Suarez Empire Series 1: My He...

By Warranj

2.7M 101K 15.4K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... More

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
Prologue
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 13
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 18
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 30
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 45
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 62
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON 👀
My Heaven In Hell (book version)

MHIH 5

44.2K 1.8K 181
By Warranj

The priest was stating his homily when my eyes searched for a particular man. Naroon pa rin si Lola Carmina sa palagi niyang puwesto tuwing narito siya sa simbahan pero hindi kagaya nung mga nakaraan na kasama niya si Hellios, ngayon ay mag-isa lang siya.

It’s been a week since that incident on Raphael happened. Sa tuwing maiisip ko na nasa loob ng kwarto ko si Hellios habang nasa labas naman ang mga magulang ko ay nagduduot pa rin ng matinding kaba sa akin hanggang ngayon. I prayed the rosary for so many times because I honestly felt guilty for lying to my parents. Hindi ko lang talaga kayang ilaglag ang sariling kapatid.

Nakita kong kumaway sa akin si Lola Carmina at ngumiti. Gustuhin ko man kumaway pabalik sa kaniya ay hindi puwede dahil nasa kalagitnaan ako ng misa. Instead, I gave her a quick warm smile. But when I saw my father looking at me who’s sitting in front of the altar with crumpled brows, my smile immediately faded away.

“Let us acknowledge our sins, and so prepared ourselves to celebrate the sacred mysteries.”

Tumungo ako at nagsalita sa mikropono. “Almighty God and to you, my brothers and sisters, that I have greatly sinned, in my thoughts and in my words, in what I have done and in what I have failed to do, through my fault, through my fault, through my most grievous fault; therefore I ask blessed Mary ever-Virgin, all the Angels and Saints, and you, my brothers and sisters, to pray for me to the Lord our God.”

Natapos ang misa at kagaya ng dati, inihatid ko ang mga gamit sa sasakyan namin. Naabutan ko si Lola Carmina na nakatayo sa entrada ng simbahan, sa akin kaagad nakatuon ang atensyon.

“Chloe, apo!” tawag niya sa akin at may malawak na ngiti sa labi.

Imbes na dumiretso sa sariling sasakyan ay lumiko ako para puntahan siya. She looked beautiful in her black floral dress. Hawak ang kaniyang baston ay muli niya akong kinawayan.

“Lola Carmina, kumusta po?”

Umamba siya ng yakap sa akin na kaagad kong tinanggap. Sa kabila ng pagiging istrikta ng itsura niya ay hindi maipagkakaila na napakabait niya sa akin.

“I’m good, I’m good! Thanks for asking. Ikaw, how are you? Palagi tayong nagkikita pero hindi nagkakaroon ng tiyansa makapagusap.”

“Oo nga po, Lola. Medyo lagi kasing nagmamadali ang mga magulang ko po sa pag-uwi. Mag isa lang po kayo?”

Nasa labas kaya si Hellios? Hindi ko naibigay sa kaniya nung nasa bahay siya ang rosary bracelet na ginawa ko. Dahil sa tensyon ay nakalimutan ko na ‘yon. Kung nasa labas siya at hinihintay si Lola Carmina, puwede kong i-abot dahil nasa bag ko lang naman ‘yon palagi.

“No. My driver is already waiting for me outside.”

Ngumiti ako. “Nasa labas po si Hellios?”

“No, not my grandson. I am with my driver. Masiyadong busy si Hellios ngayon sa kumpanya kaya hindi ko na naisasama dito.”

Tumango tango ako. Nagsimula na kaming baybayin ang daan palabas nang muli siyang magsalita.

“Anyway, I waited for you because I want to invite you to our house. Golden anniversary namin ng asawa ko at may simpleng salo-salo sa bahay.”

Natigilan ako ngunit hindi ‘yon ipinahalata sa kaniya. Sa kahit anong okasyon, ni minsan ay hindi ko napaunlakan ang mga nagyayaya sa akin dahil hindi rin naman pumapayag sina Papa na pumunta ako.

Kaya lang ay parang nahihiya ako na tanggahan si Lola Carmina. She has been kind to me ever since we met each other. Minsan nga ay pinapaabutan pa ako ng pagkain sa mga sakristan kapag hindi kami nagpapang abot tuwing natatapos ang misa.

“Kailan po ‘yon, Lola? Hindi po ako mangangako pero susubukan ko po.”

Gusto kong sabihin sa kaniya kung bakit hindi ako sigurado pero ayokong maging masama ang tingin niya kina Papa. She might think that my parents are too strict and I don’t want that.

“Sa makalawa na, hija. At sana ay makapunta ka kahit sandali lang. You don’t have to dress formal. Pamilya ko lang ang naroon kaya simpleng pagdiriwang lang. I am inviting you because you’re already a special person to me.”

Tila may humaplos sa puso ko nang sabihin ni Lola Carmina ang mga salitang ‘yon. Bakit parang ang hirap hindian ng mga matatanda? Parang hindi ko kayang makita ang reaksyon ni Lola Carmina oras na tumanggi ako.

“Sige po, Lola. P-pupunta po ako.”

Binigyan ko ng problema ang sarili ko — iyon ang naiisip ko sa araw na nagdaan. At ngayong kaarawan na mismo ni Lola Carmina, hindi ko pa rin alam kung paano ako magpapaalam kina Papa. Kung sasabihin kong anniversary ng kaibigan kong matanda, siguradong hindi pa rin sila papayag.

However, despite being undecided, I still made a gift for her and her husband. Isang bracelet na yari sa Opal at si Mama Mary ang para kay Lola Carmina at Black Tourmaline naman na may St. Benedict charm ang para sa kabiyak niya. I’m not sure if they will like this but I’m hoping.

Sandali, Chloe! Regalo na kaagad ang iniisip mo samantalang hindi ka pa nga nagpapaaalam!

Bumuntonghininga ako habang nakasandal sa upuan nang pumasok si Raphael sa kwarto ko. Busangot ang mukha niya at tiyak kong napagalitan na naman siya ni Papa. Tumuwid ako ng upo.

“Anong nangyari?” tanong ko.

Naupo siya sa kama saka huminga nang malalim.

“I was just asking Mom if she could buy me a phone since I don’t have my own. Kailangan ko rin naman sa pag-aaral ‘yon at isa pa ako na lang ang walang cellphone sa mga kaklase ko. But like the usual, Papa got mad.”

“Alam mo naman na hindi talaga sila papayag dahil iniisip nilang magiging hadlang ‘yon sa pag-aaral mo.”

“Which is not true, ate. I don’t know anymore. Lahat na lang ay bawal sa kanila. I am actually starting to question why they’re my parents—”

“Raphael!” Tumaas ang boses ko dahilan para mag-iwas siya ng tingin sa akin. “Kahit anong inis mo sa kanila, kahit gaano mo sila hindi naiintindihan, magulang pa rin natin sila at hindi tayo puwede magtanim ng galit sa kanila. Obey your parents in all things for this pleases the Lord. Mahalin mo sila, Raphael. Hindi sa habang buhay ay makakasama natin sila.”

Bumagsak ang balikat niya saka tumungo at yumuko.

“I’m sorry, ate.”

Tumayo ako at naglakad patungo sa kaniya. I sat on the edge of the bed beside him. Inakbayan ko siya at kinabig palapit sa akin. I kissed him on the cheek and he groaned. Natawa ako.

“Binata ka na? Ayaw mo na magpakiss kay ate?”

Nagusot ang mukha niya. “Ate, that’s too childish!”

“What?” I laughed. “You are just fourteen, Raph. Bata ka pa talaga.”

“Even so! Stop kissing me on the cheek.”

Hindi ako nakinig at sa halip ay hinalikan pa ulit siya sa pisngi habang tatawa tawa.

“Ate!”

Sa huli, nagtawanan kami bago niya ako niyakap nang mahigpit. Mahal ko si Raph, mahal na mahal. Gagawin ko lahat para sa kaniya pero hindi kasama doon ang pangungunsinte sa kaniya kapag may pagkakamali siya. Iyong nangyari noong nalasing siya, katakot takot na sermon ang inabot niya sa akin. Sinabi kong kapag inulit niya ‘yon ay isusumbong ko na talaga siya kina Papa.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya nang tumunog ang cellphone ko. We both looked at the screen and there’s a message from unknown number.

Hi, Chloe! This is Lola Carmina. I’ll wait for you, okay? Just tell me your location and I will ask my driver to fetch you.

“Who’s that, ate?”

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang kapatid. Kunot ang noo niya habang palipat lipat ng tingin sa akin at sa cellphone ko. Alam kong mapapagkatiwalaan ko siya kaya naman sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon ni Lola Carmina. I saw told him the connection between her and Hellios — the man who helped me take him home when he was drunk.

“Puntahan natin, ate! I want to thank that man personally.” Si Raphael.

“Pero mapapagalitan tayo ni Papa kung magpapaalam tayo.”

“We won’t tell it that we will be going to that occasion.”

“I don’t want to start another lie, Raph. Nagsinungaling na ako nung tungkol sa’yo.”

Pero sa tuwing naaalala ko ang mukha ni Lola Carmina na tila asang-asa na pupunta ako, pakiramdam ko ay mapipilitan na naman akong magsinungaling.

“Don’t you have orders to ship out today?”

“Mayroon. Mamayang alas kwarto pa ng hapon. Bakit?” taas ang dalawang kilay na tanong ko kay Raph.

His eyes glittered, his brows wiggled as if there’s something going on inside his head. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at nakinig sa kung ano mang sasabihin niya.

🖤

“I can’t believe we pulled that alibi, Raph. Kinakabahan ako sa’yo. Baka mamaya ay malaman nina Papa na nagsisinungaling tayo.”

“What? Totoo namang magpapadala ka nga mga order ngayon, ate. Walang masama roon!” natatawang sagot ni Raphael habang lulan kami ng taxi.

Nagpaalam kami kanina sa mga magulang namin na sasamahan niya ako mag-ship out ng mga orders dahil medyo may karamihan ‘yon. Pumayag naman si Papa pero bago kami hinayaan ay mahabang pangaral muna ang ibinigay niya sa amin.

Hindi lang ako sa mga magulang ko nagkakasala, pati na rin sa Amang nasa langit.

“You also need to go out sometimes, ate. Wala naman tayong gagawin na masama. Sa susunod, kapag inimbitahan ka ulit ni Lola Carmina, sabihin mo na lang sitwasyon natin sa bahay.”

Paulit-ulit ang naging dasal ko habang nasa daan. Sinabi ko na rin kay Lola Carmina kung saan kami dapat na sunduin. I even told her that I was with my brother and she said that it’s so much fine with her.

Ang plano, ipapadala muna namin ang mga order sa LBC bago kami pumunta roon sa bahay nila. Nga lang, pagdating namin ay may matandang nakauniporme ng puti ang kaagad na sumalubong sa amin.

“Magandang hapon, Ma’am Chloe. Ako po ang inutusan ni Madame Carmina para sunduin kayo.”

Ngumiti ako. “Good afternoon po. Ayos lang po na ipadala ko muna itong mga items na dala ko?”

“Ako na po ang magpapadala niyan, Ma’am kung ayos lang po sa inyo? Hinhintay na po kasi kayo ni Madame.”

Pasimple akong ngumiwi. Hindi ba magsisimula ang okasyon nang wala ako?

Hindi ko na ipinilit pa ang gusto ko at pumayag nang dumiretso kaagad sa okasyon. Naalala kong dala ko ang bracelet na ibibigay ko kay Hellios at sa tingin ko ay makikita ko siya roon.

I wasn’t surprised anymore when I saw the house of Lola Carmina. Malaki ito kesa sa ordinaryong bahay. Halata naman sa kaniya ang may kaya sa buhay kaya hindi na ako nagulat pa.

Iginiya kami ng driver sa loob ng bahay. The shades of white and nude were all I can see as we reached the living room. May ilang tao ang nakaupo sa mga couch at nang pumasok kami ni Raphael, napunta sa amin ang atensyon nila.

Nasaan si Lola Carmina?

Tumungo kami ni Raphael bilang pagbati. They all look serious and intimidating that made me feel nervous.

“Good afternoon po.” sabay naming bati ni Raph matapos tumungo.

“Good afternoon. Are you here for someone?” tanong nung isang babae na naka-highpony ang buhok at mukhang masungit.

Huwag mo siya husgahan base sa itsura niya, Chloe. Hindi ‘yon maganda.

“I’m here for—”

“Chloe, apo!”

Mabilis akong napatingin sa kaliwa nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon. Napangiti ako nang makita ang napakagandang si Lola Carmina. She became extra beautiful with her red Hawaiian dress. Sa tabi niya ay isang matandang lalaki na nakahawak sa bewang niya. Nasisiguro kong dito nagmana si Hellios dahil halos kawangis niya ito magmula sa makapal na kilay at madidilim na mga mata.

“Lola...”

“I’m so glad that you came! Is this your brother?” aniya sabay tingin kay Raphael.

Bumeso sa akin si Lola Carmina na sinuklian ko ng marahang haplos sa likura .

“Opo. Siya nga po.”

“Hi, Raphael. I’m Lola Carmina, and this is my husband Miguelito.”

“Hello po, magandang hapon. Happy anniversary po sa inyo.” bati ni Raph.

“Happy anniversary po, Lola Carmina and Sir Miguelito.”

Tumango ang matandang lalaki at ngumiti. “Thank you for coming.”

“Come with me. I’ll introduce you to my family.”

Sumunod kami ni Raphael sa kanila. Mabuti na lang at kahit sinabi ni Lola Carmina na hindi ito pormal ay nagsuot pa rin ako ng kulay pink na bestida. Sleeveless ito, hapit sa bewang pero maluwag sa may bandang hita. Abot ‘yon sa may tuhod ko kaya hindi masagwa tingnan. Ni minsan kasi ay hindi ako nagsuot ng damit na makikita ang hita ko.

“Everyone! I want to introduce to you Chloe. She’s a servant in Manila Cathedral. A Commentator most of the time. Chloe, this is my family.”

Inisa isa ipakilala ni Lola Carmina ang pamilya niya. Doon ko napagtanto na ang babaeng nagtanong sa amin kanina kung mayroon kaming hinahanap dito ay ang ina pala ni Hellios. Her name was Empress Suarez. Kagaya ni Hellios, matalim rin tumingin ito at tila mahirap pangitiin. Halos lahat naman ata sa pamilya nila ay masiyadong matapang ang ekpresyon ng mga mukha. Ganoon pa man, mababait naman sila.

“She’s very pretty, Ma. Parang anghel.” sabi ni Mrs. Erica, isa sa mga anak ni Lola Carmina.

“I know right! She’s very kind, too.”

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko bago tumungo, ramdam ang matinding hiya para sa kanila. Nagtama ang mga mata namin ni Mrs. Empress. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Sinubukan kong ngumiti at masaya akong ngumiti rin siya pabalik kahit pa medyo tipid ‘yon.

Sabay-sabay kaming napabaling sa pintuan nang pumasok roon ang isang kasambahay.

“Narito na po si Sir Hell,” anunsyo niya.

Pumasok si Hellios, seryoso at walang kangiti-ngiti. His appeal was oozing in his black fitted v-neck shirt and khaki pants that slightly hugging his masculine thighs. Medyo basa pa ang buhok niya, ang labi ay pulang pula na tila ba katatapos lang kagatin. Maging ang mga tattoo niya ay mas lalong napansin dahil sa kulay ng damit niya. Idagdag pa ang maputi niyang balat.

His dark and partially hooded eyes suddenly bore into mine. Nagtagal ‘yon sa akin bago ko nakita ang bahagyang pag awang ng mga labi niya. Ngumiti ako. Hindi siya ngumiti pabalik.

The smile on my lips slowly faded away when I saw a woman entered the door and stood beside Hellios. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila nang makitang naglapat ang mga ito. I anchored my eyes back to the woman. Just like Hellios, the woman has a lot of tattoo in her arms. Maangas rin, kagaya niya.

Ibinalik ko ang tingin kay Hellios, titig na titig pa rin siya sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit ako narito. Hindi niya siguro alam.

“Florence, kasama ka pala.” dinig kong sinabi ng isa sa pamilya ni Lola Carmina.

“Uh, yes po. Isinama po ako ni Hell.”

Someone around me scoffed but I don’t know who it was. Titig na titig lang ako doon sa babae na nakangiti sa kung kanino habang hawak pa rin ang kamay ni Hellios.

Florence... Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong babae na kasama ni Hell sa parke ng simbahan nung una ko siyang makilala. Siya ‘yong babae na sumagot sagot sa akin dahil sinita ko sila.

Mag nobyo pala sila.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

90.2K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
9.7K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...