KABANATA 17

27 11 7
                                    



KABANATA 17

KASABWAT


Ilang araw na ba ako nandito? 3 Days? 4 Days? Ni hindi ko na alam! Ni wala akong nakikitang araw o gabi dahil wala man lang ditong bintana.


Napakadilim ng kwarto at hindi ko pa man lang nasisilayan ang liwanag tulad ng nasisilayan ko sa araw-araw.


Madalas napapaisip si Hilda. Hinahanap kaya ako ni Hildo? Eh si Mama at Papa kaya? Hinahanap rin kaya nila ako?


Kung sana hindi nalang ako nagsabi kay Mama na tanggalan na ako ng mga bodyguards. Kung sana hindi na lang ako nag-aral. Sana hindi na lang ako namasyal no'ng araw na iyon, Sana hindi ako nakakulong sa madilim na kwartong ito.


Halos mabingi na si Hilda sa katahimikan. No'ng araw na nakausap nya ang nagdala sa kanya dito na nagpakilalang Doctor nya ay hindi na muli pang nagpakita sa kanya. Huli lang nya itong nakita no'ng bumalik ito para dalhin sa kanya ang kanyang pagkain. Iniwan na rin sya no'n. May pumasok na isang mayordoma ng mansyon ngunit hindi man lang sya nito kinausap o sinulyapan man lang. Gano'n ang nangyari sa mga sumunod na araw. Ni hindi sya nito pinapansin. Nagmamakaawa si Hilda na tulongan sya nito pero walang namutawing salita ang lumabas sa bibig ng mayordoma.


"Nagmamakaawa po ako saiyo, Tulongan nyo po ako. Gusto ko nang makaalis dito. Tulongan mo po ako." Nakikiusap na ani Hilda. Lagi ganto ang sinasabi nya sa mayordoma.


Para syang hangin na hindi pinansin ng mayordoma at umalis na sa madilim na kwarto. At sa pagsara ng pinto ay binuksan nito ang ilaw na syang nagbigay liwanag sa buong kwartong madilim. Nasilaw pa si Hilda kaya napapikit ang kanan nyang mata at ang kaliwa naman ay nakamulat ng kunti. Do'n sya nagulat, bago pa isara ang pinto ng mayordoma ay tumingin ito sa kanya. Nang nasanay ang mata ni Hilda sa nakakasilaw na liwanag ay naimulat nya ang parehong mata ngunit kasabay no'n ang pagsara ng pinto.


Sa tinagal-tagal ko dito, ngayon nya lang binuksan ang ilaw. May ilaw pala sa gitna ng kwartong ito. Bakit no'ng nakausap nya yo'ng nagpakilala sa kanyang Doctor ay hindi man lang binuksan ang ilaw na to sa gitna? Ilaw lang sa malayo ang kanyang binuksan. Ayaw ba nyang makilala ko sya o matandaan ang kanyang mukha?


Nagpapasalamat si Hilda kahit papaano dahil maliwanag na ang kwarto. Sa sobrang liwanag ay nakita na nya ang kabuoan ng kwartong madilim noon. May book shelf sa kaliwang gilid sa tapat ng pinto. May picture frame sa katapat ng kanyang kama.


Bumaba ang tingin ni Hilda sa kama. Pinagmasdan nya ang pagkain na dinala sa kanya ng mayordoma. Sa ilang araw nyang pamamalagi dito ay masasarap ang pinapakain sa kanya. Binibigyan rin sya ng gamot. Nabasa nyang antibiotic iyon para tuloyang gumaling ang kanyang sugat sa kanyang mga daliri. Nanunuyo na rin ang kanyang mga sugat. Napapaisip si Hilda, Kapag ba magaling na magaling na ang mga sugat ko'y puputolan na ako ng kuko? Tulad ng ginagawa sa akin ni Mama at Papa? Para tuloy ayokong gumaling ang mga sugat na ito.


Gamit ang bibig ay kinain ni Hilda ang inihaw na karne at spaghetti. Parang aso kung kumain si Hilda. Nakagapos pa rin ang kanyang mga paa at kamay kaya hindi nya ito magagamit para makakain ng maayos. Dahil sa gutom at gusto pa nyang mabuhay ay kumakain sya kahit na para syang aso kung kumain.


Napangiti si Hilda ng makita ang spaghetti. Biglang sumagi sa kanyang isipan no'ng una syang makakain nito. 'Yung batang
nagbigay sa kanya ng spaghetti.


"Psssttt... You look like hungry, Eat up!"


Nakatatlong kain lang sya at hindi nanaman naubos. Ganto lagi sya kapag kumakain. Ni hindi nya kayang sikmurain ang mga pagkaing ibinibigay sa kanya. Kahit sakto lang iyon para sa ikabubusog nya'y hindi nya kayang ubosin. Basta para sa kanya Makakain lang ako. Ayos na. Gusto ko pang mabuhay. Gusto kong makatakas dito.


Ngunit, makakatakas pa kaya si Hilda? Parang tanging ang mayordoma at sya lamang ang nasa mansyon na iyon. Ang Doctor na kumulong sa kanya ay hindi pa nagpapakita. Kung nasaan man ang Doctor na iyon ay sana hindi na bumalik para madali lamang ako makakatakas.


Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mayordoma. May dala itong damit at inilapag sa kanyang kama.


"Maligo ka at magbihis. Nasa cr ang mga kakailanganin mo." sabi ng mayordoma na hindi sya tinitingnan at itinuro ang pinto kung saan ang cr.


Sa isang araw ay tatlong beses lamang nakakaihi si Hilda. Sa pagdumi naman ay nagdadalawang araw pa dahil sa kunti nyang kinakain. Kinalas ng mayordoma ang kadena sa kanyang mga kamay. Nakita ni Hilda ang pamumula ng kanyang palapulsuhan. Ilang araw na syang hindi nakakaligo o nakakapagsipilyo. Ngayon lamang.


Nagulat si Hilda nang umalis na ang mayordoma sa kwarto. Napamaang ang bibig ni Hilda dahil hindi man lang kinalas ang kanyang kadena sa paa.


Kinuha ni Hilda ang damit na nakalapag sa kama. Pinagmasdan nya ito. Short shorts at t-shirt. Napatigil si Hilda ng makita ang print sa likod.


'Balder 18'



Balder? Isa lang ang kilala kong may apelyidong Balder. At imposibleng sa kanya ito! Hindi maaari! Hindi ako pagtataksilan ng aking kaibigan.



Napatingin si Hilda sa bumukas na pinto. "Manang!" nanlaki ang mata ng babaeng pumasok habang nakatingin sa kanya. Tinatawag ang mayordoma ng mansyon.



Kahit ba ang kaibigan ay pagtataksilan ka? Ipagkakanulo ka ng kaibigan? Nangyayari pala kahit kanino 'yong napanuod ko sa The Bible ni Papa Jesus? Pinagtaksilan at Ipinagkanulo ni Hudas si Papa Jesus para sa pilak? Matutulad ba ako do'n?



Kaibigan ko si Sarah Balder.  Una kong naging kaibigan sa Ateneo kung saan kami nag-aaral. Mabait sya kahit masungit tingnan. Marami syang kaibigan. Ama ba nya ang Doctor na kumulong sa akin dito? Kaano-ano nya iyon kung gano'n? Kaibigan nga ba talaga kita Sarah? Anong ginagawa mo dito sa mansyon ng Doctor na iyon kung hindi kayo magkaano-ano.



Sa kanya itong jersey na damit na ipinapasuot sa akin. Sa kanya din siguro itong short shorts.


Kayamanan rin ba ang mahalaga kay Sarah? Mayaman na sila bakit kailangan pa nila akong gamitin?



Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ni Hilda sa mga oras na iyon. Natutunan ni Hilda ang mga gawain ng isang teenager dahil kay Sarah. Si Sarah ang nagturo sa kanya kung paano makihalobilo sa iba at kung paano mag-ayos sa sarili.



Sarah Balder, Bakit ka nila kasabwat?





BLACKxNEON


ANG KUKO NI HILDA (GODDESS SERIES #1) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now