Possessively Owned by Messiah

By Ajai_Kim

577K 17.1K 2.4K

Loving a cold heartbreaker gorgeous man is the most regretful thing that I did. Messiah Avenido wants to poss... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 24

11.3K 352 157
By Ajai_Kim

THIRD PERSON'S POV

Ngayon ay nakatambay si Rebecca sa isang parke malapit sa subdivision ng bahay nila. Sobrang litong-lito na siya sa mga gagawin niya. Alam niya na kailangan niyang pumili kina Aiden at Messiah.

Hindi pupwedeng pagsabayin niya ang mga ito dahil ang pagmamahal ay dapat lang ilaan sa isang tao.

Alas 9 na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi sa kanila. Ayaw niyang makita muna si Aiden o si Messiah kahit ngayong araw lang. Naiipit siya sa isang sitwasyon na kung saan ay may kailangan siyang piliin at masaktan.

"Nandito ka pala,"

Nagulat si Rebecca nang makita niya si Harry na nasa harapan niya. Nakasuot ito ng itim na pulang jacket habang nakapamulsa. Kitang-kita ang pagkakaroon nito ng foreign blood dahil sa kulay asul nitong mga mata at blonde na buhok. Kamukhang-kamukha talaga nito iyong paborito niyang singer nung 90's na si Justin Timberlake ng NSync.

Umupo ito sa tabi ng inuupuan ni Rebecca na wooden bench habang nakangiti sa kanya. Palagi itong nakangiti si Harry at para bang tila walang problema sa mundo.

"You didn't love, Aiden. I can see it in your eyes." Banggit ni Harry habang nakatanaw lang ito sa mga kotse at street lights na natatamaan ng ilaw sa gitna ng dilim sa parke.

Napayuko naman doon si Rebecca. Nahalata na pala iyon ni Harry.

"Do you still love Messiah Avenido? 'Yung matalinong senior high school student noong 1st year high school palang tayo?" Humarap si Harry sa kanya habang nakangiti kaya napatingin na rin siya dito.

Kung may audition lang ang Colgate malamang bagay na maging model doon si Harry dahil sa ganda ng mga ngipin at ngiti nito. Napakagwapong nilalang nga naman!

"Halata ba talaga na patay na patay ako noon sa kuya nina Isaac at Eli?" Tanong naman ni Rebecca.

Tumawa doon si Harry at tumango. "Yup. Kilalang snobber 'yon nung nag-aaral palang tayo. Sa dami yata ng babaeng lumalapit sa kanya ni isa wala daw siyang pinatulan o nilapitan." Sabi naman nito.

Tumango doon si Rebecca. Tama si Harry, snobber na talaga noon pa si Messiah sa mga babae. Kapag related lang sa pag-aaral ang topic ay saka siya mamamansin ng mga estudyanteng babae noon.

"Alam na alam mo, ah?" Sabi niya at napatawa nalang rin.

"Ako ang Student School President e, kaya alam na alam ko ang mga chismis do'n." Tumawa ulit si Harry habang umiiling.

"Kumusta nga pala si Faye?" Biglaang tanong ni Rebecca.

"Nasa amerika na. She married an american army and they already have a daughter and son." Sabi ni Harry.

Tinignan ng mariin ni Rebecca si Harry. Hindi naman ito mukhang malungkot nang banggitin niya ang ex-girlfriend nito. Nakangiti pa rin ito habang nagkukwento.

"Do you still love her?" Kaagad umiling si Harry.

"Matagal na akong naka move-on sa kanya. Naisip ko nga na hindi ko naman pala siya sobrang minahal nun, maybe na attract lang ako sa kanya pero after niyang makipaghiwalay sa akin dahil pinagpalit niya ako sa ibang lalake ay naka move-on rin naman ako kaagad." Sabi nito.

Tumango nalang si Rebecca dahil wala na siyang masabi.

"I think nalaman mo na rin ang balita noon na crush daw kita. Gagong Tom 'yon! Napakachismoso talaga dahil kumalat pa 'yon sa buong school at nakarating kina Isaac at Eli." Tumawa ulit si Harry habang inuunat nito ang leeg niya.

Tila nahiya naman si Rebecca sa sinabi sa kanya ni Harry. Talaga ngang may crush na ito sa kanyang noong high school palang sila pero hindi niya ito pinaniwalaan dahil girlfriend nito si Faye noon na ngayon ay ex-girlfriend nalang niya.

"Who wouldn't have a crush with you? You're pretty and kind, Rebecca kaya hindi na rin big deal noon nang malaman nilang crush kita. Thank God na hindi ako nabugbog ni Isaac nung nalaman niya rin 'yon." Ngumiti si Harry at tinignan ng seryoso si Rebecca.

"Rebecca, don't force yourself to stick into relationship na si Aiden lang ang masaya. In the end, pareho lang kayong masasaktan kung patuloy pa rin ang relasyon niyo."

Bumuntong-hininga si Rebecca. "Aiden needs me, may sakit siya sa pag-iisip at kailangan niya ako." Pinipigilan ni Rebecca na huwag maluha dahil sa sinabi niya.

"If Aiden loves you, papakawalan ka niya. Kayo naman kasing mga babae, kahit nasasaktan na ay mas pinipili niyo nalang na manahimik. Hindi naman kami manghuhula." Humalukipkip si Harry habang nakatingin pa rin kay Rebecca.

"Ayokong masaktan si Aiden-"

"Paano naman 'yung taong mahal mo? Talaga bang kakalimutan at ibabaliwala mo na siya para lang kay Aiden? What if makatagpo 'yon ng babaeng magmamahal sa kanya? So, wala ka nang pag-asa."

Sa sinabi ni Harry ay doon natamaan si Rebecca. Paano nga kung sa ginagawa niya ay tuluyan na talagang mawala sa kanya si Messiah at makatagpo ito ng babaeng para sa kanya? Sa naiisip palang ni Rebecca ay bigla nalang sumikip ang dibdib niya do'n.

May isang araw nalang siya para hiwalayan si Aiden. Tama si Harry sa mga sinabi niya. Unfair rin para kay Aiden na magkarelasyon sila gayong one sided lang ang pagmamahalan nila.

Hinawakan ni Rebecca ang kamay ni Harry na ikinagulat pa ng binata.

"Thank you sa mga sinabi mo, Harry. You're right, hindi ko na dapat pinapatagal ang relasyon namin ni Aiden dahil mas masasaktan lang siya sa akin kung magtatagal kami." Sabi ni Rebecca nang nakangiti.

Tumango naman doon si Harry na tila namumula pa ang buong mukha.

"W-Walang anuman, Rebecca." Sabi nito.

Nang mapansin ni Rebecca na kanina pa siya nakahawak sa kamay ni Harry ay kaagad niyang tinanggal ito.

"S-Sorry." Nahihiyang sabi niya.

Tumawa naman si Harry sa naging ekspresyon ng mukha ng dalaga. "It's okay, Rebecca."

Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa pagkatapos. Nakatanaw lang sila sa parke habang nagmumuni-muni. Sa lamig ng panahon at tahimik na kapaligiran kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ni Rebecca. Pati na rin nang dahil kay Harry.

"My mom said before, love also needs a freedom. Kung mahal ka ng isang tao dapat ay papalayain at mas pipiliin niyang maging masaya ka sa tunay mong mahal. Sacrificing is the bravest thing you can ever do to the person you really love." Tumingin muli si Harry kay Rebecca at tila ay nabasa niya ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nakatatak na 'yon sa isipan ko, Rebecca. Masaya na ako kapag nakita kong masaya na rin sa iba ang babaeng mahal ko."

Sa mga tingin ni Harry sa kanya ay may para itong ibang ipinapahiwatig.

"Ibang-iba ka talaga kina Isaac at Eli." Sabi ni Rebecca na ikinatawa naman ni Harry.

"I'm glad na nakalaya ka na sa magkapatid na 'yon. Ako ang naaawa sa'yo kapag pinag-aagawan ka nila, e. Ang ganda mo naman kasi masyado." Pambobola pa nito.

Napangiti nalang si Rebecca.

Bigla namang tumingin si Harry sa suot niyang relo. "It's already 9:30pm in the evening. Ihahatid na kita sa inyo. Delikado na umuwi ka lang mag-isa dahil nagkalat ang masasamang loob sa paligid kapag gabi na." Paanyaya nito sa kanya.

Wala namang nagawa si Rebecca kundi tumango nalang at pumayag na ihatid siya ni Harry pauwi sa kanila.

Tutal walking distance lang naman ang layo ng parke sa bahay nila ay naglakad nalang sila ni Harry. Nakatingin lang sa kanya ang binata nang nakangiti habang naglalakad sila.

Maaliwalas talaga ang mukha ni Harry at mukhang good boy lang na foreigner. Magaling rin itong magtagalog dahil sa Pilipinas na talaga lumaki ang binata at nagmigrate lang ito papuntang Germany para doon ay mag-aral ng kolehiyo. Ngayong graduating na sila ng college ay saka lang ito muling bumalik sa Pilipinas para tapusin ang pag-aaral ng college para matutukan na ang Company nila ng Dad niya na nasa Pilipinas nakabase.

Nang nasa tapat na ng bahay nila Rebecca si Harry ay nagpasalamat ang dalaga sa kanya.

"Thank you sa paghatid sa akin, Harry. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Sabi nito.

"No worries. I just want to say na sundin mo kung ano ba ang gusto ng puso mo. I notice that you are being too kind kaya inaabuso ka na. I'm now your friend, Rebecca and you can trust me too, if you want." Ngumiti ito sa kanya.

"Oo naman." Nakangiting sabi ng dalaga.

"Friends?"

Inabot naman ni Harry ang isang kamay niya para makipagshake hands kay Rebecca. Tinanggap naman iyon ni Rebecca habang nakangiti.

Ang tagpong iyon ang nasaksihan ni Rodney habang nakadungaw ito sa pintuan ng bahay nila. Nailukot nalang nito ang hawak niyang coke in can dahil sa nakikita niya.

Pagkaalis ng lalakeng kasama ni Rebecca ay kaagad itinapon ni Rodney ang nalukot na coke in can sa sahig at nilapitan nito ang kapatid niya na nagulat pa nang makita siya.

"Where have you been?" Seryosong tanong nito kay Rebecca.

"S-Sa park lang, kuya."

"Who's that guy?" Madiing sabi ni Rodney.

Sa totoo lang ay natatakot ngayon si Rebecca sa kuya niya. Mukha na naman kasi itong galit sa kanya.

"Si Harry, schoolmate ko siya." Sabi niya.

Tumaas naman ang kilay ni Rodney sa sinabi ni Rebecca.

"Gabing-gabi na tapos may kasama ka lang palang lalake? Paano kapag may ginawang masama sa'yo 'yon? Hindi ka pa ba nadadala sa ex-boyfriend mo?" Galit nitong sabi.

Napakagat-labi nalang si Rebecca dahil galit na naman sa kanya ang kuya niya. Napapansin na niya na madalas na itong nagagalit sa mababaw lang na dahilan.

"Sorry po, kuya..." Nagsorry nalang siya kaysa sa magtalo pa sila.

"Simula ngayon, ayoko nang may ibang lalake kang kasama. Malilintikan sila sa akin sa oras na lapitan ka pa nila. Kahit sila Isaac pa 'yan o ang mga kapatid niya wala na akong pakialam dun. Ako at si Dad nalang ang lalake sa buhay mo. Tandaan mo 'yan!" Madiin nitong sabi at nauna nang pumasok sa loob ng bahay nila.

Napapikit nalang si Rebecca dahil pati ang kapatid niya ay pinoproblema na rin niya. Ang weird na rin ng ikinikilos ng kuya niya at hindi na rin niya maintindihan kung bakit nagkakaganon ito.

Pumasok nalang siya sa loob ng bahay nila ng malungkot at dumiretso sa kwarto niya.

Nagtungo naman si Rodney sa kusina para pahupain ang selos at galit na nararamdaman niya ngayon. Kumuha ito ng bote ng alak sa ref nila pagkatapos ay tinungga niya ito.

Mga bata palang sila ay labis na siyang humahanga sa kapatid niyang si Rebecca. Bukod sa mapagmahal itong kapatid ay sweet rin ito at sobrang maaalalahanin sa kanya. Ang akala niya noong una ay isang simpleng paghanga lang bilang magkapatid ang nararamdaman niya para dito pero habang lumalaki na sila ay mas lalo pang nahuhulog ang loob niya dito.

Hindi sila pwede dahil totoong magkapatid talaga sila. Mahahalata naman iyon dahil magkamukha rin sila kahit papaano.

Pinipigilan naman nito ang bawal niyang nararamdaman para kay Rebecca kaya nga hinayaan niya itong magkaroon ng boyfriend pero hindi na niya talaga mapigilang magselos at magalit lalo na nung naging boyfriend ni Rebecca si Aiden.

Siniraan niya si Aiden at sinabing nang-alipusta ito ng isang matandang pulubi sa labas ng Cafeteria na pinuntahan niya kung saan niya nakita doon si Aiden ngunit gawa-gawa lamang niya ang kwentong iyon sa halip ay tinulungan pa nga ni Aiden ang matandang iyon at binigyan ng pera.

Tuluyan siyang nagalit dahil hindi pinaniwalaan ni Rebecca ang sinabi niya at mas pinaniwalaan pa nito si Aiden imbes na siya na kapatid niya. Isang buwan rin niyang hindi pinansin si Rebecca hanggang sa magkabati na sila dahil nakipaghiwalay na ito kay Aiden.

Bigla namang may tumawag sa cellphone niya kaya sinagot niya kaagad ito.

"Hello?"

[What now, bro? Pinahiram ko sa'yo ang mga gangmates ko para matuloy 'yang balak mo so where's my reward? Baka nakakalimutan mo na ang kasunduan natin?] Sabi ng lalake sa kabilang linya.

Si Jackson ang kausap ni Rodney. Ang half brother nila ni Rebecca.

"Hindi ka ba makapaghintay? Sige, bukas ay ilalagay ko na 'yung pera sa bank account mo pero siguraduhin mong malinis ang pinatrabaho ko sa'yo at walang ebidensiya na matitira." Seryoso niyang sabi.

[Don't worry, brother dahil inilibing na namin sa malayong lugar ang nagtangka ng masama sa pinakamamahal nating kapatid. Chill lang dyan.] Tumawa pa si Jackson sa kabilang linya na ikinainis niyang lalo.

"Sige na, may gagawin pa ako."

[Okay. Goodnight kapatid! Sweetdreams-]

Kaagad nang pinatay ni Rodney ang tawag dahil sa inis niya kay Jackson. Nagkasundo lang naman sila dahil sa isang plano na ginawa niya makaganti lang sa ginawa sa pinakamamahal niyang kapatid na si Rebecca.

"Walang pwedeng ibang umangkin at humawak sa pag-aari ko. Sa akin ka lang, Rebecca."

Madiing sabi ni Rodney habang nakatitig ito ng mariin sa bote ng beer na iniinom niya.

Hindi pwedeng malaman ng lahat na siya ang pumatay sa dati niyang mga kaibigan na sila Demi, Kris at Colt dahil sa ginawa ng mga ito sa pag-aari at kinababaliwan niyang kapatid na si Rebecca.

Walang ibang pwedeng makaalam.

---
Sorry for late posting. Medyo busy lang sa work. I don't think na everyday na ako makakaupdate pero tatapusin ko pa rin ito.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
751K 13.9K 25
COMPLETE GideonxMandy
297K 7.1K 46
Meet Xeldre Samonte, a.k.a the number one model in her country. Mataray sya at talagang sadista kaya walang tumatagal na P.A sa kanya. One day, bigla...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...