Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 28

9.6K 205 9
By Trisisisha


Nakaupo kami ngayon ni Raquel dito sa sala.

"Anong sabi?" tanong ko sakanya.

"Ewan ko nga e, hinahanap ka lang. iniisip ko talagang si Seven yon kaso hindi rin kasi wala kang mababakas na kabaklaan sa boses nung tumawag kanina, e. as in lalaking lalaki!" aniya.

Nangunot ang noo ko.

"Ano namang kailangan niya? wala bang sinabi na pangalan?" sunod sunod na tanong ko, umiling ito.

"Wala e, sabi lang ‘Hi, good day! Can i ask if where's Idalia Crosti?’ Then sabi ko nasa trabaho ka then ayon sabi niya ‘Ah, Okay! Thank you!’ Ayon lang." anito at nag kibit balikat.

Pinatong ko ang braso ko sa noo ko habang iniisip ang mga kaganapan ngayong araw, ang sinabi ni Sygred kanina. Ang lalaking tumawag. Imposibleng si Seven iyon, wala na si Seven. Patay na si Seven.

Umiling ako at napabuntong hininga.

Naisip ko ang sinabi ni Sygred.

Ano na ba talagang gagawin ko?! Iiwas pa rin ba talaga ako? o sasabihin ko na ang totoo? pero natatakot ako, natatakot ako para saamin ng anak ko.

"Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas." mula sa pag susulat sa white board ay napatingin ako sa isang student ko na nag salita.

Tumango ako. "Okay, be quiet guys. walang magulo habang nasa labas ako, okay? do your activities." sabi ko, nag si-tanguan naman sila. "good" ngumiti ako at lumabas.

Pag bukas ko ng pinto ay isang binatilyo ang bumungad saakin, nahihiya itong nag salita. "A-ahh, are you Ma'am Crosti?" Nahihiyang tanong nito at kumamot pa sa ulo, tumango ako. "Yes, I am." Nginitian ko siya.

Inilahad niya sa harapan ko ang isang nakatuping papel. "Ma'am, may nagpapabigay pong lalaki." Anito.

Nangunot ang noo ko at agad kinuha ang papel. "Sinong lalaki?" Tanong ko at agad binuksan ang nakatuping papel.

Hi Idalia, I hope to see you again soon!

Nangunot ang noo ko, ayon lang ang tanging nakasulat sa papel.

Sino naman ito? walang nakalagay na pangalan. Jacob? hindi. may pamilya na si Jacob, ayoko namang isiping si Seven ito dahil malabo. Wala na si Seven. at lalong hindi naman si Sygred ito dahil kakakita ko lang sakanya kanina sa Cafe sa labas at kilala siya ng mga estudyante dito, kung si Sygred man 'to ay sasabihin naman ng estudyanteng 'to at saka Sygred is not this kind of guy na mag sesend ng letters through papers. i guess.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa binatilyo na nasa harapan ko nang muli itong magsalita.

"Nakisuyo lang siya sakin. Ma'am, tapos umalis na lang kaagad." anito. Magsasalita pa sana ako para muling mag tanong nang unahan ako nito na para bang alam na alam na ang itatanong ko. "Nakasuot siya ng color black na cap. then, naka-black t-shirt at naka khaki shorts and rubber shoes." anito, sino naman kaya 'yon?

"Nakita mo ang itsura?" kunot noong tanong ko, naisip ko din kasi ang sinabi kagabi ni Raquel.

Umiling ito. "Hindi kita ang mukha Ma'am, e." anito. "Pasensya na po." Dagdag niya pa. Ngumiti ako at umiling.

"No need to say sorry, salamat. bumalik kana sa class mo." aabi ko at muling ngumiti sakanya, ngumiti din ito at tumango bago tumalikod at naglakad papalayo.

Inilagay ko sa bulsa ko ang papel at agad na akong pumasok sa classroom.

Naglalakad ako sa corridor, Nang biglang may tumabi sakin sa paglalakad.

Agad akong napalingon at bumungad sakin ang nakangiting mukha ng isang lalaki. Bahagya akong napalayo sakanya dahil masyado siyang madikit. Napansin niya ata yon kaya lumayo na din agad siya. Bumaba ang tingin ko sa suot niya, he's also a teacher siguro kaedaran niya si Sygred.

"Hindi ka ba comportable sa presensya ko?" tanong nito.

Agad akong umiling. "Hindi naman sa ganon."

"I'm sorry, okay? I just want to be friends with you. so, lumapit ako sayo." aniya at muling ngumiti.

Agad akong umiling, wala akong balak makipag kaibigan. may anak akong inaalagan din, may kaibigan na ako. Si Raquel at may mga kababata din naman akong nandyan parati para sakin. siguro ngayon, sapat na muna sila para sakin.

Agad nangunot ang noo nito.
"Why? Mabait naman ako." aniya at ngumiti ulit sakin.

Bakit ang hilig ngumiti ng isang to? wala namang masama sa pag ngiti, pero ang isang to ah hindi ko mapaliwanag, basta nawiwirduhan ako, medjo.

Hindi ko na siya pinansin, hanggang sa makababa kami ng hagdan. pero ang kulit ng isang 'to. madilim na dahil uwian na pero ang lalaking to sunod pa din ng sunod sakin.

Binilisan ko ang paglalakad. Patakbong humabol sakin ang lalaki at hinawakan ang braso ko.

"Hey!" anito. Napabuntong hininga ako at huminto para harapin siya.

"Ano ba talagang gusto mo, Sir? Look, uuwi na ako. please stop following me!" inis na sabi ko.

Kailangan ko nang umuwi dahil alam kong pagod na din kakaalaga ng anak ko si Raquel, nagpapaka-yaya na nga yung isa don. Ayoko namang pahirapan ng sobra sobra yung kaibigan ko. Topakin pa naman si Izak.

"Hey, I'm sorry, okay? I just want to know your name." Aniya.

"Fine, my name is Maria!" Inis na sabi ko at inis na tumalikod at naglakad papalayo.

Hindi ko gustong Maria ang tinatawag sakin, dahil ayoko lang. hindi ko gusto sa pandinig, pero dahil inis ako sa lalaking iyon ay nasabi ko.

"Ako na." Sabi ko kay Raquel pagkatapos kong mag bihis.

"Idalia, grabe na si Izak. Sobra sobra mag wala." Natatawang sabi nito.

“Para ng mapuputol ang braso ko kanina, iniwan ko sa carpet para makapag timpla ng milk niya. ayoko naman iwan sa sofa, baka sa kakawala niya ay mahulog sa sofa. grabe, hindi pa ako nanay nito ah! ang hirap mag alaga ng bata, jusko lord! ayoko munang mag asawa!" anito, napatawa ako.

"Wag kang magsalita ng ganyan, baka malaman ko na lang buntis kana!" Natatawang sabi ko, hinampas ako nito sa braso.

"Uy, mag tabi tabi ka nga! ayoko pa, wala pa ngang nakakagalaw sakin, gusto ko na lang manatiling birhen  habang buhay." anito na kinatawa ko pa lalo.

"Tulog na?" tanong ni Raquel na kakapasok lang ng kwarto. Tumango ako at sumenyas sakanya na wag maingay.

Naupo ako sa sofa dito sa kwarto namin ni Izak, sinenyasan ko si Raquel na lumapit.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Chikahan time, umupo kana!" mahinang sabi ko, mahina dapat ang boses dahil kaluskos lang nagigising na agad ang bata.

"Anong nangyare? anong ganap sa araw mo ngayon? ano nag kita nanaman kayo ni Sygred? anong sinabi niya? anong sinabi mo sakanya?" Sunod sunod na tanong nito.

"Hinaan mo nga yang boses mo! Magigising yung bata." ininguso ko pa si Izak. Tumango ito.

"Sorry, so ano nga?" curious na tanong niya.

"Kanina kasi, may nagpaabot ng sulat sakin." sabi ko.

Nanlaki ang mata nito at malawak na ngumiti.

"Luh, talaga? may secret admirer ka?! naks, secret admirer!"

"Tangek hindi, secret admirer ka jan! hindi nga daw makita ang mukha." sabi ko.

"Secret admirer nga!" Giit nito.

Inirapan ko siya. "Hindi nga sabi!" inis na sabi ko.

"At saka ang sabi sa sulat ‘I hope to see you again soon!’ hindi ko nga alam, wala akong idea kung sino." sabi ko.

"Sino naman yon? May pa-ganun ganun pa. pa-mysterious lang?" anito at tinaas pa ang isang kilay.

Napabuntong hininga ako.

"Ano kayang gusto non? yung sa tawag diba? tas ngayon sa sulat naman. pero parang pamilyar ang sulat e." sabi ko at inaalala kung saan ko nga ba nakita ang ganung sulat.

"Nasaan ba yung sulat?" tanong ni Raquel.

"Nasa may slacks na suot ko kanina." sabi ko.

"Kunin mo nga, patingin ako ng sulat."

Tumayo ako at nag tungo sa labahan para kunin ang slacks ko.

Kinapa ko sa bulsa nito ang papel.

Nang makuha ko ang papel ay agad akong nag tungo sa inuupuan namin ni Raquel kanina.

Umupo ako at inabot sakanya ang sulat.

Binuklat niya ito.

"Oh, diba? maski nga pangalan wala e." Sabi ko, pero nangunot ang noo ko. Nang biglang manlaki ang mata nito napatakip sa bibig.

"Oh my god!”

---

Hala 😁

Continue Reading

You'll Also Like

25K 858 44
(UNEDITED) Janice Lane Lee story A freaking spoiled brat but beautiful young member of the well-known family Lee. Kung ikukumpara sa ilang mga babae...
3.1K 270 51
A story of teenage girl that never expected she will be the girlfriend of the hottest and favorite basketball captain. How can she stop herself from...
70.2K 1.9K 42
Meet Gwendolyn Katerina Bloom Sanchez the Superstar, na kinahuhumalingan ng kalalakihan dahil sa angkin niyang kagandahan, pero kabaliktaran ng ugali...
42.8K 945 53
Zayara is a type of girl na may medyo kabulastugan. Palamura at gandang-ganda sa sarili, though totoo naman iyon. Lumaki siya sa marangyang buhay per...