『 THAT NERD IS THE VILLAINESS...

By GraDezer0

123K 5.6K 465

❝ Kahit saang lupalop ako mapunta, mapa impyerno man o langit ay wala din namang mababago saakin. Sapagkat na... More

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆
002 - AMNESIA
003 - THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER
004 - ROYAL POSSESSION ACADEMY
005 - PARTE NG MEMORYA
006 - TALAARAWAN (0.1)
007 - TALAARAWAN (0.2)
008 - MANANG PRINSESA
009 - ASTERIA'S JOURNEY
010 - PAGBABAGO
011 - LARUAN
012 - RENEWAL
013 - FRIENDS?
014 - PAGPAPATIKIM
015 - PALARO
016 - BANDA
017 - PERFORMANCE
018 - CROSSED PATHS
019 - PANAGINIP
020 - WEIRD
021 - LIE DETECTOR (0.1)
022 - LIE DETECTOR (0.2)
023 - DALAW
024 - HINANAKIT
025 - PAGTINGIN
026 - PAGMAMAHAL?
027 - PAGDUDUDA
028 - DESISYON
029 - PAGUUSAP
030 - THE EYE
031 - THE EVIL QUEEN
032 - HER INSPIRATION
033 - PRACTICE
034 - GIVING UP
035 - THE HOURGLASS
036 - APPROVAL
037 - HIS HOME
038 - ALL ABOUT HER
039 - BALIK ORAS?
040 - ANG GOLDEN CHISMIS
041 - HIS FRIENDS
042 - IN GOOD TERMS
043 - FAILED
044 - NOVEMBER
045 - UNKNOWN PARTNER
046 - HULA
047 - VALUE
048 - UNDER THE SPELL? (1)
049 - UNDER THE SPELL (2)
050 - SUCCESSFUL ATTEMPT
051 - WAKING UP
052 - PANIMULA
𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐍𝐓 𝐍𝐎𝐓𝐄

001 - HER DEATH

11.8K 428 38
By GraDezer0

Puting buhok at maputla na balat na maihahalintulad sa gatas. Maputlang labi at parang kalansay na ang buong katawan ng isang dalaga na sa edad bente-tres ay mahahatulan ng kamatayan dahil sa isang krimen na kanyang ginawa.

Siya si Asteria Avalanche, isang anak ng pinaka makapangyarihan na Duke sa kanilang bansa. Ang bansang Auzmelia, na hawak ng angkan ng dugong bughaw na Auzmelia ay napamunuan ng maayos ang kanilang ari-arian. Si Asteria ay nasa linya ng susunod na mapapangasawa ng prinsipe sapagkat isa siya sa kandidatong tatakbo bilang prinsesa.

Ang mamumuno ay kailangan na matalino, marunong humawak ng emosyon at eksperto sa ibang talento gaya ng pagpinta, pag-awit, pag-sayaw at iba pang aktibidad na dapat matutuhan ng prinsesa. Isang perpeksyon na titingalain ng lahat at rerespetuhin ng buong puso.

Hindi naman kinakailangan ng magandang pigura o mukha dahil ang pamilyang Auzmelia ay naniniwala na – "Ang tunay na ganda ay makikita sa puso."

Ang ibig sabihin nito... Na ang tao ay mamahalin ng lahat kung siya mismo ay nagpapakatotoo at lahat ng ikinikilos ay walang halong akto.

Paano nga ba napunta sa ganitong sitwasyon si Asteria?

Nagsimula ang lahat ng naging kakumpitensya niya si Deianira. Usap-usapan sa mga mararangal na tao sa iba't ibang pamilya na ang kumpetisyon ay hindi pribado sa mga mahihirap. Kahit sino ay pwedeng mag ambag ng partisipasyon... Minamaliit ng mga ibang tao ang mahihirap sapagkat ang oras ng makalumang panahon ay ibang-iba kumpara sa hinaharap.

Ang mga mahihirap ay trabahador, walang alam, naghihirap ngunit maliit ang kinikita. Sila din ang nasasalinan ng krimen kung ang isang aristokratikong nilalang ay nadamay sa isang krimen.

Napatawa si Asteria sa sarili na parang baliw. Tunay na mas masahol pa nga sa hayop ang isang makapangyarihan na tao na gagawa ng isang krimen. Ngunit sa kanyang sitwasyon, kahit anong isabat o idakdak niya ay hindi siya paniniwalaan ng iba. Kung may ebidensya man ay hindi sapat at maibabaliktad din ng kalaban.

Hindi siya nagkasala... Ang kagagawan nito ay hindi siya. Ang kanyang sala ay nagmula sa hampas lupang si Deianira! Ang kontrabida sa kanyang maayos na buhay na unti unting nasisira na parang pulbura.

Hindi siya mapagpanggap, hindi siya isang lobo na nagbalat ng isang tupa para maakit ang nakararami. Hindi siya isang masamang tao na iniisip ng iba.

Todo ang iyak ng dalaga sa apat na sulok ng isang kuwarto. Mahinang hikbi at kinakampana ng mahinahon ang kadena na nakapalibot sa kanya. Wala na din siyang lakas para sumigaw o magmakaawa dahil ilang araw na din siyang ikinulong na parang daga ng mga gwardya.

Ang pinakamamahal na prinsesa na si Annalise ay nalason na sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang mga katulong ni Asteria na pinagkakatiwalaan niya ay tra-traydurin din pala siya.

Halos lahat ng nasa palasyo ay walang angal na ang susunod na uupo sa trono ay si Asteria. Malakas din ang kanyang impluwensya sa ibang bansa at maging sa ibang kontinente ng mundo. May naangking kaakit akit na anyo ang binibini. Si Asteria ay parang isang dyamante na inukitan ng maraming ginto at pilak na nakapaligid.

Walang tao ang hindi mamamangha sa kanya... Isa siyang diwata ngunit pinangalanan na isang anak ng mangkukulam.

Maraming kuro kuro na may abilidad siyang makapagpagaling ng may sakit, makapag bigay ng maganda at hindi magandang hinaharap sa isang nilalang at ang huli... May mahikong itim na abilidad at iyon ay ang...

SUMPA.

Sino na ang inaakalang diyosa ng lahat ay isang demonyo? Isang malinis na ngayon ay nadungisan. Kilala na siya ngayon bilang isang mangkukulam na dapat ng mamatay dahil naniniwala ang karamihan na siya ay isang sumpa ng kamalasan.

Gigil na sambit ni Asteria – "Kung ang totoong pagpapakatotoo ng isang tao ay tunay na nakikita. Bakit ako nakakulong sa kulungan at sinasalba ang kasalanan ng isa?"

Walang sumagot at tanging hangin lang ang pumansin mula sa ere ang nag responde sa kanyang katarungan.

"Pun*etang buhay na ito." mura niya sa sarili at mahigpit na napahawak sa kadena.

"Mga bulag. Totoong inutil at uto uto!" sigaw niya.

Deianira... Inagaw lahat ni Deianira ang nasa kanya. Mula sa trono, koneksyon sa ibang katauhan, yaman, kapangyarihan, pamilya at higit sa lahat...

Ang prinsipe.

Simple lang naman ang ninanais ni Asteria. Tulad ng ibang dalaga, ninanais niya na mapaibig tulad ng mga aklat sa kanyang nababasa. Gusto niya magkaroon ng magandang wakas kasama ang simpleng hiling... Ang pagmamahal, ang prinsipe at ang hinaharap nilang buhay kasama ang mga anak.

Hindi madali na mamuhay sa iisang bahay na kasama ang bagong pamilya. Hindi matiis ng binibini na ang kanyang ama ay nagpakasal sa babae na isang karaniwan. May dalawang anak ito sa unang lalaki at aminado si Asteria na hindi niya din nakakasundo ang dalawa.

Ang mga pulubi ay dapat umakto na naayon sa batas. Nais niya ilugar ang kanilang kinauugalian dahil maaring ang repyutasyon ng kanilang pangalan ay madungisan. Naalala niya pa noon na dinidisiplina niya ang kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng pagpalo. Dahil ito din ang nararanasan niya sa kanyang unang ina.

Masama na ba siya? Hindi niya alam kung paano ba magparamdam ng pag-mamahal. Sabi sa libro, ang pag-ibig ay isang magandang karanasan sa buhay ng isang tao. Kung ang kasal sa huling pahina ng libro ay maganda, puwes... Sa kanyang mata ay isa lamang itong kasunduan upang mapatatag ang kanilang ipapamana para sa mga anak.

Nakaramdam siya ng pagkasabik ng maramdaman niya ang presensya ng dalawang tao mula sa malayo... Ng itinaas niya ang kanyang paningin, bumungad si Deianira na hawak hawak ang kaliwang kamay ng prinsipe.

"Maligayang pagbati sa bagong reyna at hari." sarkastong saad niya.

Ito ang katangian ni Asteria, siya ay mataray kung kanino man at hindi basta basta nasusuyo ng mabulaklaking kasabihan na makakapagpa-alab ng kanyang puso. Sarkaste lagi ang tono sa taong ayaw niya, maldita at dominante ang aura at malayo itong mga ugali sa kanyang katangian.

"Asteria... Mapapalaya ka naman ng aking mahal kung aamin ka lang na –"

"Papanagutan ko ang aking sinabi na ako ay inosente mahal na reyna." tumaas ang kilay ni Asteria. "Kung mamatay ako, gusto ko na lahat ng dinadamdam ko sa aking saloobin ay totoo. Haharapin ko ang kamatayan ng walang itinatagong sikreto."

"Mahal... Tingnan mo ang babae na ito. Tila'y nababaliw na at lalong tumitigas ang ulo." sabi ni Deianira sa prinsipe na naging hari na. Napabuntong hininga ito at napahawak sa ulo gamit ang kabilang kamay.

"Wala na akong masasabi sayo Asteria... Para saakin, talagang nababagay na ikaw na mawala sa mundo. Kung patuloy ka pa din na magsisinungaling–"

"Nais ko nang mamatay." walang interest na saad ng dalaga na nakapagpatigil sa dalawang mag asawa. Napanganga dahil kung mamatay siya, maraming aako ng kanilang ari arian.

"Gusto ko maging malaya kung saan ang mga tao ay pantay pantay na may karapatan, gusto ko ng payapang buhay at hindi na iibig magpakailanman." pumiyok siya at namula dahil sa hiya... Ito ang unang beses na magmumukha siyang mahinang nilalang.

Kailangan niya mag paubaya... Handa naman siya mag paubaya... Kailangan niya lang ng kumpirmasyon bago siya magsalita ng di maganda...

"Deianira, umamin ka na... Pakiusap... Umamin ka na ikaw ang may kagagawan nitong krimen. Pag umamin ka... Pangako, susumpaan ko kayo ng biyaya."

"Ang kapal naman na sabihan mo ang asawa ko na siya ang salarin sa kasong madugo. Kung buhay pa ang ate ko, sigurado ako na madidisgusto din siya sa pagmumukha mo!" pagalit na sigaw ng hari.

"Grabe ka na saakin Asteria... Lahat na lang ng iyong kasalanan ay saakin mo ipinapasa."

'HINDI IYAN TOTOO! DAHIL SA ATING SITWASYON, AKO ANG NABALIGTAD... HINDI KO ITO PAPALAGPASIN.' halos pumutok na ang ugat sa noo ni Asteria dala ng galit at inis. Malakas na paghingang pabalilk at papaloob ang ginawa niya  para siya ay mapakalma.

"Kahit saang lupalop ako mapunta, mapa impyerno man o langit ay wala din namang mababago saakin. Sapagkat natural lang sa isang katulad ko ang mamuhay ng naayon sa gusto ko. Ako ang mamumuno at tanging pinuno ng sarili ko."

"Gusto mo?? Edi mamatay ka na!" napahawak ang reyna sa rehas ngunit niyakap siya ng hari mula sa bewang upang ito'y pigilan.

"Bayolente kang babae... Dapat sayo ay tinatamaan ng karma!"

"Edi tamaan nila ako ng karma... Diyos ang nakakaalam kung talagang diserba ko bang maparusahan... HAHAHAHHAHAHA!!!" ang malakas niya na pag tawa ay lalong lumawak.

"Isinusumpa ko... Na pag umulit ang aking buhay... Sisirain at wawasakin ko ang mismong kaharian na ito. Dahil ang ganitong teritoryo... Ay basura." dinuraan ni Asteria ang direksyon ng dalawang tao na kinamumuhian niya.

"MGA KAWAL!!! PUTULIN ANG KANYANG ULO!! DALHIN NIYO NA SIYA SA LABAS." Sigaw ng hari.

Agad na sinunod ang utos na parang de-automatikong manika ang ninanais ng hari. Malakas na hinila pataas si Asteria at pinakawalan na sa kandadong nakapulupot sa kanya. Pakaladkad siyang hinila papalabas kung saan ang mga tao ay pinagbabato siya ng basura.

"MAMAMATAY TAO!!"

"ISANG MALAS!!!"

"PATAYIN ANG MANGKUKULAM!!!"

"ISANG MASAMANG HAYOP NA NAGKATAWANG TAO!!"

Gusto niyo ba malaman ang kanyang sikreto?? Hindi totoo ang abilidad niya at iyon ay haka haka ng nakararami. Ang pasalin salin na chismis na gawang kabobohan ay pinaniwalaan din ng bobong mga tao.

Ang kanyang sikreto... Ay, isa siyang immortal. Mamatay man siya ngayon o sa susunod, may abilidad ang kanyang kaluluwa na sumapi sa ibang tao. Hindi niya pa ito nagagamit... Ngunit sinisigurado niya, na ang pag hihiganti niya ay magiging matagumpay.

Misyon niya... Na patayin si Deianira.

"Hindi ako mamatay. Hahahahah." walang gana nito tiningnan ang mga tao na sumisigaw pabalik sa kanya na dapat din itong tanggalan ng mata.

"Kahit mamatay ako... Pag sumapi ang kaluluwa ko sa ibang tao ay makakatikim ng paghiganti ang lahat ng kumalaban saakin."

'Hindi ko kayo iiwanan... Tatandaan ko kayo. Maghihiganti ako.'

Binalot ng makapal na sako ang kanyang ulo at naramdaman niya na inilalakad na siya ng mga kawal patungo sa gilotina. Nagpalakpakan ang mga tao at narinig niya ang malakas na anunsyo ng isang tao.

"Pagbati sa lahat ng tao na masasaksihan ang pagpatay kay Asteria Avalanche. Narito ang kanyang listahan kung bakit siya mahahatulan ng kamatayan." klinaro nito ang lalamunan upang marinig ng maayos ng nakararami ang lalabas sa bibig nito.

"Una, binalak niya na mandaya tungo sa ibang kakumpitensya para maging isiang prinsesa. Pangalawa, Nilason niya si Deianira at ginamit ang titolo na sasaktan niya ito dahil siya ay nasa maharlilang pamilya. At ang pangatlo, nagtagumpay siya na lasunin ang ating pinakamamahal na prinsesa na si Annalise."

"PATAYIN ANG BABAE NA IYAN!!! PATAYIN NA SIYA!!"

Napangiti si Asteria...

Sa susunod kong buhay... Pag napagtagumpayan ko ang aking paghihiganti kay Deianira... Itatakwil ko na ang aking pamana at ibibigay ito sa aking mga kinakapatid. Naaisin ko na makahanap ng simpleng buhay.

Hindi na ako maghahangad ng sobra.

Dahil ang ninanais ko ay isang payapang buhay.

Paalam...

Nabigla si Asteria ng biglang nanigas at nagdilim ang kanyang paligid ng maramdaman niya ang paglapag ng talim ng pamugot.

At ito ang pagtatapos ng pagkamatay ng buhong na  nilalang at namuhay ng mapayapa ang mga tao sa kaharian ng Auzmelia.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 190K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.3M 51.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
23.3K 1.1K 12
Zamora Althea Delrico, 25 years old pero mukhang 35 dahil sa walang kapagurang pagttrabaho. Siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya para maka-ahon sa...
607K 22.5K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.