South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.3M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 10

150K 8.8K 3.3K
By JFstories

ADD FRIEND.


Hindi ko na pinag-isipan, click agad. Pagkahigang-pagkahiga ko sa kama, kinutingting ko agad ang phone ko at hinanap ang Facebook ni Jordan Moises Herrera.


Nadismaya ako dahil private ang profile niya. Ang tanging kita lamang ay ang cover at profile photo. Ang cover photo niya ay babaeng leon at may nakasulat na "Lioness, filled with beauty and rage"


Ang profile naman ay candid shot niya. Nakasuot siya ng white cap, nakasideview kaya kitang-kita ang mataas na nose bridge at long lashes. Sino kaya ang kumuha ng photo na ito sa kanya?


Nangangati na akong i-stalk ang timeline niya ang kaso lang nakaprivate nga siya. Hindi ko sigurado kung active siya sa Facebook dahil ang mga estudyanteng katulad niya ay parang hindi naman mahilig sa social media.


Napabuntong-hininga ako. Thirty minutes na ang lumipas, hindi pa rin niya ako ina-accept. Mukhang hindi nga siya active. Patulog na ako nang maisipan kong mag-selfie. Ngumuso ako sa cam saka nag-peace sign.


Nelly Madlangbayan: Pretty! *heart emoticon*


Saglit lang ay may 100 reactions na ang picture ko. Karamihan ay puso mula sa kung sino-sinong lalaki sa friendlist ko.


May mga comments na ang ganda ko raw, ang fresh, at may dumidiga pa. Ang comment ng lintek na si Charles Felix Columna ang nagpakulo ng dugo ko.


Charles Felix Columna: Baby...


Umani iyon ng 50 reacts. Karamihan heart. May kaunting haha at wow.


Matapos akong paringgan noon sa post niya, binibaby niya ako ngayon?


Nagpop up ang chat head sa phone ko.


Charles: Carlyn, ok ka lang ba? Ngayon ko lang nalaman ang nangyari kanina. Sorry sa ginawa ng kapatid ko. Kinausap ko na siya. Sana di ka galit.


Hindi na ako nag-abalang magreply, inignore message ko siya agad. Ganda-ganda ng gabi ko, sisirain niya lang punyeta siya.


Saka gigil pa rin ako sa kapatid niya. Never in a million years na gugustuhin ko iyong maging hipag. Ang gusto kong maging hipag ay iyong matino, mabait, matalino, kasing ganda ko saka iyong paghahainan ako ng KFC!


Nag-scroll ako sa newsfeed ko at may isa pang panira ng gabi. Lumabas lang naman sa feed ang new profile photo ni Isaiah. Katabi niya rito si Vivi at pareho silang naka-smile sa camera. Naka-couple shirts na red. Napaismid ako. Kuha ang pic na ito sa nakaraang battle of the bands.





"ANONG GUSTO MO SA DEBUT MO?"


Boses ni Mommy na sumalubong sa akin kinabukasan. Himala na ang aga-aga, gising na siya. Kakapasok ko lang sa pinto ng sala dahil kararating lang ng delivery boy na naghatid ng breakfast kong Yum burger, fries and chocolate hot drink. Nagising kasi ako kanina nang gutom at wala namang ibang makakain sa kusina namin kaya umorder ako.


"Carlyn," untag ni Mommy sa akin. 


Nasa harapan ko siya. Ang suot niya ay ang pangmalakasan niyang nightdress na halos wala ng itago sa kanyang katawan. Okay lang naman dahil sexy at makinis pa rin si Mommy until now. Saka nasa bahay lang naman siya, wag lang sana siyang lalabas na naman ng ganito ang itsura.


"Maglista ka na ng mga gusto mo. Mula sa theme, gown at kung may napili ka na bang event place."


"Ayoko," sagot ko sabay kagat ulit sa Yum burger. Naupo ako sa sofa namin at inilagay ang Jollibee paper bag sa center table. Nakaligo na ako pero hindi pa ako nag-aayos. Maaga pa naman kaya kakain muna ako bago papasok sa school.


"Anong ayaw mo?" Naupo rin si Mommy sa sofa. "Darling, next month na ang debut mo. Dapat pinaghahandaan na natin iyong mga detalye ngayon."


"Bakit me pera ka?"


"Syempre sa daddy mo—"


"Ayoko."


"Darling, please?" may gigil at pagtitimpi na sa tono ni Mommy. "Ito ang pinakamemorable na pangyayari sa buhay mo, your 18th birthday. Gusto ko na bongga ang party mo."


"Katamad 'yang ganyan e. Penge na lang pera. Gagala na lang ako o kaya papainom sa tropa."


"Tropa?" Nagusot ang maamong mukha ni Mommy. "Nakikipagtropa ka? Sa kanino? Sa mga lalaki? Totoo ba iyong naririnig ko sa mga kapitbahay natin na kung sino-sinong lalaki ang sinasamahan mo sa school?!"


Hindi ko pinansin ang mga rant niya. Dinampot ko ang hoto choco drink at saka nilagok kahit kandapaso-paso ang dila ko.


"May tiwala ako sa 'yo, Carlyn," mariing sabi ni Mommy sa akin. "Pero wala akong tiwala sa mga kaibigan mo. Mula ngayon, ayaw ko nang gagabihin ka sa paguwi!"


Tumikwas ang isang kilay ko. "Paano pag kasali ako sa cleaners?"


"Then tumakas ka! Kapag pinagalitan ka ng teacher mo, magdodonate na lang tayo ng basurahan, electricfan o kaya TV sa room niyo!"


Kusang umismid ang mga labi ko. "Mommy, di tayo mayaman. Last money ko na nga itong pinang-Jollibee ko. Wala na akong allowance ngayong week."


Napapiksi siya. "Anong wala? Kabibigay ko lang ng 1k sa 'yo noong Linggo, ah?"


"Naubos na." Ang limang daan sa pera ko ay ibinigay ko kay Nelly, pangpa-OB. Iyong natira naman sa pera, nandito na sa tiyan ko.


"Paanong naubos? Wala pang two days!" tumaas ang boses niya. "Alam mo namang next week pa ulit tayo padadalhan ng daddy mo kaya dapat pinagkakasya mo ang pera!"


"Paanong hindi mauubos ang pera ko?" balik-tanong ko sa kanya. "Palaging walang pagkain dito sa bahay. Ultimo pagsasaing, di mo ginagawa. Laging order."


Minsan ako na ang nagsasaing, ang kaso lagi namang walang ulam. Puro can goods at noodles ang stock sa kusina na madadatnan, kaya no choice ako pag gutom na gutom kundi ang umorder na naman.


Kahit naman si Mommy ay puro order din. Hindi naman kasi siya marunong magluto maliban sa mga torta at prito. Saka mahilig din si Mommy na bumili ng mga damit at cosmetics kaya kahit siya, nauubusan din ng budget.


Napapalatak si Mommy. "Sinasabi ko na kasi sa daddy mo na ikuha tayo ng katulong rito e. Si Becky roon, dala-dalawa ang katulong sa bahay—"


Tumayo na ako at iniwan na siya sa sala bago pa ako makapagsalita na naman ng hindi maganda. Ang aga-aga, kumikibot na naman ang sentido ko sa kanya.


"Carlyn!" sigaw ni Mommy sa akin. "Iyong sa debut mo, ha?! I need the info tonight! Maglista ka na ring ng 18 Roses and Candles!"


18 Roses? Tapos ano? Hindi makakapunta si Daddy for my first dance? O kung pupunta man, kasunod naman si Tita Becky at pagkatapos ay mauuwi sa World War III ang party? Wag na lang.


Pagpasok ko sa kwarto ay nag-uniform na ako. Hindi ko na iblinower ang buhok ko since tuyo naman na. Naglip tint na lang ako at kinuha na ang shoulder bag ko. Lumabas na ako ng bahay na hindi nagpapaalam kay Mommy.


Pagkarating sa school ay nilagay ko lang ang bag ko sa room, 'tapos lumabas agad ako para tumambay sa bench. Umupo ako roon at nag-abang ng mga pumapasok sa gate.


Sa pag-aabang ko, nakita ko pa tuloy si Isaiah na papasok ng gate. Pinarada niya sa gilid ang motor niya. Kinawayan niya ako at akmang lalapitan, ang kaso ay nakita niya si Vivi. Hayun, umiba agad ng landas ang lintek.


Sumimangot ako pero hindi naman ako nahurt. Wala lang. Parang normal na lang na makita ko sina Isaiah at Vivi na magkasama. Siguro kasi alam ko na sooner or later, magbibreak din naman sila.


Nakaupo pa rin ako sa bench at tamang abang lang nang mayamaya ay matanaw ko na ang pakay ko. Papasok siya sa gate at siya ang nangingibabaw sa lahat ng mga kasabay niyang estudyante.


Basa pa ang buhok niya at mukhang ang bango-bango mula ulo hanggang paa. Ang linis-linis at kagalang-galang sa suot na white polo and pants. Napatayo agad ako sa bench at kinawayan siya.


Oo, close na kami. Duh! Sabay kaya kaming kumain ng KFC loaded meal kagabi.


Nang mapatingin sa akin si Jordan ay bigla siyang natigilan. Huling-huli ko ang emosyon na sandaling bumalatay sa brown niyang mga mata. Lihim akong napangiti.


Nang malapit na siya sa akin ay sinalubong ko siya. "In-add kita sa Facebook!"


"Hindi ako nag-oopen," mahinang sabi niya.


"Pwes mag-open ka na tapos accept mo ko."


Mula sa gate ay natanaw ko na papasok ang mommy niya na si Mrs. Ethelinda Herrera kasama ang kapatid niyang si Jillian Mae. Ngumiti si Jillian nang makita ako. Kinawayan ko naman siya.


Nang tingnan ko ulit si Jordan ay nakataas ang isang kilay niya sa akin. Hay, ang aga-aga ang guwapo. I mean, ang suplado.


Nginisihan ko siya. "Close na kami ni Sissy."


Magkasabay kaming naglalakad ni Jordan patungo sa gilid ng bench nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay si Charles Felix Columna ang nakita kong papalapit sa amin.


Nakatiim-bagang ang lalaki habang masama ang tingin kay Jordan. "Carlyn, pwede ba tayong magusap?"


"Ulol. Kausapin mo sarili mo," pagkasabi'y kinapitan ko sa bisig si Jordan at hinatak palayo.


Nagpahatak naman si Jordan sa akin hanggang sa makarating kami sa tindahan ng school supplies. Nahihiyang tiningala ko siya matapos kong bitiwan ang kanyang bisig.


"Di ko boyfriend iyon," defensive na sabi ko kahit di naman niya tinatanong.


Nang tingnan ko ang mukha niya ay hindi ko sigurado kung imagination ko lang ba na parang ngumiti ang mga labi niya.


"Uhm, sige. Pasok na ako sa room ko," sabi ko para patayin ang awkward na hangin na hindi ko alam kung saan nanggaling.


Ang bilis ng mga hakbang ko na parang may humahabol sa aking sampung kabayo. Napatakbo na ako paakyat sa hagdan.


Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla na lang akong naduwag?


Sa hagdan ay maraming nakatambay na estudyante. Napapatingin sila sa akin. Ang isa sa kanila na dating classmate ko noong Grade 8 ay tinawag ako.


"Carlyn, may bagong vandal na naman sa banyo. Ikaw na naman ang bida."


Umismid ako. "Okay nga iyon para sikat ako." Paglampas ko sa kanila ay saka nagbago ang emosyon ng aking mukha.


Nagtagis ang mga ngipin ko. Sino ba kasing gumagawa ng vandal laban sa akin? Kung sino man iyon, sana mabulunan siya mamayang lunch break.


Pagdating ko sa floor namin ay naabutan ko sina Isaiah at Vivi sa terrace. Nasa may gawing gilid, mukhang may pinagtatalunan. Naiiling na nilampasan ko sila. Kasi naman di na lang magbreak para tapos ang problema.


Pagsapit ng break ay maligalig na naman ako. Nagretouch ako ng lip tint bago lumabas ng room. Hindi ko pinansin sina Nelly kahit tinatawag nila ako. May lakad ako ngayon. May misyon.


Sa canteen ako kumain kahit simot na ang pera ko ngayon. Tumambay talaga ako rito dahil alam ko na darating rito mamaya si Jordan.


Hindi nga ako nagkamali. Bago tumunog ang bell, nakita ko na siyang papasok ng canteen. Bumili lang siya ng mineral water saka lumabas din. Hindi niya ako napansin.


Tumayo ako at palihim na sumunod agad sa kanya. Sa gilid ng library siya nagpunta habang umiinom sa bote ng mineral water.


"Jordan!" tawag ko sa kanya nang kami na lang ang estudyante sa hallway.


Napaubo siya bigla at naibaba ang hawak na bote ng tubig.


"JM," tawag din mula sa likod ko.


Paglingon ko ay nagulat ako nang makitang nakatayo roon si Lou.



Luh, kailan pa siya sa likod ko? May hawak siyang maliit na timba ng pintura sa kaliwang kamay at brush naman sa kanan. Nakatingin siya kay Jordan na para bang wala ako sa pagitan nilang dalawa. Kainis panira.


"I need a hand here, JM."


Sandaling tumingin sa akin si Jordan bago niya nilapitan si Lou. Kinuha niya ang bitbit nitong timba ng pintura.


"Pinasara ko muna iyong CR ng girls. Pwedeng ikaw na ang magpintura ng vandal sa pader doon?" sabi ni Lou kay Jordan pero ang mga mata ay sa akin nakatuon.


Vandal? Napahugot ako ng hininga sa narinig.


"You saw the vandal naman na di ba, JM? ang babastos ng nakasulat. Sakit sa mata, sana mawala na iyon ngayon."


Nang tingan ulit ako ni Jordan ay umiwas ako ng mga mata. Ang funny lang sa pakiramdam. Nakita ko ang mga vandal tungkol sa akin, mas malalala at mas bastos iyon sa mga una.


Tumalikod na ako at iniwan ko na sila.


Sa walang direksyon na paglalakad ko ay napabalik tuloy ako sa canteen. Sakto na pagpasok ko ay papalabas naman si Mrs. Herrera, ang mabait na mommy ni Jordan.


Ngumiti sa akin ang ginang nang makilala ako. "Carlyn."


"Hello po, Ma'am." Napangiti rin ako sa kanya dahil naaalala niya ako. Ang bait niya talaga. Sana maging teacher ko siya sa Grade 12. Magsisipag talaga ako sa subject niya.


Paglampas ni Mrs. Herrera sa akin ay sinalubong siya ng isa pang teacher. Hindi pa sila nakakalayo nang maulinigan ko ang bulungan ng mga estudyante sa bench.


"Close sila ni Mrs. Herrera?" tanong ng babaeng estudyante sa katabing estudyante rin.


"Baka GF talaga siya ni Jordan."


"Hoy, di nga? Wag naman. Nakita mo ba iyong vandal sa banyo? Kawawa naman si Jordan kung totoo na GF niya 'yan."


Kumuyom ang mga kamao ko pero nagbingi-bingihan ako.



Naglakad ako paabante. Babalik na ako sa room ko. Kasabay ko sa iisang daan si Mrs. Herrera at ang kausap niyang teacher na Mrs. Sinsay yata ang pangalan. Nauuna sila sa akin kaya hindi nila alam na kasunod lang nila ako.


"Do you know that kid?" tanong ni Mrs. Sinsay na dinig na dinig ko dahil nga nasa likod lang nila ako.


"Ah, yeah. Kaibigan ni Jordan," kaswal na sagot ni Mrs. Herrera.


"Oh, really? Kaibigan ni Jordan? Alam niyo bang may issue ang batang 'yan."


Natigilan ako bigla sa paghakbang.


"Noong Grade 7 'yan, ako ang humawak ng case niya nang makipag-away siya."


Napahawak ako sa aking dibdib habang lihim na nakikinig sa usapan nila.


"Base roon sa nakaaway niya, magulo ang pamilya niya. Siguro iyon ang dahilan kaya siya rebelde."


Matagal bago nakasagot si Mrs. Herrera. "Nagbago naman na siguro. Dalaga na, nagmature na siguro..."


"I doubt. Kahapon lang ay nakipagbasag-ulo raw ulit."


This time ay hindi na nagsalita si Mrs. Herrera.


"Nireport ng guwardiya sa office, kilala na kasi 'yang si Carlyn Marie Tamayo. Sikat 'yan dito, iba-iba lagi ang issue. Mostly tungkol sa anger issue niya at sa pagkahilig sa pagpapalit ng lalaki."


Tahimik pa rin si Mrs. Herrera. Hindi ko na hinintay kung sasagot pa ba siya o hindi na, dahil ayaw kong marinig ang kung ano mang sasabihin niya.


Hindi ko kayang malaman ang nasa isipan niya. Pasimple akong umatras paalis sa likuran nila.


Umiba ako ng daan kahit pa mapalayo ako sa papuntang Grade 11 building. Sa pag-ikot ko sa kabilang building ay nakita kong palabas si Jordan. Hindi niya kasama si Lou at wala rin ang timba ng pintura.


Tapos na ba siyang tapalan ang mga bastos na vandal tungkol sa akin?


Anong reaction niya nang mabasa niya iyon? Nagulat ba siya o expected niya na?


Nadisappoint ba siya o wala lang kasi nga expected na?


Nang lumingon siya sa gawi ko ay nagtama ang mga mata namin, pero ako ang naunang umiwas ng tingin.


Para akong sinasampal ng realidad sa mga oras na ito. Ngayon ko naramdaman ang panliliit. Ngayon ko rin naalalang poles apart nga pala kami.


Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pinangarap ko siya bigla? Hello, si Carlyn Marie Tamayo ako at siya si Jordan Moises Herrera. Sobrang malabo kaming dalawa.


Bakit ba nakalimutan ko ang sinabi noon ni Nelly na pwede kong maging syota ang lahat ng lalaki rito sa Gov maliban kay Jordan?


Hindi porket parang concerned siya sa akin ay pwede na akong mag-isip ng kung anu-ano. Presidente siya ng council at mabuti siyang tao kaya malamang na tulungan niya ako, in short charity case lang ako.


Saka masyadong mababait at matino ang pamilya niya, ang taas naman ng pangarap ko kung pag-iisipan kong maging malapit sa kanila.


Mabibilis ang mga hakbang ko palayo. Hindi ko siya nilingon kahit pa nararamdaman ko na nakasunod sa akin ang mga tingin niya.


Habang naglalakad papunta sa building ng Grade 11 ay inilabas ko ang aking phone sa bulsa ng suot kong palda. Binuksan ko ang data at pinuntahan ang profile ni Jordan. Nandoon pa rin ang nakalutang kong friend request sa kanya. Mabigat ang loob na clinick ko ang cancel button.


Hindi naman siya nagf-Facebook so hindi niya rin mapapansin na nag-cancel request ako.


Saka ano ngayon kung nag-cancel ako? Pakialam niya ba sa isang tulad ko?


Sa room ay nanghihina akong naupo sa upuan ko. Susubsob na sana ako sa desk para umidlip nang magbeep ang phone ko. Nakalimutan kong naka-on pa pala ang data nito. Ichineck ko na rin kung ano ba iyon.


Pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang reason of notification.


Jordan Moises Herrera added you as a friend!

JF

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 148 37
I HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. H...
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.2K 133 24
Copyright @by:c_sweetlady All Right Reserved First Printing 2021 Edited by: Assisted by: Layout by: Disclaimer: This is work of fiction ,Names,chara...
21.2K 798 9
WARNING R-18: SENSITIVE THEMES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK Sawang-sawa na sa buhay si Janica, at naisipan na niyang gumawa ng goodbye letter sa Eart...