Behind That Shadow

By clazore_love

949 69 1

Elisha Suzzane Perez is the epitome of a true friend. She perfected the art of faking her smiles and laughs e... More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE
CL's NOTE
SC#1: Unrequited Love
SC#2: Sa Susunod na Habang Buhay

Chapter 2

33 1 0
By clazore_love

****
-AFTER 6 YEARS-

"CONGRATULATIONS, SUZZY!"

Napangiti sya at niyakap ang dati nilang Editor in Chief. Nagresign na ito at huling araw na nito dahil simula bukas sya na Editor in Chief ng kumpanya nila

"Thank you" sabi nya at kumalas sa dating EIC nila

"May surprise kami sayo..." sabi ng mga officemates nya saka nagbigay daan

Napalingon sya sa taong nasa pinto ng VIP room at napailing "Anong ginagawa mo rito?" tanong nya at pinagkrus ang braso

"Congratulations, EIC" sabi nito at inabot ang bote ng wine "They invited me to celebrate my bestfriend's success. Who am I to say 'no'?"

Napairap sya at kinuha ang bote na hawak nito "Umuwi para sa celebration? Maniwala ako sayo" sabi nya rito at bumuntong hininga "So, ano nga? Bakit ka nandito? Bakit ka umuwi?"

"Let's talk about it later, Eli. For now, let's celebrate" sabi nito at inalalayan sya paupo

Tinignan nya ang kalendaryo sa cellphone nya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pilit syang ngumiti sa mga kasamahan na kino-congratulate sya at nakipag-inuman sa mga ito

"Huwag nyo namang lahatin..."

"Oo nga, hindi naman lahat ng lalaki ganun..."

"Grabe, lahat sila pare-pareho..."

Napailing sya sa pinag-aawayan ng mga ito saka nagpatuloy sa pag-inom

"You might get drunk" sabi ni Jess at inabutan sya ng tubig "Mag-tubig ka nalang"

"Yan! May mga lalaki pang gaya ni Jess. Caring at mabait, supportive pa" sabi ni Therese na katrabaho nya

"Kaya naman ng ibang lalaki na maging mabait, caring at supportive at the same time. You just have to find the right one" depensa naman ni Harry

"Right one, right one dahil dyan nasasaktan kaming mga babae. Kayo kasing mga lalaki, paasa. Ang bait-bait kapag nanliligaw tapos kapag sinagot kukunin lang ang gusto nyo saka nyo kami iiwan" sabi ni Amber saka sya nilingon "Huwag kang magpapaloko sa mga lalaki, Suzzy. Pare-pareho lang sila"

Napatango sya "Tama na. Masyado maiinit ang mga ulo nyo" sabi nya at akmang magsasalin ng alak sa baso nya ng kunin ito ni Jess

"Don't drink anymore" sabi nito at kinuha pati ang baso nya

Napailing sya at pinagkrus ang braso "Anong gusto mong gawin ko? Tutunganga ako?"

Umiwas naman ito ng tingin saka inabot sa kanya ang isang paper bag "Congratulations"

Bumaba ang tingin nya dun saka binalik ang tingin kay Jess "Ano 'to? Suhol?"

"It's a gift, take it" sabi nito saka iyon nilapag sa mga hita nya

Napairap sya saka iyon binuksan. Napakurap sya ng makita kung anong laman nun at tinignan si Jess "I went to Japan for that"

Bahagyang umawang ang bibig nya habang nakatingin kay Jess saka nag-iwas ng tingin "Dapat hindi ka na nag-abala" sabi nya at tinabi iyon sa gilid nya

"You like those little things ever since we're young and you keep on collecting them so I decided to get you one" sabi nito at nginitian sya "You like it?"

Tumango sya "Ang cute"

"Those are personalized" sabi nito at pinagkrus ang braso "I asked the designer if he can make something special to it. Like engraved something on it"

Napatango sya "Pangalan ko ba?"

Umiling naman ito "You see later"

Kumunot ang noo nya sa sinabi nito saka uminom ng tubig. Ano kaya yun?

"THANK YOU SA paghatid saka dito" sabi nya at tinaas ang paper bag na hawak

"We're on the same neighborhood. Why say thank you?" sabi nito saka ginulo ang buhok nya "Get inside"

Tipid syang ngumiti saka ito tinapik sa balikat "Sige. Alis ka na. See you" sabi nya saka pumasok sa loob

Sinarado nya ang pinto saka nilock at nagtungo sa sala para buksan ang laman ng paper bag. Kinuha nya ang mga action figures na chibi size saka hinanap ang sinasabi ni Jess

Natigilan sya ng makita kung anong simbolo ang nandoon. A crescent moon. Napalunok sya at humawak sa tattoo nya sa pamulsuhan

Akala ko nakalimutan na nya....tatlong taon na rin ang nakalipas ng magpatattoo silang dalawa. Crescent moon ang sa kanya at full moon naman ang pinatattoo nito

Napailing sya at binalik sa lalagyan ang mga chibi figures saka umakyat sa kwarto nya. Naghugas sya ng katawan saka nagpalit ng damit

*ding dong*

Kumunot ang noo nya saka tumingin sa orasan. Sino namang sira-ulong bibisita ng ganito kagabi? Sinuot nya ang bathrobe na kakulay ng itim na nighties na suot nya para matakpan kahit papaano ang sarili saka binuksan ang pinto

Napakurap sya ng makita si Jess sa pinto "Bakit? May problema ba?"

"I can't sleep" sabi nito saka pumasok sa bahay nya

Napangiwi sya saka sinarado ang pinto "Ginawa kong tambakan yung guest room ko. Saan ka matutulog?"

Bumuntong hininga naman ito saka tinignan ang oras sa relo "I can't sleep, Eli. It means, I won't sleep" sabi nito

Pinagkrus nya ang braso saka ito tinignan ng masama "Eh anong ginagawa mo rito? Iistorbuhin mo ako? Matutulog na ako eh!"

Ngumisi naman ito at hinila sya paupo sa couch "I'll carry you to your room if you fell asleep" sabi nito

"Eh saan ka matutulog?"

"Beside you. Aren't I allowed?" takang tanong nito

Napairap naman sya sa sinabi nito "Ulul, mag-isa ka"

"C'mon, Eli. We've been doing that since we're kids, why can't we now?"

"Gusto mong tadyakan kita? Malalaki na tayo, Jess. Baka kung anong isipin ng mga kapit-bahay" sabi nya at inayos ang bathrobe na suot

"Since when did you think about what others will say? It's so not you, Eli" sabi nito saka binuksan ang telebisyon

"Jess, tatlong taon nalang lalampasan na ako ng kalendaryo. Wala akong naging boyfriend sa loob ng mahabang panahon at ayokong maging issue yung pagpunta mo rito sa bahay ko lalo na't nakatira ako mag-isa rito" sabi nya at napailing

"What's wrong with that? Besides, we have slept together on each others bed before remember? Who cares on what they think?"

Napalunok sya sa sinabi nito "I care. Jess, I do care of what they think" sabi nya dahilan para mapatingin ito sa kanya "Babae parin ako at lalaki ka parin. Dalawang taon palang mula lumipat ako rito at isa pa, hindi ka pa nakakamove on..."

Napayuko sya saka tumayo "Kapag inantok ka, bumalik ka na sa bahay mo. Ilock mo yung pinto" sabi nya saka umakyat sa kwarto nya

Agad nya itong sinarado at nilock saka napahawak sa dibdib nya. Tama yung ginawa mo, Elisha..baka oras na nga para hayaan mo syang mag-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 175 20
Jacklyn Porter is Hamilton 'Ham' Porter's older sister. She has been friends with the sandlot boys ever since they were babies. Benny 'The Jet' Rodri...
1.1M 82.1K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
373K 13.8K 84
Even though Harry Potter's journey alongside his friends at Hogwarts is over, his story continues with his children, as well as his friends' children...
71K 3.3K 10
#1 in Artificial 1/7/2020, 3/2/2020 In which Izuku Midoriya is simply a Noumu nicknamed Deku, made for the sole purpose of infiltrating UA high schoo...