Behind That Shadow

By clazore_love

886 69 1

Elisha Suzzane Perez is the epitome of a true friend. She perfected the art of faking her smiles and laughs e... More

DISCLAIMER
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE
CL's NOTE
SC#1: Unrequited Love
SC#2: Sa Susunod na Habang Buhay

Chapter 1

64 1 0
By clazore_love

CL's NOTE: Welcome to Chapter 1, guys. I hope you enjoy. Lovelotz 😘

****

MAAYOS NA INIWAN ni Elisha ang table at kinuha ang bag saka umalis

"Eli...."

Napalingon si Elisha sa tumawag sa kanya at nginitian ito "Kanina ka pa?"

Tinignan lang sya nito ng masama at kinuha ang bag nya saka sila sumakay ng elevator. Pinagkrus nya ang braso at pinindot ang ground floor

"Sorry na, hindi ko nasabi na mago-overtime pala ako" sabi nya at bumuntong hininga

"It's fine" sabi nito at naunang lumabas ng elevator. Sumunod lang sya rito at akmang papasok sa kotse nito ng bigla syang sinandal ni Jess rito

Napakurap sya sa ginawa nito "Ano bang problema mo?!" hindi nya mapigilan na tumaas ang boses dahil sa gulat

Yumakap ito sa bewang nya at binaon ang mukha sa balikat nya. Ramdam nya ang pagtaas at baba ng balikat nito at narinig ang sunud-sunod na hikib

Natigilan sya ng sandali at umangat ang kamay para tapikin ang likod nito "A-anong nangyari?"

"Anne... s-she's g-gone..."

NAKASANDAL LANG SI Jess sa balikat nya habang nakatingin sya sa kabaong ni Anne. Si Anne, ang girlfriend ni Jess sa loob ng dalawang taon

Isa itong badminton player na lumalaban sa Olympics. Sa sobrang pressure at stress ay naospital ito. Naging malungkot... sobrang lungkot. Jess was always there for her to cheer her up

Mabait si Anne. Sobrang responsable at maalaga. Nakita nya kung gaano kamahal ni Jess at Anne ang isa't-isa sa loob ng dalawang taon. Kada laban ni Anne ay palagi nilang pinapanood ni Jess upang suportahan ito

Nung huling laban ni Anne bago sya maospital, nagpropose si Jess but sadly, Anne got depressed and she died because of overdose in sleeping pills. She killed herself.

"Tulog na sya..."

Napalingon sya sa taong nasa harapan nya saka nilingon si Jess. Tulog na nga..

"Kumain ba sya?" tanong ni Jessica, ang Ina ni Jess

Tumango sya "Pinilit ko po" sabi nya at tipid na ngumiti

"Mabuti at narito ka, iha. Hindi namin sya mapilit. Halos ayaw umalis sa kinauupuan" sabi nito at hinawakan ang isang kamay ko "He loves her so much.."

"She was a kind woman, Tita. Jess loved her because she's the kind of a woman he likes" sabi nya

Bumuntong hininga ito at hinalikan ang tuktok ng ulo nya "Take care of my son, Elisha. Ikaw lang ang makakapitan nya sa ngayon"

Tumango sya at nginitian sya "Don't worry, Tita. Kung kinakailangan ko syang pilitin araw araw para kumain, gagawin ko"

Napangiti naman ito at hinaplos ang buhok nya "I'll just attend Anne's mother" sabi nito saka umalis

Muli syang lumingon kay Jess at hinaplos ang pisngi nito. Ito ang unang pagkakataon na nakita nya ang kaibigan na ganito. Malungkot, walang buhay ang mukha at wala sa sarili. Tulala at nakakatulugan ang pag-iyak

Kahit pagtawa at pagsuway nito sa walang kwenta nyang biro ay hindi nito ginagawa. Kung hindi nya pa ito pilitin na kumain ay hindi ito kakain. Kapag magumpisa itong umiyak ay saka lang ito makakatulog

Malalim syang bumuntong hininga at pinikit ang mga mata saka hiniling ang ulo sa ulo ni Jess

"ELISHA....ELISHA..."

Marahan nyang minulat ang mata at napatingin sa gumigising sa kanya "Mom..."

Napalingon sya sa katabi nya ngunit wala roon si Jess. Agad nya nilibot ang paningin sa paligid at nakahinga ng maluwag ng makita ito na nakaupo sa isang gilid malapit sa kabaong ni Anne. Kausap nito si Seth na kaibigan rin nila

"Anak, hindi ka pa kumakain" sabi ng ina nya

Ngumiti naman sya "Sabay na po kami ni Jess"

Bumuntong hininga naman ito at hinaplos ang buhok nya "Alam kong inaalalayan mo si Jess pero anak, ikaw rin nahihirapan.."

"Ayos lang ako, Mom. Mas nasaktan sya kaysa sakin" sabi nya at hinalikan ito sa pisngi "Sige po, kukulitin ko lang si Jess" saka sya nagtungo kay Jess

"Oh, Suzzy..."

Inirapan nya si Seth at tinignan si Jess "Kumain na tayo. Nagugutom na ako"

"You can eat alone---"

"Hindi ka parin kumakain. Hello? Gusto mo ba magka-ulcer? Gusto mong kainin ng large intestine mo yang small intestine mo?" sabi nya at pinagkrus ang braso

"Eli--"

"Shh! Halika na. Huwag kang tumanggi. Mainit ang ulo ko" sabi nya at hinila ito patayo

Dinala nya ito sa loob ng bahay at pinaupo sa dinning chair. Naghanda sya ng makakain at nilapag iyon sa tapat ni Jess

"Ang dami..."

"Ganito ako magutom" sabi nya at sinandukan ito ng ulam saka kinuha ang kutsara nito. Akmang kukunin nito ang kutsara ng kumuha sya ng kanin at sinubo iyon kay Jess saka sinunod ang ulam "Masarap?"

Napangiwi naman ito saka nginuya ang nasa bibig. Napangiti sya at kumain narin

"Why are we sharing in one plate?" takang tanong ni Jess

"Ikaw ba maghuhugas ng mga pinggan? Reklamador ka masyado, huwag ka ngang Laway Conscious"

Napangiwi muli ito "Kadiri ka talaga" sabi nito at napailing

"LC? LC yan?" pang-aasar nya pa

Umiwas naman ito ng tingin at akmang iinom ng tubig ng kunin nya iyon "Gusto mo bang mawalan ng gana agad? Kumain ka ng kumain, mamaya ka na uminom" sabi nya saka muli itong sinubuan

"Eli..."

"Don't talk when your mouth is full" sabi nya at kumain na rin

Kinulit nya ng kinulit si Jess hanggang sa maubos nila ang nasa pinggan na kinuha nya. Nang matapos sila ay hinugasan nya ang plato at ramdam nyang natulala nanaman si Jess

Mahina syang napabuga ng hininga at nagpatuloy sa paghuhugas. Kinagat nya ang pang-ibabang labi at natigilan ng maramdaman ang paghinga ni Jess sa leeg nya

"Anne...I missed you..." mahinang sabi nito at niyakap sya mula sa likod "Anne, don't leave me again please..."

Humigpit ang hawak nya sa plato na kasalukuyang sinasabunan at pinigil ang pagtulo ng luha sa mga mata nya

"Anne, please...ang lungkot kapag wala ka..."

Binaba nya ang mga hawak saka nagpatuloy sa paghuhugas

"Anne, answer me please. Hindi ka na aalis diba?" humigpit ang yakap nito sa bewang nya at mas binaon ang mukha sa leeg nya "Anne..."

Malalim syang bumuntong hininga at napayuko. Dahan dahang kumalas si Jess sa kanya "Anne..."

Akmang ihaharap sya nito ng bigla nyang buksan ang gripo at binanlawan ang mga sinabon na kubyertos "Dun ka kaya muna sa labas, Jess. Nandun si Seth at si Mom" sabi nya

"Eli..."

Lumingon sya at nginitian ito "Bakit?"

Marahan itong umiling saka lumabas. Napasandal sya sa sink at napalunok ng tatlong beses saka napayuko "Damn it..."

Continue Reading

You'll Also Like

350K 21.5K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
90M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.2K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
214K 15.8K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...