Bartenders Series 6 Scotch (C...

By rhodselda-vergo

198K 4.6K 76

Filipino-American-Mexican na lumaki sa hindi tunay na magulang. Mapusok na binata, dikitin ng babae. Madaling... More

Teaser
Special Chapter
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Epilogue (final)

Chapter Ten

12.6K 333 3
By rhodselda-vergo

PUMAPATAK ang luha ni Scotch habang sakay ng kanyang motor siklo at tinatahak ang daan pabalik sa bar. Kumikirot ang dibdib niya na hindi niya mawari kung paano niya susupilin ang damdamin niyang iyon.

Labag man sa loob niya ang desisyon, naisip niya na iyon lang ang mabisang paraan upang malaya niyang maangkin si Khalee.

Inaasahan na niya na masasaktan si Khalee at higit na malamang na sasaktan niya ang sariling puso. Gusto niyang maayos ang buhay ni Khalee sa piling ng pamilya nito.

Pagdating sa bar ay uminom siya kasama si Brandy at Whiskey. Hindi niya napigil ang sarili na ibahagi ang saloobin sa mga kaibigan. Tulad niya'y may kanya-kanya rin namang suliranin sa pag-ibig ang mga ito.

"Ayos lang 'yan, dude. Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa ay magtatagpo parin ang mga puso ninyo," wika ni Whiskey habang panay ang hagod sa likod niya.

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mararanasan ko. Ginawa ko lang naman ang nararapat eh," aniya.

Nagpakalalaki siya. Matapang siyang humarap sa mga kaibigan niya sa pamamagitan ng pagpigil sa luha niya.

"Malapit lang naman ang Davao, dude. Anytime puwede mong puntahan si Khalee," sabi naman ni Brandy.

"Walang problema 'yon. Ang iniisip ay ang mararamdaman ni Khalee. Alam kong masama ang loob niya sa akin at baka nga kinamumuhian na niya ako," aniya.

"Bakit naman niya gagawin 'yon? Mahal ka niya. Oo, magagalit siya, pero kung magpapaliwanag ka ng maayos sa kanya ay hindi ka rin niya matitiis," ani Brandy.

"Iyon din ang plano kong gawin, pero palilipasin ko muna ang galit niya," aniya.

"Kaya mo 'yan, dude. Nandito lang kami sakaling kailangan mo ng payo," ani Whiskey.

"Salamat. Masuwerte lang ako dahil naging kaibigan ko kayo."

"Wala naman tayong ibang pagsasandalan kundi tayo-tayo din na magkakaibigan," ani Brandy.

"Tama, Scotch," si Whiskey.

Ngumiti lamang siya.

Nang matamaan siya ng kalasingan ay unti-unti na ring naglalaho ang kirot na nararamdaman niya sa dibdib. Doon na rin siya natulog sa bar kasama ang ilang kaibigan.

MAKALIPAS ang apat na buwan. Naghanda ng malaking salo-salo ang pamilya ni Khalee nang makapasa siya sa bar exam bilang abogada. Sa kabutihang palad, nagkagaanang-loob na muli sila ng mama niya. Hindi niya akalain na sa kabila ng matinding sigalot sa pagitan nila—na alam niyang kasalanan niya ay ito pa mismo ang susuyo sa kanya.

Isa nga itong ina. Hindi siya nito natiis. Humingi siya ng kapatawaran sa mga pagkakamali niya at taos-puso naman nitong tinanggap. Inamin din nito na may pagkukulang din ito sa kanya.

Ngayon ay kasalo niya ang buong pamilya sa isang masaganang hapunan. Naroroon din ang ibang kaanak nila para batiin siya. Hindi naman siya nakaiwas sa mga panunukso ng mga ito sa kanya tungkol sa personal niyang buhay-pag-ibig.

"Sa susunod dapat kasal naman ni Khalee ang dadaluhan namin," wika ng pinsan niyang si Mabel na isang doktora.

"Oo nga. Sana 'yong tamang lalaki na," gatong naman ng pinsan din niyang abogado na si Ramil.

Sandali lamang siyang ngumiti. Bigla nanamang sumagi sa isip niya si Scotch. Napagtanto niya na tila wala na ang hinanakit na minsang naghari sa puso niya para sa binata, bagkus ay namimis na niya ito.

Sa halip na tumugon sa mga pasaring ng mga pinsan niya ay minabuti niyang itikom na lamang ang bibig.

Pagkatapos ng hapunan ay niyaya siya ng mga pinsan na mag-inuman. Heto nanaman siya, naiisip nanaman niya si Scotch nang makita niya ang mga nakahain na alak. Ilang gabi rin siyang naglalasing noong kararating niya sa Davao.

Matagal rin bago niya natanggap na iniwan siya ni Scotch. Dumating pa ang pagkakataon na parang gusto na niyang kit'lin ang sariling buhay.

Pakiwari niya'y tuluyan nang nagsara ang puso niya at ayaw nang tumanggap ng panibagong pag-ibig.

Nang makadama siya ng pagkahilo ay sumibat na siya. Mahinhin ang lakad niya papasok sa kabahayan.

Nang tumapat naman siya sa study room ay napahinto siya sa paghakbang nang marinig niyang may kausap sa telepono ang lolo niya. Inilapit niya ang tenga sa likod ng pinto.

"Huwag kang mag-alala, hijo, hindi nagtatanim ng galit ang apo ko. Kung talagang desidido ka, magmadali ka na at baka wala ka nang maabutan. Ang totoo'y masaya ako na ikaw ang napunta sa apo ko. Pakiwari ko'y hindi ka rin basta-basta isusuko ng apo ko. Basta ba huwag mo siyang sasaktan," narinig niyang sabi ng lolo niya.

Wala siyang ideya kung sino ang kausap nito. Medyo nahihilo na rin kasi siya kaya ayaw gumana ng isip niya. Pero napapadalas na ulit ang pagpadpad ng imahe ni Scotch sa balintataw niya.

Ewan lamang niya bakit bigla atang kumabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya'y may darating na hindi inaasahang tao sa buhay niya. Nang wala na siyang marinig mula sa lolo niya ay pumanhik na lamang siya sa kuwarto niya.

LINGGO ng umaga, pumayag si Khalee na sumama sa lolo niya na pumunta sa opisina ng Private Investagation Agency nito. Gusto kasi nito na maging parte siya ng ahensiya. Bilang pagsaludo ay pinagbigyan niya ito.

Pagdating sa opisina ng mga ito ay ipinakilala siya nito sa mga Agent nito at ibang opisyales. Pagkatapos ng ilang oras na pagpupulong ay kinulit niya ang lolo niya na gusto na niyang umuwi.

"Mauna ka na, Apo. Ihahatid ka nalang ng driver ko," sabi sa kanya ng lolo niya.

"Driver? Ako nalang po ang mag-drive ng kotse n'yo pagkatapos ay ipapahatid ko nalang dito kay Manong Simon ang kotse," aniya.

"No, hija. Hindi ka pa ganoon ka-husay sa pagmamaneho. Ipapahatid na kita sa isa sa mga Agent ko," giit ng lolo niya.

Hindi na siya nagprotesta. Nagpaalam na lamang siya rito. Nakasimangot na lumabas siya ng opisina.

Pagdating niya sa garahe ay umaandar na ang kotse ng lolo niya at may driver nang naghihintay sa loob.

Padabog na binuksan niya ang pinto sa back seat at umupo sa gawing kaliwa na nasa likurang bahagi ng driver. Mayamaya'y umusad na ang sasakyan. Nakatanaw lamang siya sa labas buhat sa bintana.

Habang lumilipas ang ilang sandali ay nanunuot sa ilong niya ang pamilyar na pabango ng lalaki. Ewan niya kung pabango ba iyon ng driver o sadyang amoy lamang ng air freshener.

"Ibaba mo ako sa mall," mamaya'y utos niya sa driver.

Hindi umiimik ang driver basta't nagmamaneho lang ito. Kampante siya na ibababa siya nito sa mall, pero nagulat siya nang lumampas na sila pero hindi pa nito inihinto ang sasakyan.

"What the—sabi ko ibaba mo ako sa mall, eh!" asik niya at napapaangat siya sa kinaluklukan.

Hindi parin umiimik ang driver. Uminit na ang bunbunan niya. Mamaya'y bigla nitong inihinto ang sasakyan sa tapat ng lumang paliparan kung saan wala masyadong tao. Malayo na iyon sa bayan.

"What the hell are you doing? Bakit tayo nandito?" naiinis na tanong niya.

Hindi parin umiimik ang lalaki. Tuluyang naubos ang pasensiya niya. Nagngingitngit siya sa galit.

"Ano ba!" sigaw niya.

"Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin sa iyo," wika ng lalaki.

Natigilan siya nang mapamilyar sa kanya ang tinig ng lalaki. Bigla na lamang tumulin ang tibok ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming umaalipin sa kanyang nang mga sandaling iyon. Umangat siya sa upuan at dumukwang sa driver.

"J-James!" gilalas na sambit niya.

Hindi umimik ang lalaki bagkus ay bumaba ito ng sasakyan. Talimang bumaba rin siya ng kotse at nanggalaiting hinarap si Scotch.

"Anong ginagawa mo dito? Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa akin!" asik niya rito.

"Nandito ako para hingin ang kapatawaran mo, Khalee. Hayaan mo akong magpaliwanag," seryosong wika nito.

"Ganoon lang 'yon? Matapos mo akong lokohin at pagkapirahan? Pinakinabangan mo lahat sa akin, tapos umaasa ka na patatawarin kita? Hindi mo ba alam kung ano ang naramdaman ko noong gabing in-set-up mo ako? Mas masakit iyon paris sa dinanas ko kay Anton!" Pumalatak na siya. Nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha, ngunit ang pagluha niyang iyon ay hindi udyok ng poot, kundi magkahalong pananabik at pagkalito.

"I'm sorry. Gusto ko lang maayos ang buhay mo at maibalik ka sa pamilya mo. Masakit din iyon sa akin, Khalee. Minahal kita, mahal kita kaya ko ginawa iyon," anito.

Hinampas niya ng kamay ang dibdib nito. Nangangati ang kamay niya na sampalin ito ngunit hindi niya iyon magawang ipatama sa pisngi ng guwapong binata. Aminado siya na namimis niya ang pagmumukha nito.

"Mahal? Nagpabayad ka kay lolo para ibalik mo ako sa kanila. Kung mahal mo ako, hindi ka tatanggap ng suhol para malayo ako sa iyo! Pera lang ang gusto mo at hindi ang pagmamahal ko, James!" asik niya.

"Nagkakamali ka, Khalee. Oo, binayaran ako ng lolo mo, pero ibinalik ko rin iyon sa kanya. Hindi ko kailangan ng pera, Khalee. Hindi ko pa alam na ikaw ang apo ni Atty. Ocampo ay minahal na kita, Khalee," depensa nito.

"Sinungaling! Isa ako sa subject mo kaya pinilit mong makuha ang loob ko nang sa gayun ay maisakatuparan mo ang trabaho mo!" giit niya.

"Hindi kita pinilit, Khalee. Huli na nang malaman ko ang tungkol sa pagkatao mo."

"Pero bakit ipinagpilitan mo pa na maibalik ako sa pamilya ko?" usig niya.

"Dahil iyon ang tama, Khalee."

"Bakit kailangan mo pang ilihim sa akin ang mga hakbang na ginagawa mo? Bakit kailangan mo pa akong saktan?" puno ng hinanakit na tanong niya.

"Dahil hindi ka rin naman sasang-ayon kapag sinabi ko sa iyo ang totoo. Alam kong kukontrahin mo lang ako at ayaw ko na madalas tayong magtalo."

Humagulgol na siya ng iyak. "Sinungaling ka, James. Hindi mo manlang inisip ang mararamdaman ko bago mo ginawa iyon. Hindi iyon pagmamahal. Sinaktan mo ako!" Pinagsusuntok niya ito sa dibdib.

Mabilis na ginagap nito ang kamay niya. "Sorry na. Hindi naging madali sa akin ang desisyon ko na iyon," anito.

Humugot siya ng lakas at itinulak ito.

"Huwag kang umasa na tatanggapin kita, James. Durog na ang puso ko, alam mo naman 'yon 'di ba? Pero gumawa ka parin ng hakbang para masugatan nanaman ang puso ko. Hindi ko na alam kung paano ako magtitiwala sa iyo. Iwan mo na ako dito," mahinahong pahayag niya.

Hindi manlang umimik ang lalaki. Nang kumilos ito upang lisanin siya ay bigla naman nagpupuyos ang damdamin niya. Naiinis siya bakit parang ayos lang dito na itinataboy niya ito. Hindi malang ba ito luluhod sa harapan niya at magmakaawang patawarin niya—bagay na gusto niyang gawin nito?

"Okay," sabi lang nito at basta na lamang siyang iniwan.

Nagtatagis ang mga bagang niya habang sinusundan niya ito ng tingin habang papalayo ito sa kanya. Ngali-ngali niya itong batuhin ng sandals niya. Talagang diri-diretso ang lakad nito. Hanggang sa hindi niya natimpi ang kanyang damdamin. Nilamon siya ng takot nab aka kapag hindi niya ito pinigilan ay tuluyan na itong mawala sa kanya.

Noon niya napagtanto na hindi niya kayang ibaon sa galit at limot ang lalaki. Napatunayan niya sa kanyang sarili na ito ang dahilan kung bakit siya nanatiling buhay sa kabila ng mga pasakit niya sa buhay. Hindi na siya nagpadaig sa abosadong pride niya.

"James! Hoy!" pasigaw na tawag niya rito.

Huminto naman sa paghakbang ang lalaki pero hindi siya nito nilingon.

Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ito. "Ano, papayag ka nalang na itaboy kita? Hindi mo manlang ba ako pipilitin? Hindi ka manlang ba magmamakaawa?" naiiritang tanong niya.

Hindi parin siya nito hinarap. "Hindi ko ugaling pilitin ang ayaw," bagkus ay sabi nito.

Lalo lamang siyang nairita. Bumaling siya sa harapan nito. "At basta ka nalang susuko, huh?" seryosong saad niya.

"Ayaw mo naman na, e. Ano pa ba ang magagawa ko?" anito.

"Agr!" Hinampas niya ang dibdib nito at hinapit ang damit nito sa dibdib.

Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito at hinatak pababa sa mukha niya ang mukha nito upang maabot niya ang bibig nito. Kapagkuwa'y siniil niya ng halik ang mga labi nito. Ang hudyo, hindi manlang tumugon!

Nangawit lang ang leeg niya pero hindi manlang ito tumugon sa halik niya. Sa inis niya'y itinulak niya ito sabay bira ng talikod. Ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay sumabit na ang braso niya sa kamay ni Scotch.

Pumihit siyang muli paharap rito. Walang imik na kinabig nito ang baywang niya at hinapuhap ng halik ang mga labi niya.

Mabilis na naglaho ang inis niya. Tumugon siya sa halik nito. Dama din niya ang pananabik sa kanya ng binata. Tila ayaw na siya nitong pakawalan.

"Kailan ka pa dito sa Davao?" tanong niya nang makasakay na sila sa kotse.

"Kahapon," tipid nitong sagot habang hawak nito ang manobela.

"Ikaw ba ang madalas kausap ni Lolo sa telepono?" usisa niya.

"Yes. Pinag-usapan namin ang tungkol sa atin."

Namangha siya. "Alam na niya?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, alam na rin ng mga magulang mo."

"What!" bulalas niya. Bahagya siyang umangat sa upuan at hinarap ito. Nagimbal ang buong pagkatao niya. Bakit hindi niya namamalayan ang mga kaganapan?

"Bakit wala akong nalalaman?" manghang tanong niya.

"Sinabi ko sa kanila na ako mismo ang magsasabi sa iyo. Sila ang may gusto nito."

"Alin?" maang niya.

"Ang suyuin kita."

Bahagya siyang nadesmaya. "Ah, so hindi pala ikaw ang may kagustuhan nito," aniya.

"Hindi kasi nila alam na may relasyon tayo before. Nagulat nalang ako nang sabihin ng lolo mo na ligawan kita. Nagulat din ako nang sabihin niya na ako ang gusto niyang mapangasawa mo. Kasi daw kilala na niya ako," paliwanang naman nito.

Napangiti na lamang siya. Wala siyang kamalay-malay na gumagapang si Scotch para masungkit ang simpatiya ng pamilya niya. Natutuwa rin siya sa kompiyansa nito sa sarili. Hindi niya minsan naisip na magugustuhan ito ng mga magulang niya. At hindi ata siya maniniwala na pati ang Mama niya ay nagustuhan si Scotch at agad nagtiwala sa lalaki kahit hindi pa nito lubos na kilala. Hindi na niya inintindi ang pagkalito.

"HUWAG kang bumalik ng Maynila, James, hanggat hindi mo pinapakasalan ang anak ko," matapang na sabi ni Margaret kay Scotch habang magkasalo sa hapunan ang pamilya.

Natigilan si Khalee. Awtomatiko'y binato niya ng tingin ang Mama niya. Pagkuwa'y sinipat din niya si Scotch. Wala namang bakas ng pagkawindang sa mukha nito.

"Hindi ba masyado pang maaga, Margaret?" tanong naman ng Papa niya.

"Anong maaga? Nagawa na nga nilang mag-live-in sa Maynila, kasal hindi pa nila magawa?" mataray na saad ni Margaret.

Nawindang nanaman siya. Napatingin din sa kanya si Scotch na nasurpresa rin. Inosente ang mukha ni Scotch habang nakatitig sa kanya. Halatang hindi rin nito inaasahan ang sasabihin ng Mama niya.

"M-Ma, p-paano po ninyo nalaman?" hindi natimping tanong niya sa Mama niya.

"Nag-hire din ako ng PI para manmanan ka, Khalee. Nang malaman ko na hindi na si Anton ang kasama mo ay nakampante na ako," wika ng ginang.

Hindi na siya nakaimik. Nagkatinginan lamang sila ni Scotch. Samantalang nakangiti lamang ang lolo niya at maging ang Papa niya.

"Ako na ang bahalang mag-proces for wedding kahit sa huwis muna habang wala pang pormal na pamamanhikan. Pero magaganap din sa lalong madaling panahon ang church wedding," wika ni Margaret.

Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya. "Parang nagmamadali po ata kayo, Ma," wala sa loob na sabi niya sa mama niya.

Tumaas ang isang kilay ni Margaret. "Bakit parang ayaw n'yo? Gusto ko nang makita ang apo ko sa iyo, Khalee, kaya magmadali kayo," anito.

Uminit na lamang ang mukha niya. Naiilang tuloy siyang tingnan si Scotch. Hindi na siya nakapagsalita hanggang matapos silang kumain. Nang minsan niyang makasalubong sa pasilyo si Scotch kasama ang Lolo niya ay tila gustong tumalon ng puso niya.

Abala si Scotch sa pakikipag-usap sa mga magulang niya pero nahahalata niya na atat na rin itong masolo siya. Pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mapagsolo dahil halos lahat ng kaanak niya ay kinikilatis si Scotch. Titiisin nalang niya ang ilang araw na hindi ito masolo. Pagkatapos naman ng kasal ay kanila na ang mundo.

Continue Reading

You'll Also Like

95.8K 1.2K 10
She was raise in a slum near the Pasig River, Isa siyang batang putok sa buho kung tawagin ng mga tsismosa nilang kapit bahay. By the way her mom is...
349K 18.2K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
15M 759K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...