To Yohann (BxB) - Edited

By LadyLangLang

1.5K 191 109

Love confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes... More

Prologue
Chapter 1: Yohann's Role
Chapter 2: Flower Crown
Chapter 3: Messenger Went Wrong
Chapter 4: Chased by Who?
Chapter 5: To Yohann, For Yohanne
Chapter 6: Battle of Bottles
Chapter 7: Thought, thought and thoughts
Chapter 9: The Poem's POV
Chapter 10: Messed Encounter
Chapter 11: Sudden Courage
Chapter 12: Glimpse of His Secret
Chapter 13: Afraid of the Realizations
Chapter 14: Date
Chapter 15: His Explanations
Chapter 16: The Four of Them
Chapter 17: Ticket to the Play
Chapter 18: The End of the Play is the Start of Confusion
Chapter 19: Confrontation
Chapter 20: Flowers and Kiss
Chapter 21: When Envy turns to Jealousy
Chapter 22: Calls
Chapter 23: The Gift
Chapter 24: Birthday for Him, Debut for Her
Chapter 25: Secret Revealed
Chapter 26: Sudden Confession
Chapter 27: Date and Conversation
Chapter 28: Decisions
Chapter 29: Letting Go?
Chapter 30: Important Matters
Chapter 31: What happened?
Chapter 32: Graduation Celebration
Chapter 33: Actual Confession
Chapter 34: Finally
EPILOGUE

Chapter 8: Mixed Emotions

37 6 2
By LadyLangLang

Chapter 8: Mixed Emotions

"Xian! Sandali lang." Naglalakad si Xian papasok ng SHS building nang bigla niyang marinig ang boses ni Yohanne na tumatawag sa kaniya. Tiningnan niya kung nakasunod kay Yohanne si Yohann pero nabigo lang siya kaya hinintay nalang niya si Yohanne na lakad-takbong palapit sa kaniya. Nang tumigil si Yohanne sa harap ay nakatitig lang ito sa kaniya.

"Bakit Yohanne? May kailangan ka ba?" Tanong ni Xian sa kaniya pero sa halip na sagutin ang tanong ng binata ay hinawakan nito ang braso niya at hinila.

"Teka Yohanne, saan tayo pupunta?" Hindi alam ni Xian kung anong problema ng babaeng humihila sa kaniya kaya hinayaan lang niya ito kung saan man siya dadalhin nito. Tumigil si Yohanne sa pagtakbo nang mapansing wala ng masyadong tao sa paligid kaya binitawan na niya ang braso ni Xian.

"What now?" Tiningnan ni Xian ag wristwatch niya at nakitang mataas-taas pa ang oras bago magsimula ang first period. Tiningan niya ulit si Yohanne na nakacrossed-arms na nakatingin sa kaniya at nakataas ang isang kilay.

"This has been bugging me for few days. Hindi na ako mapakali kaya kakausapin na kita. Hindi ko naman pweding itanong kay Yohann dahil siguradong hindi niya sasabihin sa akin."

"And then?" May ideya na si Xian kung anong gustong itanong ni Yohanne sa kaniya. He's just waiting for her to say it.

"I just don't get it. May problema ka ba kay Yohann? Ba't palaging siya nalang ang dinidiskitahan mo? Masyado kang papansin sa kaniya. Palaging siya nalang ang napapansin mo tuwing may rehearsal tayo. Palagi mo rin siyang inaasar. Tapos - - -." Hindi na nasundan ni Xian ang sunod-sunod na tanong ni Yohanne sa kaniya kaya ininterrupt niya ito.

"Sandali lang Yohanne." Sabi niya kay Yohanne at sinenyasan itong tumahimik. Inirapan lang siya ni Yohanne.

"Totoo 'yung mga sinabi mo, pero dati 'yun, iba na ngayon." Pag-aassure ni Xian kay Yohanne dahil parang hindi pa rin ito naniniwala sa kaniya.

"So bakit nga? Bakit mo ginawa ang mga 'yun?"

"Protective ka rin pala kay Yohann?"

"Of course, I am. Kung protective si Yohann sa akin, protective din ako sa kaniya. Ayaw kong may nang-aasar sa kaniya."

"He's lucky to have you."

"I'm luckier to have him but wait..." Saglit na tumigil si Yohanne sa pagsasalita at tinuro si Xian. "You're changing the topic Xian." Du'n lang narealize ni Yohanne na iniiwasan ni Xian ang mga tanong niya.

"Napansin mo?" Natatawang tanong ni Xian dahil akala niya ay makakawala na siya sa mga tanong ni Yohanne sa kaniya.

"Ano nga Xian? Huwag mo na akong subukang lituhin. Ano ngang meron sa inyo ni Yohann at parang ngayon biglang nagbago na? Parang bati na rin kayo..." Tiningnan ni Xian si Yohanne nang bigla itong tumigil sa pagsasalita. Sa nakikita niya ay parang may sasabihin pa ito pero nag-aalangan lang ito.

"Say it Yohanne."

"And I don't get it why people, especially girls, are shipping you and Yohann. Why?" Yohanne asked with confusion drawn on her face. Xian doesn't know what to answered to her question, especially the last one. For some reason, he became nervous.

"Yohanne." Sambit niya sa pangalan ni Yohanne. Nagdadalawang-isip siya kung itatanong ba kay Yohanne ang nasa isip niya dahil baka hindi niya aasahan ang sagot nito pero 'yun lang ang alam na paraan ni Xian para mawala ang kaba niya.

"Why?" Tanong ni Yohanne habang hinihintay ang sasabihin ni Xian.

"Are you homophobic?"

"What? No, of course not." Medyo pasigaw na sagot ni Yohanne sa tanong ni Xian sa kaniya. Hindi niya inasahan ang tanong ni Xian pero sigurado naman siya sa sagot niya. Hindi lang niya alam kung bakit 'yun natanong ni Xian sa kaniya.

"Glad to hear that." Parang nabunutan ng tinik si Xian sa naging sagot ni Yohanne. Nawala ang kabang naramdaman niya.

"Bakit mo naman naitanong 'yun? Anong connect nu'n sa mga tanong ko?"

Hindi akalain ni Xian na sa tinagal-tagal niyang pag-iwas sa mga mapanghusgang tingin ni Yohanne sa kanilang dalawa ni Yohann ay balewala lang pala. Ngayon na nagkausap na silang dalawa ni Yohanne ay biglang gumaan ang pakiramdam niya.

"Gusto mo talagang malaman?"

Tinitingnan ni Yohanne ang mukha ni Xian at sinusuri niya kung anong ibig sabihin ng nakakalokong ngiti nito.

"Yes, for my inner peace." Sagot ni Yohanne at matiyagang naghintay sa sasabihin ni Xian. Xian looks from left to right to see if there are students around. When he saw that no one's looking at them, he moves his head beside Yohanne's left ear and whispered.

"What?!" Yohanne covered her mouth in shock. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa mga salitang binulong ni Xian sa kaniya. Tumayo na nang tuwid si Xian at tiningnan ang kaharap niyang gulat pa rin sa mga sinabi niya.

Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan si Xian at iniisip kung seryoso ba talaga ito. Xian just put his index finger in front of his lips.

"Sssh ka lang Yohanne." Sabi niya kay Yohanne saka ito tinalikuran. Kahit nakatalikod na siya ay hindi pa rin niya maiwasang matawa kapag naaalala ang mukha ni Yohanne. Nang nakailang hakbang na siya at napansing hindi sumusunod sa kaniya si Yohanne, nilingon niya ito at itinuro ang wristwatch niya.

"Halika na. Baka malate pa tayo, malapit ng magtime."

#

"Xian!" Napatigil sa paglalakad si Zacheous nang marinig ang boses ng crush niyang si Yohanne. Mabilis niya itong nilingon at agad na binalik ang tingin sa harap nang mabilis itong naglakad at nalagpasan pa siya.

"Nanigas ka na diyan hah." Saad ni Ryle nang mapansin tumigil sa paglalakad si Zacheous. Hindi naman siya pinansin ni Zacheous dahil sinundan niya ng tingin si Yohanne na lumapit kay Xian.

"Teka, saan sila pupunta? Why is she dragging Xian?" Tanong niya sa sarili niya nang makitang papaalis sina Xian at Yohanne pero hindi papunta sa entrance ng HUMSS department.

"Samahan mo 'ko Ryle." Hinawakan niya ang bag ng kaibigan at sinabay ito sa pagtakbo niya. Sa gulat ni Ryle ay muntik na siyang madapa.

"Yohanne naman, bakit ka ba tumatakbo? Andami tuloy'ng tumitingin sa 'yo. Ang ganda mo pa rin, lalo na't nililipad ang buhok mo." Napailing nalang si Ryle nang marinig ang sinabi ni Zacheous.

Parang maririnig ka naman ng crush mo. Sabi ni Ryle sa isip niya. Tumigil na sila sa pagtakbo nang huminto rin sa pagtakbo sina Yohanne at Xian. Nagtago sila sa isang puno para hindi sila makita ng dalawa.

"Bakit mo pa ako sinama rito?" Tanong ni Ryle kaya tinakpan ni Zacheous ang bibig ng kaibigan.

"Sssh, hindi ko sila marinig." Mahinang sabi ni Zacheous. Hinawakan naman ni Ryle ang kamay ng kaibigan na nakatakip sa bibig niya at binaba ito. Nagcross-arms lang siya at sumandal sa puno.

"Bakit ba kasi ang layo natin? 'Di ko tuloy marinig kung anong pinag-uusapan nila." Sabi ni Zacheous habang nakatingin sa dalawa. Wala talaga siyang alam kung anong pinag-uusapan ng dalawa pero base sa nakikita niya ay parang galit si Yohanne kay Xian.

Gusto sana niyang lapitan ang dalawa pero baka malaman ng dalawa na sinundan niya ang mga 'to. Dahil din sa curiosity ni Ryle, tiningnan din niya sina Yohanne at Xian at kagaya ng kaibigan niya, hindi rin niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Nang makita ni Zacheous na nilapit ni Xian ang mukha niya sa tainga ni Yohanne ay kumunot ang noo niya at hindi napigilang maghakbang papunta sa direksyon ng dalawa pero naramdaman nalang niyang nasakal siya nang may may humila sa collar ng uniform niya mula sa likod.

"Umayos ka nga Zacheous, baka ikaw lang ang mapahiya sa gagawin mo."

"Pwedi namang bag ko ang hilahin mo, bakit 'yung collar pa ng uniform ko? Are you trying to kill me?" Inis na tanong niya sa kaibigan pero agad din naman siyang napaisip sa sinabi nito at tama nga si Ryle. Baka kung anong gawin niya at mapahiya lang siya.

"Ang OA mo."

Muling tiningnan ni Zacheous ang direksyon ng dalawa at napansing naglalakad na ito paalis.

"Nagsasayang lang tayo ng oras Zacheous. Pwedi mo namang itanong lang sa kaibigan natin kung anong pinag-usapan nila ng crush mo." Sabi ni Ryle habang tinitingnan ang relo niya at napansing malapit ng magsimula ang first period. Nauna na rin siyang naglakad at sigurado naman siyang susunod agad si Zacheous sa kaniya.

Napaisip naman si Zacheous sa sinabi ng kaibigan kaya kinuha niya ang cellphone niya pero sa halip na si Xian ang itext niya, pinindot niya ang pangalan ni Yohann.

Where are you? (Zacheous 7:47 A.M.)

(Yohann 7:47 A.M.) HUMSS 12-A.

Sabihan mo nga si Xian na huwag lapit nang lapit kay Yohanne. (Zacheous 7:47 A.M.)

(Yohann 7:47 A.M.) Inuutusan mo ako?

Nasa isang building lang naman kayo eh. Malapit lang kayo. (Zacheous 7:48 A.M.)

(Yohann 7:48 A.M.) He's in HUMSS 12-B, same section with Yohanne. Malayo.

(Yohann 7:48 A.M.) You tell him, you're friends remember? And we're not.

Nang-aasar ba ang isang 'to? Gusto talaga niyang maging malapit si Xian kay Yohanne? Tanong ni Zacheous habang nakatingin sa conversation nila ni Yohann at du'n lang din niya nalaman na nasa iisang section lang pala sina Yohanne at Xian. Inis niyang nilagay sa slacks niya ang cellphone niya at hinanap si Ryle at nakita niya itong malayo na sa kaniya kaya hinabol niya 'to.

#

Buong morning period ay walang gana si Zacheous. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa board. Mabuti nalang at hindi siya napapansin ng mga teachers nila dahil nasa bandang likod ang upuan niya. Kung hindi lang siya sinabihan ni Ryle na lunch time na ay hindi pa niya malalaman.

Maraming bagay ang bumabagabag sa kaniya at gusto niyang malaman ang sagot sa mga tanong niya. Walang gana rin siyang naglalakad at nakatingin lang sa sahig habang sinusundan si Ryle na naglalakad papuntang cafeteria.

Nang makalabas sila mula sa STEM department, nakita ni Ryle si Xian kaya tinawag niya ito. Inangat naman ni Zacheous ang ulo niya at nakita rin niya si Xian. Kumunot naman ang noo niya habang tinitingnan si Xian. Puno ng pagtataka ang mukha niya na agad ding napalitan ng inis nang maalala niya ang nangyari kaninang umaga.

Nu'ng sinabi ba ni Liam na kinikilig siya kina Xian at 'Yohan' nu'ng isang araw, si Yohanne ba ang tinutukoy nila? Hindi maiwasang tanong ni Zacheous sa isip niya, lalo na't magkasama ang dalawa sa isang play.

Agad din namang napansin ni Xian ang tingin ni Zacheous sa kaniya.

"Why are you staring at me like that?" Tanong ni Xian sa kaibigan pero inismiran lang siya nito.

Napansin naman ni Ryle ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya nagsalita na siya.

"Xian, himala yata at gusto mong sumabay sa amin ngayon." Binaling ni Xian ang tingin niya kay Ryle at inakbayan ito. Nagsimula na rin silang naglakad papunta sa cafeteria.

"Wala lang, gusto ko lang kayong makasabay." Habang naglalakad sila ay nilingon ni Xian si Zacheous at gano'n pa rin ang masama pa rin ang tingin ng kaibigan niya sa kaniya.

#

"May problema ka ba sa akin Zach?" Hindi makakain nang maayos si Xian dahil pansin pa rin niya ang tingin ni Zacheous sa kaniya. Wala naman siyang alam na ginawa niya na ikagagalit ng kaibigan. Hindi niya inaasahan na sa muling pagsasabay nila ng lunch ay tahimik lang silang tatlo, lalo na kay Zacheous.

"Sabihin mo na Zach, pati ako nadadamay sa tensyon niyong dalawa eh." Hindi rin mapigilan ni Ryle sa magsalita dahil hindi rin siya sanay na tahimik silang tatlo.

Binaba naman ni Zacheous ang kubyertos niya at hinarap si Xian. Hinihintay naman ni Xian ang sasabihin ng kaibigan.

"Kaninang umaga, anong pinag-usapan niyo ni Yohanne?" Diretsong tanong ni Zacheous kay Xian habang tinago naman ng huli ang gulat sa mukha niya nang marinig ang tanong ng kaibigan.

"You saw us? You followed us?"

"Hinila lang ako ni Zacheous." Sabi ni Ryle at tinuloy ang pagkain niya.

"Bakit mo naman kami susundan? Bakit gusto mo ring malaman kung anong pinag-usapan namin ni Yohanne?"

"Do you like her?"

"Wait, what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Xian at hindi mapigilang matawa sa tanong ni Zacheous. Biglang nawala ang inis niya nang malaman niyang sinundan silang dalawa ni Yohanne nina Zacheous at Xian, napalitan 'yun ng hindi makapaniwalang reaksyon. Hindi rin alam ni Zacheous kung anong nakakatawa sa sinabi niya.

"I know, she's likable but no, I don't like her, if that's what's bothering you." Sagot ni Xian nang humupa na ang tawa niya.

"Eh bakit kailangang bumulong sa kaniya? Ano 'yung sinabi mo?"

"You don't need to know about it but rest assured, I don't like her. I like someone else." Tumigil si Xian at tinuro si Zacheous gamit ang tinidor niya. "Do you like her?"

"What?"

"Oo, crush ni Zacheous si Yohanne, kaya nga siya nagpapatulong kay Yoh - - -." Hindi na natapos ni Ryle ang sasabihin niya nang subuan siya ng pagkain ni Zacheous.

"Kumain ka na lang diyan."

"So, you really like her? You know, I can help you with her."

"No need, I got this."

"'I got this' daw." Ryle mockingly said that the two guys frowned their eyebrows.

"He doesn't need your help Xian, someone's already helping him but I don't know if you need or do not need to know that person."

"Anong sinasabi mo Ryle?" Tanong ni Xian kay Ryle habang si Zacheous ay sinamaan ng tingin ang kaibigan.

"Wala. Kain na tayo - - - kayo pala. Tapos na ako eh."

Tinuloy nina Zacheous at Xian ang pagkain nila habang si Ryle ay tahimik lang sa upuan nito. Natapos silang tatlong kumain at nag kaniya-kaniya sila kuha ng mga cellphone nila.

Having lunch already? (Zacheous 12:43 P.M.)

Tiningnan ni Zacheous ang pwesto ni Yohanne matapos niyang isend ang message niya. Nakita niya itong tumitingin-tingin sa paligid kaya agad niyang binalik sa cellphone niya ang tingin niya.

(Yo-honey 12:44 P.M.): Yupp, ikaw?

Tapos na rin. (Zacheous 12:44 P.M.)

(Yo-honey 12:44 P.M.): Nasa cafeteria ka ba?

Nag-alangan si Zacheous kung anong irereply kay Yohanne kaya nakatingin lang siya sa cursor na nagbiblink. Baka 'pag nagreply siya na nasa cafeteria siya, mahanap siya agad ni Yohanne.

Secret~ no clue. (Zacheous 12:46 P.M.)

(Yo-honey 12:46 P.M.): Naman Z. Hahaha.

Parang naririnig ni Zacheous sa isip niya ang tawa ni Yohanne. Sinulit niya ang mga natitirang minuto bago matapos ang lunch break.

Nga pala, do you need anything? Ipapadala ko kay Yohann para sa 'yo. (Zacheous 12:53 P.M.)

(Yo-honey 12:53 P.M.): Kahit ano nalang, hindi naman ako mapili eh.

Okayyy. Ipapadala ko kay Yohann mamaya sa rehearsal niyo. (Zacheous 12:54 P.M.)

Saglit na inangat ni Zacheous ang ulo niya at nakita niya si Xian na nakangiti sa harap ng cellphone nito at si Ryle na nakatitig sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ni Zacheous kay Ryle pero umiling lang ito at nilipat ang tingin kay Xian kaya napatingin rin si Zacheous kay Xian.

#

"Hindi pa ba tayo babalik sa room?" Tanong ni Liam sa mga kaibigan niya nang matapos silang kumain.

"Mamaya na, ang aga pa eh." Sabi ni Brix at walang abisong dumighay na ikinangiwi ng mga kaibigan niya.

"Yuck, kadiri."

"Opps, my bad, belated excuse me." Patuloy lang sa asaran ang dalawa habang tahimik lang si Yohann habang nakaupo sa harap nila. Bumabalik kasi sa isip niya ang text ni Zacheous na huwag palapitin si Xian kay Yohanne. Ang nasa isip lang niya ay nagseselos ito kaya siya inutusan na pagsabihan si Xian.

But Xian is harmless. Sabi niya sa isip niya na nakakunot ang noo sa kawalan. Bumalik lang ang atensyon niya nang kumaway si Brix sa harap ng mukha niya.

"Hoy Yohann, tulala ka na naman diyan. 'Yung cellphone mo, tumutunog."

"Huh?" Wala sa sariling tanong ni Yohann at napatingin sa cellphone niyang nasa mesa. Nagkatinginan naman sina Brix at Liam sa isa't isa nang makita sa screen ng cellphone ni Yohann kung sino ang nagtext sa kaniya.

"Hmm. Si X." Sabi ni Brix habang nilalaro sa kamay niya ang straw ng inumin niya.

"Anong ex na pinagsasabi mo?" Tanong ni Yohann sa kaniya at kinuha ang cellphone para basahin ang message.

"X as in X-I-A-N, Xian. Ikaw ha, iba ang iniisip mo." Pang-aasar pa ni Brix at nakipag-apir kay Liam at sabay na tumawa.

"Crazy." Hindi niya maiwasang mapahiya dahil sa iniisip niya. Mali lang pala siya ng dinig.

(Xian 12:42 P.M.): Hey.

Problema mo? (Yohann 12:42 P.M.)

(Xian 12:42 P.M.): Nothing, just wanna disturb you.

You're crazy. (Yohann 12:42 P.M.):

(Xian 12:43 P.M.): Yeah, yeah. I know. Hahaha.

(Xian 12:43 P.M.): By the way, tingin ka rito sa gawi ko.

Napakunot naman ang noo ni Yohann nang mabasa ang reply ni Xian sa kaniya. Alam naman niya kung saan ito nakaupo pero hindi niya alam kung bakit siya pinapatingin sa pwesto nito. Saglit niyang inangat ang ulo niya at tiningnan si Xian. Nginitian siya ni Xian at tinanguan. Muli niyang binalik ang tingin sa cellphone niya.

(Xian 12:44 P.M.): Ang bilis naman nu'n.

Shut up. (Yohann 12:44 P.M.)

(Xian 12:45 P.M.): I'm not even talking.

Pilosopo. (Yohann 12:45 P.M.)

(Xian 12:45 P.M.): Hahahaha. Sorry.

"Hmm Brix, parang hindi na tayo napapansin dito ah. Alis na kaya tayo, sigurado akong hindi tayo mahahalatang umalis."

"Tama ka."

Nilipat ni Yohann ang tingin niya sa dalawang kaibigan na nakatingin sa kaniya nang mapang-asar kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Kung anu-anong pinagsasabi niyo." Binaba na ni Yohann ang cellpone niya at nilagay sa bulsa ng slacks niya. Hinayaan lang niya itong nagvavibrate dahil sa sunod-sunod na mga messages. Pasimple niyang tiningnan si Xian at nakitang nagtitipa pa rin ito sa cellphone niya. Hindi rin nakatakas sa mga mata niya na nakatingin si Ryle sa kaniya. Nakita rin niya si Zacheous na nakaupo sa harap nina Xian at Ryle kaya hindi niya alam kung anong ginagawa nito.

"Hindi mo ba papansin 'yang cellphone mo? Dinig pa rin namin ang pagvibrate eh." Sabi ni Liam.

"Bahala siya." Inubos ni Yohann ang natitira niyang tubig saka tumayo at naglakad papunta sa exit ng cafeteria. Tumayo sina Brix at Liam saka siya sinundan. Nadaanan pa nila ang table nina Xian pero hindi niya ito pinansin. Si Xian lang ang pasimpleng tumingin kay Yohann at nahuli siya ni Ryle pero hindi alam ni Xian na tinitingnan siya ng kaibigan. Binalik niya sa cellphone niya ang tingin niya at nagtype.

See you sa rehearsal mamaya. (Xian 12:55 P.M.)

"Sinong katext mo?" Tanong ni Zacheous sa kaibigan. Binaba naman ni Xian ang cellphone niya at nilagay sa bulsa ng slacks niya saka hinarap si Zacheous.

"Secret." Sagot ni Xian at nginitian lang si Zacheous.

"Tara na. Balik na tayo." Sabi ni Ryle. Tumayo na silang tatlo at nakisabay sa ilang mga estudyanteng lumabas sa cafeteria.

#

Nakayuko lang si Yohann habang naglalakad papuntang Theater Room dahil nakatingin lang siya sa cellphone niya. Nakalimutan kasi niya na nagvavibrate 'yun nu'ng nasa cafeteria at hindi niya nabasa ang mga messages ng kung sino mang nagtext sa kaniya.

(Xian 12:47 P.M.): Hindi ka na magrereply?

(Xian 12:47 P.M.): Final na?

(Xian 12:49 P.M.): Hindi ako titigil hangga't 'di ka ulit magrereply.

(Xian 12:50 P.M.): Napikon ba kita?

(Xian 12:52 P.M.): Aalis ka na?

(Xian 12:52 P.M.): Hmm. Sige.

(Annoying Z 12:55 P.M.): Kita tayo malapit sa Theater Room. May ibibigay ako sa 'yo para kay Yohanne.

(Xian 12:55 P.M.): See you sa rehearsal mamaya.

The heck? Kaya pala matagal tumigil ang pagvavibrate. Sabi ni Yohann sa harap ng cellphonen niya nang mabasa ang mga messages na hindi niya nabuksan. Sa lahat ng messages na 'yun isa lang ang galing kay Zacheous na may ipapagawa na naman sa kaniya.

Binaba niya ang cellphone niya at nagpatuloy sa paglalakad. Malapit na siya sa Theater Room nang may kumaway sa kaniya sa 'di kalayuan pero hindi niya ito kinawayan pabalik. Naglakad lang siya hanggang sa makalapit na siya sa taong 'yun.

"Ano na naman?"

"Maka-'ano na naman' ka naman diyan, may ibibigay lang ako sa 'yo."

"What is it? Sabi mo 'See you sa rehearsal mamaya', ba't nandito ka sa labas?" Pinagkrus ni Yohann ang mga braso niya at tinitigan si Xian habang napakamot sa ulo niya ang huli.

"Nagbago ang isip ko. Maraming chismosa sa loob."

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa kanila?"

"Alam mo kung kalian 'yun."

Biglang naging seryoso ang pinag-usapan nila dahil sa mga huli nilang sinabi pero si Xian na ang pumutol sa tensyon. Kinuha niya mula sa bag niya ang isang bottled iced tea at binigay kay Yohann.Tiningnan ni Yohann 'yung bote at binalik ang tingin kay Xian. Sumenyas ito sa kaniya na tanggapin 'yun kaya kinuha niya.

"Para sa'n 'to?"

"Tanggapin mo na, para sa 'yo 'yan. Sige una na ako sa loob." Hindi naman mapigil ni Xian ang ngiti niya habang naglalakad papaunta sa Theater Room. Masaya lang siya dahil tinanggap ni Yohann ang binigay niya. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na unti-unti ng bumabalik ang atensyon ni Yohann sa kaniya. Umaasa siyang magtutuloy-tuloy na.

#

Pangiti-ngiti naman si Zacheous habang naglalakad papunta sa Theater Room para ibigay kay Yohann ang binili niya para kay Yohanne. Kukunin na sana niya ang cellphone niya pero naalala niyang may hawak pala ang dalawang kamay niya.

Biglang nawala ang ngiti niya nang makita niya si Yohann na may hawak na bottled iced tea. Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ang hawak ni Yohann na kagaya ng binili niya. Dalawa kasi ang binili niya para bigyan din sana si Yohann pero nadismaya lang siya dahil may bottled iced tea na pala si Yohann. Hindi niya alam kung binili ba 'yun ni Yohann para sa sarili niya o may nagbigay sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at nilagay sa loob ng bag niya ang isang bote. Pagkasara niya sa bag niya ay binalik niya ang ngiti sa mga labi niya at patakbong lumapit kay Yohann. Agad niya itong inakbayan at ipinakita ang hawak niyang bote.

"Yohann, ibigay mo kay Yohanne huh?" Kinuha naman ni Yohann ang bote at hinarap si Zacheous na ilang pulgada lang ang layo ng mukha sa kaniya. Hindi naman mapigilang magulat ni Zacheous nang lumingon si Yohann sa kaniya kaya nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mukha ni Yohann. Hinawakan ni Yohann ang dalawang bote sa isang kamay at hinawakan ang braso ni Zacheous para alisin ang pagkakaakbay sa kaniya.

"Ito lang ba ang ibibigay mo?"

"Pareho pala tayo ng binili na inumin." Sabi ni Zacheous sa halip na sagutin ang tanong ni Yohann sa kaniya.

"I didn't buy this."

"Kanino galing?"

"Bakit gusto mong malaman?" Tanong ni Yohann na nagpatigil kay Zacheous sa pagsasalita. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang malaman kung kanino galing ang inumin na 'yun. Sa isip niya ay wala siyang pakialam pero sa kabilang banda ay gusto rin niyang malaman.

"Huwag mo nalang sagutin. Sige na mauna na ako." Patakbong umalis si Zacheous mula kay Yohann. Naguguluhan siya sa sarili niya at nahihiya rin dahil sa inaakto niya. Hindi siya makapaniwalang nababagabag siya dahil lang sa bote ng inumin.

Nang nakalabas na siya sa mula sa school nila ay habul-habol niya ang hininga niya. Kinuha niya mula sa bag niya 'yung inuming binili na dapat ay ibibigay niya kay Yohann at ininom hanggang sa maubos. Pinunasan niya ang bibig niya at tumingin sa bote na wala ng laman.

"Anong problema mo Zacheous?" Tanong niya sa sarili niya saka tinapon ang bote sa katabing basurahan.

Nababaliw ka na ba?

---
LadyLangLang

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
3.1K 469 15
SUSURRATE LEVITICUS THROUGH THE BERMS OF MY WEATHER-BEATEN THIGHS.
883 99 13
rigor samsa: n. a kind of psychological exoskeleton that can protect you from pain and contain your anxieties, but always ends up cracking under pres...
11.3K 325 105
Continue following the family adventures of the Graceffa-Preda family! This is book 3! Check out book 1 & 2 to read their journey so far! Joey Grace...