ANG KUKO NI HILDA (GODDESS SE...

By BLACKxNEON

1.6K 453 255

MINSAN, LAGI NATING SINASABI NA 'SANA HINDI NA TAYO MAKARANAS NG KAHIRAPAN'. KAPAG NAGING SAKIM KA SA YAMAN... More

NOTE:)
PROLOGUE!
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
EPILOGUE!

KABANATA 23

14 6 0
By BLACKxNEON



KABANATA 23

PAGTULONG


"Mama, may sakit po ba ako? Bakit ganito ang aking mga kuko?" Tanong ni Hilda sa kanyang ina.


Nagtataka si Hilda dahil noon naman ay hindi kakaiba ang kanyang kuko. Nanibago rin sya dahil sa bigat nito. Parang hindi natural at naging kulay ginto na humihiyaw sa kintab.


"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon anak. Hayaan mo 'kong ipaliwanag sayo kapag tayo'y mayaman na." hinaplos ni Maria ang buhok ni Hilda.


Sa nagdaang araw ay ginugupitan ng kuko ni Maria at Pedro si Hilda. Dinadala nila ito sa pinakamalapit na pawnshop. Ilang milyon ang nakukuha nila dahil sa sobrang bigat nito kahit maliit lamang.


"Araw-araw po kayong nalalagi dito sa pawnshop ah? San po ba nanggagaling itong mga gintong ito? Kay liliit pero sobrang bibigat... Mauubosan na ng pera ang owner ng pawnshop na 'to." Nagbibirong sabi sa huling salita ng babae.


Hindi sumagot si Maria at Pedro. Ngumiti na lamang sila at ayaw nang pahabain pa ang usapan.


Inilagay ng babae ang pera sa bag at ibinibigay ito kay Maria at Pedro. Ang galak ng puso ng dalawang mag-asawa habang naglalakad pauwi.


Sa apartment na kanilang tinutuloyan ay inilalagay ang pera sa ilalim ng kama. Hinanap nila si Hilda sa buong kwarto ngunit wala iyon do'n. Lumabas sila at kinatok ang kabilang kwarto at nang magbukas ito'y tumambad sa kanila ang ina ni Hildo.


"Asan si Hilda?" Tanong ni Maria.


"Nandito sa loob naglalaro sila ni Hildo." sagot ng ina ni Hildo.


Tumango si Maria "Nasaan ang iyong asawa?"


"Nagkakape sa kusina."


"Tawagin mo at sumama kayo sa akin sa aming kwarto. May nais kaming ibigay sa inyo."


Kumunot ang noo ng ina ni Hildo sa pagtataka. Agad syang umalis sa pinto at pinuntahan ang kanyang asawa.


Pumasok sila sa kwarto nila Maria at pinaupo ang ina at ama ni Hildo sa bakanteng upoan.


Umalis naman si Pedro at kumuha ng isang milyon sa ilalim ng kama.


Ngumiti si Maria sa ina ni Hildo at hinawakan ang kamay nito "Alam ko ang hirap ng pinagdaanan natin no'ng tayo'y nasa San Diego pa. At ngayong nakakaangat kami'y nais kong handogan kayong mag-asawa ng aming kayamanan"


"A-Ano ang iyong ibig sabihin, Maria?"


Inabot ni Pedro ang plastic bag na naglalaman ng isang milyon kay Maria.


Inilagay ni Maria ang plastic sa kamay ng ina ni Hildo. "Gamitin nyo ito. Palaguin nyo at kapag lumago na'y tumulong rin kayo sa iba na nangangailangan ng tulong."


Kinuha ng ina ni Hildo ang nasa loob. Namilog at dalawang mata at ng kanyang asawa nang makita ang hawak nito. Napaupo ng tuwid ang ama ni Hildo at kinuha ang plastic sa kandungan ng asawa. Sinilip ng ama ni Hildo ang loob at kinuha ang nasa loob nito.


Napamaang ang bibig ng ina ni Hildo habang nangangatal ang kamay habang pinapasadahan ng tingin ang dami nito. Purong isang libo at hindi mo mabibilang ng mag-isa lamang. Kailangan mo ng sampong tao o limang tao para mabilang ng mabilisan.


"Saan ito nanggaling, Maria?" Dahil sa tuwa ay ramdam ng ina ni Hildo ang bilis ng kabog ng kanyang puso. Marami agad syang naisip para mas rumami ang pera na iyon.


"Hindi 'yan galing sa masama. Kung nagtataka kayo. Magpakalayo-layo kayo at palaguin ang pera na aming hinandog sa inyo. Maraming salamat sa lahat..."


Niyakap ng ina ni Hildo si Maria. Ang ama naman ni Hildo ay si Pedro. Tuwang-tuwa ang dalawa.


"Isang milyon iyan. Sana'y mas higit pa sa isang milyon ang inyong maipon." ani Maria.


"Magtatayo kami ng isang karenderya---"


"Mas mabuti kung mas malaki pa roon. Maaaring restaurant. Mas mapapabilis ang paglago ng pera kung restaurant ang inyong ipapatayo. Maraming mayayaman ang kakain roon at maaaring mas makilala ang iyong restaurant dahil alam kong kay sarap ng iyong mga pagkain na nailuluto." sabi ni Maria sa ina ni Hildo.


"Maaari nga... Ngunit, saan nanggaling ang pera na 'to, Maria? Paano kayo? Bakit nyo kami binigyan ng gantong kalaking halaga? Meron pa ba kayo nito?" Sinuri pa ng ina ni Hildo kung totoo. "Totoo ang pera na'to. Hindi ito peke dahil alam ko ang peke sa totoo."


"Hindi kami magbibigay ng peke sa inyo... At oo, meron pa kami." Ngumiti si Maria. "Palalagoin rin namin ang pera na nasa saamin."


"Salamat talaga..."


Saya at kagalakan ang nararamdaman ng mag-asawa.


"Ngayon lang ako nakahawak ng gantong kalaking pera." sabi ng ina ni Hildo.


"At mas lalaki pa 'yan sa inyong mapapalagong restaurant." sagot ni Maria at ngumiti. "Aalis na rin kami."


"Saan kayo pupunta?" Tanong ng ina ni Hildo.


"Hahanap kami ng bahay. Magkikita pa rin tayo. Wag ka mag-alala. At kapag nagkita tayo sana'y ipapagmalaki mo na ang inyong naipon."


"Pangako. Iiponin namin ang pera at mas palalagoin. At dahil sa hindi mabilang na pera na aming naipon ay magkakaroon na kami ng bank account tulad sa mayayaman."


Sa apartment na tinutoluyan nila Hildo ay si Maria at Pedro ang nagbayad. Binigyan na rin nila ito ng pagkain habang naroroon. Bumalik na mag-asawa sa kanilang kwarto. 


Habang naglalaro si Hildo at Hilda ay napansin ni Hildo ang mga kuko ni Hilda sa kamay. "Anong nangyari sa'yong mga kuko? Bakit puro sugat ito?" Hinawakan ni Hildo ang kamay ni Hilda at pinagmasdan ang sugat na naroon.


"Ginugupitan ni Mama at Papa. Sobrang haba na raw. Masakit nga eh!"


"Teka lang. Kukuha ako ng betadine." tumayo si Hildo at naghanap ng gamot. May nakita syang medicine kit na nasa wall at kinuha nya ang bulak at betadine roon.


Nakasalubong nya ang ina at ama "Oh, Hildo. Anong gagawin mo dyan?" Tanong ng kayang ina.


"Sugat ang kuko ni Hilda, Mama. Gagamotin ko lang." sagot ni Hildo at bumalik na kung saan nya iniwan si Hilda.


Sinundan ng mag-asawa ang anak at nakita nila kung paano ginamot ni Hildo ang sugat nito.


"Anong nangyari sa'yong mga kuko, Hilda?" Tanong ng ina ni Hildo at pumaluhod na para suriin ang mga sugat na naroon.


"Madalas pinuputolan po ako ni Mama at Papa ng kuko. Kaya umiksi ng umiksi at nagkasugat na. Ang bigat na po kasi."


"Ginto ba 'to? Hindi naman gan'to ang iyong kuko, Hilda ah?" sabi ng ama ni Hildo.


"Ginto po? Hindi ko po alam."


At doon napagtanto ng mag-asawa na ang perang ibinigay sa kanila ni Maria at Pedro ay galing sa kuko ni Hilda. Pero, bakit may gintong kuko si Hilda? Nakakapagtaka dahil hindi naman ginto ang kuko nito no'ng bata pa.





BLACKxNEON


Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...