KABANATA 7

51 14 33
                                    


KABANATA 7

GODDESS OF THE GOLD

"Bakit ganyan sya? Lagi na lang ba sya naka-gloves at medyas? Ang baduy-baduy! Hahahahaha..." Narinig na bulong-bulongan ni Hilda. Hindi na sya magtataka kung sya ang pinagkwekwentohan. Sanay na sya! Lagi na lang ganto.

Madalas naiisip ni Hilda na umalis na sa eskwelahang ito. Pero ayaw ng kanyang nga magulang. Sikat at maganda ang itinuturo dito sa Ateneo. Kaya dito gustong mag-aral sya ng kanyang mga magulang.

Yakap nya ang libro patungo sa library. Napapayuko na lang sya sa bawat naririnig na masasakit na salita sa mga tao.

Umupo sya sa pinakagilid. Kahit dito sa library ay maraming pumapansin sa kanya. Dito na nga sya pumunta dahil tahimik, pero kahit pala dito ay pinagtitinginan sya at pinagkwekwentohan.

Tapos na ang break time kaya pumunta na sya sa susunod nyang subject. Madalas syang nakayuko kapag naglalakad sa dagat ng tao.

Muntikan na syang mabuwal ng bigla syang binangga ng apat na babaeng nakasalubong nya. Tumabi naman sya pero binangga pa rin. Sumulyap sya ng bahagya sa apat na babae. Umirap sila "Haharang-harang kasi.".

Nagulat sya ng biglang may umakbay sa kanya. Napaangat sya ng tingin sa matangkad na lalaki. Diretso lamang ang tingin nito. Ni hindi sya sinulyapan.

Napatitig sya sa lalaking iyon. Huli na nang napagtanto nyang ang dagat ng mga tao ay nasa tabi. Binibigyan sila ng espasyo para makadaan. Natuwa si Hilda dahil wala na syang naririnig na bulongan. Pero ang mga tingin sa kanya ng mga tao ay nanlilisik at nagugulat. Si Hilda naman ay napapaisip kung bakit sya inakbayan at inalalayan ng lalaking ito.

Tumigil sila sa pinto, kung saan ang room nya sa subject na iyon. Nakalimutan nyang room na pala nya iyon. Ang dami kasing tumatakbo sa isip nya kung sino ang lalaking ito.

Ni hindi man lang ito sumulyap sa kanya hanggang sa makapasok sya sa room. Umalis na yong lalaki. Parang pamilyar sya. Parang nakita ko na.

Umupo sya sa hulihan. Bumaling sa kanya ang mga kaklase sa subject na iyon. "Close kayo?" Masungit na tanong sa kanya ni Chloe.

Umiling si Hilda sa gulat. Dahil sa unang pagkakataon ay may kumausap sa kanya.

"Kung ganon, bakit mo kasabay?" May inis sa boses ni Chloe.

Umiling na lang si Hilda at yumuko. Dumating na ang Professor nila at nagsimula nang magturo.

Lunch time nang pumunta syang restaurant nila Hildo. Alam nyang wala si Hildo dito pero gusto nya pa rin dito kumain ngayong lunch.

Kumaway agad sya sa ina ni Hildo. Lumapit sya at nagmano. Maraming customer ang nasa restaurant. May napapabaling sa kanya.

"Ang ganda nya. Kaso ang baduy!" Ani ng isang babae.

"Ang cheap! Naka-uniform tapos medyas at sandals? HAHAHAHAHAHA!".

Kumain na lang si Hilda. Sinabayan sya ng ina ni Hildo. Nagkwentohan sila. Manager ang ina ni Hildo. Samantalang ang ama naman nito ay madalas sa kusina.

"Bakit hindi ka nalang umalis sa mansyon, Hilda? Hirap na hirap kana..." Naaawang ani ng ina ni Hildo.

Malungkot na umiling si Hilda "H-Hindi ko po kayang iwan si Mama at Papa.".

"Kaya magtitiis ka nalang?".

Hindi sumagot si Hilda. Basta nakikita nyang masaya ang mga magulang nya, masaya na rin sya. Dati, naghahanap sila ng kakainin sa araw-araw. Isa o dalawang beses lang sila dati kumakain pero ngayon... Sobra pa sa tatlong araw. Kahit anong pagkain at bagay ay pwede mong mabili. Nang dahil sa kanyang gintong kuko.

Nagulat sya ng biglang hinawakan ng ina ni hildo ang nga daliri nyang natatakpan ng gloves. Hinimas iyon ng ina ni Hildo at malungkot na tumingin sa kanya.

"Salamat Hilda ha!... Kung hindi dahil sayo, wala kami dito. Siguro hindi nakapag-aral si Hildo. Maraming salamat. Dahil sa iyong kuko'y naging marangya ang aming buhay." Ngumiti ito sa kanya.

"Natutuwa rin po ako dahil nakakapag-aral na kami ni Hildo...".

Nagpaalam na si Hilda dahil male-late na sya sa panghapong klase.

Dumaan ang mga araw. Lagi syang pinagbubulongan. Lagi syang pinagtatawanan. Hangin na lang iyon kay hilda dahil sanay na sya.

Nakita nya si Hildo sa labas ng gate. Agad syang tumakbo ng walang tunog dito. Tinusok nya ang tagiliran ni Hildo at napabaling ito sa kanya saka ngumiti.

Naglakad sila patungo sa nag-aantay na kotse. Sumakay sila sa likod.

"Kumusta ang araw mo?".

"Ayos lang naman." Ngumiti si Hilda. Hindi kasi alam ni Hildo ang sitwasyon nya sa eskwelahan na iyon.

"May bibilhin lang ako sa mall. May project  kasi. Kailangan na bukas."

Sumama si Hilda papasok sa mall. Bumili ng color paper, color pencil, pencil at ruler si Hildo. May nakitang libro si Hilda kaya bumili rin sya non. Mukhang maganda, base sa brief description ng kwento.

Akmang magbabayad na sya ng biglang naglapag si Hildo ng pera sa cashier at isinabay na iyong kanya. Napailing na lang si Hilda at ibinalik ang pera sa wallet.

"Umuwi kana kaya. Tatlong drawing ang gagawin mo diba? Ayos na ako sa bahay. Umuwi kana, para magawa mo agad yan."

Napatitig muna si Hildo kay Hilda bago tumango. Inihatid si Hildo sa bahay nila.

Nakauwi na si Hilda at naglakad patungo sa daan papasok sa kanilang mansyon. Pumasok sya sa kanyang kwarto at agad nang napahiga sa kama. Bago pa sya makapag- isip ng biglang may liwanag galing sa kanyang cr.

Kakaiba yong liwanag. Hindi sya liwanag sa ilaw. Naglakad si Hilda don. Kinuha nya ang bag nya. Baka sakaling magnanakaw. Pero imposible namang magnanakaw iyon. Maraming bodyguards sa kanilang mansyon. Hindi basta-basta makakapasok ang magnanakaw.

Nanigas sa kinatatayoan si Hilda nang nasa hamba na sya ng pinto. Kitang kita nya ang napakagandang babae. Para syang si Mama Mary dahil ganda at amo ng mukha. Kahit sino siguro ay mapapatulala sa babaeng ito. Pero mas nagulat si Hilda nang lumulutang ito sa ere.

Ngumiti sa kanya ang babae. "Anneyong, Hilda!" Kumaway pa ang babae. "I'm the Goddess of the Gold...".

Gustong magsalita ni Hilda pero hindi kayang bumuka ng kanyang bibig.

"Wag ka matakot. You're kind. Nalalapit na Hilda. Hindi kana maghihirap... Mawawala ang dapat na mawala... Ang nakaukit sa iyong palad ay magbibigay daan kung saan ka dapat."




BLACKxNEON

ANG KUKO NI HILDA (GODDESS SERIES #1) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now