PROLOGUE!

250 66 32
                                    



PROLOGUE!

MARIA AT PEDRO


Sa bayan kung saan lahat ay maraming mahihirap na nakatira, kunti lamang ang may kaya, nandito kami sa bayan ng San Diego.


Isa akong tindera ng mga isda, at ang asawa ko namang si Pedro ang nangingisda.


Ako si Maria, mahirap na tao dito sa bayan ng San Francisco.


30 years old na ako pero d pa kami nag kakaanak ni Pedro, 10 years na kaming mag asawa.


Marami kaming mga utang tulad sa Bombay o mga kapitbahay, kunti lang ang nahuhuling isda ni Pedro kaya kunti lang din ang nabebenta ko, magkasama kami ni Pedro sa hirap.


Sira sira na ang aming bahay, may tumutulo galing sa bubong na makalawang na, kahoy na mga gabok na at may nahuhulog nang bokbok.


Pag umuulan pa nga sasahudan lang namin ng planggana.


Maliit lang bahay namin ni Pedro at sa sahig lang kami natutulog na may latag na banig na sira na rin.


Ganyan kami kahirap, mas mahirap pa sa daga.


Kadalasan isang beses lang kami kumain sa isang araw.


Kung tag init naman, namamaypay kami ni Agom o ni Pedro na asawa ko, dahil walang pambili ng electric fan, dahil sa init, madalas hindi na kami natutulog.


Madalas rin isda ang aming ulam dahil yon ang ikinabubuhay namin.


Nang dumating sa bayan namin si Manong Peter ay tinutolongan nya kami, kilala sya na isa sa may kaya dito sa bayan ng San Diego, at dahil sa kanya nagkaroon kami ng sari-sari store, at si Agom naman ay swenerte dahil marami nang nahuhuling isda at tatlo o apat na beses pa sa isang araw kami kumain.


Saya, sobrang saya namin ni Agom! At malaki ang pasasalamat namin kay Manong Peter.


Ginawa na namin ni Pedro ang matagal na naming gusto, ang mag kaanak.


At ayon, nabuntis ako sobrang saya namin ni Agom at sa 10 years na pagsasama namin ay mag kakaanak na kami.


"7 months ngayon ng nasa sinapupunan mo Agom" ani Pedro habang hinihimas ang tyan ko "malaki benta ko sa isda, gusto kong makakain ka ng masarap na pagkain"


"Haha, nakakakain naman ako non ah! Pasalamat nga tayo kay Manong Peter eh!"


Umalis na si Pedro para bumili ng letsong manok.


Nang makabili sya, may nakita syang matandang namamalimos at hinihimas ang tyan.


"Nagugutom na ako iho, pahinge ng dala mong pagkain" habang nakalahad kamay nya kay Pedro.


Kawawa naman si Nanay, mukhang matagal na syang d kumakain dahil nangangayat na sya, pero teka nga! Napansin ko ang kuko nya sa kamay na kulay ginto, kinusot ko ang mata ko, ginto nga! Pero imposible naman na may gintong kuko imposible 'yon.


"Ito po Nanay, kumain ka po ng mabuti" inabot ni Pedro ang dala nyang isang buong manok na nasa plastik.


"Nako iho salamat, pero hindi ba dapat para sa asawa mo Ito?" Ani Nanay.


"Bibili nalang po ako uli---" Hala? Nanlaki ang mata ko.


"Iho! Napakabuti mong tao, kayong mag asawa napakabuti nyo, kaya dahil dyan, ang nasa sinapupunan ng iyong asawa ay magbibigay ng yaman sa inyo, SANA IPAGPATULOY NYO ANG PAGIGING MABUTING TAO, Ito iho sayo na yang binigay mo at dapat na makain yan ng iyong asawa dahil nandyan ang magic"


Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat, baka nababaliw lang si Nanay Hays, pero bakit bigla syang nawala? Nasan na sya?


Napatingin nalang ako sa kamay ko, hawak ko na ang binigay ko kay Nanay pero hindi ko naman to kinuha sa kanya, umuwi ako ng bahay at kumain na kami ni Maria.


Hindi ko malimutan ang nangyari kanina, hindi ko na rin kwenento pa kay Agom Maria dahil baka mafrustate lang sya o ano.


Nagkwento nalang sya ng nakakatawang pangyayare dito sa bahay kanina, gabi na kasi.


Habang buntis si Maria ay dapat nasa bahay lang kaya hindi ko sya pinayagang magtrabaho sa palengke na tuminda ng isda, malaki na rin kasi ang tindahan ng aming isdahan at marami na ring nagtatrabaho.


Habang kumakain kami napansin ko ang tyan ni Agom Maria ay lumiwanag ng kulay ginto, nanlaki ang mata ko kaya nakita ako ni Maria pero umiling nalang ako, at nawala na rin naman ang pag ilaw ginto no'n.


Dalawang buwan na ang nakalipas at manganganak na si Maria.


Nang ianak ito ng Komadrona, dahil sa bahay na sya nanganak at hindi sa ospital dahil malayo iyon, ay ibinigay na ito saakin.


Pinakatitigan ko ang bata na karga ko at napapangiti nalang ako na 'Ito na anak ko' may matatawag na akong anak...


Nakatulog sa panganganak si Agom kaya, at ako naman ay pinagmamasdan ang bata, kalahati kay Maria at kalahati saakin ang itsura nya.


Nang magising si Maria ay tinanong ko kung anong ipapangalan namin.

Sabi nya "Tawagin natin syang 'Hilda" ngumiti abot mata si Maria, ganon na rin ako.


Pero masamang balita ang nakarating saamin, si Mang Peter, patay na! Inatake sa puso, ngayon lang.


Tamang paglabas ni Baby Hilda ay sya ring, pagkamatay ni Mang Peter.


Isang linggo na ang nakalipas, nandito kami ngayon sa sementeryo kung saan ililibing si Mang Peter.


"SALAMAT MANG PETER SA LAHAT" Ani ko ng bukal sa loob.


Si Mang Peter ang dahilan kaya kami nakaahon sa hirap.


Pagkauwi sa bahay ay pinalitan na namin ni Maria si Baby Hilda ng damit, pero laking gulat namin ng kulay ginto na ang kuko nito sa kamay.


Naalala ko ang nagdaang buwan, si Nanay oo si Nanay! Ibig sabihin totoo sinabi nya? At hindi kaweirduhan lang?


Kaya nang matapos naming palitan ng damit si Baby Hilda ay sinabi ko kay Maria ang sinabi saakin noon ni Nanay kaya nagulat sya.


Pero isang buwan ang nakalipas, kunti nanaman ang nahuhuling isda ni Pedro, at mahina na rin ang sari sari store nila.


Nagbabawas na rin sila ng tauhan sa tindahan ng isda.


Lumulugi na ang sari sari store nila, tindahan ng isda at ang pangingisda ni Pedro ay kunti na ang nahuhuli.


Babalik nanaman ba sila sa sobrang kahirapan? Lalo na ngayon at may anak na sila.





BLACKxNEON


ANG KUKO NI HILDA (GODDESS SERIES #1) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now