Suarez Empire Series 1: My He...

By Warranj

2.8M 102K 15.5K

She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will thei... More

Disclaimer
My Heaven in Hell
Characters
MHIH 1
MHIH 2
MHIH 3
MHIH 4
MHIH 5
MHIH 6
MHIH 7
MHIH 8
MHIH 9
MHIH 10
MHIH 11
MHIH 12
MHIH 13
MHIH 14
MHIH 15
MHIH 16
MHIH 17
MHIH 18
MHIH 19
MHIH 20
MHIH 21
MHIH 22
MHIH 23
MHIH 24
MHIH 25
MHIH 26
MHIH 27
MHIH 28
MHIH 29
MHIH 30
MHIH 31
MHIH 32
MHIH 33
MHIH 34
MHIH 35
MHIH 36
MHIH 37
MHIH 38
MHIH 39
MHIH 40
MHIH 41
MHIH 42
MHIH 43
MHIH 44
MHIH 45
MHIH 46
MHIH 47
MHIH 48
MHIH 49
MHIH 50
MHIH 51
MHIH 52
MHIH 53
MHIH 54
MHIH 55
MHIH 56
MHIH 57
MHIH 58
MHIH 59
MHIH 60
MHIH 61
MHIH 62
MHIH 63
MHIH 64
MHIH 65
Epilogue Access
SOON 👀
My Heaven In Hell (book version)

Prologue

108K 2.6K 699
By Warranj

Prologue

I carefully inserted the amethyst stones through the elastic cord. Nang makarami ay sunod kong inilagay ang Miraculous medal at Padre Pio charm. I tied it and secured the clasp with a double knot and some glue.

"Ate, let's watch the new release of my favorite movie on Netflix!" It's Raphael, my younger brother.

Hindi ko siya tiningnan at nagpatuloy lang sa ginagawang rosary bracelet. "You know we can't watch anything on the television, Raph. Mapapagalitan tayo ni Papa."

"But Papa is not here yet! Mamaya pa po ang uwi niya. Hindi naman niya tayo maaabutang nanonood. Please, ate?"

Kinagat ko ang ibabang labi sabay bumuntonghininga. Ibinaba ko ang hawak na plais at nilingon ang bunsong kapatid. There's hope and sadness combined in his brown almond eyes. Walang ngiti sa labi niya, nakikiramdam sa magiging desisyon ko.

Ni minsan, hindi ko nagawang tanggihan ang sariling kapatid. There were many instances that I followed whatever he wanted as long as we will be doing it secretly. Kung may ginawa kami na labag sa patakaran dito sa bahay, siguradong magagalit sa amin si Papa. Walang problema kung ako lang ang mapapagalitan, pero kung pati si Raphael, ayaw ko.

Watching the television is not allowed unless we're going to watch Catholic-related shows. Pero kung mga simpleng palabas lang kagaya ng mga normal na pinapanood ng mga bata at matanda, hindi maaari. It's strictly probihited in this house. Bilang parte ng simbahan, malaki ang paniniwala ni Papa na masamang impluwensya lang ang idudulot sa amin nito.

Bagay na hindi ko maintindihan dahil ni minsan, hindi ako naniwalang kaya kang impluwensyahan ng isang tao o bagay. Mayroon tayong kaniya-kaniyang isip at paniniwala. Kung gagawa ka ng masama, ginusto mo 'yon.

Ganoon kasimple.

Muli akong humugot nang malalim na hininga at pinakawalan ito. Tipid akong ngumiti sa kapatid dahilan para ngumiti rin siya. He surely knows that I'll let him watch with me.

"Sige, pero sandali lang tayo, Raph. Mamaya ay dadating na sila Mama at Papa. Hindi nila tayo puwede maabutan lalo na at mayroong banal na misa mamaya."

"Yes, ate!" sunod-sunod ang tango na wika niya. His lips made a gigantic smile that exposed his dimples. "Thank you!"

"Bago ang lahat, magbihis ka na para mamaya pagdating nila ay nakaayos na tayo. Hindi tayo puwedeng mahuli."

Mabilis siyang tumalima sa sinabi ko at pumasok na sa kwarto niya. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala.

Raphael is already thirteen years old and he's surely curious about things right now. Sa sobrang higpit ni Papa sa amin, wala akong ibang dalangin na sana ay huwag gagawa ang kapatid ko ng mga bagay na pagsisisihan niya dahil lang sa kuryosidad.

Tinapos ko lang ang ginawang bracelet dahil may order nito sa akin mula pa sa ibang bansa. Bukod sa pagtulong sa restaurant namin, ang paggawa ng mga rosary bracelets ang siyang pinagkakakitaan ko. Sang ayon rin naman si Papa kaya wala akong nagiging problema.

Lahat ay kailangan dumaan sa kaniya. Lahat kailangan may pahintulot niya. Wala kaming sariling desisyon. Mahigpit, nakakasakal. Pero kailangan sumunod.

Honor your father and mother, so that you may live long in the land the Lord your God is giving you — this is what I always put in mind to stop myself from asking so many questions why my parents have to be this strict to us.

Para mailayo kami sa kapahamakan? Kahit sobra na? Siguro nga.

Nagkaroon kami ng isang oras ni Raph na makanood bago dumating ang mga magulang namin. Mabuti na lang at wala naman silang napansin na kakaiba. Minsan ay naaawa na lang ako sa aming dalawang magkapatid. Kinakailangan pang magtago sa panonood kahit na wala namang masama sa palabas na gusto namin panoorin.

"Si Archbishop Cardinal Mendoza ang mamumuno ng banal na misa ngayon, Chloe. Maging mahinahon at maingat ka sa bawat kilos mo. Ayaw kong magkakamali ka gaya nung nakaraang misa." si Papa habang nasa sasakyan kami patungo sa Manila Cathedral.

Bumuntonghininga ako. "That's an accident, Papa. Hindi ko naman po ginusto na matanggal ang swelas ng sapatos ko. Nakabili na po ako ng bago kaya wala na pong magiging problema."

"Mabuti kung gano'n. Naging usap usapan ka ng mga tao at nakakahiya 'yon sa parte ko."

Lihim akong napatingin kay Mama na nasa passenger seat katabi ni Papa na siyang nagmamaneho. She looked at me through the mirror. Tipid siyang ngumiti sa akin. Sa kanila ni Papa, siya 'yung hindi ganoon kahigpit. Hindi rin naman siya marunong magtanggol sa amin. Sunud-sunuran siya kay Papa. Kaming lahat.

Tumungo ako. "Pasensiya na po, Papa."

Hinawakan ni Raphael ang kamay ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. He has that comforting smile that's been my salvation whenever I feel down. Hindi ko gusto ang pakiramdam sa tuwing nagagalit si Papa sa akin.

Pakiramdam ko, wala akong kwenta sa paningin niya.

Ilang minuto pa ang hihintayin bago magsisimula ang banal na misa. It usually starts at four in the afternoon. Pero dahil natatanaw na namin ang sasakyan ni Archbishop Mendoza, maaaring magsimula nang maaga.

"Go to the convention room. Archbishop is already here. Make it fast." si Papa, kami ni Mama ang tinutukoy.

Isinuot ko ang kulay gintong kwintas kung saan naroon ang malaking crucifix na umabot sa mismong dibdib ko. Lahat kaming miyembro ng simbahan ay mayroon nito.

Bumaba kami ni Mama ng sasakyan, si Raphael ay inihatid ni Papa sa bandang unahan ng mga upuan sa loob. Kapag nag disasais siya, gusto ni Papa na maging isa siya sa mga sakristan.

"Pagpasensyahan mo na ang Papa mo, Chloe. Nag-aalala lang 'yon sa'yo." sabi ni Mama habang nasa convention room kami kung saan kami lang ang tao.

I was fixing my long straight brown hair through the mirror when I looked at her. Ngumiti ako.

"Ayos lang po, Mama. Nasanay na po ako."

Sunod kong inilagay ang maliit na belo sa ulo ko. Hinagod niya ng kamay ang suot kong puting palda na lampas ng tuhod ko. Gano'n rin sa aking puting blusa na sakto lang ang hapit sa aking katawan.

"Mahal kayo ng Papa mo, anak. Gusto lang no'n ang kabutihan para sa inyo."

I didn't answer. Tanging ngiti lang ang ginawa ko dahil ganoon naman palagi ang sinasabi niya. Totoong nasanay na ako.

Kumalembang na ang kampana ng simbahan. The altar servers are already forming a line at the entrance. Nang umugong ang pambungad na kanta, nagsimulang maglakad papasok ang mga ministro ng banal na komunyon, isa roon si Papa. They're followed by the Lecter 1 and 2.

I was holding the book of Gospels above my head while walking, eyes directed to the altar. I've been a Commentator for five years and I'm still not used to the attention these people around are giving me. Palagi akong nakakaramdam ng hiya.

The Archbishop and the other altar members stopped in front of the sanctuary. Habang ako ay nagpatuloy sa paglalakad at umakyat sa altar. I placed the book of Gospels on the stand, make a few steps backwards and bow my head as Archbishop Cardinal Mendoza bow his head too for the first time.

The holy mass started. I was already standing on the ambo as Archbishop telling some Gospels. Inililibot ko ang paninging sa kabuuan ng simbahan. Punong-puno ito at hindi na ako nagtataka. Malaking simbahan nag Manila Cathedral, palaging dinadayo.

"The word of the Lord..." The Priest said.

Bahagya akong tumungo at itinapat ang bibig sa mikropono. "Thanks be to God."

Dumapo ang mga mata ko sa isang partikular na lalaki sa kalagitnaan ng mga upuan. He's smirking while looking at his phone. It's obvious that his attention was out of the holy mass. An old woman beside him suddenly slapped him on his thigh. Tiningnan nung lalaki iyong matanda na ngayon ay tila siya pinagsasabihan. The man who have dark features and tattoos all over his arms hide his phone away and bore his eyes to the altar.

Our eyes accidentally met.

We stared at each other for seconds.

"A reading from the the Holy Gospel according to John..."

"Glory to you, O Lord." I said without taking ny eyes off the man.

Saka ko lang inalis ang atensyon ko sa lalaki nang basahin ko na ang Ebanghelyo.

Bakit ba may mga taong ang hilig pumasok sa simbahan pero hindi naman bukal ang puso sa pakikinig ng misa? Hindi ba nila alam na pagkakasala iyon sa Panginoon?

Hindi porque pumasok ka sa tahanan Niya ay puwede mo nang sabihin na nagsimba ka. You have to listen to the Gospels and homily and put it in your heart for you to be able to communicate with Him.

Pero kung papasok ka lang sa simbahan para mag-cellphone, mabuti pang huwag ka na lang pumasok.

Archbishop Mendoza was having a homily when I felt the urge to pee. Nagpaalam ako kay Mrs. Reyes bago tumungo at tuluyang dumaan sa likod. Sa mismong banyo sana ng simbahan ako magtutungo kaya lang ay naalala kong sira iyon at kasalukuyang ginagawa.

Mayroong maliit na parke sa tabi mismo ng simbahan. Naroon rin ang isang banyo at sa tingin ko ay doon na lang ako pupunta.

Sa ilalim ng mga puno ng Narra ay naroon ang ilang bench. Malayo pa lang ay napahinto na ako nang matanaw ang isang lalaki at babae na tila naglalampungan. The man was whispering something on the woman's ear as she kept on giggling.

Hindi na ginalang ang simabahan! Dito pa talaga sila naglampungan!

Malalaki ang hakbang ko patungo sa kanila. Habang papalapit, saka ko lang napagtanto na pamilyar ang lalaki.

"Hindi ba at siya 'yong lalaki na panay ang cellphone habang nasa misa? Ngayon naman ay narito siya at nakikipaglandian." bulong ko sa sarili.

I continued walking towards them. Hindi nila ako pansin dahil abala sila sa isa't-isa. At nang tuluyan nang makalapit ay huminto ako. Unang tumingin sa akin 'yong lalaki, nag-angat ng kilay.

"Mawalang galang na pero narito kayo sa simbahan. Hindi tama ang inyong ginagawa. Huwag n'yo sanang mamasamain." kalmadong sabi ko.

The woman looked at me. She chuckled as if she's mocking me. Samantalang iyong lalaki naman ay titig na titig lang sa akin, nakaangat ang sulok ng labi.

Gwapo siya kung tutuusin. Napakagwapo sa kabila ng katotohanang nababalutan siya ng tattoo. Pero wala nang mas gugwapo pa sa paningin ko sa lalaking maka-Diyos.

"Excuse me but we're not in the mass anymore. We can do whatever we want—"

"Parte pa rin ng simbahan ang parke na ito. Kung ayaw n'yong mapagsabihan ay mas mabuti pang ilugar n'yo ang mga ginagawa n'yo. With all due respect, this is not a hotel, Ma'am."

I anchored my eyes on the man. He's not saying anything. He's just staring at me, intensely and bold. I pulled my gaze away and cleared my throat. Tiningnan ko silang dalawa.

"Matthew 5:28, But I say to you that everyone who looks at a woman with lustful intent has already committed adultery with her in his heart." Those words came out of my mouth.

The tattooed man chuckled. "I'm not looking at you with lust."

"It's obvious in your eyes."

If it's not lust, then I don't know what to call that anymore.

I sighed. Forgive me, Lord, for I have quickly judged this man.

"Just please respect the House of God. Respect His Temple."

Iyon lang ang sinabi ko at tumalikod na. I heard a low and deep chuckle from him, it's laced with mockery.

"Your God is not true, Ma'am." he said that made my eyes grow round!

Mabilis akong pumihit paharap sa kanila. May ngisi sa labi ang lalaki, tila nang-aasar pa.

"Pardon?" I asked. "Why are you here then?"

He chuckled. "Napilitan lang."

Nahigit ko ang hininga, pinipigilan ang sarili kong huwag gumawa ng negatibong reaksyon.

"Kilabutan ka sa mga sinasabi mo. Naririnig ka ng Panginoon."

He raised his thick brow and lifted the corner of his lips.

"Kalokohan."

All throughout my existence, this is the first time I personally heard someone who doesn't believe in God. Alam kong mayroon talagang ganoon kaya lang ay hindi ako lubos na makapaniwala na sa harapan ko pa mismo 'yon sinasabi.

Gusto ko man magalit ay pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

Proverbs 14:29, Whoever is slow to anger has great understanding, but he who has a hasty temper exalts folly.

Diretso kong tinignan ang lalaki sa mga mata niya at tipid na nginitian.

"God bless you..."

Pagkasabi no'n ay pumihit na ako patalikod at tuluyan na silang nilisan. Nawala na sa isip ko ang pakay na pag-ihi pero hindi bali na. Maghahanap na lang ako sa ibang lugar.

Sa gitna ng paglalakad ay pasimple kong nilingon iyong lalaki. He's still staring at me, a devilish smirk was plastered on his lips. Mabilis akong nagbawi ng tingin.

"Gwapo nga. May sa dimonyo naman."

Forgive me Lord, for my mouth have sinned.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Wrong Decisions By Dyeya

General Fiction

62.5K 2.3K 51
Si Madeline Holmes ay isang simpleng teenager na may simpleng buhay. Bilang isang huwarang anak, ni minsan ay hindi niya binigo ang kaniyang mga magu...
525K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...