A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Twenty Six

18.1K 573 236
By littlemissselle

I've been declining Deign's call since this morning. Ang kulit-kulit naman kasi eh sinabi ko na ngang 'wag na munang tumawag kasi ngayon nga ang dating ni Gavin.

Andito ako ngayon sa airport at naghihintay para sa kaniya. Ang weirdo nga ng isang 'yon eh, gusto niyang sunduin ko siya eh malamang sa malamang pakalat-kalat ang mga paparazzi para makuhaan sila ng litrato sa pagdating nila.

Sa 'di kalayuan ay nakikita ko na ang iba't ibang fans club na dala ang mga tarpaulin nila. Hindi ako sigurado kung kilala ako ng ibang fans ni Gavin pero kasi sa tuwing nagpo-post ako ng picture namin nagko-comment naman sila na ang swerte-swerte ko raw na magkaibigan kami. Duh, we're not just friends kaya. Edi ibig sabihin no'n, swerteng-swerteng-swerte ako? Ah yeah, I have the sweetest, cutest, and loving boyfriend in the world.

Nang makita ko na ang unti-unting paglabas ng mga artista ay naisip kong sa parking lot na lang siya hintayin. Nagtaka pa nga ang driver niya kung bakit hindi ko siya kasama nang bumalik ako. Iniiwasan ko lang naman ang paparazzi. Parang ang dami kong iniiwasan sa panahon ngayon and that made me felt weird and anxious.

Nakita ko na siyang paparating kaya agad kong binuksan ang pinto ng van at nang makasakay siya ay inakap ko siya ng mahigpit.

"I missed you!" I beamed.

Inakap niya ako pabalik, yakap na may halong gigil. "Mas namiss kita. Did you behave when I was away?"

My mind says no but, "Of course! Ikaw nga diyan eh baka nakakita ka lang ng maputi, matangkad, blonde, eh pinagpalit mo na 'ko?"

He laughed. "Ba't pa eh girlfriend ko na nga ang pinaka maganda, pinaka mabait, pinaka malambing, pinaka sweet, at lahat pa ng magandang pinaka sa mundo."

Narinig ko pa ang hagikgik ni Manong kaya hinampas ko na lang si Gavin.

"Baliw ka talaga."

Sumandal siya sa balikat ko. "Namiss talaga kita."

"Namiss din kita." I brushed his hair with my fingers.

"Talaga?"

Napalunok ako bago sumagot. Bakit parang ang hirap sumagot sa ganitong usapan. "Talagang-talaga."

He kissed my shoulder then slept. I am glad that he's back but it doesn't feel right to lie, to hide. Namiss ko naman talaga siya eh...pero andiyan naman kasi si Deign kaya nalilibang ako.

Speaking of Deign, chineck ko na muna ang cellphone ko at nabasa ang text niya.

From: A-hole
Yan tayo eh. Pag andyan na siya, kinakalimutan mo na ko. Ganyan ka naman eh.

Napanguso ako dahil alam kong nantitrip ang isang 'to pero parang may iba pang meaning 'yung dating sa akin.

I spent the whole day with Gav. We had lunch together. Ipinagluto kami ng Mom niya pero she has to work pa kasi so iniwan niya rin kami. Nag-stay lang kami sa kwarto niya; kwentuhan at jamming. Nag kwento siya ng experience niya sa ibang bansa at nagkantahan lang kami habang naggigitara siya.

Tapos na kami mag dinner kaya nakaupo na lang kami at nanunuod ng TV. Magkayakap lang kami at parehong nabo-boringan sa mga palabas.

"Wanna stroll?" He asked.

I looked at him. "What do you mean?"

"Long night drives?" Binigyan niya ako ng ngiting ngayon ko na lang ulit nakita. I missed that playful smile of his.

I smiled back. "Game!"

Agad kaming tumayo at nag-unahan pa papunta sa kotse niya.

Kung saan-saan lang kami pumunta. Nagsasabihan lang kami kung liliko ba o didiretso lang, basta kung saan lang kami mapunta, magmamaneho lang siya. Ganitong mga pagkakataon ang namiss ko, ganito kasi kami noon nung hindi pa siya sobrang sikat.

Nang makaramdam ng kaunting gutom ay itinigil niya ang sasakyan niya sa tapat ng isang balut vendor. Nanlaki ang mata ng nagtitinda at nakilala siya.

“’Di ba…parang kilala kita. ‘Di ba, artista ka?”

Tinignan ko siya na ngumiti ng magiliw sa matandang lalaki. “Ah, Gavin ho. Pabili po ng tatlo.”

“Ah! Sinasabi ko na nga ba eh. Nako, sige apat na ibibigay ko sa’yo para tig-dalawa kayo ng girlfriend mo.”

Nagulat ako sa sinabi ni manong. “Ay, eh manong ‘wag niyo po pagsasabi na nakita niyo ho siya na may kasama ah?”

Kumunot ang noo nito. “Eh bakit naman hindi? Dapat nga ipagmalaki ko na may bumiling artista ng paninda ko eh.”

Isiniksik ko ang sarili ko sa tabi ni Gavin para makalapit pa sa bintana ng sasakyan. “Eh manong please? Hindi kasi pwede malaman ng iba.” Ipinagdikit ko pa ang mga palad ko para magmakaawa.

Habang kumukuha ng balut si Manong sa basket niya ay sinagot niya ako. “Hija, ikaw din magkaka-problema sa paglilihim mo. Hindi madaling magtago.”

Oh. Medyo humugot ata si Manong do’n ah.

“Pagpasensyahan mo na girlfriend ko Manong ah. Magkano ho?”

Nagbayad na siya at nag-park sa ‘di kalayuan. Kumain kami habang nagke-kwentuhan. Binibigay ko sa kaniya yung sisiw na part kasi ‘di ko kaya kainin. Naka-isa lang ako pero ‘yung tatlo kinain niya, ang bilis niya kumain kainis.

Madaling araw na namin naisipan na umuwi kaya naman nang ihatid niya ako ay nakaharang sa pinto si Kuya at naka-pamewang sa tapat namin.

“Sa tingin niyo anong oras na?” masungit niyang tanong.

Siniko ko ang boyfriend ko at bumulong, “Anong oras na ba kasi?”

Tumingin siya sa relos niya. “Eh alas-dos Kuya. Sorry na, namasyal lang naman kami eh.”

“Wow, namasyal, ganitong oras?”

Napakamot sa ulo si Gavin. “Kuya Casimir naman eh, namiss ko lang naman si Gia. Matagal akong nawala eh.”

“Hindi pwede ipagpa-bukas ha?” Ewan ko kung bakit pero ‘di ko mapigilan hindi humagikhik. “Anong nakakatawa, Gianina?”

Napa-ayos ako ng tayo. “Wala Kuya, sorry.”

“Pasok! Gabing-gabi na magkasama pa kayo." Tinuro niya si Gavin, "Ikaw naman, sinabihan na kitang 'wag na 'wag kayo gagabihin ng ganito ng kapatid ko ah."

"Sorry na po. Hindi na po mauulit."

"Talaga. O siya, umuwi ka na nga sa inyo." Hinila na ako ni Kuya papasok pero pinigilan siya ng boyfriend ko.

"Eh Kuya wait lang po."

Tumaas ang boses ni Kuya, "At bakit nanaman!"

He chuckled. "Maggu-goodnight pa ho ako."

Kuya crossed his arms. "Oh edi mag goodnight ka na ngayon."

"Eh pumasok ka na muna ho."

"Goodnight lang 'di ba? Hirap na hirap ka sabihin?"

Napakamot siya sa ulo niya. Hinawakan niya ako sa braso at hinalikan sa pisngi. "Goodnight. I love you," he whispered.

"I love you too. Goodnight. Ingat ka ha." I smiled.

"Anong binu-bulong-bulong niyo diyan?" sabat nanaman ni Kuya.

"Kala mo naman hindi ginawa nung bata pa," bulong naman ni Gavin na siyang kinatawa ko.

Matapos ang mahaba-habang panenermon ni Kuya nang umalis si Gavin ay nakapasok na rin ako sa kwarto at nagpahinga.

Nag-shower ako at nagpalit ng damit pantulog. Nakahiga na ako nang tumunog ang cellphone ko.

A-hole calling…

At first, I hesitated to take the call but I don’t want to ignore him na kasi I’ve been ignoring na his calls and messages the whole day.

Nang sagutin ko naman ang tawag ay walang nagsasalita sa kabilang linya pero rinig ko ang mga boses na mukhang galing sa TV.

“Deign?” I asked but he didn’t answer. Tumagal ng ilang minuto at pinatay ko na ang tawag dahil hindi rin naman siya sumasagot.

Humarap ako sa kaliwa habang yakap ang unan ko para matulog na sana dahil inaantok na rin ako pero nag-ring nanaman ang cellphone ko at inis kong sinagot iyon.

“Hello?” pero hindi pa rin niya ako sinagot at mukhang pinatay na rin niya ang TV. “Tumawag ka pa kung hindi ka rin naman pala magsasalita. Niloloko mo ba ‘ko ha?”

Again, minutes passed without him saying anything. “Ibababa ko na ‘to, inaantok na ‘ko. Ewan ko sa’yo.”

Finally, nagsalita rin siya. “No, don’t.”

“Eh hindi mo naman ako kinakausap eh!”

“Just sleep but don’t end this call.”

“What? Why are you acting so weird?”

“Just don’t. Go to sleep na.”

Napa-irap na lang ako at pinatong ang cellphone sa tabi ko. At dahil antok na antok na rin naman ako, natulog na nga ako.

Nagising ako sa malakas na kalabog sa pinto ko. Agad akong napatayo at binuksan ang pinto nang hindi man lang inaayos ang sarili.

“What the heck happened?” natataranta kong tanong nang makita ko ang kakambal ko.

“Ah, wala naman, pinapagising ka lang ni Kuya kasi tanghali na,” chill niyang sagot at nag diretso na sa pagbaba sa hagdanan.

Bwisit na ‘yan. Pwede naman siyang kumatok ng maayos, hindi ‘yung maka-katok akala ko naman kung ano na nangyari.

Pero wala na rin ako nagawa kundi ang sumunod at kumain ng almusal. Nasermunan pa ako ni Kuya na next time ‘wag magpupuyat ng ganoon at ‘wag magse-stay sa labas ng hanggang madaling araw kung alam kong may pasok ako kinabukasan. Wala naman akong magagawa kundi ang tumango eh kasi alam kong tama si Kuya pero nag-enjoy din naman ako kagabi kaya ayos lang.

Nang makabalik ako sa kwarto ay nag-check ako ng cellphone at nakita kong ang tagal din pala ng ginawa ni Deign na pagtawag, oo tawag dahil hindi naman kami nag-usap. Nabasa ko na lang ang mensahe niya.

From: A-hole
Just hearing you breathe while sleeping makes me fall for you even more.

Nakaramdam ako ng pag-iinit sa pisngi ko kaya naman napa-iling ako at  tumuloy na lang sa pagligo at pag-aayos ng sarili.

Dumating ako sa school kasabay ng kapatid at tulad ng nakagawian niya tinulak niya ako papasok sa room. Epal talaga eh kahit kailan.

Nang makaupo ako ay nagchismisan na agad kami ng mga kaibigan ko. At itong si Zoe ay hindi mapigilan ang kilig nang ipakita sa amin ang selfie nila ni Phillip. Pinost niya ito sa IG at laking tuwa niya nang i-like at i-followback siya ng kapatid ko.

Saktong pagpasok ng professor ay siyang pagdating ni Deign na basang-basa ang buhok. Galing nanaman siguro ‘to sa training pero ‘di naman nakaligtas sa’kin ang bango niya. Amoy lalaking-lalaki, ang sarap amuyin.

Natigil ako sa palihim na pag-amoy sa kaniya nang magsalita siya.

“Na-receive mo ‘yung text ko?”

I nodded. “Yeah, kanina ko lang nabasa.”

Tinignan niya ako nang masama. “Tapos ‘di ka man lang nagreply?”

I pouted. “Bakit, eh ano ire-reply ko?”

Kinagat niya ang labi niya at binigyan ako ng nanggigigil at naiinis na itsura. “Edi sabihin mong napo-fall ka na rin sa’kin.”

Nag-make face ako. “Sus, ganiyan naman kayong mga lalaki eh. Hanggang pa-fall lang kayo tapos ‘pag nahulog na kami, wala, papanoorin niyo lang kami tapos pag na-bore na kayo hahanap ulit kayo ng iba.”

“Parang reply lang naman usapan natin humugot ka na?” He chuckled. “Cute mo talaga,” sabay pisil niya sa pisngi ko.

“Oy ano, aga-aga harutan nanaman ang peg niyong dalawa?” singit ni Zoe na siyang kinatawa ni Tanya.

Nakinig na kami sa professor at meron kaming small activity. Si Ma’am ang mamimili ng magiging pair at para hindi siya mahirapan ay pinili niya pinaka una sa listahan at ang pinaka huli. And that means, Tanya and Deign became partners.

Deign looks cute with his protest but there’s nothing he can do about it na kasi lagi na raw siyang pinagbibigyan ni Ma’am na maka-group ako kaya this time hindi na muna.

‘Yung kaklase kong babae na fan din ni Gavin ang nakapareha ko. Nang matapos kaming mag-brainstorm at mag practice para sa pagpresent namin ay nag volunteer na kaming mauna para tapos agad. Ang napunta kasing issue sa amin ay ang pagpapakita ng ethics sa office kapag bagong hire ang kausap mo. Todo palakpak naman si Deign nang matapos kami, nakakahiya.

Marami na ang nakapag present pero si Tanya at Deign ay andoon pa rin sa likod at mukhang nagtatalo pa. Hanggang sa dumating sa point na sila na lang ang hindi pa nakakapag present kaya tinawag na silang dalawa. Tumayo sila na mukhang nag-aaway pa.

“Mr. Sison and Ms. Andrade, may problema ba?” the professor asked.

“Eh ito po kasi Ma’am eh, kontra lagi sa ideas ko,” sagot ni Tanya.

“Ikaw din naman ah!” bulyaw ni Deign.

Natawa ang minsan mabait, madalas masungit naming professor. “Hindi lang naman pala si Ms. Ramirez ang ka-loveteam mo eh.”

“Pauso ka Ma’am eh!”

Kaya natawa ang buong klase habang nagpe-present ang dalawa. Halata ang inis nila sa isa’t isa pero ang cute nila tignan.

Siniko ako ni Zoe habang nanonood kami. “Naalala mo pa ba ‘yung balak natin dati, ay balak ko lang pala?”

I looked at her. “Ano ‘yon?”

“Bigyan ng lovelife si Tanya. Mukhang okay naman sila together ‘di ba?” She looked at them with full encouragement in her eyes.

Natapos sila mag-present tapos natawa silang dalawa at nag-apir bago maupo.

Kinakausap ako ni Deign pero hindi ko siya magawang tignan. Ewan, parang ‘di ko siya feel kausapin.

Nag-iwan ng case ang professor namin at kailangan namin ‘yon masagutan at maipasa pagbalik niya.

Ito namang si Deign, napaka manhid, kita na ngang hindi ko siya feel kausapin, ang kulit-kulit pa rin.

“Huy, ba’t ‘di mo ‘ko pinapansin?”

“’Wag ka ngang magulo, magsagot ka diyan.”

“’Yan ang hirap sa’yo eh, mood swings pero mahal pa rin kita, ‘wag ka mag-alala.”

Wala na ‘kong ibang nagawa kundi ang murahin siya. “Gago.” It’s so unlady like pero he’s annoying as hell.

He laughed. “I love you. ‘Wag ka na magselos ha?”

That struck me. Selos? Nagseselos nga ba ‘ko? Ang babaw ko naman. Pero hindi, hindi ako nagseselos. Hindi talaga. I swear.

Kumapit siya sa braso ko at naglambing. “Gia, pansinin mo na ‘ko.”

“Can you plea-“ I wasn’t able to finish ‘cause my phone rang.

Napahinga ako ng malalim at sinagot ang tawag ni Gavin. “Hey babe.” Napalingon ako kay Deign at nakita ko ang pagbabago sa itsura niya. Lumabas na lang ako ng classroom para hindi na niya marinig pa ang usapan namin.

I felt a pang of guilt.

***

Have you seen Crazy Beautiful You na ba guys? Hihi. I can see Deign and Gia kay Jackie and Kiko eh haha. Owkay, ayon lang! :) Miss yahhh.

Hi nga pala kay NiksLorraine, nagpalit ka ba ng username? PM me! :) Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

8K 55 9
A story of friendship, love and family. A story of a guy who is selfless enough to keep her love for her even though her feelings is not the same as...
6.5K 531 85
SSOY2: "LOVE OF A STAR" •/completed/• #Sagacity *The wealthy and witty guy... (All good fortune known to him except the nature of his family that he...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...