KABANATA 27

14 6 3
                                    



KABANATA 27

MGA PULIS, HAVIEN AT HILDO


Mabilis na nakatalon si Hildo roon sa terrace at napadaing siya ng muntik na siyang matapilok. Napaupo muna sya at hinimas ang likod ng paa. May aninong papalapit sa pinto ng terrace kaya agad mabilis na tumago si Hildo sa pinakadulo ng terrace. Tumigil sa pinto ang isang lalaki na may hawak na baril at umalis na rin. Napahinga ng maluwag si Hildo dahil hindi siya nakita.


Sinilip ni Hildo sa pinto kung walang tao roon. At agad siyang pumasok nang makumpirmang walang tao. Sinuyod niya ang hospital para malaman ang nangyayari sa loob. Agad siyang napapatago kapag may tao. Gano'n na lang ang pagkabigla niya nang makarinig siya ng ingay sa loob ng isang kwarto. Maraming nagbabantay sa labas kaya hindi siya makabuwelo.


Lumabas si Hildo sa loob ng Hospital at tumungo sa terrace. Umikot siya sa labas ng terrace at nang nasa tapat na siya ng kwartong hinahanap nya'y sumilip agad siya. Laking gulat niya ng makita si Hilda na nakahiga at hinang-hina na habang ginugupitan ng kuko sa paa at kamay. Gusto mang sumugod ni Hildo sa loob ngunit alam niyang sa dami ng naroroon ay hindi siya makakalaban. At hindi niya rin matutulongan si Hilda para itakas roon ng nag-iisa lamang.


Sinilip ni Hildo ang baba ng terrace at naghanap ng taong walang nagbabantay upang makaalis siya. Ngunit marami roong nagbabantay. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kaklase niyang kaibigan na alam niyang matutulongan siya. At nang mag-ring iyon ay agad niyang in-off. Mas mabuting itext niya na lamang dahil maaaring marinig ang siya ng mga tauhan roon. Nagtext agad ang kanyang kaibigan.


Daryl:
   Why you call, Bro?


Hildo:
   Nandito ako sa isang Hospital. May kinidnap ng mga Doctor ang kaibigan ko. Naalala mo 'yong lagi kong kwenekwento sayong bestfriend ko?


Daryl:
   I'll call Dad now. Send mo sakin location.


Agad namang senend ni Hildo ang lugar kung saan. Panay ang dasal na Hildo na sana'y dumating na ang mga pulis.


Daryl Calling...


Sinagot naman iyon ng kanyang ama na pulis. Isang Chief ang ama ni Daryl. Kaya sya ang tinawagan ni Hildo.


"Hello, Dad. My friend called me. Kinidnap daw 'yong bestfriend nya. Text ko na lang 'yong location, Dad."


Hinarap ng pulis na ama ni Daryl ang mga magulang ni Hilda "Ma'am, tumawag ang aking anak at nasabing kinidnap daw ang kaibigan no'ng kaibigan niya. Baka ito po ang iyong anak."


Tumango naman si Maria at Pedro. Pinaandar ni Havien ang kanyang sasakyan at sinundan ang sasakyan ng mga pulis.


Mas pinabilis ng mga pulis at Havien ang kanilang sasakyan upang mapaaga. At nang makarating, pinalibotan agad nila ang buong Hospital.


"Hospital? Sigurado bang sa Hospital?" sabi ni Havien sa ama ni Daryl.


"Ito ang tenext na address ng aking anak, Sir."


May lumabas na isang lalaki para magyosi at agad iyong tinutokan ng baril ng isang pulis "Wag kang gagalaw. Nasaan ang kinidnap niyo?"


Lumapit roon si Havien "Sino ang kinidnap niyo?"


Itinaas ng lalaki ang kamay "Babae. H-Hindi ko kilala. Hindi ko rin alam... Basta nakita ko, Babae..." Agad iyong pinosasan ng isang pulis.


Pumasok na ang mga pulis sa loob. Gano'n rin si Havien.


"Mas makakabuti kung sa labas ka nalang, Sir. Kami nag bahala rito." sabi ng ama ni Daryl kay Havien.


Hindi iyon pinansin ni Havien at agad nakipaglaban sa mga nagbabantay roon.


Gano'n rin ang ginawa ni Hildo. Walang pasubaling nakipaglaban siya ng walang ginagamit na armas. Tanging pakikipagsuntokan lamang na agad nagkakabulagta ang mga iyon.


"Tigilan mo na nga yan, Agom." kinuha ni Pedro ang alak na nilalagok ni Maria. Kanina pa umiinom si Maria na walang paki sa mga nangyayari.


"Argh! Bakit ba?! Kailangan kong mahimasmasan! Si Hilda hindi pa wala pa! Kaya dapat mas maraming bodyguard niya! Tingnan mo! Maaaring maghirap nanaman tayo! Dahil diyan sa mga kidnappers na 'yan!"


"'Yan lang ba ang inaalala mo? Kayamanan? Ayaw maghirap? Do'n naman tayo galing ah!"


"Pagod na 'kong maging mahirap! Sa tuwing maaalala ko kung paano tayo kumain isang beses sa isang araw! At ang kunti-kunti pa! At ngayong mayaman na tayo... Nagagawa na natin lahat ng gusto natin!" Napaupo si Maria habang umiiyak at pinahid niya ito. Dinalohan naman siya agad ni Pedro "Ayaw kong mawala lahat ng itong sa atin..."


"Patawad..." 'Yon lamang ang nasabi ni Hildo at tumayo para harapin ang ina at ama ni Havien. "May balita na ba?".


"Wala pa. Hindi pa tumatawag ang mga pulis o si Havien." sagot ng ina ni Havien na si Hazel at pumaluhod na rin kay Maria at agad itong niyakap "Anong nangyari, Amiga? Are you okay?"


Putokan at labanan ang namayani sa Hospital. Narinig iyon ni Hilda kaya napamulat ng kaunti ang kanyang mga mata. Pati ang mga Doctor ay nagkakagulo na rin. Agad nakakita ng isang babae na malabo sa paningin ni Hilda. Papalapit sa kanya ang isang babae na nagsusumigaw sa liwanag ang aura nito.


"Annyeong, Hilda... Kamusta ka na?"


Tila nagulat si Hilda ng makita si Goddess of the Gold. Hinaplos nito ang kanyang buhok.


"Hirap na hirap na'ko Goddess... Hanggang kailan po ba ako magkakaganito?" Hindi alam ni Hilda kung bakit diretso niya iyong sinabi. Nanghihina pa siya ngunit nasalita niya iyon ng maayos.


"Ikaw lang ang makakahanap ng sulosyon na 'yan, Hilda. Ikaw lang..."


"Ang tagal ko na pong hinahanap ang sulosyon. Ngunit hanggang ngayo'y hindi ko pa rin po alam..."


"Wag kang mag-alala..." ngumiti ang Goddess of the Gold sa kanya.


"Tulongan niyo po ako... Tulongan niyo pk akong makatakas dito..."


"May tutulong sayo... Nandito na siya." at tumingin si Goddess of Nature sa pinto kaya gano'n rin ang ginawa ni Hilda.


Nakita ni Hilda ang pigura ni Hildo at nakipaglaban sa mga Doctor at mga tauhan na nasa loob. Nawala na rin si Goddess of the Gold.


Napadaing si Hildo nang tumalsik ang kanyang dugo mula sa kanyang bibig ng sinuntok siya.


Inilagay naman agad sa wheelchair si Hilda ng dalawang Doctor ngunit bago pa nila itakas si Hilda ay pumasok na ang sangkatotak na mga pulis kaya nahuli na ang mga doctor.


Dinalohan agad ni Hildo si Hilda at inilabas siya sa Hospital habang nakasakay sa wheelchair. Kinuha ni Hilda ang kaliwang kamay ni Hildo na nakahawak sa panulak at hinawakan iyong mabuti.


Ligtas na'ko...





BLACKxNEON


ANG KUKO NI HILDA (GODDESS SERIES #1) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now