle at napatingin sa stage. Nakita niya sina Yohann at Xian na nag-uusap habang nakaupo sa sahig. Tiningnan din niya si Zacheous at napansing pareho sila ng tinitingnan. Parang matutunaw sina Xian at Yohann dahil sa mga titig ni Zacheous.

"Umamin ka kay Yohanne dahil may tinatakasan ka 'di ba?" Sabi ni Ryle. Kumunot naman ang noo ni Zacheous at nilingon ang kaibigan.

"Anong tinatakasan?"

"May tinatakasan ka." Ulit pa ni Ryle sa sinabi niya. Ayaw niyang sabihin ang nasa isip niya dahil alam naman 'yun ni Zacheous.

"Alam mo na 'yun." Tumayo na si Ryle at nagpunta sa stage. Nadaanan pa nito sina Yohann at Xian kaya tinanguan niya ang mga 'to.

Naiwan naman si Zacheous na nakaupo pa rin sa audience's seat. Ginulo niya ang buhok niya dahil hindi siya makapag-isip nang tama dahil sa mga sinabi ni Ryle. Kung ano na naman ang lumabas sa bibig niya. Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya kay Yohann. Kung tutuusin ay wala namang kasalanan si Yohann sa kaniya para umakto siya nang gano'n.

Hindi rin niya mapigilan ang sarili niyang tingnan si Yohann kahit pa nasa tabi niya si Yohanne at dadalawin na naman siya ng inis kapag magkasama sina Yohann at Xian. Bumabagabag din sa kaniya ang sinabi ni Yohanne na crush ni Xian si Yohann. He wasn't surprised when he knew that Xian likes a guy because he already told them about him liking a guy. Ang ikinagulat lang niya ay ang malaman na si Yohann ang gusto nito. 'Yun ang hindi niya matanggap.

Hindi niya 'yun matanggap dahil sa dalawang rason. Una, sa halip na sabihin ni Xian sa kanila na mga kaibigan niya ang tungkol sa bagay na 'yun, bakit si Yohanne ang sinabihan niya? Pangalawa, si Yohann ang gusto nito, si Yohann na nagsisimula ng maging malapit sa kaniya. Natatakot siyang makitang nagkakalapit na rin si Yohann at Xian sa isa't isa dahil baka mawalan ng oras si Yohann kung sakaling hihingi siya ng tulong.

Dapat nga ay maging masaya siya dahil nagkaroon na siya ng lakas ng loob na umamin kay Yohanne, pero kaakibat nu'n ay kaunting pagsisisi. Pero wala namang kasalanan si Yohann sa kaniya. Siya lang naman ang nag-iisip ng kung anu-ano.

"Guys, lunch break muna tayo." Sigaw ng isang miyembro ng Drama Club. Tumigil naman ang ilang mga estudyante sa ginagawa nila at pumunta sa gilid para kumuha ng pack lunch nila. Libre naman 'yun sa mga tumulong magdecorate sa Theater Room. Tumayo na si Zacheous at pumunta sa pila. Hinanap niya si Ryle para may kasabay siya pero nauna na ito sa kaniya kaya wala siyang choice kung 'di makisabay sa ibang mga estudyante.

Nang siya na ang bibigyan ay may sinabi siya sa naatasan.

"Can I get two packs? May pagbibigyan lang ako." Sabi ni Zacheous. Tumango naman ang babaeng kaharap niya saka binigay sa kaniya ang dalawang pack lunch. Nagpasalamat lang siya at nagsimula ng maglakad.

Hinanap niya si Yohanne para sana ibigay ang isa pa niyang pack lunch pero nakita na niya itong may dalang pack lunch kasama ang mga kaibigan nito. Napatingin siya sa hawak niya at nag-isip kung aanhin niya ang isa. Ayaw naman niyang magmukhang walang-hiya dahil dalawa ang dala niya.

Nang dumaan sa harap niya si Yohann kaya agad niya itong tinawag.

"Yohann, sandali." Sabi ni Zacheous. Tumigil naman sa paglalakad si Yohann at nilingon si Zacheous. Nakaagaw sa pansin niya ang dala nitong dalawang pack lunch.

"Bakit?"

"Ahm, kasi..." Nahihiya si Zacheous at hindi maituloy ang sasabihin niya. Ibibigay lang naman niya kay Yohann ang isang pack lunch pero naunahan na naman siya ng hiya.

"Sige, ako na ang magbibigay niyan." Naisip agad ni Yohann na para kay Yohanne 'yun kaya siya tinawag ni Zacheous para maibigay 'yun. Hindi niya akalaing nahihiya pa rin si Zacheous kay Yohanne.

"Huh?" Hindi na nakaangal si Zacheous nang kunin ni Yohann ang isang pack lunch na dala niya saka naglakad papunta sa inuupuan ni Yohanne.

Agad namang binigay ni Yohann kay Yohanne ang dala niyang pack lunch na galing kay Zacheous.

"Galing kay Zacheous." Sabi niya kay Yohanne.

"May nakuha na ako eh."

"Akin nalang 'yan girl, tinamad akong pumila du'n." Kinuha ng kaibigan ni Yohanne ang pack lunch ni Yohanne. Ngumiti naman si Yohann saka nilagay sa mesa ni Yohanne ang dala niyang pack lunch galing kay Zacheous.

Lumingon siya kay Zacheous at nag OK sign. Mapaklang ngumiti si Zacheous saka tinanguan si Yohann. He shows a fake smile towards Yohanne when she looks at him.

Pangalawa na 'yun. Sabi niya sa isip niya. Pangalawang beses na 'yun na inakala ni Yohann na para kay Yohanne ang binigay niya. Pinapagalitan ni Zacheous ang sarili niya habang naglalakad papunta sa pwesto ni Ryle. Habang naglalakad siya ay dumaan sa gilid niya si Xian. May dala itong dalawang pack lunch. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tumigil ito sa harap ni Yohann at binigay ang isang pack lunch.

Kinuyom niya ang palad niya habang nakatingin sa dalawa. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Pumikit siya at huminga nang malalim. Pagmulat niya ay sinumulan na niyang maglakad papunta kay Ryle.

Pagkaupo palang ni Ryle sa pwesto niya kanina ay hindi muna niya ginalaw ang pagkain niya. Mas pinili niyang pagmasdan ang galaw ng mga kaibigan niya, lalo na si Zacheous. Kita niya kung paano ito kinabahan habang kaharap nito si Yohann at ang pag-iiba ng mga ngiti. Hindi rin nakatakas sa kaniya kung paano kinuyom ng kaibigan ang palad nito. Sigurado si Ryle na kung hindi lang pagkain ang dala ni Zacheous, malamang ay naitapon na ito.

Napailing nalang siya sa reaksyon ni Zacheous at napatingin sa pwesto nina Xian at Yohann. Kabaliktaran ni Zacheous, nakangiti naman si Xian kahit pa sinusungitaan ito ni Yohann.

Hindi manhid si Ryle para hindi pansinin ang mga nangyayari. Ayaw nalang niyang magsalita dahil baka magalit ang mga kaibigan niya pero kapag hindi na siya makatiis, siya mismo ang gagawa ng aksyon. He respects his friends' decisions. He's waiting for them to realize their thoughts.

Hindi na niya binalak magsalita nang maupo sa tabi niya si Zacheous. Nahahalata niya na wala ito sa mood kaya hindi na niya ito ginulo. Naisip naman niya agad na huhupa rin ang pakiramdam nito.

#

Hapon na at malapit na silang matapos. Kaunti nalang at matatapos na nila ang stage decoration bago ang nalalapit na araw ng play.

Habang tinatapos nila ang kaniya-kaniyang gawain, bumalik na sa sarili niya si Zacheous at naisip na walang kwenta pala ang kahibangan niya kanina. Tama, kahibangan lang para sa kaniya 'yun. Hindi niya dapat pinapairal ang kakaibang pakiramdam niya. Nag-iiba siya sa tuwing magkakalapit sila ni Yohann at 'yun dapat ang pigilan niya. Kailangan niyang bumalik sa dati na kaswal lang ang pagkakakila kay Yohann.

Hinanap ng mga mata niya si Yohanne at nakita niya itong abala rin sa ginagawa nito kasama ang ilang mga kaibigan kaya hindi na niya ito inabala pa para mabilis na silang matapos. Napagdesisyonan niya kasing imbitahin itong lumabas pagkatapos ng kanilang ginagawa.

Natapos na siya sa parte niya na pagpipintura ng design ng isang parte ng background kaya nilagay niya sa mesa ang mga ginamit niya. Puno ng pintura ang mga kamay niya kaya naisipan niyang maghugas muna. Sa pagkakaalam niya ay may wash room naman sa back stage kaya du'n siya pupunta.

Habang naglalakad siya ay hindi niya namalayang nakasunod pala siya kay Yohann. Nalaman niya 'yun agad dahil sa top knot na buhok nito. Hindi siya na nagsalita at nanatiling nakasunod lang kay Yohann dahil wala naman siyang balak kausapin ito. Binalik niya ang tingin niya sa dinadaan niya at may nakasalubong silang isang lalaki na may dalang lata na may lamang brush at pintura. Napansin ni Zacheous na hindi ito nakatingin sa dinadaan at nakita rin niya na hindi nakatali ang sintas ng isang sapatos nito.

Hanggang sa natapakan nito ang sintas ng sapatos at nabitawan ang hawak nitong lata. Sa gulat niya ay nahawakan niya ang likod ng collar ng damit ni Yohann at hinila ito papunta sa likod niya bago pa ito matapunan ng pintura. Nakita nalang ni Zacheous na natalsikan ng pintura ang damit niya pero wala namang kaso 'yun sa kaniya.

Napatigil naman sa mga ginagawa nila ang mga estudyante at napatingin sa gawi nila. Nagulat rin 'yung lalaki sa nangyari kaya agad siyang humingi ng tawad kina Zacheous at Yohann.

"Naku, sorry Zach, Yohann. Hindi ko sinasadya, hindi ko rin napansin na kuwalas 'yung pagkakatali ng sintas ko." Sabi ng lalaki saka itinali ang sintas nito.

"Mag-ingat ka nalang sa susunod." Sabi ni Zacheous.

Bahagya namang nagulat si Yohann nang may biglang humila sa collar niya. Nasakal pa siya nang kaunti pero agad namang binitawan ni Zacheous ang collar niya nu'ng nasa likuran na siya nito. Sasabihan naman niya sana 'yung nakasalubong niya na hindi nakatali ang sintas ng sapatos nito pero nahila na siya ni Zacheous.

"Okay ka lang? Hindi ka natapunan?" 'Yun din sana ang itatanong ni Zacheous pero narinig na niya ang boses ni Xian sa likod at kausap si Yohann.

"I'm okay." Sabi ni Yohann saka tiningnan si Zacheous. "Thank you."

"Walang anuman." Sabi ni Zacheous. Napatingin si Yohann sa damit ni Zacheous kaya napatingin rin si Zacheous sa damit.

"Zach, may dala kang extra na damit? Para makapagpalit ka." Sabi ni Xian sa kaibigan. Agad naman na umiling si Zacheous.

"Hindi na kailangan. Malapit na rin naman tayong umuwi. It's okay." Nakangiting sabi ni Zacheous.

"Sigurado ka ha?" Paninigurado pa ni Xian kaya tumango lang si Zacheous at sinabayan ulit ng ngiti.

"Tara na." Nawala ang ngiti niya nang tumingin ulit si Xian kay Yohann. Tumango si Yohann at sinundan si Xian. Bago pa makalayo si Yohann ay lumapit si Zacheous at hinala ang hair tie nito. Agad namang lumingon si Yohann at nakita si Zacheous na hawak na ang hair tie na gamit niya.

"Ba't mo ginawa 'yun?" Nagtatakang tanong ni Yohann. Hindi na sila napansin ni Xian dahil nauna na itong naglakad.

Hindi naman alam ni Zacheous kung anong isasagot niya dahil maski siya ay hindi alam kung bakit bigla niya 'yung nagawa. Parang may sariling utak ang kamay niya at ginawa niya 'yun.

"Ahh, pinapakuha ni Yohanne."

Sorry Yohanne, nadamay ka pa. Wala kasing ibang maisip na rason si Zacheous kaya 'yun ang naging alibi niya. Tiningnan naman siya ni Yohann nang nagtataka na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Zacheous pero hindi na naman siya nagsalita pa.

"Sabi mo eh." Sabi ni Yohann at tinalikuran si Zacheous. Nakahinga naman nang maluwag si Zacheous dahil hindi na nagtanong ulit si Yohann sa kaniya. Agad na rin siyang tumalikod at pumunta sa wash room.

Pagdating niya du'n ay hindi siya agad naghugas ng mga kamay niya. Sumandal muna siya sa sink at tinitigan ang hawak niya na hair tie. Nilalaro pa niya ito sa mga daliri niya habang tinitingnan ito. Hanggang sa nilapit niya ito sa ilong niya at inamoy ito. Pumikit pa siya habang inaamoy 'yun.

Is this Yohann's hair smell? His shampoo smells well.

Napatigil siya sa ginagawa niya at minulat ang mga mata niya. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin at napansing nakangiti siya kaya agad niyang binalik sa normal ang mukha niya.

Agad niyang sinuot ang hair tie hanggang sa siko niya at binuksan ang faucet. Sa halip na maghuhugas lang siya ng mga kamay niya, hinilamusan din niya ang mukha niya. Pagkatapos nang ilang beses na panghihilamos niya ay tiningnan niya ang sarili niya sa salamin.

"Zacheous! Ano bang nangyayari sa 'yo? Ano na naman bang nangyayari sa 'yo? Umayos ka nga? Bakit mo 'yun ginawa? Mali, hindi mo dapat ginawa 'yun." Tinuturo pa niya ang sarili niya sa harap ng salamin. He face-palmed in his frustrations. Gusto niyang sumigaw sa galit pero baka may makarinig sa kaniya. Hinawakan niya ang sink saka tiningnan ulit ang repleksyon niya sa salamin.

"Eh bakit si Xian, okay lang sa kaniya 'yun? Buhok nga 'yung inamoy ni Xian tapos sa akin hair tie lang. Okay lang naman siguro 'yun." Marahas na kinamot ni Zacheous ang buhok niya dahil sa sinabi niya.

"Magkaiba 'yun Zacheous. Xian has a crush on Yohann. He likes him. Eh ikaw? Ba't mo 'yun ginawa? Ano bang rason mo?"

Pakiramdam ni Zacheous ay mababaliw na siya dahil sa mga sinasabi niya. Nag-iinit na ang katawan niya dahil sa hindi niya maipaliwanag na nararamdaman. Akala niya ay okay na siya at babalik na sa normal 'pag nagkaharap sila ni Yohann pero mali pala siya. Para tuloy'ng mas lumala. Muli niyang hinilamusan ang sarili niya saka lumabas na ng wash room. Paglabas niya ay nakasalubong niya si Yohanne kaya agad niya itong nginitan. Agad namang lumapit si Yohanne sa kaniya.

"Ba't hindi mo pinunasan ang mukha mo?"

"Huh?" Hinawakan ni Zacheous ang mukha niya ay medyo basa pa nga 'yun. Nakalimutan niyang punasan 'yun. Kinuha naman ni Yohanne ang panyo niya sa maliit niyang sling bag at pinunasan ang mukha ni Zacheous. Bigla namang nanigas sa kinatatayuan niya si Zacheous dahil sa ginaga ni Yohanne at napatitig lang sa kaniya.

"Okay ka lang?" Natatawang tanong ni Yohanne nang mapansing tuwid na tuwid na tumayo si Zacheous.

"Yeah, I'm okay." Iniwasan ni Zacheous ng tingin si Yohanne pero hindi sinasadyang si Yohann ang nabalingan niya ng tingin na nakatingin din sa kaniya. Agad siyang lumayo kay Yohanne at kinuha ang hawak nito na panyo.

"Ako na." Sabi niya kay Yohanne at pilit na ngumiti. Ngumiti rin si Yohanne at binigay ang panyo niya.

"Tara na." Nagsimula ng maglakad si Yohanne at sinundan siya ni Zacheous. Habang naglalakad sila ay napansin ni Zacheous na parang may mahigpit na tali sa may siko niya. Agad niyang naalala ang hair tie ni Yohanne na ginamit ni Yohann. Kinuha niya ito pero sa halip na isauli kay Yohanne, nilagay niya ito sa bulsa niya. Muli niyang tiningnan nag direksyon ni Yohann at nakitang may kausap ito na isang estudyante.

"Yohanne, balak sana kitang imbitahing mamasyal ngayon eh."

Napatigil naman si Yohanne sa paglalakad at nilingon si Zacheous. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Pabigla-bigla na lang 'yun lumabas sa bibig ni Zacheous dahil naalala niya 'yung plano niya kanina pero parang hindi na matutuloy.

"But look at my shirt." Sabay silang napatingin sa damit ni Zacheous. "Natalsikan pa ng pintura, ang dumi na tuloy." Nahihiyang sabi ni Zacheous. Napailing naman na ngumiti si Yohanne habang nakatingin kay Zacheous.

"It's okay. May next time pa naman. I'll look forward for it to happen." Nakangiting sabi niya kay Zacheous. Nakahinga naman nang maluwag si Zacheous dahil naintindihan siya ni Yohanne.

"Promise, sa susunod talaga."

"Okay." Sabi ni Yohanne saka humawak sa braso ni Zacheous. Itinago naman ni Zacheous ang pagkabigla niya dahil sa ginawa ni Yohanne pero hindi naman siya umangal dahil gusto naman niya 'yun.

Ito dapat ang ginagawa mo Zacheous, hindi 'yung walang kwenta mong kahibangan.

Pinilit gawing totoo ni Zacheous ang ngiti niya pero kahit anong gawin niya, peke pa rin kaya wala siyang ibang magawa kung 'di ang magpakita nalang ng pekeng ngiti.

Naglakad sila papunta sa audience's seat at naupo du'n. Tiningnan nila ang pagfafinalize ng stage decoration at hindi nila mapigilang mamangha sa ginawa nila. Napagtanto ni Yohanne na malapit na talaga ang araw ng play nila.

"Nga pala, pupuntahan ko lang saglit si Yohann." Sabi Yohanne kay Zacheous saka siya tumayo. Tumango naman si Zacheous bilang tugon at hindi na nag-abalang magtanong pa.

Naglakad naman si Yohanne palapit kay Yohann. Tumigil naman si Yohann sa ginagawa niya at hinarap si Yohanne.

"Yohann, sinabihan mo ba 'yung driver na magpapasundo tayo?"

"No. I was too sleepy when I entered the car. Hindi mo ba sinabihan?"

"I forgot." Nahihiyang sabi ni Yohanne na nagpailing kay Yohann.

"Itext mo nalang." Sabi ni Yohann. Naisip din 'yun ni Yohanne pero bago pa niya makuha ang cellphone niya, dumaan sa gilid niya si Xian kaya agad niya itong tinawag.

"Xian, wait!" Tumigil naman si Xian sa paglalakad at nilingon si Yohanne. Lumingon din si Yohann at tiningnan ang dalawa. Mukhang alam na niya ang kung anong sasabihin nito.

"Bakit?"

"Pwedi mo ba kaming ihatid ni Yohann pauwi?" Diretsong tanong ni Yohanne kay Xian, ni hindi man lang ito nagdalawang-isip at mukhang inaasahan na rin ang magiging sagot ni Xian.

"Of course, I can drive you home." Nakangiting sabi ni Xian na ikinatuwa ni Yohanne habang napabuntong-hininga naman si Yohann. Hindi naman sa hindi niya gustong si Xian ang mag-uwi sa kaniya, hindi lang siya masyaodng komportable.

"Thanks Xian." Sabi ni Yohanne.

"By the way, kasama ko rin palang umuwi sina Zach at Ryle. Kasya naman siguro tayong lima sa kotse." Mas lumawak ang ngiti ni Yohanne nang marinig ang sinabi ni Xian habang si Yohann naman ay nakakunot ang noo at parang gustong tanggihan si Xian na ihatid sila pauwi. Pero walang lumabas sa bibig niya dahil sa reaksyon ni Yohanne. Ayaw niyang madisappoint ito.

"Much better." Yohanne exclaimed in excitement.

"Ikaw talaga Yohanne, sige na tatapusin ko na 'to para makauwi na tayo." Nauna ng naglakad si Xian at naiwan sina Yohann at Yohanne. Hindi maipaliwanag ni Yohann ang ngiti ni Yohanne habang nakatingin sa kaniya.

"Isn't it exciting?" Nakangiting sabi ni Yohanne at niyuyugyog ang balikat ni Yohann. Napailing nalang si Yohann at hindi na sinagot ang tanong ni Yohanne.

#

Pagkalock ni Xian sa pinto ng Theater Room, dumiretso na silang apat sa kotse ni Xian dahil nauna na si Ryle sa kanila. Naunang naglakad si Xian at nakasunod sina Yohanne at Zacheous at nasa likod ng dalawa si Yohann.

Nagtaka naman si Zacheous dahil hanggang sa parking lot ng school ay hindi pa rin umiiba ng daan sina Yohann at Yohanne.

"Wait, sasama ba kayo sa amin umuwi?" Hindi niya mapigilang itanong kay Yohanne. Du'n lang naalala ni Yohanne na hindi pala niya nasabi kay Zacheous ang tungkol du'n.

"Yup! Ihahatid kami ni Xian. I forgot to tell you." Sagot ni Yohanne. Tiningnan naman ni Zacheous si Yohann pero umiwas lang ng tingin si Yohann at inunahan ang dalawa sa paglalakad. Tumigil lang siya nu'ng nasa kotse na siya ni Xian. Napansin niya si Ryle na nakatayo sa gilid ng passenger's seat.

"I don't want to sit in the back seat." Mahinang sabi niya kay Ryle. Naintindihan naman ni Ryle ang ibig sabihin ni Yohann kaya tumabi siya. Binuksan ni Yohann nag pinto ng passenger's seat at pumasok. Nagulat naman si Xian nang pumasok si Yohann. Nakita na rin niya itong kinakabit ang seatbelt. Pipilitin pa sana niya itong umupo sa passenger's seat pero mukhang hindi na kailangan 'yun.

"Huwag kang assuming. Ayaw ko lang makipagsiksikan sa likod." Inunahan na ni Yohann si Xian.

Wala namang sinabi si Xian pero mukhang alam na ni Yohann ang tumatakbo sa isip niya kaya tumahimik lang siya at hinintay na pumasok ang tatlo. Nang pumasok na ang tatlo sa likod ay pinaandar na niya ang kotse at nagdrive na. Tahimik lang silang lima sa loob ng kotse. Si Ryle naman ay pinagmamasdan silang apat. Hindi naman niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng katabi niyang si Zacheous at ang katabi nitong Yohanne. Hindi pumayag si Zacheous na pagitnaan nila si Yohanne kaya si Zacheous ang umupo sa gitna.

Kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan nina Yohanne at Zacheous. Napatingin si Ryle sa harap at napapansin niyang pasimpleng tumitingin si Xian kay Yohann sa pamamagitan ng rear-view mirror nito habang si Yohann ay nakatingin lang sa labas.

Nahuli din niya si Zacheous na tumingin kay Yohann pero sa tuwing kakausapin siya ni Yohanne ay iiwasan niya ng tingin si Yohann at makikinig kay Yohanne. Napailing nalang si Ryle saka kinuha ang earphone niya at sinaksak sa tainga niya. Makikinig nalang siya ng music kaysa pansinin ang mga kasama niya.

Unang nadaanan nila ang bahay ni Ryle kaya siya ang unang bumaba at kasunod nito ang bahay ni Zacheous. Pagkahinto ng kotse ni Xian sa harap ng bahay ni Zacheous, agad na nagpaalam si Zacheous sa tatlo.

"Z! 'Yung pangako mo ha?" paalala ni Yohanne kay Zacheous. Hindi naman maiwasang magtaka ng dalawa, lalo na si Yohann, kung anong pangako ni Zacheous na sinabi kay Yohanne.

"Yup, hindi ko 'yun makakalimutan." Sabi ni Zacheous kaya ngumiti si Yohanne bilang tugon.

"Bye guys." Sabi niya ulit sa kanilang tatlo. Huli niyang binalingan ng tingin si Yohann pero nanatili lang itong nakatingin sa labas kaya hindi na lang niya ito ginulo pa. Binuksan na niya ang pinto ng backseat at lumabas. Pagkasara niya sa pinto ay kinawayan niya ang papalayong kotse.

Naiwan sa loob silang tatlo. Tahimik lang sila at tanging ang music lang ng car stereo ang tumutunog. Wala naman silang dapat pag-usapan. Hanggang sa tumigil na ulit ang kotse.

"Yohann - - -." Tawag ni Yohanne kay Yohann pero agad siyang pinigilan nito.

"I just need to talk to Xian. You go ahead Yohanne." Putol ni Yohann sa sasabihin ni Yohanne. Tiningnan naman ni Yohanne si Xian at binigyan ng 'anong-pag-uusapan-niyo?' na tingin pero nagkibit-balikat lang si Xian bilang tugon dahil wala naman siyang alam na pag-uusapan ni Yohann.

"Okay." Sabi ni Yohanne saka lumabas ng kotse ni Xian. Pagkasara ni Yohanne ng pinto ng back seat ay agad hinarap ni Yohann si Xian. Bahagyang nagulat si Xian nang makitang seryoso ang mukha ni Yohann na nakatingin sa kaniya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Xian.

"About this."

"This? What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Xian.

"About this closeness Xian. Ano 'to? Bakit mo na naman ako nilalapitan. Hindi naman kita pweding pagsabihan sa public dahil tayo lang din naman ang mapapahiya."

"Teka, ano namang problema kung nagkakalapit tayo? Close naman talaga tayo noon 'di ba? Anong masama kung makipagclose ako ngayon?"

"Hindi mo naiintindihan eh. Iba 'yung noon sa ngayon. You're being close to me again like nothing happened. Ni hindi mo pa nga sinabi sa akin lahat ng nangyari eh."

"Because I'm waiting for you to be ready. Ayaw ko namang biglain ka kung papairalin ko ang emosyon ko. I want you to say it in front of my face that we need to talk seriously. Ginawa ko lang naman 'tong paglapit ko sa 'yo dahil gusto kong maranasan ulit ang dati. Huwag mo namang masamain 'yun."

Humina ang boses ni Xian sa mga huling sinabi niya. Hindi siya nagpapaawa kay Yohann, ang gusto lang niya maging malapit ulit kay Yohann. Hindi niya akalaing gano'n pala ang iniisip ni Yohann na binalewala niya ang mga nangyari.

Biglang kumalma si Yohann sa mga sinabi niya. Naisip niya na hinihintay lang pala siya ni Xian na maging handa sa lahat ng mga sasabihin at paliwanag nito. Ayaw lang naman niyang magmukhang kawawa at tanga na nakikipagmalapit kay Xian na hindi iniisip ang mga nangyari sa kanila dati.

"Let's talk, just the two of us." Mahinang sabi niya. "I don't know if we should talk before or after the play. I don't know which time is better." Hindi alam ni Yohann kung kailan siya makikipag-usap kay Yohann. Kung bago pa ang play, baka hindi siya makaperform nang maayos pero confident naman siya sa sarili niya na makakaya niya 'yun.

Hinintay naman ni Xian na makapagdesisyon na si Yohann.

"Okay, let's talk before the play. Para wala na akong masyadong isipin." Sabi ni Yohann. Tumango si Xian bilang tugon.

"Natatakot ako Yohann." Mahinang sabi ni Xian. Agad naman siyang nilingon ni Yohann.

"Bakit?"

"Baka kasi 'pag nasabi ko ang lahat, balik na naman ako sa simula sa pagpapapansin sa 'yo. Balik sa simula para kausapin mo ako. Balik sa simula na parang hangin lang ulit ako sa 'yo. Balik sa simula na parang wala lang ako sa 'yo."

Hindi alam ni Yohann kung maawa ba siya kay Xian, lalo na't alam niya kung gaano ito sinubukang lumapit ulit sa kaniya. Inaamin naman niyang komportable na ulit siya nagkalapit ulit silang dalawa pero kaakibat din nu'n ang takot na magkalamat ulit ang pagiging malapit nila at mag-isa na naman siya.

"Malalaman din natin 'yan Xian."

---
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

1M 91.6K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
11.3K 325 105
Continue following the family adventures of the Graceffa-Preda family! This is book 3! Check out book 1 & 2 to read their journey so far! Joey Grace...
TICKET By venom

Fanfiction

13.4K 213 18
George wants to visit Florida, But he wonders if Dream and Sapnap will be fine with him visiting. And what will happen if Dream and George start get...
12.2K 378 9
Y/n Itadori is a simple man living with his best friend but what he did not expected is to be send to another world where he helps people as he tries...